You are on page 1of 3

1

Sabi nga nila “Walang Taong Kayang Mabuhay ng Mag-isa,”


kinakailangan ng bawat indibidwal ang isang karamay sa buhay tulad `na
lang ng pamilya, mga kaibigan, mga katrabaho at mga taong
nakakasalamuha sa araw-araw. May mga magagandang bagay tayong
nagagawa sa tulong ng iba at oo, meron ding mga kapalpakan minsan
dahil sa mga hindi nagkakasundong ideya at kagustuhan natin sa ibang
bagay. Minsan may mga mangilan-ngilan ding piniling mag-isa at ayaw
makisalamuha sa kadahilanang gustong mahanap at makilala ng lubos
ang sarili, at dahil na rin sa mga masasakit na karanasan sa nakaraan.

Noong bata pa si Xander maagang naghiwalay ang kanyang mga


magulang kaya ang kanyang ina ang magtaguyod at nagpalaki sa kanya.
Noog sampung taonna siya mag-asawa mulli ang kanyang ina at lumipat
sila sa Australia upang manirahan dahil doon nagtatrabaho, at
pinapatakbo ng kanyang ama-amahan ang kanyang kompanya. Hindi
naging madali para sa kanya ang buhay sa Ausralia, dahil lang nag-iisang
anak lang. Siya ay madalas mag-isa at nagmumukmok sa kanyang silid.
Hindi rin sila madalas nagkakausap at nagkikita ng kanyang ina dahil abala
ito sa pagpapatakbo ng kanilang kumpanya at paminsan-minsan lang din
silang nagkakasalo-salo sa hapag kainan. Kapag meron ding importanteng
okasyon sa paaralan ay hindi nakakapunta ang kanyang ina.
2
Maging ang mga importanteng okasyon tulad ng kanyang kaarawan
ay nakakalimutan ng kanyang ina kaya siya nalang mag-isa ang
nagdiwang.
Nang labing walong taon na siya ay nagdesisyon siyang bumalik ng
Pilipinas sa kadahilanang hindi nila pagkakasundo ng kangyang ama-
amahan at sa kagustuhan nitong tumira sa kanyang lolo at lola at para
doon na rin mag-aral ng kolehiyo.
Pumasok siya sa isang Unibersidad kasama ng pinsan niyang si
Liam. Parehas silang kumuha ng kursong Entrepreneurship. Si Liam lang
ang madalas nitong kasama at dahil hindi ito nakikipaghalubilo sa iba. Sa
loob ng tatlong buwan wala man lang siyang nagging kaibigan, sa kanilang
klase dahil mukha raw itong suplado.
Si Xander kasi yung totoong tahimik, matalino, ngunit may
pagkasuplado. Isang araw nagkayayaan sian Liam at ang barkada nitong si
Tan na lumabas at niyaya nia si Xander , noong una hindi ito pumayag at
sinabing mag-aaral na lang siya ngunit kinumbinsi siya ng kanyang lalo
para makalabas man lang at para makakilala ang mga bagong kaibigan.
Noong nasa mall na sila nag ikot-ikot muna ang mga ito at mayamaya pa
ay dumeretso na sila sa fastfood para kumain. Habang sila ay kumakain at
nagkukwentuhan si Xander ay wala paring kibo at sumusuko lang
hanggang sa kinausap siya ni Lian at ipinakilala ang kanyang nga kaibigan
na sina Tan, Andrei at Charles. Noong una nahihiya pa ito at nang hindi
nagtagal ay nakipagpalagayan din ito ng loob sa kanila.
Simula ng araw na iyon ay naging magkakaibigan ang lima, sabay-
sabay silang pumapasok at umuuwi pagkagaling ng paaralan, madalas din
silang magkakasamang gumawa ng proyekto at kapag walang masyadong
ginawa ay naglalaro ng basketball o di kaya ay lumalabas.
Pagkatapos ng pasukan ay nagkayayaan ang mga ito sa pumunta
sa probinsya ng _______ at doon gugulin ang kanilang bakasyon. Doon
kasi nakatira ang pamilya ni Tan at gusto niyang ipasyal ang kanyang mga
kaibigan ditto para nakilala ang kanyang magulang. Pagdating nila sa
_______ ay pumunta sila sa Boracay ito ang naging destinasyon ng mga
magkakaibigan kasama ang Mama at Papa ni Tan. Habang kumakain ang
lahat ay umalis si Tan para sunduin ang kanyang pinsan. Habang naliligo
na sila ay dumating na si Tan at kanyang pinsan nang umahon ang mga
ito sa tubig at pumunta sa cottage ay may napansin nilang naglalakad
lakad lang si Xander sa may gilid gilid kaya tinawag siya ni Charles. Nang
nakarating na ito sa cottage ay ipinakilala na ni Tan ang kanyang pinsan
na si Ana. Si Ana ay magkokolehiyo na sa susunod na pasukan at ayon sa
kanya mag-aaral din daw siya sa pinapasukan nilang Unibersidad sa
Maynila. Si Ana ang kauna-unahang babaeng ipinakilala kay Xander,
kung ano ang personalidad nito ay siya naming kabaliktaran kay Ana. Siya
kasi yung tipong makulit, palakwento at higit sa lahat marunong
makisalamuha.
Nang hapon na ay nagsia hunan na sila sa tubig at masayang
pinanood an g paglubog ng araw. Pagkaraan ng ilang oras ay inihanda na
nila ang mga inumin at mga iihawing pagkain para sa kanilang hapunan.
Nang palalim na ang gabi ay nagtitipon ang mga ito sa may bonfire.
Habang sila’y nag-uusap mayamaya pay kinuha ni Andrei ang kanyang
gitara at sinimulan ng kumanta at nauwi na nga sa jamming ang kanilang
usapan. Maya maya pa’y dumating na din si Xander at umupo ito sa tabi
ni Liam at napagdiskitahan nila itong paupuin sa tabi ni Ana. Dahil wala
itong mapagpipilian ay umupo na lang ito. Maya’t maya ppa ay kumanta
na rin si Ana at pagkatapos niya ay sinabi ni Liam na magaling kumanta si
Xander kaya kinuha niya ang gitara at kumanta. Nang mag-uumaga na ay
pumunta na ang mga ito sa hotel. Habang tulog pa ang iba ay nagpalipas
muna si Xander sa labas at nagmumuni-muni at nug Makita siya ni Ana ay
nilapitan niya ito at umupo sa kaniyang tabi at sila’y nag-usap.
Nong sumunod na araw ay namalagi muna sila doon dahil dadalo
muna sila sa kasal. Nagkaroon ng pasayaw at habang nakatayo ang mga
magkakaibigan sa may gilid ay nakita nilang nakaupo si Ana malapit sa
sayawan at maya maya’y inuudyukan nila si Xander naisayaw ito at nong
una ay nahiya siya sa kanya kaya hinila na siya ng mga kaibigan niya at
tinulak sa harap ng kinauupuan ni Ana. Sandali ay yinaya na niya itong
sumayaw at nung pumayag si Ana at pumunta na sila sa gitna ng
sayawan, hinawakan ni Xander ang baywang ni Ana at hinawakan naman
niya sa balikat ni Xander.

You might also like