1 .Itapon natin ng maayos ang ating mga basura sa tamang
lalagyan. Segregate ng maayos ang mga Nabubulok, Di- nabubulok, mga plastik at recyclable materials sa mga lalagyan nito. Huwag itapon ang mga basura sa mga ilog, kanal, sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.
2. Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang
maiwasan ang pagguho ng lupa "soil erosion" at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing umuulan. At dahil sa mga puno ay may nalalanghap tayong preskong hangin upang tayo ay mabuhay.
3. Ang pagbawas ng mga sasakyang naglalabas ng itim na
usok. Ito ay nagiging sanhi ng Air pollution sa ating bansa. Ang ating malinis na hanging nalalanghap ay napapalitan ng maruming hangin. ->> Kaya habang hindi pa huli ay dapat na nating pigilan ang mga gawaing illegal sa ating kalikasan, puksain ang mga ito. Huwag hayaang magpatuloy pa ito. Na sa huli ang pagsisi natin dahil hindi natin napigilan ito.