You are on page 1of 1

SALAYSAY

Ako si Corazon Cagoscos, 59 taong gulang may asawa at mga anak


nakatira sa P-3 Banglasan, Montevista, Compostela Valley Province. Taong 1983
buwan ng Hunyo 24 pumunta ako sa pamilyang Himolatan para manghiram ng bigas.
Sa oras na yon, Inimbitahan ang pamailyang Himolatan nga mga ICHDF at Militar at
isinama ako kahit ayaw ko sana at doon kami dinala sa Munisipyo ng Montevista at
ipinasok sa Jail sa loob ng limang araw naranasan ko ang pambubogbog, sampal,
suntok at palo na halos ikamatay ko ang sakit inipit at tindi ng sakit ang inabot ko halos
araw-araw nila ginawa yon sakin ang pag-ipit ng bala sa mga daliri ko at palaging
napasigaw ako wala silang respito kahit babae pinapatulan at sa kabila ng Jail doon ako
binugbog at pinagsamantalahan ng hindi ko kilalang sundalo wala akung sinabi sa mga
kasamahan ko dahil mama ako.

Noong nakalabas kami Hulyo 1, 1983 pumunta ako sa Birthday ni Ailyn


Himolatan at biglang nagputukan habang tumutulong ako sa pagluluto. Dumapa kami
ngunit marami na sa amin ang tinamaan ng bala at isa na ako doon na natamaan sa
kanang paa pinasok ng ICHDF ang bahay biglang nagsalita ng malakas! Patay na
Lahat.......

Dinala kami ng aming mga kapit-bahay sa Christ the King Hospital ng


Comval at napatay ang dalawang bata agad-agad pagkatapos ng putukan.

Hanggang dito nalang po.

CORAZON CAGOSCOS
Martial-Law Victim

You might also like