You are on page 1of 9

Pinin

g
Gian Joshua c. Dayrit
A-222

PINING

This story is fiction yet based on Filipino History of


their cultures, traditions and beliefs. It portrays the negative
effect of Social Stratification back then.

CHARACTERS

• Maningning - Ang tinuturing na makapangyarihang babae sa puod


dahil sa ginagabayan ito ng mga umalagad; Anak ni Rajah Linangan
sa ibang babae

• Songil - Ang lalaking umibig at napaibig kay Maningning; Anak


ni Rajah Mapera

• Hiyas - Ang binukot na laging nagseselos sa lahat ng


nakukuhang atensyon ni Maningning sa kanyang baba. Siya rin ay
naging paborito anak ni Agang.

• Kuling - nakababatang kapatid ni Hiyas na masaya sa piling ni


Maningning dahil na rin sa dahilang ayaw sa kanya ng kanyang
iloy na si Agang dahil umaasa sila nang lalaking anak.

• Agang - Ang traydor at sakim na ina nina Kuling at Hiyas;


Asawa ni Rajah Linangan

• Rajah Linangan - Ama ng tatlong binukot

• Rajah Mapera - Isang kinatatakutang pinuno na mabagsik at


walang patawad sa kanyang mga kaaway.

• Paratawag - Apo ng Punong Babaylan


EXTENDED CHARACTERS

• Lola Pining - Ang tauhan ni Maningning nung tumanda ito.

• Lolo Ingil - Ang tauhan ni Songil nung tumanda ito.

• Bagani - Ang maisog at mapagkakatiwalaan na pinuno ng mga


kawal ni Rajah Mangubat.

SCENE 1 | ANG SIMULA

Lola Pining: O tulog na mga anak. Walang magpupuyat. Tama na


muna laro.

Anak 1: Opo. Pero kwentuhan nyo muna po kami para makatulog


kami.

Anak 2: Oo nga po, nay. Please...

Lola Pining: Sige na nga. O heto na...

SCENE 2 | ANG KINATATAKUTANG RAJAH

Nagsimula ang lahat sa isang puod na kinikilala ng marami


dahil sa kinatatakutang pinuno nito, si Rajah Mapera.

Rajah Mapera: Tinipon ko kayong lahat para sabihin na


magsipaghanda kayo para sa susunod nating pagsalakay sa ibayong
puod.

Mga Kawal: Masusunod, rajah.

Rajah Mapera: Bagani, dapat handa na ang inyong mga kampilan at


siguraduhin mo na nasa magandang kondisyon ang mga ito at ang
lahat.

Bagani: Masusunod, Rajah. Ihahatid ko na ang impormasyon sa


ating mga kawal para maihanda na din nila ang kanilang mga
baroto at karakoa.
Kinilala sa balat ng lupa si Rajah Mapera bilang isang
hindi matalo-talong mandirigma.

SCENE 3 | ANG MGA BINUKOT

Sa kabilang banda naman, si Maningning ay nasa piling ng


kanyang mga kalahating kapatid na mga kaparehang binukot.

Maningning: Baba, turuan nyo ho ako gumamit ng kampilan.

Rajah Linangan: Aba, napakadelikado para sa batang tulad mo


humawak ng kampilan baka masugatan ka.

Maningning: Hindi ho. Magiingat ako, baba.

At mabilis naman natuto ang binukot na si Maningning.

Rajah Linangan: O mauna nako, anak. May gagawin pa ako. Sa


susunod na lang natin ituloy to.

Maningning: Sige ho, baba. Magiingat kayo.

At dumating ang kanyang kapatid na si Hiyas na kanina pa


nanonood sa kanila.

Maningning: Umbo, nandiyan ka pala.

Hiyas: Nagpabida ka na naman sa baba naten no. Pwede ba, ang mga
binukot na tulad naten ay walang karapatan na humawak ng
kampilan kaya wag ka na magambisyon na matutunan ang mga ganyan.

At lumisan na si Hiyas, na siya namang pagdating ng


kanyang isa pang kapatid na si Kuling.

Kuling: Pagpasensiyahan mo na si Umbo Hiyas. Lagi na lang may


dalaw yun. Ang sungit sungit.

Maningning: Ayos lang yun. Sanay naman na ko pinagiinitan ni


Umbo Hiyas. Siya nga pala may bago ako natutunan kay baba, gusto
mo ituro ko sa iyo?

Kuling: Aba oo naman, umbo. Salamat, umbo.

SCENE 4 | ANG TRAYDOR NA ASAWA


Ipinadispatsa ni Agang si Maningning sa isang uripon noong
bata pa ito. Ngunit dahil na rin sa gabay ng mga umalagad ni
Maningning, siya ay nakaligtas.

Agang: Ilihim mo at itikom mo na lang ang iyong bibig, uripon.


Huwag na huwag mo sasabihin ito sa aking bana.

Uripon: Masusunod ho.

Dahil sa masamang kagustuhan ni Agang para mapalayo kay


Maningning at dahil sa masamang loob sa kanyang irog,
tinalikuran niya ito.

Agang: Mahal na Rajah, aking isusuplong ang aking asawa sapagkat


may plano ito kasama ang iba pang mga datu ng rebelyon laban sa
inyo.

Nang dahil dito, namatay si Rajah Linangan sa pagsalakay


ng mga kawal ni Rajah Mapera.

SCENE 5 | ANG PAGIGING URIPON NG BINUKOT

Pagkatapos mamatay ni Rajah Linangan, nagkaroon ng


malaking pagbabago sa buhay ni Maningning at isa na dito ang
kanyang pagiging uripon.

Agang: Simula ngayon, hindi ka na isang binukot. Isa ka nang


hamak na uripon na lamang sapagkat diyan ka dapat lumugar
katulad ng iyong iloy.

At pinunit ni Agang ang damit pantaas ni Maningning bilang


simbolo ng pagiging uripon nito. Dahil dito, nakilala siya ni
Songil, ang susunod sa trono ni Rajah Mapera.

Songil: Ano ho ang ginagawa ninyo sa kanya? Hindi ho


makatarungan ang ginagawa ninyong pananakit sa kanya.

(Iyak na lamang ng iyak ang uripon)

Pinrotektahan ni Songil si Maningning sa abot ng kanyang


makakaya sa mga pang-aapi nina Agang at Hiyas.

SCENE 6 | ANG MULING PAGBANGON

Sa tulong ng mga umalagad ni Maningning, ay naging alabay


ito.
Maningning: Baba, para ho sa inyo 'to. Ipaghihiganti ko kayo
laban kay Mapera. Pero bago ko gawin yun, kailangan ko muna
maging isang babaylan, ng sa gayon ay magkaroon ako ng mataas na
estado sa puod at doon ko na isasagawa ang aking mga plano.

Nag-aral siya ng panggagamot, mga relihiyosong ritwal at


tradisyon. At ng nagkaroon ng lubhang sakit si Songil...

Maningning: Subukan nyo itong mga halamang gamot na nakuha ko


malapit sa batis. Mabisa itong mga 'to.

Rajah Mapera: O ano pa ginagawa nyo, pagalingin nyo na agad ang


aking anak. Di sya pwede mamatay.

Kinabukasan, gumaling na nga ang anak ng Rajah.

Rajah Mapera: Nang dahil sa pagpapagaling mo sa aking anak,


hihirangin kita na maging isang Punong Alabay.

Sa kabilang banda, nalaman ni Maningning na ang apo ng


kasalukuyang punong alabay na si Paratawag ang tao na may pakana
sa pagpatay kay Songil.

Maningning: Songil, may sasabihin ako.

Songil: Ano iyon, Maningning?

Maningning: Nais ko lamang ipaalam sa inyo na ang nagtangkang


pumatay sa iyo ay si Paratawag.

Songil: Ha? Parang di naman ata kapani-paniwala yan?

Maningning: Maniwala ka sa akin. Narinig ko ang kanilang usapan


ng punong babaylan. At mayroon silang balak na rebelyon laban sa
iyong baba.

Songil: Ngunit... Pano magagawa iyon ni Paratawag? Parang


napakaimposible, isa siya sa mga kinagigiliwan na tagasunod ng
aking baba. Kaya hindi nya iyon magagawa.

At hindi na nga naniwala si Songil. Hanggang sa isang


araw, sumugod ang mga kasama ni Paratawag. At napatay nila ang
Rajah ng puod.

Scene 7 | Ang Pag-angkin sa Trono


Nang mamatay ang Rajah, ang pumalit dito ay si Paratawag.
Hindi pwede si Songil ang mamuno, sapagkat nagsinungaling siya
sa kanyang unang batuk.

Paratawag: Pinatawag ko kayong lahat para sabihin na itataas na


ang ating buwis.

Uripon 1: Mahal na Rajah, ano ho ang dahilan bakit itataas ang


buwis? Lumalago naman ho ang ating puod.

Paratawag: Sapagkat marami ang pangangailangan ko ng sa gayon ay


mapamahalaan ko ng maayos ang ating puod.

Uripon 2: Ngunit ano na lamang ang amin kikitain kung itataas


ang buwis?

Uripon 3: Oo nga, wala na kami makakain. Hirap na kami matugunan


ang mga pangangailangan namin.

Paratawag: Kaya nga nandito ako para sa inyo, di ko kayo


pababayaan, di ko pababayaan ang mahal nating puod. Hanggang
dito na lamang ang ating diskusyon. Makakaalis na kayo lahat.

Sa kasamaang palad, mas lumala ang kalagayan ng puod sa


pamumuno ni Paratawag.

Scene 8: Ang Panandalian na Pamumuno ni Agang

Nagplano ng rebelyon ang pangkat ni Songil laban kay


Paratawag, at nagtagumpay sila na patayin ito.

Agang: Ito na ang pagkakataon ko para maging isang Rajah.

Ginawa niyang pinuno ang kanyang sarili sa buong puod.


Sinindak nya ang mga tao sa paggamit ng panagang mula sa mga
babaylan para sila ay maging sunud-sunuran sa kanya sa
pamamagitan ng panlilinlang na siya ay may direktang
komunikasyon sa Diyos. Ngunit hindi rin nagtagal ang pamumuno
nito. Namatay siya sa tulong ng mga umalagad ni Maningning.

SCENE 9: ANG PAGTATAPOS

Lola Pining: Maraming mga pagbabago ang nangyari sa puod, kagaya


ng pagbibigay ng karapatan sa mga alipin o uripon at ang pantay-
pantay naoportunidad sa edukasyon at negosyo.

Anak 1: Ano ho nangyari kina Maningning at Songil?


Anak 2: Oo nga ho. Ano ho nangyari sa kanila?

Lola Pining: Sila ay nagkatuluyan at nagkaroon ng dalawang anak.


Sila ay nagmamahalan hanggang ngayon.

(Biglang dumating si Lolo Ingil)

Lolo Ingil: O tara na Maningning, mga anak. Tulog na tayo. Tama


na yan.

Anak 1: Ah kayo po si Maningning? At siya po si Songil?

Anak 1 & 2: At tayo ang dalawang anak?

THE END
GLOSSARY

• Puod - Territory

• Baroto – Boat

• Karakoa – Warship

• Kampilan - a heavy pointed sword.

• Binukot - Young women (usually the daughters of a Datu or


Rajah) who were kept inside the house away from public eye.

• Umbo - Older Sister

• Iloy – Mother

• Baba – Father

• Uripon – Slave

• Umalagad - Ancestor Spirits


• Bana – Husband

• Alabay - Babaylan Apprentice

• Babaylan - Shaman, Priestess

• Batuk – Tattoo

• Panagang - Anting-Anting
Gian Joshua c. Dayrit
A-222

You might also like