You are on page 1of 9

POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG

PAGGAMIT NG CELLPHONE NG MGA


ESTUDYANTE NG HUMSS STRAND

Isang pananaliksik na iniharap para kay


Gng.Mary Jane B. Landig

Bilang pagpatupad sa pamahaging pangangailangan sa


Asignaturang pagbabasa at pagsusuri ng iba’t- ibang
Teksto tungo sa pananaliksik

Nina:
Albion Leysa
Faida Calimbol

Marso 2019
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1

A. Rasyonal at kaligiran ng paksa

B. Paglalahad ng suliranin

C. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral

D. Rebyu ng kaugnay na literatura

E. Teoritikal na gabay at konseptuwal na balangkas

F. Saklaw at delimitasyon

G. Daloy ng pag- aaral


KABANATA 1

A.Rasyonal at kaligiran ng paksa

Panimula

Sa panahon ngayon ay marami ng makabagong teknolohiya na kung saan

namulat ang mga kabataan dahil dito,katulad lamang ng pagkakaroon ng

cellphone ,laptop,ipod at iba pa.kaya bwat estudyante na pumapasok sa paaralan

ay may kanya-kanyang cellphone kaya ang pag-aaral ay may kanya-kanyang

cellphone kaya ang pag-aaral na ito ay para ipaalam sa mga estudyante ang mga

positibo at negatibong paggamit ng cellphone sa mag-aaral at upang malaman

kung ano ang maidudulot nito.

Marami ngayon ang.mga kabataan ang hindi na maiwasan ang paggamit ng

cellphone,kaya dahil dito ay napapabayaan ang kanilang pag-aaral at umaasa

lamang sa teknolohiya o cellphone na imbes na mag-aaral ay mas gumagamit ng

teknolohiya para lang makakuha ng sagot o ideya mula rito. Maraming mga

estudyante ang bumabagsak sa klase dahil ginagamit nila ito sa pagpapahayag

ng kanilang saloobin sa pang komunikasyon sa iba at dahil sa ito na rin ang

pinakasikat sa pakikipag komunikasyon sa ating henerasyon. Ang cellphone ay

maari ring magdulot ng maganda sa mag-aaral katulad ng cellphone na kung saan

napapadali nito ang gawain kaya naman hindi maiwasan ng mga estudyante

ngayon ang pagiging tamad sa paggawa ng kanilang mga gawain.


B.PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Maraming mga kabataan ang mahihilig sa mga gadgets isa na rin dito ang

paggamit ng cellphone dahil nagiging dulot na rin ito ng problema ng mga

magulang sa kanilang anak.

Ilan sa mga kabataan ang nahihilig sa paggamit ng cellphone, subra o wala

na sa tamang oras ang paggamit nito. Nagiging sanhi na rin ito ng problema, tulad

ng hindi pagkain sa tamang oras dahil nalilibang sa mga laro ng mobile gaming at

napapabayaan ang pag-aaral dahil sa sobrang paggamit. Isa na rin dito ang di sa

tamang oras ng pagtulog ,dahil nito laging puyat ang estudyante at maging sa

kawalan ng oras para sa pag aaral o pag gawa ng takdang aralin dahil sa subrang

pagkabusy ng isang estudyante sa cellphone.


C.LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

>Layunin ng pag-aaral

Sa pag-aaral na ito ay tinatalakay ang positibo at negatibong epekto ng

paggamit ng cellphone ng mga estudyante at sinusuri ang mga epekto nito.

1.)Alamin ang positibo ng paggamit ng cellphone.

2.)Alamin ang negatibo ng paggamit ng cellphone.

3.)Alamin ang mga epekto ng paggamit ng cellphone sa mga estudyante.

>Kahalagahan ng pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga dulot ng

paggamit ng cellphone maging ang mga dahilan nito. Isa na rin dito ang pagbibigay

ng mahahalagang impormasyon tungkol sa subrang paggamit ng cellphone o mga

gadgets.
B.TEORITIKAL NA GABAY AT KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

EPEKTO NG
PAGGAMIT NG
CELLPHONE

MGA MAG-AARAL
NG HUMSS STRAND

POSITIBO NEGATIBO
Ang modelong nakalarawan ay tungkol sa epekto ng cellphone sa mag-aaral

ng Humss strand at ipinapakita ang positibo at negatibo nito.

SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay pinag-aaralan ang paggamit ng cellphone .Saklaw

rin nito ang pag-aaral ng positibo at negatibong epekto ng gamit ng cellphone

Tacurong National High School , Senior High Tacurong City, sa panahon ng

akademikong taon 2018-2019.

DALOY NG PAG-AARAL

Tinatalakay sa unang parte ang tungkol sa positibo at negatibong epekto ng

paggamit ng cellphone. Kabilang din dito ang mga dahilan ng paggamit ng

cellphone at epekto nito.

Ang ikalawang parte naman ay pinag-aaralan at tinatalakay ang sanhi at

dulot ng paggamit ng cellphone sa mga estudyante.

Ang huling pananaliksik ay ipinapakita ang epekto ng paggamit ng cellphone

maging ang positibo at negatibo nito.


D.REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Sa kasalukuyan nagkalat ang ibat-ibang imbensyon. Mga makabagong

kagamitan na nagiging daan upang maging mas komportable ang pamumuhay ng

mga tao.Ang cellphone ay isa sa pinakapatok na imbensyon na bentang benta sa

mga panahong ito.

Maraming pakinabang sa tao ang paggamit ng cellphone sinasabi sa isang

pahayagan na kung walang cellphone hindi tayo maaring magkaroon ng tuloy tuloy

na komunikasyon sa ating mga kaibigan at kapamilya,maaaring hindi rin natin

magawang gumising ng maaga dahil sa panahon ngayon ang cellphone ay malimit

na nagsisilbing alarm clock sa atin,maaaring hindi rin malalaman n gating mga

kaklase kung bakit tayo nahuli sa pagpasok kung walang cellphone,maging ang

mga pangyayaring mahahalaga sa ating pang araw –araw na buhay ay hindi rin

natin maipapaabot sa ating mga kapamilya na nasa malalayong lugar,higit sa lahat

kung tayo ay nasa gitna ng napakaraming tao maaring hindi rin tayo matutunton n

gating mga kasama.Ang mga nabanggit ay ilan pa lamang sa mga mahahalagang

bagay na naitutulong ng makabagong imbensyon,ang cellphone.

Ayon sa ginawang sarbey ng “Ipsos Media Atlas Philippines Nationwide

Urban 2011-2012” pinpakita sa kanilang sarbey na nasa 22% ang gumagamit ng

cellphone sa games,25% ay ginagamit ito bilang camera,habang nasa 23% naman

ang gumagamit nito bilang audio player.Ayon pa kay Ginoong Steve Garten,

Executive Director ng Ipsos Media Atlas Philippines ,ang mga tao sa kasalukuyan

ay hindi na kayang mabuhay ng walang cellphone,nakakasanayan na ng mga tao

ang paggamit nito ng mas madalas.


Ang cellphone ay nagiging instrumento din upang mabilis na maka konekta

sa mga Social Networking Websites, makapag send ng email at makapag chat,

makapangalap ng impormasyon sa internet,makapanuod ng video,at makapag

download at upload.

Mas nagiging mas masusi pa ang ginagawang pag-aaral sa mga panahong

ito upang maging mas higit na kapaki pakinabang pa sa bawat tao ang cellphone.

You might also like