You are on page 1of 8

Payag ka ba o hindi payag na dagdagan ang ‘Day Off’ ng mga

Trabahador

LAKANDIWA

Ako ang inyong Lakandiwa, bumabati’t nagpupugay.

Sana ang balagtasang ito’y naway maging matagumpay.

Ito’y paksang dapat pakinggang mabuti.

Dahil malaki ang epekto nito sa ating buhay.

Alang – alang sa mga may pamilyang binubuhay,

Todo kayod sa trabaho ang ating aabutan

Sila ba’y dapat bigyan pa ng sapat na araw para huminga?

Dahil minsan lang nila makamit ang ganitong ginhawa

O ituloy ang dalawang araw na ‘break’

Dahil mahirap nang magsayang ng araw.

Lalo na kung ang gagamit nito ay bulagsak.

Ating tuklasin ang mga panig ng ating mambabalagtas

Sila’y pakinggang mabuti at alamin,

Kung sino ang mas hihigit sa isa.

Bigyan natin sila ng magarang palakpakan.

PAYAG

Ang Daigdig ngayo’y hindi natutulog

Alas dose na nang gabi, ika’y mamamatay na


kakatrabaho

Kakaunting oras lamang na pahinga


Nakuha pa at ipinalit sa pagtatrabaho muli.

Ating Isipin kalagayan natin,

Paano tayo magtatrabaho kung puro sakit ang dala natin?

Teka muna, magpahinga ka

Baka bukas nan, hindi ka na abutin.

HINDI PAYAG

Masyadong malalim ang iniisip mo kabalagtas,

Parang sinasabi mo na nakakatamad magtrabaho

Aba teka, paano mo mabubuhay ang sarili mo kung wala kang


pera?

Ang pagtatrabaho ay sadyang mahirap,

Kailangan mo talagang magsikap.

Wala kang mararating kung puro vacation leave ang inaatupag mo

Kung gusto mo sa bahay ka nalang.

Kaso nga, walang pera ang maaaring sumulpot roon.

PAYAG

Hay, alam ko naman kabalagtas na hindi masamang magtrabaho

Nagiging masama lamang ito kapag masyadong tinodo

Na para kang mawawalan ng kinabukasan pag hindi ka


nagtrabaho

Masyado kanaman atang praning para isipin yun

Isa pa hindi natin kailangang tumodo kayod para mabili


ang gusto ng pamilya

Turuan natin silang makuntento sa meron sila.


Tsaka bakit puro pera ang tugon mo?

Aanhin mo ang pera kung hindi ka naman masaya?

HINDI PAYAG

Saan ka hindi masaya? Sa trabahong pinasok mo?

Aba! Kasalanan mong pumili nang trabahong sobra sobra kung


magpapagod.

At sa larangan nang pamilya, kailangan mong ibigay ang


kailangan nila.

Pambayad sa kuryente, Edukasyon ng mga bata at Pagkain.

Ang taong masipag ay daig pa nang matalino,

Kaya kung marunong kang gumamit ng tamang oras para magpahinga

Hindi kana maghahanap ng mga padagdag pa.

PAYAG

Sa Pamilyang Pilipino ngayon, bihira nalamang sila magsama-sama.

Palaging gabi ang uwi ng Tatay.

Sa hapag ng Pagkainan, may bakanteng upuan.

Bihira na magkausap ang magulang at anak.

Kaya naman, payo kong dagdagan ang araw nang


pamamahinga

Ng bawat trabahador

Sandali lamang ang ating buhay

Kaya’t lubos-lubusin na natin ito.

HINDI PAYAG

Kung lahat tayo’y tinatamad, bayan nati’y ano ngayon?


Alam naman nating ang Pilipino ay sadyang masipag

Walang mapagkukunan nang pera, ang taong aligando.

Hindi natin kailangang magpapagod ng husto sa trabaho

Gawin mo lamang ito ng tama’t ikaw na’y mapupuri

Kaya ang gusto ko, ang padagdag pa ng ‘Day Off’ ay wag nang
isali

Alang- alang sa diretsong pagsisilbi.

PAYAG

Ikaw ay isang baguhan na trabahador

Matiyaga at isang gumon sa trabaho.

Minsan na nga lang yayain

Tumangi pa’t umalis.

Oo nga, diretso ka kung magsilbi sa trabaho,

Hindi naman ito napansin ng iyong Amo.

Dahil dito, lalo ka pang pinahirapan.

Naisip mo na sana ginamit mo nalang ang pahinga mong tinangihan.

HINDI PAYAG

Hindi purkit baguhan ka sa trabaho

Wala kang masyadong Gawain dahil bagito ka pa?

Aba! Tandaan mo na dito nakikita ang pagiging positibo mo

Kung hindi ka napansin ng Boss mo sa kasipagan mo,

Ituloy mo lang ang trabaho at magsipag

Kaya hindi pwede ang maraming day-off para sayo.


Ika nga, ‘Sleep when you’re Dead

PAYAG

Masyadong kasuklam -suklam ang sinasabi mo kabalagtas,

Nais ba nilang patayin sa pagod ang mga trabahador?

Gusto ko lang ipayo na walang masama na magdagdag ng day off.

Hindi naman ito magpapabagal ng ekonomiya ng bansa.

Kaya’t inyong timbangin upang inyong mapasiguro

Na ang day – off ay dapat ibigay sa mga trabahador.

HINDI PAYAG

Lahat tayo ay kailangang magtrabaho

Paano mabibigyan ng sapat na sweldo

Kung hindi mo naman ito sineseryoso?

Samantalang kung makakapili ka ng magandang trabaho,

Ang day – off ay gawin nating dalawang beses sa isang lingo lamang.

Magiging sapat na ito, para sa Pilipinong trabahador.

PAYAG

Dagdagan pa ang day – off! Kailangan nila ito!

HINDI PAYAG

Wag! Tama na ang dalawa! Sapat na ito!

LAKANDIWA

Ang oras niyo na ay sumapit upang kayo’y awatin


Kayo’y huminahon muna’t ulo’y palamigin.

Ngayo’y narinig na natin ang panig ng dalawang mambabalagtas.


Hahantulan ko na ngayon ang pagtatalo.

Sa panig ng sang -ayon na day-off ay kailangan,

At sa hindi payag na pinanindigan na dalawang araw ay sapat na.

Aling palakpakan ang lalong malakas?

Tanging pag-isipan natin iyon.

Abyang nakikinig, madla naming minamahal,

MAraming salamat sa pakikinig niyo.

Ang nanalo’y nasasainyo na.

Kung sino ang paniniwalaan at sinong hindi.

WAKAS.
PROYEKTO
SA
FILIPINO

“BALAGTASAN”

Ipinasa Ni: Michelle C. Mendoza


Ipinasa kay: Bb. Jemyr Ann D. Navarro

October 26, 2016

You might also like