You are on page 1of 7

YUNIT III

PAGBABAGONG KULTURAL SA PAMAMAHALANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL

ARALIN 2 Antas ng Katayuan ng mga Pilipino

Layunin

Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa nagging epekto ng kolonyalismo sa

lipunan ng sinaunang Pilipino

Paksang Aralin

Paksa : Antas ng Katayuan ng mga Pilipino

Kagamitan : Audio ng “Sabihin Mo” ng Smokey Mountain

Video Clips / pictures (Pilipino at dayuhan, tahanan noong unang

panahon, paaralan o kolehiyong panrelihiyon)

audio at CD player o Powerpoint

illustration board

kagamitang pang-sining

flashcards

cartolina

panulat

Sanggunian : Learner’s Material, p.___

K to 12 - AP5KPK-IIIf-5

Viloria, Evelina M., Gabuat, Maria Annalyn P., Quizol, Mary Christine F.,

Reig, Chona P., de Robles, Irene C. (Isang Bansa, Isang Lahi Kto12-5,

pahina 146-159) . Vibal Group, inc.


Pamamaraan

A. Panimula

1. Balitaan – Mga kasalukuyang nangyayari sa paligid.

2. Iparinig ang awiting “Sabihin Mo” ng Smokey Mountain sa mga mag-aaral.

Sabihin Mo

I. Sabin ng tatay ko, Koro:

Kapag merong nagtanong Sabihin mong ikaw ay Pilipino

Kung nasaan ang bayan mo Kahit saang bansa ikaw ay magpunta

Isagot mo ay ‘yung totoo Sabihin mong ikaw ay Pilipino

II. Sabi ko sa tatay ko Pilipino ka, ‘yan ang totoo

Di bale nang mahirap III. Sabihin man ng lolo mo

Basta lahat ay pantay-pantay at nagkakaisa Ika’y Kastila o Kano

Pagmasdan mo ang kutis mo

Kulay lupa walang kasing ganda.

(Ulitin ang Koro)

3. Itanong ang mga sumusunod:

a. Ano ang hinihiling ng awitin?

b. Ayon sa awit, sino raw ang Pilipino?

c. Magpakita ng larawan ng mga Pilipino at mga dayuhan. Ipatukoy kung sila ay

mamamayang Pilipino.

d. Ito ba ang pagkakakilanlan ng pagiging Pilipino?


__________ ARAW

B. Paglinang

Pagbabago sa Panahanan

1. Gamit ang Picture Presentation o mga larawan, ipakitansa mga mag-aaral ang

larawan ng mga tahanan noong panahon ng kolonyalismo at mga tahanan sa

kasalukuyang panahon. Ipakita rin sa mga mag-aaral ang larawan ng poblacion,

plaza system, at ang bahay na baton g pamilya ni Jose P. Rizal.

2. Ipasuri ang Balangkas ng Kaisipan sa LM pahina ___.

Gawain

• Gamit ang illustration board at iba pang kagamitang pansining, ipaguhit sa

bawat pangkat ang panahanan ng mga Pilipino sa sinaunang panahon, sa

panahon ng kolonyalismo at sa kasalukuyang panahon.

• Bigyan sila ng pagkakataong paghambingin ang tatlo.

Pagtatasa

Sa pamamagitan ng Sentence Completion, dudugtungan ng mga mag-aaral ang

pangungusap na:

“Mula sa talakayan at Gawain, natutunan ko na _______ at dahil dito ay nais ko na _______.”

__________ ARAW

B. Paglinang

Antas sa Lipunan Noong Panahon ng Panankop

1. Sa pamamagitan ng Film Viewing at Note-Taking Technique, aalamin ng mga mag-

aaral kung paano nahati sa iba’t ibang anta sang mga naninirahan sa pilipinas.

Susuriin din nila kung paano naiiba ang mga Pilipino sa bawat antas.
2. Gamitin nag Mix and Match, pagtutugmain ng mga mag-aaral ang mga plaskard na

naglalaman ng antas sa lipunan ng mga Pilipino at kanilang mga kaakibat na Gawain

o responsibilidad.

Gawain

• Gamit ang Venn Diagram, susuriin at ililista ng bawat pangkat ang katayuan ng

kababaihan noong unang panahon at noong pagsibol ng kolonyalismo.

Katayuan ng mga Katayuan ng mga


Kababaihan noong Kababaihan Noong
Panahon ng
Sinaunang Panahon Kolonyalismo

Pagtatasa

Sa iyong palagay, umunlad ba ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ng

kolonyalismo kung ihahambing noong sinaunang panahon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

__________ ARAW

B. Paglinang

Ang Sistemang Pang-Edukasyon

1. Gamit ang Word Bank, pipiliin ng mga mag-aaral ang katugmang kahulugan ng mga

salitang Espanyol na bibigkasin o ipakikita ng guro.

2. Sa pamamagitan ng Picture Presentation, susuriin ng mga mag-aaral ang mga

larawan ng paaralan o kolehiyong panrelihiyon na itinatag ng mga Espanyol sa ating


bansa. Aalamin din nila kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga naturang

paaralan at kolehiyo sa mga kasalukuyang paaralan na mayroon sa ating bansa.

Gawain 1

• Gamit ang Venn Diagram, susuriin at ililista ng bawat pangkat ang katayuan ng

kababaihan noong unang panahon at noong pagsibol ng kolonyalismo.

Gawain 2

• Sa pamamagitan ng Concept Mapping, aalamin at ililista ng mga mag-aaral ang

mga asignaturang itinuturo sa mga pamahalaang itinatag noong panahon ng

kolonyalismo. Ikukumpara nila ang mga nasabing asignaturang mayroon sila

ngayon.

EDUKASYON SA PANAHON
NG KOLONYALISMO

Pagtatasa

Gamit ang estratehiyang Exit Pass, ang bawat mag-aaral ay maglilista ng kanilang

natutuhan sa isang papel.


__________ ARAW

Pagtataya

Pasagutan ang Natutunan Ko sa pahina _____ na LM.

Takdang Gawain

Sa iyong palagay, umunlad ba ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ng

kolonyalismo kung ihahambing noong sinaunang panahon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Susi sa Pagwawasto:

Natutuhan Ko

A. 1. prayle B. 1. Cebu

2. reduccion 2. Kristiyanismo

3. paaralang pamparokya 3. simbahan

4. principalia 4. Espanyol

5. insulares 5. polo y servicio

6. peninsulares

7. inquilino

8. pueblo

9. bahay na bato

10.Maria Clara

Pangwakas na Gawain

Sa isang illustration board, iguhit ang panahanan ng mga Pilipino noong sinaunang

panahon, noong panahon ng kolonyalismo, at sa kasalukuyang panahon. Paghambingin ang

tatlo.
Gawing gabay sa pagmamarka ng mga iginuhit ang sumusunod na rubric.

Nakuhang
Mga Pamantayan Puntos Puntos
1. Wasto ang pagkakaguhit ng mga panahanan sa tatlong panahon. 6
2. Mahusay na napaghambing ang tatlong panahanan 3
3. Maayos, malinis, at malikhain ang pagkakaguhit ng mga panahanan 6
15

You might also like