You are on page 1of 2

May hangganan ang paghihintay hindi ka dapat umasa ng pang habang buhay.

Nag

simula ang lahat sa isang biruan, biruan naming mag tropa na naging makatotohana na

kung saan nahulog ang loob ko sa taong pinakamamahal ko ng subra magpahanggang

ngayon. Pitong buwan tayong nagmahalan kahit alam nating ito ay mali at hindi dapat.

Matagal na pala tayong magkasama hindi ko na mabilang kung ilang beses na nating

nalibot ang ating paboritong lugar (Bwalk) na kahit ako parati yung taya ayos lang! bastat

ikaw ay kasabay at kapiling aking mahal. Ang pogi mo padin kahit napapawisan ka yung

tipong kahit pagod kana sarap mo pading titigan, kasabay nito ang lubusang pagkahulog

ng loob ko sayo. Nag pahinga man tayo pero hindi nagpahinga ang ating pusong patuloy

padin tumitibok para sa isa’t isa, hindi napapagod katulad ng mga paa na sumunod sa

mga paa mo ngunit ng lumipas ang panahon biglang may nag bago, Ako ba? o ikaw?

Noon paman alam mo na ang ugali ko katulad ng paninibugho ko sa mga tropa mo noon,

tropa mo na hindi ko alam kung anong turing sayo kaibigan ba o kalaguyo. Ngunit hindi

ko na binalikan ang nakaraan mo dahil tapos na at nangyari na ito. Ngunit may dumating

na bago, bago mong kaibigan. Hindi mo ako masisisi kung akoy mapapaisip ng mga

bagay katulad ng pwede ba maulit yung kababoyan na ginawa mo? ay hindi ninyo pala.

Hindi mo ako masisisi sa galit ko dahil alam ko kung ano yung mga posibleng mangyayari

sa tuwing nakikita ko silang kapiling ka, nakikita ko kung paano mag wawakas ang ating

kwento ngunit tama nga ako dahil mas pinili mo SILA kay sa sa TAYO. Ang dating hindi

mo kaya, ngayo’y iyong ginagawa, ito ay ang magsinungaling para lang sila ay iyong

makasama. Alam kong alam mo na ito ay aking ikakagalit at ako’y mag seselos ng subra

at alam mo rin kung anung sakit ang kayang idulot nito sa akin. Alam mong selos na selos

na ako pero patuloy ka parin, tanong ko lang MANHID KA BA? Halos ipagsigawan ko na
ang mga salitang TAMA NA, LUMAYO KANA SA KANILA, AKO NAMAN….PWEDI

BA?. “Bakit mo ako kinukuhuan ng karapatang makatagpo ng bagong kaibigan?” Na

sasakal na ako”. Mahal hindi kita kinuhuan ng karapatan sa bago mong kaibigan at higit

sa lahat hindi kita sinasakal. Gusto ko lang e tama ang mali na ginawa mo noon sa mga

dati mong kaibigan at ayaw ko nang maulit yun boyfriend mo ako at hindi kita pwedeng

hayaan na gawin ang mga mali na ginawa mo noon. Nag hiwalay tayo ngunit naghintay

ako dahil naniniwala ako na dadating ang panahong TAYO’Y MULING MAGING ISA,

ngunit parang hindi pumabor sa akin ang tadhana. dahil mas pinili mo na sila at masaya

kana sa piling nila.

You might also like