Mga residente ng Brgy. Matiao at sa lahat ng narito upang saksihan at
ipagdiwang ang araw ng kalayaan; Isang mapaya at malayang araw sa inyong lahat!
Tayo ay nagkatipon-tipon ngayon upang gunitain ang isang araw na
puno ng napaka makasaysayang pangyayari. Kung ating babalikan ang mga pangyayaring iyon, ngayon ang araw kung saan tayong mga Pilipino ay ganap ng malaya mula sa mga pasakit, dikta at kung ano pang hirap na dinanas ng ating lahi mula sa mga nang-alipin at nanlamang sa atin bilang Pilipino. Hindi ko lubos maisip kung gano kagiting ng mga sinaunang Pilipino upang pagdaanan lahat ng hirap at lalong-lalo na sa mga Pilipinong nalagpasan ito. Ano na lang kaya tayo ngayon kung wala sila at kung wala ang mga bayaning lubos nating pinag-aalayan ng pugay.
Ang araw na ito ay nagpapaalala di lamang ng anibersaryo ng araw ng
kalayaan at kagitingan ng mga sinaunang Pilipino. Ito rin ay nagpapaalala din satin na dapat nating isa isip, salita at gawa ang pagiging bayani. Lahat tayo ay maaring maging isang bayani kahit sa ting mga munting gawi.
Ang araw ding ito ay nagpapaalala satin ng mga pangyayari sating
buhay na tayo ay magpakabayani mula sa maliliit na bagay hanggang sa mga komplikadong sitwasyon na tayo’y magsilbing bayani o idolo. Kaya hinihikayat ko ang lahat na malayang gumawa pa ng kabutihan at kagitingan dahil magdudulot ito ng walang kapalit na galak sating puso’t isipan. Sating lahat na mga Pilipino, isang maligayang ika-isang daan at benteng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan!
Mabuhay ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ating nakamit at
ang mga taong nagpakahirap na isakatuparan ang deklarasyon ng Araw ng Kalayaan.