You are on page 1of 16

Panitikan

Larawan ng mga librong pampanitikan.


Isang aklatang may mga aklat pampanitikan.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang


panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula na nag-
uugnay sa isang tao. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga
walang saysay na babasahin o
patalastas lamang, ang mga panitikan ay
ang mainam na pagsulat na may anyo,
pananaw, at diwang nakasasanhi ng
matagal na pagkawili at gana.
Samakatuwid, may hugis, may punto de
bista at nakapagpapahaba ng interes ng
mambabasa ang isang sulating
pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng
buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at mga
karanasang kaugnay ng iba't ibang uri
ng damdaming tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.[2] Ito ang isang
dahilan kung bakit pinag-aaralan ang
larangan ng literatura sa mga paaralan.
Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa
ng mga mabuting likhaing
pampanitikang kanluranin, maging ang
Aeneid ni Vergil.[1]

Mga uri ng panitikan


Sa pinakapayak na paghahati, dalawa
ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon
(Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon
(Ingles: non-fiction) na mga sulatin at
babasahin. Ginagamit ng mga
manunulat ang kanilang imahinasyon
para sa pagsulat ng mga akdang
bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila
ng mga kathang-isip na mga tauhan,
pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook
na pinangyarihan ng kuwento para sa
kanilang mga prosang katulad ng mga
maikling kuwento.[1]

Para sa pangalawang anyo ng panitikan,


bumabatay ang may-akda sa mga tunay
na balita at iba pang kaganapan, ayon sa
kaniyang mga kaalaman hinggil sa
paksa. Pinipilit dito ng manunulat na
maging tumpak sa mga detalye ng mga
pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang
ang nakaka-engganiyong kuwento.
Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na
mga sulatin at babasahin ang mga
talambuhay, awtobiyograpiya,
talaarawan, sanaysay, at mga akdang
pang-kasaysayan.[1]

Mga akdang pampanitikan


Mga Akdang Tuluyan

Anekdota
Nobela
Pabula
Parabula
Maikling kuwento
Dula
Pasaling Dula
Sanaysay
Talambuhay
Talumpati
Balita
Kuwentong bayan
Salawikain
Kasabihan
Alamat
Mito

Mga Akdang Patula Mga Tulang


Pasalaysay - pinapaksa nito ang
mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan
ng tauhan.

Awit at Korido
Epiko
Balada
Sawikain
Salawikain
Bugtong
Soneto
Kantahin
Tanaga
Tula

Mga Akdang Pampanitikan


Na Nagdala Ng Malaking
Impluwensiya Sa Buong
Daigdig
Bibliya o Banal na Kasulatan- naging
batayan ng pananampalataya ng mga
Kristiyano
Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal
na aklat ng mga Muslim
Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher
Stowe ng Estados Unidos- nagbukas
ng kaisipan ng mga Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at
pinagsimulan ng pandaigdig na
paglaganap ng demokrasya
Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya-
kinatutuhan ng mga alamat at
mitolohiya
Divina Comedia ni Dante ng Italya-
nagpapahayag ng pananampalataya,
moralidad at pag-uugali ng mga
Italyano sa kapanahunang yaon
Canterbury Tales ni Chaucer-
naglalarawan ng mga kaugalian at
pananampalataya ng mga Ingles
Aklat ng mga Araw ni Confucius-
naging batayan ng pananampalataya
at kalinangang Intsik
Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan
ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya
at Persya
El Cid Compeador- tumatalakay sa
kasaysayan ng Espanya at
naglalarawan ng katangiang panlahi
ng mga Kastila
Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng
panahong ginto ng Kristiyanismo sa
Pransya, napapaloob dito ang Ronces
Valles Doce Pares ng Pransya
Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa
mitolohiya at teolohiya ng mga
mamamayan ng Ehipto
Mahabharata- ipinalalagay na
pinakamahabang epiko sa buong
mundo na tumatalakay sa
pananampalataya sa India

Kaugnayan sa kalinangan
Nag-uugat ang lahat ng likhaing
pampanitikan mula sa buhay, at
naglalarawan ng kalinangang
pinagmulan nito.[1]

Kaugnayan sa kasaysayan
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa
Kasaysayan sapagkat dito natin makikita
kung ano ang buhay ng mga tao noon.
Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela,
Kantahin, o talumpati nalalaman kung
ano ang obserbasiyon ng mga may-
akda sa kanilang paligid at sa kanilang
mga buhay.

Ang panitikan din ay nagsisilbing


patunay sa mga pangyayari sa
nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Jose
Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na
sinapit ng mga Pilipino noong panahon
ng Kastila.

Isang tradisiyonal o nakaugaliang paraan


sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga
tekstong pampanitikan. Isa itong
metodong nagpapakita ng mga bagay,
karanasan, at puwersang
pangkasaysayan na nagbigay ng
impluwensiya tungo sa paggawa,
pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng
panitikan.

Tingnan din
Panitikan sa Pilipinas
Panitikang pambata
Pagsusuring pampanitikan

Mga sanggunian
1. The New Book of Knowledge (Ang
Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa
wikang Ingles, Grolier Incorporated,
1977, ISBN 0-7172-0508-8
2. Sauco, Consolacion P., Nenita P.
Papa, at Jeriny R. Geronimo.
Panitikan ng Pilipinas.

Mga talaugnayang panlabas


Websayt ng PANITIKAN.com.ph  –
sityo ng National Commission on
Culture and the Arts, Likhaan
Foundation, Inc., at LIKHAAN: The UP
Institute of Creative Writing.
Panitikan - Karagdagang mga
impormasyon ukol sa panitikan

May kaugnay na midya ang Wikimedia


Commons ukol sa artikulong:
Literature

Kinuha mula sa
"https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Panitikan&oldid=1702648"

Last edited 21 hour ago by WayKu…


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like