You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REGIONAL TRIAL COURT


BRANCH __
LA TRINIDAD, BENGUET

THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES,


Plaintiff
CRIMINAL CASE No. ___
for STATUTORY RAPE
-versus-

SALVADOR CURRY

x ---------------------------------------------------- x

Ang testimonya ng saksi na si Ms. Maria Baria Otienta ay kanyang inilahad


sa pamamagitan ng sinumpaang salaysay upang ipabatid sa hukumang ito na
ang nasasakdal ay pisikal na imposibleng nasa lugar kung saan nangyari ang
nasabing krimen.

PANG-HUKUMANG SINUMPAANG SALAYSAY


Ako si Maria Baria Otienta, 22 taong gulang, walang asawa at kasalukuyang
naninirahan sa #69 Engineer's Hill, Baguio City, saksi patungkol sa kasong
inihabla laban kay Salvador Curry, matapos manumpa ng naayon sa batas ay
kusang loob at boong katotohanan na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

PAUNANG PAHAYAG

Ako ay siniyasat ni Atty. ___________________ na may opisina sa


____________. Ang pagsisiyasat na ito ay ginawa sa nasabing opisina sa
wikang Filipino. Sinagot ko ng makatotohanan ang kanyang mga katanungan
at ipinaliwanag niya sa akin na ako ay nanunumpa alinsunod sa batas. At kung
ako ay magsinungaling ay maari akong makasuhan ng pagsasalaysay ng
walang katotohanan (perjury).
TESTIMONYA:
1.TANONG (T): Ano po ang inyong pangalan, edad, tirahan at trabaho?
SAGOT (S): Ako po ay si Maria Baria Otienta, 22 taong gulang,
kasalukuyang naninirahan sa #69 Engineer's Hill, Baguio City at
namamasukan bilang kasambahay.

2.T: Kakilala ninyo po ba ang nasasakdal na si Salvador Curry?


S: Opo. Si Sir Salvador Curry po ang aking amo.

3.T: Maari mo bang ilahad kung nasaan ka noong Enero 4, 2019 sa ganap na
alas dose ng tanghali hanggang alas tres ng hapon?
S: Noon po ay buong araw po akong nasa bahay ni sir. Tulad ng dati, lahat
ng gawaing bahay ay aking tinapos at nagpahinga.

4.T: Ilang palapag ang bahay ng iyong amo?


S: Wala po itong palapag. Ang bahay po ng aking amo ay bungalo.

5. T: Umalis ka ba ng araw na iyon sa bahay ng iyong amo?


S: Hindi po dahil ibinilin po sa akin ni sir na bantayan ang bahay dahil wala
pong tatao doon.

6. T: Nasa bahay ba ang iyong amo noong Enero 4, 2019?


S: Wala po. Sila po ay magkasama ni Ma'am Yvonne sa Cagayan ng tatlong
araw.

7. T: Sino si Ma'am Yvonne?


S: Siya po ang kinakasama ng amo ko.

8. T: Paano mo nalaman na sa Cagayan sila pupunta?


S: Noong Enero 2 ng umaga ay inutusan po ako ng aking amo na ayusin ang
kanilang mga gamit dahil pupunta daw po sila ni Ma'am Yvonne sa Cagayan
at mananatili doon ng tatlong araw kaya pakabilin po sa akin ni sir na
bantayan ang bahay at huwag kalimutang pakainin ang mga alagang aso ni
Ma'am. Kung may problema man daw po ay itawag ko kaagad.

9. T: Kilala mo ba si Ms. Maria Marupok, ang biktima sa kasong ito?


S: Hindi ko po siya kakilala ng personal ngunit tuwing magpapaload po ako
sa kanto ay nakikita ko po siya.

10. T: Noong Enero 4, 2019 sa bahay ng iyong amo nakita mo ba si Ms.


Maria Marupok?
S: Hindi po dahil kung may tao mang pumasok doon ay kaagad ko pong
malalaman dahil sa kahol ng mga aso ni Ma'am.
11. T: Mayroon ka pa bang karagdagang nais sabihin?
S: Yun lamang po, Ma'am.

Wakas ng salaysay
Lungsod ng Baguio, ika-anim ng Pebrero 2019

BILANG SAKSI, aking lalagdaan ito sa ibaba ngayong ika-anim na araw


ng Pebrero,2019 sa lungsod ng Baguio.

_______________________
MARIA BARIA OTIENTA
Nagsasalaysay

NANGAKO AT SUMUMPA sa harapan ko ngayong ika anim araw ng


Pebrero 2019 sa Lungsod ng Baguio. Ako ay nagpapatunay na aking personal
na sinuri ang taong nagsasaad na si MARIA BARIA OTIENTA, na nagbigay
ng kanyang NBI Clearance no. 62837 bilang patunay ng kanyang
pagkakakilanlan, na siya ay kusang-loob na lumagda at naintindihan niya ang
lahat ng kanyang mga isinalaysay.

_______________________
ATTY.
NOTARY PUBLIC
Roll No. _____________;
IBP No. _____________;
PTR No. ______________;
MCLE Compliance No. ____________

PATOTOO

Ako si, ATTY., (circumstance), sa aking sinumpaang tungkulin bilang


Imbestigador sa kaso, aking sinasaad:

Na, ako mismo ang nangangasiwa sa eksaminasyon sa itaas na


isinasalaysay ni Maria Baria Otienta sa aking opisina;

Na, aking matapat na itinala ang mga tanong na ibinigay ko sa kanya


at ang kanyang mga katumbas na sagot na ibinigay nya sa aking mga
tanong; at
Alinman, ako o kahit sinong tao ay hindi tinuruan ang nagsasalaysay
hinggil sa kanyang mga sagot na ibinigay nya.

BILANG SAKSI, aking lalagdaan ito sa ibaba ngayong ika-anim na araw


ng Pebrero, 2019 sa lungsod ng Baguio.

______________________
ATTY.
NOTARY PUBLIC
Roll No. _____________;
IBP No. _____________;
PTR No. ______________;
MCLE Compliance No. ____________

NANGAKO AT SUMUMPA sa harapan ko ngayong ika anim araw ng


Pebrero, 2019 sa Lungsod ng Baguio. Ako ay nagpapatunay na aking personal
na sinuri ang taong nagsasaad na si Atty. _______. Siya ay aking personal na
kakilala at siya ay kusang-loob na lumagda at naintindihan niya ang lahat ng
kanyang mga isinalaysay.

__________________________
ELVIE P. TALIB
City Prosecutor
Office of the City Prosecutor, Baguio City

You might also like