You are on page 1of 1

Ian Kirk M.

Villanueva BSCS 1-2

Sa aking pananaw, nais ipahayag ng teksto na bagaman mahalaga ang pag-


aaral, mabuti pa rin na balansihin ang akademiko, propesuon at kung ano pa mang
hangaring parangal o titulo sa buhay. Hindi masamang mangarap ng mataas, ngunit
hindi rin namang masama ang magkaroon ng simpleng pangarap. Datapwat ang
pagsusunog ng kilay, pagpapakadalubhasa; paggugol ng oras, pera at buhay upang
makamit ang mga matataas na pangarap na makapagbibigay ng pribiliheyo sa isang
tao ay maganda nga naman, ngunit hindi ang mga ito lamang ang tanging makasusukat
ng halaga ng tao at hindi lamang ang tanging paraan upang magkaroon ng ganap at
masayang buhay. Hindi dapat ibinubuhos ang lahat sa pag-aaral at sa kung ano pa
mang hangarin.
Ngayong nasa kolehiyo na ako, nais lamang ipaalala ng teksto na huwag
sobrahan ang pag-aaral, maglaan din dapat ng oras sa ibang aspeto ng buhay tulad ng
pakikipagkaibigan, pakikipagkapwa-tao, maglaan din ng oras sa ibang mga bagay na
mahalaga lalo na sa mga mahal sa buhay at iba pa.

You might also like