You are on page 1of 3

Sean Dominic O.

Mendoza
X-Copernicus Suring Basa

I. El Filibusterismo
A. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
B. Piksyon, Aksyon

II. Buod
Nagsimula ang nobela sa paglalakbay ng isang bapor sa pagitan
ng Maynila at Laguna kung saan matatagpuan sina Simoun, Isagani,
Basilio, Donya Victorina, Don Custodio at iba pa. Pumunta si Basilio sa
San Diego at dito ay nakasalubong niya si Simoun habang siya ay
dumadalaw sa puntod ng kanyang yumaong na ina. Dito ay naalala
niya si Crisostomo Ibarra na siya namang tumulong sa kaniya noong
labintatlong taon na ang nakalilipas. Nung una ay tinangkang patayin
ni Simoun si Basilio. Ngunit sa huli ay hindi niya ito nagawa at ito ay
hinikayat niya pa na sumapi sa kaniyang mga plano. Si Basilio naman
ay tumanggi sapagkat ang nais niya lamang ay ang makapagpagaling
ng kapuwa. Habang ang Kapitan Heneral ay abala sa pangangaso,
abala rin ang mga estudyante sa pagpaplano kung paano maipatatayo
ang Akademya ng Wikang Kastila. Marami silang naisip na plano
katulad ng pakikipag-usap kay Ginoong Pasta at Don Custodio. Inulit
hikayatin ni Simoun si Basilio na sumapi sakaniya at sumama sa
sapilitang pagbukas ng kumbento kung nasaan matatagpuan si Maria
Clara, ngunit napagtanto nito na patay na pala ito. Isang araw ay may
nakitang mga nakapaskil sa unibersidad na siya namang kinagalit ng
mga prayle kaya naman ay hinuli nila an ma estudyante at kasama
doon si Basilio. Nakalaya ang lahat maliban kay Basilio. Sa kabilang
banda, upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na
paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo
Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang
magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din
niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na
katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod. Pagkaraan
ng dalawang buwan, ay napalaya rin si Basilio at ito ay tumungo sa
kinaroroonan ni Simoun kung saan siya ay puamayag na sumama sa
mga plano ni Simoun. Nang naglalakad si Basilio malapit sa
pinagdausan ng handaan para sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito
Pelaez, ay nagbago din ang isip nito. Nanaig ang kabutihan sa
kaniyang puso. Nakita niya rito si Isagani at sinabi ang ganap sa loob.
Dito ay sinabi niya rin ang tungkol sa plano kaya naman ay kumilos si
Isagani upang iligtas ang mga tao. Kinuha niya ang lampara at tiyaka
niya ito tinapon sa ilog. Si Simoun naman ay tumakas at tumungo sa
bahay ni Pari Florentino. Uminom ito ng lason upang siya ay hindi
mahuli ng buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao
at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang
buhay. Kwinestiyon niya rin kung bakit hindi siya tinulungan at
ginabayan ng Diyos kung ang nais niya lang naman ay ang
makabubuti ng bayan. Nang yumaong si Simoun, ay itinapon ni Padre
Florentino ang kayamanan ni Simoun sa karagatan.

III. Paksa
Ang paksa ng nobelang ito ay totalitaryanismo. Ipinapakita nito
ang kapangyarihan ng pamahalaan sa kanilang mga nasasakupan
sapagkat walang magawa ang mga tao kung hindi sundin ang utos ng
mga ito.
IV. Bisa
A. Isip
Natutunan ko na hindi dapat tayo maghiganti kahit gaano man
kalaki ang kasalanan sa atin sapagkat walan mapapala ang
paghihiganti kung hindi satispaksyon lamang sa gumawa.

B. Damdamin
Nagsumiklab sa aking damdamin ang pagiging makabayan
sapagkat nalakay ng nobelang ito ang pagmamahal sa bayan
at inilabas nito ang lahat ng baho na ginawa sa atin ng mga
Kastila.

C. Asal
Napagtanto ko na hindi lahat ng mabuti ay tama. Maaaring
sabihin natin na ginagawa mo lamang ang sang bagay para sa
ating bayan, ngunit ang pamamaraan na ginamit ay hindi
tama at ito ay kailanman hindi tatanggapin n gating Diyos.

V. Mensahe
Nais lamang ipahayag ng nobelang ito na ang paghihiganti ay
hindi nagdudulot ng kabutihan sa bayan at hindi kailanman mananaig
ang kasamaan sa kabutihan.
VI. Teoryang Ginamit
Ang angkop na teorya sa nobelang ito ay ang Teoryang
Pampanitikan.

You might also like