You are on page 1of 2

EDUKASYON (January 10, 2016 Filed under Opinyon Posted by Balita Online)

KAPANALIG, ang edukasyon ang pinakatanging yaman ng maraming pamilyang Pilipino.

Karamaihan sa mga pamilya ang naniniwala na ito ang pinakamainam na pamanang
maiiwan nila sa kanilang mga anak.
Kaya lamang, ang pamanang ito ay naipagkakait na ngayon sa karamihan dahil sa hirap
ng buhay. Sa ngayon, tinatayang isa sa apat na pamilyang Pilipino ay maralita. Isa naman
sa 10 pamilya ay kabilang sa extreme poverty.

Dahil sa kahirapan, maraming bata, sa halip na umaasa sa kikitain ng kanilang magulang

ay maging sila ay napipilitang magbanat ng buto sa murang edad. At sa pagtulong nila sa
kanilang magulang, nawawalan na sila ng oras at gana sa pag-aaral.
Sa ngayon, ayon sa Philippine Education for All 2015 National Review Report Philippines,
malaking hamon pa rin sa ating bansa ang pagpapanatili ng mga estudyante sa
elementarya at high school. Ang completion rate natin mula 2005-2006 hanggang 2012-
2013 ay nasa 72% lamang sa elementarya at 73% naman sa sekondarya.
Sa kabilang banda, ayon naman sa Philippine Statistical Authority (PSA), nasa 5.492
milyong bata na nasa edad 5 hanggang 17 ay nagtatrabaho na. 41.6% dito o 2.283
million ay naitala para sa child labor. Tatlo sa 10 bata sa Northern Mindanao ang
nagtatrabaho na habang isa sa 10 naman sa Metro Manila.
Ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing paraan ng ating pamahalaan upang matapos
ang kahirapan. Maraming pamilya rin ang nangangarap na makaahon sa kahirapan
matapos makapag-aral ang mga anak.
Isa sa mga nakikitang solusyon ay ang conditional cash transfer (CCT). Para sa ilang
pamilya, ang direktang pagtulong na ito ay sapat na, ngunit sa iba, kulang pa. Hindi sa
pera, kundi sa values formation. Ito ay isa sa mga areas na kailangang pagtuunan ng
pansin ng ating lipunan upang maging mas epektibo at masiguro ang edukasyon para sa
lahat ng kabataang Pilipino.
Ang edukasyon ay isa sa mga importanteng salik ng ating dignidad at ng ating kaunlaran.
Ayon nga kay Pope Francis, “Our generation will show that it can rise to the promise
found in each young person when we know how togive them space. This means that we
have to create the material and spiritual conditions for their fulldevelopment; to give
them a solid basis on which to build their lives; to guarantee their safety and their
education so that they can be everything they can be.”
Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual

You might also like