You are on page 1of 1

PASALAYSAY NA ULAT

Ni Jerome B. Magdaraog
Bs-Criminology 1D
KINATAWAN: itinalaga upang kumuha ng impormasyon sa progress report
PAKSA: Progress Report
SAAN: Municipality of Mondragon Northern Samar
KAILAN: ika-7 ng Mayo 2019

Ang grupo ng unang distrito ay hinati sa dalawa, kung saan ang aming grupo ay sa Mondragon
Northern Samar at ang pangalawang grupo naman ay sa San Jose Northern Samar. Mayo 7, 2019 ng
umaga nagkita-kita kami sa Criminology Building para mapag usapan kung ano ang dapat gawin kung
nandoon na sa Munisipyo ng Mondragon at ng napagkasundoan na namin ang mga dapat gawin ay
pumunta na kami sa Mondragon. Sumakay kami ng tricycle papunta ng Mondragon at bumaba kmi sa
paradahan ng mga tricycle sa Mondragon at noon nakababa na kami sa tricycle ay naglagad lang kami
papunta ng Munisipyo na kahit mainit ang araw ay enjoy naman dahil sama-sama kaming pumunta sa
Munisipyo at ang nasa isip lang namin ay para matapos agad ang aming progress report o gawain. Hindi
talaga kaming nahirapan na matuntun ang Munisipyo ng Mondragon dahil sa meron kaming ka grupo na
taga Mondragon sina Bb. Africano at si Ginoong Cantong kasi kami halos taga Capul Yun na nga okey
nga naman kami papunta doon. Pag dating namin sa Munisipyo ng Mondragon ay nag pahinga muna
kami sanglit dahil nga sa pagod at uha na uhaw na kami at masyadong mainit ang sikat ng araw mga
ilang minuto ay dumating si Mayor Mario Madera at kinausap nila ito ni Cantong at Africano. Subalit ang
Mayor ay abalang-abala dahil na nga sa nalalapit na ang eleksiyon at bilang pagkapanauhin niya ay sabi
niya na kami daw ang kumausap sa enhinyero ng Munisipyo ng Mondragon. Noong pumasok na sina Bb.
Africano at Ginoong Cantong ay wala daw dito ang Municipal Engineer na si Eng. Pagenia subalit ang
Assistant Engineer lang Yung nandoon. Nag usap-usap kami kung pwede ang Assistant Engineer na
lang ang interbyuhin natin dahil nga sa mayroong lakad nga ang Municipal Engineer. Bumalik sa loob
yung dalawa pero kasama na ang tatlo naming kasamaran na si Bb. Belardo at Bb. Devara at sinabihan
nila yung assistant engineer na kung pwede ay siya na lang ang interbyuhin at ganun na nga pumayag
naman ito. Tinanong nila kung ano ang inprastraktura ang kanyang natandaan mula ng siya ay naging
Assistant Engineer ang aming gagawan ng progresibong ulat. Dahil siya ay mabait maganda naman ang
pagsagot niya sa mga katanungan namin sa kanya at ng natapos yung mga katanungan namin sa kanya
ay binati namin siya ng maraming salamat at nagpapicture kami na kasama siya. Pagkatapos noon ay
pumunta kami sa Proyekto ng natapos na at kinunan naminpara sa gagawin naming progress report. ito
ay nasa Brgy. Dona Lucia Mondragon Northern Samar.

You might also like