Professional Documents
Culture Documents
Kapitan tiyago: tinututulan ni padre damaso ang kasunduan natin kay Ibarra,ganoon din si padre sibyla. Ang sabi ko ay Malaki ang
utang na loob ko kay Ibarra ngunit pinapili nila ako,limampung libong piso o ang buhay ko. Ay!poong san Antonio!
*tinakpan ni maria ang kanyang tainga*
Kapitan tiyago: anak ko,huwag ka ng umiyak. Magkaiba kayo ng iyong ina,kapag naglilihi lamang siya umiiyak. Nga pala,dumating
na ang kamag-anak ni padre damaso mula sa espanya iyong magiging kasintahan.
*nakatakip pa din ng tainga ni maria clara*
Aling Isabel* ano ka ba Santiago!ngayon mo pa sasabihan ang tungkol diyan? Akala mo kasi na para lang baro ang pagpapalit ng
kasintahan.
Kapitan tiyago: alam ko Isabel,wala akong magagawa. Si g. Crisostomo ang mayaman pero titikisin ako ng mga pari sa
pamamagitan ng eskomunyon at ang Malala pa ay kamatayan.
Aling Isabel: di ba kaibigan mo ang arsobispo?bakit di mo siya sulatan?ng matigil na ang pasakit ng iyong anak
Kapitan tiyago: kakampihan din niya ang ibang prayle dahil siya’y prayle rin. Tahan na maria clara,baka Makita ka ng kapitan
heneral na namumugto ang mata. Mas sawi pa ako sayo pero hindi ako umiiyak. Magkakaroon ka ng asawa ngunit ako’y
mawawalan ng pera. Akala ko ay aangat ako! Sana’y palarin ako mamayang gabi.
Napuno ng tao ang bahay ni kapitan tiyago. Samantalang Si maria clara ay nananalangin at nakaluhod sa larawan ng birhen.
Biglang pagpasok ni tiya Isabel sa silid
Maria clara: pasabi na lang na mayroon akong sakit tiya,hindi ko na kayang tumugtog at umawit pa.
Tiya Isabel: ipinangako na ng iyong ama na ikaw ay magtatanghal,gusto mo bang siya’y mapahiya?
Nagisip isip si Maria Clara. Makaraan ang ilang saglit ay siya’y tumindig at nagsimula ng magayos.
--------lights off------
Nakasalubong nila si Ibarra sa bulwagan. Nagtinginan lamang sila. Nang malayo na ang mga prayle,kinamayan at binati ng alcalde
si Ibarra. Nasalubong ni Ibarra si maria clara,di sila nagusap.
Humarap si Ibarra kay heneral at kinamayan.
Heneral: masaya akong nakamayan kita ginoong Ibarra.
crisostomo: ginoo,ang mairog na pagtanggap sa isang paris kong di-gasinong alagad ng hari ay malamang na pagbibigay
looblamang at hindi na kailangan pa ng tunay na pasya.
Heneral: kung ganon,ipaubaya niyo na sa amin ang inyong kasiyahan.
Heneral: ako’y masaya sa iyong anunsyo at sinabi ko sa pamahalaan na kayo’y gantimpalaan dahil sa pagsisikap niyong
makapagpatayo ng paaralan. Kung nalaman ko na agad ang tungkol sa inyo ni padre damaso,sana’y di na nagkaalitan.
Crisostomo: ipinalagay ko pong di makabuluhan ang balak,kaya’t hindi na dapat makagambala sa inyo. Akala ko’y tungkulin kong
ipagbigay-alam sa may-mataas na kapangyarihan sa aking lalawigan.
Heneral: wala kayong dapat ipagalala sa alitan ninyo ni padre damaso. Kakausapin ko ang arsobispo tungkol sa iyong
pageeskomunyon. Sana’y sa susunod ay magiingat na kayo. Ang katayuan dito’y di pareho sa Europa.
Heneral: nakarating ka ba sa madrid pagkagaling sa Europa?
Ibarra:opo,ilang buwan lamang
Heneral: kung ganon,may nabalitaan ka ba king anak?
Ibarra: nagkaroon ako ng pagkakataong makilala sila.
Heneral: kung ganon,bakit kayo nandito nang walang sulat ng pagpapakilala?
*yumuko si Ibarra*
Ibarra: ginoo,di po ako sa espanya galing bago pumunita dito. May nagsabi sa akin na hindi niyo ugaling kailangang magpakilala
pa upang inyong kausapin.
Heneral: natutuwa ako sa inyong sinabi,ngunit mas maganda ding malaman ninyo ang aming tungkulin ditto sa pilipinas. Dito ay
hari at ministro kami. Kaming namumuno ay may Mabuti rin naming hangarin ngunit napipilitang umasa sa tulong iba para sa
sariling kapakanan at hindi sa bayan. Nakakatulong nga sa amin ang mga prayle ngunit tulong na iba sa aming dapat gawing
pamamamahala. Paano ko kayo matutulungan?
Ibarra: ginoo,hinahangad kong ang kaligayahan ng bayan ko ay maging utang sa espanya at sa pagsisikap ng aking kababayan.
Hinahangad kong magkaroon kami ng pagkakaisa tungo sa maganda at maayos na pamamalakd.
*inabot ng heneral ang kamay niya kay Ibarra*
Ibarra: kung Nakita niyo lang ang aming paghihirap sa nayon, disi’y Nakita ninyo ang mga puso’t kilos naming walang pakunwari.
*tumayo at nagiikot sa magkabilang dulo ng bahay si heneral*
Heneral: ginoong Ibarra,hindi bagay ang talion at pagkukuro mo dito,bagay kayong manirahan sa Europa. Sumama kayo sa
akin,ang singaw doon ay Mabuti sa inyo.
Ibarra: hindi ko malilimutan ang inyong kagandahang loob,ngunit dapat akong maniraha n sa bayan na kinagisnan ng aking mga
magulang.
Heneral: naalala ko po pala,hindi ko dapat kayo guluhin sapagkat magkakaasawa na kayo ng napakagandang dalaga. Huwag
ninyong kakalimutan na isasama ko kayo sa pamamasyal.
*si ibarra ay lalayo. Tatawagin ni heneral ang kagawad*
*lalapit ang kagawad at tatapikin ni heneral sa balikat ito*
Heneral: natutuwa ako dahil nasaksihan ko kung paano ang isang tao ay nagging mabuting kastila,Pilipino at Mabuti pa rin sa
kanyang bayan. Ang binatang iyan ang nakakuha ng aking pansin kaya’t magtutuos din kami ng mga prayle. Sayang si ginoong
Ibarra,maaasahan siya pagdating ng panahon. Tawagin mo ang alcalde.
*tinawag kaagad ng kagawad ang alcalde*
Heneral: ginoong alcalde,si ginoong Ibarra ay ipaghahabilin ko sa inyo. Ipaalam din ninyo ito sa alperes. Hindi ko gustong
masaksihan niyo ulit ang nangyari dahil ito’y makakasira sa pamahalaan at sa kastila. Ihahabilin ko din na tulungan ninyo si
ginoong Ibarra sa kanyang tungkulin. Ako’y naiiyak na sa maraming sumbong na natatanggap.
*bahagyang yumuko ang alcalde*
Heneral: ginoo,masuwerte kayo sa pagkakaroon ng anak na pareho ni B. de los santos. Gusto kong ihandog sa inyo ang aking
pagbati dahil sa inyong magiging manugang na isa sa pinakamabuting mamamayan ng pilipinas. Masasabi niyo ba kung kalian sila
ikakasal?
--------------lights off-----------------
Ibarra: ginoong alcalde,ang pamalo na po ba iyon ay para sa mga may kasalanan o ginagawa lamang sa hangad na makapamalo?
Kapitan heneral: maganda ang iyong tanong ginoong Ibarra,ang inuugaling iyan ay makahayop at mapapansin ng ibang lupain.
Dapat iya’y ipagbawal.
Nang ang lahat ng santo at santa’y nagtipon tipon,isang lalaking may pakpak nakabotas at may sumbrerong may palamuti ang
lumitaw sa madla.
Lalaki: Ang alcalde mayor!
*sabay bibigkas ng tula ang lalaki sa lenggwaheng latin,tagalog at kastila*
Estranghero: bakit kailangan pa ng tula sa iba’t ibang wika? Gayong na ng marami ang sermon ni padre damaso. Ito’y magiging
daan pa ng samaan ng loob,parang nilalapatan ng kalaban ang ating paring pransiskano.
Nang nakarating na sa tapat ng bahay ni kapitan tiyago,kinanta ang ave maria kasabay ng piano*
Heneral: hinihintay kong magkasama tayo sa pagkain,doon natin paguusapan ang tungkol sa mga bata
--------------------------------------------lights off-----------------------------------------
Scene 4: Si Donya consolacion
Sa loob ng bahay,si Donya consolacion ay nakaupo,inaantok at walang tigil sa pangunguyako’y.
Bitbit ng mga guwardiya sibil si sisa at Nakita ito ni Donya consolacion.
Donya consolacion:paakyatin dito yan.
*inakyat si sisa. Sinenyasan ni Donya consolasion ang mga guwardiya sibil na umalis*
Donya consolacion: (nakakatakot) vamos,magkantar ikaw.
*nagkunwaring hindi naintindihan ni sisa*
Donya consolacion: bigkasin mo nga “FILIPINAS”
Sisa: Felipenas
Donya consolacion: hayop! Sabihin mong filipinas. Galling sa salitang felipe,si don felipe V. simulan mo sa felipe at dagdagan ng
nas, ang ibig sabihin ay lupa ng mga indio.
Donya consolacion: Fe…..li……pe…..nas,felipenas , hindi ba gayon?
*flashback*
Donya consolacion: hoy! Bantay, sabihin mo nga dito na kumanta siya sa wikang tagalog. Hindi niya maintindihan ang wikang
kastila.
*kinanta ni sisa ang “ kundiman ng gabi”
Donya consolacion: itigil ang awit na iyan!huwag ka nang umawit sapagkat ako’y nalulungkot.
*sinenyasan na umalis ang bantay*
Donya consolacion: sumayaw ka!
*pinalo ni Donya consolacion dahil unting galaw lang ang ipinakita ni sisa*
Sinasalag ng kamay ni sisa ang mga palong natatanggap niya mula kay consolacion
Donya consolacion: ano?hindi ka sasayaw?
Hinahaplos na ni sisa ang kanyang mga sugat gawa ng palo. Biglang pumalo ulit si consolacion.
*biglang dumating ang asawa ni consolacion*
*huminto sa pagsasayaw si sisa*
Consolacion: hindi ka man lang kumikibo,anong nangyari sa iyo?
*tinawag ng alperes ang bantay*
Alperes: ibaba mo ang babaeng iyan. Sabihin mo kay marta na bigyan yan ng bagong damit at gamutin. Bigyan mo ng pagkain at
higaan. Ingatan niyo iyan sapagkat ihaharap iyan kay ginoong Ibarra.
Alperes: gusto mo talagag mapatay kita!
Donya: bakit?ano ang nangyari sa iyo?
Alperes: ano ang nangyari!? (pasigaw)
Alperes: hindi ba ikaw ang nagpadala ng sulat na ito sa alcalde,at isusumbong mong ako ang tumatanggap ng suhol para
pahintulutan ang mga pasugalan?
*ipinakita ang sulat na gusot gusot
Alperes: bakit hindi pa kita durugin?
Donya: durugin? Baka magawa mo! (nakatawa)
Donya:ang gagawa nun ay hindi ang isang tulad mong kulang sa pagpapalaki.
*hinagisan ng pinggan,tasa at kampit ni alperes si Donya.*
Nakailag si Donya sa mga binabato ni alperes
Donya consolacion: duwag! Subukan mong lumapit!
*nagmumurang sumalakay ang alperes pero nakailag ang babae. Magkakasunod na palo ng latigo sa muka ng alperes. Pagtapos
ay pumuntang silid ang babae at isinara ang pinto. Hahabulin niya sana si Donya kaso nauntog siya sa pinto.
Alperes: sana’y tamaan ng kulog ang iyong buong angkan. Buksan mo ang pinto at tingnan mo kung hindi ko basagin ang iyong
mukha(may galit sa muka ng alperes)
Pinagtatadyakan ang pinto at suntok
--------------------------------------lights off-------------------------
*dumating si maria clara,mga prayle at mga kura kasama ang mga kaibigang dalaga. Inihatid na ni teniente ang lahat sa kani
kanilang upuan. At saka umalis si mang tasyo*
*may kumanta ng crispino de la cornare. Tanging si padre salvi lang ang di nanonood. Lagi siyang nakatingin kay maria clara*
*si padre salvi ay tumayo at kinausap si don filipo.
Don filipo: siya po ay umabuloy ng Malaki kaya may karapatang pumunta dito dahil di naman siya nangggugulo.
Padre salvi: ikaw ang malalagot kapag hindi mo pa yan pinaalis dito.
Don filipo: opo
Padre salvi: kung hindi niyo siya papaalisin kami ang aalis
Don filipo: kung ganon po ay di ako pwedeng magpaalis ng kung sino.
*umalis na ang mga prayle. May iilan na lumapit kay Ibarra.*
Kakilala : kami’y nasa panig ninyo,wag niyo silang pansinin.
Ibarra :sino po ang taong iyon?
kakilala: iyon po ang mga nagsialis ang nagsasabing kayo’y eskomulgado.
Ibarra :Diyata’t nasa panahon tayo ng edad media hanggang ngayon? Kung ganun pala e…
*lumapit si Ibarra sa mga dalaga*
Ibarra: hinihingi ko ang inyong paumanhin,ako’y may nakalimutan. Babalik ako upang kayo’y samahan.
*lumabas si yengyeng para sumayaw ng la grandia pero pinigil ng dalawang sibil ang palabas*
Don filipo: at bakit?
Sibil:sapagkat hindi po makatulog ang alperes at senyora.
Don filipo: kami ay may permiso kay alcalde kaya walang makakapigil sa amin kundi siya. Sabihin niyo yan sa alperes.
*nagsialis ang mga sibil*
*napatigil ang orchestra sa tanghalan at nagakyatan sa entablado ang musiko dala ang kanilang panugtog*
*pagdidilim ng ilaw*
mga tao: ano ang nangyayari?
*dalawang sibil ang pumigil sa mga musiko ngunit hinuli ni don filipo ang mga sibil at nagawang alisan ng sandata kahit
nanlalaban. Ipinadala sila sa tribunal*
*dumating si Ibarra na hinahanap si maria clara*
*at magkakagulo na*
--------------------------------lights off----------------------