You are on page 1of 5

“PINAKAMAHUSAY NA GAWAIN NG PAGTUTURO NG

WIKA AT KULTURANG
FILIPINO AYON SA
IKA-8 BAITANG NA MAG-AARAL NG
LEON GUINTO MEMEORIAL COLLEGE INC. SA TAONG PANURUAN
2018-2019”

Isang Tesis sa Kaguruan ng Kolehiyong Pang-edukasyon


Leon Guinto Memorial College, Inc.
Atimonan, Quezon

Bilang Bahagi
Ng mga gawaing kailangan sa
Pag-aaral ng Sekundarya sa Edukasyon
Medyor Filipino

Ni:
Gissalyn Guerrero
LEON GUINTO MEMORIAL COLLEGE INC.
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
EDUCATION SOCIETY
442-443 Mabini Street, Atimonan, Quezon 4331
(Recognized by the Government)

. . . teaching minds . . .changing lives . . .moving forward


APPROVAL SHEET

Ang thesis na ito ay pinamagatang:

“PINAKAMAHUSAY NA GAWAIN NG PAGTUTURO NG WIKA AT KULTURANG


FILIPINO AYON SA IKA-8 BAITANG NA MAG-AARAL NG LEON GUINTO
MEMEORIAL COLLEGE INC. SA TAONG PANURUAN 2018-2019”
Inihanda at isinulit ni Gissalyn Guerrero bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa
pag-aaral ng sekundarya sa edukasyon medyor Filipino, ay sinuri at inererekomenda para
sa pagtanggap at pag-apruba para sa ORAL EXAMINATION.

CYNTHIA P. CUYA, MAEd


Taga-payo

Inaprobahan Committee on Oral Examination sa gradong __________________sa


________________________.

MARIETTA L. BUSIÑOS, EdD


Chairman

LOURDES A. ALTEZ, EdD VICTORIA AMORA


Miyembro Miyembro

Tinanggap sa bahagyang katuparan ng mga kinakailangan para sa Bachelor of


Secondary Education, Medyor in Filipino.

JORGE C. ANDANAR, CPA


Registrar
PAMAGAT: “PINAKAMAHUSAY NA GAWAIN NG PAGTUTURO NG
WIKA AT KULTURANG FILIPINO AYON SA IKA-8 BAITANG NA MAG-AARAL NG
LEON GUINTO MEMEORIAL COLLEGE INC. SA TAONG PANURUAN 2018-2019”

MAY-AKDA: Gissalyn Guerrero


COURSE: Bachelor in Secondary Education
MAJOR: Filipino
PAARALAN: Leon Guinto Memorial College Inc. Atimonan, Quezon
TAGA-PAYO: Mrs. Cynthia P. Cuya
PETSA: May 2019
ABSTRAK
Ang napapanahong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang mga pinakamahusay
na gawain sa pagtuturo ng wika at kulturang Filipino sa mga mag-aaral lalo na para sa mga mag-
aaral na nasa ika-8 baitang. Isang napakalaking hamon sa mga guro ngayon ang pagtuturo ng wika
at kultura sa iisang aspeto sapagkat maraming mga balakid sa pagkakatuto ng mga mag-aaral sa
panahon na ito. Kung kaya’t marapat lamang siguro na ituro ang wika at kulturang Filipino sa
disiplinang Filipino. Sapagkat sa ating mundo na ginagalawan sa ngayon hindi na masyadong
nasusunod ang mga nararapat na baybay at kahulugan ng mga salita dahil sa internet at social
media na kung minsan ay nakakahadlang sa kanilang interest sa sarili nating kultura at wika. Ang
wika at kultura nating mga Filipino ay sadyang napakayaman na dapat malinang at maisalin pa sa
mga susunod na henerasyon upang mas yumabong at lumago sa mga panahon pang tatahakin nito.

Ang mga respondent ng pananaliksik na ito ay ang apatnapung (40) mag-aaral ng Ika-8
Baitang sa Leon Guinto Memorial College Inc. na binubuo ng dalawangpung (20) mag-aaral na
lalaki at dalawangpung (20) mag-aaral na babae. Ang mga respondent ay pinili gamit ang paraang
“ramdom sampling”. Ang mananaliksik nang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib na proseso
upang malaman ang “Pinakamahusay na Gawain sa Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino ayon
sa mga mag-aaral ng Ika-8 Baitang sa Leon Guinto Memorial College Inc.”

Ang pagbibigay kahulugan na gumagamit ang mga salita na pamilyar sa mga mag-aaral o
madalas nilang binabanggit sa pag-aaral ng pagsasalingwika ay ang pinakamahusay na gawain sa
pagtuturo ng wika batay sa pinagsamang tugon ng mga mag- aaral, ang pagsalamin at pagbatid ng
guro sa mga mag-aaral ng tunay na kahulugan ng pagiging makabayan sa kanyang pamamaraang
ginagamit sa pagtuturo ay ang pinakamahusay na gawain sa pagtuturo ng kultura batay sa
pinagsamang tugon ng mga mag- aaral. Inihahalintulad ng guro ang mga aralin sa nangyayari sa
pang-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral ay ang pinakamahusay na gawain sa pagtuturo ng
wika at kulturang Filipino batay sa pinagsamang tugon ng mga mag-aaral.
PAGKILALA
Ang pagkilala sa mga taong nagbigay ng tulong at suporta upang maisagawa ang

napapanahong pag-aaral na ito;

Gng.CYNTHIA P. CUYA MA.Ed, bilang isang napakahusay na tagapayo sa

pananaliksik na ito, para sa kanyang mga ideya na naiiambag sa mas ikakagaganda ng

pananaliksik.

Gng.MARIETTA L. BUSIÑOS, EdD., Gng.VICTORIA AMORA at Gng.LOURDES

A. ALTEZ, Ed.D., para sa kanilang mga magagandang komento upang mas maisayos ang

pananaliksik.

Gng. CORAZON T. NATIVIDAD, sa kanyang taos-pusong pagtanggap upang magamit

ko ang mga mag-aaral ng Leon Guinto Memorial College bilang respondante sa aking

pananaliksik.

Ginoong ROGELIO at Gng. AILEEN LINGCORAN, ang aking mga magulang na

walang sawa sa pagbibigay ng suporta upang maisakatuparan ko ang aking pag-aaral.

KEVIN L. DELOS REYES AT SA AMING ANAK, na palaging handa akong tulungan

at nagbibigay sa akin ng lakas upang maisagawa ang pananaliksik na ito.

Sa POONG MAY-KAPAL, para sakanyang walang sawang pagmamahal at gabay.


DEDIKASYON
Ang mananalikasik ay inilalaan ang napapanahong pag-aaral na ito para sa mga darating

pang mga mananaliksik upang magamit nilang gabay sa kanilang pag-aaral.

Aking inilalaan rin ang napapanahong pag-aaral na ito sa aking pamilya at mga taong

gumabay sa akin upang matapos ito. Sa kanilang walang sawang suporta sa lahat ng aking mga

ginagawa.

Inilalaan ko rin ang napapanahong pag-aaral na ito sa aking mahal na anak na si Gailyn

Sheenelle, siya ang naging napakalaking inspirasyon ko upang matapos ang napapanahong pag-

aaral na ito.

You might also like