You are on page 1of 2

“50 container van ng

basura naipasok sa PH
mula Australia
Maaalalang pumutok ang balitang may basura mula Australia na
katumbas ng pitong container van na umanoy misdeclared na basura na
nakapasok sa Tagaloan,Misamis Oriental noong isang linggo.
Pero lumalabas sa dokumento na nakalap ng ABS-CBN News na may iba
pang pagkakataong naipasok ang basura mula Australia sa ibang parte ng
bansa.
Batay sa report ng Bureau of Customs,Hindi lang pito mahigit 50
container van na puno ng basura ang nakapasok sa pier sa Misamis
Oriental nito lamang Mayo.
Naka-classify din umano bilang municipal waste ang basura,na
ipinagbabawal ng batas.
Ang kompanyang Holcim cement umano ang consignee ng mga pinasok
na kargamento na idineklarang “processed engineered fuel”(PEF)
Lumalabas pa sa ulat na nakalabas agad ng customs ang mga kargamento
dahil dumaan ito sa “ super green lane”.Ibig sabihin,uunahin sa x-ray at
wala nang halos inspeksyon ang kargamento.
Karaniwang ang 1,000 corporation ang binibigyan ng pribelihityong ito.
Ayon kay Department of Environment and natural resources
Undersecretary Benny Antiporda,recyclable fuel ang nasabat na pitong
containers,na ginagamit pangsunog sa materyales sa pagsesemento.
“Hindi naman na basura yan kung hindi recyclable fuel.Imbes na makipag
compete pa sa supply ng langis,ginagamit itong recycable fuel so wala
naming problema diyan”,ani Antiporda.
Lumalabas sa dokumento ng customs na walang permit ang basura ,na
kinakailangan sa pagtanggap ng recyclable fuel .
Sa halip, meron lamang sulat na hindi tinutulan ng DENR ang pagpasok
ng mga kargamento .
Meron ding mga umanoy basura na hinarang ang Customs sa Davao ,na
hindi pa nareresolba hanggang ngayon.Holcim cement din ang consignee
dito.
Ayon naman sa Holcim ,walang illegal sa kanilang pagpapasok ng
kargamento dahil pinapayagan naman ng DENR ang paggamit ng
processed engineered fuel para sa paggawa ng semento.
Noong isang taon,pa umno sila nagsimula mag-import ng PEF at
tumatalima sa batas ang mga dokumentong sumasakop sa importasyon.

You might also like