You are on page 1of 2

Umibig sayo ng todo

Unang araw sa eskwela

Napatingin ako sa marumi kong kwela

Ngunit sa di inaasahan, ika'y nagsalita

Kaya't malinis mong mukha ay aking nakita

Kahit di ka man lang noon ngumiti

Pisngi ko pa rin ay napangisi

Dibdib ko'y biglang kumabog

Hindi ko maipaliwanag ang tunog

Puso ko'y nalilito

Isip ko'y nahihilo

Di alam kung ano ang naramdaman ko

Nang bigla na lang kitang nakagrupo

Lagi ko tuloy iniisip isang buwang proyekto

At higit sa lahat, isang buwang magkakasama tayo

Hindi mo man ako kilalanin

Sayo pa ri'y palihim na magpapapansin

Hanggang sa ako'y iyong isipin

At tuluyan mo namang mahalin

Kahit di mo alam kung saan ako nanggaling

Asahan mo na iyong tiraha'y aking tutuklasin.

Magmukha man akong tanga

Ganito talaga ata pag umiibig na

Kayat kung mabasa mo man ito

Maisip mo sana ang mensaheng hatid ng puso ko


Kahit kailan hindi mo mababago ang tibok ng puso ng isang tao

Tanging magagawa mo lang ay hayaan ang paghanga niya sayo

Dahil hindi mo man maibalik ang pagmamahal niyang totoo

Alam kong masaya pa rin siyang naranasan ang umibig sayo ng todo.

Akala ko tapos na

Hindi ko alam ang nararamdaman

Sa tuwing nakikita kang laging nakaganyan

Kay ali-aliwalas mo naman kasing tingnan

Ayan tuloy marami sa kanila, Ika'y tinititigan

Kayat pasensya na ,hindi ko talaga kasi kaya

Akala ko kasi tapos na

Pero hindi pa pala

Crush pa din kita

You might also like