You are on page 1of 3

020 Alam niyang itong tao

kahit puno’t maginoo


kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo.

030 Ngunit itong ating buhay


talinghagang di malaman
matulog ka nang mahusay
magigising ng may lumbay.

127 Matiba’y ang paniwala


Sa paglalakbay naito,
Tumalaga ng totoo
Sa hirap na matatamo.

185 ‘Sa Maykapal manawagan


Tayong lahat na nilalang;
Ang sa mundo ay pumanaw,
Tadhana ng kapalaran.

242 Datapwa nga sa dahilang


Ang tao’y may kahinaan,
Ayaw man sa kasamaa’y
Nalihis sa kabutihan.
316 Diyos nga’y di natutulog
At ang tao’y sinusubok;
Ang salari’y sinusunog!
Ang banal ay kinukopkop!

329 ang matanda ay tumutugon:


‘Kawanggawa ay hindi gayon
Kung di iya’y isang layon
Ang damaya’y walang gugol.

331 “Huwag nating tularan


Ang ugaling di mainam
Na kaya nlang dumaramay
Ay nang upang madamayan.

426 Noon niya napagsukat


Ang sa tao palang palad
Magtiwala ay mahirap
Daan ng pagkapahamak.

505 ‘Anuman ang kasapitan


Ito’y di ko uurungan,
Ang malaking kabiguan
Ay bunga ng karuwagan.
506 ‘Nasimulan nang gawain
Ang marapat tapusin,
Sa gawaing pabinbin-binbin;
Wala tayong mararating’.

You might also like