You are on page 1of 1

SVEN777 Builders Corp.

Memo to: Romualde Alde


Position: Painter
RE: Sa pagdadala ng hindi asawa sa barracks
Date: June 26, 2019

Nais naming ipaalam sa iyo na ikaw ay nagdala ng hindi asawa sa loob ng barracks na dapat ay
mga trabahador lang ang andun. Ikaw ay nahuli ng ating Boss na si Edison Villanueva noon June
25, 2019 habang lunchbreak. Iyong nalalaman na ang ganitong gawain ay taliwas sa umiiral na
patakaran ng kompanya. Bunga nito, ikaw ay hinihingan ng nakasulat na paliwanag 48 oras mula sa
pagkakatanggap ng liham na ito. Ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon makapagpaliwanag
upang depensahan ang iyong sarili at mabigyan ka ng dueprocess.Upang bigyan ka ng dagdag na
pagkakataon upang personal mong maipaliwanag ang iyong panig at maglahad ng iyong mga
testigo. May pagkakataon kang magdala ng sarili mong abogado o taong iyong napiling humarap
para sa iyo sa pagdinig. At kung ikaw ay mapatunayang may kasalanan ang kompanya ay maari kang
tanggalin sa trabaho.

Company Management

Received: ______________________________

You might also like