You are on page 1of 5

Malayo pa lamang ako ay dinig ko nanaman ang malalakas na tawanan ng mga

nag-iinuman. Ang iingay nanaman nila habang nagkakantahan. Pero sa araw araw
kong pagdaan dito ay nasanay na ako sa halos araw-araw ko ding nakikitang
senaryo na ito.

Ang madilim na daan ay mas napadilim pa ng bumabalot na usok dito ng sigarilyo.


Hinanap ko kung sino nanamng gago ang naninigarilyo dito sa daan. At di nga ako
nagkamali, nakita ko si Trigo.

Kaya dali dali akong lumapit sakanya.

"Woy, di mo ba alam kung ano batas dito?" Pabalang kong tanong sakanya.

"Hindi" pabalang nya ding sagot saakin. "Bakit sino ba ang may gawa ng batas na
yun dito?"patuloy nya pa.

" Sino pa ba? Edi ang astig na si JL" sabay flex ng braso ko at hinimas himas ang
kunwaring muscles ko.

At dahil don napatawa sya ng malakas. At habang wala pa sya sakanyang katinuan
ay agad kong hinablot ang hawak nyang sigarilyo.

"Gago!! Hoy, ibalik mo yan sakin!! Sakin yan hayop ka!!" Pagmamaka awa nyang
sigaw saakin.(I think nagmamakaawngiti at tawa?) "JL naman ehhh!! Ngayon lang,
pangako di na mauulit! Hayaan mo ako kahit ngayon lang! Pangpatanggal lang ng
problema ko. Hayaan mo na ako kahit ngayon lang... Pangako... " napaluhod sya sa
lupa habang humahagulhol.

Bigla naman akong naawa sakanya, dahil ang kaninang sigaw nya ay nauwi sa
hagulhol. Ang kaninang maangas nyang porma ay nawala. Kung kanina ay
nakakatakot na tindig ang makikita mo, ngayon ay halos maawa ka na dahil halos
lumapasay na sya sa lupa.

"Malaki ang problema ng gagong 'to" bulong ko sa sarili ko.


Binitawan ko ang sigarilyo at agad itong nahulog sa lupa. Nakita nya ito at aabutin
sana, pero naglaho ang pag asa sa mukha nya nang agad agad ko itong tinapakan.

At tuluyan na nga syang hunagulhol. Dahil nasa madilim kaming parte ng daan ay
wala saamin ngayong makakakita. At dahil din nga sa maigay na tawanan ng mga
tambay na nag-iinuman, walang sinuman ang makaririnig sakanya ngayon dito.

Yumuko ako at tinulungan syang tumayo.

"Trigo, kung may problema ka sabihin mo lang. Di yung gagaya ka din sa iba at
magbibisyo. Gago ka ba?"pabulong kong bulyaw sakanya dahilan kung bakit
mapaangat ang tingin nya saakin.

"A-ano? Sinong gago?"nauutal at naguguluhan nyang tanong saakin.

"Ikaw. Gago ka.. Iiyak iyak ka dyan" biro ko pa sabay tawa.

"Aba't kung gago ako, gago ka din." Sabi nya sabay tawa. Kaya sa huli, tawanan
nalang kami ng tawanan.

Nang mahimasmasan na kami sa pagtawa ay sabay kami ng nagkatinginan. Alam


kong sa isang tingin palang nagkakaintindihan na kami. Kapwa namin alam na
parehas kami may pinagdaraanang problema.

"Sige na una na ko brad. May gagawin pa ako ehh" tinapik ko sya sa braso at
tumayo na. Dire-diretso na akong naglakad at umalis na. Walang lingunan, dahil
ayaw ko nang masilayan pa ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam kong sa likod
ng mga ngiti at tawa nyang iyon ay nakatago ang hinanakit na matagal nya nang
itinatago.

Nagsimula na akong maglakad at sabik na sabik na akong makapasok sa bahay


para makapag pahinga.
"JL, tulunngan na kita."nabigala akon ng biglang sumulpot sa tabi ko si Alex. Bigla
nya ding hinablot sa kamay ko ng bitbit kong mga bag. Hindi na ako kumibo dahil
napapagod nadin akong bumitbit dahil sobrang bigat din non.

"Ano nanaman ba ang laman ng mga nito?" Tanong nya saakin. Tiningnan ko sya
mula paa hangang ulo.

"Mukha kang utot" pang-aasar ko sakanya. Natawa sya sa sinabi ko.

Nakasanayan ko nang makita ang ganitong porma nya. Naka jersey shorts at sando
sya, sigurado akong galing nanaman to sa pag basketball.Napansin kong iba na din
ang kulay ng kanyang buhok. Kung dati kasi ay pula ang kulay niyon, ngayon
nama'y puti na ito.

"Bakit mo naman ginamitan ng chlorine ang buhok mo? Diba sabi ko shampoo ang
gamitin mo at hindi chlorine? Ang Chlorine ginagamit sa puting damit, at hindi sa
buhok, nakalimutan mo nanaman ba?" kantyaw ko sakanya.

Walang ano-anoy napatingin din sya saakin at binatukan ako. "Ulol! Kulay to sa
buhok at hindi ako nagpa chlorine!"

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa naramdamang sakit. Napansin nya rin siguro kaya
inakabayan nya ako. "At saka... Di mo man lang ba ma aapreciate ang kapogian
ko?" Sabi nya, sabay kindat sakin at sabay pogi sign pa.

"Gago, mandiri ka nga! Mukha kang utot! Ulol!" Sabi ko sakanya, para
mapahalakhak sya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at habang papalapit na kami ng papalapit sa


nag-iinuma'y unti-unti na ding rumerehistro ang isang pamilyar na mukha saakin.

Bakit pa nga ba ako magugulat na makita sya dito. Ika nga nila'y, 'kung asan ang
alak, andun ang lasengong si Ingko'.
Dahan dahan na akong lumapit sakanya at hinila sya.

"Tara na uuwi na tayo" mahinahong sabi ko.

"Teka, di pa ako uuwi. Di mo ba nakikita, di pa kami tapos uminom." Naiinis na sagot


nya saakin. Napatingin ako sa mga kainuman nya.

Sinulyapan lang ako ng mga kainuman nya at pinabayaan na kaming kunin si Ingko.

"Tara na.. May pasalubong ako. Binilhan kita ng paborito mong lomi. Kaya umuwi na
tayo Ingko." At dahil sa sinabi kong yon ay pumungay ang kanyang mga mata. At
parang batang sumama na saamin ni Alex.

Tinulungan ako ni Alex na buhatin si Ingko papunta sa bahay. At dahil nga lasing sya
ay pagewang gewang kami. Pasalamat kami at malapit lang ang bahay namin.

"Ang bigat mo pala Ingko" biro ni Alex

"Sinabi mo pa." Panggagatong ko sa biro ni Alex. "Kasing bigat na nga yan ng


sampung baboy eh" sabi ko sabay halakhak.

"Hoy, naririnig ko kayo. Ang kakapal ng mukha nyong pagsalitaan ako ng ganyan sa
mismong harapan ko!" sigaw ni Ingko at kasabay non ay napabagsak sya at nahulog
na sa mahimbing na pagkakatulog. Dahilan para magkatinginan kami ni Alex at
sabay na mapatawa. Mabuti nalang at sa kama na sya nakahiga.

"Uwi na... Magpapahinga na din ako." Sabi ko kay Alex. Sabay pabirong tulak
sakanya palabas ng bahay.

"Yes boss" sabay saludo pa saakin at lumabas na sya ng bahay. Nag simula na
syang maglakad.

"Salamat!!" Sigaw ko bago pa sya mapalayo. Ewan ko lang kung narinig nya pa ako
pero sa tingin ko ay hindi na. Patuloy nay syang naglakad hanggang sa naglaho na
sya sa paningin ko.

Ibinaling ko nalang ang panigin ko kay Ingko. Napaka himbing na nga kanyang
tulog. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang natutulog napaka payapa nito
at parang walang problemang dinaranas.

Wala sa sarili akong napangiti

"Kung di ko lang kilala ng lubos ang taong to ay pagkakamalan kong wala tong
problemang dinaranas" bulong ko sa sarili ko.

Bago paman tuluyang umawas ang nagbabadyang lumabas na luha sa mga mata
ko ay tumayo na ako at napatingala.
"Sana matapos na 'to. Sana mabuhay na kami ng matiwasay.. Ulit.." At tuluyan na
nga akong lumabas sa kwarto nya.

Paglabas ko, nahagip ng mata ko ang mga dala kong bag kanina. Binuksan ko ang
isa sa mga ito at kinuha ang isang plastik na may lamang lomi na binili ko pa sa
kabilang kanto.

Pumunta ako sa kusina para initin ang lomi. Hinintay kong kumulo ito para
maiwasang ma overcook. Nanlaki ang mga mata ko nang may mahagip akong naka
puting babae sa pinto ng CR. DIYOS KO LORD!! white lady?!! Ay joke lang si ate
Jamie lang pala.

"Andito ka na pala JL" sabi ni ate.

"Nagsasalitang white lady!!" sabay pabirong takbo ko palabas ng kusina.

Dali-dali na akong pumasok sa aking kwarto at nagbihis. Pagka bihis ko ay


sumalampak agad ako sa kama at sinubukang matulog na.

Napangiti ako nang maalala ang ginawa ko kanina. Sana binanrayan yun ni ate
Jamie. Kakainin pa yun ni Ingkong bukas. Natakasan ko sya. Haayysss....sana di sya
magalit sa pag-iwan ko sakanya sa kusina.

Nagpatuloy pa ako sa pagmumuni-muni... Hanggang sa unti-unti na akong


humimbing sa pag tulog.

Kinabukasan ay nagising ako sa ,

You might also like