You are on page 1of 2

Josef Miguel A.

Ben
11 STEM E

“ ”

Itong bagay na ito ay isa sa mga rason na kung bakit nasisira ang buhay nang isang tao.
Ito ang rason kung bakit sila nakagagawa nang masasamang bagay katulad na lamang nang pag
patay, pag nanakaw at pag momolestya nang kapwa nilang tao. Ang Methamphetamine o mas
kinikilala dito sa pilipinas na ang tawag ay shabu ay isa sa pinaka madalas na krimen na
ginagawa dito sa pilipinas, halos 40 porsiyento nang mga nakukulong ay may sala dahil sa illegal
na pag gamit nang shabu. Ayon sa United nations noong 2012 ang pilipinas ay ang pinakamataas
na rate nang paggamit nang shabu sa east asia at ayon sa ulat nang kagawaran nang estados
unidos 2.1 porsyento nang mga Pilipino na may edad 16 hanggang 64 ang gumagamit nang
shabu batay sa 2008 philippines dangerous drugs board. Itong mga balita tungkol sa droga sa
ating bansa ay kailangan na nating malutas.

Noong bata pa ako naririnig ko na sa telebisyon ang mga balita tungkol sa shabu at
naalala ko pa na ito ay aking itinanong sa aking lola kung ano ang shabu at sinabi niya na ito ay
isang gawain nang walang takot sa diyos at ito raw ay kagagawan nang demonyo, inisip ko sa
sarili ko na hinding hindi ko ito gagawin hanggang mamatay ako kasi mayroon akong takot at
respeto sa panginoon. Nang elementary na ako parating nagkakaroon nang isang kaganapan ang
aking eskwelahan tungkol sa pag pigil nang pag gamit nang shabu at marami akong nalalaman
tungkol sa droga at ito ay aking itinataga sa aking isipan. Nang naluklok si Rodrigo duterte
bilang pangulo mas nabigyang pansin ang illegal na droga. Ang ating pangulo ay may plano na
sugpuin ang problemang ito na ikina tutuwa ko bilang isang mamayang Pilipino dahil ayon sa
pnp mas bumaba ang numero nang mga gumagamit nang shabu dahil sa mga programa na
ginawa nang pangulo. Dahil sa mga programa na inihanda nang ating gobyerno mas
mababawasan ang mga Pilipino na nalululong sa shabu na ibig sabihin ay mas magiging buo ang
bawat pamilya nang ating bansa at ito ay ikatutuwa nang ating panginoon.

Lagi nating tatandaan na hindi sagot sa pag wala nang problema ang paggamit nang
shabu ngunit ito pa ay nakaka dagdag sa iyong problema. Kung nais mong maging masaya ang
iyong buhay lumayo ka sa illegal na mga droga at kung mayroon ka mang niraranas na mga
problema idaan mo na lamang ito sa pagdadasal sa panginoon at idaan mo na lamang ang
problema mo sa iyong pamilya dahil sila at ang panginoon ang gagabay sa iyo araw araw.
AIMY CENIZAL
STEM E

Kontraktuwalisasyon

Marami sa atin ang humaharap sa problemang ito, bata man o matanda ay apektado.
Ngunit, uupo nalang ba tayo at maghihintay ng limos ng gobyerno? Tayo bilang mamamayan ay
ang dapat gumawa ng paraan para masolusyunan ang problemang ito. Kahirapan ang
pangunahing rason ng krimen sa ating bansa. Bakit sila nakakapatay? Dahil sa hirap ng buhay.
Bakit nakukuha nilang magnakaw? Para may pang laman sa kumakalam na sikmura. Bakit sila
napipilitang sumali sa sindikato? Dahil may pamilya syang umaasa sa kanya. Bakit napipilitan
silang kumapit sa patalim? Dahil gusto nilang makaahon sa kahirapan. Iba ibang rason,
parepareho ng gusto.

Isa sa pangunahing rason ng kahirapan ay ang kontraktuwalisasyon. Ito ay isa rin sa


kinakaharap ng ating bansa. Nangako ang ating pangulo na poprotektahan nya ang mga
manggagawa ng ating bansa, ngunit hanggang ngayon ay problema parin ito. May mga
kompanyang tumatanggap ng manggagawa ngunit ayaw magbayad ng tama, tayo tayo sa ating
bansa, naglolokohan, naggagamitan. Hindi ba’t napaka palpak ng gusto ng ating mamamayan?

Ang pinupunto ko ay, dapat munang putulin ang ugat ng problema para hindi na lumala
at hindi na makasira pa.

You might also like