Kinatawan: Itinalaga upang kumuha ng impormasyo sa progress Report
Paksa: Progress Report Saan: Donya Lucia Mondragon Northern Samar Kailan: May 6, 2019 ganap na 11:00 ng umaga-1:30 ng hapon Bilang ng dumalo: lalaki 5 - babae 6
Unang-una sa lahat dumating kami sa Donya Lucia Mondragon Northern Samar
ng bandang 11:00 ng umaga at natapos kami ng bandang 1:30 ng hapon at pagdating namin ay wala ang municipal Engineer, ang Engineer sana ang sadya ng aming grupo ngunit wala ito pero mabuti nalang nandon ang Assistant Engineer na si Jerson Aragon Pegenia at nagtanong ang aming grupo kung pwede siya nalang ang aming ma interview at pumayag naman siya at sinabi niya ang budget sa sinabing proyekto at Ito ay umabot sa php 4,400,203.15 at meron daw rin din silang 28 Tauhan at sinabi din niya ang layunin kung bakit nagpatayo sila ng gusaling konkreto na may isang palapag at sumat ng lupa na pagtatayoan at umabot ng 336 metro kuwadrado na kanilang magagamit sa kahit na ano mang okasyon maaraw man o maulan lalo na sa mga pagdiriwang tulad ng pyesta (fiesta) palaro o paligsahan, graduation at sabi din niya ito ay sinimulan ang trabaho noong Agusto 9, 2018 at natapos ito ngayon pebrero 20, 2019.