You are on page 1of 1

Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na

pinagmulan ng Sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga
kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng
mga elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at
moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa
mga kuwentong Romano. Kapag ang nagbibigay linaw sa mga kasanayang panrelihiyon ng mga
Sinaunang Romano, ang mga kuwento ay nauukol sa ritwal at mga institusyon sa halip na teolohiya o
kosmogoniya. Ang mga pangunahing sanggunian ng mitolohiyang Romano ang Aenid ni Virgil,
kasaysayan ni Livy, Fasti ni Ovid, isang anim na tulang nakaistruktura sa kalendaryong relihiyoso ng mga
Romano at ikaapat na aklat ng mga elehiya ni Propertius. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin
sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular sa mga relief.

Ang isa sa pinakakilala sa mga mitong Romano ang pagkakatatag ng Roma ng kambal na sina Romulus at
Remus na anak ng Diyos ng Digmaan na si Marte (Mars) at birheng si Rhea Silvia. Ang kambal ay
pinaniniwalaang ipinanganak noong 771 BCE. Ang kuwentong ito ay pinagkasundo sa kuwentong
nauukol sa ninuno nina Romulus at Remus na prinsipe ng Troya na si Aeneas ng anak ng Diyosang si
Venus (ang ina ng mga Romano) at prinsipe Anchises na lumikas tungo sa Italya at nagtatag ng liping
Romano sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ascanius na nagpuno sa puwang na 400 taon pagitan ng
pagtira ni Aeneas sa Italya at pagkakatatag ng Roma noong mga 753 BCE nina Romulus at Remus. Ang
pamilya ni Julio Cesar at ni Cesar Augusto ay nag-angking inapo ni Aeneas. Kabilang din sa mga mitong
Romano ang panggagahasa sa mga babaeng Sabino na nagsasalaysay ng pagkakabuo ng kulturang
Romano, kuwento ng hari ng Roma na si Numa Pompilius na ahente ng mga Diyos at nagtatag ng mga
institusyong pambatas at panrelihiyon ng Roma, kuwento ni Servius Tullius na kasintahan ng Diyosang si
Fortuna, ang Batong Tarpeian kung bakit ito ginamit para patayin ang mga taksil sa Roma, kuwento ni
Lucretia na ang pag-alay ng kanyang sarili ang nagtulak sa pagpapabagsak ng maagang monarkiyang
Romano at pagkakatatag ng Republika, ang kuwento ni Horatius Cocles, kuwento ni Mucius Scaevola,
kuwento ni Caeculus at pagkakatatag ng Praeneste.[1], kuwento ni Manlius at ang gansa na nauukol sa
pamamagitan ng Diyos sa Paglusob na Gallic sa Roma, kuwento ng mga pistang Nonae Caprotinae at
Poplifugia, kuwento ni Coriolanus na nauukol sa politika at moralidad, kuwento ng siyudad ng Corythus
bilang duyan ng kabihasnang Troyano at Italyano, at pagdating ng Dakilang Inang Cybele sa Roma.

Itinuring ng mga Sinaunang Romano ang kanilang mga sarili na napaka-relihiyoso. Kanilang itinuro ang
kanilang mga tagumpay bilang isang pandaigdigang kapangyarihan sa kanilang kabanalan sa
pagpapanatili ng mabuting mga ugnayan sa kanilang mga Diyos. Ayon sa mitong Romano, ang mga
institusyong panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano ay itinatag ni Numa Pompilius na ikalawang hari ng
Roma na tuwirang nakipagtalastasan at tinuruan ng mga Diyos.

You might also like