You are on page 1of 1

Abo sa Bawat Hakbang ng Laban

Sa paglipas ng araw ay tila nababalot parin ng gulat at katanungan ang aking sarili. Bakit dito ako nag-
aaral? Mahirap nga ba ang aking kurso? Bakit ito ang aking napili? Bakit nagtitiis ako sa abo at sa mainit
na sikat ng araw ng ating pamantasan?

Habang naglalakad ako pauwi ay tinititigan ko ang aking mga sapatos at nag mumuni-muni sa mga
pagbabagong aking nararanasan simula noong nakapatong na ako sa sinasabi nilang “kolehiyo”. Sa
kolehiyo na kung saan ay nakikipagsapalaran at nakikipag salamuha ako sa iba’t ibang uri ng mga
estudyante na may kanya kanyang pag-uugali, nakasanayan at lebel ng katalinuhan. Ngunit kahit may
pagkakaiba man ay iisa lang ang hangarin, ang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang mga pangarap.
May mga propesor din na kinatatakutan at may roon ding madaling pakisamahan pero iisa rin ang nais,
ang malilok at maturuan ang mga kapwa ko estudyante. Sa aking mga paghahakbang ay tila may
bumabagabag sa aking dibdib, ang aking pamilya. Mahirap mapalayo sa kanila dahil minsan nasasagi sa
aking isipan kung ligtas ba sila o maayos ba ang kanilang kalusugan. Kapag ako ay mag isa mas lalo akong
nasasabik sa kanila. Naiisip ko ang kanilang mga ngiti at tawa.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit nababalot na ng mga alikabok ang aking mga sapatos,
nakakapagod, ngunit hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad. Ang paglalakad ko sa daan ay nakahambing sa
aking buhay bilang isang mag-aaral. Ang maalikabok at batu-batong dinadaanan ko ang siyang nagsisilbing
“hirap” sa bawat araw na lumipas. Sa bawat paghakbang, dumarami ang hirap at nadaragdagan ang
pagod. Parang estado lamang ito ng kolehiyo, habang tumatagal, mas lalong humihirap ang mga leksyon.
Ngunit gaano man ito katindi ay hinding hindi ako titigil sa paglalakad hanggang makaabot ako sa aking
destinasyon.

Isa akong mag aaral ng MSU. Isang iskolar ng bayan. itinakda ako ng Panginoon sa ganitong
paaralan upang mahulma ako sa pinakamataas na bersyon ng aking sarili. Walang mahirap na kurso kung
ito ay pinagsisikapan. Hirap at tiyaga ay dapat na maging puhunan. Alam ko, sa pagdating ng araw,
masusuklian lahat ng paghihirap at sakripisyo na ginawa at gagawin pa lamang. Sa aking unang taon sa
kolehiyo at sa susunod pa, hinding hindi ako susuko. Ito na ang aking huling laban. Ang laban na
magbibigay ng habang buhay na kasiyahan sa aking mga magulang. Ang laban na tatapusin ko upang
makamit ang aking mga mithiin sa buhay. Higit sa lahat, ang laban na susubok sa aking paniniwala.
Makakatapos ako. Tiwala lang sa Diyos. ‘Di ba nga, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

You might also like