You are on page 1of 6

Sa lungsod ng sorsogon nakatira ang isang babae na nagngangalang Maria Labo.

Siya ay may asawa at


biniyayaan sila ng dalawang anak. Galing lamang siya sa mahirap na pamilya , kaya't napagisip -isip
niyang mamasukan sa ibang bansa

Tatay : Maria .. Maria

Anak 1: ayy si tatay ..

Anak 2 : tara buksan natin

Tatay : o mga anak (magmamano ) ang nanay nyo

Anak 1 : nasa kusina po tay nagluluto

Tatay : pangga

Maria : pangga

Tatay : pangga

Maria : oh pangga andito kana pala , siguro gutom kana no , kain muna tayo

Tatay : sige sandali lang bihis muna ko gah..

Maria :mga anak tara kumain na tayo mamaya nyo na tapusin yan sunod ka na gah..

Tatay : o sige

Anak 2 : nay ito nanaman po ba ulam.natin?

Maria : oo anak , pagpasensyahan nyo na hayaan nyo bukas mamamalengke na si nanay

Anak 1 : nay sawang sawa na po kami dyan (kamot ulo ) eh ganyan na po ulam natin gabi gabi

Tatay : hayaan nyo bukas bibili ang tatay ng karne , sa ngayon ito na muna masarap to tikman niyo, diba
nay? Sige na

Maria : kainin nyo yan mga anak... Sige na

Kinabukasan habang papasok sa paaralan ang kanyang mga anak , lumapit sa kanya ang isa sa.mga ito ...

Maria : oh anak bakit May problema ba ?

Anak 1: Nay pwede nyo po bang palitan ang bag ko? sira na po kase siya eh..

Anak 2 : nay sira na rin po itong sapatos ko pwede nyo rin po ba kong bilhan

Maria : mga anak pagpasensyahan nyo muna yan ngayon ah wala pa kaseng pambilii nyan ang nanay ,
hayaan nyo anak maghahanap ng trabaho ang nanay..
Dahil sa hirap ng buhay , naghanap si maria ng trabaho , nag - apply siya bilang isang caregiver sa ibang
bansa ..

Maam : Mrs. Maria labo !!

Maria : magandang umaga po ..

Maam: ikaw ba si maria labo ?

Maria :ako nga po sir ..

Sir : ito nga pala ang file ng aalagaan mo

Maria : salamat po itatanong ko lang po sana, isa lang po ba ang employer ko sir

Sir : oo, ikaw na bahala sa lahat , pati bahay aalagaan mo

Maria : salamat po , kaya ko namn po sir.

Matapos maghanao ng trabaho ay bumalik na c maria labo sa kanilang bahay, makalipas ang ilang
minuto matapos magpahinga ay nagluto na si maria

Tatay : pangga

Maria : o ga kain kana

Tatay : ga mukhang yatang may problema ka ? Ano ba yon ?

Maria : wala pa ba ang mga bata ?

Tatay : parating na siguro yon , sabihin mo na nga sakin kung anong problema mo hindi ka naman ganyan
kapag wala kang iniisip eh ..

Maria : eh wala naman ga naghanap kase ko ng trabaho, naisip ko lang naman gusto ko lang makatulong
sa panggatos natin sa araw -araw lubog na tayo sa utang ga .

Tatay : nagtatrabaho naman ako diba malay mo sa susunod na araw hinihintay ko na lang naman na
mapromote ako , tataas na sweldo ko

Maria : ulitin mo nga sinasabi mo ga ,kailan pa tumatanda na mga bata ,dumadami na mga gastos,kailan
pa tayo gagawa ng paraan, kapag lubog na tayo sa utang ga , kapag wala na tayong maipakain sa mga
anak natin ..

Tatay : eh kaya nga nagsusumikap ako sa trabahon ko , eh may iba namang paraan kung gusto mong
kumita bastat dito ka lang

Maria : hindi gusto kong mag -aapply .kayat sa ayaw at sa gusto mo mag aaply ako ... Pangga para naman
to sa ikagiginhawa ng buhay ng mga bata kaya sige na pumayag kana ...
Anak 1 : nay, tay nag- aaway po ba kayo ?

.anak 2 : bakit po may problema po ba ?

Maria : wala mga anak, may pinag usapan lang kami ng tatay nyo

Tatay " sige na mga anak pumasok.na muna kayo sa kwarto magbihis na kayo ang pawis nyo na eh ..

Maria : ga pagpasensiyahan mo na ko iniisip ko lang naman ang kapakanan ng mga bata

Pinayagan na ng asawa ni Maria Labo na magtrabaho siya sa ibang bansa, Kinabukasan nagpaalam na si
maria sa kanyang asawa at mga anak at lumipad na patungong ibang bansa ..

Tatay : ga mag- iingat ka dun ah huwag mong pababayaan ang sarili mo mahal na mahal kita ..

Maria : mahal na mahal din kita ga ikaw na bahala sa mga bata ahh..

(Nagyakapan at nag iiyakan )

Anak 1 : nay huwag na po kayong umalis ...

Anak 2 : nay pwede po bang kami na lang ang maghatid sa inyo sa airport ?

Maria : hinde pwede anak eh , hayaan nyo anak mabilis lang naman si nanay magkakasama rin tayo ulit ,
ga huwag mong pababayaan ang mga bata ha sige alis nako magpakabait kayo hah alagaan nyo si tatay ..

Anak 1 : opo nay

Maria : ikaw naman huwag kang makikipag away sa skwela ha, pangako babalik si nanay

Anak 2 : opo nay

Anak 1 at anak 2 : nay....

Umalis na si maria labo at iniwan ang asawa at dalawang anak sa bicol ...pagkarating sa ibang bansa
habang naglilinis

Old man : maria mag -isa na lang ako dito patay na ang asawa ko

Maria : ay sir pasensya na po hayaan nyo po aalagaan ko po kayo

Makalipas ang ilang taon na pagtatrabaho ay napalagay na ang loob ng matandang lalaki kay maria kaya
naman kinausap nito si maria dahil sa malala na ang kanyang sitwasyon

Old man : mahina na ako maria , at may ipapakiusap sana ko sayo,

Maria : sige po sir ano po ba yon ?


Old man : matanda na ko maria , may ibibigay ako sayo pwede bang tanggapin mo na lang , kapalit nito
lahat ng kayamanan ko ay ibibigay ko sayo

Maria : sir ?

Old man : sige na maria wala na akong pamilya, ikaw na lang nag aalaga at nagmamalasakit sa akin
hayaan mong masuklian ko iyon ...

Maria : ahh sige po sir

Pagkatapos ng gabing iyon namatay na ang matanda at nilunok at tinanggap ni maria ang ibinigay ng
matanda lingid sa kanyang kaalaman ang sumpa ng mahiwagang bato ...

Makalipas ang ilang araw ay kaagad naman umuwi si maria sa kanilang bahay ...

Tatay : pangga mis na mis kita

Mga anak : nay mis na mis kana po namin

Maria : (parang wala sa sarili ) mis ko na rin kayo kunin nyo na lang ang mga pasalubong nyo dyan

Anak 1: nay maglalaro lang po kmi sa labas ...

Anak 2 : opo nay

Maria : (tumango lang )

Anak 1: tagu taguan ikaw ang taya

Anak 2 : sige pagbilang ko ng sampo dapat nakatago ka na. Isa dalawa tatlo apat lima anim

Anak 1 : hindi pa .. Hindi pa ..

Anak 2 : pito walo siyam sampo

Anak 1 : save

Anak 2 : ang daya naman

Hinabol ng isa ang kapatid niya at sa di inaasahan ay natapilok ang ito dahil dito nasugatan ang paa niya
at dumugo pumasok na sila sa bahay ...

Mga anak : nay tulungan nyo po kami nay nasugatan po kami, nay tulungan nyo po kmi nay naynayy ...

Lingid sa kaalaman ng mga bata na uhaw na uhaw na sa dugo ang kanilang ina at naamoy nito ang dugo
nila , habang kumakatok sa pinto binuksan naman ito ni maria ng nanlilisik ang mga mata , dahil dito
natakot ang mga bata at tumakbo sa magkahiwalay na direksyon habang umiiyak nagtago sila nagtago
ang pangalawa niyang anak sa ilalim ng hapagkainan nila ngunit hindi nagtagal ay nahanap ni maria ang
pangay na anak at ipinatong ito sa mesa dahil sa wala sa katinuan si maria hindi na niya napansin ang
nagmamakaawang mukha ng kaniyang anak at sinimulan na nga niyang ibinaon ang mga kuko sa dibdib
at tiyan ng anak. Saka tinawag ang isa niya pang anak..

Anak 1 : Nayy huwag po maawa po kayo sa akin nayyy...

Maria : anak ... Mahal.... Mahalll asan ka.

Dahil sa nakitang ginawa ng ina ay natakot ang pangalawa niyang anak kaya lumabas ito sa ilalim ng
mesa .. Tatakbo na sana siya ng bigla siyang nakita ng ina at hinawakan siya sa buhok

Anak 2 : nay huwag po maawa po kayo sa akin nayy maawa po kayo nayy...

Nay huwag po Nay ate ate ate ....

Katulad ng ginawa niya sa panganay na anak ay inilagay rin ni maria ang pangalawang anak katabi ng
kapatid at iniharap niya ang anak sa harapan hinawakan sa leeg at sinimulang ibaon na rin ang matatalas
niyang kuko sa walang kaawa-awang niyang anak ...

Anak 2 : ahh..

Pinagtadtad at hiniwa ng pirapiraso ni maria ang mga katawan ng anak saka ipinasok niya sa ref at saka
niluto ang ibang parte ng katawan saka nilinis amga dugo sa paligid makalipas ang ilang oras dumating na
ang kanyang asawa galing sa trabaho ...

Tatay : mukhang masarap ang niluluto mo gah ahh , ano bang ulam ga

Walang imik si maria

Tatay : uyyy ang sarap (naglagay ng kanin sa plato niya)

Wala pa ring imik si maria

Tatay : kumain kana ba ? Yong mga bata pala pki tawag naman ga, para sabay sabay na tayo namis ko toh
ahh..

Wala pa ring imik si maria

Tatay : ga yun mga bata papuntahin muna rito para makasabay nag makakain Ibang klaseng luto mo ga
ahh sosyal na sosyal .. Sabi ko tawagin mo na yong mga bata para matikman naman ang sarap sarap oh...
Asan ba ung mga bata?gah ano ba sabi kong tawagin mo na ung mga bata para makakain na rin ano
ba ....

Umalis na si maria habang kumakain naisipan ng asawa nitong kumuha ng maiinom sa ref Dahil sa di
inaasahang makita ay nahulog niya ang baso nasuka siya ng makita ang pira pirasong katawan ng mga
anak

Tatay : ang mga anak ko ...anak ....anak... Walang hiya ka anong ginawa mo sa mga anak ko ...
Dahil sa di malamang emosyong naramdaman ng ama ay sinugod niya si Maria , tinaga niya ito sa mukha,
Malakas si maria kayang kaya niya ang asawa gamit ang matatalas at mahahabang kuko ay walang tigil
niyang pinagsasaksak ang asawa.. Nakatas si maria labo at umalis na sa bahay iniwan niya ang mga labi
ng asawa at mga anak at umalis na sa lugar habang papaalis si maria ay pinapatay na at dinudukot ang
puso ng kahit na sinong madaanan niya sa daan nagpagalagala siya sa ibang lugar .

Dahil sa taga na kagagawan ng asawa niya sa mukha kaya siya tinawag na maria labo. Pinaniniwalaang
buhay pa rin hanggang ngayon si maria at patuloy pa rin ang paghahasik niya ng lagim at pangbibiktima
sa mga bata . At dun na lamang po magtatapos ang aming kwento maraming salamat sa pakikinig
hanggang sa muli mga kaibigan ...

You might also like