You are on page 1of 1

Ang kantang “Upuan” ni Gloc 9 ay nagpakita ng marxismo dahil inilantad nya ang katiwalian ng gobyerno

sa Pilipinas. Ang unang taludtod ni Gloc 9 ay tungkol sa buhay ng isang opisyal sa gobyerno. Sinisimbolo
ng taong nakaupo sa upuan ang mga may posisyon sa gobyerno. Ang mga taong nasa posisyon na silang
dapat gumagawa ng paraanupang matulungan ang mga mamamayan na maibsan ang kahirapan sa
buhay ay sila pang umiiwas sa mga ito upang ang kanilang sarili lamang ang mapabuti. Sa simula lamang
sila makikita at makakausap

Nakikita natin ang Marxismo sa kanta na ito, dahil ang gobyerno natin ay katulad
ng taga Espanyol nung sila’y nangibabaw sa ating bayan dati. Nung nagnuno sila sa
Pilipinas, maraming katiwalian na nangyari, katulad sa pagnanakaw, paghahawak
ng babae, at pagpapatay ng mga tao. Dahil sa pagabuso nila sa Pilipinas, hindi tayo
umunlad at naging isang mabuting bansa dahil wala tayong gabay galing sa ibang
tao o bansa. Isang halimbawa ay nangyari Kay heneral Luna. Sinubukan niya ipag-
isa ang Pilipinas, ngunit pinatay siya ng kapwang Pilipino dahil sa maling
impluensya ng America. Ito’y nagdulot nang “chain effect” sa ating gobyerno
ngayon, dahil tayo’y nag-aayos pa ng ating bayan. Kaya maraming problema at
katiwalian niraranasan ang ating inang Bayan. Nagresulto ito ng maraming
paghihirap ng mga tao dito. Ang pagasa nalang natin ay isang gobyerno na handa
magbago para sa kalayaan ng Pilipinas. Sana magdulot si Duterte ng pagbabago
para sa kalikasan ng kabataan at kahirapan sa bayan. Sana manlang hindi maging
Upuan ng katiwalian, ngunit maging Upuan ng pagaasa ang pagiging isang opisyal
ng gobyerno.

You might also like