bata na ipinanganak sa mundo noong ika-13 ng Mayo taong 1997. ako ay ikalawa sa aming magkakapatid. Ang mga magulang ko ay sina Mariolena at Ernesto Maguila. Tatlo kaming magkakapatid ang aking kuya ay si Mark na nasa ikatlong taon sa sekondarya at ako naman ay nasa unang taon sa sekondarya at ang aming bunso ay si Cathlyn na nasa ika-apat na baitang sa elementarya. Ito ang pamilya ko. Nagsimula ang kuwento ko sa kanila sila ang nagsabi ng detalye ng aking buhay noong maliit pa ako masaya ang aking unang kaarawan na ginanap sa Valenzuela. Nagsimula akong mag-aral noong tatlong taong gulang ako sa Christ Agape Montessori School hanggang unag baitang sa elementarya at ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa Angel’s Hope Academy sa pangalawang baitang elementarya at noong ikatlong baitang ko ay sa Colegio de Sta. Cecilia at umuwi kami ng Negros at dito nalang ako nagaral sa ikaapat na baitang hanggang unang taon sa sekondarya. Masaya ako dahil buhay ako kasama pamilya ko.