PROYEKTO

You might also like

You are on page 1of 6

PROYEKTO SA

ARALING-
PANLIPUNAN
10

Ipinasa ni:
Pamela R. Gacuma

Ipinasa kay:
Ms.Margie Lee Urbano
Isang lesbian
Pangalan:Angie Ordineza

Katanungan:
Nakaramdam ka ba ng diskriminasyon?
Sagot: Para sakin na ako ay nakaramdam ng diskriminasyon hindi ako
tanggap ng aking ina na maging isang tomboy. Hindi ko rin feel na
mahal ako sa aking ina dahil marami syang pagkukulang sa akin.

Naranasan mo na ba inaabuso ka sa iyong pamilya o sa ibang tao?


Sagot: Opo, inaabuso ako ng maraming tao tulad ng ,sinasabihan nila
ako na wag daw akong mahalin dahil isa lang akong tomboy at ang mas
masakit pa don eh yung sinabi ng aking ina na wala daw akong
kinabukasan sa pagiging tomboy ko.

Nagsisisi ka ba na naging isang tomboy ka?


Sagot: Hindi po dahil kagustuhan koi to sinunod ko lang kong ano ang
nasa puso ko.
Isang babae na may asawa
Pangalan: Jean Calib-og

Katanungan:
Nakaranas ka na ba naidiscriminate ka?
Sagot:Oo, hindi pantay ang tingin ng asawa ko sakin, hindi man lamang
niya ako papayagang lumabas sa bahay dahil nga magbabantay lang ako
sa aming anak.

Nakaramdam ka na ba ng pang aabuso sa iyong asawa?


Sagot: Hindi ko lubos maisip bakit nagagawa sakin ng asawa ko na hindi
ako puwedeng lumabas ng bahay. May mga pagkakataon na sinasaktan
at binubugbog niya ako dahil nga pag-umuwi siya ay lasing na naman.

Nagsisisi ka ba na siya ang naging napangasawa mo?


Sagot: Nagsisisi ako dahil naging asawa ko siya kasi hindi siya naging
mabuti sakin at sa aming mga anak dahil kong naging mabuti pa siya
edi sana hindi man lamang niya ako sasaktan.
Isang lalaki na may asawa na
Pangalan: Marcelo Opamen

Katanungan:
Nakaramdam ka na ba ng diskriminasyon?
Sagot: Para sakin nakaramdam na po bilang isang lalaki, bilang isang
asawa kasi po naghahanapbuhay ang asawa ko sa ibang bansa
samantalang ako nandito maiwan sa aming bahay at nag aalaga sa
dalawa kong anak.

Nakaranas ka na ba ng pang-aabuso?
Sagot: Inaabuso ako ng aking mga barkada kasi under daw ako sa
asawa ko at wala nang oras na makipag inuman sa kanila.

Nagsisisi ka ba na naiwan ka dito at nag-aalaga sa iyong mga anak?


Sagot: Hindi ako nagsisisi bilang isang lalaki, asawa at ama sa anak ko
dahil obligasyon ko naman ito at naiintindihan ko kung bakit ginagawa
ng asawa ko yun at para narin naman ito sa aming kinabukasan.
Isang batang bakla
Pangalan: Pitat Panyo

Katanungan:
Nakaranas ka ba ng diskriminasyon?
Sagot: Opo naman po, marami na akong naranasan hindi lamang sa
pamilya ko pati na rin sa ibang tao. Hindi nila ako tanggap sa kung ano
at sino ako.

Ikaw ba ay inaabuso ng iyong pamilya at sa ibang tao?


Sagot: May mga panahon po na sinasaktan ako ng papa ko dahil nga
hindi nila matanggap na ang anak nila ay isang bakla. Sa mga kaibigan
ko naman at mga kaklase ay inaapi at pinag uusapan nila ako isa raw
akong bakla at hindi nababagay dito sa mundo.

Nagsisisi ka ba na naging isang bakla ka?


Sagot: Hindi ako nagsisisi na naging bakla ako dahil hindi ko naman
kasalanan kong bakit naging ganito ako at alam ko naman na baling
araw ay tatanggapin din nila ang isang katulad ko.

You might also like