You are on page 1of 11

Sabi nga nila “Walang taong kayang mabuhay ng mag-isa”, kailangan ng bawat indibidwal ang isang karamay sa buhay

tulad na lang ng pamilya, mga kaibigan, mga katrabaho at mga nakakasalamuha sa araw-araw. May mga magagandang
bagay tayong nagagawa sa tulong ng iba at oo, meron ding mga kapalpakan minsan dahil sa mga hindi magkakasundong
ideya at kagustuhan natin sa isang bagay. Minsan may mga mangilan-ngilan ding pinipiling mag-isa at ayaw
makisalamuha sa kadahilanang gusting mahanap at makilala ng lubos ang sarili at dahil narin sa mga masasakit na
karanasan sa nakaraan.

Noong bata pa si Xander maagang naghiwalay ang kanyang mga magulang kaya ang kanyang ina ang nagtaguyod
at nagpalaki sa kanya. Noong sampung taon na siya nag-asawa muli ang kanyang ina at lumipat sila sa Australia upang
manirahan dahil doon nagtatrabaho at pinapatakbo ng kanyang ama-amahin ang kanyang kumpanya.

Hindi naging madali para sa kanya ang buhay sa Australia, dahil nag-iisang anak lang siya madalas mag-isa at
nagmumukmok sa kanyang silid. Hindi rin sila madalas nagkakausap at nagkikita ng kanyang ina dahil abala ito sa
pagpapatakbo ng kanilang kumpanya at paminsan-minsan lang din silang nagkakasalo-salo sa hapagkainan. Kapag meron
namang mga importanteng okasyon sa paaralan ay hindi nakakapunta ang kanyang ina.Maging ang mga importanteng
okasyon tulad ng kanyang kaarawan ay nakakalimutan ng kanyang ina kaya siya nalang mag-isa ang nagdiwang.

Nang labing walong taon na siya ay nagdesisyon siyang bumalik ng Pilipinas sa kadahilanang hindi nila
pagkakasundo ng kanyang ama-amahan at sa kagustuhan nitong tumira sa kanyang lolo at lola at para doon na rin mag-
aral ng kolehiyo.

Pumasok siya sa isang Unibersidad kasama ng pinsan niyang si Liam. Parehas silang kumuha ng kursong
Entrepreneurship. Si Liam lang ang madalas nitong kasama dahil hindi ito nakikipaghalubilo sa iba. Sa loob ng tatlong
buwan wala man lang siyang naging kaibigan sa kanilang klase dahil mukha raw itong suplado.

Si Xander kasi yung tipo ng lalaking tahimik, matalino, ngunit may pagkasuplado. Isang araw nagkayayaan sina
Liam at ang barkada nitong si Tan na lumabas at niyaya nila si Xander , noong una hindi ito pumayag at sinabing mag-
aaral na lang ngunit kinumbinsi siya ng kanyang lola para makalabas man lang at para makakilala ang mga bagong
kaibigan.

Noong nasa mall na sila nag-ikot-ikot muna ang mga ito at mayamaya pa ay dumeretso na sila sa fastfood para kumain.
Habang sila ay kumakain at nagkukwentuhan si Xander ay wala paring kibo at sumusubo lang. Maya-maya pay kinausap
siya ni Liam at ipinakilala ang kanyang mga kaibigan na sina Tan, Andrei at Charles. Noong una nahihiya pa ito at nang
hindi nagtagal ay nakipagpalagayan din ito ng loob sa kanila.

Simula ng araw na iyon ay naging magkakaibigan ang lima, sabay-sabay silang pumapasok at umuuwi pagkagaling
ng paaralan, madalas din silang magkakasamang gumawa ng proyekto at kapag walang masyadong ginawa ay naglalaro
ng basketball o di kaya ay lumalabas.

Pagkatapos ng pasukan ay nagkayayaan ang mga ito na pumunta sa probinsya ng Aklan at doon gugulin ang
kanilang bakasyon. Doon kasi nakatira ang pamilya ni Tan at gusto niyang ipasyal ang kanyang mga kaibigan para
ipakilala ang kanyang magulang.

Pagdating nila ay pumunta sila sa Boracay ito ang naging destinasyon ng mga magkakaibigan kasama ang Mama at Papa
ni Tan. Habang kumakain ang lahat ay umalis si Tan para sunduin ang kanyang pinsan. Habang naliligo sila ay naglalakad
lakad lang si Xander sa may gilid gilid at sandali pa ay dumating na si Tan at ang kanyang pinsan. Maya-maya pa ay
tinawag na ni Charles si Xander at umahon ang mga ito sa tubig papunta sa cottage. Nang nakarating na ito sa cottage
ay ipinakilala na ni Tan ang kanyang pinsan na si Ana. Si Ana ay magkokolehiyo na sa susunod na pasukan at ayon sa
kanya mag-aaral din daw siya sa pinapasukan nilang Unibersidad sa Maynila. Si Ana ang kauna-unahang babaeng
ipinakilala kay Xander, kung ano ang personalidad nito ay siya naming kabaligtaran ng personalidad ni Xander. Siya kasi
yung tipong makulit, palakwento at higit sa lahat marunong makisalamuha.

Nang hapon na ay nagsiahunan na sila sa tubig at masayang pinanood ang paglubog ng araw. Pagkaraan ng ilang
oras ay inihanda na nila ang mga inumin at mga iihawing pagkain para sa kanilang hapunan.
Nang palalim na ang gabi ay nagtitipon ang mga ito sa may bonfire. Habang sila’y nag-uusap maya-maya pay kinuha ni
Andrei ang kanyang gitara at sinimulan ng kumanta at nauwi na nga sa jamming ang kanilang usapan.

Saglit lang ay dumating na din si Xander at umupo ito sa tabi ni Liam at napagdiskitahan nila itong paupuin sa tabi ni Ana.
Dahil wala itong mapagpipilian ay umupo na lang ito. Maya’t maya pa ay kumanta na rin si Ana at pagkatapos niya ay
sinabi ni Liam na magaling kumanta si Xander kaya iniabat sa kanya ang gitara at kumanta.

Nang mag-uumaga na ay pumunta na ang mga ito sa hotel. Habang tulog pa ang iba ay nagpalipas muna si Xander sa
labas at nagmumuni-muni at nang makita siya ni Ana ay nilapitan niya ito at umupo sa kaniyang tabi at sila’y nag-usap.

Nang sumunod na araw ay namalagi muna sila doon dahil dadalo muna sila sa kasal ng pinsan ni Liam. Nagkaroon
ng pasayaw at habang nakatayo ang mga magkakaibigan sa may gilid ay nakita nilang nakaupo si Ana malapit sa sayawan
at maya maya’y inuudyukan nila si Xander na isayaw ito at noong una ay nahiya siya sa kanya kaya hinila na siya ng mga
kaibigan niya at tinulak sa harap ng kinauupuan ni Ana. Sandali ay yinaya na niya itong sumayaw at nung pumayag si Ana
at pumunta na sila sa gitna ng sayawan, hinawakan ni Xander ang baywang ni Ana at hinawakan naman niya sa balikat
ni Xander. At maya-maya ay nagkailangan at parehong hindi makatingin sa mata ng bawat isa. Habang sumasayaw ang
dalawa ay inaasar sila nina Liam, Tan, Charles at Andrei walang silang magawa kaya nagkangitian na lang.

Kinabukasan ay nag-impake na sila para bumalik sa bahay nila Tan at inihatid naman nina Tan at Xander si Ana sa
kanilang bahay.

Pagkaraan ng ilang araw ay bumalik na ang mga ito para asikasuhin ang kanilang enrolment para sa susunod na pasukan.
Pagkalipas ng ilang buwan ay lumuwas narin si Ana sa Maynila para mag-aral. Pagdating niya doon ay sinundo siya ni Tan
at tinulungang mag-enrol sa kanilang paaralan.

Nang nagsimula na ang pasukan ay sabay-sabay silang pumasok. Dahil nasa loob lang sila ng iisang paaralan madalas
magkita sina Ana at Xander. Simula noon napadalas ang paglabas ng anim at lalo pang nakilala ng dalawa ang isa’t isa
hanggang sa naging matalik na magkaibigan. Pagkagaling nila sa paaralan ay madalas inihahatid ni Xander si Ana. Tuwing
sabado at linggo ay namamalagi rin ito sa kanila para magtulungan sa kani-kanilang proyekto.

Kung dati wala siyang ginawa kundi magmukmok, ngayon lagi na siyang lumalabas kasama si Ana. Si Ana rin ang naging
number 1 fan at cheerleader nya kapag meron silang tournament o laro ng basketbol sa kanilang paaralan. Kapag
nakasimangot naman ito ay palagi siyang inaasar ni Ana para ngumiti. Madalas din silang pumunta sa park para
maglakad-lakad o di kaya naman ay magbisekleta at sabay silang kakain ng paborito nilang balot. Paborito din nilang
manood ng love stories at madalas inuumaga sa kanonood. Ni hindi sila mapaghiwalay. Kung mayroong pupuntahan ang
barkada kapag hindi pumunta ang isa ay hindi narin pupunta ang isa dahil kung saan ang isa dapat nandoon din ang isa.
Dahil sa pagiging malapit nila ay hindi maiiwasang tuksuin sila ng barkada at madalas itanong kung sila na, madalas
nginingiti na lang nila ito.

Nagtuloy-tuloy pa ang maayos nilang relasyon sa isa’t isa. Malapit nang matapos sina Xander, Liam, Charles at Andrei sa
kolehiyo kaya naging mas abala ang mga ito at mag-iisang linggo narin silang hindi nagkikita ni Ana. Isang gabi dahil sa
hindi na gaanong abala sina Xander pumunta siya kina Ana at hinintay niya itong umuwi. Pagkarating niya kasama si
Richard ang kanyang kaklase na naghatid sa kanyamay nadatnan nilang nakaupo si Xander. Napatingin si Xander sa
kanyang relo at pagalit na tinanong kung sino ang kasama niya at kung bakit ginabi na siya ng uwi. Isinagot ni Ana na
kaibigan niya ang lalaki at may inihabol silang proyekto kaya ginabi.

Napadalas pa ang kanyang pag-uwi ng gabi kaya naisipan niya itong sunduin. Habang naglalakad siya sa may koridor ay
nakita niya si Ana na kasama ang kayang kaklase na si Richard na hawak-hawak ang gamit nito. Maya-maya pa ay kinuha
niya ang gamit ni Ana kay Richard at sinabing huwag na niya itong ihatid at siya na mismo ang mag-uuwi sa kanya.

Habang pauwi na sila ay wala paring kibo si Xander hindi niya ito kinakausap at bakas sa kanyang mukha ang pagkainis.
Hanggang sa makarating sila sa tinutuluyan ni Ana ay hindi niya parin ito kinakausap. Sa mga sumunod pang gabi ay
sinundo niya si Ana ngunit hindi parin nya ito kinikibuan. Saglit lang ay tumunog ang telepono ni Ana at nang tinignan
niya ito ay tumawag si Richard ngunit hindi niya ito sinagot, pagkaraan ng ilang minuto ay tumawag ito ulit dahil hindi ito
sinagot ni Ana kaya kinuha ni Xander ang telepono at siya ang sumagot at sinabing huwag na itong tumawag ulit.
Hinihingi ni Ana ang telepono ngunit ayaw itong ibigay ni Xander kaya siya nagalit. Maya-maya pa ay galit itong pumasok
sa kanyang silid sinundan siya ni Xander at tinanong kung ano ang ikinakagalit niya ngunit hindi ito kumikibo, maya-maya
pa ay napunta sa away ang kanilang usapan.

Xander: Ano bang problema mo?

Ana: Ako ba ang may problema o ikaw?

Xander: Eh anong ikinagagalit mo?

Ana: Wala.

Xander: Galit ka kasi kinuha ko tong telepono mo at ako ang sumagot sa tawag ni Richard?

Ana: Xander hindi kita maintindihan napaka labo mo.

Xander: Isang linggo kanang ginagabi ng uwi, ano sa tingin mo okey lang sa akin yun?

Ana: Diba sinabi ko sayo na abala at naghahabol kami ng proyekto.

Xander: Abala sa proyekto o sa lalaking iyon?

Ana: Anong gusto mong palabasin?

Xander: Noong mga nakaraang gabi inihatid ka niya at noong sinundo kita kasama mo nanaman siya, so, ano yon?

Ana: Eh di may problema ka nga?

Xander: Wala akong problema, ang akin lang…..

Ana: Ano!? galit ka kasi ginagabi ako umuuwi o galit ka kasi kasama ko si Richard?

Xander: Galit ako kasi kasama mo ang lalaking iyon!

Ana: Eh ano lang kung kasama ko siya, tinutulungan lang naman ako ng tao.

Xander: Eh ayun na nga e!

Ana: Na ano?

Xander: Na tinutulungan ka niya tapos ano!?

Ana: Ano nga? hindi kita maintindihan

Xander: Hindi mo kasi nakukuha yung punto ko.

Ana: Paano ko makukuha eh ang labo mo nga! May problema ka talaga sa akin kasi noong isang araw ka pang walang
kibo tapos ngayon ano?

Xander: Wala nga akong problema diba?

Ana: Meron.

Xander: Oo, may problema ako.

Ana: Ayan lumabas din na may problema kanga sa akin.

Xander: Wala akong problema sayo pero sa lalaking yun meron. Oo galit ako! Galit ako sa kanya kasi nagseselos ako.

Ana: (Nagulat at biglang natahimik)


Xander: (Maya-maya pa ay umalis na ito)

Pagkaraan ng ilang araw, nagkikita parin silang dalawa sa paaralan ngunit hindi nagkakakibuan. Isang linggo na lang ay
magtatapos na sa kolehiyo si Xander. Sa mismong araw ng kanilang pagtatapos ay pumunta mismo si Ana. Nung una ay
hindi parin kumikibo pero si Ana maya-maya pa ay kinausap na siya ni Xander.

Xander: Pasensya hindi ko sinasadya nadala lang ako ng emosyon ko nung gabing iyon.

Ana: (Tumango ito ngunit hindi siya makatingin ng diretso kay Xander)

Xander: (Huminga ito ng malalim) ang totoo kasi….

Charles: Naiinis siya kapag may kasama kang iba.

Andres: Kasi nga may hindi masabi-sabi!

Liam: Oo nga ano na kasi yun bro?

Tan: Oo nga bro diba may sasabihin ka?

Andrei: Oo nga naman bro.

Liam: Istorbo tayo (sabay akbay kay Xander)

Tan: Tara na nga para naman magkaroon sila ng espasyo, diba!

(Umalis ang apat at sila na lang ang natira)

Xander: Ang totoo kasi matagal ko ng gustong sabihin sayo ‘to kaso lang nauunahan ako ng kaba. Ewan ko bigla na lang
akong nainis noong inihatid kaniya. Alam kong matalik tayong magkaibigan pero mas higit pa doon ang nararamdaman
ko para sayo. Pasensya ka na talaga kung bakit ganon ako umasta, natatakot lang kasi ako na baka ligawan ka niya.

Sandali pa ay nagkatitigan ang dalawa at nagkayakapan.

Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sina Xander at Ana.

Simula noon naging mas maigting pa ang relasyon nilang dalawa. Ginawa nila lahat ng bagay na gusto nilang gawing
magkasama. Naging sandalan nila ang isa’t isa.

Pagkaraan ng limang buwan habang nasa trabaho si Xander ay hindi ito mapakali at kinakabahan. Kinagabihan pumunta
siya sa bahay nila Ana ngunit hindi niya ito nadatnan at sinabi ng kanyang mga magulang na nagpunta raw siya sa bahay
ng kanyang kababata na si Cheska na kararating lang galing ibang bansa. Saglit pa ay kinakabahan parin siya kaya
tinawagan na niya si Ana.

(Magkausap sa telepono)

Ana: (Nakita niyang tumatawag si Xander kaya dinampot niya ang telepono) Hello.

Xander: Nasaan ka?

Ana: Nasa mall ako.

Xander: Anong ginagawa mo diyan?


Ana: Sinasamahan ko lang si Cheska na nagsho-shopping.

Xander: Matagal pa ba kayo?

Ana: Maya-maya uuwi narin kami.

Xander: Hintayin niyo nalang ako diyan at susunduin ko kayo.

Ana: Sige hihintayin ka na lang naming sa labas.

Xander: Ok.

Sandali pa ay nakarating na ito. Habang nasa harap ng mall ay tinitingnan niya sina Ana at Cheska papalabas, maya-maya
pa ay tumawid na ang dalawa sa kalsada at biglang may paparating na sasakyan na matulin ang takbo at biglang
nabunggo si Ana.

Xander: (Tumakbo at tinulungan si Ana) Ana gising!! gising!.

Nawalan si Ana ng malay at umagos ang dugo mula sa kanyang ulo.

Xander: (Habang umiiyak) Tulong !! tulong!! tulungan niyo kami!!

Sandali pa ay dumating na ang ambulansiya at dali-dali nilang itinakbo ang dalawa sa ospital. Dinala si Ana sa ICU dahil
nag-aagaw buhay. Dalawang oras pa ang lumipas ay lumabas ang doktor mula sa ICU.

Doktor: Ikaw po ba ang kamag-anak ng pasyente?

Xander: Opo dok. Kumusta napo siya?

Doktor: Masyadong malakas ang pagkabunggo niya at maraming dugo rin ang nawala sa kanya. Kinakailangan na
maoperahan siya sa lalong madaling panahon.

Xander: (Nagmamakaawa) Gawin niyo po ang lahat ng makakaya nyio dok parang awa niyo po.

Doktor: Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya.

Xander: Salamat Dok.

Pagkaalis ng doktor ay napaupo si Xander at umiyak . Maya-maya pa ay dumating na ang mga magulang ni Ana.

Nanay ni Ana: Iho kumusta siya?

Xander: Nasa ICU pa lang po siya at kinakailangan po siyang maoperahan kaagad.

Pagkaraan ng dalampu’t dalawang oras ay muling lumabas ang doctor sa ICU.


Nanay ni Ana: Kumusta po ang anak ko Dok?

Doktor: Successful po ang operasyon ngunit wala paring malay ang pasyente. Tatapatin ko napo kayo, nasa comma po
ang anak ninyo at hindi pa natin masasabi kung kailan siya magigising.

Nanay ni Ana: Dok huwag niyo pong pababayaan ang anak ko parang awa niyo na po.

Maya-maya pa ay umalis na ang doctor. Niyakap ni Xander ang nanay ni Ana.

Pagkalipat ni Ana sa emergency room ay agad-agad na pinuntahan ni Xander.

Xander: (umiiyak at hawak ang kamay ni Ana) parang awa mo na gumising kana please! Nandito lang ako sa tabi mo.

Isang linggo na si Ana sa emergency room pero wala paring pagbabago sa kondisyon nya at wala parin itong malay. Hindi
na rin pumapasok si Xander sa kanyang trabaho at pinili na bantayan si Ana sa ospital.

Pumasok ang doctor sa ER at kinausap si Xander.

Xander: Dok!

Doktor: Mag-iisang buwan na sya pero wala paring improvement sa kondisyon nya.

Xander: Ano po ang maaari nating gawin.

Doktor: May irerefer akong isang espesyalista sa ibang bansa pero kinakailangan nyo ng malaking halaga para sa magigig
operasyon nya. Kinakailangan nyo ng malaking halaga.

Pagkalipas ng dalawang araw ay nakausap ni Xander ang espesyalista na doktor.

Doktor: Tatapatin kita, base sa kanyang kondisyon kinakailangan nyang maoperahan ulit at kinakailangan nyong
maghanda ng dalawang milyon para sa operasyon at gamot ng pasyente.

Xander: Bigyan nyo po kami ng panahon para maihanda ang pera.

Doktor: Kailangan nyo ng maghanda ng pera sa lalong madaling panahon.

Xander: Ok dok.

Kinagabihan ay pumunta si Xander sa bahay nila Ana at nag-usap-usap sila.

Nanay ni Ana: Ano ang sabi ni dok?

Xander: Kinakailangan daw po nating maghanda ng 2 milyon sa lalong madaling panahon.

Tan: Saan tayo kukuha ng ganyang kalaking pera?

Tatay ni Ana: Naibenta ko na ang kotse at naisanla ko na rin ang bahay sa kompare ko dahil sa mga bayarin sa ospital at
mahigit kalahating milyon na lang ang natitira.
Andrei: Naghahanap po kami ng maaaring makatulong sa inyo po tito.

Charles: Pupunta narin po kami sa Foundation center po para humingi ng tulong.

Maya-maya pa ay lumabas na sina Liam at Xander. Habang nasa labas ay nag-usap ang dalawa.

Xander: Bakit ganon? Ang hirap hirap wala man lang akong nagawa

Liam: (Hinawakan ang balikat ni Xander) Alam kong mahirap sayo ito pero huwag mo sanang mamasamain. Isa na lang
ang paraan na maaari mong gawin.

Kinausap ni Xander kanyang ama-amahan.

Xander: Pumunta ako dito para pakiusapan ka. Nagmamakaawa ako. Tulungan mo po ako. Gagawin ko po ang lahat kahit
anong gusto mo.

Ama-amahan ni Xander: Sa isang kondisyon, sasagutin ko lahat ng gagastusin pero kapalit non ay bumalik ka at
magtrabaho ka sa kumpanya ko sa Australia.

Xander: Basta gawin mo po ang lahat isalba mo siya.

Dahil wala itong mapagpipilian, tinanggap ni Xander ang kondisyon ng kanyang ama-amahan para maisalba si Ana.

Kinabukasan pumunta si Xander sa ospital at kinausap si Ana.

Xander: Sana maging okey ka hanggang sa matapos ang operasyon. Mangako ka na gagaling ka at magpapalakas.
Pangako babalik ako para sayo. Kinabukasan ay lumipad na sya papuntang Australia.

Naging miserable ang buhay nya sa Australia, wala syang ginawa kundi magmukmok sa kanyang silid pagkatapos ng
trabaho. Hndi na rin ito gaanong lumalabas.

Habang nasa Australia sya ay inooperahan at ginagamot namn si Ana sa Pilipinas. Pagkaraan ng isang buwan na
pagkaopera ay nagising na mula sa comma si Ana.

Ana: Ma, pa asan po si Xander?

Mama ni Ana: Bumalik na sya ng Australia anak.

Ana: Nangako sya sa akin na hndi nya ako iiwan

Tan: (Niyakap at pinakalma ang pinsan) tahan na!

Pagkaraan ng dalawang linggo ay nakalabas na si Ana sa ospital. Simula noon ay nagmukmok ito sa loob ng kanyang silid
at walang ginawa kundi araw-araw umiiyak ng umiiyak dahil ang buong akala nya ay iniwan sya ni Xander habang nasa
comma.
Pagkaraan ng limang taon, marami ang nangyari at nagbago sa buhay nilang dalawa. Si Xander na mismo ang nag
mamay-ari sa kumpanya ng kanyang ama-amahan. Si Ana naman ay nagtatrabaho sa isa sa pinakamalaking kumpanya sa
Pilipinas Lumipas ang dalawang buwan ng pag-aayos ng proyekto ni Xander ay bumalik na ito sa Pilipinas. Pagkarating
niya ay agad itong nagtungo sa probinsya ng Batangas para puntahan si Ana ngunit hindi nya ito nadatnan.

Xander: (kumatok sa may pintuan)

Mama ni Ana: (binuksan ang pintuan) at nagulat, oh anak kumusta ka na?

Xander: Ayos lang po

Mama ni Ana: Halika pasok.

Xander: (Pumasok at umupo) nasaan po si Ana?

MnA: Nasa trabaho pa siya iho.

Xander: Anong oras po kaya sya uuwi?

MnA: Mamayang gabi pa iho.

Maya-maya pa ay dumating na sila Tan, Liam, Andrei, at Charles.

Nagulat ang mga ito nang makita si Xander.

Tan: Bro, kumusta ka na?

Xander: Ayos lang bro.

Charles: Ang gara ng sasakyan mo bro.

Andrei: Tangkad mo na bro ah!

Xander: (ngumiti)

Liam: Alam mo pinsan para naman makapag relax ka konti labas muna tayo.

Lumabas muna ang mga ito at nagtungo sa mall.

Habang naglalakad-lakad at tumitingin-tingin ang mga ito ng mga damit ay naisipan ni Xander na tumungo sa may
sinehan at sandaling tumayo malapit sa may entrance. Sa may malapit sa stall ay may nahagilap siyang isang babae,
habang tinitignan nya ito kung paano kumilos ay isa lang ang tumatakbo sa isip nya si Ana. Pagkalingon nga ng babae ay
nakumpirma nya na si Ana iyon.

Tan: Bro nadito ka lang pala

Liam: Oo nga, kanina ka pa naming hinahanap

Xander: (Hindi maibaling baling ang tingin)

Andrei: Sino ba yung tinitingnan mo bro?


Charles: Bro si Ana.

Habang nakatingin ang lahat kay Ana ay may biglang lumapit sa kanya. Pamilyar ang mukha ng lalaki sa lahat.

Andrei: diba si Richard yan?

Charles: Oo

Maya-maya pa ay umalis na sila at bumalik sa bahay nila Ana. Habang nakaupo ang lahat ay dumating si Ana. Sa
pagpasok sa may pinto ay nagulat sila nang makita si Xander

Xander: (tumayo) Ana.

Ana: (hindi kumibo at nagdiretso lang sa paglakad papunta sa kanyang silid)

Xander: Ana kausapin mo naman ako

Ana: (umiyak sa loob ng kanyang silid)

Xander: Ana parang awa mo na kausapin mo naman ako.

Tan: Bro sa tingin ko kailangan nya munang mapag-isa

Maya-maya ay bumaba sina Xander at Tan.

Tan: Uwi na po muna kami tita, kasama si Xander.

Mama ni Ana: Sige mag-ingat kayo mga anak. Xander pagpasensyahan mo na si Ana anak madami lang syang iniisip
ngayon.

Xander: Opo tita naiintindihan ko po.

Mama ni Ana:Sige mag-ingat kayo mga anak.

Charles, Liam at Andrei: Sige po tita mauna na po kami.

Tan: Nung nalaman naming mas minabuti naming huwag munang sabihin sayo.

Xander: So ano wala talaga kayong balak na sabihin sakin na meron silang relasyon?

Ganon na lang ba yun?

Liam: Hindi naman sa ganon bro. Bago kapa dumating ng pilipinas nagbalak na kaming sabihin na may relasyon si Ana at
Richard.

Xander: so kailan niyo nga balak sabihin? Siguro kung hindi pa ako bumalik ng pilipinas at nakita silang magkasama sa
mall hindi ko pa malalaman?

Andrei: Bro pasensya ka na.

Charles: pasensya ka na Bro kung hindi naming nasabi kaagad.

Pagkatapos non ay pumasok si Xander sa kanyang silid. Kinabukasan hindi nya kinausap ang apat at agad itong pumuta
kina Ana.
Xander: (kumatok sa pinto)

MnA: halika pasok ka anak at maupo. Tatawagin ko lang si Ana

Xander: Sige po tita salamat

Umakyat ang mama ni Ana para sabihin na gusto syang kausapin ni Xander.

MnA: Anak bumaba ka na tanghali na

Ana: sige po ma

Nang pababa na sya sa kanyang silid ay nakita nya si Xander kaya bumalik ito.

Mama ni Ana: Anak kanina ka pa nya hinihintay at gusting kausapin.

Ana: Ayoko syang makita at makausap

Mama ni Ana: Anak kausapin mo at harapin mo yung tao

Ana: Ma hindi pa ako handang kausapin at makita sya.

Bumaba ang mama ni Ana at sinabing hindi pa ito handang kausapin siya.

Mama ni Ana: Anak Pagpasensyahan mo na siya.

Xander: Ayos lang po tita. Babalik na lang po ako sa susunod na araw.

Mama ni Ana: Sige anak mag-ingat ka.

Nagpabalik-balik siya sa bahay nila Ana ngunit kahit minsan ay hindi siya kinausap at hinarap nito.

Isang araw habang naglalakad sina Ana at Richard sa park ay nakasalubong nila si Xander at nag-iba sila ng direksyon ng
daan ngunit sinundan sila ni Xander.

Xander: Ana kausapin mo naman ako.

Ana: Xander umalis ka na

Xander: (hinawakan ang braso ni Ana) Ana parang-awa muna kausapin mo naman ako.

Ana: Xander bitawan mo ako. Ano ba?

Richard: Pare bitawan mo na si Ana, hindi mo ba narinig diba ayaw ka daw niyang kausapin?

Xander: ano ba paki-alam mo?

Richard: Pare bitawan mo siya.

Xander: (Binitawan si Ana at saka sinuntok si Richard at maya-maya pa ay hinawakan nya muli ang braso ni Ana at saka
isinakay sa kanyang kotse).

Ana: ano bang problema mo?

Xander: (patuloy lang sa pagmamaneho at hindi umiimik)


Pagkarating nila sa bahay nila Ana ay nag-away ang dalawa na siyang ikinagulat ng kanyang mga magulang at kanilang
mga kaibigan.

Ana: Xander pwede ba bitawan mo ako.

Xander: simula sa araw na ito hindi kana makikipagkita sa lalaking iyon.

Ana: ano bang problema mo?

Xander: Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko. Simula noong bumalik ako ng pilipinas hindi mo ako hinarap
at kinausap. Nagmukha akong hangin sayo na hindi mo maramdaman. Ana nagmumukha na akong tanga ano ba gusto
mo?

Ana: Umalis kana yun lang. Oo ayaw na kitang makita at kausapin. Masaya ka na?

Xander: Ano bang ginawa kong mali at hanggang ngayon hindi mo ako kayang kausapin?

Ana: Xander iniwan mo ako nung mga panahong kailangan kita, nasaan ka? Alam mo kung anong mas masakit doon
nangako ka, nangako ka na hindi mo ako iiwan.

Xander: Oo, iniwan kita, iniwan kita kapalit non para maisalba ka. Oo iniwan kita kapalit non maipagamot ka. Oo pinili
kong iwan ka kahit masakit kasi yun na lang ang alam kong paraan para mabuhay ka.

Xander: Oo iniwan kita , ginawa ko po lahat para lang mabuhay ka. Iniwan kita kahit masakit kasi yun na lang ang alam
kong paraan. Oo sinabi ko din sa kanila huwag sabihin sayo na pumunta ako ng Australia kapalit ng buhay mo. Akala mo
ba naging madali yung buhay ko doon. Ana limang taon, limang taon akong parang patay, napakamiserable png bukay
ko.

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na bumalik si Xander sa kanila. Isang linggo na lang bago siya bumalik ng Australia.
Isang gabi napadaan siya sa bahay nila Ana, nadatnan niya ito sa kanila at kinausap.

Xander: Sa susunod na linggo babalik na ako sa Australia. Pero bago ako lumipad hihintayin kita sa park. Hihintayin kita
pero kapag hindi ka pupunta hindi na kita kukulitin at hindi narin ako babalik dito sa Pilipinas. Kinahapunan ng linggo ay
pumunta na nang park si Xander at hinintay niya si Ana. Limang oras bago siya bumiyahe ng alas-dies ng gabi papuntang
Maynila. Dalawang oras na ang nakakalipas wala parin si Ana pero hindi sya natinag at naghintay parin. Maya’t maya pa
ay umulan ng malakas at sumilong sya sa puno habang tinitingnan nya ang kanyang relo 30 minuto nalang ang natitira.
Pagkaraan pa ng ilang minuto ay naglakad na sya sa kalagitnaan ng ulan, basang-basa, hinanghina at umiiyak.

Kinabukasan ay hindi na ito nag-alinlangang bumalik sa Australia.

Simula noon hindi na sya bumalik ng Pilipinas at pinili na lang niyang manirahan sa Australia wala siyang ginawa kundi
gugulin lahat ng oras niya sa trabaho ni hindi sya lumalabas at madalas umiiyak na lang sa kanyang silid. Simula noon
hndi na siya nagpapasok ng ibang tao sa kanyang buhay mas piniling magpakalayo-layo para hanapin ang kanilang sarili
pero parehong umaasang isang araw ay makawala na sila sa pait ng nakaraan at makapagsimula ng bagong buhay na
malaya sa nakaraan na higit pa sa inaakala nila. Sa buhay sa lahat ng pagkakataon kahit pa ang pinakamahalagang tao sa
ating buhay ay hindi natin nakakasama sa landas na ating gustong tahakin. Madalas sa ibang landas sila tumatahak. Kahit
pa marami tayong pagkakapareho sa mga gusto, meron at merong dahilan kung bakit maghihiwalay tayo ng landas.
Katulad na lang ng isang anak at ang mga magulang kapag lumaki na ang anak may sarili na itong landas na tatahakin, sa
magkaibigan sa pagpili na lang ng propesyon madalas magkakaiba kaya iba’t-ibang landas ang tinatahak. Ganundin sa
pagmamahal may pagkakataong ang dalawang nagmamahalan ay tumatahak sa magkabilang landas na nagreresulta ng
paghihiwalay at pinipiling bumuo na lang ng panibagong buhay na malayo sa kinagisnan at nakaraan.

You might also like