You are on page 1of 5

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

The National Center for Teacher Education


South Luzon Campus
Lopez, Quezon

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA HEKASI VI

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga Tradisyunal na Pagpapahalaga at Paniniwala.
2. Naipapakita ang kahalagahan/pagpapahalaga sa mga Tradisyunal na
Pagpapahalaga at Paniniwala.
3. Naisasagawa ng may kasiglahan ang pangkatang gawain.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Mga Tradisyunal na Pagpapahalaga at Paniniwala
B. Sanggunian: Yaman ng Pilipinas, Batayang aklat sa Heograpiya, Kasaysayan
at Sibika 6, pp. 39-42, Maritez B. Cruz et. al
C. Kagamitan: cartolina, seleksyon at mga larawan

Pagpapahalaga: Pagtutulungan at disiplina sa sarili

III. PAMAMARAAN

Gawaing Pangguro Gawaing Pangmag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin/Pagbati Amen.
Magsitayo ang lahat para sa
panalangin.
Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din po!

2. Balik-aral
Ngayon mga bata, bago tayo
dumako sa ating bagong aralin ay
magbalik-aral muna tayo, sino sa
inyo ang nakatatanda ng pinag-
aralan natin kahapon? Ikaw nga Ma’am, pagpapahalaga at paniniwala ng
_____? mga Pilipino.

Magaling! At ano nga ba ang


dalawang pagpapahalaga at
paniniwala ng mga Pilipino? Ikaw
nga _____? Ma’am, ang dalawang paniniwala at
pagpapahalaga ng mga Pilipino ay ang
pagkakapantay-pantay at katapatan sa
paglilingkod.
Tama ang lahat ng inyong
kasagutan! Nagpapakita lamang
iyan na lubos ninyong naunawaan
ang ating pinag-aralan kahapon
at kayo ay handang-handa na sa
ating bagong aralin. Tama ba ako
mga bata?
Opo!

B. Panlinang na Gawain
1. Mood Setting
Mga bata, mayroon akong
inihandang “Panunumpa ng
Katapatan sa Pilipinas”. Ang inyo
lamang gagawin ay babasahin ito
ng may pagmamalaki bilang isang
mamamayang Pilipino.
Nauunawaan ba ako mga bata?
Opo!

2. Gawain
a. Pagganyak
Mga bata, sa palagay ninyo,
ano ano ang mga
pagpapahalagang nabanggit
sa “Panunumpa ng Katapatan
sa Watawat ng Pilipinas”?
Ma’am, makadiyos.
ikaw nga _____?
-makakalikasan
-makatao
-makabansa
At upang malaman ninyo kung
ano ang kinalaman ng inyong
mga nabanggit na salita sa
ating bagong aralin, ay may
inihanda akong seleksyon
para inyong basahin. Ngunit
bago iyon,mayroon akong
inihandang gawain para lubos
ninyong maunawaan ang
inyong babasahing seleksyon.

b. Paghahawan ng Balakid
Panuto:hanapin sa hanay B
ang tamang kahulugan ng
mga salita sa hanay A. Ilagay
sa patlang ang tamang
kasagutan.

Hanay A Hanay B
_____1. Ito ay isang paraan ng a. Sentenaryo
pagpapahayag ng pananampalataya.
_____2. Layunin nito na matugunan ang
pangkasalukuyang pangangailangan sa b. Sustainable Development Plan
kalikasan.
_____3. Ito ang ika-100 taong anibersaryo
ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, c. Pagsamba
1998.

c. Pamantayan sa Pagbasa
Ngayon mga bata, bago ko
ibigay sa inyoang inyong
babasahin, ano ano ba ang
dapat nating tandaan sa
tahimik na pagbasa? Ikaw nga Ma’am, umupo po ng maayos.
_____?
-mata lamang ang gamitin sa pagbasa.
-iwasang makipagkwentuhan sa katabi.

d. Pagganyak na Tanong
Ngunit bago ninyo simulan
ang pagbabasa, ano ang mga
nais ninyong malaman mula
sa seleksyon. Ikaw nga Ma’am, ano ano pa ang mga Tradisyunal
_____? na Pagpapahalaga at Paniniwala ng
mga Pilipino?
e. Tahimik na Pagbasa
Bibigyan ko lamang kayo ng
sampungt minute para
basahin ang seleksyon.
(ibibigay ng guro ang
seleksyong babasahin)
Maaari na kayong magsimula
sa pagbasa.

3. Pagsusuri
a. Pagsusuring Pangkaisipan
Ngayon mga bata,
pagkatapos ninyong mabasa
ang seleksyon ay sasagutan
naman natin ang ating
katanungan kanina.
Ano ano daw ang mga
tradisyunal na pagpapahalaga
at paniniwala ng Pilipino? Ma’am, matibay ang paniniwala ng mga
Pilipino sa Diyos.

Mahusay! At ano naman ang


iyong masasabi sa
pagpapahalagang ito? Ang atin pong mga ninuno ay sariling
paraan ng pagsamba.
Ang ating mga ninuno din po ay
sumasamba sa mga hayop, puno at iba
pang bahagi ng kalikasan.
Nagsasagawa din po sila ng mga ritwal
at pagsasakripisyo upang sila ay
mabiyayaan ng masaganang kabuhayan
at mailigtas sa mga kapahamakan.

Ma’am, makakalikasan po.

Ma’am, umaasa po ang mga Pilipino sa


kapaligiran, ito po ay katumbas ng
kanilang buhay.

Mahusay! Sino pa ang


makapagbibigay ng
tradisyunal na paniniwala at
pagpapahalaga ng mga
Pilipino? Ma’am, makatao po.
At ano ang inyong masasabi Ito ay pagbabayanihan, pagbibigayan at
tungkol dito? pagkakawanggawa at iba pang gawain
na nagpapahayag ng pag-ibig sa kapwa.

Ano pa ang paniniwala at


pagpapahalaga ng mga
sinaunang Pilipino at ano ang Ma’am, makabansa po.
masasabi ninyo tungkol dito? Ipinapakita po natin ang pagiging
makabansa natin sa pamamagitan ng
pagdiriwang, pagsasabuhay at pag-
aalala ng kalayaan ng ating bansa.

Tama! Ano pa ang ibang


paniniwala at pagpapahalaga
ng mga Pilipino at ano ang
masasabi ninyo tungkol dito? Ma’am, iyan po ang mga Tradisyunal na
Paniniwala at Pagpapahalaga ng mga
Pilipino.

Magaling! Ngayon mga bata,


ano ang tawag ninyo sa mga
ito? Ma’am, paggalang sa ibang relihiyon.
_____3. Sa panahon ng kagipitan at kalamidad tula ng pagbaha dulot ng bagyo,
lindol at kaguluhan, lagging handing tumulong ang mga Pilipino sa
b. mga nangangailangan.
Pagsusuring Pandamdamin
_____4.Matapos,
Ipinagdiwang ng mga
ninyong Pilipino at Sentenaryo o ika-100 taon ng kalayaan
malaman
noong Hunyo 12, 1998.
ang mga tradisyunal na
paniniwala at pagpapahalaga
ng mga Pilipino, paano naman
V. TAKDANGnatin ito mapapahalagahan?
ARALIN -Pagsulong ng mga programa upang
Ano anong mga kaugalian o gawi at kilosmapangalagaan
ang naglalarawanangsaating
mga kalikasan
pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino para
katulad posa
ngmga sumusunod:
Sustainable Development
 MakaDiyos Plan at Clean Air Act.
 Makatao -Igalang po ang karapatan n gating
 Makabansa kapwa tao.
 Makakalikasan --hindi pagpuputol ng puno at kung
puputol man ay palitan ito.
-Pagdiriwang po, pagsasapuso at
pagsasabuhay ng kalayaan n gating
bansang Pilipinas.

4. Paglalahat
Mga bata, ano ano na nga muli Inihanda ni:
ang mga Tradisyunal na
Paniniwala at Pagpapahalaga ng Ma’am, makadiyos.
mga Pilipino? Ikaw _____? -Makakalikasan
-Makatao
JOANNA MARIE G. OLIVERA
-MakabansaBEED III

Mahusay!
5. Paglalapat
Ngayon mga bata, magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain.
Hahatiin ko kayo sa apat na
grupo.
Isasadula ninyo kung paano ninyo
maipapakita ang pagpapahalaga
sa mga tradisyunal na paniniwala
at pagpapahalaga ng mga
Pilipino.
Ngunit bago natin simulan, ano Ma’am, magkaisa po.
nga ba ang dapat nating tandaan -Sumunod pos a panuto.
kapag mayroong pangkatang -Gumawa po ng tahimik.
gawain?

6. Pangwakas na Gawain
“ Mga Tradisyunal na
Pagpapahalaga at Paniniwala ay
pahalagahan sapagkat ang mga
ito ay salamin ng ating katauhan.”

IV. PAGTATAYA

Panuto: Suriin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang MD kung
nagpapakita ito Maka Diyos, MK kung Makakalikasan, MB kung makabansa at MT
kung Makatao.
_____1. Nagsasagawa ang mga Pilipino ng mga ritwal at pagsasakripisyo upang
sila ay mabiyayaan ng masaganang kabuhayan at mailigtas sa
kapahamakan.
_____2. Isnusulong ang programang Sustainable Development Plan dahl ang likas
na yaman ay hindi dapat maubos para sa susunod na salinlahi.

You might also like