You are on page 1of 12

Checkmate

� purpleyhan 2012

Ann F.

888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888

888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888888

�Checkmate.�

�Ay naman! Di mo man lang pinatagal yung laban natin Carl!�

Ayan na nama sila. Naglalaro na naman sila ng chess. Kung sabagay, March na kasi
ngayon at hinihintay nalang namin ang graduation
namin. Wala na kaming masyadong ginagawa ngayon kaya ayan sila, naglalaro na naman.
Ako naman ay nanunuod lang at hindi ko
kayang pumunta doon kahit halos lahat ng classmates ko ay nagkukumpulan doon.

�Oh sinong susunod na lalaban kay Carl?� sigaw ni Jonathan, yung isa ko pang
kaklase na kaibigan ni Carl.

�Ako naman!� napalingon ako doon sa babaeng sumigaw pabalik.

�Te.,teka Maica, marunong ka bang magchess?� tanong ni Jonathan habang nakakunot


yung noo at parang nagdududa.

�Sye..syempre naman no!� umirap pa si Maica na siyang ikinatuwa ng mga nanonood.

�Game.� Bigla kong narinig yung boses niya kaya napatingin ako sa kanya habang
nakaupo siya sa sahig. Tapos nakangiti lang siya
habang inaayos yung mga chess piece.

Ang gwapo gwapo talaga ni Carl. Kaya nga sobrang daming nagkakagusto sa kanya eh.
Isa na dun si Maica. Sigurado akong kaya lang
siya nagvolunteer na magchess ay para makalapit kay Carl. Wala kasing masyadong
babae ang nakakalapit sa kanya. Puro kabarkada
lang niya ang lagi niyang kasama. Isa pa ay medyo may pagkasuplado siya pagdating
sa mga babae. Pero hindi mo na yun maiisip
once na ngumiti siya. Sobrang nakakakilig kasi pag ngumiti siya. Mas nakakakilig pa
kaysa sa pag-ihi mo.

At isa rin ako sa mga nabihag niyang babae. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako
nagkagusto sa kanya eh. Naramdaman ko nalang na
lagi ko siyang tinitignan at hinahanap. Last year ko pa siya naging crush, hanggang
ngayon. Haay pero sino nga ba naman ako? Baka
nga hindi niya ako kilala kahit classmates kami eh.
�Checkmate.� Napaligon ako sa mga naglalaro at napatingin ako kay Carl na
nakangiti. Naramdaman kong biglang bumilis yung tibok
ng puso ko.

�Waaaah! A..ano ba yan!� napatawa sila kasama ako dahil wala pa atang three minutes
ay tapos na yung laro between Carl and
Maica.

�Grabe bro! Ikaw na! King of Chess ka talaga! Walang makatalo sayo anak ng!� sigaw
ni Jonathan tsaka niya sinuntok ng mahina si
Carl. Nakisama na rin sa pagsuntok yung iba niya pang barkada. At tuwing ngingiti
siya ay napapangiti rin ako. Ay naman! Para
naman akong baliw ditto na ngingiti-ngti! Tama na nga yan Nadine!

Isinaksak ko nalang yung earphones sa tenga ko at saka ako pumikit. Tsk. Dapat pala
hindi nalang ako pumasok. Wala naman palang
magagawa dito kundi tumunganga. Naririnig ko pa rin yung mga hiyawan ng mga kaklase
ko sa tuwing may makakain na chess piece
yung mga players.

Ten minutes na rin ang nakalipas at wala pa ring nakakatalo kay Carl. Oh well, kaya
nga siya binansagan sa school na King of Chess
dahil magaling siyang maglaro nun. Marami na siyang nadalang medals sa school
galing sa iba�t ibang competition.

Sa sobrang antok ko ay napahikab ako. Di ko na marinig yung mga sinasabi ng kaklase


ko at kasabay nun ay uminat ako. Grabe
nakakaantok na talaga! Matutulog na nga lang ako.

Yuyuko na sana ako sa armchair ko, kaso napatingin ako sa mga naglalaro dahil
nakatingin silang lahat sa akin. Hindi ko alam pero
kinabahan ako bigla.

�Ba.. bakit?� tanong ko sa kanila habang tinatanggal ko yung earphones ko.

Nagulat ako nung biglang lumapit sa akin si Jonathan at hinawakan yung braso ko.
�Nagtaas ka kaya ng kamay Nadine. Nagtatanong
ako kung sino pang gusting kumalaban kay Carl. Hahaha!� at hinila niya ako
papalapit sa kanila.

�Ha? A..ano.. nag-iinat lang ako! Tsaka ano.. a.. ano hindi ako marunong magchess.�
Todo-tanggal ako sa kamay niya sa braso ko
habang kung anu-ano na ring dahilan yung lumalabasa sa bibig ko. Napaparanoid na
talaga ako lalo na nung papalapit na kami kay
Carl.

�Teka, nakalaban na kita dati sa chess Nadine eh! Yung elimination sa Chess Club,
remember?� halos gusto kong ibato yung upuan sa
gilid ko kay Joseph na isa rin sa barkada ni Carl. Naman! Bakit ba kasi nagbalak
akong sumali sa Chess Club? Okay alam kong dahil
yun kay Carl pero hindi naman nila alam na crush ko siya dahil kilala ako sa school
bilang isang mataray na babae. Well, except
kaaysa bestfriend ko na siyang nakakaalam ng mga kalandian ko sa buhay. Anyway,
mataray nga ako. Yung tipong wala akong
matitipuhan na lalaki. Kaya ang palusot ko kung bakit ako sumali sa club ay dahil
bored ako. Pero nag-backout rin ako agad matapos
kong manalo dahil naunahan ako ng hiya noong nakita ko si Carl na nanonood sa bawat
laban. Siya kasi yung Club president.

�Oh marunong ka naman pala eh! Sige na umupo ka na dyan, at please naman Nadine oh.
Talunin mo na �tong kumag na �to.
Masyado nang lumalaki ang ulo eh.� Sabay tapik ni Jonathan sa ulo ni Carl. Ngumiti
lang naman si Carl habang inaayos niya yung mga
chess piece. Halos dumoble yung bilis ng tibok ng puso ko nung nakita ko siyang
ngumiti sa malapitan. Parang sasabog yung dibdib
ko. Ang gwapo niya talaga.

Sinimulan ko ng ayusin yung mga chess piece ko. Sa kanya yung black at ako naman ay
white kaya ako ang unang tumira. Nanginginig
yung kamay ko sa bawa paggalaw ko ng mga piyesa. Sobrang kinakabahan ako. Halos
hindi ko na marinig yung paligid ko dahil ang
naririnig ko lang ay yung malakas na tibok ng puso ko.

�Whoa! Seven minutes na! Nice Nadine! Napatagal mo yung match! Hahaha! Mukhang
nakikita ko na ang pagbagsak ng King of
Chess oh! Hahaha!� natawa lang ako sa pang-aasar ni Jonathan kay Carl. Sinubukan ko
nalang na kumalma habang naglalaro dahil
baka mahalata nila na kinakabahan ako. At saka isa pa, matagal ko ng pangarap na
makalaban at matalo si Carl sa isang laban. Hindi
ako ganoon kagaling sa chess pero kahit papaano ay marunong ako dahil ito ang
favorite game namin ng tatay ko.

�Check. Queen.� Napatingin ako sa galaw ng horse niya. Nacheck-queen na pala ako.

�Awwwww.� Sabay-sabay na sabi nung mga kaklase kong nanonood.

Hindi ako tumitingin kay Carl dahil alam kong madidistract lang ako. Pero teka,
anong gagawin ko? Ayokong matalo. Ngayon pa na
ako ang pinakamatagal na nakalaban niya sa araw na �to. Anong gagawin ko?

�Going to surrender your Queen?� bigla akong napatingin kay Carl pagkasabi niya
nun. Nagulat kasi ako at kinausap niya ako. I mean,
hindi kasi siya nagsasalita kapag lumalaban siya. �Checkmate�, �Check Queen� at
�Check King� lang yung mga salitang sinasabi niya
kapag naglalaro.

Nung magtama yung mga mata namin ay parang may malakas na kuryenteng dumaloy sa
balat ko. Lumakas lalo yung tibok ng puso
ko at halos naparalyze na ako sa sobrang kaba.

�Huy Nadine, ayos ka lang?� tinapik ako ni Jonathan na naging dahilan para bumalik
ako sa dati kong pag-iisip. Napalunok ako sa hiya
kaya sinubukan ko nalang ulit na kumalma.

�Why would I surrender my Queen..� bigla kong nasabi at iginalaw ko yung bishop ko
papunta sa King niya. �If I can do this?� this
time, ako naman ang napangiti ng nakakaloko. �Check King.�

�WHOAAAAAA!!!!!� halos napatayo yung mga nanonood sa ginawa ko. Now anong gagawin
ko? Hindi rin ako makapaniwala na
nackheck ko si Carl. Imagine?! King of Chess siya! Bigla tuloy bumalik yung kaba ko
kanina. Baka gumanti siya at siguradong matindi
yun. Baka isang galaw niya lang ay checkmate na ako.

�Nice try. Sabagay, napakaimportante ng Queen dahil siya yung nagpapatakbo ng buong
game.� Napatingin ulit ako sa kanya habang
nakahawak siya sa labi niya. At bigla naman akong napatingin sa mga labi niya.
Hindi ko alam pero parang may zoom in button yung
mata ko at yung labi nalang niya ang nakikita ko. Ang kissable pala ng lips niya.
Waah teka ano ba Nadine! Tama na!

Nagulat ako nung biglang nakain na pala yung bishop ko ng Queen niya. Ugh! Nauubos
na yung piyesa ko. Mananalo pa kaya ako? Sa
mga natitirang piyesa ay nag-isip nalang ako ng paraan kung paano ko macocorner
yung King niya.

�Whoa Nadine. Hanga na kami sayo. 21 minutes? God. Ikaw palang ang tumatagal kay
Carl. Mukhang magkakaroon rin ng Queen of
Chess ah? Yiiieee.� Halos namula yung mukha ko sa hiya nung sabay-sabay silang
humiyaw sa pang-aasar ni Jonathan. Hindi na tuloy
ako makapagfocus sa laro. Sumulyap ako saglit kay Carl at nakita kong nakangiti
siya. Bigla tuloy akong nahiya at ewan ko ba pero
medyo kinilig ako nung nakita kong ngumiti siya. Pero parang natamaan ako ng kidlat
nung tumingin siya sa akin at saglit na nagtama
yung mga mata naming. Kahit huli na eh umiwas ako ng tingin.

Waaaah! Nakita niya akong nakatingin sa kanya!! Anong gagawin ko?! Wala na! nahuli
niya ako! Nahuli niya akong nakatingin sa
kanya! I�m a dead meat! Huhuhuhu!

�Let�s finish this match.� Narinig ko yung seryoso niyang boses kaya nagfocus ulit
ako sa game. Tama, dapat ng matapos �to.
Nawawalan na ako ng kahihiyan dahil dito!
Unti-unting naubos yung mga piyesa namin at lalo akong kinakabahan habang
nababawasan yung piyesa ko. Nagulat nga rin ako
nung yung mga kaklase ko ay sobrang chinicheer ako eh. At nalaman ko rin na
pinagpustahan na rin pala nila yung laban na �to.
Sinong pasimuno? Aba eh sino pa eh di si Jonathan. Walang hiyang yun.

Hanggang dahil sa isang galaw..

�Checkmate.�

Parang nawalan ako ng hininga nung mga panahong yun. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tapos na ba ang laban na �to? Tapos na ba
talaga? Hinihingal na ako sa sobrang kaba.

�OMG NADINE YOU WON!!!!!!!� halos mabingi ako sa hiyawan ng classmates ko. Yung iba
ay nagyakapan pa kesyo kumita daw sila,
kesyo saw akas daw ay natalo na si Carl.

Hindi rin ako makapaniwala. Nasabi ko yung salitang checkmate sa kanya. Na..nanalo
ako. Natalo ko siya. Natalo ko.. si Carl.

�Whoo Carl! Natalo ka ni Nadine! Hahaha! Natalo ka ng Queen mo---� nabigla ako nung
siniko ni Carl si Jonathan. Pero mas nabigla
ako sa narinig ko. Halos manigas ako sa kinauupuan ko noon habang inaayos ko yung
mga piyesa.

�Oops. Sorry Carl! HAHAHA! Napakatorpe mo naman kasi! Akala ko ba King ka? Eh di
dapat kailangan mo ng Queen! Umamin ka na
kasi. Tagal-tagal mo ng hinintay tong chance na �to oh.� Napahinto yung mga kaklase
namin sa pagsasaya at napatingin lahat sa
amin.

�Ah shit. Humanda ka sa akin mamaya Jonathan.� Kahit pabulong niyang sinabi yun kay
Jonathan eh narinig ko pa rin dahil malapit
lang ako sa kanya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at lumapit.
�Here.� Bigla siyang umupo at inoffer yung kamay niya para tumayo ako. Now we�re
making a scene here. At ang maganda dyan ay
biglang dumating sa room yung bestfriend ko na galing sa canteen.

�Th..thank.. you.� Habang palipat-lipat yung tingin ko kay Carl at Sidney, yung
bestfriend ko. At nararamdaman ko na kailangan ko na
ng oxygen tank. Leche, di ako makainga sa sobrang kaba!

�What if malaman mo na matagal na akong may gusto sayo?� napalunok ako sa tanong
niya. No.. no way. �Paano kung.. sabihin ko
sayo ngayon na.. gusto kita.� Wala na. I�m totally frozen. Ubos na rin yung hininga
ko.

�Sus! Wag kang mag-alala Carl! Patay na patay rin yan sayo! Dati pa! Hahaha! Peace
Nadine! Labyu!� napatingin ako kay Sidney na
nakapeace sign sa akin. Ngayon ay gusto ko ng lamunin ng lupa. Shet! Ang kahihiyaan
ko! Bakit niya sinigaw yun?!

�Totoo ba..yun?� biglang hinawakan ni Carl yung kamay ko. At dahil wala na rin
akong magawa, tumango nalang ako. What a scene!
Bakit kailangan sa harap pa ng mga kaklase ko?! Bakit kailangan eh malaman nilang
lahat?! Nakakahiya!

Nakita kong ngumiti ng malapad si Carl na agad namang ikinabilis ng tibok ng puso
ko. Shet lang talaga. Parang kumakarera lang
yung puso ko sa sobrang bilis.

Nagulat ako nung biglang may kinuha siya sa bulsa niya. White na Queen.

�Nadine. Will you be.. my Queen?� at saka niya inilagay sa palad ko yung Queen na
piyesa.

Napangiti ako. Hindi ko akalain na dahil lang sa isang game eh magkakaaminan kami.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil hindi ko
akalaing magkakagusto siya sa isang mataray na babaeng katulad ko. Lumayo muna ako
sa kanya at may kinuha ako sa lapag.
Pagkatapos ay iniabot ko yun sa kanya.
�I�ll be a Queen.. if you�ll be.. my King.�
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>5###########################################################
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like