You are on page 1of 369

A kiss of Death (Book 1 of Death Trilogy)

by StoryofaGIRLinlove

..A kiss that bound your soul to the Devil..

Lexine almost lost her life when she was thirteen.

Isang hindi maipaliwanag na pangyayari ang nagsagip sa kanyang buhay sa kamatayan.


But after few years of living an almost perfect life she thought she have.
Unexpected things started to happened. Two mysterious men entered the scene.

"Dalawang nilalang. Dalawang makapangyarihang nilalang na galing sa magkabilang


dulo nang
mundo ang handang makipaglaban para sayo. Ang isa'y galing sa liwanag at ang
isa'y sa dilim. Ang isa sa kanila'y handang magbuwis nang buhay para
protektahan ka at ang isa naman ang siyang magdadala sayo sa kapamahakan."

Babala pa sa kanya nang matandang manghuhulang minsang nakausap niya.

Sa bingid nang panganib na humahabol sa kanya na parang mabagsik na hayop. Paano


tatakasan ni Lexine ang mga kalaban na pilit na tumutugis sa kanya? Sino sa
dalawang lalaki ang dapat niyang pagkatiwalaan?

Strugling to live, running with a confused heart. How can Lexine end the curse of
the kiss that pulls her life to near death?

(#Book 1 of Death Trilogy)

=================

DEDICATION

Are you ready to embrace the dark, sexy, thrilling and romantic lovestory that will
surely send you shivers while you are on your seat?

(Praises from the readers)

"I really appreciate your stories in every chapter. Nananabik ako everytime na
napuputol ang pagbabasa ko.." -- dailyverse

"I'm falling in love with Night" -- vanwillcmegar

"Grabe tumataas ang balahibo ko sa story na ito! Nakakatakot na nakakaexcite. Di mo


alam kung anu ang mangyayari sa bawat chapter. " joejoy247

"I'm really curious for what's going to happen next. This kind of story has a
thrill in it that makes it unique and makes you want to read it more and more.." --
lyricsofthewind
"Uulitin ko to! Sobra!" -- rainbowcupcake

"Madami na po akong nabasang books sa wattpad at silent reader po ako. Bihira po


ako mag comment. Maganda po yung story. Sana may book 2 kasi bitin..." --jhenrose23

"Loved your story. I've been reading till the end and I'm glad you're going to
write a book 2. Looking forward for it. I'm glad I discovered your story! very
interesting!" -- lees1985

+++

If you are a fan of Supernatural/Paranormal-Romantic fiction novel. You are on the


right place :)

I dedicate this book to one of my most favorite Filipino author, Camilla from PHR.
Superb ang kanyang Gothic Romance series, My Midnight is my favorite!

This book will be divided into volumes. Each volume contains 8-10 chapters.

Some friendly reminders: This novel content malicious topics that are not suitable
for very young readers! READ AT YOUR OWN RISK!

LAST REQUEST! PLEASE VOTE EVERY CHAPTER AND PUT DOWN UR PRECIOUS COMMENTS!

From the Moons and the Stars in the universe ~~ StoryofaGirlinLove ♡

=================

A kiss of Death

How does Death make you feel?

Sabi nang iba, kasing bilis daw iyon nang isang kurap. Sa sobrang bilis niyon hindi
mo na mamalayan. Na magigising ka na lang na patay ka na pala. Bawat buhay ay may
pinagmulan.At katulad nang kaparusahang binigay nang Diyos kay Eba at Adan, lahat
nang tao ay mararating ang kanilang katapusan.

Sa sinulid nang buhay may simula at sa kabilang dulo nito ang pagtatapos.
Nang mga sandaling ito. Napatunayan ni Alexine na ang kamatayan ay hindi mabilis,
hindi isang kurap. Kundi ito ang pinakamabagal na sandali sa buhay natin. Sa
sobrang bagal niyon ay magagawa mo pang balikan ang lahat nang alaala mo sa mundo.

Tila isa iyong slow motion sa isang pelikula. Bawat detalye at bawat segundo ay
hindi palalampasin nang iyong mga mata.

"Alexine!!!" narinig niya ang isang sigaw.

Patihaya ang kanyang naging pagbagsak. Naikaway kaway niya ang mga kamay ngunit
wala siyang mapagkapitan kundi hangin lamang. Natanaw niyang mabilis na tumalon ang
binata sa bangin na pinipilit siyang sagipin.

Panay ang pagsigaw nito sa kanyang pangalan. Pababa siya nang pababa sa tila walang
katapusang bangin. Pinipilit siya nitong abutin. Inangat niya ang kanyang mga kamay
upang mahawakan ito subalit tila hanggang huling sandali niya'y sinasabi pa rin
nang tadhana na hindi sila maaring dalawa.

Na bawal ang kanilang pag iibigan at kailanma'y hindi sila magiging isa.

Kahit anung pilit niya'y hindi niya ito maabot. Unti-unting bumilis ang kanyang
pagbagsak.

"Hold my hand!" sigaw muli nito.

Pero wala siyang magawa.

Ito na marahil ang totoo niyang katapusan. Kung tutuusin ay matagal na dapat siyang
wala sa mundong ito. Kung hindi lamang dito'y hindi na siya sana buhay pa. Bawat
utang ay may kabayaran. At ito na iyon.

Basang basa niya ang matinding takot sa mga mata ng binata. Na sa kabila niyon
hindi nawawala ang perpekto nitong kagwapuhan. Hanggang sa huling sandali'y mukha
nito ang kanyang masisilayan. Mukha nang lalaking iibigin niya hanggang sa kabilang
buhay na nag aantay sa kanya.

Napangiti siya. Nakikita na niya sa harapan ang mga butil nang sariling luha na
umaangat sa hangin. Tangap na niya ang kanyang katapusan. At masaya na siya na sa
huling pagkakataon ay masilayan ang mukha nito.

Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Mas bumagal ang oras. Makapigil
hininga.

"No!!!" he growl like a beast.


Subalit huli na ang lahat. Naramdaman niyang bumagsak siya sa matigas na bagay.
Unang tumama ang kanyang ulo. Narinig niya ang pagkabasag nang kanyang sariling mga
buto.

Nakababa sa lupa ang binata ilang segundo pagkatapos. Bigong bigo ang mukha nito.
Nanlalaki ang dalawang mata. Pinipilit na itangi ang kanyang nakikita. Nanginginig
na lumuhod ito sa tabi ni Alexine. Mabilis na nabasag ang kanyang boses.

"No... no...Please... don't leave me... no this can't be happening..." panay ang
pag iling ng bigong mukha nito.

Nanlalamig ang mga kamay na binuhat siya nito. Nanginginig bawat parte nang mga
kalamnan nito. Hindi na niya maramdaman ang mga buto sa likuran at iba pang parte
nang kanyang lasug-lasog na katawan. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang ngumiti.
Inangat niya ang isang kamay at hinaplos ang mukha nitong hilam na sa sariling mga
luha.

Umiiyak ito. Mas dinurog ang puso niya. Mas doble iyon sa sakit na naranasan niya
sa kanyang pagkahulog.

Ito na ang huling sandaling masisilayan at mahahawakan niya ang kanyang mahal.
Gusto niyang baunin ang alaalang iyon saan man siya pumunta.

"I love you...” halos bulong na lang ang kanyang boses. Buong pagmamahal na
tinitigan ang basa nitong mukha. Minememorya bawat guhit nang perpekto nitong
kagandahan.

Humagulgol ito at napapikit nang mariin. Tumingala ito at nagsisigaw nang buong
lakas. Nag echo ang sa buong lugar ang tunog nang kanyang paghihinagpis. Nagimbal
ang lahat nang naroroon. Pansamantalang nahinto ang nagaganap na labanan. Lahat ay
napatingin sa gawi nila.

Panay ang pagsigaw nito. Sigaw nang pighati ang galit.

Bigong bigong bumaling ito pabalik sa kanya. Niyakap siya nang mahigpit na
mahigpit. Binaon ang mukha sa kanyang leeg. At sinabi nito ang mga salitang matagal
niyang inasam na marinig mula dito.

"I love you so much Alexine.... "

Napangiti siya at maluwag na tinangap ang kanyang kamatayan.


+++++++++++++++++

A KISS OF DEATH

(# Book 1 of Death Trilogy

Genre : Romance // Gothic // Supernatural // Dark // Demons // Angels // Matured //


Blood // Monster // Power // Action // Humor // Drama

Written by: StoryofaGIRLinlove

Copyrights 2014

Only in : www.wattpad.com/user/StoryofaGIRLinlove

NO SOFT COPIES. NO SOFT COPIES. NO SOFT COPIES

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any


electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including
xerography, photocopying and recording or in any information storage or retrieval
system, is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the
imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or
names. They are not even distantly inspired by any individual known or uknown to
the author, and all the incidents are merely invention.

=================

VOLUME 1

Because I could not stop Death

He kindly stop for me.


The Carriage held but just ourselves

.... and immortality. --Emily Dickinson

VOLUME 1 (Chapters 1-9)

Chapter one : Diamonds

Chapter two : Blood and Death

Chapter three : Kiss of Death

Chapter four : White Feather

Chapter five : Trap

Chapter six : He's back

Chapter seven : Red Apple

Chapter eight : His Face

Chapter nine : Night

=================

V.1: Chapter One

Chapter One: Diamonds

"In each of us, two natures are at war - the good and the evil. All our lives the
fight goes on between them, and one of them must conquer. But in our own hands lies
the power to choose - what we want most to be we are.”― Robert Louis Stevenson

"HAPPY BIRTHDAY my dearest Alexine" punong-puno nang galak na bati ni Don Alejandro
Vondeviejo sa kanyang nag iisang apong babae.

Masayang inabot ni Lexine ang maliit na parihabang kahong binigay nang kanyang
abuelo. Excited niyang binuksan iyon habang hindi niya matangal ang mga ngiti sa
kanyang labi.

"Wow! Thank you lolo you're the best!" masiglang tili niya sa matanda matapos
makita ang bagay na nasa loob nang kahon. Agad niyang inangat ang kwintas.
Nanlalaki nang husto ang dalawa niyang mabibilog na mata habang pinagmamasdan ang
kumikinang na letter "A" na palawit niyon. Nababalutan nang maliliit na diyamante
ang kabuuan nito na lalong nagpakinang sa maliit na palawit.

Tinulungan siya nang Don na ikabit ang kwintas. Humarap siya sa malaking salamin
nang kwarto niya at manghang pinagmasdan ang sariling repleksyon. Bumagay nang
husto sa kanyang maputlang balat ang kulay nang kwintas. Pakiramdam niya ngayong
gabi siya na ang pinakamagandang babae sa mundo dahil suot-suot niya ang
napakagandang kwintas na iyon.

"You’re very pretty apo. Sigurado akong kung nabubuhay lang ang mga magulang mo.
Proud na proud sila sayo" maya-maya'y komento ni Alejandro. Hindi nito napigilan
ang hindi malungkot nang maalala ang mga yumaong magulang ni Lexine halos may isang
dekada na rin ang nakalilipas.

Dahan-dahang pumihit si Lexine paharap sa kanyang lolo. Nabasa niya agad ang
lungkot sa mga mata nito. Mahal na mahal nito ang kanyang mommy Leonna na siyang
nag iisa nitong anak. Subalit dahil sa isang malagim na aksidente noong apat na
taong gulang pa lamang siya, kinuha na agad sa kanila ang kanyang mommy kasama ang
daddy niya.

Wala pa siyang muwang nang mga panahong iyon at hindi niya lubos na naiintindihan
ang mga nangyayari. Basta nang makita niyang nakaratay sa isang malaking kahon ang
kanyang mga magulang na hindi gumagalaw at sumasagot sa kanya. Doon niya lang
naramdaman na nag iisa na siya. Na wala na sila at hinding hindi na sila muling
magigising pa.

Nang magkamuwang ay nalaman niyang airplane crashed ang naging dahilan nang
pagkamatay nang kanyang mga magulang. Simula noon hanggang ngayon ang lolo
Alejandro na lamang niya ang nakasama niya sa buhay. Matagal na rin kasing yumao
ang asawa nito bago pa man naaksidente ang parents niya.

"It's my thirteenth birthday lolo! Dapat happy tayo. Bawal ang sad diba? For sure
mom and dad wouldn't like this, na makita tayong malungkot. I'm sure they both want
us to be happy. So smile na lolo. Sige ka! Lumalabas yung mga wrinkles mo here saka
here kapag sumisibangot ka" panunukso nang dalagita sabay turo sa mga kulubot nang
matanda sa magkabilang gilid nang mga mata.

Hindi na napigilan nang Don ang mga tawa at mahigpit na niyakap ang apo. "Of course
apo. Lolo is the happiest man on earth because I have the prettiest granddaughter
in the universe! Soon you'll grow up as a fine and gorgeous lady. Pero bawal muna
ang mag boyfriend ha! Ayaw pa ni lolo."

Tumulis ang nguso nang dalagita. "Of course lolo. Ikaw lang kaya ang nag iisang
lalaki sa buhay ko!" pabirong ungos pa niya na lalong ikinalakas nang tawa nang
matanda.
Kakatapos lamang nang engrandeng birthday party ni Lexine na ginanap sa mismong
garden nang kanilang mansion. Sa tulong nang mga sikat na party planners at event
organizer na hinire nang kanyang lolo ay naging tila isang magarbong garden nang
isang five star hotel ang kanilang hardin. Maraming bisita ang dumalo. Karamihan ay
mga schoolmate niya from Southville International School and Colleges kung saan
siya kasalukuyang nag aaral. . Isa iyong pribado at esklusibong paaralan na para
lamang sa mga may kaya sa buhay na katulad niya. Nasa grade seven na siya

Halos buong batch ata nila ang nagpunta. Syempre kasama na rin ang mga teachers at
ilang faculty members. Hindi niya rin nakaligtaan imbitahan ang mga kaklase niya sa
Ballet class at ang instructor nilang si Ms. Kristine Garcia. Marami pang ibang mga
bisita na dumalo. Ang iba'y mga kamag anak nila na halos karamihan ay hindi naman
niya kilala at ang iba nama'y galing sa alta sosyalidad na mga kaibigan nang
kanyang lolo.

She's Alexine Vondeviejo Alonzano. The only granddaughter and heiress of Don
Alejandro Vondeviejo. Ang pinakasikat at pinaka makapangyarihang business Tycoon
hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya. Her lolo build an empire with
its own blood and sweat. Ang Vondeviejo International Petroleum Corporation ngayon
ang isa sa tinitingala at nangunguna sa tuktok nang mga korporasyon sa bansa. Their
fast growing petroleum company has proven a lot in the fast two decades. Kaya naman
ang pamilya niya ang isa sa tinitingala at nirerespetong pangalan ngayon.

And she has everything a million of people wished to have. She has the world. She
has all the power and fame.

Kaya naman hindi maaring simple lang or maliit lang ang party niya. Everything for
her is special and amazing. Dapat palaging bonga. Dapat palaging engrande. Nothing
but only the best for the heiress of the Vondeviejo's.

"Naku! Lexi! Ang bonga naman nitong mga regalo mo! Para ka nang nanalo sa lotto sa
dami nito ah! Tignan mo Hermes na bag, Valentino na shoes, Channel Chance, Bvlgari,
Dolce and Gabanna na mga pabango! Kaloka naman tong mga brand na nakikita ko! Pwede
bang humingi kahit konti lang at ibebenta ko lang sa sulit dot com siguradong
kikita ako nang malaking datung sa mga ito e."

Naiiling na napalingon si Lexine sa kanyang personal maid na si Belle. Kahit kelan


talaga’y puro kalokohan ang lumalabas sa bibig nito. Panay ang halungkat nito sa
mga regalong natapos na niyang buksan. Iilan lamang iyon sa daang regalong natangap
niya ngayong araw. Wala pa ata sa kalahati ang nabubuksan niya. Sigurado siyang sa
mga mayayamang kaibigan nang kanyang lolo nangaling ang mga iyon.

Pinagpatuloy pa nila ni Belle ang pagtingin sa mga regalo. Ka edad niya lamang si
Belle at ito ang pinakamalapit niyang kasambahay. Anak ito nang mag asawang Hernan
na parehong nagsisilbi rin sa pamilya nila. Dahil sa masayahin nitong personalidad
kaya naman naging close sila.

"Belle, nasaan yung cellphone ko?" tanong niya sa kasama maya-maya.


"Huh? Hindi ba hawak mo lang kanina? Nagse-selfie ka pa nga dun sa may garden!"
sagot nito.

"Ah oo! Naiwan ko ata dun! Teka kunin ko lang" mabilis niyang iniwan ang ginagawa
at nagmadaling bumaba patungo sa malawak nilang garden. Patay na ang ilaw sa buong
mansion dahil malalim na ang gabi. Wala na rin ang mga katulong at hinire nilang
mga waiter at waitress. Tapos na ang mga ito sa pagliligpit nang buong lugar.
Sigurado siyang natutulog na rin sa kwarto ang lolo niya at ang ilang kasambahay.
Sinalubong siya nang malamig na simoy nang hangin pagkalabas niya nang garden.

Napayakap siya sa sarili dahil sa nipis nang suot niyang pantulog. Nakaramdam siya
nang lamig. Agad niyang hinanap sa mga table na nasa labas ang kanyang cellphone.
Sa ilalim nang lamesa niya iyon natagpuan. Umiilaw iyon at nagvi-vibrate kaya naman
agad niyang nakita.

Tinignan niya ang screen. May 140+ messages at 56 missed calls siya. Binuksan niya
at binasa ang mga iyon. Lahat ay puro mga greetings sa mga kaibigan niya. Abala
siya sa pagbabasa kaya naman hindi niya namalayan ang isang bultong papalapit sa
kanya mula sa likuran.

Nahigit niya ang hininga nang may isang kamay na biglang lumitaw at tinakpan nang
mahigpit ang kanyang bibig gamit ang isang panyo. Nagpupumiglas ang dalagita
subalit masyadong malakas ang taong nasa likuran niya. Mabilis na dinumbol nang
kaba ang buong katawan niya.

Nais niyang sumigaw pero wala siyang magawa. Masyadong mahigpit ang mga kamay nito
sa mukha niya at sa leeg niya. Pinaghahampas niya ang braso nito subalit sa tigas
niyon siya lang din ang nasaktan.

Unti-unti siyang nakaramdam nang panghihilo bago tuluyang nawalan nang malay.

SA ISANG HINDI PAMILYAR na lugar nagising si Lexine. Wala siyang ibang nakikita
kundi mga patong patong na sako at ilang piraso nang kahoy sa paligid. Madilim din
at tanging ilaw mula sa maliit na fluorescent lamp sa kisame ang nagbibigay nang
liwanag. Ginala niya ang paningin at nagsimula na naman siyang magpanic nang
makumpirmang wala siya sa kahit saang parte nang mansion nila kundi nasa isang
hindi pamilyar at abandonadong bodega.

Sumigaw siya nang tulong pero walang tunog na lumabas sa bibig niya. Doon niya
lamang napansin na may telang mahigpit na nakatali sa kanyang bibig. Ganoon din ang
lubid sa kanyang paa at kamay.

Gusto na niyang maiyak sa sobrang takot. Nasaan siya? Sinung nagdala sa kanya sa
lugar na ito? Anung balak sa kanya nang mga masasamang loob na iyon?
Nasagot din ang mga katanungan sa kanyang isipan nang makarinig siya nang mga
yabag. Apat na hindi kilalang mukha nang mga lalaki ang lumapit sa kanya. Muli
siyang dinumbol nang kaba at matinding takot.

"Gising na pala ang prinsesa natin" isang lalaking matangkad, moreno at malaki ang
pangangatawan ang nagsalita. Agad niya ring napansin na may peklat na ekis ito sa
kanyang kaliwang mata. Sa itsura pa lang ng lalaki ay alam na niyang sa oras na
hindi nito makuha ang gusto siguradong hindi ito magdadalawang isip na tapusin ang
buhay niya.

"Jackpot tayo dito bossing ah! Limpak limpak na milyones ang katumbas nang ulo
nito!" isang matabang pandak, maitim at kulot ang buhok naman ang sunod na lumapit
sa kanya. Nakakatakot ang malalaking mata nito. Halos matumba siya sa upuang
kinatatalian niya para lang makaiwas dito. Amoy na amoy niya ang baho nang
sigarilyo sa bibig nito. Halos konti nalang ang distansya nang mga mukha nila at
kung makatingin ang lalaki sa kanya'y para siyang lalamunin nang buhay.

Tahimik siyang umiyak.

Na kidnap siya! At siguradong manghihingi nang ransom ang mga ito kapalit nang
paglaya niya. Ngayon lang sa tanang nang buhay ni Lexine siya nakaramdam nang
matinding takot. Iyong takot na nanunuot sa bawat parte nang kanyang payat na
katawan.

Tinangal nang lalaking may peklat ang panyo sa bibig niya. Mahigpit na hinawakan
nito ang kanyang baba at pinihit ang mukha niya paharap dito. Nangingnig na siya sa
takot. Nababasa niya sa mga mata nito ang itim nang budhi ng lalaking kaharap.

"Huwag kang mag alalala bata. Hindi ka naman namin sasaktan basta susunod ka lang
sa ipag uutos namin at makakaalis ka rin dito nang buhay. Ayoko sa lahat yung
matigas ang ulo. Kaya dapat maging behave ka little girl. Hindi mo magugustuhan
kapag nagalit ako" pambabanta nang kidnapper.

Wala siyang nagawa kundi tumungo-tungo sa sinasabi nito. Ngumisi ito at binitiwan
ang baba niya. Nagsimula nang tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Nakita niya itong nagdial sa cellphone na hawak nito. Nasisiguro niyang sa lolo
Alejandro nya tumatawag ang mga kriminal.

=================

V.1: Chapter Two

Chapter Two : Blood and Death

"The fear of death follows from the fear of life. A man who lives fully is prepared
to die at any time." ― Mark Twain
MINSAN DUMARATING sa buhay nang tao na kailangan nilang magpasailalim sa kasamaan
para lamang makuha ang minimithing bagay. Limitado lamang ang kakayahan nang bawat
nilalang sa mundong ito. May nga bagay na hindi natin basta makukuha kapag gusto mo
lang. Kailangan mo munang paghirapan.

Ganoon ang buhay nang isang tao.

At dahil napangingibabawan tayo nang matinding kasakiman nakakagawa tayo nang mga
desisyon na kahit mali at baluktot tinutuloy pa rin natin makuha lang ang ating
gusto.

Para sa katulad ni Lexine na ipinanganak na mayroon nang lahat nang bagay sa mundo.
Hindi niya naiintindihan ang mga ganoong bagay. Para sa mura niyang kaisipan
mahirap maintindihan na ang mundo'y mapait at masama.

Ilang oras nang tulala ang dalagita. Hindi na niya namalayan ang paglipas nang
bawat minutong nagdaan. Ayaw man niyang isipin na maaring hindi na niya makikita
ang bukas hindi pa rin maalis sa isip niya ang matinding takot.

Nais niya pang mabuhay. Ayaw niya pang mamatay sa mga kamay nang masasamang loob.
Marami pa siyang pangarap na nais niyang matupad.

Higit sa lahat. Hindi niya pa kayang iwanan mag isa ang kanyang lolo. Naiisip niya
pa lang ang magiging itsura nito sa harap nang kanyang kabao, dinudurog na ang
kanyang damdamin.

Kaya naman sa labis na pag aasam na mabuhay hindi na nakapag isip nang maayos ang
dalagita.

Ginala ni Lexine ang mga mata sa paligid. Ang lalaking may peklat na tinatawag
nilang ‘bossing’ ay lumabas at hindi pa bumabalik. Sa kabilang sulok naman mula sa
pwesto niya nakaupo ang matabang maitim na lalaki. Humihilik na ito habang yakap
ang isang mahabang baril. Sa kabilang banda naman ilang dipa ang layo mula sa kanya
ay ang dalawa pang kidnappers. Abala ang mga ito sa paglalaro nang baraha. Parehong
mga nakainom na dahil hindi na maintindihan ang pagsasalita.

Finocus ni Lexine ang isipan sa pagpupumilit na makalas ang mahigpit na tali sa


kanyang mga kamay. Mula sa likuran ay ilang oras na niyang ginagalaw ang mga kamay.
Sa kabila nang labis na hapdi ay tinuloy niya pa rin ang ginagawa.

Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naramdaman ang tuluyang pagkaluwag nang mga
tali. Lihim siyang napatalon sa tuwa! Nagawa niya!

Hindi inaalis nang dalagita ang mga mata sa natutulog na kidnapper at sa dalawa
pang abala sa paglalaro nang baraha. Parehong nakatalikod ang dalawa sa gawi niya.
Sinamantala niya ang pagkakataon. Dinikit niya ang mga tuhod sa dibdib saka
mabilisang kinalas ang mga natitirang tali sa kanyang paa.

Pawis na pawis siya at dinudumbol nang kaba ang dibdib niya habang nagmadali niyang
ginagawa ang pagkalas sa mga ito. Hindi nagtagal at natangal niya ang buhol nang
tali. Sunud niyang tinangal ang panyo sa bibig.

Wala pa rin kamuwang muwang ang mga kidnappers na nakawala na siya. Dahan-dahan
niyang hinakbang nang malalaki ang mga paa palayo sa mga ito. Hindi niya inaalis
ang mga tingin sa kanila at halos hindi na siya humihinga wag lamang makagawa nang
kahit anung ingay.

Ilang dipa na lamang ang layo niya mula sa pintuan patungo sa labas. Tanaw niya ang
malakas na buhos nang ulan. Halos wala na siyang maaninag sa labas dahil sa dilim
at sa lakas nang hangin.

Malayo na ang narating niya. Nagtago muna siya sa isa sa mga patong patong na sako
sa gilid. Huminga siya nang malalim. Nilakasan niya ang sariling loob.

Huminga siya nang sampung beses bago mabilis na tinakbo ang nalalabing mga hakbang
patungo sa pintuan. Biglang kumulog nang malakas. Kasabay nang pagkulog ang
paglitaw nang malaking bulto nang lalaking may peklat sa mukha sa kanyang harapan.

Hindi niya napigilan ang pagkawala nang malakas na tili.

"Saan ka pupuntang bubuwit ka? Tatakas ka pa! Ang tigas nang ulo mo! Hindi ba't
sinabi ko na sayong ayoko sa lahat yung pasaway!" gigil na hinablot nang kidnapper
ang mga braso niya.

Sinubukan niyang pumiglas pero malakas ito. "Bitawan mo ko!"

"Hindi ka pa pwedeng umuwi hanggat hindi ko pa nakukuha ang pera nang lolo mo!"
kinaladkad siya nito pabalik. Nagsisigaw ang lalaki at pinagmumura ang tatlong
kidnappers na tila noon lang natauhan na nakawala na pala siya.

Nagpupumiglas si Lexine. Hindi siya maaring sumuko. Nararamdaman niya at malakas


ang kutob niyang sa oras na makuha nang mga ito ang pera sa lolo niya, hindi
susunod ang mga kidnappers sa kasunduan at papatayin siya.

Hindi niya iyon hahayaang mangyari.

Buong lakas niyang sinipa ang pagitan nang mga hita nang lalaking may hawak sa
kanya.

"Arg" namilipit ito sa sakit. Sinamantala niya ang pagkakaluwag nang hawak nito sa
kanya at mabilis siyang tumakbo.
"Putang ina kang bata ka!"

Muling kumidlat at kumulog nang malakas. Dire-diretsong tumakbo si Lexine patungo


sa pintuan. Kasabay nang malakas na kulog ang pag alingawngaw nang malakas na putok
nang baril.

Napahinto siya sa pagtakbo. Dahan-dahan niyang binaba ang mukha at nanlaki nang
husto ang mga mata niya nang makita ang mabilis na pagkalat nang pulang mantsa sa
kanyang dibdib.

Bumagsak ang payat niyang katawan sa sahig. Binalot siya nang matinding hapdi sa
kanyang dibdib.

"Gago ka Boyet bakit mo binaril?" narinig niya ang pagsigaw nang leader nang grupo
na kanila lang ay hawak siya.

Mabilis na nanikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Nagsisimula nang
namamanhid ang lahat nang parte nang kanyang
katawan.

"S-sorry bossing nabigla kasi ako--"

"Tignan mong ginawa mo! Magkakanda letse letse tayo nito sinira mo ang plano!"

"Bossing! Napuruhan ata to! Ayaw tumigil nang pagdugo" natanaw niya sa gilid nang
kanyang mata ang isa sa mga kidnapper at umupo sa tabi niya. Nasa mukha nito ang
pagkataranta at hindi alam ang gagawin.

Nagsisimula nang dumilim ang paningin nang dalagita. Hindi na niya maintindihan ang
mga sumunod na pagtatalo sa paligid dahil nawawalan na siya nang pandinig at
paningin.

Ito na ba ang katapusan ko? Mamatay na ba ako?

Binalot nang matinding takot ang buo niyang pagkatao. Ni minsan hindi nasagi sa
kanyang isipan na ganito pala kahirap at kasakit ang mamatay.

LABIS NA NATARANTA ang apat na kidnappers. Lalong lumakas ang ulan sa labas.
Pumapasok na sa loob nang bodega ang malakas na ihip nang hangin.

Sa gitna nang kanilang pagtatalo hindi nila namalayan ang unti-unting pagbuo nang
makapal at itim na usok sa isang bahagi nang bodega. Mula sa maliit na bilog umikot
ikot iyon at mabilis na lumaki. Lumalabas mula sa gitna nang bilog ang asul na
kuryente. Naririnig ang tila nakakatakot na bagyo na nasa loob niyon.
Bigla ang muling pagkulog nang malakas. Nagawi ang mga mata ni Boyet sa isang
sulok. Halos malaglag ang panga niya nang makita kung anung kakaibang bagay ang
nabubuo doon.

"B-bossing... a-anu y-yun?"

Napalingon silang lahat sa direksyong tinuturo ni Boyet. Pare-parehong nanlaki ang


mga mata nila sa nakita.

Mula sa palaki nang palaki at pakapal nang pakapal na mga usok ay lumabas sa gitna
nito ang isang kamay. Sumunod ang braso hanggang kalahati na nang katawan ang
lumitaw.

Halos manginig sa takot ang mga kidnappers sa mga nasasaksihan nila. Hindi sila
makapaniwala.

Tuluyang lumabas mula doon ang isang bulto nang lalaki. Nakasuot ito nang itim na
pantalon, combat boots, itim na tshirt at leather jacket na may hood. Natatakpan
nang hood nito ang kanyang mukha. Naka 3:45 ang shadow sa mukha nito kaya tanging
baba at bibig lamang nito ang nasisilayan nang kaunting liwanag.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanila. Sa bawat mabibigat na hakbang nito ay may mga
asul na kuryenteng lumalabas sa sahig sa tuwing dumidikit ang paa nang estranghero.

Malinaw na hindi ito isang normal na nilalang.

"S-sino ka? A-anung ginagawa mo dito?" nanginginig na tanong nang leader.

Hindi sumagot ang lalaking nakaitim. Una nitong nilapitan ang halos wala nang buhay
na katawan ni Lexine. Nakaratay ito sa sahig habang naliligo na sa sariling dugo.

Lumuhod lang ito sa harap nang dalagita at umiling iling.

"Look what we have here. A very young girl killed by these bad goons. Where are
your fucking conscience? On your small dicks?" malamig at malalim ang boses nito na
tila awang awa sa sinapit nang dalagita. Matigas ang kanyang ingles.

Hinugot nang leader ang kanyang baril at tinutok iyon sa lalaki. "Kung sino ka mang
demonyo ka hindi kita sasantuhin! Umalis ka dito kung gusto mo pang umabot bukas"

Umalingawngaw ang isang nakakalokong tawa mula sa estranghero.

"You guys are so cliche. Wala na ba kayong alam na ibang script? Kung aya mo pang
umabot bukas. Seriously? That line of yours is too old school man!”
Muli itong tumawa nang nakakaloko. Naiinis na pinagmasdan lang nang mga kidnappers
ang estranghero.

Tumayo ang estranghero at tinuloy ang sinasabi nito. Tinuro nito ang leader nang
grupo.

"The leader with an ex mark on his face? Is that authentic? Oh by the way dude that
thing on your face it is soooooooo cool! " tinuro turo pa nito ang peklat sa mukha
ng kidnapper. Para itong bata na nakakita nang nakakatuwang laruan.

"Anyway, I think I saw you before,hmm.." nilapat nito ang kamay sa kanyang baba at
umaktong nag iisip.

Nagkatinginan ang apat at napailing iling.

"Aha!" bigla itong pumalakpak. Halos mapatalon ang apat sa pagkagulat.

"Samurai X? Is that you?"

Kumunot ang noo nang leader na halatang walang naiintindihan sa mga pinagsasabi
nito. Parang batang naman na tumatawa ang estranghero.

“Anu bang pinagsasabi mo? Hoy! Kung anu man yang tinira mo wala akong pakielam,
wala akong panahon sa pang tri-trip mo. Umalis ka na dito kung hindi talagang
malilintikan ka.” babala nang leader. Hindi na nito matago ang iritasyon sa kanyang
boses.

“You don’t know Samurai X? Si Himura Kenshin, you don’t know him? Oh what the fuck
dude, he was the famous battousai in Japan!”

Napangiwi at nalukot lang lalo ang mukha nang kidnapper sa kanya. Muli naman tumawa
na parang bata ang estranghero.

"Anyway moving on. Oh! we also have our little piggy over here" sumunod nitong
tinuro si Boyet. "Hi there piggy, such a cute black little piggy piggy......" he
teases him using a little girl’s voice.

Halos himatayin naman si Boyet sa takot dito. Wala na itong kulay sa mukha. Sa isip
isip nito’y mahirap na makipagtungali sa isang baliw. Mas masahol pa sila sa hayup.
Lalong lamang tuloy naaliw ang estranghero. Kaligayahan talaga niya ang makitang
namamatay sa takot ang kanyang mga biktima.

"Oh look! we also have another two pets. Hulaan ko you are B1 at ikaw naman si B2.
Banana's in Pajamas..." pagkaturo nito sa dalawa ay kumanta pa ito at sumayaw sayaw
na parang tanga.

Nang makitang walang reaksyon ang mga ito’y naiinis na tumigil siya sa pagsasayaw
at parang batang ngumuso nguso. “Oh come on, kahit banana’s in pajamas hindi niyo
rin alam? Anu bang pinapanood niyo nung bata kayo Princess Sarah?”

Galit na tinutok nang leader ang baril sa kanya. "Ang dami mong satsat bading ka
ba? Tang ina mo tol pero naiirita na ko sayo. Mag hello ka na kay kamatayan"

Mabilis na sunud-sunud na pinaulanan nito nang putok ang lalaki. Halos maubos niya
ang bala.

Nang segundong tumama ang mga bala sa katawan nito’y bigla na lamang itong naglaho
at tanging itim na usok lamang ang tinamaan.

"Putang ina--"

"Oops! Fail!" bigla itong lumitaw sa kanyang likuran.

"And by the way. I will personally send your message to the death scheduler...cause
if your little fucking brain still don't get it"

Nakangangang napapihit ang kidnapper sa likuran. Nandoon na ang lalaki at wala man
lang itong natamong sugat sa dami nang balang pinaputok niya. "Paano--"

Hinablot nito ang leeg niya at tinaas siya sa ere. Ngumisi ang lalaki. "The death
is already here"

Malakas na kulog ang dumagundong sa buong lugar. Nanlaki ang mga mata ng kidnapper
dahil tuluyan na niyang nakita ang mga mukha nito. Isang nakakakilabot na halimaw
ang kanyang kaharap.

Buong pwersang hinagis nang lalaki ang kidnapper. Lantang gulay na bumagsak ang
katawan nito sa malayo.

Sumunod nitong nilingon ang natitirang tatlo. Halos nanginginig na sila sa takot.
Una nitong nilapitan ang natulalang si Boyet.

"Hey there piggy. Don't pee on your pants! You’re disgusting"

Nagmakaawa si Boyet dito. Lumuhod sa kanyang harapan. "Maawa ka sakin huwag mo kong
patayin. Diyos ko maawa ka" umiiyak na ito.

"Buddy, are you insulting me?"


Hinumpas nito ang isang kamay sa ere. Umangat si Boyet sa hangin. May invisible
force ang nag aangat at pumipilipit sa kawawang kidnapper. Wala nang mapaglagyan
ang takot nito.

Mula sa isang kamay niyang malaya ay lumiwanag ang kanyang kanang pulsuhan. Isang
itim na simbolo nang baliktad na tatsulok ang nakamarka doon. May kakaibang bituin
na nasa gitna nang hugis. Gumuhit ang asul na liwanag sa tattoo.

"Gula" pagtawag nito sa isang pangalan.

Isang mahaba at matalim na espada ang lumabas sa kanyang palad. Inangat niya ang
espada at sinaksak ang dibdib ni Boyet. Nahulog ang katawan nito sa sahig. Parang
gripo na dumaloy ang mga dugo mula sa dibdib nito.

Nilingon niya ang natitira pang dalawa. Nagsimula silang kumaripas nang takbo.

"So you guys wanna play hide and seek huh?"

Mabilis siyang nawala sa hangin. Lumitaw muli ang katawan niya sa harapan nang
dalawang lalaki. Isang maitim na usok ang pinagmulan niya.

Sumugod ang isang kidnapper sa kanya na may hawak na patalim. Kasing bilis nang
hangin ang kanyang kilos at bigla na lang lumitaw sa likuran nito. Gamit ang espada
giniliitan niya ang leeg nang lalaki at bumagsak itong wala nang buhay.

Sumunod niyang pinugutan nang ulo ang natitirang kidnapper. Kumalat ang buong dugo
sa sahig. Umalingasaw ang mabaho at malansang amoy sa buong kapiligiran.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nang estranghero. Dinilaan niya ang hawak na patalim.
Nalasahan niya ang pait nang dugo mula sa mga lalaking kinitilan niya nang buhay.

"It really feels good to kill"

=================

V.1: Chapter Three

Chapter Three: Kiss of Death

"Evil forges a tornado. But goodness battles in a straight line." ― Caris Roane

MABIBIGAT NA YABAG ang unti-unting lumapit kay Lexine. Pakiramdam niya'y nilulunod
siya nang kawalan. Isang kadilimang humihigop sa kanya palayo sa mundong kanyang
kinagagalawan. Unti-unti na siyang hinahatak nang kamatayan.

Isang bulto nang lalaking naka itim ang kanyang nasilayan. Kahit nanlalabo ang
paningin niya'y naaaninag niya pa rin ang kabuuan nito. Nakasuot ang lalaki nang
itim na damit. May hood ito sa ulo na nagtatago nang mukha nito. Tanging bibig at
baba lamang nito ang nasisilawan nang liwanag.

Hindi ito isa sa mga kidnappers niya. Sino ang estrangherong kanyang kaharap?

Siya na ba si Kamatayan? Siya na ba ang kukuha sa kanya at magdadala sa mundo nang


mga namamatay?

Mabilis na binalot nang takot ang buong katawan nang dalagita. Hindi pa siya
handang mamatay. Hindi niya pa kayang iwan ang mundo. Hindi niya na muling nakikita
ang kanyang Lolo Alejandro.

Naramdaman niya ang pagbuhat sa kanya nang lalaki. Hiniga nito ang ulo niya sa
matigas nitong dibdib. Nakakapagtakang mainit iyon sa kanyang pakiramdam.

"S-sino ka? P-please... kung sino ka man... p-please tulungan mo ako. A-ayoko pang
mamatay help me please..." kinapit niya ang nanlalamig na mga kamay sa damit nang
dibdib nito. Sunud-sunud ang pag agos nang kanyang mga luha. Hinahabol niya ang
bawat paghinga.

"Please, I dont want to die. Hindi ko pa pwedeng iwan si lolo. Please save me"
aniya sa pagitan nang paghikbi.

Hindi niya makita nang husto ang mukha nang lalaki. Tahimik ang kapaligiran at
tumila na ang ulan sa labas. Hindi na rin niya nakikita at naririnig ang mga
kidnappers sa paligid. Wala siyang ideya kung anung nangyari sa kanila. Pero hindi
na iyon mahalaga. Ang mahalaga'y ligtas na siya sa kamay nang estrangherong ito.

Ligtas nga ba siya?

Hinawakan nang estranghero ang kanyang pisngi. Mainit sa pakiramdam ang mga palad
nito. Nakapaghatid iyon sa kanya nang sari-saring emosyon.

Kalungkutan.Pighati.Pagkamuwi? Hindi niya maintindihan subalit parang may kakaibang


pwersa ang nag uugnay sa kanya sa lalaki.

Wala sa sarili na hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. Pumikit siya at
dinamdam ang init niyon. Nanghihina na siya. Ilang sandali na lang at tuluyan nang
bibigay ang kanyang katawan. Humihina na ang paghinga niya.

"I'm not a genie cupcake.. " malamig at malalim ang boses nito sa kanyang pandinig.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan may kung anung kakaibang bagay na nararamdaman si
Lexine na tila invisible force na humahatak sa kanya palapit sa estrangherong ito.

"But I can give you your wish... "

Inilapit nito ang naka-anino nitong mukha sa kanya. Naramdaman niya ang init nang
hininga nito sa tapat nang kanyang bibig. "But there is always a price in every
wish you make little cupcake. I'm going to get that price when the time is right.
And on that day...."

Saglit nitong binitin sa ere ang sasabihin. Hinaplos haplos nito ang kanyang
pisngi.

"I'll come back and get you...."ang sunud niyang naramdaman ay hindi niya inasahan.

Lumapat ang malambot nitong labi sa kanya. Isang kakaibang enerhiya ang pinapasa
nito sa kanyang bibig. Ang napaka hapding init na iyon ay pumasok sa kanyang
lalamunan hanggang sa kanyang dibdib. Umikot sa buong katawan niya ang sakit.

The kiss is so painful. So deadly painful.

"Sleep now my princess...."

Ito ang mga huling katagang narinig ni Lexine bago siya tuluyang nawalan nang
malay.

"ILANG ARAW nang hindi nagigising ang apo ko Doc, anu ba talagang nangyayari sa
kanya? Magigising pa ba ang apo ko? Please gawin niyo lahat nang paraan..."
nagsusumamong pakiusap ni Don Alejandro sa doktor na kaharap.

Bahagyang inayos ni Doctor Juanito Esperanza ang kanyang salamin. "Mr. Vondeviejo
we already did what we can do for your granddaughter. Her breathing is stable.
Ligtas na siya sa peligro. Ang dapat na lamang natin gawin ay maghintay sa kanyang
pag gising." paliwanag nito.

Halos isang lingo na ang nakalilipas simula nang dinala sa ospital si Lexine.
Natagpuan nila itong walang malay sa loob nang bodega. Hindi na nakita nang mga
pulis ang kidnappers. Suspetsiya nila'y umurong ang mga ito sa takot na makulong.
Dahil para na lamang itong bulang naglaho.

Hindi maipaliwanag nang mga espesiyalista kung anu talagang nangyari sa kanyang
apo. Maayos naman daw ang kalagayan nito. May sugat ito sa dibdib subalit hindi
iyon malalim. Nakakapagtakang wala silang bala na nakuha. Maayos at hindi rin
napuruhan ang kanyang puso kahit malinaw na nabaril iyon.
Maraming dugo ang nawala sa dalagita subalit nakakapagtakang naka survive pa ito at
nabuhay. Ngayon ay isang lingo na itong walang malay at hindi pa nagigising.

Mula sa mukha nang doktor lumipat ang paningin ni Alejandro sa apo. Kung titignan
ito'y para lamang itong natutulog nang mahimbing. Na parang wala itong
pinagdadaanang sakit.

Gumalaw ang mga talukap nito. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata.

Natarantang nilapitan ni Alejandro ang apo. Halos maiyak siya sa tuwa. Sa wakas at
nagkamalay na ito.

"Lexine baby...this is Lolo. How do you feel?" hinawakan nang matanda ang kamay
nito.

"L-lolo?" mahina nitong bulong.

Hindi na napigilan nang matanda ang iyak na kumawala sa kanyang bibig. Mahigpit
niyang niyakap ang apo. Nawala na rin sa wakas ang mabigat na batong ilang araw
nang nakadagan sa kanyang dibdib.

"W-where am I lolo?"

"We're in the hospital. You're safe now my baby... Lolo is here. Wala na ang mga
bad guys. Ligtas ka na. Hindi ka na ulit nila sasaktan..." pampalubag loob ni
Alejandro. Panay ang halik niya sa mga kamay nang dalagita.

"W-what happened? I-i don't remember anything. Who are the bad guys your talking
about Lolo?"

Natigilan ang matanda. Nagkatinginan sila ni Doktor Juanito. Parehong nagtataka ang
kanilang mga mata. "She doesn't remember anything Doc?"

Tumikhim ang doktor. May kung anu itong sinulat sa hawak nitong memo board. "I
guess this is one of the side effects Mr. Vondeviejo. Kadalasan nangyayari ito sa
mga pasyenteng nakaranas nang traumatic experience. In a few days babalik rin sa
normal ang lahat. For the meantime wala na tayong dapat pang ipag alala..."

Tumungo-tungo ang matanda. Muli niyang niyakap at hinagkan ang apo sa noo.

ILANG ARAW pang nagpalipas sa hospital si Lexine upang mas matignan at mamonitor
nang mga doktor ang kanyang kalagayan. Bored na bored na siya dahil wala siyang
ibang nakikita kundi ang apat na sulok nang kanyang hospital room. Halos kilala na
niya ang mga nurse na oras-oras kung mag check up sa kanya. Gusto na niyang umuwi.
Nami-miss na nang dalagita ang kanyang sariling kwarto.
"Buti naman dinalaw mo ko dito Ansell. Sobrang bored na ako dito sa hospital. Gusto
ko nang lumabas" nakangusong sabi ni Lexine sa kaharap na binatilyo.

Naglalaro ito nang gameboy. Mula sa screen nang laruan ay lumingon ito sa kanya.
Ngumiti ang maamong mukha nang binatilyo bago siya kinurot sa pisngi.

"Panguso-nguso ka pa diyan! Kahit anung pa- cute mo wala akong magagawa para ilabas
ka dito! Ang mga doctors ang magdedecide kung pwede ka nang makaalis Lexi"

Tinampal niya ang kamay nito sa mukha niya. "Ouch! Ansell stop it! It hurts!"

Tinangal nito ang kamay at tumawa. "Ouch Ansell stop it! it hurts..." ginaya nito
ang boses niya. Halos batuhin niya nang unan ang kaibigan. Wala na talaga itong
alam gawin kundi i-bully siya.

Nagtataka nga siya sa sarili kung bakit naging bestfriend niya ang weirdo na ito.
Magkaklase na sila ni Ansell simula grade 1. Hindi niya talaga ito gusto nung una
dahil bully ito. Inis na inis siya dito lalo na sa tuwing napagtri-tripan siya nang
mga barkada nito. Ngunit isang araw dumating itong parang knight in shining armor
niya.

Naalala niya pa noon Grade 2 sila. Nahulog siya sa bangin noong nag fieldtrip sila
sa Batangas. Iyak siya nang iyak noon. Takot na takot siya. Inabot di siya nang
dilim na nakaupo lang at iniinda ang tinamong sugat dahil nagpagulong gulong muna
siya bago bumagsak. Ang akala niya'y mabubulok na siya doon nang biglang dumating
si Ansell. Sinagip siya nito.

Simula noon gumaan na ang loob niya sa kaklase at hindi nagtagal naging mag
bestfriend sila.

"I'm so boooooored" sumalampak nang higa si Lexine. "I feel good and there's
nothing to worry na. Bakit hindi pa nila ako palabasin?"

"I don't know. Hindi ako doktor kaya hindi kita masasagot"

Inirapan na lamang niya ang kaibigan at ginala ang paningin sa kwarto. Nakalubog na
ang araw. Natatanaw niya sa bintana ang naghahalong kulay orange at purple sa
langit. Mula sa kwarto niya'y natatanaw niya ang katapat na malaking puno. Nasa ika
tatlong palapag nang building nang hospital ang kanyang kwarto kaya naman halos
magkapantay na ang bintana niya at ang tuktok nang puno.

Pinagmasdan niyang mabuti ang puno. Naningkit ang mga mata niya nang may kakaiba
siyang natanaw.

May isang bulto nang lalaking naka tayo sa malaking sanga nito. Hindi niya maaninag
ang mukha nito dahil natatakpan iyon nang suot nitong hood. Pero alam niya at
malakas ang kutob niyang sa kanya ito nakatingin.

Nagsitayuan lahat nang balahibo niya sa katawan.

"A-ansell... Look there's someone over there" mabilis niyang kinalabit si Ansell na
abala pa rin sa paglalaro.

"What?" iritadong nag angat ito nang tingin. Sinundan nito ang tinuturo niya. Muli
siyang lumingon sa bintana.

"Where? Wala naman!"

Bigla ngang nawala ang lalaki.

Napatayo siya nang kama at nagmamadaling humakbang papalapit sa bintana. "P-pero


may nakita ako eh... It's a guy. He's wearing a black hood. Nakatago yung mukha
niya....."

Umiling iling lang sa kanya si Ansell at muling tinuon ang atensyon sa nilalaro.
"Guni-guni mo lang yan. Matulog ka na mukhang kulang ka sa tulog"

Muli niyang tinuon ang atensyon sa puno. Wala na nga ang lalaking kaninang nakita
niya doon. Guni-guni lang ba ang lahat? Pero bakit parang hanggang ngayon
nararamdaman pa rin niya ang nakakakilabot na pagtingin nito sa kanya?

Hindi niya maipaliwanag sa sarili subalit hindi maganda ang naidulot nang guni-
guning iyon sa kanya.

=================

V.1: Chapter Four

Chapter Four : White Feather

When there is light, there is shadow.

After 7 Years

TAAS NOONG tinangap ni Alexine ang masigabong palakpakan na binigay sa kanya nang
lahat. Mula sa stage na kanyang kinatatayuan natatanaw niya ang mga taong panay ang
pagpalakpak at paghiyaw.
Of all the people in this auditorium. Siya ang higit na nakakaalam na deserve niya
ang lahat nang palakpak na iyon. She's Alexine Vondeviejo Alonzano and this is her
dream.

Kakatapos lang nang isang makapagtindig balahibo nilang ballet performance. Siya
ang center of attraction sa labing dalawang ballerina na nag perform nang gabing
iyon.

Alam naman niya sa sarili niyang malaki ang lamang niya sa mga kasama pero kapag
mismong mga tao ang pumupuri sayo nakakapanibago pa rin. Parang panaginip na
nabigyang buhay.

"Let's give one last applause to the Swan Empresses!" masigabong announce ng host.

Masayang tumungo nang backstage ang lahat. Panay ang yakap at papuri sa kanya nang
mga kaklase at kagrupo niya

"Ang galing mo talaga kanina Lexine. Sobrang perfect nang spin mo. Ikaw na talaga!"
puri sa kanya ng chinay na si Charlene.

"Oo nga! nakita mo ba yung mga tao! manghang mangha sila sayo! ang galing galing mo
talaga!" segunda pa nang petite at payat na si Rissa.

Nagpasalamat siya sa mga ito. Marami pa ang pumuri at yumakap sa kanya. Hingal na
umupo siya sa tapat nang salamin na naka set up sa back stage. Inayos niya ang
sarili. Mula sa repleksyon nakita niyang lumapit ang dance instructor nilang si
Kristine.

Malaki ang ngiti nito. Pinisil nito ang magkabila niyang balikat.

"You are so amazing up there Alexine. I'm very proud of you"

Hindi na niya napigilan ang malaking ngiti. "Thank you po Ms. Kristine. I won't be
who I am right now without you"

Tumayo siya at sinalubong ang mainit nitong yakap. "You deserve all of these"

Nginitian siya at iniwan ni Kristine upang asikasuhin ang iba pa niyang kaklase.
Habang nag tatangal nang make up at nag aayos nang buhok na kareceive siya nang
video call sa kanyang lolo Alejandro.

"Hi lo!' masaya niyang bati pagkasagot niya sa facetime.

Ang masiglang mukha ni Alejandro ang agad niyang nakita sa screen nang cellphone.
"Hello my princess. Congratulations! I heard you did well today"
Lumaki nang husto ang ngiti niya. Sa lahat nang bati at papuring natangap niya
ngayong araw, walang makahihigit sa kanyang lolo Alejandro. She loves his lolo so
much and making him proud was her pleasure.

"Thanks lolo. I'm so happy" aniya hindi mapigilan ang mga ngiti.

"I'm sorry apo if lolo is not there to support you...but I'm very very proud of
you"

Mabilis na nangilid ang luha niya kaya agad niya iyong pinigilan. Naiintindihan
niyang busy ang abuelo niya sa mga negosyo nito kaya madalas na hindi ito
nakakapanuod nang ballet performance niya.

Sapat na sa kanya napapasaya niya ito.

Matapos ang video call ay inaya siya nang mga kaklase na mag picture taking at
selfies kasama si Ms. Kristine. May mga fans din siya na pinuntahan pa siya sa
backstage upang makapag pa picture.

Sunud sunud na tikhim ang narinig niya sa kanyang likuran. Pagkaharap niya'y
napangiti siya nang makita kung sino ang dumating.

Malaki ang ngiti ni Ansell. Napaka gwapo nito sa suot nitong dark gray suit. May
hawak itong isang boquet nang white at pink tullips. Mattured itong tignan ngayon.
Ibang iba ang get up nito sa usual nitong varsity jacket at jogger pants.

"Congratulations!" lalo itong gumagwapo sa tuwing lumalabas ang mapuputi nitong


ngipin.

Masayang tinalon niya nang yakap ang kanyang bestfriend. "Thank you Ansell. Wow may
flowers pa talaga ah!"

Inakbayan siya nito at hinalikan sa noo. "Of course! Mahal ang bili ko dyan it's
worth five digits kaya ililibre mo ako nang dinner ngayon"

Mahinang tinampal niya ito. Hinatak siya nito palabas nang auditorium. Maraming
nangingiti sa mga taong nakakasalubong nila. Mapanukso ang mga tinging pinupukol sa
kanilang dalawa.

Ganoon talaga sila ka close ni Ansell. Madalas na tuksuhin sila nang mga kaibigan
dahil para daw silang mag boyfriend sa sobrang ka sweetan nila sa isa't-isa. Pero
para sa kanilang dalawa wala iyong malisya. Nakikita niya lang kay Ansell ang
pagmamahal at lambing nang isang kuya.
Kahit nuknukan ito nang bully. Mahal na mahal niya ang bestfriend niya.

Sa isang paborito nilang japanese restaurant sila kumain.

"What? you broke up with Coleen?" nabitawan ni Lexine ang hawak na chopstick.

Nagkibit balikat lang si Ansell sa kanya.

"But I thought you said you really like her! Diba sabi mo nga she's different with
all the other girls na dinate mo before?"

Hindi talaga siya makapaniwala. Ang buong akala pa naman niya magtitino na ang
bestfriend niya. Gwapo, maporma, sikat at mayaman si Ansell kaya naman halos parang
nagpapalit lang ito nang tshirt kung magpalit nang mga babae. Pero ang recent
girlfriend nito na si Coleen ang inakala niyang seseryosohin na talaga nang
kaibigan.

She actually likes Coleen. She's nice, cool and very educated. She's taking a law
school. The girl is freaking smart! Kaya naman labis siyang nanghinayang para dito.

"I realized na she's too good for me. She's almost perfect. Nakakatakot ang mga
ganung babae" relax na paliwanag nito na tila hindi man lang nakukunsensya.

"I really can't believe you! Hay ewan ko sayo! Your an ass for letting her go! Sana
lang magsisi ka sa ginawa mo. Hindi ka na makakakita pa ulit nang kagaya ni Coleen"

Tinuloy niya ang pagkain. Nginisian lang siya ni Ansell. Hindi nito iniintindi ang
sinasabi niya.

"I'm not afraid if I can't find another like her. I already the girl I will marry
someday" makahulugang sabi nito.

Napaikot ang dalawa niyang mga mata. Paano'y noon pa nito sinasabi na alam na nito
kung sinu ang babaeng pakakasalan daw nito pero mahigit isang dozena na ang naging
ex nito simula high school pa lang sila pero palaging hindi nagtatagal at nauuwi sa
hiwalayan. At two out of the twelve records lang na babae ang nakipag break.
Madalas na si Ansell ang naunang umaayaw.

He's a dumbass heartbreaker!

"Ewan ko ba kasi sayo. Sinu ba kasi yang babae na yan hindi mo naman pinapakilala.
Imaginary mo lang ata yan e."

Pinaikot ikot nito ang chopstick sa pingan nito. "Let it go Lexi. Nasa tabi lang
ang babaeng yun. I'm one hundred percent sure she's very near to me"

Tinignan siya nito sa mga mata. May kakaiba sa mga tingin nang binata. Madalas na
ganito ito tumingin sa kanya at kahit ilang beses na nito iyong ginagawa hindi pa
rin niya malaman kung anung ibig sabihin nang mga tingin na yun.

Weirdo talaga ang mga lalaki.

Natapos silang magdinner. Nais na sana niyang umuwi pero nagpumilit si Ansell na
samahan muna siyang magpunta sa music festival sa Mall of Asia concert grounds.
Nakabili na daw kasi ito nang ticket at sayang naman kung hindi nila pupuntahan.
Kaya kahit pagod na ay napilitan siyang sumama. Besides gusto niya rin ang mga
international at local dj's na pupunta.

Inabutan siya ni Ansell nang isang basong beer na nakalagay sa plastic cup. Open
grounds ang concert at talaga namang nagwawala na ang mga tao sa electronic dance
music na dumadagundong dahil sa naglalakihang speakers sa stage. Nakasisilaw din sa
ganda ang mga strobe lights at fireworks na nakaset up sa stage na lalong nagpasaya
nang rave party. Dahil sa sobrang galing nang DJ na tumutugtog pati siya ay
napapatalon at indak na rin kasabay nang musika. Sabay pa silang tumatalon ni
Ansell habang sumasabay sa beat at kaunting lyrics nang music.

Na enjoy niya ang gabi. Basta si Ansell ang kasama niya lagi siyang nag e-enjoy.

Nakatingin siya sa DJ sa stage nang may maramdaman siyang kakaibang init sa kanyang
kaliwa. May kung anung init na naghatak sa kanyang lumingon. Dagat nang mga taong
nagtatalunan at hiyawan ang nakita niya. Nakataas pa ang mga kamay nang lahat at
sumasabay sa chorus nang kanta. May mga hawak silang glow in the dark na sticks na
lumiliwanag sa dilim.

Sa kabila nang kaguluhan sa paligid naaninag nang mga mata niya ang isang bulto.
Napakunot ang noo niya. Hindi niya masyadong maaninag nang maayos ang bultong iyon
dahil natatakpan nang mga taong malilikot.

Finocus niya nang maigi ang paningin. Isang lalaking naka-itim na leather jacket
ang natatanaw niya. May hood ang jacket nito na nakasabit sa ulunan nito. Naging
dahilan iyon para matakpan ang mukha nito. Wala siyang makita kundi puro shadow na
nasa 3:45 o clock. Tanging ang ibabang parte nang mukha lamang nito at tinatamaan
nang liwanag mula sa stage.

At nararamdaman niya. Kahit hindi niya nakikita ang mga mata nang lalaki.
Nararamdaman niya ang lagkit nang mga tingin nito. Nakatingin ito sa kanya.

May mabilis na memoryang biglang sumiksik sa kanyang isipan.

Napahawak siya sa bibig. Ang lalaking iyon at ang lalaking nakita niya noon pitong
taon na ang nakalilipas na nakatayo sa taas nang puno ay iisa!
Ang suot nito. Ang tangkad nito at ang bulto nito ay iisa. Parehong pareho. Malinaw
sa alaala niya.

Kakaibang kilabot ang gumapang sa buo niyang katawan. Lumamig ang balat niya at
nakaparamdam siya nang paninikip nang dibdib.

Bakit ganito ang pakiramdam niya?

May malakas na pwersang tumabig sa mukha niya. Sa lakas niyon muntik na siyang
matumba. Sa matigas na dibdib siya napasandal.

"Hey! Watch out dude! Nakakatama ka na!" napaangat siya nang tingin kay Ansell.
Masama ang tingin nito sa lalaking nasa harapan nila na nakabungo sa kanya. Humingi
naman agad nang sorry ang lalaki kaya hindi na lumaki ang gulo.

"Lexi are you hurt?" alalang tanong ni Ansell.

Umiling siya. "No. I'm fine"

Wala sa sarili na binalik niya ang tingin sa direksyon nang mga mata niya kanina
pero wala na ang lalaki doon.

Napalingon siya kay Ansell nang tawagin siya ulit nito. Naisip niya na baka dahil
sa pagod kaya kung anu-anung guni-guni ang naiisip niya. Imposible naman na iisang
lalaki lamang iyon. Marami naman ang pumoporma nang leather jacket na may hood.
Baka guni-guni nga lamang niya.

"You want to go home? Mukhang pagod ka na"

Sumang ayon na siya sa alok ni Ansell.

Hinatid siya nito sa mansion. Tahimik siya buong byahe. Nagpaalam at nagpasalamat
siya sa kaibigan bago siya pumanik nang kwarto.

Ramdam niya ang pagod. Parang may invisible magnet na humatak sa katawan niya
pahiga sa kama. Mabilis siyang dinalaw nang antok.

"Wait! Sandali! Sino ka? Sino ka humarap ka sakin!"

Sumigaw si Lexine. Hindi niya binibitawan ang tingin sa likod nang lalaking
nakatayo sa kanyang harapan. Maiksi ang buhok nito. Tan ang kulay nang balat.
Walang saplot na suot ito maliban sa puting pantalon. Nakapaak din ang mga paa nang
lalaki at kahit nakatalikod ito sa kanya'y kitang kita niya ang pino at matigas
nitong mga muscles sa likod. May dalawang mahabang peklat pa ito sa gitna nang
kanyang likuran.

Hindi lumilingon ang lalaki sa kanya sa gawi niya. Nasa gitna sila ng isang malawak
na lupain. Asul na asul ang langit. Matataas ang talahib nang mga damong
kinatatayuan nila. May malaking puno siyang natanaw hindi kalayuan sa pwesto niya.
Color gold ang mga dahon nito at kumikinang sa sobrang ganda.

Kakaiba ang lugar na iyon. Kailanma'y hindi niya pa iyon napupuntahan.

"Answer me! Sino ka? Bakit ayaw mong humarap sakin" muli niyang sigaw sa lalaki.
Ilang dipa din ang layo nila sa isa't isa.

Bahagyang lumingon ang lalaki sa kanya. Gilid lang nang mukha nito ang nakita niya.
Matangos ang ilong nito at perpekto ang hugis nang mga panga.

"Mag iingat ka Alexine. Nagbalik na siya...." malamig at masarap sa tenga ang boses
nito. Para siyang nakikinig nang musika sa sobrang baritono niyon.

"Sinong nagbalik? What the hell are you talking about?"

Wala siyang nakuhang sagot dito. Inis na tinahak niya ang hakbang patungo sa
lalaki. Inabot niya ang balikat nito subalit nang maglapat ang lalad niya sa balat
nito'y bigla na lamang itong naglaho at naging puting balahibo nang ibon. Hinangin
ang mga balahibo palayo sa kanya.

Nagmulat nang mata si Lexine. Halos nahigit niya ang hininga. Dahan-dahan siyang
bumangon. Pumapasok na ang sikat nang araw mula sa balcony nang kwarto niya.
Tumatama ang liwanag sa kanyang mukha.

Isang panaginip lang pala.

Wala sa sariling inangat niya ang kamay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang
isang piraso nang balahibo. Puting puti iyon. Mahaba at kakaiba. Hindi iyon
ordinaryong balahibo nang ibon dahil masyadong makinang at malaki.

Kinilabutan siya at takot na binitiwan ang balahibo. Dahan-dahang ibinaba ito nang
hangin hanggang sa lapag nang kanyang carpet.

Iyon ang balahibo sa kanyang panaginip.

=================

V.1: Chapter Five


Chapter Five: Trap

The only good is knowledge and the only evil is ignorance

MAINGAY AT MAGULO ang daan tuwing umaga. Ito ang oras kung kailan sabay-sabay na
pumapasok ang mga sibilyan sa kani-kanilang trabaho at eskwelahan. Sanay na si
Lexine sa ganitong eksena araw-araw. Usad pagong ang SUV na sinasakyan niya. Bumper
to bumper ang mga sasakyan. Panay ang ingay nang mga busina sa labas.

"Hay naku! Kailan ba magiging maluwag ang kalsada sa Pinas? Everyday traffic!
Masyadong nagmamahalan ang mga sasakyan dito satin kaya gusto nila palagi silang
ganito ka close"

Mula sa bintana nang sasakyan nilingon ni Lexine ang kanyang personal maid slash
assistant slash super friend na si Isabelle.

White at dark blue ang kulay nang unipormeng suot nito katulad nang lahat nang
uniporme nang mga katulong nila sa mansion. Pero ang palda ni Belle ang pinaka
maiksi sa lahat. Slender at makinis ang legs ni Belle kaya naman asset niya ang mga
iyon. Lagi nitong bukambibig na dapat ipagmalaki ang mga magagandang biyayang
pinagkaloob sa kanya nang Diyos.

Marami itong suot na makukulay na burloloy sa katawan. Lagi itong may suot na iba't
ibang animal ears headband. Ngayong araw na ito. Bunny ears ang suot niya sa ulo.
Mas makapal pa ito mag make up sa kanya at naka four inches na heels.

Siguro kung first time mong makikita si Belle hindi mo iisiping isa siyang maid.
May itsura din naman kasi ang kaibigan niya. At hindi nagkakalayo ang edad nila. Sa
klase nang pananamit nito iisipin mong costume niya lang ang maid uniform.

"Kapag ako talaga ang naging presidente nang bansa i-pupush ko ang no traffic
campaign. Lahat nang sasakyan may color coding. Pink sa babae at blue sa lalaki.
Kapag ibang kulay ang sasakyan mo hindi mo pwedeng ibalandra sa daan. Tignan ko
lang kung hindi lumuwag ang mga kalsada!" nag actions pa ito sa ere na tila
vinivisualize ang plataporma niya.

Natawa siya sa sinabi nito. Maging ang driver nilang si Mang Ben ay tumatawa na
rin. Hindi talaga nauubusan nang kalokohan ang personal maid niya.

"Ang aga-aga ang ingay mo Belle! mas maingay ka pa sa mga busina sa labas" biro ni
Manong Ben.

"Excuse me Manong Bentolomon! Kung kasing ganda ko lang din naman ang mag iingay
tuwing umaga sa kalsada aba edi everybody happy! In demand ata ang beauty ko sa mga
foreigners kala mo!" umismid ito at hindi nagpatalo.

"Oo bentang benta talaga ang mga exotic beauty sa mga kano" sagot nang matanda
sabay hagalpak nang tawa.

Tumulis lang ang nguso ni Belle. Asar talo ito palagi sa driver niya.

Umiling na lang si Lexine at binuksan ang kanyang iphone 6. May three messages na
pala ang nandoon galing kay Ansell. Hindi niya namalayan na nagtext ito.

Good morning my little swan! :)

Hey! Sleepy head wake up! Ma-lalate ka na sa school!

Coreen came to my condo last night she's so wasted. She wants to bring back are
relationship bt u know that I don't want her anymore :(

Napadiretso siya nang upo sa nabasa. Inis na pinindot niya ang touch screen at
madali itong nireplayan.

Asshole! What did u do to her? Dont tell me pinauwi mo lng syang mag isa? I'm going
to freaking kill u Ansell Camello! >:(

Nainis siya sa kaibigan. Awang-awa siya kay Coleen. Nakikita niya kung gaano
kamahal nang babae ang playboy niyang kaibigan at hindi niya maiwasang hindi
makaramdam nang awa para dito.

Mabilis na dumating ang reply ni Ansell.

No I drove her home then she kissed me but I didn't kissed her back so she cried a
lot and slapped me hard. My cheeks are swollen until now... ;(

Napangisi siya. "Buti nga sayo..."

NAABUTAN niya si Ansell na nag aantay sa tapat nang kanyang classroom. Magkaiba
sila nang kursong kinukuha. Business Economics siya at Architecture naman ang sa
bestfriend niya. Pareho silang second year college.

Napansin niya agad ang tinginan at mahihinang bulungan nang mga babae sa paligid.
Lahat sila'y nakatingin kay Ansell. Paano ba naman. Nagsusumigaw ang ka gwapuhan at
kapormahan nang bestfriend niya sa suot nitong white polo shirt at navy blue skinny
pants. Naka topsider ito at rayban na shades. Naka angat ang hairstyle at
umaalingasaw ang mamahaling pabango nitong Bvlgari Aqua Marine.

Inakbayan agad siya nito pagkalapit niya. Hindi naka iwas sa peripheral vision niya
ang ingit sa mga tingin ng mga babae. Kalat naman sa school nila kung gaano sila ka
close ni Ansell kaya marami ang naiingit sa kanya.
"My cheeks hurt." parang bata itong ngumuso at tinuro ang pisngi.

Ininspeksyon niya ang pisngi nito. Hindi naman iyon ganoong namumula. Wala rin
pamamaga. Nagdra-drama na naman ang kaibigan niya. Kinurot niya ito sa pisngi.

"Ouch!"

"Buti nga sayo at nasampal ka ni Coleen! Kung ako nasa kalagayan niya hindi lang
sampal gagawin ko sayo! Papa murder kita! Para magkaroon naman nang katarungan ang
mga pinatay mong puso nang mga babae!" pinangigilan niya ang mukha nito.

Hinawi ni Ansell ang kamay niya. "What? Anung pinatay? Those girls should be
thankful to me dahil pinaligaya ko sila!"

Binatukan niya ito. "Anung pinaligaya? Baka pinaiyak!"

"Pinaiyak sa sobrang sarap..." nakakalokong ngumisi ito.

Napasinghap siya. Nag init ang pisngi niya nang kumindat pa ito. Kung ibang babae
siguro siya malamang lumuwag na ang garter nang panty niya.

"Puro ka talaga kalokohan! Ang manyak mo!"

"Hey! Ikaw ang green dyan. Pinaiyak ko lang naman sila sa sobrang sarap kong
magluto" palusot nito. May amazing cooking skills kasi ang bestfriend niya. Isa
siya sa unang unang nakikinabang kapag nagluluto ito.

Naputol ang pagkukulitan nilang dalawa nang biglang lumapit ang ka blockmate at
close friend niyang si Xyrille. Tumikhim ito nang ilang beses para makuha ang
atensyon nila.

"Hi Alexine! Ansell!" nakangiting bati nito. May inabot itong maliit na sobre.
"It's my birthday party tonight. It's a masquerade house party so required kayong
magsuot nang mask. It's not so formal since house party naman siya. I'll expect you
guys okay?"

Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang invitation na hawak. Isa si Xyrille sa mga ka


close niya sa school. Syempre hindi niya ito pwedeng biguin.

"Sure! Ikaw pa ba? I'll never say no to you"

Napatili ito sa saya. "Okay see you later!"


BLACK SEQUENCE tube fitting dress ang sinuot ni Lexine para sa gabing iyon.
Tinernuhan niya nang red pumps at red lipstick ang kanyang OOTN or outfit of the
night. Glittery red din ang suot niyang eye mask. May black feathers pa itong
design na nakatayo sa gilid nang maskara.

Malaki at malawak ang mansion nila Xyrille. Sa isang exclusive subdivision sa


Quezon City ang location nang mansion ng mga Dominguez. Madalas na wala ang parents
nito dahil palaging out of the country ang mga business trips.

Kaya naman madalas magpaparty si Xyrille. Lalo na at solo niya ang malaking
mansion.

Ten PM na siya pumunta kaya marami nang bisita ang nasa loob. Kanya-kanyang mask
ang suot ng bawat bisita. Inayusan na parang isang masquerade ball na medyo modern
ang kabuuan nang mansion. Maganda ang pagkaka set up. May catering at mobile bar sa
gilid nang pool. Maraming strobe lights, malakas ang sound system at may DJ pa na
nasa maliit na stage sa may garden. May iilan ding mga nagswi-swimming.

Mukhang mainit na ang party. Karamihan sa mga bisita ay mga kaklase at schoolmate
nila kaya naman marami ang bumabati sa kanya.

Natagpuan niya si Xyrille. Napaka elegante nito sa suot na gold pemplum dress. Gold
din ang maskara nito.

"Lexine! you came!" she shrieked.

"Happy birthday gorgeous!" bati niya rito sabay salubong sa yakap nito.

"Thank you. Bakit mag isa ka? Nasaan si Ansell? Hindi mo ba siya kasamang dumating
dito?"

"Hindi e, kanina ko pa nga tinatawagan yun hindi naman sumasagot. Pero pupunta yun
baka may ginagawa lang" Aniya. Medyo hindi siya kumportable na umaattend nang
ganitong party lalo na kapag wala si Ansell sa tabi niya.

She can't stop to feel uncomfortable.

Saglit pa silang nagkwentuhan ni Xyrille. Pinakilala pa siya nito sa mga iilang


kaibigan nito na outside nang school nila. Ilang sandali ang lumipas at nagpaalam
itong kukuha lang nang drinks.

Pero natagalan na itong bumalik.

Muling sinubukang tawagan ni Lexine si Ansell pero hindi pa rin ito sumasagot.
"Bakit di kaya sinasagot nitong monkey na to yung cellphone niya...?" bulong niya
sa sarili.

Maya-maya pa'y may isang grupo nang mga lalaki ang lumapit sa kanya. Pare-pareho
nakasuot nang mga maskara ang apat na lalaki kaya hindi niya agad nakilala kung
sino ang mga ito.

"Hi Lexine! it's me Cristoff" ang lalaking nasa gitna na may suot nang dark blue
and silver na mask ang nagsalita.

Tinangal nito ang suot na maskara. Saka niya lang naalala kung sino ito.

Isa ito sa mga varsity player nang kanilang basketball team!

"Oh hi there..." ganting bati niya dito.

"Are you alone? Hindi mo ata kasama yung body guard mo? Just kidding" tumawa ito.
Medyo hindi niya gusto ang hirit nito pero pinilit na lang din niyang tumawa.

May inabot ito sa kanyang baso nang beer na nasa plastic cup. "Here have a drink"

Tinangap naman niya iyon.

"You know what. I really want to know you more in person pero masyado ka kasing
mahirap lapitan dahil laging nakaaligid sayo si Ansell. I guess this is my lucky
night coz finally I am able to talk to you"

May kung anung lagkit sa paraan nang pagtitig nito sa kanya na hindi niya
nagugustuhan. Oo gwapo at may tindig din si Cristoff pero hindi maganda ang
pakiramdam niya sa binata. Bukod sa kilala itong playboy may pagkamayabang at
maangas rin ito sa college nila.

Hindi niya gusto ang mga tipo nito.

Inabala na lang niya ang sarili sa pagsimsim nang beer na iniinom. Tumagal pa nang
kalahating oras ang pakikipag kwentuhan niya kay Cristoff. Masaya naman itong
kausap kahit papaano.

Nasa kalagitnaan siya nang pakikipag tawanan dito nang bigla siyang nakaramdam nang
pagkahilo. Muntik na siyang ma out of balance. Buti na lamang at sinalo siya ni
Cristoff.

"Hey are you okay?"


Blurry ang paningin niya nang harapin ito. Pinilit niyang i-focus ang mga mata.
Nang bumalik sa normal ang paningin niya ay agad siyang nagpaalam na pupunta nang
comfort room.

Para siyang lasing na susuray-suray habang naglalakad patungong banyo. Bumigat ang
ulo niya. Konti pa lang naman ang naiinom niya kaya nakakapagtakang mabilis siyang
tinamaan.

Nakapasok na siya sa banyo nang mag ring ang cellphone niya. Si Ansell ang
tumatawag.

"Hello! Where are you? Kanina pa kita tinatawagan--"

"Alexine makinig ka saking mabuti. Umalis ka na dyan. Susunduin kita. Antayin mo


lang ako. Kahit anung mangyari huwag kang makikipag usap sa taong hindi mo kilala"

Wala sa loob na napatingin siya sa cellphone. Pangalan pa rin ni Ansell ang naka
register. Lubos siyang na weirduhan sa paraan nang pagsasalita nito.

"Hey! Ako tong nasa party pero parang ikaw pa ang mas may tama! What are you
talking about?"

Narinig niya ang malalalim na buntong hininga nito. "Mamaya na ako magpapaliwanag.
Pakiusap Alexine. Manatili ka sa lugar na ligtas. Antayin mo lang ako. Paparating
na ako--"

Biglang naputol ang linya. "H-hello? Hello Ansell?"

Bakit biglang naging parang magalang at matanda ang tono nang mokong?

Hindi kaya pinagtri-tripan na naman siya nito? Pagtingin niya sa cellphone ay agad
siyang napamura. Na lowbat na siya. Paano niya pa makokontak si Ansell? O kaya si
Manong Ben. Gusto na niyang umuwi. Hindi na maganda ang pakiramdam niya.

Lumabas siya nang banyo. Maingay sa labas at halos nagwawala na ang lahat nang tao
sa kainitan nang party. May mga iilang tumatalon na sa ibabaw nang sofa, may
nadaanan pa siyang dalawang mag syota na tila walang pakielam sa mundo kung mag
make out. Siksikan at halos hindi mahulugan nang karayom ang buong sala.

Naghanap siya nang pwestong malayo sa gulo. Nadala siya nang mga paa sa second
floor kung saan maraming kwarto.

Sobrang nahihilo na talaga siya. Parang gusto niya munang matulog. Napasandal siya
sa pader. Lumilindol na ang paningin niya.
May naramdaman siyang braso na humawak sa bewang niya. Nakita niya si Cristoff.

"Hey looks like your drunk. I think you should take a rest" inalalayan siya nito.

Sa sobrang panghihina nagpatinaod na lang siya dito. May binuksan itong isa sa mga
kwarto. Naramdaman niya ang paglapat nang malambot na kama sa kanyang likuran.

Sunud-sunud na yabag ang sunud niyang narinig. Pagdilat niya nang mga mata nakita
niya hindi lang si Cristoff kundi pati ang tatlong lalaking kasama nito kanina.

Para siyang nabuhusan nang tubig. Napabangon siya.

"Shhhh!" tinakpan nito ang bibig niya. "Easy ka lang..huwag ka nang magtangkang
manlaban. In a few minutes mamanhid ang buong katawan mo. If I were you just lay
back and relax.I promise you will enjoy this night"

Binalot siya nang matinding takot. Buong pwersang tinulak siya nito at mabilis na
pinaibabawan. Ramdam nya ang bigat nito sa taas niya. Hindi siya makagalaw.
Namamanhid na nga ang buo niyang katawan.

May nilagay ito sa alak niya! Planado nito ang lahat! Gusto niyang magwala sa
galit.

"H-hayop ka..." mahinang mahina na ang boses niya. Hindi siya makasigaw.

"Hayop talaga ako lalo na sa kama..." nakakalokong tumawa ito. Mabilis na binaba
nito ang suot niyang tube bumungad ang dibdib niya. Nagpakawala siya nang ingay.

"No! Please s-stop...."

"No no no baby... I won't stop this is only the beginning" bulong nito sa kanyang
tenga. Sinimulan na nitong halikan ang tenga niya pababa sa leeg niya.

Wala nang nagawa si Lexine kundi umiyak. Masyado na siyang mahina.

Naaninag niya na lumapit na rin ang tatlong lalaki. Nagsisimula na silang maghubad.
Lalo siyang natakot.

Umalingawngaw ang nakakakilabot na tawanan nang mga lalaki sa buong kwarto.

Somebody please help me!


=================

V.1: Chapter Six

Chapter Six: He's Back

Inside each of us, there is the seed of both good and evil. It's a constant
struggle as to which one will win. And one cannot exist without the other -Eric
Burdon

ISANG MALAKAS na ingay ang nagpatigil sa kanilang lahat. Sabay-sabay na napapihit


ang ulo nang apat na lalaki sa pinangalingan niyon. Nawasak ang pintuan nang
kwarto. Tumumba iyon sa sahig.

"What the fuck?" Galit na napasigaw si Cristoff.

Isang lalaki ang dire-diretsong pumasok nang kwarto. Sabay-sabay na napaatras ang
apat na binata.

"Hey you! Get out! Wag kang makielam dito!" babala nito sa lalaki.

Hindi nila maaninag ang mukha nang estranghero dahil sa suot nitong itim na
maskara. Kalahati nang mukha nito ang natatakpan niyon. Itim ang maong pants at
black vest na suot nito. May maliit na black ribbon ito sa leeg.

Nakikita ang ibabaw ng dibdib nito. Marami itong tattoo sa katawan at sa braso.

Marahil isa ito sa mga bisita.

"Looks like your enjoying yourself here gentlemen." Ngumisi ang lalaki at prenteng
sumandal sa gilid nang pinto.

"Gusto ko sanang manuod nang live porn pero... sorry gentlemen, we have to stop
this dirty business. You got the wrong girl... "

Tumawa si Cristoff sa inasal ng lalaki. Sinamantala nito ang pagkakataon na hindi


pa siya nakakagalaw at mabilis na sinenyasan ang mga kasama. Isa-isang sumugod ang
mga ito sa lalaki.

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Parang hangin na maliksing naiwasan nang naka
maskara ang bawat suntok at sipang pinapakawalan nang tatlong binata.

Ang isa sa kanila'y nahuli niya ang isang kamao. Piniga nang estranghero ang kamao
nito. Tumunog iyon habang unti-unti niyang pinipilipit.
"Ahhhh!" napasigaw ito sa sakit. Sinipa niya ang tagiliran nito at para itong
magaan na papel na lumipad sa pader.

Halos malaglag ang mga panga ni Cristoff nang makita kung gaano ka imposible ang
taglay na lakas nang estranghero. Ngumisi lang ito sa kanila. Ginalaw nito ang
isang hintuturo at ineenganyo silang sumugod.

Ang pangalawang lalaking sumugod ay nangaling sa likuran. Gamit ang mga braso'y
sinakal nito ang estranghero. Subalit hindi man lang niya iyon ininda. Imbis
mabilis niyang inangat ang kamay at hinagis sa ere ang katawan ng lalaki. Tumama
ito sa isang cabinet na mabilis na nawasak sa lakas nang pagkakatama nito. Agad
itong nawalan nang malay pagkabagsak sa sahig.

Ang natitirang isa'y naglabas nang balisong.

"Tang ina ka!" sunud-sunud na hinampas nito ang hawak sa ere. Subalit wala ni isang
tumama sa katawan ng naka maskarang estranghero.

Hinumpas niya ang ang isang kamay. Nahinto ang lalaki at biglang hindi nakagalaw.
Isang invisible na pwersang ang nagpatigil dito.

Nanlaki ang mga mata nang binata nang unti-unting nanikip ang kanyang dibdib.
Nakatagilid ang mukha nang estranghero at tila aliw na aliw itong nakikita siyang
nangingisay sa sakit.

Dahan-dahang sinara nang estranghero ang nakabuka niyang palad na parang may
pinipigang bagay. Kasabay niyon ang pagkakatirik nang mata nang lalaki na agad
nagkulay asul ang mukha sa sobrang kawalan nang hangin sa katawan. Nangingisay ito
sa nararamdamang sakit.

Hinumpas ng estranghero ang mga kamay at may pwersang humagis sa lalaki palabas
nang pinto.

Nanginginig na tumakbo sa kabilang sulok nang kwarto si Cristoff.

"S-sino ka? Maawa ka... wag mo kong sasaktan. Hindi ako lalaban...." pagsusumamo
nito halos lumuhod siya sa harapan nang nakamaskarang lalaki.

Umiling iling ito. Kitang kita ang panlilisik nang kanyang mga mata. Hinablot niya
sa damit si Cristoff. Inangat niya ito at padabog na sinandal sa pader. Umangat ang
mga paa ni Cristoff sa sahig.

Galit na galit ang lalaki. Dinikit nito ang mukha sa kanya. Kahit nakamaskara ito
tumatagos sa mga buto niya ang galit nang mga mata nito. Sinasabi nang mga ito na
hindi ito maawa sa kanya. Walang kasinglupit ang mga iyon.
"Ang pinaka ayoko sa lahat. Hinahawakan ang pag aari ko. You messed up with the
wrong girl kid! Now you need to pay!" para itong halimaw sa sobrang panlilisik nang
mga mata.

Hindi na nagdalawang isip ang lalaki at mabilis na hinagis si Cristoff sa labas


nang bintana. Sumigaw ito hanggang sa bumagsak ang katawan sa bubong nang sasakyan
na nakaparada sa tapat nang mansion.

KITANG KITA ni Lexine ang lahat nang kadumal dumal na nangyari sa paligid niya.
Hindi niya sigurado kung ligtas na ba siya dahil sa biglang pagdating nang lalaking
nakamaskara.

Imbis ay nakaramdam siya nang matinding takot para dito. Hindi ito ordinaryong tao.
Hindi magagawa nang isang tao ang mga ganoong ka brutal na pananakit.

"S-sino ka? D-dont you dare touch me..." nanginginig ang boses nang dalaga.
Siniksik niya ang katawan sa ilalim nang kumot. Pilit na tinatago ang halos hubad
niyang katawan.

Nahinto ang lalaki sa paglapit sa kanya. "Is that what I'll get after saving you
cupcake? What a nice way of saying thank you" malamig ang baritono nitong boses.

Lalo niyang siniksik ang sarili sa headboard nang kama. Ramdam niya pa ang hang
over nang pamamanhid nang kanyang katawan subalit dahil sa mga nasaksihan himalang
nagawa niyang makagalaw at makapagsalita.

"S-stop calling me cupcake! And don't get near me you freak!" hindi niya alam kung
saan pa siya kumukuha nang lakas nang loob sa kabila nang labis na panginginig nang
kanyang katawan sa takot sa lalaking kaharap.

Tumawa ito. Para siyang biglang kinikiliti sa mga tawa nito. Nahihibang na ata
siya.

"Freak? such a nice endearment...."

Napigil niya ang paghinga nang biglang sa isang kurap nasa harapan na niya ang
lalaki. Kinorner siya nito sa headboard. Lumindol ang kama sa lakas nito. Halos
wala nang distansya sa pagitan nila.

Nanlalaki ang mga mata niya. Paanong mabilis na nakarating sa kanya ang lalaki?

Kinukulong siya nang mga braso nito.

Malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. Bahagya pang tinagilid nang lalaki ang
mukha na tila isa siyang laruan na pinagmamasdan nito.
"You really grew a lot simula nang huli kitang makita nang malapitan." anito na
tila naaliw sa pagmamasid sa kabuuan nang mukha niya. Sinundan niya ang galaw nang
mga mata nito. Mula sa mata niya bumaba ang tingin nito sa kanyang ilong. Sa
kanyang pisngi at tumigil iyon sa kanyang labi.

"I really like your lips. It's very.... seductive" naningkit ang mga mata nito.
He's voice is so husky.

Nakakatuliro masyado ang presensya nito. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Sa
kabila nang matinding takot na nararanasan niya ngayon nagagawa pang mag reak nang
abnormal nang katawan niya. Great.

Mabilis na pinasadahan niya ang kabuuan nang estranghero. Sa kabila nang


pagkakatakip sa mukha nito hindi niya maitatangi ang kakisigan nang kaharap.

Malaki ang pangangatawan, maputi ang mga balat at maraming tattoo sa iba't ibang
parte nang katawan. Meron sa leeg, sa dibdib, sa braso. Kakaiba rin ang mga itsura
nila at ngayon niya lang nakita ang mga ganoong uri nang simbolo.

Higit sa lahat, nakakakilabot makatingin ang brown nitong mga mata.

This guy is unbelievably hot!

"A-anong kailangan mo sakin? B-bakit mo to ginagawa? bakit mo ko niligtas?" halos


pabulong na lang ang boses niya.

Ngumisi ito. Kinagat nito ang ibabang labi. Napalunok siya nang laway nang wala sa
oras.

The guy is seducing him!

"Ang bilis mo namang makalimot cupcake.. Nakakatampo" Ngumuso ito na parang bata.
Napagmasdan niya ang mga labi nito. Mapupula iyon. Kakaiba ang hatid na nang init
nang hininga nito sa balat nang kanyang mukha.

"After all what we've shared that night, basta-basta mo na lang akong kakalimutan?
I didn't know your a heartbreaker..."

Napailing sya. Wala siyang maintindihan ni isa sa mga sinasabi nito.

"I don't know what your talking about. What night?"

Inangat nito ang kamay. Gamit ang mga daliri pinaglaruan nito ang kanyang labi.
Halos mapatalon siya sa ginawa nito.

Kakaibang kuryente ang dumaloy sa buo niyang katawan. Mula anit hanggang talampakan
niya ay biglang nag init.

Halos hindi na nga siya humihinga.

"That kiss we had shared... you don't remember? that was a one unforgetable kiss
for me my little cupcake..." mula sa bibig niya'y bumaba ang mga daliri nito sa
kanyang leeg. Dahan dahan sa kanyang dibdib.

He traces the scar on her chest. The scar she got when she was thirteen.

Bigla ang pagdaloy nang kakaibang kuryente nang lumapat ang daliri nito sa dibdib
niya.

Napasinghap siya dahil doon. What the hell was that?

Hinawi nito ang buhok na nakakalat sa mukha niya. "Andito ako para maningil sa
kabayaran nang pabor na binigay ko noon. I'm here for my price"

Inilapit nito ang bibig sa kanyang noo. Damping hinalikan nito iyon. Napapikit siya
sa sarap nang sensasyong biglang dumaloy sa buong katawan niya.

Pakiramdam niya literal na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

"I'll come back. I want my price...."

Pagkadilat niya'y wala na ito. Nagpalinga linga siya sa paligid nang kwarto. Nawala
na ito na parang bula.

Doon lang siya nakahinga. Narealize niya na parang pansamantala siyang nawala sa
mundo sa ilang minutong kausap ang lalaking iyon.

Sino ito? Anung alam nito tungkol sa kanya? At bakit ganoon na lang kung mag react
ang katawan niya sa mga haplos nito?

Bigla ang pagpasok nang sunud-sunud na yabag. Hingal na hingal na pumasok si Ansell
sa loob nang kwarto. Gulat na gulat ito nang makita si Lexine.

"Alexine...."

"A-ansell...Ansell!" mabilis niyang tinakbo ang kaibigan at mahigpit itong niyakap.


Saka niya lang nailabas ang mga luhang kanina pang gusto kumawala.

"Nandito na ako Alexine... patawad at nahuli ako nang pagdating... nandito na ako
huwag ka nang mabahala..."

Mahigpit siya nitong niyakap. Inubos niya ang bagyong luha sa mga balikat nito at
sa init nang kanyang mga bisig.

NAGING TAHIMIK ang buong byahe nila ni Ansell. Umalis agad sila sa party. Wala
namang namatay sa apat na binatang nagtangkang gahasain siya. Mga bali sa buto at
sugat lamang ang natamo nila. Kritikal ang kalagayan ni Cristoff dahil sa taas nang
bagsak nito sa sasakyan. Marami ang nabali sa mga buto nito. Ang sabi'y imposible
na itong makatayo muli. Maari itong malumpo.

Galit siya sa ginawa ni Cristoff at nang mga kasama nito. Hindi niya ito basta
mapapatawad. Pero hindi mapigilan nang puso niyang makaramdam nang awa.

Humingi nang paumanhin sa kanya si Xyrille dahil sa masamang nangyari sa kanya.


Lahat nang tao'y sa kanya ang simpatya. Gusto na lang niyang umuwi at kalimutan ang
lahat nang nangyari. Hindi na muli nagpakita ang lalaking naka maskara. At hindi
siya sigurado kung gusto pa ba niya itong makita.

Ang mga titig nito. Ang boses nito at ang pakiramdam nang pagdampi nang mga daliri
nito sa labi at sa dibdib niya. Hindi niya iyon makalimutan. Pakiramdam niya
nakadikit ang mga iyon sa kanyang balat.

Hindi na mapaliwanag ni Lexine kung anu itong nangyayari sa kanya.

Maraming katungan ang tumatakbo sa kanyang isipan. At wala ni isa siyang makuhang
sagot sa mga tanong na iyon.

"Yung tungkol sa lalaking nag ligtas sayo. Sabi mo naka maskara siya? Anung ginawa
niya sayo Alexine? Sinaktan ka ba niya?"

Naputol ang pagmumuni niya nang magsalita si Ansell. Nagmamaneho na ito pauwi.
Matagal din silang natahimik sa loob. Kumunot ang noo niya sa kaibigan. Kanina niya
pa nahahalata na may kakaiba dito. Hindi niya maipaliwanang pero parang may mali sa
mga kinikilos nito. Lalo na sa paraan nang pagsasalita nito.

Parang ibang tao ang kaharap niya.

Pero imposible iyon. Malinaw na si Ansell ang kasama niya. Ang bestfriend niya. "H-
hindi naman niya ako sinaktan..."

Huminto ang sasakyan sa tapat nang kanilang mansion. Nakarating na pala sila hindi
niya man lang namalayan.
Tinangal niya ang seatbelt. "Thank you sa paghatid Ansell. Goodnight" lalabas na
sana siya nang pinto nang pinigilan siya nito sa mga braso.

Seryoso ang mukha nito. May kakaiba talaga sa mga kinikilos nang bestfriend niya.
Pero pilit niyang sinisiksik sa utak na baka siya lang ang umaakto nang kakaiba at
napaparanoid lang siya.

"Alexine... Mag iingat ka. Lalo na sa lalaking yun. Kung sino man siya hindi ka
ligtas sa kanya. Kaya layuan mo siya" mabibigat ang bawat paghinga at salitang
binibitawan nito. Sa paraan nang pagsasalita nito para bang siguradong sigurado
ito.

Napailing siya. Bakit ba lahat nang sinasabi nang mga tao sa paligid niya hindi
niya maintindihan? "Anu bang sinasabi mo Ansell? Kilala mo ba ang lalaking yun?"

Parang nabigla ito sa tanong niya. Malalim na nag isip ito. Matagal bago ito
sumagot.

"Basta makinig ka lang sakin Alexine. Palagi kang mag iingat. Sa oras na magpakita
sayo ulit ang lalaking yun lumayo ka sa kanya."

Masyado nang maraming nangyari ngayong araw at pagod na pagod na si Lexine para mag
isip pa. Gusto na lang niyang matulog at magpahinga. "Okay fine. Gusto ko nang
magpahinga. Let's just see each other tommorow at school"

Hinalikan niya ito sa pisngi. Naramdaman niya ang biglang paninigas nang mukha
nito. Napakunot noo siya. Madalas naman niyang halikan noon si Ansell sa pisngi
bakit ngayon ganito ito kung mag react sa ginawa niya?

At parang may kakaiba sa amoy nito.

"Nag change ka ba nang perfume mo?"

Nagtataka talaga siya sa kinikilos nang kaibigan niya. Para itong na shock at
napatulala sa mukha niya. Medyo nakaramdam siya nang pagkailang kaya agad din
siyang lumayo dito.

Napailing na lang siya. Ayaw na niyang mag isip pa nang kung anu-anu. Bumaba na
siya nang sasakyan pagpakapaalam niya dito at dumiretso sa kanyang kwarto.

=================

V.1: Chapter Seven


Chapter Seven:Red Apple

"The world is a dangerous place to live, not because of the people who are evil,
but because of the people who don't do anything about it." ― Albert Einstein

ISANG PULONG nang mga tao ang nag uusisa sa kalsada. Panay ang pag-flash nang
camera at ang ingay nang mga tao sa paligid. May naka ready nang ambulansya sa tabi
nang pinangyarihang aksidente. Abala ang mga pulis sa pag iimbestiga sa buong
lugar.

Isang binatilyo ang nakaratay sa malamig na sahig nang kalsada. Na hit and run ito.
Dead on the spot.

Mula sa tuktok nang mataas na building na kanyang kinauupuan. Malinaw na natatanaw


ng lalaki ang lahat nang kaguluhang nangyayari sa ibaba.

Nililipad nang malakas na ihip nang hangin ang suot na hood nang lalaki. Nilalaro-
laro niya ang hawak na pulang mansanas sa palad. Hinagis hagis niya iyon sa ere.

"Isang kaluluwa na naman ang kailangan nating sunduin Master. Sariwa at birhen ang
kaluluwa nang nilalang. Napakalinis"

Nilingon ng lalaki ang aninong lumulutang sa kanyang tabi. Isang malaking bulto ang
kabuuan nito. Nakasuot ang anino nang mahabang black cloaked. Wala kang ibang
makikita kundi puro aninong mukha maliban sa isang pares nang kulay purple nitong
mga mata.

"Very rare ang ganyang mga kaluluwa Ira." komento niya. Kinagat niya ang hawak na
mansanas. Malutong iyon. Tumunog ang kanyang pagkagat.

Lumutang ang anino sa kanyang harapan. "Subalit walang makahihigit sa kaluluwa nang
babaeng iyong kinahuhumalingan. Napaka linis at puti nang kanyang kaluluwa. Walang
kahit anung bahid nang dumi at kasamaan. Sa tagal kong naglilingkod sa inyo Master
ngayon lamang ako nakakita nang ganoong klaseng kaluluwa. Nakakamangha ang taglay
nitong kagandahan"

Sumang ayon siya sa sinabi nang kanyang anino. Matagal na si Ira na naninilbihan sa
kanya. Sa katunayan mas matanda pa ito kaysa sa kanya. Isa ito sa pinaka naasahan
niyang alipin.

Naalala niya si Lexine. May pitong taon na rin ang lumipas simula nang muli niya
itong binuhay. Niligtas niya ang kaluluwa nito sa kamatayan. Siya lamang ang nag
iisang may hawak nang kapalaran nang mga namamatay na kaluluwa. Siya ang magsusundo
at maghahatid sa kanila sa lugar na kanilang kalalagyan.

Sa mundo nang mga kaluluwa.


Hindi iyon ang unang beses na ginawa niya ang ritwal nang muling pagbubuhay.
Subalit nang makita at mahawakan niya ang kaluluwa ni Lexine para itong gamot na
agad niyang kinahumalingan.

Ang halik na binigay niya sa dalagita noon ang ngayong nag uugnay sa kaluluwa nito
sa kanyang mga kamay. Hawak niya ang kaluluwa ni Lexine. At pag aari niya ito.
Ngayon lamang siya nagkaroon nang labis na paghahangad sa isang kaluluwa.

Hinding hindi siya makapapayag na mapunta sa wala lahat nang ginawa niya.

Sa kahit anung paraan sa mga kamay niya babagsak si Lexine. Pag aari niya ito at sa
kanya ito.

"Anong plano mo para sa babae Master? Hindi ka na niya naaalala..." tanong ni Ira.

Hindi na siya nagtaka nang muli silang nagkaharap ni Lexine at hindi siya nito
kilala. Inaasahan na niya iyon noon pa man.

"My power is too much for her weak body. When I resurrected her soul, parts of her
memory disappeared. It's not that much important anyway.." nagkibit balikat lamang
siya at muling kinagatan ang mansanas.

"Nais mo na bang bawiin ang kanyang kaluluwa Master? Kakaiba ang angking taglay
nang kaluluwa nang mortal na iyon. Maari siyang makapagbigay nang kakaibang
kapangyarihan sa iyo"

Nang unang beses niyang nasilayan ang kulay nang kaluluwa ni Lexine nang sandaling
malapit na itong mamatay. Agad siyang namangha. Sa ilang libong taon na nabubuhay
siya upang magsundo at hatid nang mga kaluluwa nang mortal. Ang kaluluwa ni Lexine
ang isa sa mga kakaiba. Kaya naman ganoon na lang ang interes niya sa kaluluwa
nito. Hindi niya pa alam kung anung mayroon sa babaeng iyon. Handa niya iyong
alamin sa kahit anung paraan.

Hinagis niya sa ere ang hawak na mansanas at sinalo. Muli itong kinagatan.
Nginuyaniya ang tamis niyon. "Not yet Ira.. I have other plans for her. I'm still
enjoying our precious moments... After all she's mine so I can do anything I want
with her"

Umalingangaw ang malamig na tawa ni Ira.

"Napaka tuso mo talaga Master"

Ngumisi lamang siya at muling tinuon ang atensyon sa mga kaguluhan sa baba nang
building. Tumayo siya at pinagpag ang puwetan. Tinapon na niya ang mansanas na buto
na lang ang natira.
Walang pag aanlinlangang tinalon niya ang building at walang takot na nagpahulog.
Sinalubong siya nang malakas at mabilis na ihip nang hangin. Binuka niya ang mga
kamay at hinayaang dalin nang hangin ang kanyang buong katawan. Magaan na nilapag
niya ang mga paa sa sahig. Mabilis niyang pinuntahan ang nakaratay na katawan nang
binatilyo.

Nilagpasan niya lamang ang mga tao. Walang kahit sinong nakakaalam na nandoon siya.

Nilapitan niya ang katawan nito. Naliligo ito sa sarili nitong dugo. Hindi na niya
naririnig ang pulso nang nilalang senyales na patay na ito.

Tinapat niya ang kamay sa dibdib ng lalaki. Ginuhit niya ang isang simbolo gamit
ang kanyang daliri. Bawat guhit niyon ay umiilaw nang kulay asul na liwanag.
Gumuhit siya nang tatlong magkakapatong na bituin sa loob nang isang bilog.

"Expergiscimini anima mea" binangit niya ang mga kataga. Lumiyab ang asul na apoy
sa dibdib nang binatilyo. Unti-unti bumangon ang kaluluwa nito. Tumayo iyon at
humiwalay sa kanyang katawan.

Humarap sa kanya ang kaluluwa. Tama nga si Ira. Malinis at sariwa iyon. Napangiti
siya.

"Say goodbye to your world now little buddy. It's time for another ride"

ILANG ORAS nang pinagmamasdan ni Lexine ang hawak na piraso nang mahaba at puting
balahibo. Nakapatong sa hita niya ang macbook. Naka browse sa screen ang iba't
ibang uri nang birds feather.

Ilang oras na siyang nagreresearch tungkol sa mga balahibo nang iba't ibang klaseng
ibon. Subalit wala ni isa sa mga ito ang tumugma sa balahibong hawak niya.

Nakasisiguro siyang hindi iyon isang ordinaryong balahibo ng ibon. Masyadong mahaba
iyon at makapal. Kakaiba rin ang kulay niyon. Masyadong maputi at makinang bawat
hibla.

Napagod na siya sa pagreresearch at salampak na hiniga ang ulo sa kama.

Inangat niya ang balahibo at pinagmasdan iyon. Nararamdaman niya ang lambot niyon
sa kanyang mga palad. "Saan ka ba nangaling?"

Muling sumagi sa isipan niya ang lalaking napaginipan niya nung isang gabi. Hindi
niya naaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. May dalawang pahabang
peklat ito sa likod at maganda ang pangangatawan.
Sariwa pa sa memorya niya ang mga katagang binitiwan nito.

Pinag iingat siya nito. Pero kanino? Sinu ang tinutukoy nitong nagbalik?

Pilit niyang iniisip kung anung ibig sabihin nang mga panaginip na iyon. Pero wala
siyang mapaghugutan nang mga sagot.

Sunud-Sunud na katok ang biglang umalingawngaw. "Pasok!"

Bumukas iyon at niluwa si Belle. "Lexi pinapatawag ka ni Don Alejandro"

Agad siyang bumangon. Tinago niya ang balahibo sa ilalim nang kanyang unan.
Naabutan niya ang kanyang lolo na nasa loob nang working area nito. Maraming
papeles ang nagkalat sa lamesa at sa paligid.

"Lolo... baka pinapagod niyo na naman masyado ang sarili niyo dyan. Diba Doc
Juanito already said that you need to lessen the stressful works..." alalang
nilapitan niya ito.

Nag angat nang tingin sa kanya si Alejandro. Ngumiti ito nang makita siya.

"I'm okay apo. Matatapos na rin to"

Umupo siya sa isa sa mga sofa na gilid. Nilaro niya ang maliit na unan. "Bakit mo
pala ako pinatawag lolo?"

Tumayo ang kanyang abuelo at inayos ang mga papel na nagkalat. "I'll be leaving for
a few weeks. I need to go to Australia I have a big client meeting there. I just
want to say na mag iingat ka habang wala ako apo. Hanggat maari huwag ka nang
masyadong lumayo at umalis nang bahay"

Hindi na siya masyadong nagulat sa sinabi nang matanda. Lumaki siyang madalas itong
umaalis nang bansa at nawawala nang ilang araw. Pero hindi pa rin nawawala ang pag
aalala niya para sa kalusugan nito.

"Mag iingat ka Lolo. Don't forget to always take your meds on time okay? I'll
promise I'll behave myself. No parties... no out of towns and no-"

"No boys!" pagtuldok nito sa sinasabi niya.

Bahagya niyang tinaas ang kilay. "Kahit Ansell bawal?"

Ngumiti ang kanyang abuelo. Malapit ang lolo niya at si Ansell sa isa't-isa. Sa
lahat nang lalaking umaaligid sa kanya si Ansell lang ang may basbas mula sa
kanyang abuelo.

"Of course Ansell is allowed"

Ngumiti siya at mahigpit na niyakap ang kanyang abuelo.

May biglang mabigat na bagay na naramdaman siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya
ang mapag isa sa malaking mansion na iyon nang ilang lingo ay hindi magandang
ideya.

=================

V.1: Chapter Eight

Chapter Eight : His Face

"I know there's evil in the world, and there always has been. But you don't need to
believe in Satan or demons to explain it. Human beings are perfectly capable of
evil all by themselves." ― Tess Gerritsen, The Mephisto Club

LEXINE SPIN gracefully as the sound of the music dances inside her ears. She stop
and slowly bend her body doing a perfect and graceful pose.

Tumigil ang musika kasunod nang mga palakpakan.

"Good job Lexine. That's wonderful" puri ni Ms. Kristine sa kanya. Panay ang
palakpak nito at kitang kita niya sa mukha nito ang satisfaction.

Nagpasalamat siya dito at sa mga kaklase niya na panay rin ang palakpak sa maiksing
dance piece na pinakita niya.

Isa lamang ito sa mga araw na nagtra-training siya sa ballet. Kakaalis lang nang
kanyang Lolo Alejandro at pagkatapos niya itong ihatid sa airport dumiretso agad
siya dito upang makapag practice.

Maraming hindi magandang nangyari sa kanya nitong mga nakaraan at kailangan niyang
sumayaw para makalimot.

Natapos na ang dance class nila. Umuwi na ang mga kaklase niya subalit naisipan
niyang magpaiwan. Gusto niya pang sumayaw. Hindi pa rin siya napapanatag ang
kalooban niya.

"Are you sure you're okay here Lexine?" tanong sa kanya ni Ms. Kristine. Nakasukbit
na sa balikat nito ang malaking bag.Papaalis na rin ito dahil may importante pa
itong meeting.

Nakaupo siya at nakaharap sa malawak na salamin. Ginagawa niya ang isa sa mga
stretching exercises nila.

"I'm good here Ms. Kristine! Uuwi rin ako agad after an hour"

Tumungo-tungo ito. "Hindi mo na kailangang magpractice masyado. Your already too


good to be true"

Tumawa siya sa huling biro nito bago siya naiwang mag isa. Tinapos niya ang
stretching at muling sumayaw.

Tumutugtog ang musika sa buong kwarto. Isang piano at dramatic version ng


"Chandelier" by Sia ang pumailanlang sa buong studio.

The song is very emotional. Bilang isang ballerina. Natutunan niyang isabuhay kung
anung saloobin nang musika.

Isang dramatic pero fierceful na galaw ang ginawa niya. Kasabay nang bawat pag awit
nang makapapag tindig balahibong boses nang singer ang bawat humpas nang mga kamay
at pagtingkayad nang kanyang mga paa.

Tinalon talon niya ang parte nang chorus. She did her famous allegro. Sa huli'y
ginawa niya ang cabriole. Perfect din ang kanyang arabesque. Inilabas niya ang
tamang emosyon nang kanta. Sa tuwing sumasayaw siya pansamantala siyang napupunta
sa ibang lugar. Katulad nang awiting iyon, gusto niyang mawala pansamantala sa
mundo at makalimot sa mga problema. At nang mga sandaling iyon gusto niyang
makalimot sa totoong mundo.

Gumawa siya nang sunud-sunud na spin. Binilisan niya ang spin gusto niyang mapagod
nang husto nang sa ganoon pag uwi niya diretso siyang makakatulog.

Nakadami na siya sa pag ikot nang bigla siyang natapilok. Mabilis na na out of
balance ang katawan niya at bumagsak.

Matigas na bisig ang sumalo sa kanya. Isang pamilyar na amoy ang nanuot sa kanyang
ilong.

"Easy there cupcake..."

Nanlaki ang mga mata niya nang nag angat siya nang tingin. Isang lalaking nagtatago
sa itim na hood ang bumungad sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at lumayo dito. Doon niya lang napansin na madilim na pala
ang buong studio.Biglang namatay ang ilaw. Hindi man lang niya namalayan.

Tanging ang liwanag mula sa bintana ang naging ilaw nila. Papalubog na ang araw
kaya't color orange at yellow ang liwanag na pumapasok sa loob.

Bumilis ang tibok nang puso niya. Paanong nakapasok ang isang estranghero sa loob
nang ballet studio? Mahigpit ang seguridad nang building nila. At hindi man lang
niya ito naramdaman o narinig na pumasok doon.

Nakatayo ito ilang dipa lang mula sa kanya. Nababalot nang anino ang kinatatayuan
nito kaya hindi niya tuluyang makita ang itsura ng lalaki.

"P-paano ka nakapasok dito!" nanginginig ang boses niya. Sa magkahalong pagkahingal


at takot.

Pinasadahan niya nang tingin ang lalaki. Itim ang lahat nang suot nito. Itim na
jeans, doc marten boots, Sleeveless ang leather jacket nito. May hood iyon na
pinagtataguan nang mukha niya. Bahagyang tinatamaan nang liwanag mula sa bintana
ang kanang braso nito. Sa dami nang mga tattoo nito sa braso alam niyang ang
lalaking ito ang nagligtas sa kanya sa party nung isang gabi.

"It's very easy. I enter the door" natatawa ang boses nito. Nanunudyo.

Ayan na naman ang pasaway niyang puso. Panay ang takbo sa kaba.

"I don't believe you! Mahigpit ang security sa building na to! Hindi sila basta-
basta nagpapasok nang kung sino!" humakbang siya paatras dahil nagsimulang
humakbang papalapit ang lalaki sa kanya.

Napayakap siya sa katawan. Bigla kasing bumaba ang temperatura nang paligid. Higit
sa lahat masyadong revealing ang suot niyang ballet uniform. Pakiramdam niya
hinahalay siya nang mga tingin nito kahit hindi naman niya naaninag ang ibabaw nang
mukha nito na natatakpan nang hood.

Muling humakbang ang estranghero. "Don't get near me! Stay there or else..." babala
niya.

Tinawanan lang siya ulit ito. Kakaiba ang binibigay na pakiramdam nang tunog ng mga
tawa nito sa kanya. Isa iyong uri nang mapaglarong tawa....mapaglaro at mapanganib.

"Or else what? Sisigaw ka? Come on cupcake! Do it! Shout for help!" panunudyo nito.

Hindi siya nagdalawang isip at humugot nang malalim na hininga bago buong lakas na
sumigaw.
"Guard! Guard! May nakapasok na masamang loob dito! Tulong! Manong guard!"

Siniguro niyang maririnig siya nang guard sa baba. Nasa second floor nang building
lang ang ballet studio nila kaya konting sigaw lang ay maririnig siya nang mga tao
sa baba.

Ilang beses pa siya ulit sumigaw pero walang sumasagot. Wala ding dumadating.

Narinig niya ulit ang nakakalokong tawa nang estranghero.

Nahigit niya ang hininga dahil paglingon niya dito wala na ito sa dati nitong
pwesto.

Dahil nasa harapan na niya agad ito. Nasandal ang likod niya sa salamin. Kinorner
siya nito gamit ang dalawa nitong mga braso.

Nakayuko ang lalaki at gumagalaw ang balikat nito sa kakatawa.

"You sound so helpless. Humans are always so helpless..."

Nangigigil siya sa galit. Pinaglalaruan siya nang lalaking ito at wala siyang
magawa. Hindi siya makapanglaban.

"A-anung ginawa mo sa kanila? A-anung ginawa mo sa mga guards?"

Kinakabahan siya. Ayaw na sana niyang isipin kung anung ginawa nito sa mga
inosenteng guards sa baba. Sariwa pa sa alaala niya ang karumal dumal na pananakit
nito sa grupo nila Cristoff.

"I just gave them a nice... and peaceful sleep" nanunudyo ang bulong nito sa tenga
niya.

Parang nag slowmotion ang paligid niya. Ayaw niyang ientertain ang mga ideyang
nagsusumiksik sa kanyang isipan.

Siguradong mas marami pa itong nakakakilabot na bagay na kayang gawin.

Unti-unti nitong tinangal ang hood sa ulo nito.

Mula sa madilim na anino na nagtatago sa mukha nito unti-unti iyong nabigyan nang
liwanag. Sa unang pagkakataon nasilayan niya ang mukha nang lalaking ilang gabing
gumulo sa kanyang buhay.
Isang pares nang pamilyar na brown at magagandang mata ang una niyang nakita. May
makakapal na kilay. Kasunod nang napaka perpektong pagkatangos nang ilong nito. Ang
maputi at makinis nitong balat at mapupulang mga labi na tila palaging nang aakit
na mahalikan. Lihim siyang napalunok sa naisip.

Perpekto rin ang pagkakahugis nang mga panga nito. At sa totoo lang ay maamo ang
mukha ng lalaki. Hindi mo aakalain na ganoon ito ka pilyo at kasama. Wala sa mukha
nito ang pagiging isang nakakatakot na nilalang.

Pakiramdam ni Lexine nang mga sandaling iyon. Literal na huminto ang pagtibok nang
kanyang puso.

Sa kabila nang matinding takot para sa estranghero. Nagpumilit sumiksik ang


kakaibang kiliti sa kanyang mga balat.

Kung may eksaktong description nang salitang perpekto. Nasa harapan na niya iyon
ngayon.

Sa mukha nang estrangherong ito.

"Don't fall in love with me yet cupcake... the game is only about to start"

Hindi na masyadong nag sync in sa utak niya ang mga sinabi nang lalaki dahil ang
mga sumunod na nangyari ay napakabilis.

Hinalikan siya nito sa mga labi. Iyong halik na madiin at sabik. Iyong halik na
nakapagpamanhid nang buo niyang katawan.

Umiikot ang isip niya hindi siya makapag isip nang tama. Natuliro siya sa paraan
nang agresibong pag galaw nang mga labi nito sa kanya. Kinagat nito ang ibabang
labi niya kaya't napasinghap siya.

"Ahh-mmm" Nahinto ang pagsigaw niya nang mabilis nitong pinasok ang dila sa loob
nang bibig niya. Halos tumirik ang mga mata niya sa sensasyong nagawa nitong ibigay
sa kanya.

Pagkatapos....

Bigla na lang niyang naramdaman yung kirot. Kirot sa kanyang dibdib. Nanikip iyon
at hindi siya makahinga. Parang may kamay na pumipiga doon na pumipigil sa pagpasok
nang mga hangin.

Napakapit siya nang mahigpit sa balikat nang estranghero. Ginigimbal nang matinding
kirot ang buong sistema niya.
Bumitiw ito sa halik. Halos habulin niya ang hininga.

"Is it painful?" nanunudyo ang mga tinig nito.

Halos habulin na niya ang paghinga. Unti-unting nanghina ang mga tuhod niya at
napaupo siya sa sahig. Hinawakan niya ang dibdib. Nangagaling ang kirot hindi lang
sa loob kundi maging sa peklat niya sa dibdib.

Lumuhod ang estranghero at pumantay sa kanyang mukha. Naglalaro sa mga mata nito
ang pagka aliw. Naaliw itong nakikita siyang nahihirapan.

Doon niya nakumpirma kung gaano kasama ang lalaking nasa harapan niya. Hindi siya
tao dahil masyado siyang masama upang maging tao.

"W-what.... d-did. y-yyou.. do to.. m-mee?" Gumapang sa buong katawan niya ang
kirot. Gusto niyang sumigaw subalit pinipiga ang dibdib niya at walang hanging
makalabas sa kanyang lalamunan.

"Well if you still don't know that thing is called kissing" Ngumisi ito.

Hinablot nang lalaki ang buhok niya at inangat ang ulo niya. Malapit na malapit ang
mukha nito kaya't amoy na amoy niya ang bango nitong nakakahilo.

Sa likod nang napaka gwapo at perpekto nitong mukha nagtatago ang isang halimaw.
Dinikit nito ang mga labi sa pisngi niya. Inaamoy nito ang kanyang mukha.
Kinikilabutan siya sa maliliit na kuryenteng bigla-bigla na lang dumadaloy sa kanya
sa tuwing nagdidikit ang mga balat nila nang estranghero.

At naiinis siya sa sarili dahil nag re-reak ang katawan niya nang abnormal para
dito.

"A kiss of Death... that's the kiss that ties your soul to mine. At dahil hindi mo
na naalala ang mga nangyari seven years ago, ipapaalala ko ulit sayo" walang ingat
na binitiwan siya nito.

"Ira!"

May tinawag itong pangalan. Biglang lumiwanag ang kanang braso nito. Doon niya lang
tuluyang napagmasdan ang itsura nun. May tattoo itong hugis nang quarter moon. Sa
biyak niyon ay isang mata.

Lumiwanag nang husto ang tattoo nito at sa isang iglap lumitaw ang isang malaking
bulto nang anino na may kulay purple na mga mata.

Lalong binalot nang matinding takot si Lexine.


"Yes master..." nangagaling sa kung saang malalim na balon ang boses nang anino.

"I need a little help. My little girl over here need to see an educational film
viewing.."

Mabilis na tumalima ang anino. Lumipad iyon sa kisame at lumaki nang husto. Ang
suot nitong black cloaked ay biglang lumaki nang lumaki hanggang sa binalot ang
buong kwarto at tuluyang nilamon na sila nang kadiliman.

=================

V.1: Chapter Nine

Chapter Nine: Night

"I like the night. Without the dark, we'd never see the stars." ― Stephenie Meyer,
Twilight

PATULOY SIYANG nahuhulog sa malalim na kawalan. Parang isang bangin na walang


katapusan. Binabalot nang matinding takot ang katauhan ni Lexine.

Mamatay na ba siya? Saang mundo siya balak dalhin nang estrangherong iyon?

Nagpahumpas-humpas ang mga braso niya sa pagbabakasaling may makuhang kahit anung
bagay na pwedeng pagkapitan subalit puro hangin lang ang nararamdaman niya.

Mula sa walang katapusang kadiliman. Binalot nang nakakasilaw na liwanag ang


kanyang mga mata. Sa isang iglap nakita niya ang sariling nakatayo sa isang mataas
na lugar.

Halos habulin ni Lexine ang kanyang paghinga. Nawala na ang matinding kirot sa
kanyang dibdib subalit nandoon pa rin ang hangover nang hapdi. Para iyong pasa na
nagmarka. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib.

Ginala niya ang buong paningin sa bakante at abandonadong bodega. Madilim ang
paligid. Malakas ang ulan sa labas. Naririnig niya ang kulog na dumadagundong.
Napupuno nang patong patong na sako at ilang kahoy ang paligid.

May kung anung kakaiba siyang naramdaman sa lugar na iyon. Bakit tila pamilyar sa
kanya ang lahat nang nakikita niya?

Nakatayo siya sa isang tuktok nang mataas na bundok nang mga sako. Bigla niyang
naramdaman ang mainit na presensya nang lalaki sa likuran niya.
"Are you ready cupcake? the show is about to start" nanunudyong sabi nito sa gilid
nang kanyang tenga. Aware ang buong katawan niya sa labis na lapit nang katawan
nito sa likuran niya. Nararamdaman niya ang lapit nang mukha nito sa pisngi niya.

"S-saan mo ako dinala? A-anung lugar to?" pinatatag niya ang boses at pinilit na
itago ang kaba. Kung palagi siyang magpapakitang natatakot sa lalaking ito lalo
lang siyang uuwing talunan. Kaya kailangan niyang ipakita dito na hindi siya basta-
basta nito mapaglalaruan.

Humagikgik ito. Sa tuwing naririnig niya ang pamilyar nitong mga tawa ay laging
napapatalon ang puso niya. Allergic ata ang puso niya sa mga tawa nito kaya pana'y
ang pag talon.

"Excited much? Just wait... masyado ka namang nagmamadali"

Pinaikot niya ang mga mata sa inis.

Bigla ang pag alingawngaw nang malakas na putok nang baril kaya halos mapatalon
siya sa labis na pagkagulat.

Natulala na lang siya nang makita niya ang isang dalagitang babae na tinamaan nang
baril sa dibdib at dire-diretsong bumagsak sa sahig ang katawan nito na parang
lantang gulay.

"Ouch! That hurts.."

Hindi niya pinansin ang katabi at finocus ang mga mata sa babae. Nanlaki ang mga
mata niya nang makita niya ang namumutla nitong mukha. Mabilis na kumalat ang
pulang dugo nito sa sahig.

Napatakip siya nang bibig. Siya ang babaeng iyon! Siya ang dalagitang nakaratay sa
sahig at naliligo sa sariling dugo. "Paanong...."

"Gago ka Boyet bakit mo binaril?" sumigaw ang isang lalaking may peklat na ekis sa
mukha. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukha nito. May mga memoryang nagpupumilit
sumiksik sa kanyang isipan.

"S-sorry bossing nabigla kasi ako--" nauutal na sabi nang lalaking mataba na
nagpaputok. Nanginginig ang mga kamay nito at nabitawan ang baril.

"Tignan mong ginawa mo! Magkakanda letse letse tayo nito sinira mo ang plano!"
sigaw ulit nang lalaking may peklat.

"Bossing! Napuruhan ata to! Ayaw tumigil nang pagdugo" isang payat na lalaki ang
dumalo sa katawan nang dalagitang Lexine.

Napailing iling si Lexine. Parang naninikip na naman ang dibdib niya. Sumasabay ang
pagkirot nang kanyang sintido. May mga ala-alang mabilis na nag fla-flash sa
kanyang isipan.

Isang itim na usok ang nagsimulang nabuo sa isang sulok. Mula sa maliit na usok
lumaki iyon nang husto. Nakakatakot ang labis na kapal at itim niyon. May lalaking
unti-unting lumabas mula doon. At napasinghap siya nang makita ang pamilyar na
bulto nang lalaking naka itim at nagtatago sa hood.

Mabilis na nilingon niya ang kasama. Nandoon pa rin ito sa likod niya at nakangisi
sa kanya. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Oh! That is me.... and this is me. I guess that's my... uhm twin?" anito sa nang
iinis na tono. Tinuro turo pa nito ang sarili at isa pa niyang sarili na lumabas sa
mga usok.

"Sino ka ba talaga--no, anu ka ba talaga?" iyon ang unang lumabas sa bibig niya.
Hindi siya makapaniwala sa mga nasasaksihan niya pakiramdam niya nasa isa siyang
masamang bangungot subalit wala siyang ideya kung paano gumising sa bangungot na
ito.

Hinawakan nito ang baba nito at umaktong nang iisip. "Some other calls me a Greek
God"

"Greek God?" halos matawa niyang ulit.

"Sometimes they call me a mysterious but very gorgeous man hiding in a black hood"

Napaikot ang dalawang mata niya sa pagyayabang nito. "Mysterious and creepy!" giit
niya.

"They also say I'm a scheduler, angel of death, grim reaper, blah blah blah
blah...."

Nalunok ni Lexine ang laway. "Scheduler? Angel of Death? Grim Reaper oh my God!"
nanlaki ang mga mata niya.

"Wrong! How many times do I have to tell you humans that I'm not your Glory Father
God?" preskong sabi nito.

Nailing siya sa kaharap. Hindi siya makapaniwalang hindi tao ang kasama niya.

"But I prefer calling myself as Night!"


"Night?" pag ulit niya.

"Yes Night! That's my name.. Night. Teka nga. Nakakain ka ba nang parot? Stop
mimicking what I'm saying!"inirapan siya nito. Nalaglag ang panga niya.

This guy can be charming sometimes.

Ngumiti ito. Saglit na naghang na naman ang utak niya sa mga ngiti nito. Ngayon
niya lang nalaman ang pangalan nito at nababaliw na ba talaga siya kung sasabihin
niyang nagustuhan niya ang pangalan nito?

Isang sunud-sunud na sigaw ang nagputol sa pagtitinginan nila ni Night. Napalingon


siya muli sa mga nagaganap doon. Halos nakalimutan niyang may patayang nangyayari.

Napatakip siya sa bibig nang makita ang lalaking may ekis na peklat na lumipad sa
malayo at bumagsak ang katawan. Nasa gitna na ang ang isang Night. Hinumpas nito
ang isang kamay at inangat sa hangin ang matabang si Boyet.

Ganoong ganoon ang ginawa nito sa isa sa mga kasama ni Cristoff.

May umilaw na maliit na tattoo sa pulsuhan nito. Lumabas ang isang mahabang espada.
Mabilis na sinaksak nang isang Night ang dibdib ni Boyet. Malakas na napasinghap
siya . Gusto na niyang alisin ang mga mata dahil bumabaliktad na ang sikmura niya
sa mga nakikita pero may kung anung pumipigil sa kanya. May kung anung parte sa
kanyang kalooban na nag uutos na kailangan niyang makita ang lahat nang iyon.

Namumutlang nakatayo lang siya habang pinagmamasdan kung paano isa-isa at halos
walang awang pinatay ni Night ang mga lalaki. Lumapit ito sa katawan niya. Sa halos
walang buhay niyang katawan.

"Please....ayoko pang mamatay..hindi ko pa pwedeng iwan ang lolo ko...please save


me" nagmamakaawang sabi nang batang Lexine. Umiiyak ito at nagmamakaawa kay Night.

Hindi siya makapaniwalang nagawa niyang humingi nang tulong dito noon.

Noon ibig sabihin ba'y talagang nangyari ang lahat nang ito sa kanya noong bata
siya? Parang ayaw niyang maniwala.

"But there is always a price in every wish you make little cupcake. I'm going to
get that price when the time is right. And on that day...I'll come back and get
you...." sabi ni Night at bago nito nilapit ang mukha sa kanya.

Binalot nang nakakasilaw na liwanag ang katawan niya. Iyon ang huli niyang nakita
bago siya muling nagising na nasa loob muli nang ballet studio.
Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Parang waterfalls na umaagos ang mga
luha niya sa mukha. Nanginginig na napaupo siya sa sahig. Hindi siya makapaniwalang
nangyari talaga ang lahat nang iyon.

Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib. Nandoon ang isang peklat. Peklat na
hindi niya matandaan kung saan nya noon nakuha. Ang sabi lang nang lolo Alejandro
niya naaksidente siya kaya siya nagising sa isang ospital pitong taon na ang
nakalilipas. Wala siyang maalala sa kahit anung nangyari noon.

Pero ngayon. Ngayon bumalik na ang lahat nang alaala niya at siya mismo ang
nakakita kung anu ba talagang mga nangyari. Kung paano niya nakuha ang peklat na
iyon. Kung paano siya nakipagsugal sa isang demonyo.

"So now that you remember everything cupcake. Can I get my price? " dahan-dahang
lumapit sa kanya si Night.

Umurong siya at siniksik ang sarili sa malamig na salamin. "H-hindi totoo ang lahat
ng iyon. Gawa-gawa mo lang lahat yun..." pilit niyang pagtangi.

Pero bakit sa pakiramdam niya'y totoong totoo ang lahat? Parang ramdam niya pa ang
impact nang bala na tumama sa kanyang dibdib? Parang kahapon lang nangyari ang
lahat. O kanina lang.

Umupo sa harapan niya si Night. Pumalumbaba ito at pinatong ang mga siko sa tuhod.
Para itong bata na nagpapacute sa kanya. Pina-pout pa nito ang mga labi.

"After all what I've done for you cupcake? Now your accusing me of being a liar?"
anito na tila nagtatampong bata "Dont you see, ilang beses kitang niligtas para
lang hindi masayang ang napaka ganda mong kaluluwa.."

Siguro kung normal na tao ito iisipin niyang nagtatampo talaga ito sa kanya. Pero
hindi ito normal at hindi siya naniniwala sa kahit anung sinasabi o pinapakita nito
sa kanya. Isa itong manloloko at kailangan niya itong layuan kung hindi mapapahamak
siya.

"Liar! If I know gustong gusto mo naman talaga lahat nang pagpatay at pananakit na
ginagawa mo sa mga nabibiktima mo!" mapait na sabi niya.

Ngumisi si Night. "Actually yes, killing is my most favorite hobby" kaswal na sagot
nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Kinilabutan siya lalo dito. "Anu ba talagang kailangan
mo sakin? Bakit ba ayaw mo akong tigilan!" desperado niyang tanong.

"You already know what I want from you. Your just in denial." anito. Muli siya
nitong kinorner sa mga braso nito. Hilig ata talaga nitong kinokorner siya at
iniipit siya sa kung saan-saan.

"Don't worry cupcake. Hindi ko pa kukunin sayo ang kabayaran sa pabor na hiniling
mo sa akin noon. I'll give you more enough time to savor this little precious life
you have. If I were you gagawin ko na lahat nang mga bagay na gusto kong gawin
hanggat humihinga pa ako. Dahil hindi magtatagal... babawiin ko na ang buhay na
pinahiram ko sayo"

Gusto niyang humagulgol sa iyak at sa takot. Pero hindi niya magawa. Hinaplos ni
Night ang pisngi nya at hinawi ang mga buhok na dumidikit sa kanyang pisngi.
Magkahalong pawis at luha na ang kanyang mukha.

Wala sa sariling napatingin siya sa mga labi nito. Ang halik na binigay nito sa
kanya noong mamamatay na siya at ang halik na pinagsaluhan nila kanina lang sa
studiong ito ay ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa sitwasyong
kinalalagyan. Kung totoo talaga ang lahat nang ito. Nakatali ang kaluluwa niya sa
demonyo at hindi niya alam kung may magagawa pa ba siya para makatakas sa sumpang
pinasok niya.

Gusto niyang isiping biro lang ang lahat. Na nasa isang Wow Mali siya na palabas sa
tv at kalokohan lang ang lahat nang nangyayari sa kanya.

Pero hindi. Totoo ang lahat. Nangyari ang lahat. At hindi na magtatagal ang buhay
niya.

Dahil kukunin na nang lalaking ito ang kaluluwa niya.

"W-wala na bang ibang paraan para makabayad ako sa utang ko sayo?" hindi siya
makapaniwalang biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya.

Bahagyang nagulat si Night. Hindi nito marahil inaasahan na sasabihin niya iyon.

"I don't want to die Night. Walang makakasama ang lolo ko sa buhay. I can't just
leave him alone like that. Maraming malulungkot, my friends, my family, those
people who always love me. I still have my dreams and I badly want to fulfill all
of it. I can't die, I'm not ready... so please.. "

Hinawakan niya ito sa magkabilang braso. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Alam
niyang wala itong puso. Wala itong awa. Na masama ito dahil demonyo ito at
nangaling ito sa kung saang pinaka ilaliman na parte nang mundo.

Pero gusto niyang sumubok.

"Please....ayoko pang mamatay" nanghihinang pagmamakaawa niya at muling humagulgol.


Ilang minuto siguro silang ganoon. Nakakapagtakang hinahayaan lang siya nitong
umiyak. Na hindi siya nito iniinis o inaasar. Tahimik ang paligid at tanging
mahihinang paghikbi niya lamang ang naririnig niya. Matapos ang tila walang
katapusang sandali. Hinawakan ni Night ang mga braso niya at dahan-dahan siyang
tinayo.

Hindi na niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nanlalabo na ang paningin
niya dahil sa mga luha niya. Humugot ito nang malalim na hininga.

"Stop crying! Your such a cry baby..." anito at pinahid ang mga luha niya. Luminaw
ang paningin niya at kung hindi siya nagkakamali tila nakitaan niya nang
panlalambot ang mga mata nito.

Totoo ba iyon o namamalikmata lang siya?

"I told you before I'm not a Genie. At hindi pwedeng palagi ko na lang ibibigay ang
lahat nang hihilingin mo sa akin. My service is not for free little girl... I
always ask for price." makahulugang sabi nito.

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Katulad noong niligtas siya nito
kela Cristoff.

Muli niyang naramdaman yung kakaibang init. Napapikit siya. Ang mga halik nito'y
parang lamok na kapag kumagat sa kanya'y nag iiwan nang marka. At tulad nang
nangyari noon. Pagdilat niya nang kanyang mga mata nawala na ito. Nawala na ito na
parang bula.

Hindi siya nito pinagbigyan at alam niya na hanggang sa huli babalik ito at
babawiin nito ang buhay na binigay nito sa kanya. Lalo siyang napaiyak. Niyakap
niya ang sarili at inubos ang lahat nang luha sa kanyang mga mata.

Ramdam niya pa rin ang marka nang halik nito sa kanyang noo. Hindi lamang doon
kundi nang buo niyang katawan at kaluluwa.

=================

Death Note

DEATH NOTE from the almost dead Author :

HEY there guys? If your reached this page pls click the star sign (vote) you can
see on this page.

Done?
Yay! Thank you for supporting the first volume of Kiss of Death. Seereeeh kung
madaming arte ang Author, ganyan talaga kapag medyo weirdo. Haha! I have three
questions to ask for you guys. To answer each questions just highlight the sentence
and click comment (for mobile app users) para naman sa mga nagbabasa sa website.
You can still answer the following questions on the comment box below.

QUESTION # 1 : How do you find Night's character in this story? I know guys na
medyo harsh at saddistic si Night but that's how he should be. As you can see...
he's not an ordinary character na nababasa natin sa ibang novels/series. He's
definitely a bad guy and super scary one! But he's still lovable and smoking hot
right? hmmmmm.. pengeng tubig!

QUESTION # 2 : What can you say about the plot of the story? so far.... I know it's
weird at medyo bloody ang mga actions scenes! Masochist kasi si author... lol :)
joke! Sana hindi kayo nasusuka kapag may action scenes...

QUESTION # 3 : Gusto niyo pa ba nang volume 2? teheeee :) if yes, say please. if


no.. wag ka na lang mag comment! Bawal negative sa book ko! baka magbigti ako.
harhar.

ISA LANG NAMAN ANG HILING KO. Para sa mga active readers ko na laging naka online
habang nagbabasa please vote for every chapters. Mahalaga yun kasi it wll help the
story to be recognize in the wattpad world. And your comments are really important
for me coz it will inspires me more to write. Doon ko kasi nakikita na may nakaka
appreciate nang mga stories ko and each comment from my readers kahit smiley face
or dot lang yan. Masaya na ako! Iiyak na si author kasi mababa lang luha niya....
(T__T)

Para naman sa mga silent readers ko or sa mga nag a-add nito sa library nila at
binabasa offline sana kapag nag online kayo pakibalikan ang bawat chapters at mag
vote kayo pleeeeaseeee.. libre din mag comment!

Lastly... (dami kong request) sana mabasa to nang lahat nang may OJD (Obsessive
Jadine Syndrome) para kilig kilig tayong lahat :)

Kung hindi ka naman fan nang Jadine pero binabasa mo to masaya ako :) Pwede pa rin
naman mag imagine nang ibang characters while reading this.

Magparamdam kayo sakin kung may nagbabasa man nang story na ito.... utang na loob!
Haha! I feel alone if wala... (Forever alone si Author) ;c

To the moons and the stars in the universe-- StoryofaGIRLinlove

Follow me on instagram : @bebyjhelaii

And follow the official ig : @akissofdeathofficial For more edited pics and
updates!
PS : Try also reading my other JADINE series : Forever in the Sky. See it on my
worklist.

=================

VOLUME 2

"Life is pleasant. Death is peaceful. It's the transition that's troublesome."

- Isaac Asimo

VOLUME 2 (Chapters 10-17)

Chapter Ten: Dreams

Chapter Eleven: New Boy

Chapter Twelve: The Stranger in her dreams

Chapter Thirteen: Possessiveness

Chapter Fourteen: Secrets and the Past

Chapter Fifteen: Unexpected Enemy

Chapter Sixteen: Protector

Chapter Seventeen: Madame Winona

=================

V.2 Chapter Ten

Chapter Ten : Dreams

PAKIRAMDAM ni Lexine panaginip lang ang lahat nang mga nangyari sa buong araw na
nagdaan. Wala sa sariling nilapag niya ang mga dalang bag at gamit sa lapag nang
kanyang kwarto.

Dire-diretso siyang sumalampak sa malambot na kama at ipinikit ang kanyang mga


mata.

Naalala na naman niya ang mga nangyari. Ang mukha ni Night, ang mga pinakita nitong
may kaugnayan sa nakaraan niya pitong taon na ang nakalilipas at ang mahapdi ngunit
nakakakilabot na halik na pinagsaluhan nila sa loob nang studio.

Totoo bang nangyari ang lahat nang iyon sa loob nang isang araw?

Sana ay hindi. Sana ay panaginip lang ang lahat nang ito at bukas ay magigising na
siya sa realidad.

Sana hindi totoong nakatali ang kaluluwa niya sa isang gwapong kampon nang
kadiliman.

Sana ganoon na lang kadali ang lahat.

Muli na naman nabuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Sa labis na kalungkutan.
Natagpuan niya ang sariling tinatawagan ang numero ni Ansell.

Matapos ang pangatlong ring ay sumagot ito.

"Hey Lexi, sup? Napatawag ka?"

Parang mapapahagulgol na naman siya nang marinig ang baritonong boses sa kabilang
linya.

Kinagat niya ang labi upang pigilan iyon. Pero may makulit na hikbi na kumawala
kaya't narinig iyon agad ni Ansell.

"Hey? Are you crying? What happened? Lexi.... answer me.." mabilis itong nagpanic.

Tuluyan na siyang sumabog at napahagulgol.

"Ansell please come here... please...." pagsusumamo niya.

"Shit! What's happening to you? Your scaring me baby, just wait there okay? I'm
coming!"

Ilang minuto lamang ang lumipas. Hindi na niya nabilang kung gaano siya katagal na
nakahiga lang sa kama at naghihintay nang dumating si Ansell.

Halos hingal na hingal ito nang pumasok sa kanyang kwarto. Naabutan siya nito sa
ganoong posisyon. Nakahiga at nakatulala sa kisame.
"My God Lexi! What happened?" mabilis itong lumapit sa kanya.

Nang sandaling naaninag niya ang gwapong mukha nito sa kanyang harapan ay agad niya
itong sinungaban nang yakap.

She never felt so lonely and helpless before. Not until now.

Akala niya'y natuyo na ang mga mata niya kakaiyak pero marami pa rin palang
nakareserba. shit naman!

"Shh..I'm here na baby..." naramdaman niya ang dahan-dahan at malumanay na paghagod


nang mga kamay nito sa kanyang likuran.

Sa wakas ay nakaramdam siya nang kapayapaan. Mas lalo niyang hinigpitan ang
pagkakayakap sa kanyang bestfriend.

Ilang oras lang siyang umiyak nang umiyak. Hindi na siya kinulit ni Ansell na
magkwento kung bakit. Pinagpasalamat niyang naintindihan iyon nang kaibigan niya.

Hindi nagtagal at nakatulog siya sa mga bisig nito.

Malakas ang ihip nang hangin. Mainit ang sikat nang araw at umaalingasaw ang bango
nang mga bulaklak sa kapiligiran nang malawak na lugar. Naalala ni Lexine kung
nasaan siya.

Sa paraiso sa kanyang panaginip.

May isang piraso nang puting balahibo ang lumipad sa harapan niya. Pamilyar ang
makintab na balahibo. Sinundan niya iyon hanggang sa dinala siya nito sa isang
mataas na puno sa gitna nang malawak na kagubatan.

Napahinto siya sa paglalakad nang matanaw niya ang bulto nang lalaking nakatayo at
nakaharap sa malaking puno. Tanging likod lamang nito ang nakikita niya.

Kilala niya ito. Ang moreno nitong balat, makisig na katawan. Itim na buhok at
dalawang malaking peklat sa likod nito.

Ito ang lalaki sa kanyang panaginip noong isang gabi.

"Sino ka ba talaga? Bakit hindi ka magpakilala sakin?" tanong niya.

Hindi ito sumagot. Nakatingala lang ito sa malaking puno. Saka niya lamang
napagmasdan ang punong iyon. Namangha siya nang makitang lumiliwanag ang color gold
na mga dahon nito. Nakakamangha sa sobrang ganda.

Nasaan ba talaga siya? At sino ang lalaking ito?

"Nagbalik na siya...natagpuan ka na niya" bigla itong nagsalita.

Naguguluhan si Lexine. "Sinong siya? Sinong nagbalik?"

"Nagbalik na siya upang kunin ka... ang nilalang na nagligtas sayo mula sa
kamatayan. Ang prinsipeng nagmula sa kadiliman. Ang Tagasundo.."

Tagasundo?

Kinilabutan siya sa mga sinabi nito. Noon niya lamang naalala ang tungkol kay
Night. Alam niyang ito ang tinutukoy nito.

Umiling iling siya at napaatras. Nakaramdam siya nang matinding takot. "Hindi!
Hindi ako papayag! Hindi niya ako pwedeng kunin hindi ako papayag!" Sigaw niya.

"Makapangyarihan siya Alexine. Ano ang laban mo sa kanya?"

Natigilan siya sa sinabi nito. Masakit masampal nang katotohanan subalit ayaw niya
pang mamatay.

Nanghihinang napaupo siya. Umiyak siya nang umiyak. "Ayoko...ayoko....hindi


pwede.." aniya nang paulit ulit habang panay ang kanyang paghikbi. Tinakpan niya
ang kanyang mukha at umiyak sa kanyang mga palad.

Unti-unti niyang naramdaman ang papalapit na yabag nang lalaki. Nakita niya ang
nakapaak nitong mga paa sa kanyang harapan.

"Huwag kang mag alala Alexine. Nandirito ako upang protektahan ka laban sa
kanya..."

Unti-unti niyang inangat ang kanyang paningin. Subalit dahil sa nakakasilaw na


sinag nang sikat nang araw. Tila naging anino lamang ang mukha nang estranghero at
hindi niya ito nakita.

Napabalikwas si Lexine mula sa kama. Nasa kanyang kwarto na siya ulit. Maliwanag na
at pumapasok ang sikat nang araw mula sa bintana hudyat na umaga na.

Hinanap niya si Ansell sa paligid. Nabahala siyang baka iniwan siya nito pero
nakahinga siya nang maluwag nang matagpuan itong tahimik na natutulog sa tabi niya.
Napahawak siya sa dibdib. "Ang panaginip ko...anung ibig sabihin nun? Sino ba
talaga ang lalaking yun at bakit alam niya ang tungkol kay Night?"

Wala siyang makuhang sagot kahit anung isip ang gawin niya. Narinig niyang umungol
si Ansell. Nagising na ito.

"Good morning! Are you feeling okay na?" anito sa inaantok pang boses.

Napangiti siya. Laking pasasalamat niya na sinamahan siya nito buong gabi. Kung
wala siguro ito'y baka nabaliw na siya.

"I'm okay. Thank you for last night Ansell" sinsero niyang pasasalamat.

Ngumiti ito. Napaka gwapo talaga nito lalo na kapag ngumingiti.

No wonder na maraming nagkakandarapang babae dito. "That's good. You scared me


kahapon"

"I'm sorry..uhm..." hindi niya mahugot kung paano niya ipapaliwanag kung bakit siya
umiiyak.

Tuluyan itong bumangon. Hinawakan nito ang dalawa niyang pisngi at hinarap dito.

"Anu bang nangyari sayo?" alalang tanong nito. Hindi niya alam kung dapat niya bang
ikwento kay Ansell ang tungkol kay Night subalit alam niyang mahirap iyong
paniwalaan.

At kung totoong prinsipe nga nang kadiliman si Night gaya nang sinabi nang
estranghero mula sa kanyang panaginip. Ibig sabihin ay mapanganib ito. Ayaw niyang
malagay sa peligro ang buhay nang kahit na sino lalo na ang mga mahal niya.

"I'm just.... I'm just depressed last night. Alam mo na, wala si Lolo nasa out of
the country business and then.. namiss ko lang bigla sila mom and dad so I just
feel sad and alone..." pagsisinungaling niya.

Umamo ang mga mata nito sa kanya. "Wag ka nang malungkot... I'm here for you...I'm
always here to make you happy Lexi"

May kung anu sa paraan nang pagkakatitig sa kanya ni Ansell na hindi niya kayang
ipaliwanag. Subalit kung anuman iyon. Nakagahaan nang pakiramdam. Masaya siya na
may kaibigan siyang katulad nito.

"Really? Then I want a very delicious breakfast. That would make me happy"
paglalambing niya.

Ngumiti ito nang malaki. "Of course! My pleasure! Pero may bayad ah! Mahal ang
professional fee ko!"

Napanganga siya. Inambahan niya ito subalit mabilis itong nakatalon paalis nang
kama. "Anung bayad? Hindi ba pwedeng free na lang akala ko ba papasayahin mo ako!"

"Hey! Lagi ka na ngang nakakalibre sa mga luto ko! At binasa mo nang uhog at laway
ang tshirt ko kagabi at nangalay ang mga braso ko dahil ginawa mong unan! Sumakit
pa ang tenga ko sa lakas nang hilik mo! Kaya dapat lang na bayaran mo ako sa
serbisyo ko ngayong gabi" reklamo nito.

Lalo siyang napanganga. Inis na hinagisan niya ito nang unan. Umilag ito at tumakbo
sa loob ng kanyang bathroom. "Ang kapal mo hindi ako humihilik no! At mas lalong
hindi ako tulo laway!"

Narinig niya lang ang malulutong nitong tawa na lalong nagpainis nang umaga niya.
Nakalimutan niyang madalas ay bwisit rin ito sa buhay niya.

Maya-maya pa'y narinig na niya ang ingay nang shower senyales na naliligo na ito at
ginagamit na naman ang mamahalin niyang mga shampoo at body wash. Naipailing na
lamang siya at hinanda ang damit nito.

Oo, may nakatagong mga damit si Ansell sa cabinet niya. Ito na mismo ang naglagay
niyon doon dahil madalas naman itong mag overnight sa kanila simula nung high
school pa lamang sila.

Kumuha siya nang plain white shirt at beach shorts. Tinupi niya iyon nang maayos at
nilapag sa ibabaw nang kama niya. Habang inaayos niya iyon ay may naaninag siyang
bagay na sumisilip sa ilalim nang unan niya.

Kinuha niya iyon. Ang puting balahibo.

Kunot noong inangat niya ang balahibo at masuring pinagmasdan. Hanggang ngayon ay
wala pa rin siyang kaide-ideya kung anung klaseng balahibo iyon.

Naalala niya ang panaginip niya. Noong unang gabing napaginipan niya ang
misteryosong estranghero. Nang hinahawakan niya ito'y bigla itong naglaho at naging
puting mga balahibo. Katulad na katulad iyon nang hawak niya ngayon.

Ngayon ay sigurado na siyang may kaugnayan ang balahibong ito sa lalaking


nagpapakita sa kanyang panaginip.

Pero paano iyon nangyari?


Hinaplos niya muli ang mga hibla niyon. Malambot iyon at kumikintab lalo na kapag
nasisilawan nang sikat nang araw na galing sa bintana. Inangat niya iyon at mas
lalong tinapat sa sikat nang araw. Namangha siya nang makitang tila may maliliit na
diyamante ang nasa bawat hibla niyon kaya't makinang.

Nilapit niya ang balahibo sa ilong niya at inamoy iyon. Kakaiba ang amoy nito.
Naghahalong amoy pulbos at mint kaya malamig sa ilong.

Bakit pakiramdam niya pamilyar ang amoy na iyon? Na tila naamoy na niya ang bangong
iyon dati?

"Anu yang hawak mo?"

Halos mapatalon siya sa gulat nang sumulpot sa balikat niya ang ulo ni Ansell.
Mabilis niyang tinago ang balahibo sa kanyang likuran.

Kunot na kunot ang noo nang kaibigan niya sa inakto niya. "Bakit mo tinatago? Anu
ba yun?"

Napailing iling siya. Bahagyang namumutla. "A-ah wala to, napulot ko lang sa school
nung isang araw.. wala to"

Tila hindi ito naniniwala sa kanya. Umalingasaw ang strawberry flavor na amoy nang
body wash niya. Basang basa pa ang buhok at buong katawan nito. Suot rin ang pink
niyang bathrobe.

Bigla siyang natawa sa itsura ni Ansell. Mukha itong machong bading.

Ang lakas nang tawa niya.

"Hey what's funny?" Tila nainsulto ito.

Tinuro niya ang suot nito. "Anu ba yang suot mo! May extra towell naman ako sa
banyo bakit yang bathrobe ko pa ang sinuot mo? You look like a macho gay!"

Muli siyang humagalpak nang tawa. Pumewang ito at inirapan siya.

"Anu kayang sasabihin nang mga fans at followers mo sa school pag kinalat ko ang
picture mo na ganyan ang suot mo?"

Mabilis niyang dinampot ang iphone na nakapatong lang sa side table niya at
inambahang kukuhanan ito nang picture.
"Hey! Stop that!" Pero mabilis na hinawi ni Ansell ang kamay niya.

In the end ay naghabulan sila sa buong kwarto habang pinipilit ni Ansell na kunin
ang iphone niya at siya naman habang tumatakbo at panay click nang camera button at
nakarami nang stolen shots.

=================

V.2 : Chapter Eleven

Chaper Eleven : New Boy

ILANG ARAW na ang lumipas simula nang huling gabing nakita ni Lexine si Night sa
kanilang ballet studio.

Pagkatapos nang insidenteng iyon ay hindi na ulit ito nagparamdam sa kanya. Ni


anino nito'y hindi na niya muling nasilayan. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya
o mababahala sa bigla nitong pagkawala. Hindi pa rin naalis sa isip niya ang mga
huling katagang sinabi nito.

"If I were you gagawin ko na lahat nang mga bagay na gusto kong gawin hanggat
humihinga pa ako. Dahil hindi magtatagal... babawiin ko na ang buhay
na pinahiram ko sayo"

Kukunin siya nito bilang kabayaran sa pagligtas nito nang buhay niya sa kamatayan
pitong taon na ang nakalilipas.

Ang insidenteng iyon na pansamantalang nawala sa memorya niya na ngayon ay nagbalik


na ang siyang puno't dulo nang lahat nang problemang gumugulo sa kanya.

Wala naman siyang mapagsabihan na kahit na sino. Hindi pa umuuwi ang Lolo
Alejandro niya dahil na extend daw ang pag s-stay nito sa Australia upang
asikasuhin ang international business nila. Hindi naman niya rin kayang ikwento kay
Ansell o kahit kay Belle ang tungkol kay Night.

Natatakot siya sa dalawang kadahilanan.

Una natatakot siyang hindi siya paniwalaan at isiping nababaliw na siya. At


pangalawa natatakot siya sa maaring maging consequence kapag may ibang nakaalam
nang tungkol kay Night.

Nasaksihan niya mismo kung gaano ito kapanganib na nilalang. At ayaw niyang may
masaktan pa o madamay na ibang tao.

Pagpasok niya sa school nang araw na iyon, naabutan niyang nagpupulong pulong ang
grupo ni Xyrille at iba pang mga istudyante sa pintuan nang deans office nang
college nila.

Anung meron?

Dahil sa kuryosidad napilitan siyang makiusyoso. Kinalabit niya si Xyrille na


nahuli niya pang nangingisay habang panay ang bungisngis.

"Ang gwapo talaga niya. Nakasalubong ko siya kanina sa parking lot. Grabe para
siyang Greek God na bumaba dito sa earth"

Narinig niya pang pagkwe-kwento nito sa katabi nitong si Fern.

"Sinong Greek God na bumaba sa earth? " usyoso niya.

Sabay na napalingon si Xyrille at Fern sa kanya. Halos abot hanggang tenga ang
ngiti nang mga ito.

"Andyan ka pala Lexine! Yung bagong student ang tinutukoy ko" kinikilig pang sagot
ni Xyrille.

Napakunot ang noo niya sa inaakto ng mga kaibigan niya. "New student? Tumatangap
pa sila kahit midterm na?"

"Oo nga e. Siguro may connection siya dito kaya nakapag enroll pa rin siya kahit
medyo late na siya." sagot naman ni Fern.

Lalo tuloy siyang nacurious kung sino ba talaga ang bagong student na ito. Anung
mayroon sa kanya kaya't ganoon na lamang siya pagkaguluhan nang mga istudyante sa
college nila?

Pinagmasdan niya ang pulong na iyon. Halos puro babae pala at may iilang galing sa
ibang federasyon na halos magkandahaba ang leeg kakasilip sa maliit na glass window
nang pintuan nang deans office.

Mula sa kinatatayuan niya'y halos wala na siyang makita. Paano'y natatabunan na


nang mga ulo nila.

Curious pa naman sana siya sa itsura nang new student nang biglang may humigit sa
braso niya.

"Hey! I've been calling you kanina pa, kaya ka pala hindi sumasagot dahil andito
ka lang anung meron?" ani Ansell na napakunot din ang noo nang makita ang mga
nagkakagulong istudyante.
Napakibit balikat siya. "May new student daw"

Tumaas lang ang isang kilay nito at saglit na lumingon sa glass window. Base sa
kinikilos nito e mukhang na curious din ito kung sino ang new student at kung bakit
ito pinagkakaguluhan nang mga babae.

Dahil abala ang lahat wala man lang nakapansin na dumating si Ansell.

Usually kasi ay automatic na may bumabati dito o kaya'y nagpapa picture na mga
followers and fans nito sa school tuwing nakikita si Ansell. Pero dahil sa "new
student" na ito. First time na walang nakapansin sa kanya.

Basang basa ni Lexine sa mukha nang bestfriend niya ang pagkairita. Tumikhim ito
nang malakas na tila sinasadyang kunin ang atensyon nang iba.

May tatlong babaeng napalingon sa gawi nila. Nagliwanag ang mukha ng mga ito nang
makita si Ansell na sumimple pa nang paghagod nang buhok niya na akala mo nasa
commercial nang head and shoulder.

"Hi Ansell!" sabay sabay na bati nang tatlo.

Kunwari naman na hindi agad napansin ni Ansell ang tatlo. Ngumiti ito nang
signature close up smile nito sabay bati pabalik sa kanila.

"Oh, hi girls!"

Halos mabingi siya sa tilian nang mga babae. Dahil sa ingay ay napalingon na rin
ang iba sa likuran kung saan pinagkakaguluhan na si Ansell nang tatlong babae na
panay ang papicture sa kanya.

Nagsitilian na ang karamihan hanggang sa dinumog na si Ansell. Kaliwa't kanan ang


nagpapapicture at nakikipag beso pa kay Ansell. Para itong si Daniel Padilla kung
pagkaguluhan at tilian.

Dahil sa nagkakagulo na sila halos matulak na siya kaya't napilitan siyang umatras
at lumayo nang bahagya.

Nailing na lang siya sa bestfriend niya. Kahit kelan napaka famewhore talaga nito.

Dahil OP na siya at napatingin siya sa wrist watch niya at nakitang magsisimula na


ang klase niya at naisipan na niyang umalis.

"Bye Ansell papasok nako!" sigaw niya dito na agad namang lumingon sa gawi niya.
"Hey! Lexi wait!" tinaas nito ang kamay para pigilan marahil siya subalit dahil sa
dami nang tao ay hindi agad ito nakaalis. Halos mapunit pa ang suot nitong polo
dahil hinahatak pa siya nang mga babae.

Natawa at nailing na lang siya sa itsura nang kaibigan at saka ito iniwanan.

PAGKATAPOS nang tatlong subject niya ay agad dumiretso si Lexine sa library upang
kumuha nang resources para sa ginagawa niyang term paper sa history class.

Agad siyang dumiretso sa history section at inisa isa ang mga librong nakahilera sa
bookshelf. Habang abala siya sa paghahanap ay biglang may ingay na nangaling sa
likuran niya.

Paglingon niya'y nakita niyang nakakalat na sa sahig ang ilang libro. Kunot noong
nilingon niya ang paligid. Wala naman ibang tao ang nandoon kundi siya lamang.
Paanong nalaglag ang mga libro?

Kahit nagtataka'y pinulot niya pa rin ang mga ito. Pagtayo niya upang ilagay sana
ito sa bookshelf ay bigla siyang nakaamoy nang kakaiba ngunit pamilyar na amoy.

Pinaghalong amoy nang pulbo at mint. Malamig ito sa ilong.

Parang nakaramdam siya nang nostalgia. Sinasabi na nga ba niya at hindi guni-guni
ang lahat dahil talagang naamoy na niya noon ang ganoong bango. Katulad na katulad
ito nang amoy nang puting balahibo na nasa kwarto niya.

Para siyang kinilabutan na hindi niya maintindihan. Saan nangagaling ang amoy?
Anung ibig sabihin niyon?

Ginala niya ang paningin sa paligid. Bukod sa mga bookshelves at libro. Malalayo na
sa kanya ang mga istudyanteng tahimik na nagbabasa sa mga lamesa sa tabi.

"Mag iingat ka nandito lang siya sa paligid"

Halos mapatalon sa takot si Lexine nang biglang hinawakan siya sa braso nang
matandang babae na tantya niya'y nasa early fifties ang edad.

Hindi niya alam ang pangalan nito pero nakilala niya ito bilang librarian ng school
nila.

"A-anu po yun?" kinakabahang tanong niya.

May kakaiba sa kinikilos nito. Diretso lang ang mga mata nitong nakatingin sa kanya
subalit tila wala iyong kislap at hindi kumukurap.
Mas humigpit ang pagkakakapit nito sa braso niya. Inilapit pa nito nang husto ang
mukha sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya nang maamoy niya mula mismo sa matanda ang amoy nang
pulbos na malamig sa ilong.

Hindi siya maaring magkamali. Ito mismo ang naamoy niya.

"Nandito lang siya sa paligid kaya't mag iingat ka... hindi ka niya titigilan
hanggang hindi ka niya nakukuha" magaspang ang paos nitong boses.

Nagsitayuan lahat nang balahibo niya sa katawan. Binalot nang matinding takot ang
buo niyang pagkatao. Wala siyang maintindihan sa inaakto nito o kinikilos nito pero
isa lang ang alam niya.

Natatakot siya.

"Hindi ko po alam kung anung sinasabi niyo... " nangininig niyang sabi.

Pero tila isa wala ito sa sarili. Bumubuka lang ang bibig nito at paulit ulit ang
mga salitang namumutawi sa labi nito.

"Nandirito lang siya sa tabi.. nandirito lang siya... nandirito lang siya..."

Paulit ulit na sabi nang matanda.

Napailing si Lexine. Wala siyang ideya sa sinasabi nito. Binawi niya ang braso mula
sa matanda.

"Sorry po pero hindi ko alam kung anung sinasabi niyo.. " aniya bago tuluyang
nilisan ang lugar.

Narinig niya pa rin ang patuloy na pagsasalita nito na parang isang sirang plaka
pero hindi na siya nag abala bang lingunin ito at mabilis na hinakbang ang mga paa
palayo.

Dahil sa labis na pagmamadali hindi nakita ni Lexine ang dinadaanan niya. Nabanga
siya sa isang matigas na bulto. Napasigaw siya sa gulat pero mabilis ring nawala
ang takot niya nang makilalang kung sino ang nasa harapan niya.

"A-ansell.. "
Kitang kita sa mukha nang bestfriend niya ang pagtataka. "Anung nangyari sayo?
Bakit namumutla ka? May nangyari ba?" alalang nilapitan siya nito.

Umiling iling siya. Kinalma niya ang sarili at pinilit na inisip na walang ibang
ibig sabihin ang kinilos at mga sinabi nang matandang librarian.

Baka may sayad lang talaga iyon. Tama, wag kang magpanic. Wala yun ibig sabihin.

"W-wala.. Can we please go home na lang medyo m-masakit kasi yung ulo ko"
pagdadahilan niya. Hinawakan niya pa ang sintido.

Magaang hinawakan ni Ansell ang dalawang braso niya. "Okay, just wait for me in the
car may kukunin lang ako sa locker" habilin nito.

"Okay"

Sabay silang naglakad patungong parking lot. Hinatid muna siya ni Ansell hanggang
sa loob nang sasakyan nito bago muling bumalik sa loob nang campus upang kunin ang
gamit.

Pinilit kinalma ni Lexine ang sarili.

"Walang kaugnayan kay Night ang sinasabi niya, imposible yun. Relax ka lang
Lexine wag mo na yun isipin" paulit ulit niyang kausap sa sarili.

Nagulat siya nang biglang may kamay na kumalampag sa gilid nang bintana.

Nakita niya si Xyrille na kumakaway mula sa labas at sumesenyas.

Napabuntong hininga siya nang mabigat bago binaba ang bintana nang kotse. Malaki
ang ngiti ni Xyrille nang magsalita ito.

"Lexine! Uuwi ka na ba?" tanong nito.

"Yes, bakit?"

Para itong kiti kiti dahil tila hindi ito mapakali. Panay ang sulyap nito sa
kabilang side nang parking lot.

"Ayun yung new student na sinasabi ko sayo! Tignan mo ayun siya sobrang gwapo niya
talaga girl!" kinikilig ito sabay turo sa kabilang side.

Agad naman siyang napalingon sa parteng tinuturo nito. Natanaw niya ang pulong
nang mga istudyanteng may pinagkakaguluhan.

Sino ba talaga ang new student na ito at bakit tila biglang nagkaroon ito nang
fansclub sa school nila?

Naaninag niya ang tila pamilyar na itim na leather jacket na may hood. Nakasuot
nang hood ang bagong istudyante.

Bigla siyang nakaramdam nang hindi maganda. Natarantang binuksan niya ang pinto at
dahan-dahang hinakbang ang mga paa palapit sa kinaroroonan nang mga ito.

Mula sa ingay at kaguluhan nang pulong na iyon unti-unti niyang natanaw ang kabuuan
nang taong nasa gitna niyon.

Nahigit niya ang sariling hininga nang matanaw niya ang itim na leather jacket hood
na suot nito, itim na pantalon at itim na boots. Nakasuot ito nang shades subalit
hindi iyon naging hadlang para makilala niya kung sino ang lalaki.

Para siyang nabuhusan nang malamig na tubig na maraming yelo. Deeg niya pa ang na
ice bucket challenge sa biglang paninigas nang buo niyang katawan.

"Ang gwapo niya talaga girl para siyang hindi tao sobrang perfect ng mukha niya.
Nakita ko nga siya nang malapitan kaninang umaga sa parking lot e, naku! sobrang
kinis nang mukha niya, walang ka pores-pores mas makinis pa sakin.. "

Wala na siyang naintindihan pa sa mga sumunod na sinabi ni Xyrille sa tabi niya.


Parang literal na huminto ang oras sa paligid.

Lumingon sa kanya ang lalaki. Dahan-dahan nitong hinubad ang suot na shades.
Ngumisi ito at kahit malayo at kahit hindi niya narinig kung anuman ang sinabi
nito. Nabasa niya sa pagbuka nang bibig nito ang mga katagang..

"Hi cupcake!"

Pakiramdam niya'y hinigop ang kaluluwa niya sa ibang dimensyon. Kung pwede lang
sanang magising na sa bangungot na ito matagal na niyang ginawa.

=================

V.2 : Chapter Twelve

Chapter Twelve : The stranger in her dreams

"GIRL OKAY ka lang? Natulala ka na dyan!" biglang kinalabit ni Xyrille ang tila
naestatwang si Lexine.

Saka lang bumalik sa realidad si Lexine at napalingon dito.

"Bakit bigla kang namutla okay ka lang girl? Sa sobrang hotness at ka gwapuhan ni
new student nagkasakit ka na bigla" panunukso pa nito.

Wala itong ka ide-ideya na ang kinakikiligang lalaki nito ay mapanganib at kampon


nang kadiliman.

Gusto sana iyon isatinig ni Lexine pero pinigilan niya ang sarili.

Wala siyang maisagot dito. Parang bigla kasi siyang nawalan nang hangin sa biglang
paninikip nang dibdib niya.

Tumagal nang kaunti ang pagtitigan nila ni Night. Tila wala itong pakielam kahit
pinagkakaguluhan na ito nang mga babae na nakapalibot sa kanya habang naglalakad
ito papalapit sa kanila. Lalo siyang dinumbol nang kaba.

Tanging sa kanya lang nakadikit ang mga mata nitong malalim kung makatingin.

"Ay girl papalapit siya dito omigosh!" panay naman ang tili nang katabi niya.

Gusto na niyang tumakbo ngayon papasok nang kotse at umalis na sa lugar na iyon.
Ayaw na niyang muling makalapit pa sa kanya si Night. Pero parang pinako ang mga
paa niya sa kinatatayuan at nanigas doon sa ilalim nang mga titig nito habang
papalapit sa kanila.

Ilang hakbang na lang ang layo ni Night nang biglang dumating si Ansell. Naputol
ang pagtitigan nilang dalawa. Natuon ang mga mata ni Night sa kaibigan niya na
ngayon ay huminto na sa kanyang harapan at humarang sa tanawin niya sa lalaki.

"Sorry to keep you waiting baby, lets go?" agad nitong sabi sa kanya. Hinawakan pa
nito ang bewang niya upang alalayan siya patungo sa sasakyan nito.

Kitang kita niya ang biglang pagtalim nang mga titig ni Night sa kamay ni Ansell na
nasa bewang niya. Mas lalo siyang nakaramdam nang pagpapanic.

Bakit ganoon ito makatitig?

Nagpaalam siya kay Xyrille at sumama na kay Ansell patungong sasakyan. Pinagbuksan
pa siya nito nang pinto at saka mabilis na umikot patungong drivers seat.

Dahil tulala pa rin siya kay Night na hanggang ngayon ay nakatingin sa kanya
nakalimutan na niyang mag seatbelt kaya naman si Ansell pa ang nagkabit niyon.

"Hey put your seatbelt on.."

Dahil inaabot ni Ansell ang seatbelt niya kinailangan nitong dumikit nang husto sa
katawan niya. Halos niyayakap na siya nito sa posisyon nila.

Pansamantala siyang nadistract at napatingin sa mukha ni Ansell na ngayo'y


kadangkal na lang ang distansya mula sa kanya.

Nginitian pa siya nito at kinindatan nang bigla silang nakarinig nang malakas na
pagsabog sabay nang pag galaw nang sasakyan. Napalayo ito sa kanya at napalingon sa
labas.

Natarantang bumaba nang kotse si Ansell.

"What the fuck?" narinig niyang malakas nitong sigaw habang nakatingin sa bandang
ibaba ng kotse.

Napilitan siyang bumaba na rin upang tignan kung anung nangyari.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may butas na malaki ang gulong sa harapan
nang dilaw na hyundai genesis ni Ansell. Umuusok pa ito na tila may nagpasabog doon
na kung anung hindi maipaliwanag na bagay.

Napasabunot na lang sa buhok si Ansell sabay hugot sa cellphone nito at dial nang
numero marahil upang magpatawag nang tulong.

Halos lahat nang atensyon ay nasa kanila na. Ang mga babae sa paligid ni Night ay
nagtataka rin sa nangyari. Si Xyrille naman ay nanlalaki ang mga mata sa gulat.
Nagpalipat lipat ang tingin nito sa gulong na bigla na lang sumabog at sa kanya.

Napalingon siya kay Night. Nakangisi na ulit ito. Tinaasan siya nito nang kilay
nginisian bago ito naglakad palayo. Sinundan niya ito nang tingin at nakitang
sumakay ito sa isang itim na R8 Audi Coupe.

Kahit wala itong sinabi alam niyang ito ang may kagagawan nang biglang pagsabog
nang gulong.

Kasabay nang takot niya rito ay ang pagkairita at pagkainis sa kapilyuhan nito.
Hindi niya mabasa kung anung nasa isip ni Night. At ngayong nasa malapit lang ito'y
mas lalo siyang hindi mapapalagay.

Kahit anung oras ay nasa bingid nang panganib ang kanyang buhay. Sa mga kamay nang
lalaking nagtatago sa itim nitong leather jacket at hood.
SUNUD SUNUD na katok ang umalingawngaw sa buong kwarto. Mabilis na tinago ni Lexine
ang hawak na puting balahibo sa ilalim nang unan. Pinulot niya ang libro sa kama at
nagkunwaring nagrereview.

"Pasok!" sigaw niya.

Bumukas iyon at ang nakangiting mukha ni Belle ang bumungad sa kanya may hawak
itong tray nang pagkain. Makintab at gliterry ang suot nitong pink cat headband.
Kulay dark blue ang fake eyelashes na nakadikit sa naka smokey eye nitong mga mata.

"Hinatiran na kita nang dinner kasi mukhang nag fa-fasting ka dyan kahit hindi
naman holy week" pilyang sabi nito nang makalapit sa kanya. Nilapag nito ang tray
sa side table.

Naamoy niya agad ang tuna salad at mashed potato na may ternong pineapple juice.

Nagpasalamat siya dito. Umupo naman sa tabi gilid nang kama si Belle at tumabi sa
kanya.

"Friend nung isang araw pa kita napapansin parang lagi kang lutang. Aminin mo nga
sakin nag dru-drugs ka na ba ngayon?"

Halos maibuga ni Lexine ang iniinom na pineapple juice sa kaibigan. Natatawang


binalingan niya ito.

"Anu bang sinasabi mo dyan! Hindi ako nag dru-drugs no!" tangi niya.

Tumulis ang nguso nitong nakalipstick nang purple. "Eh bakit nga parang lagi kang
nasa planet pluto nitong mga nakaraan? Minsan naabutan kitang tuleley.. May
problema ka ba? Pwede mong i-chika sa akin para gumaan gaan naman yang dinadala mo
sa dibdib mo" tinuro pa nito ang dibdib niya.

Na touch siya sa pinakitang concern ni Belle. Bata pa lang sila'y malapit na talaga
sila sa isat isa. Never niya itong tinuring na katulong o ibang tao. Sa katunayan
ay parang kapatid na ang trato niya rito.

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba kay Belle ang lahat nang
kababalaghang pinagdadaanan niya ngayon. Sa huli'y napagpasyahan niyang magtanong
dito nang ilang bagay.

"Belle, panu kung muntik ka na palang mamatay noon pero nabigyan ka lang nang
second life?"

Kumunot nang husto ang noo ng kaibigan niya sa kanya. "Second life?"
"Oo second life.."

Kahit na we-weirduhan sa pagtatanong niya'y saglit itong nag isip nang maisasagot
sa kanya.

"Edi magiging thankful ako kasi nabuhay ako for the second time.. Na hindi pa rin
ako kinuha ni Lord" maya maya'y sagot nito.

Bumagsak ang balikat niya. Kung sana ay kinuha na lang siya agad ni Lord noon edi
hindi sana siya namomoblema ngayon.

"Paano kung may kapalit Belle?" muli niyang tanong.

"Anu namang kapalit?"

Binaba niya ang hawak na pineapple juice at hinarap ito. Tinignan niya ng mabuti sa
mga mata ang kaibigan. Ngayon niya lang napansin na naka suot pala ito nang blue na
contact lense.

"Paano kung buhay at kaluluwa mo pala ang kapalit sa second life na binigay sayo?
Panu kung dumating yung panahon at sisingilin na sayo yung inutang mong buhay?
Anung gagawin mo?"

Saglit na nakipagtitigan sa kanya si Belle bago tumayo na tila naalibadbaran sa


kanya.

"Friend ang lakas na nang tama mo ah! Anu ba kasing hinithit mo rugby? E mukhang
high na high ka sa lakas nang trip mo ngayong gabi!"

Napayuko siya at napailing. Natural na hindi iyon masasagot ni Belle dahil hindi
naman ito ang nakaranas nang muntik na kamatayan noon at mas lalong hindi nito
maiintindihan ang mga ganoong bagay.

"Sira ka talaga wala nga sabi. Sige na thank you dito sa dinner matulog ka na"

"Okay tawagin mo lang ako pag may kailangan ka. At please lang wag mo na ulit ako
tatanungin nang ganyan kinikilabutan ako e" anito lukot na lukot ang mukha.

Umalis na ito at naiwan siyang mag isa. Natapos niya ang hapunan at pinilit na
makatulog. Muli niyang kinuha ang balahibo sa ilalim nang unan niya.

Pinagmasdan niya iyon at inamoy amoy. Ganoon na ganoon talaga ang amoy nito at nang
matandang librarian sa school nila kanina. Ang ipinagtataka ni Lexine ay kung bakit
iisa ang amoy nila at paano nalaman ng matandang iyon ang tungkol sa pagdating ni
Night sa school nila.

Muli niyang naalala ang estranghero sa kanyang panaginip. Baka may maibigay itong
sagot sa mga katanungan niya.

Humiga siya at nilapat niya sa dibdib ang dalawang palad kasama ang balahibo.

"Please magpakita ka sakin ngayong gabi. Marami akong gustong itanong sayo... gusto
kitang makita at makausap" bulong niya bago siya pumikit. Di nagtagal at mabilis
siyang nakatulog.

NAMULAT SI LEXINE sa pamilyar na paraiso sa kanyang panaginip. Umaalingasaw na


naman ang amoy nang pulbo na malamig sa kanyang ilong. Hinanap niya ang malaking
puno na may gintong mga dahon. Doon niya natagpuan ang lalaki.

Tahimik itong nakatayo sa harap nang puno na tila inaantay ang pagdating niya. Ang
pamilyar nitong likod na may dalawang malaking peklat ang sumalubong sa kanya.

"Please sabihin mo naman sakin kung sino ka. Kung anung alam mo tungkol kay Night
at sa sumpang nag uugnay saming dalawa" lakas loob niyang sabi sa lalaki.

Bahagyang lumingon ito sa kanya.

Ang matangos na ilong at perpektong panga nito ang nakita niya. At tanging kalahati
lamang nang mukha nito.

"Please... gusto kong malaman kung sino ka ba talaga... ang sabi mo pro-protektahan
mo ako laban sa kanya. If that's true then please show me who you really are so I
can trust you!"

Ilang saglit na hindi ito umimik. Bago ito dahan-dahan na pumihit paharap sa kanya.
Tuluyan na niyang nasilayan ang mukha nito at ang katawan nitong tila inukit sa
sobrang pagkaperpekto. Tanging puting pantalon lang ang suot nito. Para itong isang
anghel na nahulog sa lupa.

Napaka ganda nang hugis nang mga panga nito. Maitim ang mga mata at makapal ang mga
kilay. Matulis ang kanyang ilong at napaka amo nang mga tingin. Pakiramdam niya'y
nasisilaw siya sa angkin nitong kakisigan at kagwapuhan.

Unti-unting lumapit sa kanya ang lalaki. Nang makalapit ay agad itong lumuhod sa
kanyang harapan gamit ang isang tuhod. Kinuha nito ang isang kamay niya at dampi
iyong hinalikan. Nakaramdam siya nang matinding kiliti na gumapang sa buo niyang
katawan.

Nag angat ito nang tingin sa kanya habang hindi pa rin binibitawan ang kanyang
kamay.

"Ang pangalan ko'y Cael. Pinadala ako upang protektahan ka laban sa prinsipe nang
kadiliman Alexine. Nandirito ako upang ipagtangol ka laban sa kasamaan na nais kang
saktan.."

Napabuka ang bibig niya subalit walang lumabas doon.

Protektahan siya? Pero bakit? Sino ba talaga ang lalaking ito at anu naman ang
kakayahan nito upang maprotektahan siya? Totoo ba ang lahat nang ito o gawa gawa
lang nang malikot niyang imahinasyon?

Hindi kaya panaginip lang ang lahat?

"Totoo ang lahat nang sinasabi ko Alexine. Hindi lamang ito basta isang panaginip"
anito na ikinabigla niya.

Nababasa nito maging ang iniisip niya!

"P-pero bakit? Hindi ko maintindihan lahat nang nangyayari sakin ngayon. Kung totoo
ang sinasabi mo bakit ka pinadala para protektahan ako? Bakit Cael? Sino ang
nagpadala sayo at bakit sa panaginip lang kita pwedeng makita at makausap?"

Tumayo si Cael at binitiwan ang kamay niya.

"May tamang panahon para sa mga katanungan mo Alexine...Ang katulad ko'y hindi
binuo na gamit nang mga putik. Hindi kami katulad niyong mga nilalang at hindi kami
nabibilang sa inyong mundo." sagot nito. Napaka baritono nang boses nito sa
kanyang pandinig.

"Sa ngayon ay sa panaginip lamang kita maaring makausap.."

Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Gulong gulo siya. "Wala akong
maintindihan sa mga sinasabi mo, panu mo ako mapro-protektahan sa kanya kung
gayon?"

Ngumiti lamang ito. Inangat nito ang isang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi.
Tinitigan siya nito sa mga mata. Nakakapagtakang may kung anung init siyang
naramdaman sa ilalim nang mga titig nito.

Bakit tila may kakaiba sa uri nang pagtingin nito sa kanya. Tila...madamdamin?

"Lahat nang bagay ay may paraan Alexine. Basta't pakatatandaan mo na palagi akong
nandirito upang protektahan ka. Hinding hindi kita pababayaan..."
Nagising si Lexine na hawak hawak pa rin ang balahibo sa kanyang dibdib. Napahawak
siya sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya'y nandoon pa rin ang mga marka nang palad
ni Cael.

Una ay isang prinsipe na nangaling sa kung saang ilalim na parte nang mundo ang
nais siyang bawiin at kunin. Ngayon naman ay isang kakaibang nilalang na naman ang
pumasok sa buhay niya at nagsasabing handa siyang protektahan laban sa masamang
balak ni Night.

Anu pa bang kababalaghan ang dapat niyang harapin? Hindi na alam ni Lexine ang mga
kasagutan. Basta't ang nasisiguro niya ngayon ay hindi na siya nag iisa sa labang
ito. Ang mahalaga'y nakatagpo na siya nang pag asa na maaring matakasan niya si
Night at ang mga halik nito na maaaring papatay sa kanya.

=================

V.2 : Chapter Thirteen

Chapter Thirteen : Possessiveness

KINABUKASAN ay kabadong pumasok nang school si Lexine. Naisin man niyang huwag na
muna pumasok, alam niyang hindi iyon ang solusyon sa problema niya. Kapag dumami
ang absences niya lalo lang madagdagagan ang iintindihin niya.

Pakiramdam niya'y may mga matang nagmamasid sa bawat kinikilos niya. Hindi naman
niya nakikita si Night sa paligid subalit ang kakaibang presensya nito ang ayaw
magpatahimik nang sistema niya.

Agad siyang binati nila Xyrille at Fern pagpasok niya sa Theology class nila.

"Late ka ata ngayon Lexine, hindi ka umattend nang Taxation kanina" tanong ni Fern.

Dahil sa panaginip niya kagabi at tungkol sa mga isinawalat sa kanya ni Cael ay


hindi na muli siya dinalaw pa nang antok. Kaya naman tinanghali na siya at hindi
nakapasok sa morning class niya.

"Ah.. Masakit kasi yung puson ko" pagdadahilan na lang niya sa mga ito.

Nagkwentuhan pa silang tatlo tungkol sa mga assignment at special projects nila sa


ibang subjects. Ilang sandali ang lumipas nang dumating na ang professor nila na si
Mr. Hernandez.

"Okay class open your book to page.. "


Mabilis na nagsimula ang klase nila at dire-diretso lang ang pagtuturo ni Mr.
Hernandez. Nasa kalagitnaan sila nang discussions at halos kalahati nang klase nila
ay kung hindi natutulog ay abala sa mga cellphone o kung anu-anung
pinagkakaabalahan upang pampalipas oras.

Bukod kasi sa tila inaantok na boses nang professor nila. Ang tinuturo nito mismo
ay nakaka antok rin.

"And the people was amazed when Christ healed the man-" naputol ang pagsasalita
nito nang biglang kumalampag ang pintuan nang classroom nila.

Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pintuan. Dire-diretsong pumasok doon ang


lalaking naka itim na leather hood jacket.

Labis ang pagkagulat at kaba ni Lexine.

Night..

Hindi kaagad naka recover si Mr. Hernandez sa pagkagulat nito sa biglang pagdating
ng lalaki. Napansin niya rin ang kakaibang lagkit nang mga tingin nang mga kaklase
niyang babae kay Night. Nagbubulugan pa ang mga ito at hindi maitago ang kilig.

Aroganteng tumayo lang doon si Night at padabog na nilapag ang isang piraso nang
papel na sa tingin niya ay ang enrollment form sa ibabaw nang lamesa bago ito dire-
diretsong lumakad patungo sa bakanteng upuan sa mismong likuran niya.

Halos hindi siya gumgaalaw at humihinga lalo na at ramdam na ramdam niya ang mainit
na tingin nito sa kanyang likuran.

"Mr..." tila noon lang nakapagsalita si Mr. Hernandez. Pasimpleng sinilip nito ang
papel. "Fuerdo, Night"

Nagsitilian naman bigla ang mga kaklase niya matapos bangitin ang buong pangalan ng
lalaki. Deeg pa nang mga ito ang mga die hard fan nang Kathniel at Jadine sa
sobrang pagwawala.

Tumikhim si Mr. Hernandez upang patahimikin ang lahat. Bahagya nitong inadjust ang
suot na eyeglasses at lumakad palapit sa kinauupan ni Night.

Hindi napigilan ni Lexine na silipin ito sa likuran niya. Tama nga ang instinct
niya dahil nang paglingon niya'y agad nagtama ang mga mata nila. Kampanteng nakaupo
lang ito at nakahalukipkip. Nilalaro laro nang daliri nito ang labi at mapang akit
na tumitingin sa kanya.

Shit!
Ayaw man niyang aminin pero hindi talaga maittangi ang nagmumurang sex appeal nang
demonyong ito.

Naramdaman niyang huminto sa gilid niya si Mr. Hernandez. Nakataas ang kilay nito
habang nakatingin kay Night na tila walang pakielam at nakatitig lang sa kanya.

Hindi niya tuloy napigilan ang biglang pag iinit nang sariling mukha. Ikaw ba naman
ang titigan nang demonyo?

Demonyong ubod nang gwapo.

"Mr. Fuerdo, I dont know who you are and I don't give a care to know. But you are
already one term late in my class. Anu ka VIP? Super late enrollee at basta basta
ka na lang papasok nang klase ko? Nasaan ang excuse letter mo? At bakit pumasok ka
pa gayong midterm na!"

Mahabang sermon nito na nagpahatamik sa lahat nang nangyayaring kaguluhan sa loob


nang kwarto.

Napalunok nang di oras si Lexine dahil sa tensyon na namagitan sa classroom. Hindi


pa rin bumibitiw nang tingin si Night sa kanya at naiirita na siya lalo na sa
ginagawa nitong paglalaro sa labi nito.

Fuck that lips! Urgh.

"I am talking to you Mr. Fuerdo!" lumakas ang boses ni Mr. Hernandez.

Iritang bumaling nang tingin si Night sa matandang professor. At kitang kita mismo
ni Lexine kung paano biglang nag iba ang kulay nang mga mata ni Night.

Mula sa brown nitong mga mata'y naging grayish white iyon.

Hindi siya sigurado kung siya lang ba ang nakapansin noon pero bigla na lang nag
iba ang mood ni Mr. Fuerdo. Mula sa mabagsik nitong anyo ay bigla itong tila naging
maamong tupa.

"Okay, I will excuse you for today but next time I won't accept any late comers in
my class" anito na tila walang nangyari at saka dire-diretsong bumalik sa pwesto
nito sa harapan.

Napangangang nagpabalik balik ang tingin niya kay Mr. Hernandez at sa lalaking nasa
likuran niya na ngayon ay muli na namang nakatingin sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili na hindi ito komprontahin.


"Anung ginawa mo kay Mr. Hernandez? Kitang kita ko yang mata-" naputol ang
pagsasalita niya nang bigla itong tumuwid nang upo at nilapit ang mukha nito sa
kanya.

Nahigit niya ang hininga lalo na't ilang pulgada na lang ang agwat nila.

"Shhh your filthy mouth cupcake. I don't like noisy girls FYI" bulong nito sa tenga
niya.

Kinilabutan na naman siya. Lalo na't kumindat pa ito.

"Kung ayaw mong maingay ako huwag kang gumawa nang masasamang bagay" aniya't hindi
nagpatalo.

Ngumisi ito. Naiinis talaga siya sa mga ngisi nitong nakakaloko.

"I didn't do anything wrong. Di ko naman siya sinaktan or something. I just shut
his mouth. Sabi ko nga, ayoko nang maingay"

Nakuyom niya ang palad sa ibabaw nang lamesa niya. Alam niyang may hindi ito
magandang binabalak kung bakit ito ngayon nandito sa school nila.

Pilyo talaga ito at gusto pa nitong makipag laro sa kanya. Sa larong ayaw niyang
pasukin.

"Kung anuman ang pinaplano mo at kung bakit mo ako sinundan dito hindi kita
hahayaang saktan ako o ang mga kaibigan ko" matigas niyang sabi.

Alam niyang pinagtitinginan na sila nang ilan niyang mga kaklase dahil sa malapit
nilang pag uusap pero wala na siyang pakielam.

Ngumuso ni Night sa kanya. Ginalaw galaw nito ang hintuturo na tila sinasabing mali
siya.

"Masama na bang mag aral ngayon cupcake? Is that how bad you think of me? Awww..
Ang harsh mo naman!" hinawakan pa nito ang dibdib at nagdrama.

Lalo siyang nairita sa kausap.

"Hindi mo ko mapapaikot Night!" gigil niyang sambit.

Ngumisi lang sa kanya si Night at hindi na sumagot pa. Tinignan niya ito nang
matalim bago iniwas ang tingin at binalik ang atensyon sa harap nang blackboard.

Buong klase lang siyang nakatingin sa harapan habang ramdam na ramdam niya ang
bigat nang mga titig ni Night sa kanyang likuran.

NAGMAMADALING naglalakad si Lexine sa corridor nang biglang may humigit nang braso
niya. Pwersadong sinandal siya nito sa locker na nasa gilid. Halos mapa aray siya
sa sakit nang impact sa likuran niya.

Natarantang ginala niya ang paningin sa paligid upang humingi nang tulong pero
nabigo siya nang mapagtantong walang ibang tao doon kundi silang dalawa lamang.

"Miss me?" mapang akit na bulong sa kanya ni Night.

Tinignan niya ito nang masama. At kahit nakaka distract ang kagwapuhan nitong
malapitan niya ngayong nasisilayan ay pinilit niyang huwag magpaapekto at magtapang
tapangan.

"Feeling mo naman!" singhal niya.

Natawa si Night sa kanya. Parang bata ito kung makahagikgik.

Inangat nito ang isang kamay at hinawakan siya sa baba. Inangat nito ang mukha
niya at mas lalo namang binaba ang mukha nito.

Halos magrambulan ang lahat nang alaga niya sa tyan sa kakaibang pinaparamdam ni
Night sa kanya. Alam niya. Inaakit siya nito at naiinis siya sa sarili dahil
naapektuhan siya sa kapilyuhan nito.

Kadangkal na lang ang pagitan nang mga labi nila at nararamdaman na niya ang mainit
nitong hininga.

"I didn't know your such a naughty naughty girl cupcake..."

Kumunot ang noo niya. "Anung bant pinagsasabi mo?"

Umiling at pumatalak ito. " I already told you before that I have your precious
soul in my hands. I have your life, I have your body, I have you!" diin nito sa
huling salita.

"Hindi mo ako pag aari!" giit niya.

Umiling iling ito. Binitiwan nito ang baba niya at dumantay lalo sa dingding gamit
ang isang kamay. Lalo siyang naipit dito.
Nilaro laro nito ang dulo nang hibla nang kulot niyang buhok.

Inamoy amoy pa nito iyon na lalong nagpatindig sa kanyang balahibo.

This devil is too sexy to handle.

"You can deny all you want my little cupcake. But you cannot undo your destiny.
Your soul are tied to mine. You are mine whether you like it.. Or you like it."
bulong nito sabay kagat sa labi nito. Napalunok siya nang laway at nararamdaman
niya ang pag iinit nang buo niyang mukha.

"The truth is on your hands..."

Tinuro nang mga mata nito ang kanyang dalawang kamay na nasa magkabila niyang
gilid. Takang inangat niya ang dalawang kamay at nagulat sa kanyang nasaksihan.

Nakatali sa magkabila niyang pulsuhan ang isang itim at mahiwagang lubid na nag
uugnay sa kanya at sa demonyong kaharap. Ang dulo nang dalawang tali ay nakabuhol
naman sa mga daliri ni Night sa dalawang kamay na tila isa itong puppeter at siya
ang puppet nito.

Hindi siya makapaniwala. Saan nangaling ang taling iyon? Nanlalaki ang mga mata
niya sa labis na pagkagilalas.

"See I'm telling the truth, you are tied to me...At ang pinaka ayoko sa lahat yung
shina-share ang pag aari ko sa iba.."

Makahulugang tumingin ito sa kanya. Kitang kita niya ang possessivenes sa mga mata
nito. At natatakot siyang aminin sa sarili na kayang kaya siya nitong angkinin
kahit anung paglabag nang loob niya. Masyado itong makapangyarihan at mapanganib
ano ang laban niya sa isang tulad nitong kampon nang kadiliman?

Pumasok sa isip niya si Ansell. Hindi niya alam kung bakit pero ito ang unang
sumingit sa isipan niya. Mabilis na sumagi sa alaala niya ang ginawang pagpapasabog
ni Night sa gulong nang sasakyan ni Ansell. Nangyari iyon nung magkalapit silang
dalawa dahil sa pag se-seatbelt ng bestfriend nya sa kanya.

Hindi kaya nag seselos ito?

Mali ka Lexine! Talagang makasarili at sakim lang siya!

"Kaibigan ko lang si Ansell! Wala siyang ginagawang masama sakin so please lang
huwag na huwag mo siyang idadamay dito!" nabahiran nang matinding takot ang boses
niya.
Umangat lang ang isang sulok nang bibig ni Night. "I don't give a fuck who he is! I
don't give a shit whether he's your supid driver or your friend who have lust for
you! I don't want him or any living things in this world touching you.. Keep that
in mind. Hindi mo gugustuhin magalit ako cupcake.. " nanliliit ang mga mata nitong
nagbabanta.

May pinalidad sa mga salita nito. Hindi lang basta pagbabanta. Alam niya na
talagang hindi ito magdadalawang isip na manakit nang ibang tao makuha lang gusto
nito.

At siya yun.

"I hate you..." buong gigil niyang sambit.

Hindi niya mapigilan ang sarili. Labis ang pagkamuhing nararamdaman niya ngayon sa
lalaking kaharap niya. Sinusumpa na niya ito buong buhay niya.

"Be careful on what you say my dear little cupcake...The more you hate me..."
nilapit nito ang bibig sa tenga niya. Nagsitayuan lahat nang balahibo niya sa
katawan. "The more your body scream for my name..."

Nakakalokong tumawa ito bago siya damping hinalikan sa noo. At sa pangatlong


pagkakataon napapikit na naman siya dahil sa kakaibang kiliting hatid nang mga labi
nito sa kanyang balat.

Pagmulat niya nang mga mata'y nawala na naman ito na parang isang hangin.
Nanghihinang nagpakawala siya nang mabigat na hininga. Tinignan niya ang mga kamay
at nawala na ang kaninang itim na lubid na nakatali doon.

Hindi na niya alam kung anung gagawin niya para makawala sa sumpang binigay sa
kanya nang demonyong walang ibang ginawa kundi ang akitin at pahirapan siya.

=================

V.2 : Chapter Fourteen

Chapter Fourteen : Secrets and the past

"I'M SO SORRY MS. KRISTINE!" sa hindi na mabilang na beses muling humingi nang
paumanhin si Lexine.

Mabigat na napabuntong hininga siya habang nahihiyang humarap sa ballet instructor


niya at sa mga kaklase niyang pare-parehong nagtataka kung anung nangyayari sa
kanya.
Pang pitong beses na siyang nagkakamali. Hindi nya ma perfect nang maayos ang
kanyang finale spin na siyang magiging ending nang ballet performance na sasayawin
nila sa nalalapit na National Ballet Competition na sinalihan nila. Sa susunod na
buwan na iyon kaya naman pursigido ang lahat sa pag-pra practice.

At dahil siya ang pinaka magaling sa kanilang grupo. Sa kanya ang center of
attraction at siya din ang gagawa nang finale spin na magtatapos sa performance na
hinahanda nila.

Kita niya sa maamong mukha ni Kristine na kahit nagpapasensya ito'y naiinis na rin
ito sa paulit ulit niyang kapalpakan.

"I think you should rest for a while Lexine. Magpahinga ka muna.." nagtitimping
utos nito sa kanya.

Nahihiya at humihingi nang paumanhin na binalingan niya ang mga kaklase niya. May
iilang hindi na rin maitago ang pagkairita sa kanilang mukha. Paano'y dahil sa
kapalpakan niya kanina pa sila paulit ulit.

Napayuko siya't sumunod sa utos ng instructor niya. Nanlulumong umupo siya sa gilid
nang studio at nagpunas nang pawis.

Pumalakpak si Kristine at muling pinatugtog ang song piece. "Okay from the top!
girls position!"

Tahimik na pinanood na lang niya ang pag pra-practice nang mga kaklase niya.
Napahilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha.

Hindi naman siya ganito noon. Kaya nga siya ang naging pinakamagaling na istudyante
ni Kristine dahil sa talento niya. Subalit dahil sa sunud-sunud na kababalaghan
at problemang kinakaharap niya. Nahihirapan siyang makapag focus sa ballet lalo na
sa tuwing naalala niya ang mga pagbabanta ni Night sa buhay niya.

Natapos na ang practice at nagsialisan na ang mga kaklase niya. Pinaiwan siya ni
Kristine. Nang mapag isa silang dalawa sa studio, binalot nang nakabibinging
katahimikan ang lugar.

Nilapitan niya si Kristine na abala sa pag aayos nang mga gamit nito.

"Ms. Kristine..." nahihiyang tawag niya.

Lumingon naman sa kanya agad ito. Malungkot na ngumiti ito sa kanya at sa gulat
niya'y mahigpit siyang niyakap
"What is happening to you Lexine? Alam ko na kahit hindi ka nagsasabi may mabigat
kang dinadala dyan sa dibdib mo" malambing na sabi nito at binitiwan siya.

Hinawakan nito ang dalawa niyang braso, nakikisimpatya ang mga tingin nito.

Naisip niya. Na malapit na malapit siya dito. Ito na ang naging ballet instructor
niya mula nung nagsimula siyang mag aral nang ballet.

Halos nakatatandang kapatid na nga ang turing niya dito. Hindi naiwasan nang mga
mata niya ang mamasa. Saka niya lang narealize kung gaano na nga kabigat lahat nang
dinadala niya. Wala siyang mapagsabihan. Binabalot nang buong takot ang puso niya
at wala siyang magawa kundi umiyak nang mag isa sa isang tabi.

Naalerto ito nang mapansing nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mata.

"Hey... are you alright? Lexine I'm here to listen. Kung anuman ang gusto mong
sabihin nandito ako.. Maari kang mag share sakin.." alalang himas nito sa
magkabilang braso niya.

Hindi na niya napigilan ang sarili at sumabog na siya. Natagpuan na lang niya ang
sariling humahagulgol sa balikat nito. Hinayaan siya nitong umiyak habang panay ang
paghimas at pag aassure nitong magiging okay lang ang lahat.

SA HINDI malamang dahilan sa wakas ay nagawang maglabas ni Lexine nang problema.


Hindi niya maintindihan kung bakit sa lahat nang kaibigan niya kay Kristine niya
natagpuan ang sariling naglalabas nang mga bagay na tinatago niya sa iba.

"Naniniwala po ba kayo sa mga bagay sa mundo na hindi kayang i explain nang science
o nang kahit na sino?" tanong niya kay Kristine.

Natigilan si Kristine sa pagtitimpla nang cafe latte na inorder nito. Nagpunta sila
ni Lexine sa malapit na coffee shop upang makapag usap.

Kahit nawe-weirduhan sa tanong niya ay sumagot pa rin ito pagkatapos nitong humigop
nang kape.

"I believe in science and I also believe in the bible. But if you were to ask me
about unexplainable things na posibleng meron sa mundong ito? Well... ang sagot ko
ay oo. Naniniwala ako..."

Nagliwanag ang mukha ni Lexine sa narinig na sagot nito. Sa wakas ay nakatagpo siya
nang taong maaring maniwala sa mga sasabihin niya.

"Talaga po? Kahit tungkol sa mga bagay na hindi kapani-paniwala? Naniniwala kayo?"
Tinitigan siya nitong mabuti na tila sinusuri siya. Ang maamo at napaka gandang
mukha nito. Sa totoo lang hangang hanga siya sa taglay na kagandahan ni Kristine.
Para kasi itong Dyosa sa sobrang ganda.

Makinis ang maputing balat, mabilog ang mga mata na parang sa manika. Matulis ang
ilong, mataas ang cheekbones at manipis ang mga labi na madalas bloody red sa suot
nitong lipstick.

Hindi rin halata dito ang edad nitong malapit nang mag kwarenta. Parang
nakatatandang ate niya nga lang ito.

"Lexine, there are a lot of possibilities in our life. Minsan mabuti rin na
palawakin natin ang ating pag unawa at pag iisip sa mga ibang bagay sa mundo. As
long na makita nang mismong mga mata ko. Why not? Paniniwalaan ko.." makahugang
paliwanag nito.

Napahawak nang mahigpit si Lexine sa hawak niyang coffee mug. Huminga siya nang
malalim. At hinanda niya ang sarili sa posibleng kalalabasan nang mga isisiwalat
niya.

Inisip niya nung una na makakaya niya ang lahat pero masyado nang maraming dinadala
ang dibdib niya at pakiramdam niyay sasabog na siya kung hindi pa siya maglalabas.

"What if... " natigil sa ere ang dila niya.

Kaya mo yan Lexine. Let it go, maniwala man siya o hindi ang mahalaga nailabas mo.

Saglit pa siyang nakipagtitigan kay Kristine. Nag aantay lang ang mga mata nito sa
kanya.

"What if sabihin ko pong muntik na akong mamatay noon... that this life I have now
is only a second chance.. "

Tila hindi naman nagulat si Kristine sa kanya. Ngumiti ito nang maingat. "Are you
talking about the accident that happened to you when your still thirteen? After
your birthday party?"

Natural na ang tungkol doon ang iisipin ni Kristine. Nabalita ang tungkol sa
biglang pagkawala niya nang gabi pagkatapos nang thirteenth birthday niya seven
years ago.

Dahil wala naman siyang maalala at nagising na lang na nasa ospital. Ang sinabi
lang nang lolo niya na naaksidente siya. Simula noon hindi na nila iyon pinag
usapan pa. Hindi na rin naman siya nagtanong pa tungkol doon dahil pakiramdam
niya'y nakatulog lang siya nang matagal bago siya nagising.
Iyon ang pinaniwalaan niyang nangyari for the past seven years. Pero nabago yun at
naisawalat mismo sa harapan niya kung anu talagang totoong nangyari nang gabing
iyon.

"Hindi basta simpleng aksidente lang ang nangyari sakin seven years ago Ms.
Kristine. I was shot here.." tinuro niya and dibdib. Bahagya niyang binaba ang
neckline nang suot niyang sleeveless top. Nandoon ang maliit na peklat na marka
nang tama nang baril.

Nanlaki ang mga mata ni Kristine. Of course, ngayon lang nito nalaman ang tungkol
sa peklat niya at pinangalingan nun.

"I was bleeding death that night. I was in my near last breath... but... but
someone came and saved me..."

Inangat niya ang tingin kay Kristine. Bakas sa mukha nito na nagugulat ito sa mga
sinisiwalat niya.

"That guy.. Hindi siya tao. Hindi siya ordinaryong nilalang. He's powerful, he's
fast, he's wearing weird tattoos that glows, he was always hiding in a black hood
and he kills people...he's evil!"

May kung anung bumabara sa lalamunan niya. pero kailangan niyang magpatuloy dahil
pag huminto siya baka manghina na siya at hindi na muling makapagsalita pa.

"He saved me and made me live again. But he said there was a price. That he'll come
back when the right time comes. And now... "

Nanginginig na ang mga kamay niya. Nakakatakot palang balikan ang lahat. Masyadong
mabibigat ang mga nilalabas niya pakiramdam niya nauubusan siya nang hininga.

Pinatong ni Kristine ang dalawang palad nito sa mga kamay niya upang pigilan ang
panginginig nun. Nasa mukha nito ang labis na pag aalala para sa kanya.

"And now what Lexine? What happened? Don't be afraid.. Tell me.."

Napatungo siya dito. Humugot siya nang malalim na paghinga.

"Now he's back to get that price... and that price... was me" tuluyan nang bumagsak
ang mabibigat niyang luha.

Napatakip nang bibig si Kristine. Nababahala ang itsura nito. Napapailing iling.

Hindi niya alam kung naniniwala ba ito o baka natatakot ito na kung anu nang
kabaliwan ang nangyayari sa kanya. Napaiyak na lamang siya hanggang sa maubos lahat
nang luha na mayroon siya.

MASAYANG sinalubong nang mahigpit na yakap ni Lexine ang kanyang Lolo Alejandro.
Kakarating lang nito galing airport at masayang masaya siya na nakauwi itong
ligtas.

"I missed you so much apo" nagigiliw na bulong nito sa kanya.

Bumitiw siya sa mga yakap nito at buong ngiti itong pinagmasdan. "Welcome back
lolo. Na miss din kita!"

Inalalayan niya ang lolo niya papasok nang mansion. Nagluto siya nang masasarap na
putahe para sa lunch. Pinaghandaan niya ang pagsalubong sa abuelo.

Galak na galak naman si Alejandro sa maliit na sorpresa nang kanyang apo. Likas na
malambing ito sa kanya. Marami pa silang pinag usapan tungkol sa naganap niyang
business trips habang nagsalo sa hapag.

"That's good to hear lolo" tugon ni Lexine tungkol sa kinukwento nang lolo niya. Na
closed daw nito ang deal sa Australia at napapirma niya nang kontrata ang mga
international investors nila para sa expansion nang kanilang kumpanya.

Saglit na katahimikan ang namagitan sa mag lolo. Humugot nang malalim na hininga si
Lexine. Hindi na siya mapakali at kay tagal niyang hinantay ang lolo niya para
itanong mismo dito ang isang bagay na may kaugnayan sa nakaraan niya.

"Lolo..." maingat na tawag niya.

"Yes apo?" tugon nito agad.

Humugot siya nang malalim na hininga. Kinuyom niya ang mga palad at kinagat ang
ibabang labi.

"I would like to ask you something... I hope that you will tell me nothing but the
truth" tinatantya niya ang magiging reaction nito.

Bahagyang natigilan si Alejandro.

"Yes dear and what is that?"

Nagbilang nang ilang segundo si Lexine bago naglakas loob na magsalita.

"Seven years ago, nung naaksidente ako at nagising sa hospital. Anu ba talagang
nangyari sakin nun lolo? It wasn't just a simple accident right? There is something
wrong that happened that night..."

Hindi inasahan ni Alejandro ang itatanong niya kaya't kitang kita sa mukha nito ang
labis na pagkagulat.

"A-Alexine..apo bakit mo naman biglang tinatanong ang tungkol doon? That's already
part of the past-"

"I just want to know the whole story lolo...alam ko. Nakidnap ako nang gabing yun!
The kidnappers asked for ransom right? But how did you found me? Why didn't I
remember anything nung nagising ako? Why didn't you told me the truth?" hindi na
napigilan ni Lexine ang bibig at dire-diretso na lamang lumabas sa bibig niya ang
mga katanungan na gumugulo sa kanya.

Natulala ang lolo niya. Tila hindi malaman kung paano sisimulang sagutin ang lahat.
Napailing iling si Alejandro mabigat para sa kanyang balikan pa ang gabing parte na
nang nakaraan.

"It was the scariest day of my life Alexine...it was the day I almost lost you"
lumambot ang mukha nito. Ngayon niya lang nakitang nagkaganun ang lolo niya. Never
itong nagpakitang mahina sa kanya pero ngayon para itong babasaging bagay na isang
galaw lang ay masisira na.

"Kinidnap ka nang isa sa mga dati kong trabahador sa pabrika. Malaki ang galit niya
sa akin dahil tinangal ko siya sa trabaho dahil nahuli siyang nagnanakaw. Bilang
ganti kinuha ka niya. He asked for a big amount of money kapalit mo. I was scared
and devastated that night hindi ko alam kung anung gagawin ko. Saglit na oras lang
ang palugid nila sa akin at natatakot akong kapag nahuli ako nang kahit isang
minuto'y tuluyan ka nang mawala sa akin apo. I prepared the money and went to the
place where they hide you"

"I went there alone dahil sa takot kong baka saktan ka nila kapag nagsama ako nang
mga awtoridad. But when I went there, I saw you lying in your own blood almost
lifeless. I was scared to death and I cried in pain. Akala ko patay ka na, I called
the police and we rushed you to the hospital. Nawalang parang bula ang mga
kidnappers ang sabi ng mga pulis tumakas na sila dahil nabaril ka nila at wala na
silang makukuhang pera sa akin dahil akala nila na patay ka na..."

Natahimik si Lexine sa mga kwento nang kanyang lolo. Kitang kita niya sa mga mata
nito ang takot na naranasan nito noon. Gusto sana niyang sabihin na hindi tumakas
ang mga kidnappers kundi pinatay sila ni Night. Ang lalaking dahilan kung bakit
buhay pa siya ngayon.

Pero hindi niya iyon maaring sabihin.

"It was a miracle that you survived according to the doctors. Maraming dugong
nawala sayo. You heart already stopped beating. Idineclare na nila ang time of
death mo. I almost lost my mind when I thought na wala ka na... But then same that
night you were already in the mortage when they heard you breathing again. They
checked your pulse and its still beating. You slept for a few days. At nung
nagkamalay ka na wala ka nang maalala. The doctor said its a side effect pero hindi
na ulit bumalik ang memory mo tungkol sa gabing iyon kahit lumipas na ang ilang
buwan at taon... but now.. "

Nagtatakang bumaling ito sa kanya. Alam niya kung anung gusto nitong itanong. Kung
paano niya naalala ang lahat.

"I remembered everything again lolo.."sagot niya.

Napailing ang abuelo niya. "But how Lexine?"

Naiwan sa ere ang dila niya. Sasabihin niya ba na dahil dinala siya ni Night sa
mismong gabing nangyari iyon? Na pinanuod nila ang nangyari at nasaksihan mismo
nang dalawa niyang mga mata ang kalunos lunos na eksena kung paano siya namatay at
paano muling nabuhay?

"I don't know...I just remembered the scenes in the old storage house... yun lang
ang naalala ko" tanging nasagot niya.

Tumayo si Alejandro at lumuhod sa harapan niya. hinawakan nito ang dalawa niyang
kamay at hinalikan iyon.

"I'm sorry apo for not telling you the truth. Ayoko na lang balikan ang nangyari. I
wanted to forget everything. It was too painful. I can't bear to loose you again
apo. You are my life... my everything. My little princess... "

Naluluhang niyakap niya ang kanyang lolo. Ngayon naiintindihan na niya ang lahat
nang paghihirap na pinagdaanan nito. "It's okay lolo. Tapos na iyon. I love you
lolo"

"I love you more than anything else in this world my dearest Alexine"

Piniga ang puso niya. Natatakot siya na kapag tuluyan na siyang mawala sa mundong
ito. Maiiwang luhaan at malungkot ang kanyang lolo Alejandro. Natatakot siya at nag
aalala sa maaring maging kalagayan nito.

Kitang kita niya sa mga mata nito kung gaano ito naghirap noong muntik na siyang
mamatay. Paano na kapag tuluyan na siyang kunin ni Night at ilayo sa kanyang lolo?

Hindi siya papayag. Nabuo ang isang desisyon. Na sa kahit anung paraan kahit sa
pinaka imposibleng paraan lalaban siya. Hindi niya hahayaang makuha siya ni Night.
Hindi niya ibibigay rito ang buhay at kaluluwa niya. Kailangan niyang lumaban para
sa kanyang lolo. Kailangan niyang magpakatatag para sa mga taong nagmamahal sa
kanya.
=================

V.2 : Chapter Fifteen

Chapter Fifteen : Unexpected enemy

PINANGAKO ni Alexine sa sarili niya ang tatlong bagay. Una hinding hindi na siya
magpapakitang natatakot sa harap ni Night. Pangalawa, lalaban siya dito sa kahit
anung paraan at hanggang sa makakaya niya at pangatlo...

Hinding hindi na siya magpapa apekto sa pang aakit at panunuksong ginagawa nito sa
kanya.

"Lexine! Umamin ka nga samin, anu bang meron sa inyo ni Night? Bakit feeling ko may
gusto siya sayo.." bulong sa kanya ni Xyrille.

Kasalukuyan silang kumakain sa school cafeteria.

Umikot ang dalawa niyang mga mata sa katabi. "Walang meron samin.." aniya.

Humaba ang nguso nito. "Really huh? E bakit palagi ko siyang nahuhuling nakatingin
sayo? Saka nung first day niya dito sa school yung sa parking lot? Iba yung titig
niya sayo e. Masyadong malagkit... masyadong hot!"

Panunudyo pa nito. Inemphasize pa nito ang huling salita.

"Oo nga girl. Palagi siyang kakaiba tumingin sayo..lalo na sa theology class natin
kay Mr. Hernandez. Natatapos ang buong klase na nakatingin lang siya sa likuran
mo.. Weird.. Pero ang sexy niya talaga.." kinikilig na dugtong pa ni Fern.

"Siguro type ka niya...ang swerte mo girl!" binanga pa ni Xyrille ang balikat


niya. Hindi siya tinantanan nang dalawa at panay ang tukso sa kanya.

Naiiritang umirap siya sa mga ito. "Stop it girls.. Mali yang iniisip niyo" todo
deny niya. Ayaw niyang isipin sa school nila na may "something" sa kanila ni
Night. Ni madikit lang kahit pangalan niya sa lalaking iyon ay ayaw na ayaw niya.

Kinamumuhian niya ito nang buong puso't kaluluwa niya.

"Speaking of the devil.." napatingin siya kay Fern. Sinenyasan siya nito gamit ang
nguso nito. May tinuturo ito sa likuran niya.

Lumaki ang butas nang ilong niya at kahit hindi na siya tumingin alam na niya agad
kung sino ang papalapit sa kanila. Naamoy na agad niya ang kalaban.

Nagkunwari siyang busy sa pagbabasa nang mga notes sa notebook niya.

"Hi girls.. Mind if I share with you?" boses pa lang nito'y tumalon na ang mga
alaga niya sa tiyan.

Behave kayo dyan! Hindi na tayo dapat nagpapadala sa charm niya!

Kausap niya sa sarili at mga pasaway niyang alaga.

Halos namilipit sa kilig ang dalawa niyang kasama. "Sure why not, coconut?"

Halos matawa siya sa banat ni Fern pero pinigilan niya ang sarili. She needs to
maintain her poker face. Buong gabi niya ata iyong pinagpraktisan sa harap nang
salamin.

Naaninag niya ang bulto ni Night na umupo sa harapan niya. Nasa kanan niya si
Xyrille nasa kaharap na upuan naman nito si Fern.

"Hey cupcake.. Miss me?" agad bungad nito.

Narinig niya ang pagsinghap nang mga kasama niya sa lamesa. Kinalma niya ang sarili
bago inangat ang poker face niyang mukha at saka hinarap ito.

"No. Baka ikaw?" tinaasan niya pa ito nang kilay.

Pilyo ang ngiti nito sa kanya. Nilaro laro pa nang dila nito ang ibabang labi.
Napamura siya mentally.

Promise no. 3 Lexine! Hinding hindi ka na magpapaapekto sa seducing powers niya!

Paulit ulit niyang pinaalalahan ang sarili.

Sinandal ni Night ang dalawang braso sa lamesa at tinignan siya sa mga mata. Mula
doon ay unti-unti pa nitong binababa ang mga tingin sa kanyang ilong pababa sa
kanyang labi.

"Yeah, I missed you badly... especially the sugary taste of your lips. I'm actually
craving for it right now.." napaka sexing sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Naaninag niya sa gilid nang mga mata ang pangingisay
nang dalawa pero hindi na niya sila pinansin.
Nag init nang husto ang magkabilang pisngi niya.

Pinilit niyang kinalma ang sarili at muling inayos ang kanyang poker face. Umayos
ka Lexine nakasalalay ang kaluluwa mo dito!

"Sorry but I'm not sorry to say this...I don't miss your lips at all. It tastes
like a spoiled bread. In short lasang amag" pinanliitan niya ito nang mga mata.

Ngumisi lang sa kanya si Night at nagtaas nang kilay. Eat that you jerk!

"Really? You know what.. I like your new style today...I like it when you make
"sungit" to me... its sexy.." anito sabay kindat.

"Oh gosh narinig mo yun Fern? I'll make sungit na nga din starting today..."
narinig niyang kalakasan na bulong ni Xyrille.

Napairap siya at padabog na niligpit ang mga gamit. "I've got to go..biglang
pumangit ang ambiance. Nag amoy basura.. "

Tumayo siya. At katakot takot na irap ang binigay kay Night. Samantalang ang huli
ay aliw na aliw lang habang pinagmamasdan siya.

Kahit pinigilan siya nila Fern at Xyrille ay dire-diretso pa rin siyang lumakad
paalis nang cafeteria.

HALOS pinapapak na nang lamok si Lexine kakaantay sa tapat nang gate pero hindi pa
rin dumarating ang sundo niyang si Manong Ben.

Mag iisang oras na itong late. Nataon pang na lowbat siya kaya't hindi niya ito
macontact. Hindi niya rin ma contact si Ansell para sana sumabay na lang siya dito
at nagpahatid pauwi.

Alam naman nito ang schedule niya kaya't siguradong aware ito sa oras nang uwian
niya.

"Hindi kaya nakatulog na naman yun?"

Nasagot din agad ang tanong niya nang sa wakas ay natanaw na niya ang sasakyan
nila. Napabuntong hininga siya at agad na sumakay sa likuran.

"Bakit ang tagal mo manong? Nakatulog ka siguro no?" aniya pagkapasok.

Pero walang imik si Manong Ben. Nakatingin lang ito sa daan na tila walang narinig.

Kahit nagtataka'y hindi na iyon pinansin ni Lexine. Inabala na lang niya ang sarili
sa paglalaro nang Zombie Tsunami sa ipad mini niya. Sinaksak niya ang earphone at
nagpatugtog nang music pang tagal inip sa byahe.

Sa pagod buong araw ay nakaidlip siya sa byahe.

Naalimpungatan siya matapos ang ilang oras. Dinilat niya ang mga mata at natanaw
niyang gumagalaw ang paligid. Bigla din siyang nakaramdam nang pagkahilo at hindi
siya kumportable sa posisyon niya.

Nang tuluyan siyang magkamalay napagtanto niyang nakabaliktad siya at ang sahig ang
unang bumungad sa kanya.

Wala siya sa sasakyan at mas lalong wala siya sa bahay nila!

Alertong ginala niya ang paningin. Natakot siya nang marealize na may bumubuhat sa
kanya patiwarik at dinadala siya sa kung saan.

"Sino ka! B-bitawan mo ako san mo ako dadalin!" nagpupumiglas siya. Pinagsasapak
niya ang likuran nang lalaking may buhat sa kanya.

Sumigaw siya nang sumigaw nang tulong pero bigo siya nang marealize niyang nasa
isang liblib na lugar siya dinadala.

Wala siyang ibang nakikita kundi ang nagtataasang mga damo at puno. Dinadala siya
sa isang gubat.

"Bitawan mo ako! Sino ka bang hayop ka! Kidnapper ka ba? Anung kailangan mo sakin
pakawalan mo ako!" sigaw niya. Dahil sa posisyon niya hindi niya maaninag ang
itsura nang lalaki.

Huminto ito at bigla siyang hinagis pababa. Nauntog siya sa matigas na puno at
sumalampak ang pwetan niya sa basang putik.

"Aray.." napasinghap siya sa sakit.

Inangat niya ang tingin at laking gulat niya nang makilala niya kung sino ang
lalaking nagdala sa kanya dito.
"Manong Ben?" hindi makapaniwala si Lexine. Hindi dahil si Manong Ben ang dumukot
sa kanya subalit dahil may kakaiba sa kinikilos at itsura nito.

Puti ang mga mata nito at may itim na mga ugat na nakapalibot sa gilid nang kanyang
mukha.

Binalot siya agad nang matinding takot. Hindi si Manong Ben ang kaharap niya
ngayon. Kundi ibang tao. O maaring may kung anung kakaibang bagay ang sumapi dito.

"S-sino ka... anung ginawa mo kay Mang Ben? A-anung kailangan mo sakin!"
nanginginig na siya sa takot.

Nasa gitna siya nang isang gubat na hindi niya alam kung saang parte nang siyudad.
Pababa na ang araw at nagsisimula nang magdilim. Wala siyang mahingan nang tulong
at wala siyang kalaban laban sa masamang balak nito sa kanya.

Ngumisi si Mang Ben. Nakakakilabot ang mga ngiti nito. Lumuhod ito sa kanyang
harapan. Siniksik niya lalo ang sarili sa punong kinasasandalan takot na takot siya
sa kaharap.

"Eskelemis por sheke...yobare akumalo" lumabas ang kakaibang boses at lengwahe sa


bibig nito.

Kinilabutan nang husto si Lexine. Mas binalot siya nang takot dahil wala siyang
naiintindihan sa mga sinasabi nito.

"Eskelemis... eskelemis por sheke... eskelemis por sheke yo nari.." paulit ulit
nitong sabi. Sa gilalas niya'y binuka nito ang bibig at lumabas doon ang mahaba
nitong dila. Matulis ang dulo niyon na nahahati sa dalawa na parang sa ahas.
Lumitaw ang matutulis niyang pangil.

Napatili si Lexine. Bago pa siya masungaban ni Mang Ben ay mabilis niyang nakapa
ang isang matigas na bagay sa sahig at buong pwersang pinukpok ang putol na punong
kahoy sa mukha nito.

Agad siyang tumayo at tumakbo.

Narinig niya ang sigaw nito. Nakakatakot na sigaw na nagpataas nang husto sa mga
balahibo niya. Hindi na niya alam kung saan siya papunta basta't tumakbo lang siya
nang tumakbo. Wala siyang ibang nakikita kundi mga talahib at punong kahoy sa
paligid.

Halos madapa na siya sa malubak sa daan at naramdaman na niya ang labis na pagod at
hingal.
Muli niyang narinig ang nakakakilabot na sigaw. Napaiyak na siya sa takot.

Nakakita siya nang malaking bato. Agad siyang nagtago sa likod niyon. Hingal na
hingal na siya at masakit na ang mga paa niya.

Pinilit niyang pigilan ang paghikbi upang hindi makagawa nang ingay.

"Eskelemis... eskelemis.... Eskelemis..."

Rinig na rinig niya ang nakakakilabot nitong boses at bigat nang mga yabag. Ramdam
niyang nasa likuran niya lang ito. Nanginginig na siya sa takot at nanalangin na
sana'y makaalis siya nang buhay.

Ilang saglit pa ang lumipas at tumahimik ang paligid. Nakiramdam siyang mabuti.
Wala na ito sa paligid marahil nakalayo na sa paghahanap sa kanya. Dahan-dahan
siyang sumilip sa likod nang batong pinagtataguan.

Wala na nga doon ang halimaw. Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palayo.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang tumalon mula sa itaas ang halimaw at
lumanding sa kanya. Napasigaw siya sa gulat. Natumba siya at bumagsak sa putikang
lupa. Pinaiibabawan na siya nang halimaw.

Nakabuka ang bibig nito't gumagalaw ang mahabang dila. Tumutulo sa mukha niya ang
itim na laway nito. Nilapit nito ang mukha sa kanya napapikit siya sa takot.

Ito na ba ang katapusan niya?

"Eskelemis por sheke..."

Hindi na siya makagalaw at hinang hina na ang buong katawan niya. Hindi na siya
makalaban pa.

Binuka nang halimaw ang bibig. Halos maiyak siya nang makitang umamba ulo nito
upang kagatin siya napatili siya sa sobrang takot nang biglang isang iglap ay
nawala sa ibabaw niya ang halimaw at lumipad sa malayo.

Nagtatakang napabangon siya. Nagulat siya nang makitang ang pamilyar na bulto na
nakatayo sa harapan niya.

"Night..."

Sa pagbigkas niya sa pangalan nito'y nakaramdam siya nang malaking ginahawa. Halos
magpasalamat siya sa pagdating nito.

Lumingon sa kanya si Night ngunit nanatili itong nakatayo sa pwesto nito. "Are you
hurt cupcake? Did this fucking demon touch any parts of your body? Coz if he did
I'll burn his fucking ass and bring him back to hell"

Natulala siya at hindi nakapagsalita. Biglang tumayo ang halimaw nagwala. Para
itong mabagsik na hayop at nagpakawala nang nakakalibot nitong sigaw.

"Just stay there for a while, I'll make this fast. Don't forget to give me my kiss
after this short exercise..." nagawa pa nitong magpakapilyo at kumindat sa kanya.

"Gula" nakita niyang lumiwanag ang isang tattoo sa kanang pulsuhan nito. Isa iyong
baliktad na parisukat na may kakaibang bituin sa gitna. May tinawag itong pangalan.
Biglang lumabas ang isang mahabang espada na binalot nang asul na liwanag.

Namangha si Lexine sa kanyang nakita. Ngayon niya lang narealize na may ibig
sabihin ang bawat tattoo marks ni Night sa katawan. Ang nasa pulsuhan niya ay
tinawag niyang "Gula" at isang espada ang lumitaw.

Nagulat siya nang makitang mabilis na sumugod ang halimaw kay Night. Nakataas ang
dalawang kamay nito upang sakmalin siya. Nakakatakot ang malaking bibig nito na
nakanganga.

Subalit likas na maliksi si Night at tila hangin na nawala ito sa kinatatayuan.


Napakurap lang siya nang isang beses at natanaw niyang lumitaw si Night sa ere sa
itaas nang halimaw.

"Up here buddy!"

Napatingala ang halimaw subalit huli na ang lahat. Agad tumalon si Night ang espada
nito'y nakatutok pababa at tumusok ang talim niyon sa balikat nang halimaw.
Napasigaw ito.

Nangingisay na natumba sa sahig ang katawan ni Mang Ben.

=================

V.2 : Chapter Sixteen

Chapter Sixteen : Guardian

AKALA NI LEXINE ay tuluyan nang namatay ang halimaw. Subalit habang nangi-ngisay
ang katawan nito'y may itim na usok na lumalabas mula doon.
Ang itim na usok ay unti-unting nabuo sa hangin hanggang sa nag form ito sa totoo
nitong anyo.

Kinilabutan nang husto si Lexine nang makita ang tunay na anyo nang halimaw. Umalis
na ito sa katawan ni Mang Ben. Ang halimaw ay isang itim na nilalang. Makapal ang
balahibo nito't may tatlong naglalakihang patulis na bato ang nakadikit sa likuran.
Pula ang nanlilisik na mga mata at mas humaba ang dila. Panay ang pagtulo nang
maitim na laway mula sa bibig nito.

Mas nakakatakot pala ang totoo nitong anyo.

"Tss... a Ravenium demon.." narinig niyang sabi ni Night.

Muling sumugod ang halimaw at mabilis na sinungaban nito si Night. Pinagkakalmot


nito ang huli subalit sunod sunod naman iyon na nasanga ni Night. Tinadyakan niya
ito at lumipad ang katawan nito palayo.

Agad tumayo si Night at sa pagkakataong iyon ay siyang naunang sumugod. Winasiwas


nito ang espada at isang asul na liwanag na may malakas na hangin ang lumabas mula
doon. Diretsong tumama ang liwanag sa katawan nang halimaw.

Nahati ito sa dalawa at mabilis na binalot nang apoy ang katawan. Natumba ang
nagliliyab na nahating katawan nito sa sahig at unti-unting naging abo at nilipad
nang hangin.

Saka lamang nagawang huminga ni Lexine. Ilang sandali pa siyang natulala sa


natirang abo nang halimaw bago niya naalala si Mang Ben. Mabilis niya itong
nilapitan.

May sugat ito sa balikat at walang malay. Hinawakan niya ang kamay nito at
naramdaman ang mahina nitong pulso.

"Don't worry he's not dead" lumapit sa kanila si Night.

"May sugat siya..." alalang sabi niya. Natatakot siya na baka mapahamak si Mang Ben
sa dami nang dugong nawala dito.

Hinubad ni Night suot na leather jacket. Tanging gray na sando lamang ang suot nito
sa loob. Namangha siya nang malapitang nakita ang iba't ibang tattoo na naka marka
sa buong katawan nito.

Napaisip siya kung anu pa kayang ibang pangalan nang bawat tattoo nito at kung
lahat sila ay nagtataglay din nang kakaibang kapangyarihan.

"Ira..." tawag ni Night.


Umilaw ang tattoo nito sa kanang braso. Nakita na niya ito noon sa studio, isa
iyong quarter moon at sa biyak niyon ay may mata. Lumiwanag iyon at biglang lumitaw
sa harapan nila ang pamilyar na itim na anino na may color purple na mga mata. Ang
suot nitong black cloaked ay lumulutang lutang lamang sa ere. Parang wala itong
katawan kundi puro anino lamang.

"Anung mapaglilingkod ko sa inyo master?" parang nangagaling sa kung saang malalim


na balon ang napaka lamig nitong boses.

Hindi maalis ni Lexine ang mga mata niya sa aninong tinawag ni Night na Ira. Ito
ang pangalawang pagkakataong nakita nya ito. Hindi niya maiwasang mamangha sa
kakaiba nitong anyo.

"Linisin mo ang sugat niya. Pagalingin mo agad. Don't forget to erase his memory..
" utos nito.

Walang nagawa ni Lexine kundi tumunganga lang habang pinagmamasdan niya kung paano
umangat sa ere si Ira at binalot ang buong katawan ni Mang Ben gamit ang suot
nitong itim na balabal.

"A-anong ginagawa niya kay Mang Ben" hindi niya naiwasan ang pagpapanic.

"Chill ka lang cupcake... Ira knows what to do.." kampanteng sabi nito. Wala siyang
nagawa kundi ang manood at mag antay.

Maya-maya'y lumuhod si Night sa harapan niya. Ininspeksyon nito ang katawan at


mukha niya. Habang ginagawa nito iyon ay malaya niya rin itong napagmasdan.
Kaunting galos lamang ang nakuha nito sa mukha at leeg. At mukhang hindi naman ito
napuruhan o nahirapan sa pakikipaglaban sa halimaw.

"Are you badly hurt?" maya-maya'y tanong nito sa kanya. Napakurap siya nang ilang
beses. Bigla siyang na-conscious nang marealize niya na hawak hawak nito ang
magkabila niyang braso at tinititigan siya ngayon sa mga mata.

Hindi niya alam pero biglang bumilis ang tibok nang puso niya nang magtama ang
kanilang mga mata.

"N-no.. I'm okay" nautal niyang sagot.

"Better" anito.

Binitiwan na siya nito at ininspeksyon naman nito ang sariling mga galos. Saglit
silang hindi nag imikan. Kinalma ni Lexine ang sarili. Anu bang nangyayari sayo?
Hindi ba't hindi ka na magpapa apekto sa kanya pero bakit parang lumalala ka pa ata
dyan?
Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito.

"Night...anung klaseng halimaw yun? Bakit niya ako gustong saktan?" hindi niya
napigilang itanong. Lumingon agad ito pabalik sa kanya.

"He's a ravenium demon. A very low class type of demon, not really powerful and
very easy to kill..." mayabang na sagot nito. Pinapagpag nito ang leather jacket
habang panay ang tingin kung may sira o punit.

"Easy to kill for you, eh halos kainin na nga niya ako kanina e" angal niya sa
kaharap.

Tinawanan siya nito "It's because you smell to sweet...."

Napairap siya dito. Hindi siya naniniwala sa sagot nito alam niyang may dahilan
kung bakit siya gustong gawing hapunan nang halimaw na iyon "I don't believe you...
Siguro kasama to sa mga laro mo. Siguro pinadala mo ang demon na yun para takutin
ako--"

Naputol ang pagsasalita niya dahil biglang hinagis ni Night sa kanya ang hawak na
jacket. "I didn't send that Demon to hurt you why would I do that? I still don't
know why he's after you... but that's not important for now. Kaya pwede ba don't be
too noisy. Ang mahalaga you're already safe..."

Natigilan siya sa mga huling sinabi nito. Pakiramdam niya ibang Night ang kausap
niya ngayon kahit malinaw naman ito sa harapan niya.

"And wear that jacket, don't show me too much skin....I'm too weak in
temptations..."

Hindi na niya pinansin ang pahabol na sinabi nito. Naguguluhan na talaga siya sa
mga kinikilos ng lalaking ito. Ilang beses na siya nitong iniligtas. Samantalang
ito naman mismo ang nanakot sa kanya at nagsasabing kukunin nito ang buhay niya.

Pero sa kabila nang kasamaan na pinapakita nito sa kanya. Ang isang prinsipe nang
kadiliman na nagsusundo nang mga kaluluwa nang mga namamatay, at ang demonyong
walang awang nananakit nang tao, ay ang lalaking palaging nagliligtas sa kanya sa
kapamahakan.

Anu ba talaga ang hatid ni Night sa buhay niya? Kaligtasan o kamatayan?

"Why?" biglang lumabas ang salita sa kanyang bibig.

Kumunot ang noo nito sa tanong niya.


"Why are you always saving me? Bakit ginagawa mo pa ang lahat nang ito? Bakit hindi
mo na lang ako patayin ngayon at kunin ang kaluluwa ko tutal iyon naman ang gusto
mo sakin diba? Yung kabayaran sa second life na binigay mo.. Pero bakit mo pa rin
ako inililigtas laban sa mga gustong manakit sakin? Bakit Night?"

Wala siyang narinig na sagot mula dito. Sumiklab na naman ang matinding inis sa
dibdib niya. Inis na inis siya dito dahil wala na itong ibang ginawa kundi ang
paglaruan siya. Hindi lang nito ginulo ang buhay niya, maging ang isipan niya ay
binulabog nito at ngayon natatakot siyang isipin na maaring nahuhulog na ang loob
niya kay Night dahil sa mga pinapakitang nitong kunwaring kabaitan sa kanya.

Napaka sama talaga nito. Hindi na ito nakuntento sa pananakot sa kanya. Nais siya
nitong sirain at paglaruan na parang isang bagay na pag aari nito.

Sumiklab ang matinding galit niya para dito.

"Why do you keep on protecting me against these monsters if you yourself is also a
monster! Wala kang pinagkaiba sa ravenium demon na yun! o kela Cristoff o sa mga
kidnappers... pareho-pareho kayo na gusto akong saktan.. So why do you keep acting
like my knight in shining armor when the truth is you're the biggest villain here!"

Napasigaw siya sa labis na emosyon. Gulong gulo na siya sa lahat nang nangyayari sa
kanya. Halos mamatay siya ngayong araw dahil may kung anung demonyong gusto siyang
gawing hapunan.

Anu pa bang susunod na mangyayari sa kanya? Anung klaseng panganib pa ba ang dapat
niyang kaharapin? Anung paghihirap pa ba ang dala sa kanya nang lalaking ito?

"Masama ka... so please stop acting like you care for me..." aniya at tuluyan nang
lumabas ang mga hikbi.

Wala siyang narinig na kahit anung sagot mula kay Night. Sa kauna-unahang
pagkakataon ay tumahimik ito. Tumayo ito at nilapitan ang katawan ni Mang Ben na
ngayon ay nilubayan na pala nang aninong si Ira.

Wala na itong sinabi at dire-diretso lang na lumakad palayo bitbit si Mang Ben.
Napilitang tumayo si Lexine at sumunod dito. Naging tahimik ang buong paglalakad
nila hanggang sa makalabas sila nang gubat, nandoon sa gilid nang kalsada ang
sasakyan nila na nakaparada.

Pinasok ni Night si Mang Ben sa likuran bago hinarap si Lexine at pinagbuksan nang
pinto. Pumasok si Lexine at umupo sa tabi nang drivers seat at si Night naman ang
pumuwesto upang magmaneho.

Wala itong kibo sa buong byahe nila. Pati siya'y wala nang nasabi pa. Kahit pagod
at masakit ang buong katawan ay hindi niya magawang makatulog sa byahe.
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa mansion. Tulog pa rin at humihilik pa
si Mang Ben sa likuran. Sandaling natulala ang dalawa sa loob nang sasakyan.

"Pwede ka nang bumaba dito. Ipapabuhat ko na lang si Mang Ben" basag niya sa
katahimikan.

Hindi agad umalis si Night. Tinangal nito ang seatbelt at bigla siyang kinorner sa
gilid nang pinto. Pwersadong napasandal siya sa doon. Napasinghap siya sa
pagkabigla. Malapit na malapit ang mukha nito halos nagbabangaan na ang dulo nang
mga ilong nila.

Madilim ang mukha nito at nanliliit ang mga matang tumititig sa kanya. Nararamdaman
niya mismo sa balat niya ang init nang hininga nito. Pansamantala siyang nabingi sa
lakas nang tibok nang dibdib niya.

"I'm not saving you to become your stupid knight in glittering armor... " paos na
bulong nito.

Hinawakan nito ang mukha niya at dumiin ang mga daliri sa magkabila niyang pisngi.
Dinikit nito ang ilong sa kanyang tenga. Kinilabutan siya nang husto.

"I'm doing it because you are mine. I will get your soul and nobody will benefit
with it but only me... so don't overthink and make things complicated my little
cupcake. If I want to make your life miserable you don't have any choice but to go
with it" mapang akit na bulong nito.

Sa kabila nang panginginig nang mga kalamnan niya dahil sa ginagawa nito. Nakahugot
pa rin siya nang lakas para manlaban dito. "Napaka sama mo talaga...."

He chuckled. She really hate it.

Bumaba ang kamay nito sa leeg niya. Kakaibang kuryente ang bigla biglang dumaloy sa
buong katawan niya. Naiinis siya dahil kahit anung pagsuway ang gawin nang isipan
niya e pasaway na nag re-react pa rin nang mag isa ang katawan niya sa mga haplos
nito.

Unti-unting bumaba iyon sa kanyang dibdib. Napasinghap siya nang dahan-dahan nito
iyon pinadaan sa gitna mismo nang dibdib niya hanggang sa tyan niya at saka inikot
ang palad sa bewang niya. Napaliyad siya sa kuryenteng kiliti na dulot nang mga
haplos nito.

"You have no idea how bad I am...especially in bed"

"B-bitawan mo ko..." nanghihina ang boses niya. Bumilis nang husto ang paghinga
niya.
Ngumisi lang sa kanya si Night. "As you wish...."

Hinalikan siya nito sa noo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nito iyong
ginagawa subalit tila nasanay na ang katawan niya at awtomatikong napapapikit siya
sa tuwing ginagawa niya iyon. At sa oras na idinalat niya ang kanyang mga mata.

Nawala na naman ito at tanging mainit na marka sa kanyang noo ang iniwan.

Tumagal nang ilang minutong na nakatulala lang si Lexine sa loob nang sasakyan.
Maya-maya't hindi niya napigilan ang pagkawala ang mga tawa sa kanyang bibig.

Parang tangang tumawa siya mag isa. Hindi niya alam kung anung mauuna niyang
gagawin. Ang umiyak ba o ang tumawa?

"What have you been expecting Lexine? Na mabuti siya? Na nag ca-care siya sayo kaya
ka niya palaging nililigtas?" tila nababaliw na kausap niya sa sarili.

Natatawa siya sa sarili niya dahil kung anu-anung katangahan ang lumabas sa bibig
niya.

"You are so stupid Lexine! Of course he doesn't care for you, he's too evil to
care... he's manipulating you... pinaglalaruan ka lang niya para sa sarili niyang
entertainment. Gaga ka dahil nagpapaikot ka sa kanya... mahina ka Lexine... ang
hina hina mo talaga... "

At naiiyak siya dahil sa kabila nang lahat nang inis niya at galit. Hindi niya
matangap sa sariling nasasaktan siya. Hindi lang dahil sa pisikal na sakit kundi
maging emosyonal. At nasasaktan siya sa kadahilanang ayaw niyang tangapin.

Nasasaktan siya dahil unti-unti na siyang nahuhulog sa mga patibong nito.

NAMUMUGTO ang mga mata ni Lexine pagising niya kinaumagahan. Buong gabi siyang
umiyak kaya't mahapdi ang mga mata niya. Kahit anung kapal nang concealer na
nilagay niya'y nangingitim pa rin ang ibaba nito. In the end ay napag desisyunan na
lang niyang magsuot nang shades.

"Taas nang sikat nang araw girl?" tukso sa kanya ni Fern nang magkita sila sa
school.

"Masakit lang ang mata ko...too much lights" pagdadahilan niya.


"Ganun? don't tell me may kumagat na vampire sayo kahapon kaya bigla kang natakot
ngayon sa liwanag?" dagdag tukso naman ni Xyrille at saka sabay na nagtawanan ang
dalawa.

Oo muntik na akong makagat kahapon pero hindi nang vampire kundi nang isang
halimaw.

Hindi na lang siya umimik sa dalawa. Buti na lamang at wala siyang theology class
ngayong araw kaya hindi niya makikita si Night. Kahit papano'y makakahinga siya
nang maluwag pansamantala.

Nagkahiwalay silang tatlo upang tumungo na sa kani-kanilang klase. Dumiretso si


Lexine sa lockers area upang kumuha nang mga libro nang biglang may humawak sa
braso niya.

Halos atakihin siya sa puso sa gulat. Nabitawan niya tuloy ang mga dala niya.

"A-anu pong kailangan niyo?" agad niyang tanong pagkakita sa mid 40's na janitor
nila sa school. Hindi niya alam ang pangalan nito pero madalas siya nitong batiin
nang good morning tuwing nakakasalubong niya ito sa umaga.

"Doblehin mo ang pag iingat mo ngayon dahil mas dumarami ang kalaban. May mga
bagong masasamang nilalang ang nais kang kunin. Marami sila at hindi sila titigil
hangga't hindi ka nila nakukuha"

Natigilan siya sa mga sinabi nito. Doon niya lang napansin na katulad na katulad
ito nung librarian nung isang araw. Tulala ang mga mata at walang kislap. At parang
robot na nilagyan nang tape recorder para magsalita.

Nanuot sa ilong niya ang amoy nang malamig na pulbos.

Ibig sabihin ay tama ang hinala niya!

Ang amoy na ito ay may ibig sabihin. Iisang tao lamang ang may pakana nang lahat
nang ito. May taong nasa likod nang pagpapadala nang mga mensahe para sa kanya.
Iisang tao lang ang pumasok sa kanyang isipan.

"Anung ibig mong sabihin sa mga kalaban na gustong kumuha sa akin? May kinalaman ba
ang ravenium demon na dumukot sa akin kagabi sa mga kalabang tinutukoy mo?" agad
niyang tanong sa janitor.

Saglit na natulala ito. Nakita niyang tumirik ang mga mata nito. Napaatras siya sa
takot.

Muling bumuka ang bibig nang janitor pero sa pagkakataong ito iba na ang boses na
lumabas mula doon.
"Oo, Alexine. Isa ang ravenium demon sa mga pinadala nang kalaban para kunin ka..."
sagot nang janitor.

Napatakip siya sa kanyang bibig. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi siya
makapaniwala sa nariring niya. Hindi siya maaring magkamali. Kilala niya kung
kaninong boses ang naririnig niya.

"C-cael?" hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili.

Ngumiti ito agad siyang kinilabutan . "Ako nga ito Alexine..."

"P-paano paano mo ito nagagawa? Sinong tinutukoy mong mga kalaban at bakit nila ako
gustong kunin?"sunud sunud niyang tanong. Panay ang iling niya. Pakiramdam niya
nanaginip na naman siya.

"Hindi ko pa maaring sagutin ang mga katanungan mo Alexine. Basta't doblehin mo ang
iyong pag iingat. Parati akong nakabantay sayo..."

Napanganga siya. Ito nga si Cael dahil hindi siya maaring magkamali. Memoryado nang
isip niya ang tunog nang baritono nitong boses. "Kung ganoon bakit hindi ka
magpakita sakin Cael? Akala ko ba pro-protektahan mo ako bakit wala ka dito?"

Saglit bago ito sumagot. "Ipagpaumanhin mo Alexine, hindi ganoon kadali ang lahat
may mga batas kaming dapat naming sundin. Subalit ginagawa ko ang lahat nang aking
makakaya upang matulungan ka."

"Anung gagawin ko Cael? Paano ko naman tatakasan at iiwasan lahat nang mga
masasamang loob na gusto akong saktan?" nagsimulang bumara ang lalamunan niya.

"Ang puting balahibo, magagamit mo iyon Alexine. Palagi mo iyong dadalin bilang
proteksyon. Sa oras na kailanganin mo nang tulong gamitin mo ang balahibo..."

Sinasabi na nga ba niya at may kaugnayan ang balahibong iyon kay Cael. Isa-isa nang
. nagdudugtong dugtong ang lahat. Ang amoy nang malamig na pulbos ay senyales na
nasa malapit lamang si Cael. Ang puting balahibong matagal nang nakatago sa ilalim
nang kanyang unan ay nangaling mismo kay Cael.

Nais pa sana niyang tanungin ang ang kaharap nang biglang dumating ang grupo nang
mga istudyante. Naurong ang sasabihin ni Alexine. Binati pa siya nang mga ito.
Nakilala niya ang grupo. Kaklase niya ang mga iyon sa isang minor subject.
Napilitan siyang ngumiti pabalik sa kanila.

Nang tuluyan na silang makaalism paglingon niya sa janitor ay nagbago na ang itsura
nang mga mata nito. Bumalik na sa dati na may buhay at kislap.
"A-anung ginagawa ko dito?" narinig niyang nagtatakang kausap nang janitor sa
sarili. Para itong nagising sa isang panaginip. Tumingin lang sa kanya ang janitor
at sa paligid pagakatapos ay iiling iling na lumakad palayo.

Kung ganoon ay ginagamit ni Cael ang katawan nang isang tao upang maghatid nang
babala at mga mensahe sa kanya. At ngayon ay nadiskubre niyang maari niya itong
makausap sa pamamagitan nang mga taong kanyang pinapadala. Wala siyang ideya kung
anung klaseng magic o super powers ang ginagamit ni Cael para magkaroon sila nang
komunikasyon gamit ang mga tao sa paligid niya. Hindi na iyon mahalaga. Ang
importante ay mas nakakausap na niya ito at hindi na lang siya aasa sa kanyang
panaginip.

Kahit na hindi niya ito kilala at kahit na hindi siya sigurado kung talaga bang
kakampi ito wala na syang choice kundi ang magtiwala.

Wala na siyang ibang aasahan pa kundi ang sarili niya at ang tagabantay niyang si
Cael.

=================

V.2 : Chapter Seventeen

Chapter Seventeen : Madame Winona

PARANG BULA na nawala na naman si Night sa eksena. Tatlong araw na itong hindi
nagpapakita o nagpaparamdam sa kanya. Kahit sa Theology class nila ay hindi na ito
pumapasok. Minsan nga ay siya pa itong praning dahil pakiramdam niya palagi pa rin
itong nakasunod sa kanya kahit na sa tuwing lumilingon siya sa likuran niya ay wala
namang Night o kahit anino nito ang nakikita niyang nakasunod o nakamasid.

Mas naging matalas lamang ang pakiramdam niya dahil na rin sa sunod-sunod na banta
sa buhay niya.

Hindi na rin niya ulit nakausap si Cael wala na itong pinadalang tao ulit upang
maghatid sa kanya nang babala o mensahe. Ni hindi rin ito dumadalaw sa kanyang
panaginip. Sinunod na lamang niya ang habilin nito at lagi na niyang dala-dala sa
bulsa niya ang puting balahibo.

Kahit papaano'y nakahinga siya nang maluwag. Pansamantalang naging tahimik at tila
bumalik sa normal ang buhay niya. Subalit ayaw niyang makampante dahil nararamdaman
niya na hindi magtatagal ang katahimikang ito.

Pagsapit nang weekends ay nagkita sila ni Ansell. Umabsent ito kahapon kaya't nag
alala siya na baka may nangyari nang masama sa kaibigan niya.

Sa paborito nilang coffee shop sila nagkita nang umagang iyon. Abala siya sa
pagbabasa nang magazine nang matanaw niyang pumasok nang pintuan si Ansell. Agad
niya itong nginitian pagkalapit nito.

Nag beso ito sa kanya. "Hey, bakit absent ka kahapon?"

Umupo ito sa katapat niyang sofa. Umubo ubo ito habang tinitignan ang menu na nasa
lamesa. Saka niya lang ito napagmasdang mabuti. Balot na balot ang suot nito. Naka
jacket ito kahit mainit. Nagsuot pa ito nang bonnet at shades. Namumutla rin ang
mga labi nito.

"O-okay ka lang ba Ansell? May sakit ka ba?" alala niyang tanong.

Umubo ulit ito bago sumagot. "No, its nothing, just colds. Kahapon pa to kaya hindi
ako nakapasok" paliwanag nito.

Tumungo tungo na lang siya. "Uminom ka na ba nang gamot? May ubo ka na pala huwag
ka nang mag order nang coffee, lemon or calamansi juice na lang ang inumin mo"

Nagkibit balikat lang ito at umubo ulit. "Okay mommy!" pilyong sagot nito saka
ngumisi.

Napairap siya sa kanya. Kahit may sakit, pilyo pa rin talaga ang bestfriend niya
kahit kailan.

Pagkatapos nun ay nanood pa sila nang isang movie ni Ansell. Suspense-action ang
pinanuod nila pero nagtaka siya dahil sa kalagitnaan nang movie at nakatulog ito.
Marahil masama talaga ang pakiramdam. Kahit pinagbawalan na niya'y nagpumilit pa
rin si Ansell na ihatid siya sa ballet studio. Dahil weekends may practice sila.
Pagkahatid nito sa kanya'y mahigipit niya itong hinabilinan na umuwi na at
magpahinga.

Bahagya siyang kinabahan pagkapasok niya nang studio. Pagkatapos kasi nang
nangyaring pag sha-share niya kay Kristine nung isang lingo ay ngayon na lang niya
ulit ito makakausap. Nahihiya tuloy sya dahil baka pinag iisipan na siya nito na
nababaliw na siya o napra-praning na dahil sa mga kababalaghang kinuwento niya.
Kahit na wala naman itong ganoong sinabi at naging maunawain at matyaga nitong
pakikinig sa kanya.

"Lexine, how are you feeling?" agad siyang sinalubong ni Kristine nang yakap.

"Much better Ms. Kritsine." tipid syang ngumiti.

"That's good to hear. After the practice kung wala ka sanang gagawin I want you to
come with me. May pupuntahan tayo..."

Nabigla siya sa sinabi nito. Agad naman siyang umo-o dito. Kaya pagkatapos nang
practice nila nang araw na iyon ay agad silang dumiretso sa Pampanga kung saan doon
ang sinasabi nitong bibisitahin nilang kaibigan.

"Sino po bang pupuntahan natin dito Ms. Kristine? at anu po bang gagawin natin
dito?" taka niyang tanong nang tumigil na ang pulang kotse na sinasakyan nila.
Ginala niya ang paningin sa kapaligiran. May pinasukan silang magubat na daan at
ngayon ay nasa gitna sila nang matataas na puno. Natatanaw niya mula doon ang isang
two storey house na gawa sa bato. May isang oras din ang naging byahe nila
pagkalabas nila nang exit nang NLEX. Hindi niya rin alam kung saang parte ito nang
Pampanga.

Hinawakan ni Kristine ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa kanyang mga hita.
"She's someone who can help us regarding your problem." mahinahong paliwanag nito.

Napalunok siya nang laway. "Ms. Kristine, hindi niyo naman po kailangan gawin pa
ito." nahihiya siya. Feeling niya sa isang psychologist siya dadalin nito dahil
iniisip nito marahil na kailangan na niyang magpatingin sa doctor.

"No... its okay Lexine. If your worried na baka hindi ako naniniwala sa mga sinabi
mo, no its not like that. I actually believed in everything you said. At kaya tayo
nandito upang makahingi tayo nang tulong sa problema mo..."

Hindi siya makapaniwala na talagang ginagawa ni Krisitine ang lahat nang iyon para
sa kanya. Nagpasalamat siya dito at niyakap ito. Bumaba na sila at inakyat ang
ilang palapag na batong hagdan patungo sa two storey house. Wala siyang ibang
nakikitang bahay sa paligid maliban sa bahay na pupuntahan nila. Napapalibutan nang
matataas na puno ang paligid.

Tila isolated ang lugar at bihira madaanan nang mga tao dahil liblib. Hindi niya
tuloy maiwasan ang kabahan. Nang makarating sila sa tapat nang kahoy na pintuan ay
lalo siyang dinumbol nang kaba. Napansin niya agad ang malagong mga red roses sa
malawak na bakod. May isang balon pa na nasa gitna.

Kung tutuusin maganda at alaga ang buong bahay.

Ilang beses na kumatok si Kristine. Nagtinginan silang dalawa habang inaantay na


mabuksan ang pinto. Sa pangatlong katok ay bumukas na iyon. Dahan-dahang bumukas
ang pinto, rinig pa ang maingay na tunog na parang katulad sa nakakatakot na
pelikula.

Isang may kapayatang babaeng nakasuot nang makulay na damit at mga alahas ang
nagbukas sa kanila. Sa tantya niya't nasa mid 40's na ito. Singkit ang mga mata,
kulot ang mahaba buhok at kumikinang ang mga burloloy na nakasabit sa katawan.

"Kamusta po kayo Madame Winona..." bati nang kasama niya.

Magalang na ngumiti naman ito sa kanila. "Anung mapaglilingkod ko sa inyo?"


maaliwalas ang mukha nito. Kahit paano'y nabawasan ang kaba ni Lexine.
"Nairekomenda po kayo nang isang kaibigan sa akin. My name is Kristine and this is
Alexine. Where here to ask for your help..."

Saglit na nagpalipat lipat nang tingin si Madame Winona sa kanilang dalawa.


Napansin niya ring tumagal ang pagkakatitig nito sa kanya. Nakakunot ang noo nito
at bahagyang napauwang ang labi. Ilang segundo itong naging ganoon bago tila naka
recover at muling bumaling sa katabi niya.

"Anung tulong ba ang kailangan niyo?" maya-maya'y tanong nito.

Nagkatinginan sila ni Kristine. Napagpasyahan niyang siya na ang magsasalita.


"Marami po sana akong gustong itanong sa inyo. There is someone who keeps on
bothering me..and there are others too.. Kailangan na kailangan ko po talaga nang
tulong niyo so please...help me" pagmamakaawa niya.

Matagal na tinitigan lang siya ni Madame Winona bago ito bumuntong hininga.
Nilakihan nito ang pagkakabukas nang kanyang pinto. "Sige tuloy kayo..."

Nabuhayan nang loob si Lexine. Napangiti siya kay Kristine na nakangiti rin sa
kanya. Sabay silang pumasok sa loob. Napahanga siya nang mapagmasdan ang loob nang
bahay ni Madame Winona. Mas malaki pa pala ito sa loob.

Gawa sa bato ang buong bahay pero gawa sa kahoy ang mga muwebles. May malaking
chandelier sa kisame na gawa sa ugat nang mga kahoy. Hanggang sa loob nang bahay ay
may mga paso at vase na punong puno nang red roses. Napatalon siya nang may itim na
pusang dumaan sa paanan niya.

"Si Amethyst.. mabait yan" ani Madame Winona.

Napangiti na lang siya dito. Pumasok sila sa isang pintuan na patungong basement.
Mas kakaiba ang aura sa loob nang basement. Amoy kandila at rosas ang buong lugar.
Nagkalat ang sandamakmak na kandila sa paligid. Isang pabilog na lamesa ang tanging
muwebles na nasa gitna. May dalawang parihabang upuan na kasama. May mga barahang
nakalatag din sa ibabaw ng mesa at isang bolang kristal.

Pinaupo sila ni Winona sa upuang nasa harapan. Umupo na rin ito sa kabila at
sinimulang balahasahin ang mga baraha.

"Sinong kaibigan mo ang nagrekomenda sa akin?" tanong nito kay Kristine.

Ngumiti si Kristine dito. "Asawa po nang kapatid ko. Minsan na silang nagtungo
dito upang magpatulong sa inyo matagal na kasi silang kasal ngunit hindi pa nagkaka
anak. Matapos daw po nilang lumapit sa inyo, after 2 months ay nabuntis ang asawa
nang kapatid ko"
Tumungo tungo si Madame Winona. "Marami nga akong mga naging kliyente na
nagpapatulong na magka anak. Maaring isa ang asawa nang kapatid mo sa mga
natulungan ko" ngiting sabi nito.

Nang matapos itong magbaraha ay nagseryoso na ito. "Isa akong eksperto sa agham
nang pagbabasa nang mga kapalaran. Kadalasan ay ang kalikasan ang hinihingan namin
nang tulong para makita at malaman ang mga kasagutan sa mga tanong sa ating buhay.
Isang babala lamang mga anak. Bawat sagot na hinahanap natin ay may kapalit. Dapat
maging handa kayo sa kung anumang kapalit sa mga bagay na maari ninyong
malaman..."

Makahulugang paliwanag nito. Nanlamig ang mga kamay ni Lexine. Kinakabahan siya
nang husto. Natatakot siya pero walang mangyayari kung magpapadaig na lang siya sa
nararamdaman.

"Handa po ako sa kahit anung kapalit." lakas loob niyang sagot dito.

"Kung ganoon, amina ang iyong kaliwang kamay anak..." utos nito sabay lahad nang
isang kamay.

Napatingin muna siya kay Kristine. Tumungo ito at sumenyas na magtiwala siya.
Huminga siya nang malalim bago inangat ang kaliwang kamay. Nang sandaling maglapat
ang mga palad nila'y kakaibang init agad ang naramdaman niyang gumapang sa braso
niya pataas sa buong katawan niya.

Kinulong ni Madame Winona ang palad niya sa gitna nang dalawa nitong mga kamay.
Pumikit ito at nagsimulang magbigkas nang tila isang ritwal.

"Natura terrae, verum quaeram...Natura terrae, verum quaeram.....Natura terrae,


verum quaeram" paulit ulit itong may sinabi. Biglang bumaba ang temperetura nang
buong kwarto.

"Responsio ad omnia secreta Ostende.."

Bahagyang umuga ang lamesa at humigpit ang pagkakahawak ni Madame Winona sa kanyang
kamay. Kabadong napalingon siya kay Kristine. Nasa mukha rin nito ang takot at kaba
sa mga nangyayari. Gumalaw ang lamesa at umihip ang malakas na hangin kahit wala
namang bintana doon.

"Ostende mihi,..." biglang dumilat ang mga mata ni Madame Winona. Ngunit nagimbal
siya nang makitang naging puti ang lahat.

Tila sinasapian ito nang kung anu dahil nanigas ang ulo nito. Umikot ikot iyon nang
counter clockwise nang ilang beses bago huminto. Parang may kung anung nakikita ito
na hindi naman nila nakikita. Nakatingin ang puting mga mata nito sa kawalan.

"Isang madugong gabi....isang madilim na kawalan...kamatayan!"


Tumindig ang balahibo niya sa huling sinabi nito. Napanganga siya at nagsimulang
bumara ang lalamunan niya.

"Hindi ka na nararapat na nandito ngayon, ang kaluluwa mo ay matagal nang dapat na


nilisan ang mundong ito. Nakatakda ka nang mamatay nang gabing iyon subalit isang
napaka makapangyarihang nilalang ang bumago nang iyong kapalaran. Hinugot niya ang
iyong kaluluwa at tinali sa kanyang mga kamay.Nakatali ka sa kanya at hinding hindi
ka niya pakakawalan...."

Nagsimula nang mamasa ang mga mata niya.Napailing iling siya. Hindi siya
makapapayag na habang buhay na magpatali kay Night. "Wala na po bang paraan para
makatakas ako sa kanya? Anu po bang dapat kong gawin para makawala na sa mga kamay
niya?"

Hinahabol niya ang sariling paghinga. Umiling iling si Madame Winona.

"Masyado siyang makapangyarihan. Matagal na siyang nabubuhay sa mundong ito at sa


tagal nang panahon na yun, walang sino man ang makakapantay sa angkin niyang lakas"

Napasinghap siya. Nagsimulang kumawala ang mga hikbi sa kanyang bibig. Naitakip
niya ang isang kamay upang pigilin ang pag iyak. Naramdaman niya ang paghagod ni
Krisitine sa likuran niya. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkabigla sa mga
naririnig.

"Hindi po yun maari, hindi po ako papayag na makuha niya. Gusto ko pa pong mabuhay,
gusto kong makalaya sa kanya! Please...tulungan niyo po ako.." iyak niya't
pagsusumamo sa manghuhula.

Saglit na natigilan si Madame Winona. Tila may ikinabigla nito. "May nakita
ako...."

Napatigil siya sa pag iyak. Inabangan ang nais nitong sabihin.

"Kakaibang liwanag ang aking nakikita, nasisilaw ako..."

Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito. "Anu pong liwanag?"

"Mga nilalang na gawa sa nakasisilaw na liwanag...."

Napaisip siya nang husto kung sino ang mga tinutukoy nito.

"Dalawang nilalang. Dalawang makapangyarihang nilalang na galing sa magkabilang


dulo nang mundo ang handang makipaglaban para sayo. Ang isa'y galing sa liwanag at
ang isa'y sa dilim. Ang isa sa kanila'y handang magbuwis nang buhay para
protektahan ka at ang isa naman ang siyang magdadala sayo sa kapamahakan."

Napalunok siya dahil sa sinabi nito. Si Night at si Cael ba ang tinutukoy ni Madame
Winona?

"Mag iingat ka anak dahil madami pa sila. Madami silang nakapaligid sa iyo.... "

"S-sinong sila... sino pong sila?" naguguluhahan niyang tanong.

"Mga nilalang na galing sa kailaliman nang mundo. Nais ka nilang kunin sa


kadahilanang hindi ko makita... at hindi sila titigil hanggat hindi ka nila
nakukuha... nasa panganib ang iyong buhay....."

Biglang nabitawan ni Madame Winona ang kamay niya. Tila may invisible force ang
tumulak dito at bigla itong nagising at bumalik sa mundo. Bumalik na rin sa dati
ang mga mata nito. Hingal na hingal ito at nababasa niya sa mga mata nito ang
kakaibang takot.

Hindi siya makapaniwala sa mga bagay na nalaman niya. Hindi pa pumapasok sa sistema
niya ang lahat nang mga sinabi nito.

Nag aalalang bumaling sa kanya ni Winona. Hinawakan nito muli ang mga kamay niya.
"Hindi basta-basta ang mga nilalang na nag nanais sa iyo anak. Magpaka iingat
ka." alalang habilin nito.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak at tumungo nang tumungo sa mga sinasabi
nito.

MALIGAMGAM na tyaa ang pinainom ni Madame Winona kay Lexine matapos ang nangyari.
Kahit papaano'y naibsan ang labis na panginginig nang dalaga. Nasa kusina sila
habang pinaghahanda sila nang makakain ni Winona.

Habang umiinom nang mainit na tsaa, ay inabala ni Lexine ang sarili sa paglalaro sa
itim na pusang si Amethyst. Nakasandal ito sa kanyang mga hita at maamong nakikipag
titigan sa kanya.

"Sigurado ba kayong ba-byahe kayo ngayon? Madilim na sa labas, delikado baka kung
mapano pa kayo sa byahe. Maari ko kayong patuluyin dito hanggang sa mag umaga" alok
nang manghuhula sa kanila.

Ngumiti si Kristine dito "Hindi na po, nakaabala na kami nang sobra sa inyo.
Mabilis lang naman po ang byahe, makakaya naming umuwi" sagot nito.
Kahit nag aalangan ay tumungo na lamang si Winona. Panay ang pagtingin nito kay
Lexine. Labis ang pag aalala para sa dalaga. Saglit itong umalis nang kusina.

Naiwan si Lexine at Kristine.

"Okay ka na ba?" alalang tanong nito at tumabi sa kanya.

Malungkot na ngumiti siya dito. "Salamat talaga Ms. Kristine sa lahat nang tulong
mo, I don't know what to do anymore kung wala ka"

"It's okay, your almost a sister to me. Hindi ka na naiiba sa akin, basta't kapag
kailangan mo nang tulong huwag na huwag kang magdadalawang isip na tawagan ako.
Darating agad ako..."

Nagpasalamat siya muli at niyakap ito nang mahigpit. Pagod na pagod siya ngayong
araw na ito, masyadong mabigat ang mga rebelasyon at hindi gumagana nang maayos ang
isip niya. Ang gusto na lang niya nang mga sandaling iyon ay magpahinga.

Ilang sandali pa't bumalik si Madame Winona may inabot itong maliit na kahon kay
Lexine.

"Anu po to?"

"Iyan lamang ang maibibigay kong tulong sa iyo ngayon. Magagamit mo iyan sa tamang
panahon..." makahulugang sabi nito.

"Salamat po sa lahat nang tulong niyo..."

"Walang anuman, mag iingat ka anak. Bukas ang aking tahanan kung kakailangan mo
ulit nang tulong..."

Nagkangitian ang dalawa. Nagpaalam na rin agad sila kay Madame Winona nang sa
ganoon ay makauwi sila agad. Hinatid sila nang matanda hanggang sa labas nang
pinto.

"Salamat po ulit...." ani Lexine. Ngumiti si Winona.

"Thank you Madame Winona..." ani naman ni Kristine.

Magalak na ngumiti si Winona pabalik. "Pakaiingatan mo ang batang ito--" hinawakan


niya sa balikat si Kristine subalit bigla itong natigilan.

Nagtaka si Lexine dahil biglang natulala si Madame Winona. Ngunit hindi na niya
iyon pinansin at tuluyan nang nagpaalam. Naglakad na sila ni Krisitine pabalik nang
sasakyan. Binuksan na niya ang pintuan nang passenger seat. Papasok na sana siya sa
kotse nang matanaw niyang humabol si Madame Winona at hingal na tumakbo palapit sa
kanya.

"Bakit po? May nakalimutan po ba kami?" takang tanong niya sa manghuhula.

Hindi ito mapakali. Panay ang tingin nito kay Kristine at sa kanya. Naweirduhan
siya nang mapansing tila takot na takot ito. Marahil natatakot ito para sa kanya.

Hinawakan siya nang malamig nitong mga kamay sa magkabilang balikat. "Mag iingat ka
anak, huwag na huwag kang basta magtitiwala. Mag iingat ka....." malalim na sabi
nito.

Kahit nagtataka'y napatungo na lamang si Lexine. Sumakay na siya sa sasakyan at di


nagtagal ay umaandar na sila palayo. Habang palayo sila'y tinanaw niya pa sa side
mirror si Madame Winona na naiwang nakatayo doon at nakatingin sa kanila.

Hindi niya sigurado pero parang may kung anung binibigkas ito habang nakatingin sa
papalayo nilang sasakyan.

=================

DEATH NOTE

DEATH NOTE : Hey guys, if you reached this second death note I would like to say
THANK YOU VERY MUCH for reading this story despite the small amount of reads and
votes. Don't have too much followers.. :(

Anyway, just like the first one I have 3 questions to ask again, to answer each
questions kindly highlight the ff questions below: (for mobile app users)

QUESTION # 1: After reading the 2nd volume, anu na ulit ang masasabi niyo sa ating
Knight in Glittering Armor na si NIGHT? Nag change na ba ang pananaw niyo sa kanya?
heheh... still creepy?

QUESTION # 2: How about Cael? What do you think about him so far? Hmmmmm

QUESTION # 3: Volume 3? hehe

PLEASE VOTE VOTE VOTE EVERY CHAPTERS, COMMENT DOWN YOUR THOUGHTS AND SHARE THIS TO
YOUR FRIENDS!! :)

Follow me on instagram/twitter : @bebyjhelaii


PS : Read my other ongoing stories Forever in the Sky (Jadine) and Father I Love
You

=================

VOLUME 3

"People dont die from suicide..

they die from sadness"

VOLUME 3 (Chapters 18-25)

Chapter Eighteen : Forbidden Love

Chapter Nineteen : Jealousy

Chapter Twenty : Confused Hearts

Chapter Twenty One : Monsters

Chapter Twenty Two : Two hearts, one battle

Chapter Twenty Three : The gift

Chapter Twenty Four : Sacrifice

Chapter Twenty Five : In his world

=================

V.3: Chapter Eighteen

Chapter Eighteen : Forbidden Love

TAHIMIK na nakatayo ang lalaki sa dulo nang talampas. Tinatanaw ang magandang
tanawin nang matataas na bundok at malalaking ulap sa kalangitan.

Tumatama sa balat niya ang lamig nang hangin. Sadyang napakaganda sa paraisong
iyon. Walang kahit sino mang nilalang ang hindi gugustuhin na manirahan sa
paraisong kanyang kinatatayuan.
"Mukhang malalim ang iyong iniisip Cael... ang mortal na babae ba ang iyong
inaalala?"

Dahan-dahang napapihit siya paharap sa nagsalita. Nakita niya doon na nakatayo ang
pinuno nang kanilang lupon.

Makisig ang pangangatawan nito. Moreno ang balat katulad niya. Emerald green ang
mga mata at blonde ang medyo kulot nitong buhok.

Nagbigay galang siya dito sa pamamagitan nang pagyuko bago sinagot ang tanong nito.

"Wala akong ibang iniisip kundi si Alexine lamang pinunong Gabriel, simula nang
ipinanganak siya sa mundo nang mga tao. Wala na akong ibang pinag gugulan nang
aking oras kundi ang bantayan siya at alalahanin... "

Tipid na ngumiti sa kanya ang kaharap. Lumakad ito sa gilid niya at pinagmasdan din
ang magandang tanawin.

"Maraming salamat at ginagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin Cael.. Alam
kong hindi mo kailanman pababayaan ang mortal na nasa iyong pangangalaga subalit
nais lamang kitang paalalahanan..." muli itong humarap sa kanya. Nasa mukha ni
Gabriel ang karangalan at kisig nang isang kagalang galang na pinuno. Malalim na
tumitig ang green nitong mga mata sa kanya.

Napalunok siya habang inaantay ang sasabihin nito. kahit hindi pa ito nagsasalita
alam na niya kung anung nais nitong sabihin.

"May limitasyon sa pagtulong natin sa mga mortal sa ibabaw nang lupa Cael, huwag
mong hayaang mapangibabawan ka nang kung anuman nararamdaman mo para sa babaeng
iyon. Na maaring maging sanhi nang iyong pagtutol sa batas... hinding hindi natin
maaring suwain ang banal na kautusan..."

Nanlaki ang mga mata ni Cael. Paano nalaman nang kanilang pinuno ang tungkol sa
nararamdaman niya para kay Alexine?

"Pinuno..." nabahala siya. Alam niyang labag sa banal na kautusan ang umibig ang
katulad nila sa isang nilalang sa lupa. Mahigpit iyong pinagbabawal.

Ang mga kasamahan niyang sumuway noon ay ipinatapon sa lupa at hindi na muling
nakabalik sa kanilang paraiso.

Hinawakan siya nito sa balikat. Humigpit ang mga palad nito doon.

"Higit pa sa inaakala mo ang aking kakayahan Cael... kahit hindi mo man aminin,
alam ko na may pagtingin ka sa mortal. Gusto lamang kitang paalalahanan.... alam
kong alam mo kung anu ang tama at mali.. "

Hindi na tumutol pa si Cael sa sinabi ni Gabriel. Yumuko na lamang siya dito


senyales nang pag sang ayon at pag galang niya sa mga hinabilin nito.

Binitiwan na siya nito at naglakad paatras. Bumuwelo ito at ginalaw ang kanyang mga
balikat. Nang makakuha nang tamang buwelo'y hinakbang ni Gabriel ang mga paa at
mabilis na tumakbo. Tinalon niya ang talampas at nagpahulog sa ere. Nakataas ang
dalawa niyang mga braso.

Nang makuha na nito ang taas na gusto'y lumabas sa likuran nito ang malalaki at
kumikinang nitong mga pakpak.Muli itong lumipad paakyat at dumaan sa harapan ni
Cael.

Sadyang nakamamanghang nilalang.

Hindi nagtagal at naisipan na rin ni Cael na sundan ito. Tinalon niya rin ang
bangin at nagpahulog sa ere ilang sandali bago niya binuka ang puti at makinang na
mga pakpak na lumabas sa mismong dalawang mahabang peklat sa kanyang likuran.
Nilasap niya ang malamig na hangin na tumatama sa kanyang balat.

Inilibot niya ang buong paraiso kung saan naninirahan ang mga katulad niyang
anghel.

Dito na siya lumaki. Dito na siya nanirahan sa tagal nang panahon.

Habang naglilibot sa himpapawid ay muli niyang naisip si Alexine.

Bawat anghel ay may kanya-kanyang mortal na binabantayan at pinangangalagaan sa


mundo.

Mula sa pagkapanganak hanggang sa pagkamatay nang bawat mortal walang ibang gagawin
ang mga Anghel na nabibilang sa pangkat nila kundi ang bantayan at gabayan ang
bawat nilalang na nasa ilalim nang kanilang pangangalaga.

Sa tagal nang panahon simula nung unang nabuo ang mundo. Hindi na mabilang ni Cael
kung gaano na karami ang mga mortal na kanyang binantayan. At hindi na rin niya
mabilang kung pang ilan na sa Alexine sa hanay.

Subalit isang araw, natagpuan na lamang niya ang sariling nakakaramdam nang
kakaibang pagtibok nang puso sa tuwing pinagmamasdan niya si Alexine mula sa itaas.

Hindi siya nito nakikita kahit sa tuwing binibisita niya ito sa lupa. Walang kahit
sinong tao ang nakakakita sa kanila.
Ngunit may ibang paraan. Isang paraan na delikado at mapanganib lalo na't
ipinagbabawal iyon sa kanila.

Ang magpakita at kausapin ang mga tao sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang


panaginip.

Ito lamang ang naiisip na Cael na paraan upang mabigyan niya nang babala si Alexine
laban sa masamang balak sa kanya nang mga kaaway.

Kahit ang pag gamit nang kapangyarihan sa mga ordinaryong tao at gamitin itong taga
hatid nang mga babala at mensahe ay ginawa niya kahit na iyon ay labag sa kanilang
banal na kautusan.

Lahat ay handa niyang gawin para kay Alexine maprotektahan lamang ito laban sa mga
nilalang na nais manakit dito. Nangunguna na doon ang makapangyarihan at mataas na
uri nang demonyo na si Night. Ang Tagasundo.

Nasaksihan niya mismo kung paano nito tinali sa sumpa ang kaluluwa ni Alexine.
Bumalik sa alaala niya ang mga nangyari pitong taon na ang nakalilipas.

Labis ang pagkabahalang naramdaman ni Cael nang mga sandaling nakikita niya ang mga
nangyayari sa mundo. Dinukot si Lexine nang mga masasamang loob kaya't nagmadali
siyang lumipad papunta sa puno nang Karunungan kung saan ang portal nila patungo sa
mundo nang mga tao.

Ang 'Puno nang Karunungan' na nakatayo sa gitna nang 'Kagubatan nang Eden' ang
siyang nag iisang daan nila upang makalabas pasok sa mundo nang mga mortal.

Pinagmasdan niya ang gintong dahon nang lumiliwanag na puno.

Kahit wala sa oras--dahil may oras lamang kung kailan sila maaring bumaba nang
lupa--ay naglakas loob pa rin si Cael na pumasok sa portal at magtungo sa mundo
nang mga tao upang iligtas si Alexine.

Naabutan niya ang mga ito sa eksena kung saan tumatakbo na si Lexine patakas sa
lugar na iyon. Tila bumagal ang oras at nakita niya ang sandaling nagpaputok nang
baril nang kidnapper. Tinangka niyang liparin ang natitirang pagitan nila ni
Alexine upang iligtas ito subalit sa kasamaang palad hindi siya umabot at tumama
ang bala sa payat na katawan ng dalagita.

"ALEXINE!!! HINDI!!!!" sigaw niya.


Bumagsak ang ang katawan nang dalagita.

"Gago ka Boyet bakit mo binaril?" narinig niya ang pagsigaw nang kidnapper.

Natulala lang siya doon sa labis na panlulumo. Ang makita si Alexine sa ganoong
sitwasyon ay labis na nagbigay sa kanya nang matinding sakit.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya mismong nasaksihan ang pagkamatay nang
bawat mortal na kanyang binabantayan sa bawat paglipas nang panahon. Ngunit sa
kauna-unahang pagkakataon. Literal na naramdaman niya ang pagkadurog nang kanyang
puso.

Higit pa sa pag aalala bilang tagabantay ang nararamdaman niya para sa mortal.

Dahil nang mga sandaling iyon, tuluyan na niyang natangap ang katotohanang pilit
niyang itinatangi noon pa man.

Siya ay umiibig kay Alexine.

"S-sorry bossing nabigla kasi ako--"

"Tignan mong ginawa mo! Magkakanda letse letse tayo nito sinira mo ang plano!"

"Bossing! Napuruhan ata to! Ayaw tumigil nang pagdugo"

Nataranta pa ang mga ito. Siya naman ay nanghihinang napaupo sa isang sulok.

Lumabas ang sunud sunud na agos nang luha sa kanyang mga mata. Ang babaeng tahimik
niyang pinagmamasdan mula sa malayo at ang babaeng iniibig niya ngayon ay wala na.

Mula sa pagkakagulo nang apat na masasamang loob napansin niya ang isang itim na
usok na nabubuo sa gilid. Kinilabutan siya sa nakita. Alam niya kung anung ibig
sabihin nang mga iyon.

Nandito na ang "Tagasundo"

Matagal na niyang alam at naririnig ang tungkol sa kwento nang Tagasundo. Ito ang
makapangyarihang nilalang na siyang sumusundo sa mga kaluluwa nang mga namatay at
naghahatid patungo sa lugar na kalalagyan ng bawat namatay.

Sa mundo nang mga kaluluwa.


Kinilabutan siya nang masaksihan niya mismo kung paano lumitaw mula sa maitim na
usok ang bulto nang taga sundo o mas kilala sa pangalan nitong...

"Night... " hindi makapaniwalang na sambit niya.

Nakagigimbal ang malakas na kapangyarihang pumapalibot dito. Nanginig ang bawat


kalamnan niya sa takot. Ramdam niya ang nag uumapaw nitong kapangyarihan. At kahit
ang anghel na katulad niya'y hinding hindi mananalo sa taglay nitong lakas.

Tahimik na pinagmasdan niya ang ginawa nitong pagpasalang sa mga mortal na dumukot
kay Alexine. Wala siyang magawa. Hindi siya maaring makielam. Kahit gustuhin man
niya'y anu ang laban niya sa napaka makapangyarihang demonyo? Baka pati siya'y
paslangin nito.

Nang matanaw niyang lumapit ang demonyo sa katawan ni Lexine ay nabahala siya.

Susunduin na nito ang kaluluwa ni Lexine. Nais niyang tumutol, hindi niya matangap
na mamatay na ito at tuluyan nang mawawala sa mundo.

Masakit para sa kanyang basta basta na lamang tangapin ang pagkawala nito.

Hindi na siya nakapag isip. Ihahakbang na sana niya ang mga paa upang pigilan si
Night sa pagkuha sa kaluluwa ni Lexine nang bigla siyang napahinto. Nanlaki ang mga
mata niya nang makitang hinalikan nito sa mga labi ang dalagita. Lumiwanag ang
buong katawan nang dalagita.

Hindi na siya nagpatumpik tumpik pa. Sumilab ang kakaibang galit sa kanyang dibdib
at hindi na siya nakapag isip. Binuka niya ang mga pakpak at mabilis na lumipad
patungo sa kanila.

Mabilis siyang pumitas nang isang hibla nang balahibo mula sa kanyang pakpak.
Lumiwanag iyon at naging isang nagliliwanag na espada.

"Bitawan mo siya!" tinaas niya ang espada at tinutok sa kalaban.

Subalit may kakaibang harang pala ang nakapalibot sa dalawa na hindi niya agad
nakita. Nakuryente siya nang madikit sa harang na iyon at sa lakas nang impact ay
tumilapon siya sa malayo.

Nanakit ang buong katawan na bumangon siya.

"Akalain mo nga naman, mayroon pala tayong bisita.." dahan-dahang naglalakad ang
Tagabantay patungo sa kanya.
" ..from the Kingdom of the idiot birds..my my, what a suprise!"

Tumayo siya at hinarap ito.

"Layuan mo si Alexine! Anung ginawa mo sa kanya?" galit niyang sigaw. Hinanda niya
ang espada sa kanyang mga kamay.

"Of course I'm here for my job birdie.." mayabang na sabi nito.

Hindi na niya pinansin ang kayabangan nito at sa pagtawag nito sa kanyang ibon.

"Hindi ko hahayaang saktan mo si Alexine" nangigigil niyang utas dito.

Tumawa ito nang nakakaloko. "Why? Do you think you can fight me with your glowing
stick? Oh come on dude.... You've got to be kidding me!"

Ngayon niya lamang nakaharap ang tagasundo. Sa tinagal tagal nang buhay niya bilang
anghel, kailanma'y hindi niya naisip na makakaharap niya ang masama at napaka
makapangyarihang nilalang na kinatatakutan nang lahat.

Dumako ang tingin niya kay Alexine. Nakahiga ito sa sa sahig at nakahinga siya nang
maluwag nang nakitang humihinga pa ito.

"Buhay pa siya! Hindi pa siya patay kaya hindi ko pa maaring sunduin ang kanyang
kaluluwa"

Umiling iling si Night at muling tumawa nang mahina. Para itong bata tuwing
tumatawa.

"I knew it! puro lang pala talaga kayo pakpak wala naman kayong utak." lumakad ito
pabalik kay Alexine at binuhat ang dalagita.

"Saan mo siya dadalhin? Bitawan mo siya hindi pa siya patay!" agad siyang tumakbo
papalapit sa mga ito.

Ilang hakbang bago tuluyang makalapit ay hinumpas ni Night ang kamay nito at
nanigas siya sa kinatatayuan. May kakaibang pwersang pumipigil sa kanya.

"A-anung ginagawa m-mo..." nahihirapan siyang magsalita dahil unti-unting pinipiga


ang buo niyang katawan nang malakas na pwersa.

"Stay there birdie.. This girl is mine! And for your information, buhay siya ngayon
dahil sakin. It's because I saved her. Now her soul is all tied to my hands. So if
I were you little birdie go home to your smelly nest and save your ass. Pasalamat
ka at wala ako sa mood para patayin ka ngayon.. but if you show your fucking filthy
face again to me... " tumitig ito sa kanya nang napakasama. Kinilabutan ang buong
pagkatao niya.

"Hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka. And I'll make sure to cook you and
turn you into a roasted chicken!"

Sa labis na galit at inis ay napasigaw na lamang siya. Wala siyang laban dito.
Masyado itong makapangyarihan at malakas. Hindi niya ito kaya.

Ngumisi sa kanya ang demonyo bago nagsimulang malakad palayo bitbit si Alexine.

"Alexine!! Alexine!!! Saan mo siya dadalin! Bitawan mo siya!! Aaahhh!" nagsisigaw


siya sa galit.

Inilapag nito si Alexine sa upuan kung saan ito kaninang nakatali. Nakita niyang
hinalikan nito ang noo ng dalagita bago ito mabilis na napalibutan nang itim at
makapal na usok at tuluyang naglaho.

Doon lamang siya nakawala at nakagalaw.

Lalapitan niya sana si Alexine subalit narinig niya ang mga yabag na paparating.
Nakita niya ang pagpasok ni Alejandro at nag aalalang dinaluhan ang kanyang apo.

Matapos ang pag babalik tanaw ay bumaba si Cael sa kapatagan. Dinala siya nang mga
pakpak sa tapat nang mahiwagang puno nang Karunungan. Pinagmasdan niya ang gintong
mga dahon nito na kumikinang sa ganda.

"Patawarin mo ako Alexine kung hindi kita nagawang ipagtangol laban sa kanya.
Ipinapangako ko na lalaban ako hanggang huli mailigtas ka lang sa mga kamay nang
demonyong iyon... "

At muli niyang tiningala ang puno. Inihinda ang sarili sa malaking laban na kanyang
kahaharapin.

Sa laban na hindi lang buhay niya ang maaring maging kapalit. Kundi ang laban para
sa kanyang pag ibig na hindi maari kailanman.

=================
V.3: Chapter Nineteen

Chapter Nineteen: Jealousy

MATAPOS ANG LAHAT nang mga nangyari sa buhay ni Lexine sa mga lumipas na araw ay
ngayon niya lamang ulit nagawang makapag relax.

"Ahhh... sige pa.. Diinan mo pa ahhh...sige pa! Yan masarap dyan aaaaaah!!! "

"Dito po ba maam?"

"Oo dyan pa.. yes! Yes that part aaahhhh"

Napaikot ang dalawa niyang mga mata at napilitang bumangon sa pagkakadapa at


harapin ang katabi.

"Belle anu ba ang ingay mo! Mahiya ka naman kela ate dito..."

Napatigil sa pag iingay si Belle at napalingon sa gawi niya. Nahihiyang ngumisi ito
sa kanya.

"Sorry na friend, ngayon na lang kasi ulit tayo nakapag body massage at ang sakit
sakit na nang katawan ko kakatrabaho kaya naman sobrang feel na feel ko lang tong
pagmamasahe ni ate sakin" Nag peace sign pa ito sa kanya.

Napatingin siya sa babaeng masahista na nagmamasahe kay Belle. Halatang nagpipigil


ito nang tawa kanina pa.

"Hay naku! Please be quiet na lang naiirita ako sa ingay mo e" aniya at muling
dumapa upang ipagpatuloy ang pagpapamasahe.

"Sarreh!" pilyang sabi pa nito sabay ngisi sa kanya.

Naiiling na inirapan niya ito at nagrelax habang nagpapamasahe.

Pagkatapos nang whole body massage ay nag Sauna pa sila ni Belle. Tapos ay nagpunta
sila sa nail salon at nagpa foot spa with manicure and pedicure.

It was a one hell relaxing day.

"Haaaay ang sarap nang buhay prinsesa" buntong hininga ni Belle nang makapasok na
sila nang sasakyan.
Nag shopping pa sila nang ilang mga bagong damit. At nagpa haircut din siya nang
buhok. Ang dating hanggang bewang na haba nang hair niya ay pinaiksihan niya nang
medium short at pinakulayan na rin nang dark ash.

"Infernes friend bumagay sayo yang new look mo! Bet na bet ang color winner!"
hinawakan pa nito ang buhok niya.

"Bakit ka ba biglang nagbongang make over ngayon? Short hair so move on move on
ganun? Teka wala ka namang boyfriend kanino ka nag mo-move on?"

Natatawang hinarap niya ang kaibigan. Kung anu anung conclusions agad ang naiisip
nito.

"Anung move on sinasabi mo? Masama na bang magpagupit at magshopping? I always do


this naman even before ah!"' aniya.

May kung anu sa paraan nang pagtitig nito na tila hindi naniniwala sa kanya.
"Hmm... eh bakit parang may something dyan sa mga mata mo. Saka napapansin ko lang.
This past few days sobrang tuleley ka palagi. Tapos last night inuwi mo pa si Mang
Ben sa bahay na tulog na tulog? And then napapadalas na late ang pag uwi mo... and
ngayon naman nagbongang make over ka na para bang gusto mong makalimot at mag start
ng new life!" mahabang litanya nito.

Hindi niya alam kung paano sasagutin lahat nang tanong nito. Napatingin pa siya sa
driver nila na hindi na si Mang Ben kundi ang mas batang si Rico.

Nang magising si Mang Ben pagkatapos nang insidenteng nangyari nung isang gabi kung
saan sinaniban ito nang isang ravenium demon, ay nagtataka ito at walang kahit na
anong maalala.

Naisip niya bigla yung aninong lumalabas sa tattoo ni Night na ang pangalan ay Ira.
Naalala niya pang inutusan ito ni Night na pagalingin ang mga sugat ni Mang Ben at
tangalin ang memorya nito.

Ayon sa matandang driver nila ay ang huling naaalala nito na nagmamaneho siya
papuntang school upang sunduin siya. At nang magising ay nasa bahay na nila.
Nagdahilan na lang siya na sa kalagitnaan nang byahe ay nahilo ang matanda at siya
na ang nagmaneho pauwi.

Tila naniwala naman ito. Kaya nung sinabi niya na magpahinga na lang ito at si Rico
na lang muna ang magiging driver niya ay hindi na ito tumutol pa.

"Alam mo kung anu anu lang yang iniisip mo e. Wala namang problema sakin kaya wag
ka ngang praning dyan Belle!" aniya na ikinanguso pa nang huli.

Laking pasasalamat niya na hindi na siya nito kinulit sa byahe at inabala na lang
ng katabi niya ang sarili nito sa pagtingin sa mga damit na ipinamili nila.

Habang umaandar ang sasakyan at nakatingin lang siya sa labas. Muling pumasok sa
kanya ang mga sinabi nang manghuhula na si Madame Winona.

Pinag iingat siya nito sa mga nilalang na sinasabi nitong may balak sa kanyang
masama. Sinu kaya ang mga iyon? Ang akala niya'y si Night lang ang gumugulo sa
buhay niya pero matapos ang nangyaring muntik na pagpatay sa kanya nang ravenium
demon ay doon niya napagtantong hindi nga nagbibiro si Madame Winona.

Hindi niya rin maintindihan ang tinutukoy nitong mga nilalang na gawa sa
nakakasilaw na liwanag na siyang darating upang iligtas siya at protektahan sa mga
gustong manakit sa kanya.

Isa kaya si Cael sa mga tinutukoy nito? Hanggang ngayon ay isang malaking misteryo
pa rin sa kanya si Cael.

At hanggang ngayon ay gulong gulo pa din siya tungkol kay Night. Isang iglap ay
nililigtas siya nito. Isang iglap ay pinagbabantaan siya nito at palaging
tinatakot. Hindi niya tuloy matukoy kung talaga bang kaaway ito o kakampi. May
isang lingo na rin itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Ayaw man niyang aminin, pero
tila hinahanap hanap niya ito.

NAIINIS na binaba ni Lexine ang hawak na iphone. Hindi na naman kasi sumasagot sa
tawag niya si Ansell.

"Tignan mo tong monkey na to! Hindi sinasagot tawag ko siguro busy na naman sa pang
chi-chiks niya!" naiinis na bulong niya sa sarili.

Hinayaan na lang niya ito at pumasok na sa susunod niyang klase. Naabutan niyang
may pinagkakaguluhan ang mga kaklase niya sa upuan sa pwesto nila Xyrille.

"Anung meron?" taka niyang tanong sa mga ito. Napalingon naman agad ang iba niyang
kaklase at nakita niya si Xyrille katabi si Fern na may tinitignan sa ipad.

Namutla ang dalawa nang makita siya at mabilis na tinakpan ang dalang ipad.

"A-aah.. Lexi! Naku wala to!" nautal pa si Xyrille habang panay ang pagtakip sa
ipad gamit ang mga braso. Napansin niya din ang pagtitingingan ang dalawa na tila
may hidden message na ayaw iparinig sa kanya.
Napakunot ang noo niya. Anu bang meron doon at ayaw ipakita sa kanya nang mga
dalawa?

"Anu ba kasi yan, bakit ayaw mo ipakita?" nagtataka niyang tanong.

"Wala nga to, hindi to importante" panay ang pag iling nito.

Magtatanong pa sana siya pero dumating na ang professor nila kaya napilitan siyang
tumungo sa upuan niya at magfocus na lang sa klase. Napalingon pa siya ulit kay
Xyrille. Nagbubulungan ito at si Fern. Nang mahuli nang dalawang nakatingin siya ay
naghiwalay ang mga ito at nagpangap na tila hindi nag uusap.

Weird

Natapos ang klase nila at sabay sabay na silang nagtungo sa Persia Grill na katapat
lang nang school nila at doon na nag lunch. Nagkwentuhan silang tatlo tungkol sa
mga subjects nila at sa nalalapit na college night nang kanilang college
department. Ito ang pinaka inaabangan taon taon dahil bonga ang mag organize nang
party ang college nila.

"Wait, I'll just go to the restroom" paalam ni Xyrille pagkatapos nilang kumain.

Maya maya pa at si Fern naman ang nagpaalam na mauuna na dahil time na nito sa next
subject nito. Naiwan siyang mag isa sa table nila. Napalingon siya sa gawi nang
restroom kung saan hindi pa lumalabas si Xyrille. Napalingon siya sa ipad nito na
lumilitaw sa shoulder bag nitong nakapatong sa lamesa.

May kung anu talaga doon ang humahatak nang kuryosidad niya kaya naman hindi na
niya napigilan ang sarili at sinamantalang nasa restroom si Xyrille at kinuha ang
ipad at agad tinignan ang laman.

Buti na lang at hindi nag papasword lock si Xyrille.

Una niyang tinignan ang photos. Bukod sa mga selfies nito at OOTD ay wala na siyang
ibang nakitang weird at kahina hinalang bagay. Naghanap hanap pa siya hanggang sa
na click niya ang facebook app.

Bumungad agad sa kanya ang isang picture na nakapost sa group page nang buong
university nila. Pinuputakte nang likes at comments ang picture na iyon. At hindi
na siya nagtaka dahil nang makilala niya kung sino ang nasa picture ay para siyang
pinagsakluban nang langit at lupa.

Napatakip siya sa bibig. Ang picture ay kuha sa isang club. Sa sofa nakaupo ang
isang babaeng halos nahuhubaran na sa napaka iksing dress nito at nakakandong sa
hita nang isang lalaki habang wild na nakikipaghalikan.
At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Night.

Bago pa man siya maabutan ni Xyrille ay mabilis na niyang binalik ang ipad sa bag
nito.

"Oh where's Fern?" agad tanong ni Xyrille pagbalik nito.

Bahagya siyang natulala at biglang nanlamig sa nakita niya. "A-ah... pumasok na sa


next class niya" sa kabila nang panlalamig ay nagawa niya pa rin makasagot dito
nang maayos.

Nalukot ang noo nito at tinitigan siyang mabuti. "You look pale Lexi, are you
sick?"

Umiling siya at pilit na ngumiti. "Wala... sa pagod lang siguro. T-tara? Bill out
na tayo" pag iiba niya nang usapan.

Hindi na siya kinulit pa ni Xyrille pero nandoon pa rin ang malalim na tingin nito
sa kanya. Tumawag na ito nang waiter upang kunin ang bill nila. Habang inaantay ay
bill ay hindi niya maiwasang paulit ulit na maisip ang picture na nakita niya.

Kaya pala ayaw itong ipakita sa kanya ni Xyrille. Dahil marahil alam nitong
maapektuhan siya sa makikita.

Pero teka! Bakit nga ba siya naapektuhan? Anu naman ngayon kung may kahalikang
ibang babae si Night? Anu naman sa kanya?

At bakit siya nakakaramdam nang paninikip nang dibdib gayong wala naman silang
malalim na uganyan para magka ganun siya?

NASA kalagitnaan siya nang mahimbing na pagtulog nang mag ring ang cellphone ni
Lexine. Napilitan siyang dumilat at sagutin iyon. Nakita niya ang pangalan ni
Ansell sa screen at ang oras na 12:27am nang madaling araw.

"H-hey?" antok niya pang sagot sa tawag.

Hindi kaagad sumagot si Ansell kundi walang tigil na mabibigat na paghinga ang
naririnig niya sa kabilang linya.

"A-ansell? Hello?" nagtataka siya.


"L-lexi... lexi..." paulit ulit na tawag nito sa kanya.

May kung anung hindi maganda sa tunog nang boses nito na nagpakaba sa kanya.

"Are you okay? Bakit ganyan ang boses mo?"

Mabibigat na paghinga pa muli ang narinig niya. "Lex... I-i feel so hot... so f-
fucking.. Hot. I feel like I'm burning..."

Nawala bigla lahat nang antok niya sa katawan at natatarantang napabangon..

"Hey Ansell what's happening? Are you okay? Are you sick? Just wait there
pupuntahan kita... "

Nagmadali siyang nagpatong nang jacket sa suot niyang pantulog at kinuha ang susi
nang kotse niya.

Gabi na at tulog na si Rico lalo na si Mang Ben. Ayaw na rin niyang maka istorbo
kaya siya na lang ang nagmaneho patungong condo ni Ansell.

Alalaang alala siya sa bestfriend niya. Nung isang araw niya pa napapansin na
matamlay ito at tila may sakit. Akala niya'y simpleng cough and colds lang pero
nagkamali ata siya.

Pagkarating niya nang condo ay agad siyang nagmadaling umakyat nang elevator at
pinindot ang Penthouse. Sa pinakatuktok nang condominium building nandoon ang unit
ni Ansell. May extra key din siya nang condo nito kaya naman dire-diretso na siyang
pumasok sa loob.

"Ansell?"agad niyang tawag. Madilim ang buong unit at walang sumasagot sa kanya.

Pinasok niya ang kwarto nito pero wala ito doon. Tanging magulong kama lang nito
ang naabutan niya. Lalo siyang nabahala. Parang may kabayo sa loob nang dibdib
niya.

"Ansell where are you?" nilibot niya pa ang buong unit pero wala siyang Ansell na
nakita. Wala ito sa veranda, sa sala or kahit sa kitchen.

Natanaw niyang nakauwang ang pinto nang bathroom at bukas ang ilaw. Naririnig niya
rin ang tunog nang shower.

"Ansell!" pagbukas niya'y naabutan niya si Ansell na nakahiga sa loob nang shower
tube na basang basa sa suot na pantulog. Wala itong malay.
Nagmamadali niya itong nilapitan.

"Ansell wake up--" nahinto ang sasabihin niya ang maramdaman ang balat nito. "Oh my
God sobrang init mo!"

Sa sobrang init nang buong katawan nito para siyang napapaso.

Agad siyang kumuha nang twalya. Pinatay niya ang shower at pinilit na buhatin si
Ansell palabas doon.

Kahit nakapulupot nang twalya ay ramdam niya pa rin ang init nito. Hindi niya alam
kung gaano katagal pero nagawa niyang mabuhat ito pabalik sa kwarto.

Natataranta siya. Hindi niya alam kung anung unang gagawin. Hinubad niya ang suot
nitong basang pantulog. "Aww!" napaso siya nang mahawakan ang dibdib nito.

"You're burning... "

Napahawak siya sa sariling noo. Baka kung mapanu na ang bestfriend niya. Inaapoy na
ito nang lagnat.

Pagkatapos palitan nang tuyong damit ay ilang ulit niyang pinunasan ang katawan
nito nang basang bimpo. Kahit na tila wala naman iyong epekto dahil hindi man lang
bumababa ang init nito.

Nagulat pa siya pagka check niya sa temperature nito.

"51 degrees? Is this possible?"

Hindi siya makapaniwala. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi normal ang ganoong
kataas na temperature. Nagmadali siyang tumawag nang doctor at halos mamatay na
siya sa pag aalala sa bestfriend niya.

=================

V.3 : Chapter Twenty

Chapter Twenty : Confused Hearts

INUMAGA na si Lexine sa hospital kakabantay kay Ansell. Pagkatapos kasi niyang


tumawag nang doctor ay inadvise agad siyang dalin na ang bestfriend niya sa
hospital dahil sa napaka taas nitong temperatura.
Pagdating naman sa hospital ay sinabi lang na doktor na dengue ang daw ang sakit
nito.

Pero kung dengue? Bakit hindi ito nagsusuka o nagtatae man lang? Pero ayaw na
niyang kuwestyunin pa ang mga sinasabi nang mga doctors sa kanya. Ang gusto lang
niya ay maging maayos ang kalagayan ni Ansell.

Hindi na rin siya nakapasok nang school dahil sa pagbabantay dito. Nagpadala na
lang siya nang damit at gamit kay Belle.

Naaawa siya sa bestfriend niya. Wala na kasi itong ibang kasama sa buhay. Matagal
nang hiwalay ang parents nito. At ang mommy nito ay sa ibang bansa nagta-trabaho.
Ang daddy naman nito na isang sikat na business man ay may iba nang pamilya.
Pinapadalan na lamang siya nang malaking allowance at kung anu-anung luho gaya nang
condo unit. At magagarang sasakyan.

Kaya sa mga pagkakataong ito wala na itong ibang maasahan kundi siya lang.

Minsan nagagawa niyang maintindihan kung bakit napaka playboy nito. Kulang kasi ito
sa atensyon, pagmamahal at pag aaruga.

Ilang sandali pa niya itong pinagmamasdan nang bigla itong magkamalay.

"Hey... " agad niya itong dinaluhan.

Napalingon sa kanya si Ansell. "Lexi? Where am I?" nagpagala gala ang tingin nito
sa paligid.

Malumanay na hinaplos niya ang buhok nito. "We're here at the hospital. May dengue
ka pala according to the doctors..."

Kumunot ang noo nito. Pinilit pa nitong bumangon kahit pinigilan niya.

"No.. I don't have a dengue... this is nothing" nagpumilit pa itong tumayo.

Agad niya itong pinigilan. "Ansell anu ba, wag ngang matigas ang ulo mo. You need
to take a rest bago ka makalabas dito. We'll wait for the doctors advice kung kelan
ka pwedeng lumabas"

Halata dito ang pagtutol subalit wala na itong nagawa dahil nanghihina ito at hindi
na nakapanglaban pa sa kanya.

Buong araw lang na natulog si Ansell. Buti na lang at pinayagan siya nang lolo
Alejandro niya nang nagpaalam siya ditong pansamantala munang mag o-overnight sa
hospital para mabantayan si Ansell.

Nagtext na rin siya kela Xyrille na balitaan siya tungkol sa mga lessons at
assignments na mamimiss niya.

Ala una nang madaling araw nang magising siya dahil sa malakas na hangin na
pumapasok sa loob nang kwarto. Takang napalingon siya sa bintana. Nakabukas iyon at
pumapasok ang malakas na hangin.

Paano bumukas yun?

Bumangon siya upang isara ang bintana. Napatingin pa siya sa labas na ang view ay
ang garden nang hospital. Nang wala naman siyang nakitang kakaiba ay sinara na niya
iyon.

Pagpihit niya paharap isang bulto ang sumalubong sa kanya. Sisigaw sana siya pero
mabilis nitong tinakpan ang bibig niya.

"Sshhh... "

Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang gulat. Tinangal niya ang kamay nito at galit
itong tinitigan.

"Anung ginagawa mo dito Night?" bumulong siya para hindi niya magising si Ansell.
Natatakot siyang baka makita nito si Night. Hindi yun maaring mangyari.

Sa kabila nang pagkabahala niyang magising si Ansell ay kasabay ang kakaibang


pagrigodon nang puso niya nang muli itong masilayan.

Bakit parang natutuwa siyang makita ito?

Madilim ang paligid at tanging maliit na liwanag na galing sa buwan ang pumapasok
sa loob nang kanilang kwarto. Kakaiba ang tibok nang puso niya. Bakit ganito?

Unti-unting lumapit sa kanya si Night. May kakaiba sa uri nang pagtingin nito sa
kanya na lalong nagpadagdag sa kaba niya. Naramdaman na lang niyang lumapat ang
likod niya sa salamin nang bintana.

"Didn't you miss me cupcake?" mapanudyong bulong nito.

Bumilis ang paghinga ni Lexine. Lalo na nang maglapit nang husto ang mga katawan
nila. Hinawakan nito ang dulo nang buhok niya at ininspeksyon iyon. Sa pagkagilalas
niya'y inamoy amoy pa nito.
"New haircut? I like it" mapanudyong tumungin ito sa kanya.

Kinontrol niya ang sarili sa kabila nang pagwawala nang mga alaga niya sa tyan.

"Wag ka na ngang magpaligoy ligoy pa. Bakit ka ba nandito? At bakit ngayon ka lang
nagpakita sa--"

Nahinto siya sa sinasabi niya nang marealize niya na may mali sa inaasal niya. Pero
huli na ang lahat dahil sumilay na sa mga labi ni Night ang nakakaloko nitong
ngiti.

"So you really missed me huh? Why? Are you waiting for me this past few days?" mas
lalo itong dumikit sa kanya. Sinandal nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid
niya. Halos mapipi na siya sa kinatatayuan. "Akala ko ba you hate me? akala ko ba,
you dont want my presence pero bakit tila iba ang pinapakita sa akin nang mga kilos
mo ngayon?" panunudyo nito.

Napalunok siya nang laway.

Bakit ba ganito na lang palagi ang reaksyon nang katawan niya sa tuwing nasa
malapit si Night?

"Of c-course not!" pagtangi niya. Nakagat niya pa ang ibabang labi dahil sa
pagkautal.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.

Holy shit! Please stop staring!

"Then why are you stuttering? I know you missed me cupcake. I know deep inside
yourself your asking for my name... "

Ito na naman ang traydor niyang puso.

Sige na! Aaminin na niya! Hinahanap hanap nga niya ito lalo na sa bigla nitong
pagkawala nang matagal. Pero wala naman ibang ibig sabihin yun diba? Baka nasanay
lang siya na palagi itong nakasund at nangungulit sa kanya.

"Will you please stop flirting me! Alam mo ang labo mo e! Isang araw, tatakutin mo
ko at pagbabantaan. And then the other day, ililigtas mo naman ako at dyan! dyan ka
magaling!" dinuro duro niya ang matigas nitong dibdib.

"Palagi mo akong pinaglalaruan. Bakit ba ayaw mo kong tantanan? Mukhang nag eenjoy
ka naman sa ibang mga babae mo so bakit nag aaksaya ka pa nang panahon at oras mo
sakin!"

Hindi na niya napigilan ang sarili. Bahagya pang napataas ang boses niya. Sana lang
ay huwag magising si Ansell.

Saglit na natigilan si Night bago biglang tumawa na parang isang bata. "So you
knew about me flirting with other girls? I didn't know you're my stalker.. "

Sa inis niya'y tinulak niya ito nang buong lakas at kumawala sa pagkaka korner nito
sa kanya.

"Stop playing with me Night! Anu ba talagang gusto mo? Bakit mo ba ginagawa to
sakin? Bigla bigla ka na lang mawawala at bigla bigla ka na lang lilitaw... pagod
na pagod na akong makipaglaro sayo so will you please stop making fun of me!" sunud
sunud na bumuhos ang hinanakit niya.

Napra-praning na ata talaga siya.

Nag iba ang mood ni Night. Ang mapang asar nitong mga tingin ay napalitan nang
pagka seryoso.

"Umaabuso ka na babae. Hindi na ako natutuwa sa pagiging nagger mo. Baka


nakakalimot ka. I own you and if I want to play this game you can't do anything
about it--"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya.

Oh no what have she done?

Nagulat rin siya sa nagawa niya. Agad na binawi niya ang kamay at natakot nang
makitang nagdilim ang mukha ni Night. Sa gulat niya'y mabilis siya nitong hinawakan
sa mga braso at sinandal hanggang sa kabilang side nang kwarto.

Nanginig siya sa takot. Sobrang bilis nang nangyari at nakakatakot ang nanlilisik
nitong mga mata.

"You little bitch! No one had ever slapped me in the face!" para itong hayop na
mabangis.

Naalala ni Lexine ang ipinangako niya sa sarili niya. Na sa kahit anung paraan
lalaban siya dito. Na kahit alam niyang wala siyang laban hinding hindi na siya
ulit magpapadala sa takot.

"Dapat lang sayo yan asshole!" singhal niya sa mukha nito.


"You're really getting on my nerves little girl... do you really want to see me
pissed off with your fucking attitude? What if I kill you now bitch?"

Nanginig ang buong katawan niya sa mga huling salitang binitiwan nito. Hindi niya
alam kung saan niya pa nahuhugot ang lahat nang lakas na loob na meron siya pero
parang may sariling utak ang mga bibig niya at panay ang pagbuka.

"Then do it!" lakas loob niya pang paghahamon.

Tumalim lalo ang tingin nito sa kanya. Nanigas ang mga panga nito. Tanging tibok
nang puso niya at mabibigat nilang paghinga ang naririnig niya.

Talaga bang papatayin siya nito?

Pero may kung anu sa mga mata nito ang nakikita niya nang mga sandaling iyon. Tila
ba may kakaibang bagay doon na hindi niya sigurado kung totoong nakikita niya o
guni guni niya lang.

"Bakit di mo gawin? Bakit di mo pa ako patayin ngayon... "

Hindi niya binibitawan ang tingin dito.

Nagtagal ang tinginan nila. At nang mga sandaling iyon tuluyan na niyang nasilayan
sa mga mata nito ang isang parte nang pagkatao nito na hindi niya kailanman
inakalang mayroon ito.

"If it's only easy to kill you matagal ko nang ginawa. But its not that easy....
Shit! What have you done to me? "

Natulala siya sa mga sinabi nito. Did she really heard it right?

Yumuko ito na tila nahihirapan. Umiling iling ito at ilang beses na nagmura.

At ngayon pati siya mismo nahihirapang huminga dahil sa kakaibang pinaparamdam ni


Night sa kanya nang mga sandaling iyon. Nag angat ito muli nang tingin. Malambot na
malambot na ang mga mata nito. Hinawakan nito ang pisngi niya.

Napapitlag siya dahil nakaramdam siya nang kakaibang kuryenteng dumaloy sa buong
katawan niya.

Anung nangyayari? Bakit ganito? Anung ibig sabihin nang mga tingin nito sa kanya?

At bakit ganito ang pagtibok nang puso niya?


"Do you know how much I want to kill you right now? Do you have any idea how I
badly want your soul ..huh?" He's voice was husky. Narinig niya rin sa tono nito
ang pangigigil.

"Do you have any fucking idea?" diniin nito ang sariling noo sa kanya.

God her breathing is now ecstatic!

Unti-unti nitong binaba ang labi sa kanya. Pinagdikit nito ang tungki ng mga ilong
nila. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga na nakakapagpahilo sa kanya.

She knew to herself that letting this happen would only cause her more danger. Pero
ayaw gumana nang maayos nang utak niya. Wala siyang ibang gusto kundi muling
maramdaman ang init nang mga labi nito.

Unti-unti niyang naipikit ang mga mata.

"I badly want you... I badly want to own you right now"

Para siyang dinadala nang mga salita nito sa ibang dimensyon. Sa mundo na ito lang
ang tanging makakapagdala sa kanya.

"Night..."

Tahimik niyang inantay ang pagdampi nang mga labi nito. Ramdam na ramdam niya ang
lapit nang mga mukha nila sa isa't isa. Ilang sandali na lang ay muli na niyang
mararamdaman ang malalambot nitong labi. Kinakabahan siya nang husto at nawala na
nga sa isip niya na minsang naging mahapdi ang kinahantungan nang halik nito sa
kanya noon. Bumigat nang husto ang bawat paghinga niya.

"Lexi?"

Naidilat niya ang mga mata at nawala na pala sa harapan niya si Night. Takang
napahawak siya sa dibdib sabay napatingin kay Ansell na nagising na pala.

"Why are you standing there? Come here.." antok pang sabi nito.

Napakurap kurap siya. Anung nangyari?

Wala sa sariling nilapitan niya si Ansell. Hindi na muling bumalik sa dati ang
tibok nang puso niya. Did she just let herself wide open and almost got kiss by
that devil?
UMAALINGAW ang napaka sensual na pag ungol sa buong madilim na kwarto. Paulit ulit
na pag iyak nang isang babae ang umikot sa kabuuan nang lugar. Tanging liwanag mula
sa buwan ang naging ilaw sa kadiliman. Nakakalat ang mga damit sa sahig. Ang gothic
victorian na interior design nang kwarto ang lalong nagdagdag nang kakaibang aura
sa lugar.

Dark and Gothic.

"Aaaah...."

Napahigpit ang pagkapit nang maputi at balingkinitan na babae sa buhok ni Night.


Napaangat ang tingin nang huli sa kasiping niya. Ang matingkad na pulang buhok nito
ang unang nasisilayan niya.

Lalong umingay ang pag ungol nang babae at ang kakaibang lindol na gawa nang
kanilang pagtatalik. Dumating siya sa sukdulan at hingal na napahiga sa kama.

Napatingin siya sa kisame nang kanyang kwarto. Napapikit siya.

There's something that keeps on bothering him. He's already obsessed with that
girl.

Naramdaman niya ang pagdikit sa kanya nang katabing babae. Malanding tumingin ang
mala pusa nitong mga mata. "One more round?" nang aakit na sabi nito.

Napakurap siya at mula sa mukha nang succubus demon na isa lang sa mga babaeng
nagkakadandarapa sa kanya ay bigla na lang nagbago ang paningin niya dito at iisang
mukha na naman ang nakikita niya.

Oh fuck! that girl was really messing his head bigtime.

Palaging mukha nito ang nakikita niya. Nang mga sandaling iyon si Alexine na
nakahubot hubad ang kanyang nasisilayan at hindi ang demonyitang may pulang buhok.

Lumapit ang Alexine na nakikita niya nang dahan dahan. Pumatong ito sa kanya at
pinaghahalikan siya mula sa leeg niya pababa sa kanyang dibdib. His imagination was
wild and naughty but he can't help it. He wants her. He wants her to be naughty
just like this.
Nang bumaba ang halik nito sa tyan niya'y hinablot niya ang buhok nito. Umangat ang
mukha nang babae at naglaho ang mukha ni Alexine.

Ang malapusang mga mata ulit nang demonyitang pula ang buhok ang nakita niya. Sa
inis niya'y tinulak niya ito palayo sa kanya.

"Get off me bitch!"

Napahiyaw ito nang bumagsak ito sa sahig.

Napilitan siyang bumangon at dinampot niya ang bote nang red wine na nasa side
table. Tinunga niya iyon at inubos ang laban. Hinagis niya ang bote at binato sa
babae.

"Clean that mess and get out of my face!" sigaw niya na ikinanginig nang demonyita.

Nagmadaling nilinis nito ang kalat at umalis na bitbit ang mga damit.

Naiinis na napatingin siya sa bintana. Pinagmassan niya ang maliwanag na buwan sa


madilim na langit.

That girl... her face, her voice, her eyes, her lips. Everything about her. He
always see her in every woman he had sex with. At palagi niyang nararating ang
sukdulan na palaging mukha nito ang nakikita niya.

This past few days he tried hard to pull her off his system. He drinks every night,
party every night, went to different bars and fuck different girls. Human or not.
He doesn't care. All he wants is to forget that sweet little lip and those
addicting almond eyes.

Pero hindi niya rin natikis ang sarili at siya na mismo ang lumalapit dito na
parang linta. This was not part of the plan. All he wants is to discover what's the
mystery behind that girl and her distinct soul. At ngayon na nalaman niyang hindi
lang pala siya ang nag iinteres sa babaeng iyon matapos niyang makaharap ang isang
ravenium demon. Lalo siyang nabahala sa maaring mangyari.

Now he got a big problem. A big big fucking problem.

Lumamig ang temperatura nang paligid. Mula sa likuran niya'y nabuo ang isang maitim
na usok at lumabas mula doon ang aninong si Ira.

"Master Night..." ani nang malamig nitong boses.


"Nagawa mo na ba ang inuutos ko Ira?" tanong niya agad dito nang hindi ito
nililingon.

"Yes master... nakakalap ako nang impormasyong makatutulong sa ating paghahanap"

"Anu ang nakuha mo?" naiinip niyang tanong.

"Ayon sa nakausap kong ravenium demon, isang babae ang nagtungo sa kanilang
teritoryo. Sinabi nang babaeng ito na bibigyan niya nang malaking pabuya ang
makapag dadala sa kanya sa mortal na si Alexine kaya naman ngayon ay nagkakagulo
ang mga ravenium upang makuha ang dalagita at maihatid sa babaeng nag utos sa
kanila"

Mabilis siyang nabahala sa nalaman. Galit na humarap siya kay Ira.

"Sinung babae? Sinung nag utos sa kanila?" gigil niyang utas.

Umiling iling si Ira na lalong ikinaiinis niya. "Ipagpaumanhin mo Master subalit


walang makapagsabi sa totoong pagkatao nang babae. Nagtatago daw ito sa pulang
balabal. Subalit may nasabi sa akin ang nakausap kong ravenium... "

"And what is that?"

Tumingin sa kanya ang color purple nitong mga mata. "Nag aanyong itim na ahas ang
babae"

Natigilan siya sa narinig mula sa kanyang anino. Napaisip siya nang husto. Nag
aanyong itim na ahas?

Iisang nilalang lang ang kilala niyang may kakayahang maging itim na ahas. Sumiklab
ang matinding galit niya. Sa oras na mapatunayan niyang may kinalalaman ito sa
pagtatangka sa buhay ni Alexine. Hinding hindi siya magdadalawang isip na paslangin
ito.

"I'm going to kill that bitch!"

=================

V.3 : Chapter Twenty One

Chapter Twenty One: Monsters

KAGAGALING lang ni Lexine sa school nang bumalik siya nang ospital upang muling
tignan si Ansell. Two days na siyang absent kaya kailangan niya nang pumasok kung
hindi baka ma drop sya sa mga subject niya o kaya'y maghabol nang grades.

Bago siya bumalik nang hospital ay namili muna siya nang mga fresh fruits at
microwave foods sa grocery. Nang mapadaan siya sa isang flower shop ay agad niyang
naisipang bumili ng makukulay na bulaklak para i-display sa kwarto ni Ansell.

Nakakatulong daw ang flowers sa pag galing nang may sakit.

Nakareceive siya nang text message galing kay Kristine.

How r u Lex? Hope ur doing fine. Dnt 4get about our practice ths weekend. See yah
at the studio.

Ngayon niya lang ulit naalala si Kristine at ang ballet practice nila. Ilang lingo
na lang competition na. Kailangan na niyang makapag focus. Ayaw niyang mabigo ito.
Sa dami nang naitulong sa kanya ni Kristine hindi na niya alam kung paano ito
pasasalamatan.

Pansamantala muna niyang isinawalang bahala ang mga iniisip. Kailangan niyang mag-
focus muna sa kaibigan niya at iwasang isipin lahat nang bumabagabag sa kanya.

Nang makarating siya nang hospital ay nagmadali siyang umakyat sa kwarto ni Ansell.
Pero laking gulat niya nang masilayang wala ito sa kama nito.

"Ansell?" natarantang binitawan niya lahat nang mga bitbit. Nagtungo siya sa
bathroom nang kwarto pero wala rin ito doon. Natarantang tinawag niya ang mga
nurse.

"Nurse.. Nawawala yung pasyente dito nakita niyo ba siya?" agad niyang tanong sa
unang nurse na dumaan.

Napasilip ang nurse sa kwarto at nang makitang wala nga doon si Ansell ay naalerto
ito agad. "Naku maam! Hindi ko po alam kung san nagpunta yung pasyente. Teka lang
po ipapahanap ko siya"

"Yes please thank you!"

Nagmadaling tumakbo ang nurse at nagtawag nang tulong.

Hindi siya mapakali. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Ansell pero narinig
niya rin mismo ang ring nito sa loob nang kwarto. Iniwan nito ang cellphone sa
kama. Ibig sabihin ay hindi nito iyon dinala?

Kung ganoon saan ito nagpunta?


May kakaibang naaninag siya sa sahig sa kabilang side nang kama. Kunot noong
lumuhod siya upang mas makita kung anu ang nasa sahig.

Isang itim na likido.

Hinawakan niya iyon at pinagmasdan mabuti ang likido na dumikit sa daliri niya.
Hindi iyon itim kundi dark violet.

Nanginig ang mga kamay niya. Mabilis na sumagi sa isipan niya yung ravenium demon
na muntik na umatake sa kanya noong isang lingo.

Ganito ang kulay nang likido nang laway nito. Hindi kaya dinukot nang isang
ravenium demon si Ansell? Nataranta siya sa naisip. Hindi maari!

Mabilis na dinumbol siya nang matinding takot. Nagmadali siyang lumabas nang kwarto
at hinanap ang kaibigan niya sa lahat nang parte nang hospital na nadadaanan niya.

Ito na nga ba ang kinatatakot niya. Ang may madamay na inosenteng mahal niya sa
buhay. Hindi niya alam kung paano siya nasundan nang kalaban at kung paano nito
nakuha si Ansell. Maaring sumanib ito sa isa sa mga nurse o doctor katulad nang
ginawa nito kay Mang Ben.

Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa bestfriend niya.
Kasalanan niya ang lahat nang ito. Hindi niya sana ito iniwang mag isa doon.

Dinala siya nang mga paa sa stairway exit nang floor na iyon. Nakita niya agad ang
pamilyar na tulo nang likido sa hagdanan paakyat. Agad niya itong sinundan at
patakbong inakyat ang hagdan. Sa tuktok nito'y nabuksan niya ang pinto na nagdala
sa kanya sa rooftop nang building.

Hingal na hingal siya nang makaakyat siya. Ginala niya ang paningin. Palubog na ang
araw at malapit nang magdilim kailangan na niyang kumilos.

Naaninag niya sa kabilang dulo nang rooftop ang mga bulto. Tatlong bulto ang
nakatayo na nakapabilog at sa paanan nila nandoon ang nakahiga at walang malay na
si Ansell.

Ginambal siya nang matinding takot lalo na nang matanaw niya ang pamilyar na
namumuting mga mata nang tatlo at ang itim na ugat sa mga mukha nila.

Totoo nga ang hinala niya. Sumapi ang mga ravenium demon sa dalawang nurse na
lalaki at isang doktor na babae.

Bumaba ang doktor na babae at tila isang hayop na ginapang nito ang katawan nang
walang malay na si Ansell. Inamoy amoy nito ang mukha nang bestfriend niya at sa
pagkagilalas niya'y bumuka ang malaking bibig nito at lumabas ang nakakatakot
nitong mahabang dila.

Hindi na siya nagdalawang isip pa at buong lakas na sumigaw.

"Huwag!!"

Sabay sabay na napapihit sa kanya ang tatlo. Matalim na tumingin sa kanya ang
tatlong pares nang puting mga mata.

Nanginig siya sa kinatatayuan. Anu nang gagawin niya? Kung yung isang ravenium nga
lang hindi niya nagawang ipagtangol ang sarili niya sa tatlong ito pa kaya?

Nagsimulang dahan-dahan na naglakad ang dalawang lalaking nurse sa kanya. Nataranta


siya at mabilis na naghanap nang kahit anung armas. Agad niyang nakita ang isang
piraso nang floor map na nandoon lang sa tabi. Dinampot niya iyon at nanginginig na
tinutok sa mga kalaban.

"Huwag kayong lalapit! Huwag kayong lalapit sakin!" sa kabila nang takot ay pinilit
niyang magtapang tapangan.

Panay ang pag galaw nang mga ulo ng mga ravenium na parang isang butiki. Tumutulo
mula sa nakauwang nilang bibig ang maitim na likido.

Gumagawa ulit sila nang kakaibang lengawe na hindi niya naiintindihan.

"Eskelemis porkesisi meto... porkesisi meto"

Napaatras siya. Ginala niya ang paningin wala siyang ibang matatakbuhan.

Nakita niyang tumalon at sumungab ang isang ravenium sa kanya. Napatili siya at
buong lakas na winasiwas ang hawak niyang floor map. Tinamaan niya ito sa mukha
pero tila hindi man lang nito iyon ininda.

Nanginginig at naestatwa siya. Hindi man lang ito nasaktan sa ginawa niya!

Galit na hinawakan nang ravenium ang map at hinagis iyon palayo. Wala siyang nagawa
kundi maiyak sa takot.

Nasaan ka na ba Night? Bakit kung kailan kailangan kita saka ka naman nawawala?

Hinablot nang ravenium demon ang damit niya. Kinaladkad siya nito na parang
basahan.
"Let me go! Let me go you freaking monsters!" pagpupumiglas niya.

Hinagis siya nito sa tabi ni Ansell. Sumakit ang braso niya at balakang sa lakas
nang bagsak niya sa sahig. Ngayon ay tatlong nanlilisik na puting mga mata ang
nakatingin sa kanya.

Sa kabila nang labis na takot ay nilapitan niya agad si Ansell. Wala pa rin itong
malay. Niyakap niya ito upang protektahan laban sa mga halimaw.

"Sa wakas at nakita ka rin namin mortal.." nagulat siya nang biglang nagsalita ang
babaeng doktor.

Nakakapagsalita pala sila?

"A-anong kailangan niyo sakin" lakas loob niyang tanong.

Ngumisi sa kanya ang babaeng doktor. Hinawakan nito ang mukha niya at bumaon ang
matulis nitong kuko sa magkabila niyang pisngi.

"Wala naman palang kahirap hirap na makuha ka mortal. Siguradong matutuwa ang aming
kamahalan kapag dinala namin ang ulo mo sa kanya" nanlilisik ang mga mata nito puro
puti. Gumagalaw na parang ahas ang dila nito kapag nagsasalita.

Kinilabutan siya nang husto. Kung ganoon ay totoong may nasa likod nang lahat nang
ito. May isang nilalang na nais siyang kunin. Unti-unti nang nagkakatotoo ang mga
sinabi ni Madame Winona. At naalala niya pa ang sinabi noon ni Night na maaring
pinapadala ang mga ravenium demon upang dukutin siya.

Sino ang nasa likod nang lahat nang ito?

"Sinong nag uutos sa inyo? Bakit niya ako gustong makuha!"

Tumawa nang nakakaloko ang doktora. "Masyado kang maraming tanong mortal. Ang
mabuti pa ikaw na mismo ang magtanong nang mga yan sa aming kamahalan.."

Hinatak nito ang braso niya at sapilitan siyang kinaladkad.

"Saan niyo ko dadalin? Bitawan mo ko!" nagpulumiglas siya pero mahigpit ang
pagkakahawak nito sa braso niya. Napalingon siya pabalik kay Ansell. Naiwan lang
itong nakahiga doon. Nakasunod na rin ang dalawang ravenium sa kanila.

Nag aalala siya na baka napano na ito.


"Let me go anu ba! Saan niyo ko dadalin!" ilang ulit niyang pagsigaw.

"Tumahimik ka!" natakot siya nang sininghalan siya nito.

Tumayo sila sa tapat nang pinto patungong stairway exit. Sa gulat niya'y biglang
dumaplis ang matulis na kuko nang doktora sa braso niya. Agad tumulo doon ang dugo.

Napasinghap siya sa kirot.

Dinikit nito ang isang daliri sa dugo niya at ginamit nito iyon upang makapag
drawing nang kakaibang guhit sa harap nang pintuan.

Isang kakaibang simbolo nang pentagram at mga lumang alpabeto ang ginuhit nito
gamit ang dugo niya. May binigkas itong ritwal.

"Soleminis kazckume rostuhoria misimantamantalake"

Mabilis na nagliyab ang pentagram at sa pagkagilalas niya'y may kakaibang makapal


na itim na usok ang biglang bumilog doon. Mula sa gitna nang bilog lumalabas ang
isang nakakakilabot na kuryente at dumadagundong na tila isang bagyo. Kahit hindi
niya alam kung anu ito. Nararamdaman niya na isa iyong portal patungo sa isang
nakakatakot na lugar na kahit kailan ay ayaw niyang mapuntahan.

Lalo siyang ginimbal nang takot.

"No! Please ayokong sumama sa inyo! Let me go you monsters!" pinagbabayo niya at
pinagtatadyakan ang dalawang nurse na may hawak sa kanya pero masyado silang
malakas at parang mga bato sa tigas.

Hinatak siya nang doktora patungo sa malaking bilog. May kung anung pwersa doon na
humahatak sa kanya. Malakas na hangin ang nangagaling mula doon.

Takot na takot siya hindi niya alam ang gagawin.

"No please, no!!!"

Bago pa man siya tuluyang maitulak nang mga ravenium sa portal ay biglang bumagsak
ang isa sa nurse na nakahawak sa kanya.

Nagulat silang lahat nang makitang bumagsak ang katawan nito padapa sa sahig.

Paglingon nila'y nagulat siya nang makitang nakatayo sa likuran nila si Ansell.
Nakataas ang isang kamay nito at nandoon ang totoong anyo nang ravenium demon na
sakal sakal nito sa leeg.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Kung hindi siya nagkakamali. Tila
hinugot ni Ansell ang ravenium demon palabas sa katawan nang nurse.

Pero paano niya iyon nagawa?

Bago pa siya naka react ay mabilis na sumugod ang isa pang nurse kay Ansell.
Tumalon ito at sumungab subalit maliksing nakaiwas si Ansell sa atake nito.

Hawak pa rin nito sa leeg ang isang ravenium na tila wala nang buhay.

Sa gulat niya'y parang laruan lang na pinunit ni Ansell ang ulo nang ravenium at
tinapon ang pinaghiwalay nitong ulo at katawan. Mabilis na nagliyab iyon at naging
abo.

Halos magimbal siya sa nakikita. Paano iyon nagawa ni Ansell?

Doon niya lang napagmasdan na ibang Ansell ang lumalaban sa mga halimaw. Iba ang
kulay nang mga mata nito. Iba rin ang tindig at kilos nito. Hindi ito si Ansell!

Muling sumigaw at sumugod ang isa pang lalaking nurse dito. Napahiga silang dalawa
at nagpagulong gulong.

Napaibabaw si Ansell at buong lakas na sinapak nang paulit ulit ang nurse. Sinakal
niya ito at inangat nito ang isang kamay. Pinasok nito iyon sa dibdib nang nurse at
dinukot mula doon ang totoong halimaw.

Nagtangka pang makatas ang ravenium sa mga kamay nito pero mabilis itong nahatak ni
Ansell at sa gulat niya'y binalibag nito ang ravenium sa sahig. Hindi nito
binitawan ang braso nang ravenium. Diniinan nang isang paa niya ang balikat ng
halimaw at buong lakas na kinalas ang braso nito.

Gamit ang sariling matutulis na kuko mula sa kamay nang ravenium ay tinusok niya
ang dibdib nito na naging sanhi nang tuluyan nitong pagkamatay.

Nagliyab ang katawan nang halimaw at muling naging abo.

Hindi siya makapaniwala sa mga nakita.

Lumingon si Ansell sa kanya. Ibang lalaki ang nakatingin sa kanya. Nararamdaman


niya iyon.

"Alexine..." nang sandaling tinawag nito ang pangalan niya'y isang itsura nang
lalaki ang agad pumasok sa isip niya.
Napahawak siya sa bibig. Ang boses nito. Pamilyar na pamilyar. Napagmasdan niyang
mabuti ang maitim nitong mga mata. At doon niya lang naamoy sa hangin ang
umaalingasaw na pamilyar na amoy nang pulbos.

"Cael?"

Tumungo tungo ito. Paanong nangyari iyon? Paanong naging si Cael si Ansell?
Imposible!

Nawala lahat nang iniisip niya nang may malakas na pwersang sumakal sa kanya mula
sa likuran.

"Akin ka!" ang doktora.

Muntik na nilang nakalimutan ito. Hinatak siya nang doktora patungo muli sa usok na
portal.

"Cael! Cael!" tawag niya.

Alertong tumakbo si Cael patungo sa kanya.

Bago pa man siya tuluyang maipasok nang doktora sa loob nang portal ay mabilis
siyang tinalon ni Cael. Hinawakan nito ang braso niya at mahigpit siyang yinakap.

Sinipa nito ang doktora, humiwalay bigla ang ravenium demon sa katawan nang tao at
ang halimaw ay dire-diretsong hinigop sa loob nang itim na usok na portal. Kasabay
na nilamon nang katawan nito ang portal at biglang naglaho.

Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Hingal na hingal na nag angat siya nang
tingin.

Totoo nga. Hindi siya namamalikmata. Hindi na mukha ni Ansell ang kaharap niya
kundi malinaw na mukha ito ni Cael.

Ang itim nitong mga mata, makakapal na kilay, perpektong hugis nang kanyang mga
panga, matangos na ilong at maamo nitong mga tingin.

"Nasaktan ka ba Alexine? Huwag ka nang matakot, nandito na ako" nakangiting sabi


nito.

Hindi na rin niya napigilan ang mga ngiti. Hinaplos niya ang mukha nito bago
tuluyang nagdilim ang kanyang buong paningin.
=================

V.3 : Chapter Twenty Two

Chapter Twenty Two : Two Hearts, One Battle

NANGINGINIG sa takot na lumapit ang ravenium demon sa nakatalikod na bultong


nakatayo sa gitna nang lumang altar. Sa loob nang isang lumang simbahan ay nandoon
ang pulong nang mga demonyong halos kulang na lang ay lapain siya sa sama nang mga
tingin nila.

Maraming kandila ang nasa paligid na nagsisilbing ilaw sa lugar. Sira sira na ang
mga bintana at binabalot na nang alikabok at agiw ang buong gusali. Sa magkabilang
gilid nakatayo ang lupon nang mga mas matataas na uri nang demonyo.

Tinatawag silang Lethium Demons.

Kumpara sa kanilang mga ravenium na siyang pinaka mababang uri na mabalahibo at


nakakatakot ang itsura. Ang mga Lethium Demons naman ay kawangis nang mga mortal.
Mataas na uri sila na nagtataglay nang kagandahan na wala ang mga mababang uring
halimaw na kagaya nila.

Masasama ang tingin nang mga ito sa nangangatog sa takot na ravenium demon. Sa
tingin nilang lahat isa itong ipis na madaling tirisin.

"K-kamahalan.." nanginginig ang kanyang boses. "Ipagpatawad po ninyo subalit hindi


ko naidala ang m-mortal"

Unti-unting pumihit paharap ang bulto nang babae. Nakasuot ito nang pulang gown na
hapit sa makurba nitong pangangatawan. Malaki ang biyak niyon mula neckline pababa
hanggang sa kanyang pusod. Nakababa ang mahaba at puting puting buhok nito na
tanging takip sa halos hubad nitong dibdib.

Nakasabit sa leeg nito ang isang malaking hugis bilog na ancient pendant. Sa gitna
niyon kumikinang ang malaking pulang diyamante.

"At bakit hindi mo naidala sa akin ang mortal?" malumanay ang boses nang babae
subalit makatindig balahibo.

Dahan dahan itong naglakad patungo sa harapan ng ravenium demon. Tumutunog ang
takong nang sapatos nito. Postura ang bawat pag galaw niya. Napapamangha ang lahat
sa angkin niyang kagandahan.

Nakayuko at hindi makatingon ang pobreng demonyo. "M-may lalaki pong humarang sa
amin. Pinatay niya ang dalawang kasama ko. Malakas siya hindi namin siya kaya"
Dahan-dahang umupo sa harapan niya ang babae. Tumitig ang matulis na hugis at color
green nitong mga mata sa kanya. Nanliliit iyon sa galit. "At sino ang mapahangas na
lalaki?"

"I-isa siya sa mga anghel--"

"Anghel!" umalingawngaw ang malakas na sigaw nito.

Natakot lahat nang demonyong naroon. Galit na galit ang babae at pabalik balik na
naglakad. Nanginginig ang kanyang dalawang kamay.

"Perwisyo talaga kahit kailan ang mga anghel na yan sa mga plano ko. Sinong anghel
ang iyong nakaharap? Sinong mapahangas na anghel ang sumira nang plano ko!"

Para itong isang dragon na bubuga na malaking apoy. Umuusok ang ilong nito sa
galit.

Napailing iling ang pobreng demonyo. "C-Cael kamahalan... iyon ang narinig kong
pangalan niya"

Lalong nanliit ang mata nang babae. Tumalikod ito at umupo sa trono nito sa altar.
Pinag ekis nito ang mga hita at taas noong hinarap silang lahat.

"Humanda silang lahat sa akin. Isa isa ko silang titirisin nang buhay hanggang sa
maglaho silang lahat sa harapan ko" nangagalaiti nitong sambit.

Tinitigan niya ang namumutlang pobre sa kanyang harapan. Hindi na niya ito
kailangan dahil wala na itong silbi sa kanya.

"Alisin niyo sa harapan ko ang halimaw na iyan! Ayokong maaninag ni dulo nang
balahibo niya"

Mabilis na lumapit ang dalawang Lethium demons sa pobreng Ravenium.

"Kamahalan maawa ka..huwag! Maawa kayo sa akin.... Esklemoro hagitre hagitre


kamahalan!"

Subalit tila walang narinig ang babae at naaliw na pinagmasdan niya lamang kung
paano hinati sa dalawa ang katawan nito sa kanyang harapan bago ito nagliyab at
naging isang abo.

"Mapapasaakin ka din morta, babagsak ka rin saking mga kamay at hindi magtatagal.
Maisasakatuparan ko na ang aking mga plano...walang kahit sinong nilalang ang
makapipigil sa akin "

Kinuha nito ang kopita nang dugong alak at sinimsim iyon. Nanuot sa kanyang
lalamunan ang init na kanyang inaasam.

SA PAMILYAR na kwarto nagising si Alexine. Nakahiga siya sa malambot at pamilyar na


amoy nang kanyang kama. Gumala ang tingin niya sa paligid at nakita niya si Ansell
na nakatayo sa harap nang pintuan nang kanyang balcony.

"A-ansell?"

Nang lumingon ito'y saka niya lamang naalala na hindi na ito ang bestfriend niya.
Mabilis na sumagi sa isip niya ang mga nangyari at sa pangalawang pagkakataon ay
may nagtangka na naman sa kanyang buhay.

"C-cael." napilitan siyang bumangon at lumapit dito. Habang papalapit siya dito'y
hindi niya mapigilang mamangha sa taglay nitong kakisigan.

Ang lalaki na sa panaginip niya lamang nakikita at nakakausap ay ngayo'y nasa


kanya nang harapan. Pakiramdam niya tuloy nasa panaginip pa rin siya.

Huminto siya sa harap nito. Napatingala siya sa napaka gwapo at perpekto nitong
mukha. Wala ni kahit anong bahid ni Ansell maliban sa suot nitong lab gown na
huling suot ng bestfriend niya.

"Kamusta na ang iyong pakiramdam Alexine?" maging boses nito'y si Cael talaga.

Ang pamilyar nitong baritonong boses. At ang nananuot sa ilong niya ang amoy nitong
malamig na pulbos. Iyon ang mga bagay na nagpapatotoong si Cael nga talaga ang
kaharap niya.

"O-okay na ako, i-ikaw? Hindi ka ba nasaktan? O hindi ba nasaktan ang katawan ni


Ansell?" nalilito niya pa ring tanong.

Malumanay na tumitig ang mga itim nitong mga mata sa kanya. "Maayos ang aking
kalagayan at wala kang dapat ipag alala sa iyong kaibigan. Hayaan mong maipaliwanag
ko sayo ang dahilan nang lahat nang ito Alexine alam kong marami kang katanungan
at isa isa ko iyong sasagutin"

Nakahinga siya nang maluwag. Sa wakas ay mukhang may makakapagbigay liwanag na sa


mga katanungan niyang walang makasagot.
"Paano ka... paano kang naging si Ansell? Hindi ko maintindihan..." unang tanong na
namutawi sa kanyang bibig.

Tumingin muna ito sa malayo. Maliwanag na ang langit. Nakatulog pala siya nang
isang buong gabi.

Pagbalik nito sa kanyang mukha ay tipid itong ngumiti. "Katulad nang sabi ko sa
iyo noong nagkausap tayo sa iyong panaginip. Ang mga katulad ko'y hindi gawa sa
putik na katulad niyong mga mortal. Hindi mo kami makikita o mahahawakan. Sapagkat
gawa kami sa liwanag... "

"Liwanag?" mabilis na nagbalik sa isipan niya ang sinabi ni Madame Winona.

Darating ang mga nilalang na gawa sa nakasisilaw na liwanag upang iligtas siya.

Kung ganoon ay si Cael nga ang tinutukoy nito!

"Oo, liwanag. Isang makapangyarihang uri nang liwanag. Labas sa banal na kautusan
ang magkaroon nang kahit anung pisikal na kaugnayan ang mga uri ko sa mga mortal na
katulad mo Alexine. Kaya naman kahit labag sa aming batas. Sinubukan kitang
makausap sa iyong panaginip para mabigyan ka nang babala sa mga panganib na iyong
kahaharapin"

Totoong namamangha siya sa mga nalalaman niya. Hindi niya inakalang ganito na
kakumplikado ang buhay niya at hindi niya inakalang totoo palang may naitatagong
kababalaghan ang mundong kanyang kinagagalawan.

"Sinubukan ko ring gamitin ang mga tao sa paligid mo upang maging instrumento sa
paghahatid nang mensahe sayo. At ngayon ay nagawa kong labagin ang isa na namang
kautusan...." tumitig mabuti sa kanya ang itim at napaka ganda nitong mga mata.

Pakiramdam niya kumikinang iyon kapag tumititig sa kanya. O baka talagang ganoon
lang ang mga mata nito kaya nakamamangha sa ganda.

"A-anung kautusan?"

Hinawakan nito ang dalawa niyang mga kamay. Mainit sa pakiramdam ang mga palad
nito. "Ang sumanib sa katawan nang isang mortal upang mahawakan ka katulad nang
ganito..."

May kung anu sa uri nang mga salita at tingin sa kanya ni Cael na alam niyang
kakaiba. Natatagpuan na lang niya ang sariling namamangha nang lubos dito.

"P-pero b-bakit? Sabi mo labag na sa kautusan niyo lahat nang ginagawa mong
pagtulong sakin. Then why are you still helping me? Why are you doing all of these
Cael?" sunud sunud niyang tanong.

Mas lalong kuminang at nangusap ang mga mata ni Cael sa kanya. Hinawi nito ang
buhok niya sa kanyang mukha at pinadausdos ang likod nang mga daliri nito sa
kanyang pisngi.

Kung titigan siya nito'y para siyang isang mamahaling bato na dapat pakaingatan.
Bumilis ang tibok nang kanyang puso.

"Matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo Alexine. Walang sandaling hindi


kita binabantayan. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam nang ganito.
Hindi ko rin alam kung paano o kailan nagsimula. Kahit alam kong labag sa banal na
kautusan at kahit alam kong hindi maari. Hindi ko pa rin magawang pigilan ang
sarili ko... "

Gumapang ang mga mata nito sa kabuaan nang mukha niya. Bawat salitang binibitiwan
nito, tumatagos sa mga buto niya. Sa dibdib niya.

"Nilikha ang katulad ko upang maging tagabantay nang nilalang sa mundo. Ang
tungkulin ko lamang ay bantayan ka..." hinawakan nito ang kamay niya at nilapad
iyon sa matigas nitong dibdib. "Pero iba ang tinitibok nitong puso ko..."

Nanlaki ang mga mata niya. Masyado siyang nabibigla sa lahat nang sinasabi nito.

"Alexine... " sobrang sarap pakingan nang pangtawag nito sa buo niyang pangalan.

"Mahal kita at handa akong itaya ang buong buhay ko mailigtas ka lamang... "

Natulala lang siya dito. Hindi makapaniwala sa binibitawang salita ni Cael. Mabilis
ang tibok nang kanyang puso.

"C-cael..." hindi niya alam kung paano ito sasagutin.

Sa gulat niya'y mahigpit siya nitong niyakap. Damang dama niya ang lakas nang tibok
nang puso nito.

"Kay tagal kong pinangarap at inasam na mahagkan ka nang ganito. Alam kong
nabibigla ka subalit totoo ang lahat nang aking sinasabi. Mahal kita Alexine, at
gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang...."

Hindi niya namalayang namuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. Nararamdaman niya.
Hindi niya maipaliwanag pero nararamdaman niya ang busilak na pagmamahal nito sa
kanya.
Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan nito ang kanyang mga luha. "P-pero
bakit ako? Anu bang mayroon sakin at bakit ako pa?"

"Mahiwaga kang babae Alexine. Napakahiwaga mo..." makahulugang sabi nito.

Bumaba ang mukha nito at damping hinalikan siya sa kanyang pisngi. Dumaloy ang
kakaibang init sa buo niyang katawan.

"Paalam Alexine..." bulong nito.

Naalerto siya bigla. Nagulat na lang siya nang biglang bumagsak ang katawan nito sa
kanya. Sa kabila nang bigat ay nagawa nya itong maitayo.

Hindi na si Cael kundi si Ansell na muli ito. Nawala na si Cael sa katawan nang
bestfriend niya.

Dumilat ang mga mata nito at takang napatingin sa kanya at sa paligid.

"Lexi? What am I doing in your room?"

Wala itong maalala. Marahil tulog lang ito sa buong durasyon nang lahat nang
nangyari.

Tinalon niya nang yakap si Ansell. Masaya siyang makitang ayos lamang ito at hindi
napahamak.

Ipinikit niya ang mga mata. Nakaramdam siya nang malaking pagka guilty. Pati tuloy
ang bestfriend niya na ayaw niyang madamay ay tuluyan nang nadamay sa gulong
kinasasangkutan niya.

Bigla niyang naalala yung unang beses na nalagay sa panganib ang buhay niya sa
party ni Xyrille kung saan muntik na siyang magahasa nila Cristoff. Kung kailan
niligtas siya ni Night at ang araw na iyon na napansin niyang kakaiba ang kinikilos
at inaakto ni Ansell.

Kaya pala! Dahil nung una pa lang sumanib na si Cael sa katawan nito upang puntahan
siya sa party! Kaya pala nagkakasakit si Cael nitong mga nakaraang araw. Dahil
marahil nakaka experience ito nang pagbabago sa katawan nito dahil sa ginagawang
pagsanib ni Cael sa katawan nito.

Ngayon kailangan nila ni Cael ang katawan nito upang maprotektahan siya laban sa
mga kalaban. Nalulungkot siya sa katotohanang kailangan nila itong gamitin at
kailangan nitong maranasan ang mga ganoong klaseng paghihirap.

Kapalit nang kaligtasan niya ang malagay sa panganib ang buhay nang pinakamamahal
niyang kaibigan.

"I'm sorry Ansell.. I'm so sorry"

=================

V.3 : Chapter Twenty Three

Chapter Twenty Three : The Gift

NAKATULOG na muli si Ansell pagkatapos nitong magising. Tahimik niyang


pinagmamasdan ang kaibigan sa pagtulog nito sa kama niya. Napabuntong hininga si
Lexine.

She still can't believe that Cael and Ansell can be one. Na totoo pala ang mga
possesions na napapanuod niya lang before sa mga movies. Na hindi lang pala demonyo
ang pwedeng mag posses sa isang tao. Kahit pala ang katulad ni Cael.

Pero anu nga ba talaga si Cael?

Bukod sa gawa ito sa nakasisilaw na liwanag at nilikha upang maging taga bantay ng
mga tao na katulad niya? Anu ba talaga ito?

"Hindi kaya?"

Nagmadaling kinuha niya ang puting balahibong nakatago lang palagi sa bag niya.
Muli niya iyong pinagmasdan. Maraming bagay na tumatakbo sa isip niya. Liwanag.
Protector. Guardian.

Binuksan niya ang laptop at nag search sa internet patungkol sa mga creatures na
gawa sa liwanag. Pati words na 'protector' and 'guardian'. Matapos ang ilang
minutong paghahanap napadpad siya sa isang site na patungkol sa lihim na
kababalaghan sa loob nang biblia.

Binasa niya ang mga nakasulat doon.

"Guardian and Protectors of the Earth.." kinlick niya ang link at bumungad sa kanya
ang iba't ibang pictures. May mga litrato pa na galing pa sa sinaunang panahon. Mga
drawings at kung anu-anung larawan na halatang ancient.

Isang picture nang balahibo ang nakita niya.

Nanlaki ang mga mata niya at pinagdikit ang balahibong hawak niya at ang picture sa
screen.
Napasinghap siya nang makitang magkapareha ito. Iisa ang itsura nila! Kay tagal
niyang ni-research ang tungkol sa balahibo doon lamang pala niya makikita.

Tinuloy niya pa ang pagbabasa hanggang sa mabasa niya ang isang pharagraph na
nagpatayo nang mga balahibo niya sa katawan.

"They are known as a creature made of glowing lights. They have the ability to
posses a human body in order for them to step down to earth and joined the
humanity. They are the secret protector and guardians of GOD's people against
evil..."

Napatakip siya sa bibig sa huling salitang nakita. Hindi siya makapaniwala.

"A-angels?"

Nanghihinang nabitawan niya ang balahibo sa ibabaw nang study table. Sinara niya
ang kanyang laptop at nasabunutan ang sariling buhok.

"Angel.... Angel si Cael? Isang angel ang sumasanib sa katawan ni Ansell para
maprotektahan ako laban kay Night?."

Parang nagbabara ang lalamunan niya habang isa isa niyang napagtatagpi tagpi ang
lahat.

"Kung isang uri nang makapangyarihang demon si Night, at nakatali sa isang sumpa
ang kaluluwa ko sa kanya. At may iba pang mga klase ng demons na gusto akong makuha
katulad nang ravenium. At may nasa likod nang paulit ulit na pagpapadukot sakin. At
isa namang Angel si Cael na kanila lang nagtapat sakin nang pagmamahal niya.... Oh
my God!"

Lalo niyang nasabunutan ang sarili. Nababaliw na ata siya. Hindi na atang kayang i-
process ng isip niya ang lahat.

"Anu bang klaseng gulo tong napasukan ko? Bakit ba nangyayari to lahat sakin? Bakit
sakin pa?"

Para siyang maiiyak pero wala namang lumalabas na luha sa mata niya. Marahil
napagod nang kakaiyak.

Tumayo siya at dumantay sa dulo nang study table. May nabanga siya na agad nahulog
sa lapag.

Pagbaba niya nang tingin ay nakita niya ang pamilyar na maliit na kahon. Agad niya
iyong pinulot. Iyon ang kahon na binigay sa kanya ni Madame Winona.
Saka niya lamang iyon napagmasdan nang mabuti. Simpleng itim na kahon lamang iyon.
Dahan-dahan niya iyong binuksan at bumungad sa kanya ang isang kakaibang uri nang
kwintas.

Tinangal niya iyon sa kahon at inangat. Namamanghang pinagmasdan niya ang palawit.

Isa iyong araw na may nakadikit na quarter moon. Parang kalahating araw at
kalahating buwan. Kumikinang ang ginto nitong kulay. Totoong gawa kaya iyon sa
ginto?

Pero bakit siya bibigyan ni Madame Winona nang ganoong kamahal na bagay?

Hindi maipaliwanag ni Lexine pero tila tuwang tuwa siya sa kwintas na iyon. She
feels that somehow inside her this thing was deserve to be hers.

Sinuot niya iyon at tinago sa loob nang kanyang blouse.

Somehow she felt that she was being protected by a special magic from that gift.

KINAGABIHAN ay nagpumilit nang umuwi si Ansell sa condo unit nito para doon na
magpatuloy nang kanyang pagpagaling. Kahit buong araw na itong tulog tila kulang na
kulang pa rin.

Hindi na nagtataka si Lexine sa kalagayan nang kaibigan. Marahil naubos nang husto
ang lakas nito sa ginawang pag hiram ni Cael sa katawan nito at nakipag laban pa
ito sa mga ravenium demon na gustong dumukot sa kanya.

Dahil sa pag aalala pinilit niyang ihatid ito.

"Thanks Lexi, I'm really okay na. You can go home and take a rest. Ilang araw ka
nang nag aalaga sakin. I feel that I owe you a lot already.. " sabi sa kanya ni
Ansell pagkadating nila sa condo nito.

Ngumiti siya dito pabalik. No Ansell, I was the one who owe you big.

Guilting guilty pa rin siya. Pero wala na siyang magagawa. Nandito na ang lahat
nang ito at kailangan na lang niyang harapin at paghandaan.
Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyang nagpaalam.

"Pagaling ka na, miss ko na yung pagka hyper mo. Bye sick boy" aniya bago dire-
diretsong lumabas nang pinto.

Saka niya lang naramdaman yung pagod. It was a one exhausted day. Tatlong ravenium
demons ang nakaharap niya, muntik na naman na malagay sa panganib ang buhay niya.
Nagpakita si Cael at nagkatawang tao sa pamamagitan ni Ansell. Nagtapat ito nang
pag ibig nito sa kanya na kahit hindi niya maintindihan kung paano iyon nangyari ay
nararamdaman niya pa rin na totoo at busilak ang pagtingin nito sa kanya.

At ang mga katotohanang posibleng isa nga itong anghel.

Demon and Angels. She never thought those two were real.

Akala niya'y likha lamang sila nang malilikot na imahinasyon nang mga tao. Na mga
kwentong walang basihan kundi ang bibliya na hindi rin naman nila alam kung totoo
ba talagang galing sa mga propeta ni Kristo o gawa gawa lamang nang kung sinong
baliw nung unang panahon.

Nakasakay na siya nang elevator. Siya lang mag isa. Pinindot niya ang Ground floor
at inaantok na sinandal ang ulo sa salaming gilid nang elevator.

Nakakatatlong floor pa lang siya pababa nang biglang nagpatay sindi ang ilaw sa
loob. Nagtatakang napatingala siya. Pundido na ata ang bombilya.

Nakailang ulit itong patay sindi hanggang sa tuluyan iyong pumutok at dumilim ang
buong elevator. Napasigaw siya sa takot. Lumindol pa sa loob na lalo niyang
kinasigaw.

Natatakot siya. Wala siyang ibang makita kundi puro kadiliman. Kinapa niya agad ang
mga buttons at pinagpipindot iyon. Pero hindi man lang bumubukas ang pinto.

"Help! I'm stucked here! Help! " pinagbabayo nya ang bakal na pinto pero parang
wala namang nakakarinig sa kanya.

Mabilis na lumamig ang temperature sa paligid. Nagsitayuan lahat nang bahalibo


niya. Nakarinig siya nang kakaibang ingay nang hangin sa na nangagaling sa kanyang
likuran.

Hindi niya magawang tumingin. Nangangatog na siya sa takot. Para siyang na estatwa
sa kinatatayuan.

Lihim siyang napadasal sa isip niya. Ang lakas nang tibok nang puso niya.
Nararamdaman niyang mayroong nakatayo sa likuran niya.
Dahan dahang iyong lumalapit. Kinikilabutan siya pakiramdam niya maiihi na siya sa
takot.

"Booh!"

Isang malakas na tili ang pinakawalan niya. Halos magsasayaw siya doon sa sobrang
takot.

Nagpatay sindi ulit ang ilaw at muling nagbukas.

Laking gulat niya nang makita ang parang batang tumatawa na si Night na nakatayo sa
harapan niya at nakahawak pa sa tyan nito at ayaw paawat sa pagtawa.

Nanlaki nang husto ang butas nang ilong niya. Nangigigil na pinaghahampas niya ito
nang hawak niyang bag.

"You piece of shit! You scared me to death!" pinagpapalo niya ito sa sobrang
pangagalaiti niya. Akala niya multo na.

Tumawa pa ito nang tumawa kahit na pinapaulanan niya ito nang hampas.

"You should have seen your face. It's so epic!" sabay hagalpak ulit nang tawa.

Buti na lamang at tumunog ang bell at nasa groundfloor na sila. Inirapan ni Lexine
ang walang awat sa pagtawa na si Night at saka nagdadabog na lumakad paalis.

Nasa parking lot na siya nang biglang parang hangin na lumitaw si Night sa harapan
niya.

"Hey.. Pikon ka naman. It was just a joke cupcake wag ka nang magtampo... "
nakangusong sabi nito.

Napahalukipkip siya at galit itong tinignan. "Hindi yun nakakatuwa Night! Para kang
bata ang hilig hilig mo pa ring maglaro nang ganun? Seriously? Ilang taon ka na
ba? 5 years old?"

Katakot takot na irap ang binigay niya dito.

"Woah there! Scary woman! I'm actually 21" pilyong sagot pa nito na hindi naman
niya pinaniwalaan.

"21? Baka 21 thousand years!"


"Uh uh! Don't make my age a big deal. Age doesn't matter cupcake...and by the way
I'm not that old. " inakbayan siya nito at kinindatan pa.

Biglang namula ang pisngi niya sa ginawa nito. Lalo na nang muling maramdaman ang
pamilyar nitong katawan.

Matapos ang nangyaring muntik na nilang paghahalikan ulit nung isang gabi sa
hospital. Aware na aware na siya ngayon na attracted siya sa demonyong ito. At
kahit anu pang pag tangi ang gawin niya. Hindi na niya maloloko pa ang sarili at
ang katotohanang crush na niya ang demonyong gustong kunin ang kaluluwa niya.

How ironic.

Pasimpleng kumawala siya sa akbay nito at muling naglakad patungo sa sasakyan niya.
Hindi na siya ulit nagpadrive pa kay Rico. Mas komportable na kasi siyang mag drive
na lang mag isa.

Pero mabilis na nahigit ni Night ang braso niya. At dahil may bali at sugat siya
doon sanhi nang pagkakahagis at kalmot sa kanya nang ravenium demon. Napasinghap
siya sa sakit.

"Ahh..."

Natigilan si Night at kunot noong napatingin sa braso niya.

"Hey something wrong on your arms?" nagtatakang tanong nito hindi maalis ang tingin
sa braso niya.

Hinigit niya ang braso at nagpangap na walang masakit. "Wala to.."

Pero hindi naniwala sa kanya si Night at hinarang siya. Nanliliit ang mga mata nito
sa kanya. Pinihit nito ang braso niya. Inangat ang long sleeve niya at nakita ang
marka nang kalmot nang ravenium at samut saring pasa.

"Anung nangyari? Did someone attacked you again? What is this? Why are you hiding
it?" sunud sunud na pinaulanan siya nito nang tanong.

Iisipin sana niyang nagiging demanding at bossy na naman si Night sa kanya pero
nang makita niya yung pag aalala sa mga mata nito nagbago agad ang isip niya.

Concern?

Dahil natulala lang siya sa napaka gwapo nitong mukha at hindi nakasagot lalong
nagmukmok ang kaharap niya sa inis.
"Tell me Lexine! Who did this to you? another ravenium? When did it happened why I
didn't know about this?" para itong nag hehesterical sa pag aalala.

Magkakasala na ba siya kung aaminin niyang kinikilig siya ngayon?

Pinilig niya ang ulo. ERASE! Capital N. O.

Saka niya lang naalala. Na walang Night na dumating nung may sumugod sa kanya.
Kundi pa dumating si Cael malamang wala na siya ngayon dito.

"M-may sumugod na tatlong ravenium demon sa hospital. Kinuha nila si Ansell,


sumanib sila sa dalawang nurse at isang babaeng doctor. Sinubukan nila akong
kunin... ang sabi nila dadalhin daw nila ako sa kamahalan nila?" napailing iling
siya.

"Kamahalan. May nag uutos sa kanila para ipadukot ka" hindi iyon tanong kundi
statement.

Nagtatakang nag angat sya nang tingin kay Night na malayo na ang tingin. Naninigas
ang mga panga nito.

"Bakit Night? Kilala mo ba kung sinong nasa likod nang lahat nang ito?"

Tila nagdadalawang isip pa ito kung sasagutin siya o hindi.

Sawang sawa na siya sa mga lihim. Sawang sawa na siya na puro tanong na lang at
walang sagot.

Hindi makapagtimping hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Night! Answer me


anung alam mo ang tungkol dito! May kinalaman ba to sayo? Kasi kung isa na naman to
sa biro mo please lang--" nabitin sa ere ang dila niya dahil bigla siyang niyakap
ni Night.

Ang bilis nang tibok nang puso niya. Nakakabingi. Nakakatuliro. Nakakahibang.

Nanunuot ang amoy nito sa ilong niya. Bakit ganito? Bakit ang lakas lakas nang
tibok nang puso niya sa tuwing nagdidikit sila ni Night?

"I swear I will never do that to you. Ayoko ngang pinapahawakan ka kahit sa lamok
e, sa mababahong ravenium demon na iyon pa kaya?" humigpit lalo ang pagkakayakap
nito sa kanya. Naestatwa lang siya doon.

Binaon nito ang mukha sa buhok niya. Nakakakilabot na kuryente ang dumaloy sa buo
niyang katawan.

"I feel bad that I wasn't able to protect you. I don't know what's happening but I
think someone's blocking my head that's why I'm having a hard time tracing you
lately... I'm so stupid they almost got you. I will never forgive those fucking
dogs for hurting you"

Natahimik at natulala lang si Lexine. Hindi niya alam kung gaano katagal silang
nagyakapan ni Night. Kung noon nandidiri siya sa mga bisig nito ngayon halos hanap
hanapin na niya ito.

Sa lakas nang tibok nang puso niya. Nabibingi na siya.

Dahan dahan siya nitong pinakawalan.

"I promise, I will find whoever is behind all this shit. And I will kill them
all..." nandoon sa mga mata nito ang pagbabanta.

Talaga bang gagawin nito iyon para sa kanya? Pero hindi ba may masama rin itong
balak sa kanya pero bakit ngayon parang hindi na niya magawang matakot dito? Bakit
ngayon parang pakiramdam niya ligtas siya sa mga kamay nito?

"Night..."

Lumambot ang mukha nito nang tawagin niya ito sa pangalan. Nandoon na naman yung
mga tingin nito sa kanyang nagpapagulo lalo sa isip niya. Hinaplos nito ang dalawa
niyang pisngi. Mula sa mga mata niya'y namalagi ang tingin nito sa kanyang labi.

Napalunok siya.

Anu ba talaga siya kay Night? Isang gamit na pinaglalaruan o isang bagay na nacha-
challenge nitong makuha?

Pero ang pinakamagandang tanong na dapat niyang mas isipin ay kung anu itong
kakaibang emosyon na nababasa niya dito? At bakit palagi nitong pinaparamdam sa
kanya na tila ba importante siya sa buhay nito. Na hindi lang siya basta bagay na
pag aari nito. Na hindi lang siya basta isang ordinaryong kaluluwa na gusto nitong
makuha.

Bakit pakiramdam niya higit pa doon ang lahat nang kung anuman itong namamagitan sa
kanila?

"Wait.." biglang kumunot ang noo nito. Natigilan ito na tila may naalala. "How did
you got run away with those ravenium demons? You said tatlo sila? How did you
survive without my help?"
Naurong bigla ang dila niya. Paano nga ba niya ipapaliwanag?

Wala siyang masagot. Natahimik siya. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Dahil sa akin! Dahil pinrotektahan ko siya!"

Sabay silang napalingon ni Night sa nagsalita. At laking gulat niya nang makita
niya si Ansell, hindi! Si Cael! Na nakatayo ilang dipa mula sa kanila.

"You...again" mabilis na dumilim ang mukha ni Night.

"Oo, ako nga. Layuan mo si Alexine! Hindi ako papayag na masaktan mo siya!"
seryoso at may pagbabanta na sabi ni Cael.

Naramdaman niya ang mabilis na pagtaas nang tensyon sa paligid. Mabilis na hinarang
ni Night ang katawan nito sa kanya. Tinago siya nito sa likuran nito.

Tumawa ito nang nakakaloko. Bumalik na ang pagiging pilyo nito.

"Excuse me little birdie, but this girl over here is under my jurisdiction. And I
will never ever let her go away. She will always be mine"

May kung anung kakaibang pwersa ang tila nabuo sa pagitan nang dalawang lalaki.
Parang silang mga mababagsik na hayop na naghahandang pag agawan ang pagkain.

At s kasamaang palay ay siya ang kawawang pagkain na iyon.

=================

V.3: Chapter Twenty Four

Chapter Twenty Four : Sacrifice

DAMANG DAMA ni Lexine ang kakaibang tensyong namamagitan sa dalawa. Dalawang bagay
ang labis niyang ikinababahala.

Una, nag aalala siya para kay Cael

Pangalawa, natatakot siya sa maaring gawin ni Night dito.

"Long time no see little birdie. So you possesed a human body? What a creep..."
nanunudyong sabi ni Night.

Mula sa likuran ni Cael may kinuha itong isang bagay. Nagulat siya nang makitang
isa iyong lumiliwanag na espada.

"And you still have your glowing stick huh?"

"Layuan mo si Alexine! Hinding hindi ako papayag na saktan mo siya Tagasundo!"


seryosong pahayag ni Cael.

Ngumisi lang at umiling iling si Night. Naglakad ito palapit sa kanya.


"Tagasundo... that's too old school. I like myself calling as 'scheduler' quite
more pleasing to hear"

May accent pa ito.

"Itigil mo na ang kasamaan mo. Walang maidudulot na kabutihan ito sa mundo o sa mga
tao!" hindi nagpapatalong si Cael.

"I don't give a fuck, it's my job to fetch those weakling soul and drive them to
their spooky and eerie world of spirits.. parang batang ginalaw galaw pa nito ang
mga kamay na umaktong multo. "At least mine is little more adventurous than your
boring baby sitter duties"

Napailing na lang si Alexine dahil kahit sa gitna nang tensyonadong tagpo na kagaya
nito ay talagang nagagawa pa rin magpakapilyo nang demonyo.

Hindi na sumagot pa si Cael. Tumalim ang tingin nito. Hinawakan nang dalawang kamay
ang kanyang maliwanag na espada.

"Night... please wag mong gawin to." hindi na napigilan ni Alexine na hindi kumibo.

Nag aalala siya para sa dalawa.

"Sorry cupcake, this is only for boys" anito na bahagyang lumingon sa kanya.

Napailing iling si Lexine. Nagulat na lang siya nang sumisigaw na si Cael at


tumatakbo palapit kay Night na kampante lang na nakatayo sa pwesto nito.

"Ahhh!" sigaw ni Cael. Inangat nito ang mga paa at mataas na tumalon. Inangat nito
ang espada sa ulunan nito at mabilis na bumaba at tinutok ang patalim nito kay
Night.

Subalit mabilis pa sa hangin na nawala si Night sa dati nitong pwesto. Tanging itim
na usok lang ang tinamaan ni Cael.

Lumitaw si Night na nasa ibabaw na nang isang itim na montero sports na nakaparada
sa tabi. Sa tuwing nawawala at lumilitaw ito ay may lumalabas na itim na usok.

"Is that all you got birdie?" nakakalokong ngumisi ito. Umupo pa ito sa hood bubong
nang sasakyan at pumalumbaba. "This is so boring"

Gigil na muling sumugod si Cael. This time he moved a little faster.

Tinamaan niya ang bintana nang montero. Nabasag iyon. Tumalon si Night at umikot sa
ere bago lumanding sa likuran ni Cael. Mabilis namang winasiwas paharap ng huli ang
hawak na sandata pero usok pa rin ang tanging tinamaan niya.

Muling lumitaw sa likuran niya si Night. Tumatawa ito na parang isang batang nag
eenjoy sa isang laro. "You know what birdie, I would like to thank you for saving
my cupcake from those dogs. But sadly, your bird shit smell is really punching my
nose." nag make face pa ito.

Hinihingal na humarap si Cael sa kanya.

Sa gulat niya'y hinablot ni Night ang leeg nito at walang kahirap hirap na inangat
ito sa ere. Nabitawan nito ang espada.

"Cael!" napasigaw si Alexine sa takot. Hindi siya pwe-pwedeng tutunganga na lang


doon habang nakikitang nagpapatayan ang dalawa.

Nanlilisik ang mapaglarong mga tingin ni Night sa kawawang anghel.

"Ang sabi ko naman kasi sayo birdie, just go home and stay on your shitty smelly
nest. You can't beat me... I'm too powerful for you"

Nangigil na hinawakan ni Cael ang mga braso ni Night na humahawak sa leeg niya.
Kahit hirap sa paghinga at tagaktak sa pawis nagawa pa rin nitong magsalita.
"Hinding hindi mo makukuha si Alexine, dahil hinding hindi siya sasama sa katulad
mong sinusunog na sa impyerno."

Nanlisik nang husto nang mga mata ni Night sa galit at buong pwersang hinagis si
Cael. Dire-diretso tumama ito sa sahig.

Nakakatakot na aura ang biglang pumalibot kay Night. Nangamba nang husto si
Alexine. Nakagigimbal ang taglay na kapangyarihan nito. Walang laban si Cael dito.

Lumuhod si Night sa nanghihinang anghel. Inangat nito ang sleeve nang jacket. Sa
loob nang kaliwang braso nito nakaguhit ang mas malaking tattoo marks.
Isa iyong nakapulupot na ahas na may dalawang ulo. Kinakain ng dalawa ang sarili
nilang buntot.

"Luxuria.. "

May tinawag na naman itong pangalan at lumiwanag muli ang tattoo marks nito.

Mula doon lumitaw ang nakakatakot na nilalang. Dalawang babaeng may mahahabang itim
na buhok. Nakasuot sila nang sira-sirang puting damit. Grayish ang mga balat. Dilaw
ang malapusa nilang mga mata at lumulutang ang mga paa. Kambal na halimaw.

Tinatawag ang mga ito na Banshee

Isang uri nang galit na kaluluwa na nagiging malakas na halimaw. Ang matinding
galit at poot nito ang pinagmumulan nang kanilang lakas. Mas galit. Mas malakas.

Isang panibagong halimaw na naman ang nakita niyang nag anyo mula sa mga tattoo ni
Night. Ilang tattoo marks pa ba ang mayroon ito sa katawan at ilang halimaw pa ang
kaya nitong palabasin?

Tila nagsasayaw ang kambal na banshee sa ibabaw ni Cael. Hinawakan nang isa ang
balikat ng anghel at inangat sa ere. Ang isa naman ay nasa harapan at inangat ang
kamay nito na may matutulis na kuko. Inaambahan na kunin ang puso ni Cael.

Nagimbal si Lexine sa takot. Hindi si Cael ang mapapahamak kundi si Ansell dahil
katawan nito ang ginagamit niya!

Hindi na siya nagdalawang isip at nagmadaling tumakbo sa kinaroroonan nila.

Sumigaw nang nakakakilabot na tili ang banshee at inangat ang mga kuko. Buong
pwersa nitong sasakmalin ang dibdib ni Cael na wala nang laban.

"Keeeeeeeeeeeh!!!" sigaw nito at binaba ang matutulis na kuko.

Itinaas ni Lexine ang mga kamay at naiiyak na sumigaw.

"Please huwag!!!"

Natigil bigla ang halimaw dahil mabilis iyong kinontrol ni Night.

Halos habulin ni Lexine ang paghinga. Konting konti na lang ang distanya nang mga
kuko nang halimaw sa dibdib ni Cael.
"Night please dont do this I'm begging you... " pagsusumamo niya.

Seryosong tumingin ito sa gawi niya. Naniningkit ang mga mata.

"Why would I listen to you?" nanunudyong tanong nito.

Natigilan siya. Bakit nga ba? Sino ba siya para sundin nito?

Alam niya ang kasagutan sa sarili. Alam niyang hawak niya ang alas dahil kung may
bagay man ito na alam niyang gagawin nito ang lahat para lang makuha. Iyon ay
walang iba kundi ang kanyang sarili.

"Please, please don't kill him I... I... " hindi niya maituloy ang sasabihin.

Nag aalang tumingin siya kay Cael. Hirap na hirap na ito pero nasa mukha nito ang
pagtutol.

"Alexine h-huwag..." hirap nitong sabi.

Napailing siya. I'm sorry Cael but I won't let Ansell die

"What?" naiinip na tanong ni Night.

Napapikit si Alexine. Hindi niya inakalang darating siya sa puntong ito. Na


lalabas sa bibig niya ang mga salitang ito. Gagawin niya ngayon ito para mailigtas
ang mga kaibigan niya.

"I'll do everything you want just please.... Please don't kill them" tuluyan na
siyang nanghina. Pumatak ang mga luha niya sa mata.

Nasa mukha ni Cael ang labis na pagkawasak.

"Alexine hindi! Makinig ka sa akin! Hindi mo to kailangang gawin!" nagpupumiglas


ito pero hindi ito binibatawan nang banshee na kambal.

Umiling iling siya. "Hindi ko pwedeng hayaang mamatay ka, mamatay rin si Ansell....
" aniya na bigong bigo.

Lumapit sa kanya si Night. Tinaas nito ang baba niya. Nasa mukha nito ang
pagkapanalo.
"Thats I like about you cupcake. You're a very good good girl... " nasa mga ngisi
nito ang kasakiman na makuha siya.

Kinulong nito ang mga braso sa kanya. Napatingin lang siya kay Cael na tila sawing
sawi sa ginawa niyang desisyon. Naawa siya dito subalit mas naaawa siya para kay
Ansell dahil nadadamay ito sa labanang wala itong kinalaman.

Naramdaman niya ang pamilyar na pag yakap ni Night sa kanya. Nadantay ang ulo niya
sa dibdib nito. Agad nanuot sa ilong niya ang pamilyar nitong amoy. "I badly want
you cupcake.. And tonight. You are all mine... "

Tumindig nang husto ang lahat nang balahibo niya sa katawan. Hinding hindi niya
makakalimutang ang malaking pag aasam sa mga mata nito.

Binalot sila nang napakakapal na usok. Lumingon siya sa huling pagkakataon kay Cael
na ngayo'y nanghihina nang nakadapa sa sahig. Binitiwan na siya nang kambal na
banshee.

"Alexine wag kang sumama sa kanya! ALEXINE!!"

Tila nag echo na lang ang boses nito sa pandinig niya at tuluyan na silang nilamon
ni Night nang makapal at maitim na usok.

=================

V.3: Chapter Twenty Five

Chapter Twenty Five : In his world

MARAMING bagay ang tumatakbo sa isipan ni. Lexine. Sa lahat nang hirap at gulong
pinagdaanan niya nitong mga nakaraang lumipas na buwan. Hindi niya inakala na sa
hinaba haba nang pakikipaglaban niya para mabuhay pa sa mundong ito. Sa isang kurap
lang... babagsak din pala siya sa mga kamay nang lalaking kinatatakutan niya.

Isiniksik niya mabuti ang sarili sa dulo nang headboard nang malaking kama. Doble
ang laki niyon kesa sa king sized bed na kama niya sa kanyang kwarto.

Itim na bedsheet at animal furs ang cover niyon. Ginala niya ang paningin sa
kabuuan nang kwarto.

Gothic and Victorian ang style nang interior. Una niyang napansin ang vintage na
chandellier sa kisame na puro nakasinding kandila. Gumala ang paningin niya sa
samu't saring mga animal heads at skins na naka frame pa at naka display sa pader
nang kwarto.
Kakaiba rin ang mataas na bintana sa gitna nang kwarto. Mula sa sahig hanggang
kisame ang laki niyon. Nakahawi ang nagtataasang kurtina at kitang kita niya ang
maganda at maliwanag na sikat nang buwan.

Nakakamangha.

Madilim ang napaka laking kwarto na iyon. Tanging liwanag mula sa buwan at sa
maputlang ilaw na dulot nang mga kandila sa chandelier ang nagsisilbing liwanag.
Sobrang taas din nang ceiling. Pakiramdam niya nasa kwarto siya nang isang
prinsipe.

Oo nga pala, nasa kwarto talaga siya nang isang prinsipe.

Prinsipe nang kadiliman.

Umingay ang isang pinto sa gilid. Bumukas iyon at lumabas si Night na naka itim na
bathrobe. Basang basa ang buhok nito.

Sa kabila nang dilim nang paligid. Kitang kita ni Lexine kung gaano kakisig ang
katawan nito. Halos wala nang mapaglagyan ang mga tattoo marks nito sa braso,
dibdib, likuran at sa leeg na ngayon niya lang napansin.

Halos matuyo ang lalamunan niya nang mapadako ang tingin niya sa bato bato nitong
abs.

He's sexiness is so illegal.

"Are you hungry?" tanong ni Night pagkalapit sa kanya.

Napalunok siya.

Kape, gusto ko nang kape. Terno sa pandesal mo. Pero imbis ay umiling iling siya.
Makita niya lang ito nabusog na ata siya.

Pinilig niya ang ulo at pinilit na alisin ang kapilyahang pumapasok sa isipan niya.

Ngumisi lang si Night sa kanya at nagtungo sa walk in closet nito na natatanaw niya
kahit hindi siya umaalis sa pwesto niya. Nagbihis ito nang itim na pantalon pero
hindi man lang ito nagdamit nang pang itaas.

Kinabahan tuloy siya. Naalala niya ang mga katangahang sinabi niya kanina.

"I'll do anything you want just please don't kill them... "
Gusto niyang sabunutan at sampalin ang sarili nang 100 times. Paano naman niya
pananagutan ang mga sinabi niya?

Ngayon hindi niya alam kung paano makakatakas sa demonyong ito.

Naglakad si Night palapit sa kanya. May red wine ito sa side table at nagsalin sa
baso na agad nitong ininom.

"You drink?" alok nito.

Mabilis ang pag iling niya "No thanks.. I don't"

Ngumisi lang ito at tinuloy ang pag inom.

Nilalamig siya kahit wala namang aircon ang kwarto nito. Binalot niya ang sarili sa
kumot. Ang lakas nang tibok nang puso niya. Nasa iisang kwarto lang sila ni Night.
Kahit anung tangi niya alam niya kung saan maaring humantong ang gabi niya sa
piling nito.

Oh no! She's in a big trouble.

Kapag naalala niya lahat nang pang aakit na ginagawa nito sa kanya nanghihina nag
mga tuhod niya na parang jelly.

"So cupcake..."

Napapitlag siya sa boses nito. Parang tatalon na puso niya sa kaba wala pa nga
itong ginagawa.

"That smelly bird... "

"He's not a bird. May pangalan siya. Cael" pagtatama niya.

"Well he have wings so he's basically a bird" ayaw pa rin nitong magpatalo. "Why
did you save him? How long have you know about his existence? Angels don't show
their self to humans. Its against their stupid law"

Alam na niya ang bagay na iyon. Naisip niya si Ansell sana lang ay okay na ito
ngayon.

"Gamit niya ang katawan ni Ansell, kapag namatay siya mamatay din si Ansell" sagot
niya.
Nanliit ang mga mata nito sa kanya. Binaba nito ang alak at lumapit sa kanya.
Gumapang ito paakyat sa kama. Napaatras siya kahit wala na siyang maatrasan pa
dahil nakasagad na yung likuran niya sa headboard nang kama.

Mapanuring tumingin ang nakakaakit nitong mga mata. "Why do you care so much about
that guy "

Napalunok siya. Unti unti itong lumalapit pagapang sa kanya.

"D-dahil k-kaibigan ko siya" aniya kinakabahan.

Napangisi ito "Friend huh? I don't like you seeing with any other guys kahit pa
kaibigan lang yan. Hindi ka pwedeng makipagpakaibigan sa isang lalaki." demanding
na sabi nito.

Napanguso siya nang husto sa kaharap. "Bakit ba ang possesive mo? Deeg mo pa
boyfriend kung makapang bakod ka dyan" naiinis niyang sabi.

Natawa si Night sa kanya. Halos kadangkal na lang ngayon ang distansya nila. "I'm
not your boyfriend. Thats a corny human shits"

Tahimik na nasupalpal siya. Ouch.

Pinagalitan niya ang sarili na wag magpaapekto pero di niya maiwasan. Di niya
maintindihan pero parang nasaktan siya sa sinabi nito.

Naiinis siya dito. Basta naiinis talaga siya. Sa inis niya'y ayaw na niya itong
tignan.

"Hey, look at me.. " utos nito pero hindi siya kumibo. Naiinis lang talaga siya.

"Hey, I said... look.at.me" mas dumiin ang boses nito. Pero di pa rin siya natinag.
Namumula na siya sa inis. Badtrip.

Narinig niya ang mabibigat na buntong hininga nito na tila nagtitimpi.

"You’re not going to look at me? Or I'll touch your boobs right now!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Awtomatikong napa krus ang mga braso niya
sa dibdib at tinignan ito. Kitang kita niya ang pagka aliw sa mukha ni Night. Lalo
siyang nainis sasabog na ata siya. "Pervert!" singhal niya.

Kinagat nito ang ibabang labi at nanadyang tinignan pa ang dibdib niya.
SHIT!

"Your so stubborn, what will I do with you... " anito sa naaliw na tono.

Sa gulat niya'y kinorner siya nang dalawang kamay nito. Halos wala nang distansya
sa kanila. Naamoy na niya ang hininga nito. At amoy na amoy niya ang shave cream na
ginamit nito.

Bumilis na naman ang tibok nang puso niya.

"I'm not your boyfriend... I don't need that shitty label. You are mine. And that's
how I will call this thing between us" now he's voice turned into husky whispers.

Kung kanina inis na inis siya. Ngayon nakikiliti na siya sa kakaibang napaparamdam
nito sa kanya.

Between. Us

Hindi na niya alam. Pero gusto niya sa pandinig ang dalawang salitang iyon.

"A-anu ba k-kasi tayo?" pigil hininga niyang tanong.

Ngumiti ito. Halos maduling na siya sa mga titig nitong sobrang lapit. "You really
want to know? Huh? Cupcake.."

Mababaliw na ata siya. Nahihilo na siya sa sobrang lapit nang mga mukha nito.
Pinagdidikit nito ang kanilang mga ilong.

"Answer me.... " he demanded.

Parang wala sa sariling tumungo tungo siya.

Bumaba ang isang kamay nito sa mukha niya. Hinaplos nito iyon nang buong pag
iingat. Nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Nang mga sandaling
iyon sa ilalim nang kabilugan nang buwan at mga bituin.

Literal ang paghinto nang tibok nang kanyang puso.

"This is us.." at dahan dahan nitong dinampi ang mga labi sa kanya.

Nahigit niya ang hininga. Awtomatiko na umangat ang dalawa niyang kamay at
napakapit sa batok nito. She starts to trace his tattoo marks from his neck, down
to his peck then to his arms and his back. She traced every mark in his body.

Dahil sa ginawa niya'y ang magaan na halik ay lumalim nang lumalim.

Everything spins around. She feels so light she thought she was flying. Oh she was
now in another ecstasy!

Sa tagal nang paghahalikan nila naubusan na siya nang hininga. Binuka niya ang
bibig para makakuha nang hangin pero sinamantala iyon ni Night upang pasukin nang
dila nito ang kanyang bibig.

Halos tumirik ang kanyang mga mata. She want this. His lips, his touch,
everything. She badly want it all.

Patuloy na nakipag laban ang mga dila nila. Ang hinihinga niya ay hinihinga na rin
nito. She never felt so connected to someone before.

Only with him. In his arm, in his kiss. In this freaking sexy demon.

Sa labis na nag uumapaw na nararamdaman niya. Lumabas ang napaka sensual na pag
ungol sa kanyang bibig. Tila iyon pa ang nag pa agresibo kay Night kaya't inangat
nito ang bewang niya at mabilis siyang iniupo sa mga hita nito. Naisabunot niya ang
mga daliri sa basa basa nitong buhok.

"Alexine... you have no idea how many nights I dreamed of this... " he murmured
between their kiss.

Para siyang nababaliw. Nahihibang. Nawawala sa katinuan. Ibang klase sarap ang
naibibigay nang mga halik nito sa buo niyang katawan.

Mas lalong hinapit ni Night ang katawan niya palapit dito. Nagdidikit ang kanilang
mga dibdib. At nararamdaman niya ang nagwawalang tibok nang kanilang mga puso.

She never thought she wanted so much of him. And she will be asking for more.

Gumapang ang mga kamay nito sa bawat parte niya. Habang hindi nito binibitawan ang
kanyang mga labi. Bawat haplos nito napapaso siya. Tapos makukuryente. The feeling
is crazy.

Humigpit ang pagkakakapit nito sa bewang niya at pagkatapos ay ginalaw galaw nito
iyon. Na tila gusto nitong isayaw siya sa musikang tinutugtog nang mga dibdib
nila. She is very aware that his stoned manhood was now rubbing against her wetness
and it feels so damn good.
Dahan-dahan pero bawat hagod nararamdaman niya yung umbok sa pagitan nang mga hita
nito. Dapat ay tumitigil na siya pero ayaw niya. Hindi niya magawa.

Panay ang pag ungol nito. Panay ang pag kontrol sa pagsayaw nang bewang niya sa
ibabaw nang mga hita nito.

Dinala siya ni Night sa isang lugar na hindi niya inakalang mapupuntahan niya.

"You... "

"... are"

"Only mine Alexine... only mine"

=================

DEATH NOTE

I sooooo love this volume! Kayo din ba? Hahaha

Another three questions :

Question # 1: What do you feel about Cael? Ako I like him!

Question # 2: Team Cael or Team Night? Ako team Ansell! Hahaha

Question # 3: Bitin? (Evil laugh)

Originally, 35 chaps lang balak ko. Kaso masyadong malawak yung kwento dami pang
mangyayari. But gusto ko sna 5 volumes lang. Or max na ang 6... hmmmmm? Sana
magkasya!

Ang daming intense na kaganapan sa volume na to! I sooo love this story! Sana mas
madami akong readers and votes. I wish wish.

PS : DONT FORGET TO FOLLOW @akissofdeathofficial on instagram for Edited Pics and


updates!

Mas mabilis akong mag update lately no? Haha it usually takes 2-3weeks before ko ma
tapos ang volume. Siyempre pinag iisipan ko din naman mabuti to. So please
pagbigyan niyo na kapag matagal nang konti. Hahaha
HI Janaaaaaaah! I know masya ka ngayon hahaha!

Xoxo -- Jhelay

=================

VOLUME 4

They that love beyond the world cannot be separated by it. Death cannot kill what
never dies. -- William Penn

Volume 4 (Chapters 26-34)

Chapter Twenty six : Stay

Chapter Twenty seven : Secrets of the necklace

Chapter Twenty eight : Curse

Chapter Twenty nine : I'm sorry

Chapter Thirty : Missing

Chapter Thirty one : Leona Vondeviejo

Chapter Thirty two : Captured

Chapter Thirty three : Don't make her Angry

Chapter Thirty four : Diary

=================

V.4: Chapter Twenty Six

Chapter Twenty Six : Stay

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon. Muling nakaranas nang mahimbing at payapang pagtulog


si Alexine. Nakakapagtakang sa kama at sa mga bisig ni Night niya iyon natagpuan.
Nagising siya na mag isa na lang sa malaking kwarto. Dahan-dahan siyang bumangon.
Natagpuan niyang magulo ang kama at wala na doon si Night.

Hindi niya alam ang oras dahil wala naman siyang makitang orasan sa kwarto nito.
Basta ang alam niya umaga na dahil sa taas nang sikat nang araw na natatanaw niya
sa malaking bintana.

Ilang minuto siyang nakatulala bago niya narealize kung anung nangyari kagabi.
Napasinghap siya at napahawak sa magkabilang pisngi na mabilis namang nag init.

"Oh my God... What the hell have I done? " natutulirong nasambit niya sa sarili.

Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang mga labi. Pakiramdam niya namamaga pa rin
iyon sa tagal nang halik na pinagsaluhan nila ni Night kagabi. Lalong nag init ang
buong mukha niya. The feeling of his lips brushing and crushing her own was still
there.

Hanggang ngayon ramdam na ramdam pa rin niya ang ginawang pangigigil ni Night sa
mga labi niya na kulang na lang ay literal na nitong kainin.

That kiss. Kailanman hindi pa siya nahalikan nang ganoon sa tanang nang buhay niya.
Well, wala naman talaga siyang ibang nahalikan kundi si Night lamang.

Hindi siya makapaniwalang nagawa talaga nilang maghalikan nang ganoon ka intimate
at katagal. Nanalantay pa sa balat niya ang init nang mga haplos nito. Ang mahigpit
na paghawak nito sa kanyang bewang habang iginigiling siya sa kandungan nito. Lalo
siyang namula nang marealize kung gaano ka sensual ang ginawa nila. Lalo na at
pinaramdam sa kanya ni Night buong gabi kung gaano siya kagusto nang alaga nito.

Napailing iling siya. "God Lexine, anung katangahan na naman ang ginawa mo?"

Ilang minuto siyang napabuntong hininga. Dahil hindi pa rin siya mapalagay
nagpalakad lakad siya sa kwarto.

Nasaan kaya si Night?

Mabuti na rin na wala ito pagkagising niya. Hindi niya alam kung anung mukhang
maihaharap sa lalaki. Mahirap mang aminin, pero nagustuhan niya ang lahat nang
nangyari kagabi. At pilit niya iyong iwinawaksi sa isip.

"Don't be a fool Lexine. Kalimutan mo na yun, it was a big mistake! Hindi ka dapat
nagpadala sa pang aakit niya. Now you had just lost another fight.. "

Pasalampak na napahiga siya mula sa kama. But shit! Hindi niya makalimutan. Paulit
ulit na nagpla-play sa utak niya lahat.
Mababaliw na ata siya.

Sunud sunud na katok sapintuan ang nagpatalon sa kanya. Bumukas iyon at pumasok ang
isang matandang lalaking nakasuot nang ternong pulang suit at slacks. May kaputian
na ang buhok nito subalit maganda pa rin ang tindig.

"Good morning Ms. Alexine" magalang na bumati ito. Bahagya pang yumuko sa kanya.

"G-good m-morning.. " alanganin siyang bumati pabalik.

Tipid at pormal na ngumiti sa kanya ang matanda. "My name is Johan and I am
master's Night butler. Master asked me to inform you that the breakfast is already
served. He is now waiting for you in the dining room.” hindi nakaiwas sa pandinig
niya ang accent nito.

Saka nila lang narealize na nagugutom na pala siya. Pero mas tumalon ang mga alaga
niyang insekto sa tiyan nang marinig ang pangalan nito.

“I also prepared your clothes. Please feel free to choose any clothes and shoes
that is comfortable for you.” pumitik ito at mabilis namang pumasok ang tatlong
babaeng nakasuot pa nang french maid uniforms. May hatak hatak silang dress rack na
punong puno nang ibat ibang damit. Ang isa'y may bitbit pang patong patong na kahon
nang sapatos.

“Please let me know if you need anything else my Lady.” huling pahabol ni Johan.

Ngumiti siya dito at nagpasalamat. Iniwanan siya nito kasama ang tatlong maid.
Kahit papaano'y na touch naman siya sa importansyang binibigay ni Night sa kanya
ngayon. Matapos mamili nang damit at sapatos ay sinamahan pa siya nang tatlong maid
hanggang sa loob nang malaking bathroom para makaligo at makapag ayos.

Todo asikaso sa kanya ang tatlo na parang prinsesa.

Prinsesa na siya noon pa man kahit sa mansyon nila pero mas over lang ang pagtrato
sa kanya ngayon. Nakakapanibago sa kanya na may nag aalalay pa sa kanya sa paliligo
at pananamit.

Matapos mag ayos ay tinignan niya ang repleksyon sa salamin. Isang white off
shoulder below the knee dress ang pinili niya. Plain lang iyon at walang ibang
burloloy. Tinernuhan niya nang nude na open toe hills at ang buhok niya'y inayusan
nang malalaking kulot. Nilagyan din siya nang light na make up.

Mag aalmusal lang naman siya pero kung ayusan siya'y para siyang aatend sa isang
party.
Ilang minuto at muling bumalik si Johan upang sunduin siya. Isang mahabang hallway
ang nilakad nila pagkalabas nang kwarto. Hindi napigilan ni Lexine ang mamangha sa
laki nang mansion na iyon. Halos triple ata iyon nang laki nang mansion nila.
Maraming pintuan at malawak ang hallway na carpeted pa ang sahig.

Dumaan pa sila sa napakalaking hagdanan na carpeted rin pababa at namangha siya


nang masilayan ang napakataas na ceiling nang mansion. May malaking chandelier sa
gitna na makinang at gawa sa ginto at makikinang na dyamante.

Ilang sandali pa silang naglakad bago nakarating sa malaking dining area kung saan
bumungad sa kanya ang mahabang table na maraming upuan. Sa magkabilang gilid
nandoon nakatayo ang ilan pang maid at butler na pawang mga robot na inutusang
ngumiti sa kanya. Sa dulo niyon nagtagpo ang mga mata nila ni Night. Kumabog nang
malakas ang dibdib niya. Napaka gwapo nito sa suot na itim na polo. Nakabukas pa
ang unang dalawang butones niyon. Seryoso lang ang mukha nito habang pinagmamasdan
siyang naglalakad papalapit.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Inalalayan siya ni Johan na makaupo sa
tabi ni Night. Dahil naiilang siya sa paraan nang pagtitig nito sa kanya ay ginala
na lang niya ang tingin sa lamesa na punong puno nang pagkain na parang pang
fiesta.

Tumikhim si Night. Halos mapapitlag siya nang bigla nitong hinawakan ang baba niya
at pinihit iyon paharap dito.

Tumaas ang sulok nang labi nito at pinagmamasdan siyang mabuti. Naiilang siya sa
ginagawa nito kaya nakagat na lang niya ang ibabang labi. Hindi siya makatingin
nang diretso.

"You look wonderful cupcake, you just made my morning perfect" anito sa nanunudyong
boses.

Namula siya sa sinabi nito. Lalo niyang nakagat ang sariling labi.

Nang sinubukan niyang linungin ito'y nakita niyang nakatitig ito sa labi niya. Lalo
siyang nailang lalo na't fresh na fresh pa sa alaala niya ang pinagsaluhan nilang
halik kagabi.

Narinig niya itong mahinang tumawa. Marahil napapansin nito ang pagkailang niya.
Gusto niyang batukan ang sarili.

Umusog ito at inilapit nang husto ang mukha sa kanya. "How's your sleep?"

Amoy na amoy niya ang bango nang hininga nito. Para siyang nahihilo doon. Ang
hiningang iyon na halos buong gabi niyang nilasap.

"I-it's g-good.." hindi niya napigilan ang pagkautal. Lalo itong napangisi.
"Good, we have a lot of things to do for today so you better eat now" utos nito.

Nagtatakang napaharap siya dito. Sobrang lapit na pala nang mukha nila halos
mabanga na niya ang ilong nito. "A-anu bang gagawin natin?"

Imbis na sumagot ay ngumisi lang ito. "You will know it later, don't be too
excited. Kumain ka na muna.. "

Napanguso siya sa inis. "Di ako excited"

Nginisian lang siya nito at sinimulan nang kumain. At dahil gutom na gutom na siya
ay kumain na lang siya at hindi na ito pinansin pa. Buong oras lang itong tumititig
sa kanya hanggang sa matapos silang kumain.

Hinigit nito ang kamay niya at dali-dali siyang hinatak. "W-wait Night, san tayo
pupunta?"

Imbis na sumagot eh lalo lang siya nitong hinatak. Hindi niya alam kung bakit ito
nagmamadali. Pero narealize niya din agad na malaki lang ito humakbang kaya
naghahabol siyang makasunod dito.

Bumilis ang tibok nang puso niya dahil naghoholding hands sila ngayon. Mainit ang
mga palad nito at gusto niya iyon sa pakiramdam. Dinala siya ni Night sa labas nang
malaking pintuan. Nagulat siya nang makitang may itim na 4x4 Hummer na nag aantay
sa kanila sa labas.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" hindi na mabilang ni Alexine kung pang ilang tanong na
niya iyon. Kasalukuyan na silang bumabyahe.

"Just wait..." tipid nitong sagot.

Napairap siya at tinuon ang paningin sa labas nang bintana. Hindi pamilyar sa kanya
ang lugar. Hindi niya alam kung nasaan sila. Mula sa mga hindi pamilyar na tanawin
ay may bridge silang dinaanan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang
pamilyar na matayog na istraktura.

This can't be true!

"Wait! Is that...?" hindi niya matuloy ang sasabihin. Speechless na napalingon siya
sa katabi.

Ngumiti sa kanya si Night. "Yup! Thats the famous Eiffel Tower"


Napasinghap siya. Muli niyang nilingon ang mataas na istrukturang tanaw na tanaw
niya. Binaba niya pa ang bintana at ginala ang paningin. Totoo nga! Nasa Paris
talaga sila!

"Teka! Bakit tayo nasa Paris? Paano tayo napunta dito?" hindi niya makapaniwalang
tanong.

"I brought us here..."

"B-but... h-how did you?" naalala niya na nilamon sila nang makapal na usok bago
siya napunta sa loob nang kwarto nito. Kung ganoon ay gumagamit ito nang
kapangyarihan nito para makapag teleport nang ganoon kalayo.

Napailing siya. This man is unbelievable.

"Y-yung mansion kanina? Doon ka talaga nakatira? Sayo talaga yun? Doon ka umuuwi
palagi at nagteteleport ka lang mula Pilipinas hanggang dito sa France?" sunud
sunud niyang tanong.

Namamangha siya sa kakayahan ni Night. Kung sana'y nasa kanya ang kapangyarihan
nitong makapag teleport malamang na pinuntahan na niya lahat nang gusto niyang
mapuntahan.

Lumingon ito sa kanya. "Yup, thats mine. I bought that mansion two decades ago. And
yes, there is where I lived"

Lalong nanlaki ang mga mata niya! Ngayon siya nakaramdam nang ingit dito.

Nang mapansin nito ang reaksyon niya'y napangisi ito. "What? You're amazed?"

Para siyang batang tumungo tungo. Tumawa ito nang mahina at inabala niya muli ang
sarili sa pagtanaw sa paligid.

NAMASYAL SILA BUONG ARAW ni Night dinala siya nito sa tapat mismo nang Eiffel
tower sa Champ de Mars. Manghang mangha siya sa laki at ganda niyon. Panay ang pag
picture niya at selfie. Tahimik na pinagmamasdan lang siya nito sa ginagawa niya.

Mayroon itong tatlong floor na accesable para sa mga bisita. Agad nilang inakyat
ang 3rd floor kung saan tanaw niya ang magandang paligid nang Champ de Mars.
Nagsawa muna siyang mag picture at selfie bago siya inaya ni Night na mag coffee sa
isang restaurant na nasa 2nd floor.

Pagkatapos nila doon ay nagpunta pa sila sa iba't ibang toursit attractions sa


Paris. Nagtungo sila sa Notre Dame de Paris na siyang isa sa pinakasikat na
cathedral sa lugar na iyon. Manghang mangha siya sa French Gothic architecture nang
naturang simbahan. Bukod doon ay nagtungo pa sila sa Arc de Triomphe, Disneyland
Paris, Musee Rodin, Pont Alexander III, Louvre Pyramid, sa National Museum at
marami pang iba.

Pinaka nagustuhan niya sa lahat nang pinuntahan nila ang Catacombs of Paris. Hindi
siya makapaniwala na nandoon nakapreserve ang mga bungo at labi nang halos 6
milliong katao. Manghang mangha siya sa mga bungo na pinagsama sama at pinagpatong
patong sa mga wall sa tunnel. Ang underground cemetery na iyon ang pinaka
nakakamamangha sa lahat sa kabila nang eeri feeling sa loob niyon.

"A lot of lost soul are inside of this catacombs" kinilabutan siya nang husto sa
sinabi ni Night.

"Y-you mean, souls as in spirits?"

Tumungo tungo ito habang abala rin sa pagmamasid sa wall of skulls sa harapan nila.
"Teka, ibig mong sabihin ay may namamalagi talagang mga espirito dito? Nang mga
namatay? Pero..diba sinusundo mo sila at hinahatid sa dapat nilang kalagyan. You're
the death scheduler. Kung may mga spirits na namamalagi pa rin sa mundo na katulad
nang lugar na ito ibig sabihin ba ay hindi mo pa sila nasusundo?"

Saglit itong napalingon sa kanya at ngumisi. Nilingon niya pa ang paligid at malayo
naman ang iba pang turista sa kanila kaya hindi sila maririnig nang mga ito.

"Curious huh?" nagtaas ito nang kilay.

Ngumuso siya. "Gusto ko lang naman malaman..."

Ngumisi ito at sa gulat niya'y inakbayan siya. Lihim siyang kinilig. Di nakaligtaan
nang mata niya ang tingin at sulyap nang mga babaeng napapadaan sa kanila. Marahil
naiingit ang mga ito sa gwapo niyang kasama o kung mag-boyfriend man ang tingin
nang mga ito sa kanila.

"There were spirits that are very stubborn. May mga kaluluwa na hindi nila matangap
na wala na sila sa mundong ito. It's either they will freely come to me hanggang sa
tapat nang pintuan patungong mundo nang mga kaluluwa, or they will refuse because
they dont want to ge there yet. Maraming ganoong kaso.."

"So anung ginagawa mo sa mga ayaw sumama sayo?"

Nagkibit balikat ito. "Edi hinayaan ko lang sila. Nakakapagod mamilit, hindi lang
naman sila ang dapat kong sunduin at ihatid so kung ayaw nila, iniiwan ko na sila.
They can call me anytime if sawa na silang magpagala gala sa mundo at saka ko na
sila ihahatid...Though there are some cases na nakakalimot na ang ibang spirits at
ayaw na nilang umalis pa sa mundong ito. Those are the hopeless case.."
Napabaling siya dito. "Hopeless case?"

"Yah, hopeless case. May time period lang ang dapat itagal nang mga kaluluwa sa
mundong ito before they reach their time limit. At kapag lumagpas na sila sa time
limit nila. They will never able to enter the door to the world of the spirits.."

"So anu na lang mangyayari sa kanila kapag ganun? Forever na lang silang gagala sa
mundo?"

"Yup! Yun lang ang kababagsakan nila..."

Napatungo-tungo na lang siya sa mga sinabi nito. Naisip niya tuloy, na parang
nakaka exhausted ang trabaho nito. Kung paano nito nagagawang sunduin at ihatid ang
mga kaluluwa nang sabay sabay ay hindi niya alam. Sa taglay na kapangyarihan nito'y
tila wala namang imposible.

Nang mapagod magpicture at mamasyal ay inaya niya itong umupo sa malawak na damuhan
sa jardin des tuileries. Aliw na aliw siya habang tinitignan ang mga nakuha niyang
pictures sa cellphone niya.

"You've never been in Paris, France?" maya maya'y tanong ni Night.

Umiling iling siya. Nakapunta na siya sa iba ibang bansa pero hindi niya pa
napuntahan ang France. "I've been to China, Singapore, Korea, Japan, Australia,
Dubai and Thailand but ngayon pa lang ako nakapunta nang France"

Tuwang tuwa talaga siya nang malamang nasa France pala sila. Atleast ngayon ay
napuntahan na niya ito. Wala pa siyang ginastos na air fare at visa.

"So ngayon ay binigyan na kita nang two first mo." anito.

Napalingon siya sa katabi. Kumunot ang noo niya. "Two first?"

"Yeah, first kiss and now first time in Paris in front of Eiffel Tower"

Mabilis na namula siya. Inis na inirapan niya ito. "Feeling ka! Hindi kita first
kiss!" kailangan niyang isalba ang natitirang pride kahit dun man lang makabawi
siya.

Pero nasa mukha ni Night na hindi nito binibili ang mga sinasabi niya. "You're not
a good liar cupcake. Your ears are burning red when your lying.. "

Napahawak siya sa magkabilang tenga. Nag iinit nga iyon. Lalo siyang nainis nang
tumawa pa ito nang malakas. "But you're a very good kisser for a first timer.. "
Nagsitayuan lahat nang balahibo niya nang bumulong ito sa tainga niya. Naiilang na
umusog siya palayo pero mabilis nitong hinigit ang bewang niya at mas lalong
nilapit sa katawan nito.

"I want to kiss you more... kiss me now" he demanded.

Napalunok siya nang laway. Halos maduling siya sa pagkakatitig nito sa kanya.
Basang basa niya ang pagnanasa sa mga mata nito. At natatakot siyang baka nababasa
rin nito ang matinding pag aasam sa kanyang mga mata.

"N-night naman... a-ang... ang daming tao" aniya sa nanghihinang boses.

Ginala gala niya ang paningin. Totoong maraming tao. Pero ang totoo niyan hindi na
mapakali ang puwetan niya. Pilitin man niyang wag maapektuhan pero hindi niya
mapigilan ang sariling tignan ang nang aakit nitong mga labi.

Napansin niyang gumalaw galaw ang adams apple nito.

"I don't care... people here in France doesn't give a shit even if we stand her
naked together while passionately kissing each other all day. "

Nanlaki ang mga mata niya. "Night!"

Tumawa ito nang mapang asar. Naiinis na lumayo siya dito at tumayo. Halos ipunin
niya lahat nang lakas makawala lang sa nakakahipnotismo nitong mga tingin.

Hindi pa siya nakakahakbang palayo nang maramdaman niya ang mahigpit na pagyakap
nito sa kanya mula sa likuran. Naestatwa siya sa kinatatayuan. Pumulupot ang mga
braso nito sa tyan niya.

Inamoy amoy nito ang buhok niya. Para na talaga siyang sinisiliban sa sobrang pag
iinit nang katawan niya. "Why do you smell so good? Your addicting..."

Kinilabutan siya nang husto. Ang lakas nang tibok nang dibdib niya. Parang may
marathon na nagaganap sa loob niya.

Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi niya sigurado
pero tila may nagbago kay Night. Oo at pilyo, demanding, napaka bossy at mapang
asar pa rin ito sa kanya. Pero may kung anung kakaiba dito ngayon na hindi niya
inakalang ipapakita at ipaparamdam nito sa kanya.

Pakiramdam niya may nabuong koneksyon sa pagitan nilang dalawa. Na kahit hindi nito
sabihin o hindi man niya aminin, matapos ang pinagsaluhan nilang halik. Sa kauna
unahang pagkakataon ay nawala na parang bula ang takot na nararamdaman niya dito
noon.

Maaring takot siya sa kaalamang makapangyarihan itong demonyo. Na hawak nito ang
kanyang kaluluwa at anumang oras nitong gustuhinn ay maari nitong bawiin ang
kaluluwa niya. Subalit yung takot niya noon dito ay hindi na kasingtindi nang dati.
Pakiramdam nga niya ay ligtas siya sa mga bisig nito. Bagay na hindi niya
maintindihan.

Kagaya ngayon. Na yakap yakap siya nito na para silang normal na magkasintahan na
naglalambingan. Kakaiba man isipin, pero hindi niya maitanging gustong gusto niya
kung anu man itong nangyayari sa kanila ni Night.

Kahit anung pagtutol pa nang isang parte nang isip niya na mali ito, na maaring isa
lang itong patibong ntio para madali siya nitong makuha. Natatalo naman nang
kalooban niya ang isip at sinasabing sundin niya kung anung nais niyang maramdaman.

Para itong panaginip na pansamantalang pinatitikim siya nang kaligayahan. At gusto


na lang niyang lubusin ang pansamantalang kaligayan na iyon.

"Hey... look at me" bulong nito pagtagal.

Dahan dahan siyang pumihit dito paharap. Nandoon pa rin yung ngiti nitong umaabot
na sa magkabilang tenga nito. Kung makatingin ito sa kanya hindi na niya makita
yung nakakatakot na demonyong kilala niya.

Kinulong nang mga palad nito ang mukha niya "Don't be too stubborn cupcake...Kiss
me now or I'll kiss you"

Nakakaloko ang pilyong mga ngiti nito. Habang pinagmamasdan niya ang napaka
perpektong pagkakaukit nang mukha nito lalong tumibok nang malakas na malakas ang
tibok nang puso niya.

Hindi ito normal pero wala na siyang magawa. Hindi na niya kayang pigilan. Hindi na
rin niya maunawaan ang sarili. Lahat nang prinsipyong pinangalagaan niya noon ay
parang bulang isa-isa nang naglalaho. Kailanma'y hindi niya naisip na magiging
ganito siya katanga. Na kahit malinaw sa harapan niyang mali at delikado ay
sumusugal pa rin siya.

Sumusugal siya sa isang bagay na alam niyang imposibleng mangyari.

Sumusugal siya na baka kung anuman itong hindi pamilyar na nararamdaman niya
ngayon. Kung anu man ang tawag dito. Baka, pareho din sila ni Night nang
nararamdaman sa isa't isa.

Puro baka na gusto niyang panghawakan kahit sandali lang.


Unti-unti niyang tiningakayad ang mga paa upang maabot ang mukha nito. Dahan-dahan
niyang inilapit ang sarili at ipinikit ang mga mata.

Nang maglapat ang mga labi nila'y para siyang umangat sa hangin.

Hindi nito ginalaw ang mga labi. At alam na niya agad na gusto nitong siya ang
magsimula. Huminga siya nang malalim at sinimulang igalaw ang mga labi. Sa paraang
pagkakaalala niya kung paano niya tinugunan ang mga halik nito kagabi.

Dahan-dahan lang nung una subalit tila hindi na ito nakatiis at mahigpit na hinapit
ni Night ang bewang niya at dinikit siya sa katawan nito. Nagsimulang lumalim ang
halik nila at para siyang nahihilo sa sobrang sarap na hatid nang mga labi nito sa
kanya.

Habol habol niya ang hininga nang bitawan nila ang isat isa. Kumikinang ang mga
mata ni Night nang pakatitigan siya.

"Good girl.... " anitong di mapigilan ang ngisi.

Nakagat niya ang ibabang labi. Kahit pang ilang beses na nilang naghalikan nahihiya
pa rin siya. Hindi na ata siya masasanay.

Sa gulat niya'y mahigpit siya nitong niyakap. Hinalikan nito ang tuktok nang ulo
niya. Rinig na rinig niya ang lakas nang tibok nang puso nito. Kasing lakas nang
tibok nang puso niya.

"This really feels good.. Better than cigarettes and alcohols... "

Natawa siya sa sinabi nito. Ipinikit niya ang mga mata at dinamdam ang mainit
nitong yakap at malakas na tunog nang kanyang dibdib.

That moment Alexine don't know what's happening inside her. But whatever it is, she
does not care anymore. She don’t want to think about the what if's and consequences
of this carelessness. Once if her life, she want to break the rules. She wants to
feel this danger, this sweet danger only this demon can give to her.

All she wants is to embrace by these familiar arms and stay there as long as she
can. Even if it means sacrificing her own life in the peak of death.

=================

V.4: Chapter Twenty Seven


Chapter Twenty Seven: Secret of the necklace

MAHIMBING ang tulog at mahina ang paghilik ni Night sa tabi niya. Nakapulupot ang
mga braso nito sa kanyang tiyan at nakaunan ang ulo sa kanyang dibdib.

The demon prince is too clingy.

Hindi makatulog si Lexine. Paulit ulit lang na nagpla-play sa isip niya ang mga
nangyari sa buong araw. Ang pamamasyal nila ni Night sa Eiffel Tower, ang public
kiss na ginawa nila. Na nasundan pa nang mas mainit na halikan dito sa kwarto nito.

Sumagi rin sa isipan niya ang ilang mga bagay tungkol dito na napagkwentuhan nila
mula kanina sa kwartong ito.

Nalaman niyang taong 1763 nang mapunta dito ang trabaho bilang "Tagasundo" o death
scheduler sa tawag nang iba sa kanya. Ang naunang Tagasundo sa kanya'y pumanaw na
sa isang labanan noon unang panahon. Isang Sorcerer daw ang nakapaslang dito. Nang
mamatay ang huling tagasundo'y inoffer sa kanya ang trabaho na agad naman niyang
tinangap. Bukod doon ay wala na itong masyadong naikwento basta ang alam niya'y
matagal na itong nabubuhay sa mundo.

"Pwede ka na palang ilagay sa museum" biro niya pa na ang kinahantungan ay ang


paghaharutan nilang dalawa sa kama na nauwi sa isa na namang nakakaubos nang lakas
na halikan.

Alam niyang mali na inilululong niya ang sarili sa mga nangyayari sa kanila ngayon
ni Night pero hindi niya mapigilan. Walang kasigaruduhan kung anu ba talaga siya
para kay Night pero sa bawat paraan nang pag angkin nito sa mga labi niya at sa
paraan nang pagkinang nang mga mata nito na madalas siyang pakatitigan. Gusto
niyang isipin na baka may espesyal na itong nararamdaman sa kanya.

At matatawag na rin bang espesyal kung anuman tong nabubuo sa kalooban niya para sa
lalaki?

Napagod nang magtalo ang isip at damdamin niya kaya pinasya niyang ipahinga muna
ang pag iisip. Pero dahil hindi siya makatulog naisipan na lang niyang maglibot
libot sa malaking kwarto.

Dahan dahan siyang umalis nang kama. Mahimbing ang tulog ni Night kaya hindi na
nito namalayang umalis siya.

Naglakad lakad lang siya sa buong kwarto. Hanggang sa nadala siya nang mga paa sa
malaking bookshelves sa kabilang side. Namangha siya sa laki niyon mula sahig
hanggang kisame. At sobrang daming libro.

Hindi niya alam na mahilig palang magbasa si Night. Chineck niya ang mga libro,
karamihan doon ay matagal na. May mga sinaunang panahong libro pa. Isa ito sa mga
pruweba na matagal na itong nabubuhay sa mundo.

Anu nga kayang pakiramdam nang mabuhay nang walang hanggan? Na hindi tumatanda at
hindi namamatay?

Isang bagay ang nakapukaw nang atensyon niya. Sa gilid nang bookshelves ay may
mahabang drawer na may mga nakadisplay na kung anu-anung abubot. Mga ancient na
bagay na mula pa sa mga naunang taon. Isang picture frame ang nakita niyang
nakahilera sa mga display. Iyon lang ang namumukod tanging picture frame. May
kalakihan ang size niyon kesa sa ordinaryong frame.

Pinagmasdan niya ang litrato. Isang batang lalaki at isang napaka gandang babae ang
magkayakap at masayang nakangiti. Base sa kasuotan nila'y sinaunang panahon pa
ginawa ang painting na iyon. Hindi pala iyon picture kundi isang painting.

Lumang painting.

Nabasa niya sa ilalim nang larawan ang isang signature nang pintor at ang date.
Year 1016

11th century? Ibig sabihin ay ganoon na katanda ang painting na ito? Hindi niya
mapigilang mamangha na may hawak siyang ganoong katandang bagay.

Pinagmasdan niyang mabuti ang larawan na halatang pinangalagaan ma-preserve sa


kabila nang dami nang taong lumipas. Nakilala niya ang batang lalaki na si Night
dahil sa iisang itsura nang mga mata nito. Subalit hindi niya kilala kung sino ang
kasama nito. Tantya niya'y parang ka edad niya ang babae sa painting. Maganda iyon
at napaka amo nang mukha. Maalon ang mahabang buhok at maganda ang pagkakangiti.
Magkahawak kamay sila nang batang si Night habang magkayakap. At sa itsura nila'y
tila masayang masaya sila. Sa likuran ng dalawa'y may malaking puno at maliit na
bahay.

Kung hindi siya nagkakamali nang akala na si Night ang batang nasa painting. Kung
ganoon ay 11th century pa ito ipinanganak?

Nang mapagmasdan niyang mabuti, narealize niya na magkamukha ang dalawa dahil hindi
maitatangi ang pagkakahawig nang mga mata nila.

Sinu ang babaeng ito? Pero parang wala namang kakaiba sa babae at sa palagay niyang
para itong normal na tao lamang.

"What are you doing? " nagulat siya nang husto sa malakas na sigaw. Muntik na
niyang mahulog ang hawak.

Madilim ang mukha ni Night at masama ang tingin nito sa hawak niya. Magsasalita
sana siya pero naiwan sa ere ang boses niya dahil sa isang kurap lang nakarating na
sa tapat niya si Night at mabilis na binawi ang hawak niya.

"Don't touch this!" gigil na singhal nito sa kanya. Napaatras siya sa takot. Para
itong mabagsik na halimaw.

"S-sorry... hindi kasi ako makatulog kaya.. " hindi niya maituloy ang sasabihin.
Nagigimbal pa siya sa mabagsik na reaksyon nito sa kanya.

Hinawakan nito ang braso niya at padarag siyang kinaladkad palayo doon at basta na
lang siyang tinapon sa kama. Gulat na gulat siya sa pagiging bayolente nito. Parang
biglang bumalik yung takot na nararamdaman niya para dito. Biglang isang iglap para
itong naging estranghero muli sa kanyang paningin.

"You stay there! I don't want you touching any of my things!" dinuro siya nito sa
galit.

Nalunok niya ang laway. Napayakap siya sa sarili.

"S-sorry... " ang tangi niyang nasambit.

Muli siyang tinignan nito nang masama bago padabog na lumabas nang kwarto. Naiwan
siyang mag isa sa kama. Napabuntong hininga siya.

Bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Night nang makita siyang hawak-hawak ang
painting na iyon? Sinu ba talaga ang babaeng nasa larawan? At bakit kailangan
nitong magalit sa kanya nang dahil lang doon?

KINABUKASAN ay nagising si Lexine na may tumatawag sa kanyang cellphone. Kahit


inantok ay sinagot niya iyon.

"H-hello..."

"Hello Lexi nasaan ka ba? Dalawang gabi ka nang hindi umuuwi, ang hirap ma contact
ng phone mo!"

Napabangon siya at nagising. Si Belle ang nasa kabilang linya. Tumawag ito gamit
ang viber.

"Belle? S-sorry uhm kasi... " nakagat niya ang labi. Paano nga ba niya ipapaliwanag
kay Belle na nasa ibang bansa siya ngayon at nakakulong sa kwarto ng demonyong
prinsipe?
Halos may dalawang araw na din pala siyang nag stay doon. Na guilty tuloy siya.
Hindi niya nagawang tawagan ito o ang lolo niya dahil na rin sa okupado ni Night
ang lahat nang oras niya sa nagdaang dalawang araw.

"Nasaan ka ba kasi? Naku kung umuwi ka na! Kailangan mo nang umuwi ang lolo mo--"

Mabilis na dinumbol nang kaba ang dibdib niya. Agad siyang napatayo nang kama.

"Bakit Belle? Anung nangyari kay Lolo?" halos manginig ang buong kalamnan niya sa
labis na kaba.

"Inatake siya kagabi... sabi nang doctor mild stroke daw pero hindi pa rin kasi
siya nagigising saka may isa pang problema..."

Parang bumara ang lalamunan niya. Hindi siya makahinga. "A-anung isa pang
problema?"

Narinig niyang panay ang pagbuntong hininga nito. Hindi na siya mapakali. "Belle
sumagot ka anung nangyari kay Lolo?"

Naghehesterical na siya sa labis na pag aalala.

"Hindi ko rin kasi maipaliwanag e..."

Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito. Na mild stroke daw pero anu yung hindi nito
maipaliwanag na tila kinakabahala nito nang husto at hindi masabi sa kanya nang
maayos?

"Belle... anu ba kasi yun. Sabihin mo sakin please I need to know... " naiiyak na
siya.

Huminga ito nang malalim bago nagsalita.

"Hindi kasi namin siya mabuhat sa pagkakahiga niya sa kama. Nung inatake siya
kagabi agad kaming nagpatawag nang doctor kasi nga hindi namin siya magalaw. Para
bang... parang... "

Biglang huminto ang tibok nang puso ni Lexine. Sunud sunud ang pag agos nang luha
niya.

"Parang may magnet o kung anung bagay ang humahatak sa katawan niya sa kama niya
kaya hindi namin siya mabuhat. Tapos... sabi nang doctor mild stroke daw pero after
siyang icheck up hindi na siya nagising... parang... para siyang patay pero
humihinga naman siya... "
Napapikit si Lexine. Wala siyang masyadong naintindihan sa mga sinabi ni Belle sa
kabilang linya. Biglang nagdilim ang paningin niya at kailangan na niyang umuwi sa
lalong madaling panahon.

"Please Belle paki check si Lolo, uuwi na ako. I'll be home soon... "

Hindi kaagad nahagilap ni Lexine si Night sa buong mansion. Hindi pa rin kasi ito
bumabalik. Tinanong niya ang mga maids at si Mr. Johan pero walang makapagsabi kung
saan ito nagpunta.

Hindi siya mapakali. Kailangan na niyang makauwi sa lalong madaling panahon. Pero
paano naman siya uuwi kung wala si Night? Dala niya ang mga atm at credit cards
niya pwede siyang magpabook anytime pauwing Pinas pero ang problema hindi niya dala
ang passport niya kaya siguradong hindi rin siya makakauwi kahit mag eroplano pa
siya.

She was so desperate. Hindi siya mapakali lalo na't alam niyang may nangyaring
hindi maganda sa lolo niya.

Hindi niya mapapatawad si Night kapag may nangyaring masama sa lolo niya. Ito naman
ang may kasalanan kung bakit nakakulong siya dito ngayon at hindi makauwi.

Bigla siyang may naalala.

Nagmadaling kinuha niya ang bag at pinagtatangal ang lahat nang laman. Nakahinga
siya nang maluwag nang nahulog mula doon ang puting balahibo na galing kay Cael.

"Pero paano ako nito matutulungan?"

Ilang saglit niya pang pinagmasdan ang balahibo pero hindi niya maisip kung anung
maitutulong niyon sa kanya. Madadala ba siya nito kay Cael? O makakatulong ba ito
para makausap niya si Cael?

Alam niyang nasa ilalim siya nang kapangyarihan ni Night lalo na't nasa loob siya
nang teritoryo nito. Kaya marahil kahit dalawang araw na ang nagdaan ay hindi niya
maramdaman ang presensya ni Cael.

Maaring may ginagawa rin si Night upang hindi sila matunton nang anghel niya. Pero
hindi siya papayag na mabulok dito at makulong. Kailangan niyang gumawa nang
paraan.

Niyakap niya ang balahibo at pinilit na mag concentrate.

Cael... please... naririnig mo ba ako? Please hear me I badly need you please help
me Cael...
Ngunit dumaan ang ilang minuto na walang nangyari. Nafrustrate na napaupo siya sa
kama. Paano na?

Bigla siyang nakaramdam nang init sa kanyang dibdib. Napasinghap siya dahil para
siyang napaso. Napatingin siya doon at nakita niyang nakatago sa loob nang blouse
niya ang kwintas na binigay sa kanya ni Madame Winona. Nawala na isip niya na
sinuot niya pala ito nung isang araw at hindi pa hinuhubad.

Kinuha niya iyon ay hinawakan. Iyon nga ang pumaso sa kanya. Umiinit iyon.

Anung nangyayari?

Hindi niya maipaliwanag pero may kakaibang pwersa siyang nararamdaman sa loob nang
palawit na iyon. Ang gintong palawit ay magkadikit na buwan at araw. Anung
maitutulong nito sa kanya?

Ininspeksyon niyang mabuti ang palawit. Binaliktad niya iyon at naningkit ang mga
mata niya nang mapansin na may nakaukit na mga letra sa likuran ng palawit.

Binasa niya iyon.

"Ithurielle?"

Sa gulat niya'y lumiwanag ang palawit niya umangat iyon at lumutang sa ere. Nanlaki
ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Parang nabuhay iyon.

Lumutang lutang ang palawit sa harap nang mukha niya. Namamangha siya sa
nakasisilaw nitong liwanag.

"Anu ang iyong hiling aking prinsesa..."

Kinilabutan siya nang husto. Nagpalinga linga siya sa paligid. Walang ibang tao
doon kundi siya lamang. Ngunit ang malalim at malamig na boses nang babae. Saan ito
nangagaling?

Nanlaki ang mga maga niya nang marealize na sa kwintas iyon nagmumula. Nagsasalita
ang kwintas at kinakausap siya!!

"S-sino ka?" napakapit siya nang husto sa bedsheet nang kama dahilsa kaba.

Gumalaw galaw lang ang kwintas habang lumulutang. Saka niya lang napansin na bumuka
ang gitna niyon. Ang hati sa pagitan nang buwan at araw ay may nagtatago palang
isang puting perlas.
Doon nangagaling ang nakasisilaw na liwanag.

"Ang pangalan ko'y Ithurielle, isa akong anghel na naninirahan sa loob nang kwintas
na ito. Nandirito ako upang ipagkaloob ang iyong kahilingan aking prinsesa..."

Napasinghap si Lexine sa mga narinig.

Anghel? May anghel na nakakulong sa kwintas na binigay sa kanya ni Madame Winona?!

Pero hindi na mahalaga kung paano iyon nangyari. Ang mahalaga'y makaalis na siya sa
lugar na ito at makabalik sa kanyang lolo Alejandro. Umupo siya nang tuwid at
pinakatitigan ang puting perlas na gitna nang palawit.

"Gusto kong makauwi sa amin. Gusto kong makita ang lolo Alejandro ko. Ngayon din!"

"Masusunod aking prinsesa..."

Biglang lumindol ang buong kwarto. Kinabahan nang husto si Lexine. Lumakas nang
lumakas ang lindol at tila unti-unting nawawasak ang kapaligiran niya.

Sumabog ang isang nakasisilaw na liwanag. Napatili siya at napatakip sa kanyang


mukha. Para siyang hinigop nang napakalakas na pwersa.

Pagkadilat niya'y hindi siya makapaniwala. Wala na siya sa loob nang kwarto ni
Night kundi nasa sariling kwarto na niya! Awtomatikong napahawak siya sa dibdib.
Nandoon na ulit nakasabit ang kwintas niya.

Si Ithurielle.

Napangiti siya. Halos maiyak siya sa tuwa. "Salamat Ithurielle..." bulong niya at
hinalikan iyon.

Nagmadali siyang lumabas nang kwarto upang puntahan ang kanyang abuello.

=================

V.4: Chapter Twenty Eight

Twenty Eight: Curse

HALOS MANLAMBOT ang mga tuhod ni Lexine nang makita niya ang kalunos lunos na
kalagayan nang kanyang lolo Alejandro.

Ang matandang katawan nito'y tila walang buhay na nakahiga lamang sa kama nito. May
nakaturok na dextrox sa katawan at mga machines sa paligid na nagmomonitor nang
heartbeat nito. Stable iyon ngunit mahina.

May kung anung malaking bagay ang bumara sa lalamunan at dibdib niya. Napaluhod
siya sa tabi nito at hinawakan ang kamay nito. Hinaplos niya iyon sa kanyang mukha.
Tuluyan na siyang napaiyak.

"Lolo... I'm so sorry..." aniya sa pagitan nang sunud sunud na paghikbi.

Dinudurog ang puso niya. Habang nagpapaka lunod siya sa saya sa malayong lugar ang
lolo naman niya'y halos mamatay na nang hindi niya namamalayan.

Nakarinig siya nang malakas na pagsinghap. Pumasok si Belle at nagtatakang lumapit


sa kanya.

"Lexi! Saan ka ba nangaling?" bakas sa mukha nito ang pag aalala.

Umiling siya. "Saka ko na lang ipapaliwanag... anu ba talagang nangyari kay Lolo?
Bakit siya nagkakaganito?"

Lumungkot nang husto ang mukha ni Belle. Bumagsak ang balikat. Nagpabalik balik ang
tingin sa kanya at kay Alejandro.

Para lang itong natutulog sa kama.

"Hindi ko rin talaga maipaliwanag Lexi. Nung isang gabi kasi nagising ako nang
makarinig ako nang ingay na nangagaling dito sa kwarto ni sir. Pagpasok ko, nakita
ko siyang inaatake habang nakahiga. Nanlalaki yung mga mata niya at takot na takot
yung itsura niya. Para siyang may nakikita na hindi ko maipaliwanag..."

Halos hindi siya humihinga habang pinapakingan ang pagkwe-kwento nito. Bumilis ang
tibok nang puso niya at may duda siyang hindi lang iyon basta mild stroke kundi may
kababalaghang nangyayari sa lolo niya.

"Tumawag agad ako nang tulong, dumating sila tatay, Rico at Mang Ben. Nagpatawag
agad si nanay nang ambulansya pero nung bubuhatin na si Sir hindi siya mabuhat.
Sobrang bigat niya kahit pinagtutulungan na siyang buhatin nila tatay. Kaya naman
nagpatawag na lang kami nang doctor. At ayun na nga ang nangyari, mild stroke daw
at hanggang ngayon di pa rin siya nagigising... "

Sunud sunud ang agos nang luha niya pagkatapos nitong magkwento. Hinimas himas nito
ang balikat niya upang i-comfort siya.
Muli niyang nilapitan ang abuelo. Hinaplos niya ang natutulog nitong mukha. Awang
awa siya sa kanyang lolo hindi ito dapat nakakaranas nang ganitong paghihirap.

Pakiramdam niyay kasalanan niya ang lahat.

Malakas ang kutob niyang may tao na nasa likod nang lahat nang ito. May kung sinong
may kagagawan nang nangyari sa lolo niya.

Gusto niyang magalit sa taong iyon. O mas tamang sabihin na sa halimaw na iyon.
Kung sino man ang nasa likod nang lahat nang ito. Hinding hindi niya ito
mapapatawad.

NAPILITAN si Lexine na harapin si Ansell. Gusto niya sanang iwasan muna ang
kaibigan dahil wala siyang maibibigay na paliwanag sa mga katanungan nito. Pero
nang magpumilit itong puntahan siya sa kanila ay wala na siyang nagawa. Kesa mag
eskandalo ito ay hinarap na niya ito.

Sa sala sila nag usap. Bakas sa mukha ni Ansell ang pag aalala at pagtatampo sa
kanya.

"Where have you been? Lexi naman! Papatayin mo ba kaming lahat dito sa pag aalala
sayo? 2 days kang nawala for Petes sake! I was trying to reach your phone pero
walang sumasagot, you're not answering my emails and text kahit sa viber hindi ka
sumasagot! Kung hindi pa inatake ang lolo mo hindi ka pa uuwi?"

Naghehesterical ito at panay ang pabalik balik sa harapan niya. Natahimik na lang
siya sa kinauupuan. Naiintindihan naman niya kung bakit ito nagkakaganito.

"I'm sorry... m-may.. may inasikaso lang kasi ako.. " pagsisinungaling niya.

Nasa mukha nito na hindi ito naniniwala. Panay ang pag iling nito.

"Inasikaso? Anu? Saan? Bakit wala ka man lang pasabi?"

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya ito magawang harapin. Masyado na siyang
maraming iniisip. At ayaw na niyang makadagdag pa si Ansell sa iisipin niya.

Parang gusto na lang niyang ilayo ito sa kanya. Pakiramdam niya iniisa isa nang
kalaban ang mga taong malalapit sa kanya. Una nadamay si Ansell nang ipadukot ito
sa mga ravenium demons. Ngayon naman ay ang lolo Alejandro niya.

Sino pa ba sa mga taong malalapit sa kanya ang susunod na mapapahamak? Hanggang


saan siya dadalin nang laban at kapamahakan na sumusunod sa kanya?

"Ansell... I can't answer everything now. So please.... Please... " huminga siya
nang malalim. "Please just leave me alone for a while. Ayaw muna kitang makita... "

Para nabuhusan nang malamig na tubig ang naging reaksyon ni Ansell. Panay ang pag
iling nito. Hindi makapaniwala sa kanya.

"W-what are you talking about? What the hell did I do bakit ayaw mo na akong
makita? Lexine what's happening! Whats this all about?" sunud sunud na tanong nito.
Lumuhod ito sa harapan niya at bahagya siyang niyugyog sa balikat.

Nasa mga mata nito na wala itong naiintindihan.

"Lexi.. Please answer me. Anu bang nangyayari sayo? Bakit hindi mo sabihin
sakin..."

Nang tignan niya ito'y lalo lang siyang nahirapan. Ayaw na niya itong madamay pa.
Ginagamit na nga ni Cael ang katawan nito nalalagay pa ito sa kapamahakan.

"Please Ansell.. Wala kang kasalanan... its just... marami lang akong pinoproblema
ngayon. Makabubuting iwan mo muna akong mag isa. I want to be alone.. Please... "
pagsusumamo niya.

Malaki ang pagtutol nito. Pero wala na siyang pakielam kahig magalit ito sa kanya.
Kung yun lang ang kapalit para mailigtas ito handa siyang tangapin.

Napabuntong hininga ito. "Fine... I can't believe you're doing this to me... "

Napapikit siya. Nahimigan niya sa boses nito ang matinding pagtatampo.

"Just please call me when you need help. I'm always here okay?" hinimas nito ang
magkabila niyang braso.

Napatungo tungo siya.

Bumuntong hininga ulit ito bago siya hinalikan sa ibabaw nang ulo at lumakad
palayo.

NANG GABING iyon ay nagising si Lexine sa isang malakas na kalabog. Napabangon siya
mula sa pagkakahiga. Pinakiramdaman niya ang paligid. Ilang segundo tahimik bago
muling may ingay na kumalabog.
Napatingin siya sa kisame. Sa third floor ang kwarto nang kanyang lolo. Doon
nangagaling ang ingay. Kinabahan siya nang husto. Nagmadali siyang nagsuot nang
bathrobe at umakyat sa kwarto nang kanyang abuelo.

Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob pagkarating niya sa tapat nang pinto ng
kwarto ni Alejandro. Lumangitngit iyon habang dahan-dahan niyang binubuksan.

Saglit niyang sinilip ang loob. Patay ang ilaw at tanging ilaw mula sa mga machines
ang nakabukas. Huminga siya nang malalim at lalong nilakasan ang loob. Mas
nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto.

Wala siyang nakitang kakaiba maliban sa bukas na bintana at malakas na hanging


pumapasok. Nakita niya ang sunud sunud na pagkidlat. Senyales na may paparating na
bagyo.

Dahan-dahan siyang pumasok. Nandoon pa rin ang lolo Alejandro niya at tahimik na
nakahiga sa kama nito. Nilakad niya ang mga paa upang isara ang bintana.

Nakiramdam siya sa paligid. Pakiramdam niya'y may nagmamasid sa kanya.

Muli siyang bumaling kay Alejandro. Nilapitan niya ito upang i-check kung okay lang
ito. Mukhang wala namang nangyari dito kaya nakahinga siya nang maluwag.

Inayos niya ang kumot nito nang mapansin niya ang isang kakaibang marka na nasa
leeg nito. Pinagmasdan niya iyong mabuti. Nilapit niya ang mukha sa matanda.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may kakaibang hugis nang itim na marka sa
leeg ni Alejandro. Para iyong ancient na letra na hindi niya maintindihan.
Nakarinig siya nang kakaibang ingay na nangagaling sa kung saang parte nang kwarto.
Tila nangagaling iyon sa itaas niya.

Dahan-dahan siyang nag angat nang tingin sa kisame at ganoon na lang ang panlalaki
nang dalawa niyang mga mata nang makita ang isang itim na bulto na nakadikit sa
kisame na parang butiki at nakaharap sa kanila.

Napasigaw siya kasabay na malakas na kidlat.

"Aaaaaah!"

Mabilis na sinungaban siya nito. Nagpagulong gulong sila sa sahig hanggang sa


maipaibabawan siya nang bulto.

Nanlilisik na mga mata ang bumungad sa kanya. Itim na itim ang kulay nang buong
mata nito. Sa kabila nang dilim tila kumikinang ang maputi at halos tuyot nitong
balat. May kahabaan ang buhok nito kaysa sa normal na lalaki.

"S-sino ka? Anung ginawa mo sa lolo ko!" buong lakas niyang singhal sa kaharap.

Ngumisi ang lalaki sa kanya. Nakakakilabot ang pantay at malalaki nitong ngipin.
Inipit nang mga kamay nito ang magkabila niyang braso kaya hindi siya makagalaw.

Titig na titig sa kanya ang itim nitong mga mata. Kinikilabutan siya sa mga tingin
nito. Hindi tulad nang ravenium demon na nakakatakot ang itsura, ang isang ito'y
parang tao lang din subalit kakaiba lamang ang mga mata at kutis.

Subalit nakasisiguro si Alexine na isa itong kalaban.

"Anung sa tingin mong nangyari sa iyong pinakamamahal na lolo mortal?" malalim ang
boses nito. Tila ba doble iyon na parang dalawang boses ang naririnig niya.

Kinikilabutan siya lalo.

"Anung ginawa mo sa kanya hayop ka! Ikaw ba ang may kagagawan nang nangyari sa
kanya?" gigil niyang utas.

Tumawa nang nakakaloko ang lalaki. "Ako nga mortal... wala nang iba!"

Sumiklab ang matinding galit sa kanyang dibdib. Hinding hindi niya mapapatawad ang
lalaking ito. "Hayop ka! Hayop kang halimaw ka!"

Nagsisigaw siya pero kahit anung pagpupumiglas niya masyado itong malakas.

Muling itong tumawa. "Huwag ka nang manlaban mortal, hindi mo ako kaya. Ipinautos
nang aking kamahalan na lagyan nang lason ang dugo nang iyong pinakamamahal na
lolo.. Hindi magtatagal at kakalat ang lason sa kanyang katawan at unti-unti nitong
kikitilin ang buhay niya... "

Nagimbal siya sa mga narinig. Nangilid ang luha niya sa magkahalong galit at takot.

"Hayop kayo! Bakit niyo ba to ginagawa? Anu bang gusto niyo sakin? Bakit pati mga
mahal ko dinadamay niyo dito!" naiiyak niyang bulyaw.

Sinakal siya ng lalaki gamit ang isang kamay. Mabilis na nanikip ang dibdib niya sa
kahirapan kumuha nang hangin. Dinikit nito nang husto ang mukha sa kanya hanggang
sa halos kadangkal na lang ang distansya nang mga mukha nila.

"Nais nang aking kamahalan na isuko mo ang iyong sarili sa kanya sa pagdating nang
kabilugan nang buwan sa darating na pangatlong gabi. At kapag hindi mo iyon
ginawa... magpaalam ka na sa pinakamamahal mong lolo..." sumilay ang mala demonyo
nitong ngiti.

"Bakit? Anu bang gusto niyo sakin!" tanong niya kahit nahihirapan siyang magsalita.

Umiling iling ito. Lalo siyang diniinan. "Hindi ako ang sasagot nang iyong mga
katanungan mortal... Pakatatandaan mo. Nasa iyong mga kamay ang kaligtasan nang
mahal mong abuelo... "

Unti-unti nitong binaba ang mukha sa kanya. Halos mandiri siya nang dinilaan nito
ang kanyang pisngi. Wala siyang nagawa kundi umiyak. Bumaba ang mga halik nito sa
kanyang panga at leeg. Kinilabutan siya nang husto. Diring diri siya dito.

Napahagulgol siya sa takot. "Amoy na amoy ko ang sarap mo mortal... hindi naman
siguro magagalit sa akin ang kamahalan kung titikim ako nang kaunti... "

Lalo siyang nagimbal sa mga sinabi nito. "Huwag! Hayop ka bitawan mo ako!"

Tumawa lang ito nang tumawa. Sa gulat niya'y pinunit nito ang damit niya.
Napahagulgol siya. Kahit anung sigaw niya'y tila walang nakakarinig sa kanya.

Sa kabila nang kaitiman nang mga mata nito nabasa niya ang matinding pagnanasa sa
kanya nang demonyo. Hinablot nito ang suot niyang bra at bumungad ang hubad niyang
dibdib. Nasiyahan ito sa nakita. Wala siyang magawa upang makapanlaban dito. Takot
na takot siya.

Hindi maaring mangyari ito. Hindi maari.

"Napaka ganda mo mortal... matagal tagal na rin simula nang huli akong makatikim
nang birhen... "

"Please... no... " pagmamakaawa niya. Panay ang pag iling niya.

Pero wala itong awa. Puro pagnanasa ang nasa mga mata nito. Napahagulgol siya nang
malakas nang sinimulan nitong himasin ang isa niyang dibdib. Nasasaktan siya sa
panghihimas nito. Lalo na nang pinipisil nito nang buong pangigigil ang tuktok nang
dibdib niya.

Pinaghahalikan at pinagdidilaan nang demonyo ang leeg niya. Panay ang paghagulgol
niya at diring diri siya.

Tuluyan nang nagdidilim ang lahat sa kanyang paligid. Iisang pangalan lang ang
paulit ulit niyang tinatawag.

Night.... Night... please help me...


Akala niya'y tuluyan na siyang babalutin nang kasamaan nang biglang isang iglap
nawala sa taas niya ang bigat nang demonyo. Pagdilat niya'y nawala na ito sa ibabaw
niya.

Kitang kita niya ang pamilyar na bulto nang lalaking kabisadong kabisado niya bawat
parte nang kanyang makisig na pangangatawan.

Muling kumidlat. Tumama ang liwanag sa tagapagtangol niya. At kitang kita niya ang
labis na pagdidilim nang mukha ni Night sa galit.

"I'm going to kill you!" naninigas ang mga panga nito sa galit.

Ang demonyo ay natagpuan niyang nakahandusay sa isang sulok. May tumulong dugo mula
sa ulo nito. Marahil tumama ito sa matigas na bagay.

Ngumisi ang demonyo. "Napaka sarap niya, napaka tamis nang kanyang balat at
pawis .." nakakalokong dinilaan pa nito ang sariling labi. At tumawa na parang
isang clown.

Kitang kita ni Lexine ang pagkuyom nang mga kamao ni Night. Nanginginig ito nang
husto.

"I'll fucking bring you back to hell!" gigil na utas nito bago nito maliksing
sinugod ang demonyo.

Sa isang iglap ay nakarating na agad ito sa sulok at sinakal sa leeg ang demonyo.
Inangat niya ito sa ere.

"I’ll fucking tear you into pieces you son of a bitch!” para itong mabagsik na
halimaw.

Hinigpitan lalo ni Night ang pagkakasakal sa demonyo. Halos mamilipit ito sa sakit.
Hinagis ni Night ang huli at tumalsik ito sa labas nang bintana. Hindi pa doon
natapos ang laban dahil maliksing tinalon ni Night ang nasirang bintana at muling
sinungaban ang demonyo.

Napatayo agad si Lexine upang tanawin ang nangyayari sa labas nang garden nila.
Nakita niyang nagpapagulong gulong ang dalawa sa damuhan.

Sumabay ang biglang malakas na buhos nang ulan at kidlat sa kadiliman.

=================
V.4: Chapter Twenty Nine

Chapter Twenty Nine : I'm Sorry

NANGAGALAITI sa labis na galit ang kalooban ni Night. Kasabay nang malakas na buhos
nang ulan sa langit ang ulan nang mga suntok niya sa mapahangas na Lethium Demon na
nagtangkang pagsamantalahan si Lexine.

He was so angry! He was blazing like a fire!

This demon touched his Lexine. His very own Lexine. He'll make sure to make this
demon pay. Agad niyang pinaulanan nang sunud sunud na suntok sa mukha ang halimaw.

"No one!"

"Touches!"

"My.."

"Girl... " gigil niyang dinurog ang mukha nito.

Hingal na hingal siya pagkatapos.

Pero sa inis niya'y tumawa pa nang nakakaloko ang demonyo. Sinasadya nitong galitin
siya. Nagpapakamatay na ata talaga ang mapahangas.

Dumudugo na ang itim nitong mga mata. Wala na sa ayos ang kanyang mukha. Pero
nagawa pa rin nitong makatawa. Hindi na napigilan ni Night ang inis at gigil na
hinablot ang kwelyo nito. Nilapit niya nang husto ang mukha dito.

"Sinung nagpadala sayo? Answer me or I'll kill you now.. "

Sa inis niya'y nginisian lang siya nang lalaki.

"Kilalang kilala mo siya mahal na prinsipe... at hinding hindi mo siya mapipigilan


sa kanyang mga plano... kukunin niya ang mortal sa iyong mga kamay..." mapahangas
na tumawa ito.

"Nalalapit na ang inyong katapusan. Sa sandaling maisakatuparan nang kamahalan ang


kanyang mga plano... mamatay kayong lahat..." para itong baliw na tumawa nang
tumawa.

Sumigaw siya sa galit at binalibag ito sa sahig. Halos basagin na niya ang bungo
nito sa lakas nang paghampas niya nang ulo nito sa putikang sahig.

Habang ginagawa niya iyon ay sumiklab ang galit niya sa babaeng may kagagawan nang
lahat nang pagtatangka sa buhay ni Lexine. Nang malaman niya mula kay Ira ang
impormasyon patungkol sa pag aanyong itim na ahas nito. Malakas na agad ang kutob
niya kung sinu ang nagtatagong kalaban.

Hinding hindi niya ito patatawarin. At hinding hindi niya hahayaan ang babaeng iyon
na makuha si Lexine. Dadaan muna ito sa kanyang mga kamay.

Muli niyang inangat ang ulo nang kawawang Lethium Demon gamit ang isang kamay.
"Ahhhhh!" buong lakas niyang hinampas iyon sa sahig na naging sanhi nang tuluyang
pagkakawasak nang bungo nito.

Tumalsik ang dugo nito sa mukha niya.

Hingal na hingal siya pagkatapos. Lumiyab ang katawan nang demonyo at naging abo.

Hindi siya makapapayag na magawa nito ang mga plano nito. Hindi niya iyon hahayaang
mangyari. Mamatay muna siya bago nito makuha si Lexine.

NAPAHINTO sa pagtangkang paglapit si Lexine nang makita niya at marinig ang


pagwawala ni Night sa ilalim nang ulan. Panay ang pagsigaw nito at pinagsusuntok
ang putikang sahig.

Naging abo na lang ang demonyo na kinitil nito. Galit na galit ito na kahit wala na
ang demonyong nanakit sa kanya ay panay pa rin ang pagsuntok nito sa mga abo nang
halimaw.

Wala na siyang pakielam kahit nababasa na rin siya nang ulan. Dahan dahan niya
itong nilapitan. Tanging sirang damit niya lang ang nagawa niyang ipangtakip sa
hubad niyang katawan. Giniginaw siya pero pinili niya pa rin daluhan si Night.

"Night.... Tama na..." aniya.

Tumigil ito sa pagwawala. Unti-unti itong nag angat nang tingin sa kanya. Kitang
kita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Galit at lungkot.

Napaluhod siya at hinawakan ang isa nitong braso. Basang basa na silang dalawa nang
ulan.

"Patay na siya... wala na ang demon. Hindi na niya ako masasaktan.." bahagya siyang
pumiyok sa bandang dulo.
Pinasadahan ni Night nang tingin ang nanginginig niyang katawan. Mabilis na
rumehistro sa mga mata nito ang awa at pag aalala. Wala pa rin siyang saplot. At
tanging manipis na tela mula sa nasira niyang damit ang pinantatakip niya sa hubad
na dibdib.

"I'm sorry Lexine.... I'm sorry" napapaos nitong bulong sa kanya.

Hindi makapaniwala si Lexine. Ito na ata ang kauna-unahang beses na narinig niya
itong humingi nang paumanhin sa kanya. At ito rin ang kauna-unahang beses nakitaan
niya ito nang lungkot at tama ba itong nakikita niya? Takot sa mga mata?

May takot sa mga mata ni Night?

Napasinghap siya nang bigla siya nitong yakapin. Mahigpit na mahigpit ang
pagkapulupot nang matitigas nitong braso sa manipis niyang katawan. Kanina'y halos
mangisay siya sa lamig pero ngayon ay nakapaghatid nang init ang mga yakap nito sa
kanya.

Binaon nito ang mukha sa kanyang basang buhok. "Are you hurt? Don't be scared
anymore. I'm already here... hindi ka na nila masasaktan. I'm sorry cupcake...I'm
sorry kung nahuli ako nang dating... "

Saka lamang naramdaman ni Lexine yung takot sa katawan niya. Gusto niyang malimutan
ang kalunos lunos na pinagdaanan niya sa kamay nang demonyong iyon. Binaboy siya
nito at halos mawala na ang dignidad niya sa kapangahasan ng halimaw na iyon.

Iyon na marahil ang pinaka nakakatakot na naranasan niya sa tanang nang buhay niya.

Natagpuan niya ang sariling mahigpit na yumakap pabalik kay Night at umiyak sa mga
balikat nito hanggang sa maubos ang mga luha niya.

Tumila na ang ulan sa labas nang matapos siyang maligo. Nakapagpalit na rin siya
nang tuyong pantulog. Paglabas niya nang bathroom ay naabutan niya si Night na
nakaupo sa sofa sa gilid nang bintana nang kanyang kwarto. Wala itong suot na
pantaas na damit kundi pantalon lamang nito. Nakahubad din ang basa at putikang
boots nito na natanaw niyang nakakalat sa sahig.

Natatamaan nang kaunting liwanag mula sa lampshade niya ang hubad nitong katawan.
Punong puno iyon nang iba't ibang tattoo marks. Ngayon niya lamang narealize na sa
kabila nang dami nang mga tattoo nito sa katawan hindi iyon nakabawas sa angkin
nitong kakisigan. Na tila ba sadyang inukit ang mga tattoo na iyon para sa kanya.

Lumapit siya at tumabi dito. Tulala ito sa bintana at tumingin lang sa kanya nang
nakaupo na siya.
Hindi niya mabasa ang iniisip nito. Nakatingin lang ito sa kanya. At nakapagbibigay
na agad iyon nang kakaibang kaba sa dibdib niya.

Sa ilalim nang mga tingin nito. Hindi na kailanman naging normal ang pagtibok nang
puso niya.

Inangat nito ang kamay at magaan na hinaplos ang pisngi niya. Napapikit siya habang
nilalasap ang init na hatid nang mga palad nito. Nakapag bigay iyon sa kanya nang
pansamantalang kapayapaan. Sa mga haplos nito natatagpuan niya ang sariling
nagiging panatag.

Nakakatawang isipin na sa kamay nang lalaking may hawak nang kanyang kaluluwa. Doon
niya rin mismo natagpuan ang sariling nakakaramdam nang kaligtasan.

Nasa mga kamay nang lalaking ito ang buhay niya. Ang buong kaluluwa niya.

At ngayon, hindi lang kaluluwa niya ang isinugal niya dito.

"Alexine..."

Napadilat siya nang bigkasin nito ang pangalan niya. Masarap iyon sa pandinig. Na
para bang kapag ito ang nagbabangit ang sarap sarap pakingan.

Unti-unti ang paglalapit nang mga katawan nila. Pinagdikit nito ang kanilang mga
noo. Naririnig niya bawat bigat sa paghinga nito.

"You scared me to death! Bigla ka na lang nawala, ang akala ko may nangyaring nang
masama sayo, I thought they already caught you... Damn it cupcake, please don't
ever do that again to me...don't ever leave my side again... "

Para siyang nahihilo na hindi niya maintindihan. Nahuhulog siya sa kailaliman nang
paos nitong boses. Bawat salita nito'y tumitindig ang balahibo niya. Bawat init
nang paghinga nitong tumama sa kanyang mukha ay napapabilis rin ang kanyang
paghinga.

Alam niya. Nang mga sandaling iyon. Sa tagal nang pagtatalong ginawa nang kalooban
niya. Hindi na niya magagawa pang itangi sa sarili na sa kabila nang kababalaghang
bumabalot sa pagkatao nito. Sa mga misteryo at sikreto nito. Sa kabila nang taglay
nitong kasamaan, kapangyarihan at panganib na dala nito sa buhay niya.

Hindi na magawang iwaksi ni Lexine ang nagsusumigaw na katotohanan.

Hindi lang kaluluwa nito ang hawak niya. Dahil hawak na rin ni Night ngayon pati
ang puso niya. Tumitibok ngayon ang puso niya para sa lalaking ito.
"Night.... I love you... " wala sa sariling nasambit niya.

Nabigla siya sa nabitawang salita. Napadilat siya. Nakita niya ang panlalaki nang
mga mata ni Night. Huli na ang lahat para bawiin pa niya ang sinabi.

Naurong ang dila niya. Napaiwas agad siya nang tingin dito. Mabilis ang pagsuntok
sa kanya nang pagsisisi dahil sa kawalan niya nang kontrol at tamang pag iisip.

Tumayo siya at mabilis na umiwas dito. Kulang na lang ay sabunutan niya ang sarili
sa labis na inis. Ang tanga mo talaga Alexine! Paulit ulit niyang pinapagalitan ang
sarili.

"W-what... what did you... " .

Napailing iling siya. What she said was a big mistake! Sana'y nilihim na lang niya
sa sarili niya ang bagay na iyon. Ngayon ay hindi na niya alam kung anu pang mukha
ang ihaharap niya sa lalaki.

Lumapit sa kanya si Night. Hinawakan ang magkabila niyang balikat. Halos mapatalon
siya sa kuryenteng bigla bigla na lang dumaloy sa katawan niya nang maglapat ang
mga balat nila.

"Lexine... tell me again what you had just said" bulong nito sa tenga niya.

Napapikit siya. Kanina lang sabi niya sa sariling hindi na niya iyon uulitin pero
ngayong malapit na malapit na naman sila parang nawawala na naman siya sa sarili
niya.

"Look... yung sinabi ko... w-wala yun. I-it was a... mistake" pilit niya.

Pinihit siya paharap ni Night. Kumikinang ang mga mata nito.

Hinawakan nito ang baba niya at inilapit nang husto ang mukha niya dito. "I told
you cupcake, you're not a good liar.." now he was teasing her.

Napamura siya sa isip. Bakit hindi niya magawang magsinungaling sa harap nang
lalaking ito?

Nilaro laro nang ilong nito ang sa kanya. God he was tempting her again. The smell
of his breath, the sound of his heartbeat. Everything about this demon makes her
heart jump to ocean of mix feelings.

Hinaplos nito ang batok niya at pinagdikit ang mga katawan nila. Halos magrambulan
na ang mga insekto sa loob nang tyan niya. Nag iinit ang buo niyang pakiramdam.
"I'm not good at words cupcake... I'm not good at this. You already said you love
me and there's no going back anymore. Understood?"

Nagtagpo ang mga mata nila. Kahit kelan ay napaka bossy talaga nito sa kanya. Pero
kahit anung sabihin nito kahit anung iutos nito ngayon. Lahat ay tila ba naging
batas sa isipan niya. Kailangan sundin, kailangang tuparin.

Dahan dahan siyang tumungo.

Tumaas ang sulok nang bibig nito. Pinagdikit ang kanilang mga noo. "Good girl...now
kiss me... show me how much you love me.."

Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Sabihin nang baliw siya pero walang ibang
laman ang isip niya kundi ang mga halik at haplos nito.

Tiningkayad niya ang mga paa at pinulupot ang mga braso sa leeg nito. Idinikit niya
nang husto ang dibdib sa kanya at sabik na siniil ang mga labi nito.

Napasinghap siya nang mas sabik na tinugunan nito ang halik niya. Hinawakan nito
ang pwetan niya at inangat siya. Mabilis na pinulupot ni Night ang mga binti niya
sa bewang nito. Naramdaman niya agad yung matigas na bagay na umuumbok sa puson
nito.

God! He wants her badly!

Hindi niya pinutol ang paghahalikan nila. Dahan-dahang umatras pahakbang si Night
at umupo sa sofa. Ngayon ay nakakandong na siya sa mga hita nito. Mas lumalim ang
halikan nila.

Bawat parte nang katawan niya'y hinahaplos nito. Wala itong tinitira na hindi
nadadaanan nang mga kamay nito. Nag iinit nang husto ang buo niyang pagkatao.

"I will erase all the bad memories in your body.... I will left nothing but only
the memories of my touch... of my kiss..." mapang akit na bulong nito sa pagitan
nang mga halik.

"Yes please... " aniya sa naghahabol na hininga.

Naramdaman niyang ngumisi ito at mas lalo siyang hinapit. Bumaba ang halik nito sa
kanyang tenga pababa sa kanyang panga. Kinagat nito ang baba niya. Halos mapaungol
siya doon. Bumaba ang mga halik nito sa kanyang leeg pababa sa kanyang collarbone.
Mabilis na naihubad ni Night ang saplot niya at tumambad dito ang hubad niyang
dibdib.

Kung kanina'y masamang bangungot ang ginawa nang demonyo sa kanyang katawan.
Babaguhin ni Night ang bangungot na iyon at aangkinin nito ang katawan niya at
dadalhin siya sa isang magandang panaginip.

Pinagmasdan mabuti ni Night ang kahubaran niya. Kumikinang ang mga mata nito.

Namula ang pisngi niya. Hindi kasi siya ganoon ka confident sa katawan niya. Ito
ang kauna-unahang pagkakataong naghubad siya sa harap nang isang lalaki. At
nakakaramdam siya ngayon nang labis na hiya.

"You are so beautiful..." bulong nito. Punong puno nang kasabikan at paghanga ang
kanyang mga mata.

Maliit siyang ngumiti. Inangkin nang dalawang kamay nito ang dibdib niya. Napaliyad
siya nangdahan-dahang hinimas nito iyon. Kakaibang sensasyon ang nanalantay sa mga
ugat nya na dala nang mga haplos nito. She felt her nipples hardened with his
delicate touch. Naisambit niya ang pangalan nito nang kinulong nang bibig nito ang
isang nipple niya.

Napasabunot siya sa buhok ni Night. Hindi siya mapakali. Para siyang nakukuryente.
Napapaso. Halo halo na ang nararamdaman niya. Muling umangat ang mga halik ni Night
sa gitna nang dibdib niya pataas sa kanyang leeg pabalik sa kanyang mga labi.

She really love him. Every bits of him. Every part of him.

He was her own Devil.

"Night...." at paulit ulit niyang inungol ang pangalan nito buong gabi.

=================

V.4: Chapter Thirty

Chapter Thirty : Missing

"HOW DID YOU came back?" tanong ni Night habang hinahaplos ang buhok ni Lexine na
nakahiga sa kanyang dibdib.

Nag angat nang tingin si Lexine dito. Awtomatikong hinawakan niya ang kwintas na
nakasabit sa kanyang leeg. Hindi na niya iyon hinubad pa.

"Dahil dito.. " sagot niya.

Gumalaw si Night upang makita nang maayos ang kwintas niya. Kumunot ang noo nito
habang pinagmamasdan iyon. "Who gave you that?"
Hinimas himas ni Lexine ang palawit. "Si Madame Winona, she's a fortune teller."

Hinawakan ni Night iyon at tinignan na tila inaalalam kung anung klaseng kwintas
iyon. "So you mean this thing brought you back here? All the way from Paris?"

Tumungo tungo siya. "May anghel na nasa loob nito. Ang pangalan niya'y Ithurielle.
Hindi ko alam kung paano nagkaroon nang ganito si Madame Winona at bakit niya ito
binigay sakin. Basta ang alam ko lang magagamit ko siya sa oras na kailangan ko
siya... "

Saglit na nag isip si Night at tumingin sa malayo. Parang may inaalala ito.

Malayang pinagmasdan ni Lexine ang katabi. Kahit seryoso ito at malalim ang
iniisip. Napaka gwapo pa rin nito. Panay ang pagtalon nang puso niya kahit
tinitignan nya lang ito.

Buti na lamang at hindi natuloy sa kung saan ang namagitan sa kanila ni Night. May
natitira pa rin pala itong self control sa sarili.

Sinabi nito na hindi ito magaling sa salita. Pero alam niya at nararamdaman niya na
may espesyal din itong nararamdaman para sa kanya. Kaya naman pala palagi siya
nitong inililigtas sa mga kauri nito.

Gusto sana niyang alamin kung paano ito nagkadevelop nang feelings sa kanya pero
naisip niyang hindi iyon magandang ideya ngayon lalo na't may isang problema pa
silang dapat pagtuunan nang pansin.

Halos muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa kalagayan nang kanyang lolo
Alejandro. Ayon sa Lethium Demon na sumugod sa kwarto nito, may nilagay itong lason
sa katawan nang kanyang abuelo na kikitil sa buhay nito.

Muli siyang nakaramdam nang pagkabahala.

"Night... nasa panganib ang buhay nang lolo ko. Ang sabi nung demonyo sakin,
nilagyan niya nang lason ang katawan ni Lolo. At maliligtas ko lang daw siya kapag
nakipagkita ako sa kamahalan nila sa kabilugan nang buwan. Three nights from now..
"

Lumingon pabalik sa kanya si Night. "What? That bitch! Listen to me.." mahigpit
nitong hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"Don't you dare do reckless things. Wag kang magpapadala sa mga trick niya. You
won't go there alone kahit anung mangyari.. " mahigpit na habilin nito.
Pero hindi siya makasagot dito. Nag aalala siya para sa lolo niya. At hindi naman
siya makapapayag na walang gagawin para iligtas ito.

"Pero Night.. Paano si Lolo? I can't let him die...." aniyang bigong bigo.

Tumayo si Night na tila nag iisip. Maya-maya'y humarap ito sa kanya na tila
nakaisip nang solusyon. Hinatak nito ang kamay niya at dinala siya sa kwarto nang
kanyang lolo. Naabutan nila si Alejandro na tahimik na natutulog subalit mas
pumutla ang ang kulay nang balat nito.

Kanina lang ay okay pa ito pero ilang oras pa lang ang lumilipas at nakikita na ang
epekto nang lason.

"Ito, may marka dito" agad niyang tinuro yung kakaibang letra sa leeg nito.

Pinagmasdan iyon ni Night. "It's an ancient letter. It's a kind of demon curse.
Poison...it's very powerful"

Nagimbal siya sa narinig. Napailing iling siya. "Anung gagawin natin? Please Night
we need to do something.."

Maya-maya'y tinawag ni Night ang aninong si Ira. Inutusan nitong pagalingin si


Alejandro at tangalin ang lason sa katawan nito o kaya'y ireverse ang demon curse.

Ngunit nabigo ang anino.

"Paumanhin Master.. Masyadong makapangyarihan ang sumpang ginamit. Hindi ko ito


makakayang labanan..." sabi nang malamig at malalim na boses ni Ira.

Nanghihinang napaupo si Lexine sa gilid nang kama ng lolo niya. Nagsimula na namang
bumara ang lalamunan niya.

This can't be happening. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Anu nang gagawin
nila?

Maya-maya'y may naalala siya.

"Wait.. " tumayo siya at mabilis na hinubad ang kanyang kwintas. Baka matulungan
siya ni Ithurielle. Nagawa nitong mapabalik siya sa bahay nila. At isa itong
anghel. Maari itong makatulong.

Napatingin si Night sa hawak niya. Tila nahulaan agad nito ang gagawin niya.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa palawit.
"Ithurielle.." pagtawag niya.

Lumiwanag iyon at lumutang sa ere. Katulad nang nangyari sa kwarto ni Night sa


Paris.

"Anu ang iyong hiling aking prinsesa.."

Muli niyang narinig ang pamilyar na tinig nang babaeng anghel. Nanlaki ang mga mata
ni Night nang mapagtantong nagsasalita ang kwintas niya.

"May demonyong naglagay nang sumpa sa katawan nang lolo ko. Unti-unti siyang
papatayin nang lason sa katawan nito. Please, tangalin mo ang sumpa..."
pagmamakaawa niya.

Ilang sandaling lumutang lutang lang ang kwintas bago ito muling nagsalita.

"Kakaibang kapangyarihan ang ginamit sa iyong lolo aking prinsesa. Paumanhin


subalit hindi basta-basta matatangal ang sumpa. Tanging ang nagbigay nito ang
siyang makakapag tangal ng sumpa.. "

Hindi na napigilan ni Lexine ang mga luha. Pati ang anghel sa kwintas niya'y wala
ring magawa.

Hindi niya maintindihan. Namatay na ang demonyo bakit hindi pa rin nawawala ang
sumpa?

"Pero pinatay mo na siya hindi ba Night? Ang demonyong iyon ang naglagay nang marka
na yan kay Lolo.. " aniya tinuturo ang marka.

Humalukipkip si Night. "It's not him. It was the powerful one who made that curse.
She just used that lethium demon to lift the curse and bring it here to your
lolo... "

Muling nabigo si Lexine. Anu na ngayon ang gagawin niya? Wala na ba siyang choice
kundi ang isuko ang sarili sa kalaban?

Ilang sandali pa ang lumipas nang may maalala siya.

"Teka.." aniya na muling napatayo. Muli niyang kinulong sa palad si Ithurielle.


Nawala na ang liwanag nito at naging ordinaryong kwintas muli. Sumagi agad sa
isipan niya ang dahilan kung bakit nasa kanya ngayon si Ithurielle.

"May naisip na akong posibleng makatulong satin... "


Takang napatingin sa kanya si Night. "Who?"

Sinuot niya ang kwintas at dinama iyon sa balat nang kanyang dibdib.

"Ang taong nagbigay nito sakin. Si Madame Winona... siguradong matutulungan niya
tayo."

KINAUMAGAHAN ay agad naghanda si Lexine para sa pagbyahe nila papuntang Pampanga.


Mahigpit niyang hinabilinan sila Belle at Rico na bantayan maigi ang kanyang lolo
Alejandro at agarang tumawag sa kanya sa oras na magkaroon nang problema.

Si Night na rin mismo ang nagprisintang magmaneho nang sasakyan at sumama sa kanya.

Habang nilalagay ni Rico sa sasakyan ang gamit niya'y mabilis siyang hinigit ni
Belle sa braso.

"Uy! Friend sinu yang cutie yan?" agad nitong usisa. Kumikinang ang mata nito
habang tinitignan si Night na tahimik na nakasandal sa hood nang itim niyang Audi.

Ang usual leather jacket at combat boots ang suot nito. Nakashades ito nang rayban
aviators. Gwapong gwapo.

Pinigil ni Lexine ang mapangiti. "Kaklase ko"

Nanlaki ang butas nang ilong ni Belle. Hindi naniniwala sa kanya. Nanghaba pa ang
nguso nitong naka lipstick nang bright orange.

Ang aga aga ginawa na namang coloring book ang mukha niya.

"Ows? Kaklase lang? Bakit ngayon ko lang siya nakita?" pangungulit pa rin nito.

Napa-tsk siya sa katabi. "Oo nga, kaklase ko nga. Transferee lang yan kaya ngayon
mo lang nakita.."

Pero nandoon pa rin ang nanunuksong tingin sa kanya nang kaibigan. "Ooookaaay"
anito tumitirik pa ang mga mata. "Makati, minsan lugar madalas si Lexine"

Ang lakas nang tawa niya sa kalokohan nito. Iniripan niya ito saka mahinang
nginudngod. Napailing na lang siya at lumapit na sa pintuan nang passengers seat.
"Let's go?" aniya kay Night. Ngumiti ito sa kanya.

Mentally ay inuntog niya ang sarili. Muntik na siyang mawala sa katinuan sa ngiti
nito.

Straight yourself Lexine!

Kahit anung gawin niya ata. Hindi na siya masasanay sa kagwapuhan nito. Makati ka
nga talaga! Ang aga aga ang landi mo!

Lumapit ito sa kanya. Halos isiksik niya ang sarili niya sa pintuan nang kotse.
Sobrang dinikit pa nito ang mukha sa kanya at pinaka titigan siya. Sa kabila nang
harang na aviators sa mata nito. Hindi pa rin niyon napigilan ang kakaibang init na
hatid nang mga tingin nito sa kanya.

Ayan na naman yung mga pasaway na alaga niyang insekto sa tiyan.

"N-night.." she stutter.

Ngumisi ito at dinantay ang isang kamay sa gilid niya.

Unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kanya. Her heart almost jump out from her rib
cage. Bibigyan ba siya nito nang morning kiss? She can't stop her excitement.

Nang halos kadangkal na lang ang espasyo nang mga mukha nila'y napapikit siya. Pero
natapos ang ilang segundo pero wala siyang naramdamang mainit na labi.

Then she heard him chuckle.

"You still have your morning glory cupcake.. " he tease.

Napadilat siya at awtomatikong napahawak sa mga mata niya. Nakapa niya agad ang
maliliit na muta. Gosh! It was so embarassing!

Tatawa tawa na lumipat si Night sa drivers seat. Pulang pula naman si Lexine sa
pagkapahiya. The devil tricked her!

Natanaw niya pang nagtatawanan sila Rico at Belle sa isang tabi. Halos itago niya
ang sarili sa lupa. Inis na sumakay siya sa loob at padabog na nag seatbelt. Hindi
niya pinansin si Night sa buong byahe dahil sa inis niya dito.

Isang oras na silang nasa daan nang sa wakas ay naisipan na niyang kausapin ito.
"Why do you still drive when you can teleport yourself?" tanong niya.

Tumaas ang kilay nito at lumingon sa gawi niya.

"I can only teleport to the place I have been to" kaswal na sagot nito.

Napatungo tungo siya. Ganoon pala yun.

"And sometimes its also good to slow down. Nasanay na ako na mabilis lahat nang
bagay, okay din na paminsan minsan magpalipas nang oras.." dagdag nito.

Napamaang siya dito. Tapos may bigla siyang naisip na nakakatawa. "Kaya pala pati
sakin ang bilis bilis mo..." aniya pabulong.

Pero nakalimutan niyang matalas ang mga senses nito. She heard him chuckle in
amusement. "Hey... I waited freaking seven years for you to grow up as a fine young
lady! I'm not a pedophile okay? Though we had our first kiss when you're thirteen"

Mabilis siyang namula sa sinabi nito. Ito pala talaga ang first kiss niya. How
ironic.

"Stop blushing your so cute. Ikaw din. I cant help myself if you always act so
cute... I could kiss you now if you don't stop that"

Mas lalo tuloy siyang namula sa sinabi nito. Humalakhak pa ito nang malakas.
Napatakip siya sa mukha at humarap sa bintana.

Stupid devil! Kainis!

Ilang minuto pa at narating na nila ang pamilyar na tahanan ni Madame Winona.


Katulad nang huling punta niya ganoon pa rin ang lugar. Tahimik at walang katao
tao.

Bumaba sila ni Night nang sasakyan. Panay ang pag gala nang tingin nito sa paligid.
Nang makarating sila sa tapat nang pinto nito'y agad niyang napansin yung sira-
sirang roses sa garden sa paligid nang bahay. Nagtaka siya. Anung nangyari sa mga
roses ni Madame Winona?

Nagkatinginan pa sila ni Night bago siya kumatok sa kahoy na pinto. Nakailang katok
siya pero walang sumasagot. Kumatok siya muli pero napadantay ang isang kamay niya
doon at sa gulat niya'y bukas pala ang pinto.

Lalo siyang nagtaka. "Bakit bukas ang pinto?"


Dahan-dahan niya itong binuksan. Madilim ang loob at tahimik. Hindi niya napigilan
ang biglang pagkaba nang dibdib niya.

"Madame Winona?"

Walang sumasagot. Inulit niya nang ilang beses ang pagtawag pero wala pa rin
sumasagot.

Nang tuluyang silang makapasok agad bumungad sa kanya ang magulong sala. Sira sira
din ang mga muwebles at nagkalat ang mga gamit sa paligid. Para itong dinaanan nang
kung anung bagyo.

Napasinghap siya. Lalo siyang natakot. "Madame Winona?" sigaw niya sa mas
nagpapanic na tono. Alalang tumingin siya kay Night na nakakunot din ang noo.
Nagmadali niyang nilakad takbo patungong kusina. Katulad sa sala'y magulong magulo
din ito. Lalo siyang dinumbol nang kaba. Nakita niyang nakauwang ang pintuan
patungong basement.

Kinakabahang tinungo niya iyon.

"Wait!" pinigilan siya ni Night sa braso. Ito ang naunang pumasok at sumunod naman
siya sa likod nito. Madilim rin ang basement at halos wala silang makita.
Lumalangitngit ang tunog nang hagdan habang bumababa sila.

Kinapa ni Night ang switch nang ilaw sa gilid.

Nang magliwanag ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

Katulad nang sala at kitchen sira sira din ang basement pero higit na ikinagilalas
niya ang nakita nang masilayan niyang basag ang crytsal ball sa lamesa. Nagkalat
ang mga tarot cards sa sahig. May mga tila malalaking kalmot din sa paligid nang
dingding. Kumalat ang natuyong mga rosas at patay na kandila. Umalingasaw ang
kakaibang amoy. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang patak nang mga natuyong dugo
sa sahig.

"A-anung nangyari dito?"

"Demons..." bulong ni Night.

Napakunot ang noo niya. "Demons? May pumasok na demons dito?"

Tumungo tungo ito. "The scent is still fresh..."


Lalo siyang dinumbol nang kaba. Kung may pumasok na demon sa loob nang pamamahay ni
Madame Winona isa lamang ang maaring mangyari. Nanghina ang mga tuhod niya sa
naisip.

Napakapit siya sa lamesa upang makakuha nang suporta. Napatakip sa kanyang bibig.
"No no no.. It can't be..."

Ayaw niyang isipin kung anung maaring nangyari. Nadudurog ang kalooban niya sa
ideyang nagpupumilit pumasok sa isip niya.

Napatalon siya bigla nang may naramdaman suyang gumapang sa paanan niya. Mabilis na
nilapitan siya ni Night. "A-anu yun? "

Nasagot din agad ang tanong niya nang mula sa ilalim nang lamesa'y lumitaw ang
kulay itim at maliit na bulto.

"Ametysth!" bulalas niya nang makita ang pamilyar na pusa.

Bumaba siya nang upo at mabilis naman na lumapit sa kanya ang itim na pusa. Tumitig
sa kanya ang dilaw nitong mga mata. Sa pagtataka niya'y tila may kakaiba sa mga
tingin nito.

Binuhat niya ito at hinimas himas. "Nasaan si Madame Winona Ametysth?"

Pero wala itong sinagot kundi isang hiyaw lamang. Napabuntong hininga siya.

Nasaan na kaya si Madame Winona at anung nangyari sa kanya?

=================

V.4: Chapter Thirty One

Chapter Thirty One: Leona Vondeviejo

HINDI LUBOS maisip ni Lexine kung bakit sinugod nang kalaban si Madame Winona.
Hindi niya maiwasang sisihin muli ang sarili. Dahil ba sa humingi siya nang tulong
sa manghuhula'y pati ito'y nadamay na rin?

Lahat ba nang taong malalapit at madidikitan niya'y mapapahamak nang dahil sa


kanya?

Paano niya pipigilan ang kalaban? Anu naman ang kaya niyang gawin upang ipagtangol
ang sarili at mga taong malalapit sa kanya kung siya mismo'y umaasa lang sa iba?
Nanlulumong hinakbang niya ang mga paa paalis sa lugar na iyon. Nakaakyat na siya
palabas nang basement nang tumalon si Amethyst at dire-diretsong tumakbo palayo.

"Amethyst!" agad niya itong sinundan.

"Lexine wait!" narinig niya ang pagtawag ni Night subalit dire-diretso niya pa rin
sinundan ang alagang pusa ni Madame Winona.

Sa isang kwarto sa itaas siya nito dinala. Dahan-dahan niyang pinasok ang nakauwang
nitong pinto. Katulad nang lahat nang parte nang bahay ay gulo gulo din ang kwarto.
Na tila hinalubog ang buong bahay.

Bakit ganito kagulo? May hinahanap ba ang mga kalaban kay Madame Winona?

Naabutan niya si Amethyst na may kinukutkot sa isang sulok nang kwarto. Isang
aparador ang nandoon. Napakunot ang noo niya. Lumapit siya dito. "What are you
trying to say to me?"

Patuloy nitong kinakalmot ang gilid nang aparador. Pinagmasdan niya iyong mabuti.
Hindi iyon nakadikit sa pader. Iniba niya ang pwesto at pinagmasdan ang likod
niyon. Tila alam na niya kung anung gustong ipahiwatig nang pusa. Buong lakas
niyang tinulak ang aparador at inusog iyon patagilid. Naabutan siya ni Night sa
ganoong pwesto.

"Hey, what are you doing?"

"Pakitulungan na lang ako please.." aniya na pinipilit pa ring maitulak ang


malaking aparador.

Bumuntong hininga si Night at nilapitan siya. Hinigit siya nito sa braso at


pinaalis sa pwesto. Gamit ang isang kamay ay walang kahirap hirap nitong naiusog
ang aparador.

Nanlaki ang mga mata ni Lexine nang matagpuan ang isang lihim na pintuan sa likuran
niyon.

"Oh my..."

Nagkatinginan sila ni Night. Si Ametysth naman ay agad na pumuwesto sa harapan nang


sikretong pintuan. Tinitigan pa siya nito na tila sinasabing pumasok siya sa loob.

Saan siya nito balak dalhin?

Nilakasan niya ang loob at sinubukang buksan ang pintuan. Wala naman siyang kahirap
hirap dahil hindi iyon nakalock.

Namangha siya nang tuluyang makapasok doon.

Tila isa iyong maliit na library. Marami pa siyang nakitang naka display sa
bookshelves na ibat ibang hugis nang jar na may ibat ibang kulay. Tila mga ibat
ibang uri nang potion o gamot ang mga iyon.

Habang namamangha siya sa nakikita'y abala din si Night sa pagmamasid. Binuklat


nito ang ilang mga libro.

"Bakit tinatago ni Madame Winona ang library niya?" aniyang nagtataka.

Si Night na mismo ang sumagot sa mga tanong niya. "These are not an ordinary books.
They contains magics and spells. Your friend.. Hindi siya ordinaryong fortune
teller lang... "

Napatingin siya dito. Abala ito sa pagbubuklat nang ilang libro.

"What do you mean?"

Sinara nito ang hawak na libro at tumingin sa kanya. "She's a sorcerer..."

"Sorcerer? You mean... witch?" aniya hindi makapaniwala.

"Something like that..."

Lalo siyang namangha. Kaya pala may ganoong klaseng kwintas na hawak si Madame
Winona dahil hindi pala ito ordinaryong manghuhula lang. Pero saan kaya nito nakuha
ang kwintas at bakit sa kanya nito iyon pinagkatiwala?

Dumaan sa paanan niya si Amethyst at ginayak siya sa isang maliit na kahon na


nakapatong sa isa sa mga bookshelves. Tinuturo nito iyon sa pamamagitan nang
kanyang mga mata.

Napaisip tuloy siya, hindi kaya hindi lang basta pusa si Amethyst? Parang kasing
masyado itong matalino. Pinagkibit balikat na lamang niya iyon at binuksan ang
kahon. Maalikabok na iyon kaya kinailangan niya pang pagpagin.

Pagbukas niya'y bumungad sa kanya ang isang maliit na booklet na may silver cover.
Kinuha niya iyon at binuklat. Tila isa iyong diary.

Kaninong diary iyon? Diary ni Madame Winona? Pero bakit naman gusto ni Ametysth na
makita niya ang diary nang amo nito?
Naramdaman niyang lumuhod sa tabi niya si Night.

Binuklat niya ang libro at ilang pages pero hindi niya iyon binasa. Pinasadahan
niya lang nang mabilis na tingin hanggang sa marating niya ang last page. Napansin
niya agad sa pinaka likod nang diary ang isang pamilyar na signature. Nilapit niya
iyon sa mukha at pinagmasdan mabuti.

Ilang segundo bago niya narealize kung kaninong signature iyon. Binasa niya ang
pangalan.

"Leona... Vondeviejo..."

Nanlaki ang mga mata niya. Para siyang naestatwa sa kinauupuan. Paano nangyari yun?

"Why? What is that?" takang tanong ni Night nang mapansin ang bigla niyang
pagkabalisa.

Nanginginig na pinakatitigan niya lang ang diary.

"Ang diary nato.... This is my mother's diary" hindi makapaniwalang tumingin siya
sa, katabi. "B-but... I don't understand. Bakit na kay madame Winona ang diary ni
mommy at bakit may ganitong diary si mommy?"

Alam niyang hindi agad masasagot ang katanungan niya. Iisang tao lang ang
makakasagot niyon at sa kasamaang palad ay nawawala pa ito. May dinampot si Night
sa loob nang kahon. Isa iyong picture. Nang tignan niya iyon ay agad niya itong
kinuha mula sa kamay ng lalaki.

Picture iyon nang mommy niya na buhat buhat siya! She can't remember that scene
anymore dahil masyado pa siyang bata. Maybe she's only three or four years old that
time.

Pero ang mas lalo niyang kinagulat ang isa pang babaeng katabi nang mommy niya.
Kahit medyo bata ito sa picture ay agad niya pa rin itong nakilala.

It's Madame Winona!

"W-whats this... magkaibigan si mommy at Madame Winona?"

Kinuha ni Lexine hindi lang ang diary kundi ang buong kahon. Kung talagang may
kaugnayan ang manghuhula sa mommy niya mas gusto niya itong makita muli. Bata pa
siya nang iwan siya nang parents niya at halos wala siyang masyadong memories sa
mga ito.
Marami siyang katanungan na maaring si Madame Winona lamang ang makakasagot.

Masyado pa siyang bata noon. Iilang masasayang alaala lang ang mayroon siya at mga
litrato nilang tatlo na madalas ipakita sa kanya ni Alejandro.

"HEY, DON'T TELL me you're taking that pest with you?" tila iritableng tanong ni
Night pagkalabas nila nang bahay.

Buhat buhat nito ang kahon at siya naman ay si Amethyst. "Malamang, alangan namang
pabayaan ko siyang mag isa dito baka mamatay siya sa gutom..."

Lumukot nang husto ang mukha ni Night. "Why? anung problema mo sa pusa?"

Tumikhim ito at nag iwas nang tingin. "I just don't like them. They bring bad
memories.." halos pabulong na ang huling salita nito pero narinig niya iyon.

Takang napatingin siya dito. Balak niya pa sana itong tanungin nang bigla niyang
narinig ang pangalan niya. Paglingon niya'y di niya inaasahan kung sinong
papasalubong sa kanila.

"Lexi!" agad itong nag jog palapit.

"Ansell? What are you doing here?"

Imbis na sagutin ang tanong niya'y pinukol ni Ansell nang masamang tingin si Night.
Saglit na nagkatitigan ang dalawa. Lalo siyang kinabahan sa biglang pagdating nang
kaibigan niya.

"Hey... I know you.. Ikaw yung bagong student diba?" ani Ansell na tinuturo pa si
Night.

"Ako nga" nahimigan niya agad sa tono ng katabi ang pagkairita. Alam niyang hindi
maganda ang pakiramdam nito kay Ansell noon pa man. Lalo na marahil ngayon dahil
sinasaniban pa ito ni Cael.

"Why are you with him Lexi? And why are you guys here?" sunud sunud na tanong sa
kanya nang kaibigan.

"It's none of your business kiddo." imbis ay sumingit si Night.

Nakita niya agad ang pagtigas nang mga panga ni Ansell. Agad siyang pumagitna sa
dalawa. "Ansell.... Bakit ba ka nandito? Hindi ba't nag usap na tayo-"

Naputol ang pagsasalita niya nang bigla siya nitong hinawakan sa magkabilang
balikat. "I'm sorry Lexi but you know I can't do that. Nag aalala ako sayo... I
don't know whats happening to you. Feeling ko may tinatago ka sakin. Kaya nagpunta
ako kanina sa inyo at nang makita kong paalis ang sasakyan mo sinundan kita. Hindi
ko inexpect na dito ka pupunta at mas lalong hindi ko inexpect na may kasama ka
palang kung sinu-sinu lang..." matalim na nilingon nito si Night.

Napahawak siya sa sintido. Malaking problema lang ang dala ni Ansell lalo na't
ngayon na mas nagiging delikado at kumplikado ang lahat sa buhay niya.

Kailangan niya itong mapaalis hanggat maaga pa.

"Look, you need to go home. You're not safe here..." pagpupumilit niya.

Pero nasa mata nito ang malaking pagtutol. Kilala niya ito at alam niyang matigas
ang ulo nito.

"No! I won't leave you unless you tell me everything!" pagmamatigas nito.

Lalong sumakit ang ulo niya. Gusto niyang mainis dito pero mas pinipili niyang
kontrolin ang pasensya.

"Ansell please... "

Mas humigpit ang pagkakakapit nito sa balikat niya at mas lalong inilapit ang mukha
sa kanya. "Lexi, you know that you can trust me right? Why don't you tell me
everything that's bothering you?"

Napailing siya. "Hindi mo maiintindihan--"

"Talagang wala akong maintindihan dahil ayaw mong sabihin!"

Magsasalita pa sana siya nang bigla na lang pumagita si Night sa gitna nila.
Madilim na ang mukha nito. Hinawakan nito ang isang braso ni Ansell na nakahawak sa
kanya.

"Kiddo, hindi ka ba makaintindi nang tagalog at english kaya hindi mo maintindihan


na pinapauwi ka na? Anu bang lengwahe ang alam mo? Jejemon? o baka naman
Bekimon?" sa kabila nang pagbibiro nito ay alam niyang hindi na maganda ang timpla
nang demonyo.

Mabilis na nagliyab ang mga mata ni Ansell at tinabig ang kamay ni Night. Dinuro
niya ito. "Kanina ka pa! Hindi ako nakikipagbiruan sayo kaya wag kang magpatawa
dyan dahil hindi ka nakakatuwa. At wag mo nga akong matawag tawag na kiddo hindi
ako bata! At saka sinu ka ba sa akala mo?"

Ngumisi si Night at naghahamong tumingin. "Believe me you don't want to know who I
am.. "

Nahimigan agad ni Lexine ang pagbabanta ni Night at alam niyang hindi maganda ang
patutunguhan nang lahat nang ito.

Gigil na dinikitan ni Ansell ang huli. Dibdib sa dibdib ang dalawang lalaki. Habang
galit na galit ang bestfriend isang nakakalokong ngisi naman ang nasa labi ni
Night.

Mabilis na pumagitna si Lexine sa dalawa. "Stop it you two!"

Pero tila walang naririnig ang dalawa. Nagtitigan pa sila at naghamunan nang mga
tingin.

"Stay away from my bestfriend..." gigil na utas ni Ansell.

Ngumisi si Night. "Then make me..."

Sa gulat ni Lexine ay hinablot ni Ansell ang kwelyo ni Night at tinaas ang isang
kamao. Napasigaw siya pero huli na ang lahat. Pagkahagis ni Ansell nang suntok ay
parang hangin na nawala si Night at mabilis na umikot sa likuran nito.

"So slow..."

Bago pa man makapihit si Ansell dito'y mabilis na hinablot ni Night ang kwelyo nang
jacket nito at hinagis siya na parang basahan.

"Night stop it!" sigaw niya.

Pero hindi nagpaawat ang lalaki. Maliksing tumakbo ito kay Ansell na hindi pa
nakakabangon. Hinablot niya ito sa dibdib at inangat sa ere.

Nasa mukha ni Ansell ang takot. Napagtanto na nito na hindi basta basta ang kaharap
niya.

Tatakbo sana si Lexine para pigilan ang dalawa nang biglang tila bumagal ang
paligid niya. Nakarinig siya nang malakas at nakakakilabot na sigaw sa kanyang
kanan. Pagkalingon niya'y huli na ang lahat. Isang mabagsik na ravenium demon ang
papalapit sa kanya.
Kitang kita niya ang naka bukang bibig nitong puro pangil. At dalawang kamay na
nakahanda siyang sakmalin. Kakaiba ang isang ito dahil may mga pakpak ito na parang
sa paniki.

Bago pa man siya makasigaw nang tulong ay nahablot na siya nito at mabilis na
dinala sa himpapawid.

Napasigaw siya nang malakas.

Saka lang napansin ni Night ang nangyari. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang
nilipad na si Lexine nang halimaw. Agad niyang binitawan ang hawak at maliksing
hinabol ang mga ito. "Lexine!!!"

Kasing bilis nang hangin na tumakbo ito. Panay ang pagsigaw ni Lexine nang tulong.
Nahihilo na siya sa sobrang bilis nila. Kahit anung pagpupumiglas niya'y makapit
ang pagkakahapit sa kanya nang halimaw.

Napasigaw siya muli nang mabilis na lumiko-liko ang ravenium demon upang iwasan ang
nagtataasang puno na nadadaanan nila. Para silang nakikipagpatintero sa mga ito.
Halos masuka siya sa pagkahilo. Deeg niya pa ang sumakay nang roller coaster.

Natanaw niya si Night na nagmamadaling humabol sa kanila. Tinalon talon nito ang
mga sanga nang magkakasunod na puno. Hindi maitatangi ang liksi nito subalit lubos
na mabilis din ang predator niya.

Panay ang pagsigaw ni Lexine sa pangalan nito at nang mga sandaling iyon naramdaman
ni Night ang malaking takot sa kanyang dibdib na matagal na niyang hindi
nararamdaman.

=================

V.4: Chapter Thirty Two

Chapter Thirty Two: Captured

NATULALA nang ilang segundo si Ansell matapos masaksihan ang lahat. Una,
imposibleng isang tao ang lalaking kasama ni Lexine na ang pangalan ay Night dahil
sa bilis at lakas nito kaduda duda na normal ito.

At pangalawa, anung klaseng halimaw ang nakita niyang lumilipad at dumukot sa


bestfriend niya?

Buti na lamang at nagawa niya pang makagalaw kahit medyo late na. Nagmadali niyang
tinakbo sasakyan na nakapark hindi kalayuan at nagmadaling pinaharurot ang sasakyan
upang makahabol sa kanila.
Sa kalsada siya dumaan at sa gilid niya'y natatanaw niyang nakikipag patintero ang
lumilipad na halimaw sa mga puno. Nakasunod na humahabol si Night. Sinu ba talaga
ang lalaking iyon at bakit ganoon siya kabilis at kalakas? Isa ba ito sa mga
tinatagong sikreto ni Lexine na sinasabi nitong hindi niya maiitindihan?

Damn! He really can't understand any fucking one!

Sa kabila nang bilis nang halimaw at ni Night pinilit niyang makasunod. Buti na
lamang at walang dumadaang ibang sasakyan kaya napaharurot niya nang halos 200 ang
speed meter niya.

Nasa gitna siya nang matinding pagpapanic nang makarinig na naman siya nang mga
bulong na ilang araw nang gumugulo sa kanya.

Ansell kailangan nating iligtas si Alexine. Ipahiram mo sakin ang iyong katawan.

Napahawak siya sa sintido. Ito na naman ang mga bulong.

"Fuck! Not again, get out of my head!" napahigpit ang paghawak niya sa manibela.
Ang isang kamay niya'y nasa sintido niya.

Makinig kang mabuti Ansell. Magkakampi tayo. Kailangan nating magkaisa upang
iligtas si Alexine.. Naiintindihan mo ba? Kailangan mo akong tulungang iligtas siya
kung hindi tuluyan siyang mapapahamak...

Napailing iling siya. Hindi ito ang unang beses na nakakarinig siya nang mga
bulong. Nagsimula ito ilang lingo na rin ang nakalilipas. Una niya itong naranasan
noong gabi nang party ni Xyrille.

Pagkatapos nang mga bulong ay ang pagdidilim nang paningin niya. Pagkatapos ay wala
na siyang maalala. Nasundan pa iyon noong nang ilang ulit. Madalas din siyang
makaramdam nang matinding pag iinit sa katawan. Kaya naman na hospital siya nang
ilang araw. Ang buong akala nga niya'y panaginip lang ang tungkol sa mga bulong
pero ngayon ay mukhang hindi na ito basta panaginip lang.

Ansell... pakiusap....

Hindi niya maintindihan kung anu ang mga kababalaghang nangyayari ngayon. Pero
dahil nasaksihan mismo nang dalawa niyang mga mata ang isa na namang kababalaghan
na mahirap paniwalaan, wala na siyang choice kundi magtiwala sa kung sinu man itong
boses na kumakausap sa kanya.

"Who the hell are you and why do you keeps bothering me?"

Kakampi ako Ansell, magtiwala ka lamang...


Nahahati ang desisyon niya. Malaki ang parte nang kalooban niya ang tumututol
ngunit ang natitirang iba nama'y nagsasabi sa kanyang magtiwala.

Kunsabagay, kahit naman labag sa loob niya noon pa man ay natatalo pa rin siya sa
lakas nang kung sinong boses sa isipan niya. Nagugulat na lang siya na nagigising
sa kwarto niya at walang maalala na kahit ano.

Napabuntong hininga siya. Kung hindi pa siya kikilos mapapahamak si Lexine. At


hindi pwedeng wala siyang gagawin. Higit na mahalaga ang kaligtasan nang matalik
niyang kaibigan.

"Fine! Just make sure to help her!" aniya sa wakas. Sa una-unahang pagkakataon ay
napapayag siya nito.

Salamat

Iyon lang ang huli niyang narinig bago nag init ang buo niyang katawan at tuluyan
nang nagdilim ang kanyang paningin.

GIGIL NA GIGIL si Night. Masyadong mabilis ang Ravenium Demon kaya't nahihirapan
siyang makahabol. Dinumbol na nang takot and dibdib niya. Sa tagal nang panahon na
lumipas sa buhay niya. Ngayon na lamang niya ulit ito naramdaman. Yung matinding
takot at kaba na akala niya'y matagal nang nawala sa kanya.

Takot na baka mawala sa kanya ang babaeng pinaka iingatan niya.

Ang kanyang Lexine.

Sinasabi na nga ba niya, kaya medyo sariwa pa ang simoy na naamoy niya sa loob nang
bahay ni Madame Winona dahil hindi pa nakakalayo ang mga kaaway. Naging pabaya siya
at hindi man lang niya naamoy na nasa malapit lamang ito at nagtatago.

Ngayon ay lalong sumiklab ang galit niya. Sisiguraduhin niyang kikitilin niya ang
buhay nang halimaw na iyon sa oras na mabawi niya si Lexine. Wala siyang ititirang
buhay sa lahat nang magtatangkang umagaw sa kanya.

He will kill them all with his bare hands.

Masyado nang matagal ang paghahabulan nila kaya kailangan na niyang gumamit nang
karagdagang pwersa. Hinaplos niya ang tattoo mark sa kanyang leeg. Isa iyong itim
na feather. Ang haba niyon ay mula sa ilalim nang kanyang tenga hanggang sa kanyang
collarbone.

Binigkas niya ang pangalan nito upang gisingin. "Come out now, Superbia"

Lumiwanag iyon at hindi nagtagal ay narinig na niya ang pamilyar na ingay senyales
na papalapit na ito.

Mula sa kung saan ay kalat na nagsilabasan ang mga itim na uwak. Lahat sila'y
nagpulong pulong sa itaas nang himpapawid. Para silang isang ipo-ipo sa sobrang
bilis nang kanilang pag ikot sa hangin. Tinalon ni Night ang huling sangang
kinatatayuan at mabilis na sinakyan ang nabuong pulong nang mga uwak.

Mula sa ipo-ipo ay nag form nang isang patag na hugis ang mga iyon at nagsilbing
surfer board na sinakyan niya. Ang iba'y nakapalibot sa kanya bilang proteksyon.
Ngayon ay mas mabilis na silang makakahabol.

Agad niyang naabutan ang Ravenium Demon. Ngayon ay magkatabi na silang lumilipad.
Nanlaki ang mga mata ni Lexine nang makita siyang nakasakay sa pulong nang mga itim
na uwak.

Inangat niya ang isang kamay. Ang ibang uwak na nakapalibot lang at nakasunod sa
kanya'y kinontrol niya. Humilaway sila at nagbuo nang isa pang ipo-ipong patulis
ang dulo. Hinumpas niya ang kamay at kinontrol ang mga ito.

Hinagis niya ito sa Ravenium demon. Dahil sa dami at lakas nang pwersa ng mga uwak
ay agad na-distract ang ravenium at nabitawan si Lexine.

Napatili ang babae pagkahulog.

Mabilis na pinagalaw niya ang mga alaga at sakto naman niyang nasalo si Lexine sa
kanyang mga bisig.

"Gotcha cupcake!"

Kitang kita ang pagkawala nang kulay sa mukha nito. Mabilis na niyakap siya nito
pagkatapos. Mabigat ang naging paghinga. Napangisi siya nang malaki.

"Na miss mo naman agad ako..."

Lumukot ang mukha nito.

She really is so cute. "Seriously Night? Break-break din sa kayabangan pag may
time!"
Napahalakhak siya sa pagtataas nito nang kilay. Pinababa niya ang mga uwak at
nakalapag sila nang maayos sa sahig. Ibinaba niya si Lexine.

"Stay here..." mahigpit niyang habilin.

Hindi na niya ito inantay na magsalita dahil muli siyang nagpa angat sa mga uwak
upang sugurin ang ravenium demon.

Nakawala na ito sa mga uwak na pinakawalan niya kanina. Ngayon ay lumilipad na ito
pasugod sa gawi niya. Sinalubong naman niya ito nang buong tapang. Nang malapit na
silang magkabangaan ay tumalon siya at umikot sa ere. Lumanding siya sa likuran
nito at sinakyan na parang kabayo.

"Yihaa!" hiyaw niya.

Sa gulat niyay nagpaikot ikot ang ravenium. Muntik na siyang malaglag. Binanga
banga pa nito ang sariling katawan sa mga puno upang mapabitaw siya pero malakas
ang kapit niya dito.

"Let's stop the ride now buddy.." inipit niya ang leeg nito gamit ang isang braso
at buong lakas na binali iyon.

Dire-diretsong bumagsak sila sa sahig. Sumayad ang walang buhay nitong katawan sa
lupa. Hindi nagtagal at lumiyab na ang katawan nito at tuluyan nang naging abo.
Napagpag pa siya nang kamay pagkatapos.

"Woah. I got dizzy there" aniya na bahagyang nakaramdam nang pagkahilo.

Maya-maya'y nakarinig siya nang matinis na sigaw.

"I always hated visitors.."

NAPAATRAS si Lexine nang makitang papalapit sa kanya ang panibago na namang


kalaban. Hindi na niya alam kung saan napunta si Night sana'y dumating na agad ito.

Dalawang Lethium Demons ang nandoon. Isang babae at isang lalaki. Ang babae'y may
itim na itim na buhok. Maiksi iyon na abot lamang hanggang ibabaw nang tenga nito.
Nakasuot ito nang jumpsuit na gawa sa leather. Ang gitna niyon sa bandang dibdib ay
may hati kaya naman kitang kita niya ang malagong cleavage nito. Hapit na hapit
iyon sa perpekto nitong katawan. Matingkad ang kanyang asul na labi.

Ang lalaki nama'y naka all black din. May kapote ito na itim na furr. Matingkad na
asul ang kulay nang tayo tayo niyang buhok at kapareho nang kasama nito. Itim na
itim ang kanilang mga mata, namumuti at tuyot ang mga balat.

May tatlong ravenium demons pa na nakasunod sa likod ng dalawa.

Napalunok si Lexine. Masyado silang marami.

Agad siyang napahawak sa kanyang kwintas. Buti na lamang at natuklasan niya ang
tungkol kay Ithurielle. Ngayon ay may laban na rin siya para maipagtangol ang
sarili niya.

"Magandang araw sa iyo mortal..." nagsalita ang lalaki. Nakakakilabot ang ngiti
nito.

Naalala na naman niya yung isang Lethium demon na sumugod sa mansion at


pinagtangkaan siyang pansamantalahan. Mas lalo siyang kinilabutan sa kaharap.

"Saan niyo dinala si Madame Winona? Alam kong kayo ang dahilan nang pagkawala niya,
ilabas niyo siya" gigil niyang utas.

Ngumisi nang nakakaloko ang mga ito. Lalo siyang nagalit.

"Huwag kang mag alala mortal, dinala na namin ang iyong kaibigan sa paraiso..."
nanunudyang sabi nang lalaki.

Halos manlata siya sa narinig. "Hindi! Hindi totoo yan! Anung ginawa niyo sa kanya!
Mga hayop talaga kayo!"

"Gusto mo talagang malaman?" sa unang pagkakataon ay nagsalita ang babae.


Nakakakilabot ang mga tingin nang itim nitong mga mata. Kung tutuusin ay maganda
ito at ang pangangatawan. Subalit hindi maitatangi ang pagiging demonyo nito.

Nakiskis niya ang mga ngipin sa galit. Unti-unti silang lumapit kaya naman halos
doblehin niya ang hakbang palayo sa mga ito. Mas humigpit ang pagkakakapit niya kay
Ithurielle.

"Halika at sumama ka sa amin, nang iyong malaman kung nasaan ang kaibigan mo...."
nilahad pa nito ang kamay sa kanya.

Napailing iling siya. Hindi siya magpapadala sa mga patibong nila. Una si Ansell,
tapos ang lolo niya at ngayon naman si Madame Winona. Talagang hindi titigil ang
mga kalaban para lang makuha siya.
Minsan sumasagi sa isipan niyang bakit hindi na lang siya sumuko at isakripisyo ang
sarili niya sa kalaban para mailigtas ang mga mahal niya? Ngunit nangako siya kay
Night na hindi niya iyon gagawin. Isa pa, hindi rin naman siya sigurado kung anung
kapamahakan ang madadatnan niya sa kamay nang mga ito.

Bakit nga ba ganoon na lamang ang labis na pagka interes sa kanya nang mga kalaban?
Anu bang mayroon sa kanya?

Tila napansin nang dalawa na nagdadalawang isip siya.

"Kung ayaw mong sumama walang problema. Madali ka namang damputin..." naningkit
ang mga mata sa kanya nang babaeng lethium demon.

Lumingon ito sa gawi nang tatlong ravenium demon sa likuran. Sa pagkagilalas niya'y
inutusan nito ang mga halimaw na kunin siya.

Agad siyang napasigaw at kumaripas nang takbo. Tumakbo siya sa abot nang makakaya
niya. Paglingon niya'y mabilis na humahabol sa kanya ang tatlong halimaw. Ang isa'y
tumatakbo sa lupa na parang isang lion gamit ang apat na kamay. Ang isa nama'y
kumakapit at tumatalon sa mga sanga nang puno at ang huli'y katulad nang kaninang
ravenium demon na may pakpak na katulad nang sa paniki.

Lalo siyang dinumbol nang kaba.

Kinuha niya ang kwintas sa dibdib. Kailangan niya nang tulong. Tinapat niya iyon sa
kanyang mukha.

"Ithurie--"

Bigla na lamang may mabigat nabagay na dumagan sa kanya mula sa likuran kaya dire-
diretso siyang nasubsub sa sahig. Nabitawan niya ang kanyang kwintas ilang dipa ang
layo.

Nagilalas siya nang marinig niya ang nakakatakot na ravenium demon na nakadagan sa
kanya.

"Eskelemis..... Eskelemis... "

Masyadong malaki ang halimaw at mabigat sa kanya. Hindi siya makaalis. Nanginig ang
buong kalamnan niya sa labis na takot. Nakita niyang bumaba ang dalawa pang halimaw
sa tabi niya. Na korner na siya! Ang dalawang lethium demons ay papalapit na rin sa
kanila. Muli niyang tinanaw ang kanyang kwintas. Masyado iyong malayo at hindi niya
kayang abutin.
"Huwag mo nang pagurin ang iyong sarili mortal. Sumama ka na lamang nang payapa sa
amin at hindi ka masasaktan..." nakarating na sa tapat niya ang lalaki.

Lumapit ito at hinigit siya sa mga braso patayo. Bumaon ang matutulis nitong kuko
sa balat niya. Napasinghap siya sa kirot na dulot niyon.

"Hindi ako sasama sa inyo!" buong tapang pa rin siyang nanlaban.

Tumawa lang ito nang nakakaloko at sa gulat niya'y sinampal siya nito nang malakas.
Natumba siya sa lakas niyon.

Mabilis na nag init ang pisngi niya. Sinabunutan siya ng babae at pwersang inangat
ang ulo niya. Halos matangal na ang mga buhok niya sa anit sa higpit nang
pagkakasabunot nito.

"Masyado kang matapang mortal... wala ka namang kakayahang manlaban sa amin!"


kinilabutan siya sa mababagsik na tingin ng itim nitong mga mata.

Kinaladkad siya nito. Nagsisigaw siya pero ayaw siya nitong bitawan.

Samantala's gumawa naman nang portal ang lalaking lethium demons habang hawak hawak
siya nang babae. Gamit ang sarili nitong dugo'y nagdrawing ito nang pentagram sa
sahig. Lumiwanag iyon tapos ay nag liyab ang mga guhit. Biglang lumindol at bumuka
ang lupa. Lumitaw ang umiikot at nakakakilabot na ipo-ipong usok.

Hinding hindi siya papasok sa portal na iyan!

"Bitawan niyo siya!"

Isang sigaw ang nagpatigil sa kanila. Sabay-sabay silang napalingon. Laking ginhawa
niya nang makita si Cael na papapalapit. Muli na naman itong sumanib sa katawan
nang kanyang bestfriend.

"Cael!" sinubukan niyang makawala pero mahigpit siyang hawak nang babae.

"Mapahangas na anghel!" gigil na utas nang lalaki.

"Bitawan niyo si Alexine!" pag ulit nito.

"Nahihibang ka na kung iniisip mong hahayaan naming makuha mo siya lapastangang


anghel!" sinenyas nito ang mga kamay at agarang pinasugod ang tatlong ravenium
demon.

Para silang nagwawalang mga hayop. Napasigaw si Lexine. Masyado silang marami!
Naglabas nang piraso nang balahibo si Cael, lumiwanag iyon at naging isang mahaba
at lumiliwanag na asul na espada. Agad nitong winasiwas ang hawak pagkasugod nang
mga ravenium.

Maliksing naiwasan ni Cael ang unang sumugod. Hiniwa niya ang isang paa nito.
Napahiyaw iyon sa sakit. Mula sa itaas ay sumugod ang may pakpak ha ravenium.
Binitbit siya nito pero agad niyang pinutol ang dalawa nitong kamay kaya nama'y
muli siyang nahulog at nagpagulong gulong sa sahig.

Pagkatayo niya'y sumugod naman ang isa pa. Naka amba ang matutulis nitong pangil at
kuko. Ginamit niya ang espada para pigilan ito. Nasakmal nang halimaw ang espada at
buong lakas siyang inipit sa sahig. Ngayo'y nakikipagtagisan siya nang lakas sa
halimaw. Panay pagbuka nang bibig nito, lumalabas ang mahabang dila at lumalabas
ang maitim na likidong laway.

"Cael!!" sigaw ni Lexine. Takot na takot siya para dito. Masyado silang marami.

"Halika na Cruxia, inaantay na nang kamahalan ang ating mortal..." napalingon


silang dalawa sa lalaki. Nakapwesto na ito sa bukanan nang portal.

Napailing iling siya. Hindi maari! Muli niyang sinigaw ang pangalan ni Cael.
Alertong napatingin ito sa gawi niya subalit patuloy itong nakikipagtagisan nang
lakas sa ravenium na nakadagan dito.

"Alexine!!!"

Kinaladkad siya nang babae hanggang sa bukanan nang portal.

Ganoon na lang ang takot niya nang makita ang buka niyon. Para itong bagyo nang
itim na usok at kidlat sa loob. Dumadagundong mula doon ang nakakatakot na tunog.

Napailing iling siya. "No! Hindi ako sasama sa inyo!"

Pero pareho silang malakas at wala siyang kalaban laban. Binuhat siya nang babae
patiwarik. Agaran itong tumalon sa loob nang portal. Tila bumagal ang paligid ni
Lexine. Inangat niya ang mga kamay upang humingi nang tulong nang bigla siyang
nakarinig nang mga sigaw.

Halos lamunin na siya sa loob nang portal nang biglang may humawak sa kanyang
nakaangat na kamay at buong pwersa siyang binuhat palayo bago pa man siya tuluyang
makapasok doon.

Nagpagulong gulong sila sa sahig. Napadagan siya dito. Ganoon na lang ang
pagkahinga niya nang maluwag nang makita ang pamilyar nitong ngisi.
"Night!" buong galak niyang bulalas.

Saglit silang nagkatinginan nito. Halos paulanin niya ito nang halik sa tuwa.
Nakangisi lang ito sa kanya. Mula sa mukha niya'y bumaba ang tingin nito.

Sumipol pa ito. "I've been all over the world but this is the nicest view I ever
seen..."

Nakakaloko ang mga ngiti nito habang may tinitignan sa ibaba nang mukha niya. Nang
sundan niya ang tingin nito'y sa dibdib niya pala nakatingin ang talipandas. Litaw
na litaw ang kanyang cleavage na halos konting distansya na lang at nakasubsob na
ang mukha ni Night sa dibdib niya.

"Pervert!" Inis na umalis siya sa pagkakadapa dito.

Tumawa lang ito nang nakakaloko. Kahit kailan talaga'y walang pinipiling oras at
sitwasyon ang kapilyuhan nang mapaglarong prinsipe.

Naputol ang tinginan nila nang lumapit ang mga kalaban.

"Prinsipe Night! Ikinagagalak naming makita ka!" sarkastikong sabi nang lalaki.

Tumawa nang mahina ang katabi niya. Agad siya nitong tinago sa likuran. "Thanks but
I'm not glad to see your filthy face.."

Nanliit ang mga mata nito. Halatang nagpipigil nang galit. "Hindi ka dapat
nakikielam dito mahal na prinsipe! alam mong magagalit ang aming kamahalan sa iyong
kapangahasan! "

Labis na nagtataka si Lexine. Kamahalan? Anu ba talagang kaugnayan ni Night sa mga


kalabang nais siyang makuha? At bakit siya nito pino-protektahan laban sa mga kauri
nito?

"Kayo ang mapahangas!" sigaw ni Night. "Don't you forget who I am stupid demon! And
this girl is mine. Sabihin niyo sa magaling na babaeng iyon na hinding hindi ako
magdadalawang isip na kalabanin siya sa oras na tangkain niyang saktan ang babaeng
ito!"

Mas lalong siyang tinago sa likuran nito. Inangat nito ang pulsuhan at lumiwanag
ang tattoo mark doon. "And if that bitch badly wants to get my cupcake" Tinawag
nito ang pangalan ni "Gula" lumabas ang isang espada. Matalim na tumingin si Night
sa mga ito.

"She needs to kill me first...."


=================

V.4: Chapter Thirty Three

Chapter Thirty Three: Don't make her Angry

HUMAKBANG papalapit ang lethium demon na si Cruxia nang utusan ito ni Grorag.

"Tapusin mo siya Cruxia..."

May nakakalokong ngisi ito at saka sumunod. Pumuwesto ito nang luhod gamit ang
isang tuhod. Nakakakilabot makatingin ang itim nitong mga mata. Gamit ang matutulis
na kuko'y sinugatan nito ang sarili at kumuha nang dugo. Ginamit nito iyon upang
gumuhit nang kakaibang mga letra sa sahig. Nag chant ito nang tila isang ritwal.

"Hostopedio karakumla deseria demetia ukrudos ta..."

Nagsitayuan lahat nang balahibo ni Lexine. Lalo na nang makita niyang umangat ang
buhok nang babae at may itim na mga ugat ang nagsimulang kumalat mula sa mga mata
nito hanggang sa pisngi at buong mukha.

May kakaibang aura na pumalibot sa kabuuan nang babae. Lumiwanag ang mga letrang
ginuhit nito. Bahagyang nanginig ang lupa. Mula sa kulay itim na mga usok na
pumapalibot sa kanya'y unti-unting nag form iyon sa hangin at lumitaw ang isang
nakakatakot na Banshee.

Mas maitim, malaki at nakakatakot ang itsura nang banshee nito kesa sa kambal na
banshee ni Night na sila Luxuria.

"Night... anu yun?" nanginginig sa takot na tanong ni Lexine.

Mahigpit na hinawakan ni Night ang mga kamay niya. "It's a powerful Banshee. That
spirit is very ancient.. stay here. I'll protect you"

Habang unti-unting nabubuo ang nakakatakot na banshee ay biglang lumapit sa kanila


si Cael.

"Alexine!"

Umaliwalas nang husto ang mukha ni Lexine nang makitang maayos ito. "Cael!" agad
niya itong tinakbo at yinakap. Napatay na nito ang tatlong ravenium senyales ang
tatlong bulto ng nagkalat na abo sa sahig.
"I told you stay with me, not with that bird..." iritadong sabi ni Night.

Napatingin siya pabalik dito. Halata sa mukha nitong hindi nito gusto na nakita
silang magkayakap ni Cael.

Saglit na nagtitigan nang masama ang kanyang anghel at si Night. How ironic, her
angel protector and her demon protector both figthing for her in this battle.

Nagkatotoo ang sinabi ni Madame Winona. Dalawang makapangyarihang nilalang na


nagmula sa magkabilang dulo nang mundo ang handa siyang ipaglaban. Malinaw na si
Cael at Night ang tinutukoy nito. Ang isa'y galing sa liwanag at ang isa'y sa
kadiliman.

Isa ang magpro-protekta at isa ang maglalagay sa kanya sa kamapamahakan. Si Cael


ang kanyang guardian angel at si Night ba ang maglalagay sa kanya sa malaking
kamapahakan?

Subalit palagi rin nitong tinataya ang sariling buhay maprotektahan lang siya.

At ito rin ang isa-isang lalaking tinitibok nang puso niya. Kapamahakan man ang
hatid nito marahil dahil sa uri at pinangalingan nitong mundo, hindi niyon
mapipigilan ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa lalaking handang kumitil
nang kahit na sino para sa kanya.

"Fine..." bumuntong hininga ito pagtagal. "Protect her and I'll finish this fight.
Huwag kang tsa-tsansing birdie! Patay ka sakin!"

Napaikot ang dalawang mata ni Lexine. Napaka possessive talaga.

"Hindi mo ako kailangang utusan Tagasundo, nilikha ako upang protektahan siya..."
sagot naman nang anghel. Ngumisi lang ito at muling humarap sa kalaban.

Tuluyan nang nabuo ang nakakatakot at malaking banshee na pinalabas ni Cruxia.


Sumisigaw ito sa nakakatakot na boses nang diablo.

"Lasapin mo ang aking lakas prinsipe..." sigaw niya.

Hinampas nito ang dalawang kamay at buong lakas na pinakawalan ang halimaw.

"Eeeeeeeeeek!" mabilis na sumugod ang banshee. Maitim ang buong balat nito't
namumula ang nakakatakot na mga mata. Para itong skeleton na may puting puting
buhok at nakakakilabot na aura.

Humigpit ang pagkakakapit ni Night sa kanyang espadang si Gula. "Come to daddy


little darling...."
Nang sandaling nakalapit ang banshee dito'y maliksing winasiwas ni Night ang
kanyang espada upang saksakin ito sa dibdib. Sa pagkagulat niya'y hangin lang ang
kanyang tinamaan dahil nahati ang banshee sa dalawa gamit ang itim na usok at
lumagpas sa kanya. Dire-diretsong itong nabuo muli sa kanyang likuran.

Tumawa nang nakakaloko si Cruxia. "Huwag mong maliitin ang aking banshee
Prinsipe..."

Imbis na mapikon ay lalo lang iyong ikinatuwa ni Night. The challenge makes him
more eager to fight. "Too early to celebrate darling. Your banshee is too basic
for me..."

Muli nitong ipinuwesto ang sarili at hinanda ang kanyang espada.

Sumigaw ang halimaw at muling sumugod kay Night. Sunod sunod na sinakmal nito ang
huli na maliksi namang nakakaiwas. Bawat sakmal nito'y nawawasak ang putikang mga
lupa. Halos magpaikot ikot sila sa kagubatan habang naghahabulan. Maging mga sanga
nang mga punong tinalunan ni Night ay agad nitong winawasak nang walang kahirap
hirap.

Hindi maiwasan ni Lexine ang mag alala. "Night... mag iingat ka!"

Naramdaman niyang humigpit ang kapit sa kanya ni Cael. "Alexine... tara na


kailangan kitang mailayo dito..."

Umiling iling siya. Hindi niya maaring iwan si Night baka mapahamak ito. "No Cael!
He needs us here!"

"Mas mapapahamak ka kapag nanatili pa tayo dito!" giit nito.

"I said no! I can't leave him here!"

Nabasa niya ang agad na pagkalito sa mga mata nang kanyang anghel. "Bakit labis na
lang ang pag aalala mo para sa kanya Alexine? Nakakalimutan mo na bang isa rin siya
sa mga kalaban?"

Alam niya iyon pero wala na siyang pakielam kahit kamatayan pa ang kadikit niya
kapag kasama niya si Night. "Alam ko!"

"Kung ganoon, bakit dinidikit mo pa rin ang sarili mo sa kanya sa kabila nang
panganib na dala niya?" mas humigpit ang pagkakahawak ni Cael sa magkabila niyang
braso. Tumitig ito sa kanyang mga mata. "Bakit Alexine?"

Nalunok niya ang bumarang laway sa kanyang lalamunan. Bakit nga ba? Bakit nga ba
kahit alam niyang mali at delikado ay hindi niya magawang ilayo ang sarili kay
Night? Anu ba ang pundasyon nang nararamdaman niya para dito para itaya ang
sariling buhay makasama lang ito?

Bakit nga ba Alexine?

Napailing iling siya. "H-hindi ko rin alam... " inangat niya ang nalilitong mga
mata sa anghel. Nagtama ang kanilang paningin.

"Basta ang alam kong lang na sinasabi nitong puso ko. Na hindi ko kayang wala siya
sa tabi ko...."

Kitang kita niya hindi lang pagkagulat kundi yung matinding kirot sa mga mata ni
Cael. Alam niyang nagtapat ito nang pagtingin sa kanya pero ayaw naman niyang
magsinungaling pa dito. Gusto niya lang na maging tapat sa lahat nang nararamdaman
at naiisip niya. Sana'y maitindihan siya nito.

Naputol ang pagtitinginan nilang dalawa nang makarinig sila nang malakas na
pagsabog.

Agad siyang napalingon pabalik sa dalawang naglalaban. Makapal na usok ang natanaw
niya ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan nila. Isang malaking bilog ang
diretsong sumira sa hilera nang mga puno. Maging mga lupa'y nabiyak din.

Sa dulo nang mahabang bilog ay yung makapal na usok na pinagmulan nang pagsabog.

Agad siyang dinumbol nang kaba. "Night!" sigaw niya. Tumakbo siya papalapit doon
subalit maagap siyang pinigilan ni Cael sa bewang.

"Night!" iyak niya.

Mula sa makapal na usok ay unti-unting lumitaw ang papalapit na bulto. Dire-diretso


itong naglakad pabalik sa kanila.

Laking ginhawa ang naramdaman niya nang makita si Night. Halos sira na ang damit
nito at puro paso sa katawan pero hindi iyon nakabawas sa taglay nitong tikas at
tindig.

"Paano?" hindi makapaniwala si Cruxia na napatay nito ang banshee niya.

Huminto si Night sa tapat nila. Sa likod nito'y kitang kita ang nagliliyab na apoy
na katawan nang halimaw. Makapal at maitim sa usok na pumalibot sa kagubatan.

Pinatunog nito ang mga kamao at binali bali ang leeg. "I told you, your banshee is
too basic for me."
Bakas sa mukha ni Cruxia ang malaking takot. Galit na humiyaw ito at sinugod si
Night. Nilabas nito ang matalim na pangil at lalong kumapal ang itim na ugat sa
kanyang mukha. Tumalon ito na parang isang liyon at agad sinungaban si Night.

Napaibabawan nito ang huli. "Easy there darling, I know I'm too hot to handle but
I'm sorry to say I'm already taken"

Pilyong lumingon ito sa gawi ni Lexine at kinindatan siya. Namula agad ang
magkabila niyang pisngi.

Nangalaiti sa galit si Cruxia. "Aaaaaah!" hiyaw nito at sinakmal ang leeg ni Night
gamit ang isang kamay. Buong lakas siya nitong hinagis. Mabilis siyang nakarecover
at umikot sa ere pero hindi pa siya tuluyang nakaka landing sa lupa nang muli na
naman siya nitong inatake.

Sinakal siya nito sa leeg gamit ang isang kamay at dire-diretsong nilipad sa
malayo. Bumanga ang likod niya sa hilera nang mga puno at nasira iyon. Hanggang sa
huminto sila sa isang malaking puno at gigil siya nitong diniinan.

She snarl like a big beast.

"Woah d-darling. Y-your strong. It turns me on!" sa kabila nang kahirapang


makapagsalita'y nagawa pa nitong magbiro. Diniin siya nang husto ni Cruxia sa puno
at inilapit ang mukha nito sa kanya. Ngumisi ito at sa gulat niya'y bigla na lang
siyang siniil nang halik.

Napasinghap nang malakas si Lexine.

That bitch kissed her Night!

Agad naman nito iyong pinakawalan. Halos mawalan nang hininga si Night pagkatapos.
Mapang akit na ngumisi ang babaeng demon sa kanya. "Totoo pala ang sinasabi nilang
masarap kang humalik mahal na prinsipe... "

Mayabang na ngumiti ang binata. "Well well well....demon girls don't lie..."

Nanlalaki nang husto ang butas nang ilong ni Lexine sa inis. Bwisit na lalaking to
nagawa pang makipag landian sa gitna nang laban! At sa harapan ko pa!

Hindi pwedeng wala siyang gawin. Umuugnay ang tadhana dahil natanaw niya ang
kwintas niya na nahulog kanina. Ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan niya.

Agad niya iyong dinampot. Galit na tumitig siya kay Cruxia.


Magbabayad ang demonyitang iyon sa ginawa nito! Sisiguraduhin niyang pagsisihan
nitong lumaki itong malandi.

"Ithurielle!"

Mabilis na nagliwanag at lumutang ang kanyang kwintas. Nanlaki ang mga mata ni Cael
sa pagkagulat sa nasaksihan. Naestatwa lang ito sa pwesto.

"Aking prinsesa...." muling nagsalita ang pamilyar na boses nang anghel.

Ito marahil ang kauna-unahang pagkakataong makakapatay siya nang demonyo.

"I want you to kill that demon!"

Mas lumakas ang liwanag nito. "Masusunod aking prinsesa..."

Napaatras siya nang sumabog ang kwintas sa mas nakakasilaw na liwanag. Bigla iyong
naging isang bolang apoy na kulay ginto. Umiikot ikot ang apoy at mabilis na
lumipad patungo sa dalawa.

Namulagat si Night nang matanaw niya ang paparating sa kanila. Huli na para
makaiwas si Cruxia dahil mabilis na tumama sa likuran niya ang apoy na naging sanhi
nang pagliliyab ng buo niyang katawan.

"Aaaaaaaaah!" sigaw nito. Bumitiw ito kay Night at nangisay sa sahig.

"Die bitch!" gigil na bulong ni Alexine.

Di nagtagal at tuluyan itong nasunog at naging abo. Bumalik ang kwintas sa kanyang
leeg.

Napahangang napatingin si Night sa dalaga. Masama ang tingin nito sa kanya.


Napalunok siya nang laway. Madalas na siya nitong pakatitigan nang masama pero ito
na marahil ang pinaka masama sa lahat.

Hindi nila namalayan na nakatakas na pala si Grorag. Huli na ang lahat upang
pigilan ito dahil mabilis na itong nakapasok sa portal at nawala na parang bula.

Nanghihinang lumakad papalapit si Night sa dalawa.

"Cupcake that was awesome--" yayakapin niya sana ito subalit malakas na sapak ang
sinalubong nito sa kanya.
Halos mabali ang panga niya sa lakas niyon.

Nasaktan si Lexine sa tigas nang mukha ni Night kaya naman napa aray ito nang
maramdaman niyang nabali ang mga buto sa daliri. Paglingon pabalik ni Night ay
galit na galit at umuusok ang ilong ni Lexine sa kanya. Namumula ang buong mukha
nito. Nakadagdag pang nabalian ito nang buto sa kamay.

Napahawak siya sa panga. Half shocked at half amused ang itsura niya.

"May nalalaman ka pang I'm taken? Tapos makikipaghalikan ka din pala!" galit na
singhal nito sa kanya.

Napaatras siya't napa surrender ang dalawang kamay. "Woah there scary woman! She
was the one who kissed me!"

"At tuwang tuwa ka naman!"

Umiling iling siya. Mas nakakatakot pa si Lexine kaysa sa mga halimaw na nakaharap
niya.

"My... my... don't be angry.. your not a bird!"

Pero walang tumawa sa joke niya.

=================

V.4: Chapter Thirty Four

Chapter Thirty Four: Diary

ISANG AWKWARD at tahimik na byahe ang namagitan sa tatlo. Pinili ni Lexine na


sumakay sa sasakyan ni Ansell, si Night naman ay ayaw pumayag na hindi siya kasama
kaya naman dire-diretso itong pumasok sa passengers seat sa likuran.

Iniwan ni Lexine ang sasakyan na dala nila at nagpatawag na lamang nang towing
assistance upang maiuwi iyon sa kanila. Hindi pa rin umiimik si Lexine kay Night.
Kahit anung pagpapansin nito'y hindi niya ito pinapansin. Naiinis talaga siya sa
lalaki.

Si Cael naman ay nanatili pa rin sa katawan ni Ansell hanggang sa buong byahe.


Pinagpasalamat na rin iyon ni Lexine dahil hindi niya pa handang magpaliwanag kay
Ansell kapag nagising na ito.
Nang makarating sila sa mansion ay masakit na masakit ang buo niyang katawan.
Madami siyang galos at pasa. May bali pa siya sa kamay na pansamantalang binendahan
ni Cael. At ilang mga natamong bali sa balakang at paa.

Hindi niya pinapasok si Night at pinagsaraduhan nang pinto pagkapasok niya nang
kanyang kwarto. Pero parang walang lang iyon dahil nag teleport din ito at bigla na
lamang lumitaw sa kama niya na kampanteng nakahiga.

Nagpout pa ito na parang bata sa kanya. Inirapan niya ito sa inis.

Si Cael naman ay diretsong tumayo sa harap nang balcony na hindi inaalis ang tingin
sa kanya.

Inabala niya ang sarili sa maliit na kahon na nakuha nila sa bahay ni Madame
Winona. Kinuha niya agad ang diary at hinulog ang ibang pang laman niyon sa ibabaw
nang knayang study desk.

Bukod sa diary at picture may singsing din na nasa maliit na glass box. Ginto iyon
at may kumikinang na dyamante sa gitna na hugis oblong. Naka lock ang glass box at
hindi mabuksan. Kasamaang palad ay walang susi na kasama sa kahon.

Anu ang singsing na iyon? Pag aari din ba iyon nang kanyang mommy? Wedding ring?

Ang isa pang bagay ay maliit na photo album na puro baby pictures niya. Ang
ipinagtataka niya'y puro picture lang nila nang mommy niya. Wala ang daddy Andrew
niya.

Naramdaman niyang lumapit si Cael sa kanyang tabi. "Anu ang mga iyan?"

Nag angat siya nang tingin. "Nakita namin tong nakatago sa sikretong library ni
Madame Winona. Tinuro ito sakin ni Ametysth" aniya na tinuro ang itim na pusa na
ngayo'y abalang magkutkot nang carpet niya sa sahig.

"Ang pinagtataka ko, kung bakit nandoon ang diary ni mommy. Lahat nang bagay dito
ay malinaw na pag aari niya. Hindi ko rin alam na magkaibigan pala sila ni Madame
Winona, hindi man lang niya sinabi sa akin"

Ininspeksyon ni Cael ang ilang bagay doon. "Maaring hindi ka niya agad nakilala
dahil maliit ka pa dito..." anitong tinutukoy ang picture nilang tatlo.

"Siguro nga.. Pero manghuhula siya diba? Bakit hindi niya nakita na ako ang anak ni
Leonna Vondeviejo?"

Walang makasagot nang tanong niya. Naisipan niyang buksan ang diary. Binasa niya
iyon nang tahimik. Ang unang pahina'y tungkol sa pagiging batang ina nang kanyang
mommy. Iyon yung panahon na nadiskubre nitong ipinagbubuntis siya sa murang edad na
disi otso.

Ayon sa diary na kahit nagalit ang daddy nito na si Alejandro na nagbuntis si Leona
nang maaga'y wala itong pinagsisihan. Dahil mahal na mahal nito ang anak. Siya
iyon.

Ngunit may nakasulat doon na hindi inaasahan ni Lexine.

Kailanma'y hindi na nakilala ni Daddy ang totoong ama ni Lexine. Tikom rin ang
bibig ko tungkol sa pagkatao nang lalaking iniibig ko. At dahil ayaw niyang maging
kahihiyan ako sa aming pamilya ipinagkasundo niya ako kay Andrew Alonzano. Anak
nang isa sa mga big investors ni Daddy.

Noon pa ma'y may gusto na sa akin si Andrew kaya't kahit na nalaman niyang may
ipinagbubuntis akong bata'y tinangap niya pa rin ito at pinakasalan ako.

Napasinghap siya. Agad nangilid ang mga luha ni Lexine. Masyadong nakakabigla ang
rebelasyon kanyang nabasa.

"H-hindi si Daddy ang totoo kong ama..." aniya na napapaos na boses.

Nakuha niya ang atensyon ni Night dahil doon. Lumapit na rin ito sa tabi niya.
Nilakasan niya ang loob at pinilit na ipagpatuloy ang pagbabasa.

Naging masaya ang aming pamilya. Sa kabila nang katotohanang hindi ko kayang
mahalin si Andrew nang higit pa sa kaibigan ay tapat pa rin ito sa akin at sa aking
anak. Minahal niya si Lexine na parang sa kanya. Lumaki ang anak kong malusog at
magandang bata. Walang kapantay ang kaligayahang dulot niya sa buhay ko. Siya ang
tanging bagay na dahilan nang aking buhay, siya ang taong pinakamamahal ko.

Hindi na napigilan ni Lexine ang sunud-sunud na luha. She loves her mom, but her
mothers love for her is unconditional and priceless. Ngayon niya naramdaman yung
matinding pangungulila para dito. Ngayon niya naramdaman yung sakit na hindi niya
ito nakapiling habang lumalaki siya.

I'll do everything for her. I'll love her and cherish her with all my heart. I
can't live without my daughter. Pero talagang malupit ang tadhana at ayaw akong
tigilan nang mga kaaway... ilang beses nilang pinagtakaan ang buhay naming nag ina.

Naitakip ni Lexine ang kamay sa kanyang bibig. Kung ganoon ay noon pa man ay may
humahabol na sa kanila nang mommy niya! Mas lalo niyang nais na mas malaman ang
dahilan nang lahat nang ito.

Ini-scan niya mabuti ang diary. Mabilisang binasa ang ilang pahina, yung ibang
hindi gaanong importante'y kanya nang nilaktawan. Panay ang pag scan niya hanggang
sa mabasa niya ang isa na namang diary entry.
Muli kaming nagkita ni Daniel. Binalaan niya ako tungkol sa masamang plano nang mga
kalaban. Nais nilang makuha ang aming anak at gamitin iyon sa kasamaan. Hindi ako
makapapayag. Kaya naman kinailangan kong kumilos upang mailigtas ang anak ko sa mga
kalaban. Iniwan ko si Lexine sa aking daddy. Sa tulong nang matalik kong kaibigan
na si Winona nakalikha kami nang dummy na bata upang lituhin ang mga kalabang
humahabol sa amin. Kasama ang asawa kong si Andrew, ba-byahe kami bukas kasama ang
dummy na bata. Hindi ko sigurado kung makakaligtas pa kami pagkatapos nang araw na
ito. Patnubayan sana kami nang Maykapal. Kahit anung mangyari wala akong pagsisihan
sa aking desisyon. I will do everything I can to protect my daugther even if it
means I need to sacrifice my own life. I'll do it for her. Because that's how much
I love her.

I love you so much Alexine, my daughter.

Iyon na ang huling pahina na nasulatan nang kanyang ina. Isa lamang ang ibig
sabihin niyon. Hindi lang basta airplane crashed ang naging sanhi nang pagkamatay
nang parents niya. Maaring kagagawan iyon nang mga kalaban. At dahil sa isang dummy
na bata ang dala nang kanyang mommy Leona'y maaring inakala nang mga kalaban na
kasama siyang namatay sa aksidente.

At dahil sunud sunud ang tangkang pagpapadukot sa kanya'y siguradong nalaman na


nang mga kalaban na buhay pa siya. Kaya ngayo'y ginagawa nang mga ito ang lahat
para makuha siya at gamitin sa masama nilang plano.

Parang nanghina ang buong katawan ni Alexine. Nanikip ang dibdib niya. Hindi siya
makahinga nang maayos. Panay ang pag agos nang bagyong luha sa kanyang mga mata.

Matinding galit ang nararamdaman niya ngayon para sa kung sinumang halimaw na nasa
likod nang lahat nang ito. Dahil dito kaya namatay ang kanyang mga magulang.
Hinding hindi niya ito mapapatawad.

Sunud sunud ang mga rebelasyon kanyang nalaman. May mga tanong na sagot pero mas
maraming panibagong tanong na naiwan din sa kanyang isipan. Nangunguna na doon ang
totoong pagkatao nang kanyang tunay na ama.

Iisang pangalan lamang ang pinanghahawakan niya na siyang makakapagturo sa kanyang


ama.

Nanghihinang binaba niya ang diary. Matagal siyang natulala lang sa kawalan. Her
tears keep on dripping down to her face.

"S-sino ang tunay kong ama? Sino si..." napaangat siya nang tingin sa dalawang
lalaking nakatayo at malalim siyang pinagmamasdan. "Si Daniel..."

Kumunot ang noo ni Night. Bahagyang nagulat sa kanyang sinabi. Si Cael naman ay
nakakapagtakang naninigas sa kanyang kinatatayuan. Para itong nakakita nang multo
sa itsura nito. Bigla itong namutla at pinagpawisan.
Napaawang ang bibig nito. Nanigas ang mga panga at napalunok nang malalim. Labis
niya iyong ipinagtaka. Bakit ganoon na lang ang reaksyon ni Cael nang bangitin niya
ang pangalan nang kanyang tunay na ama? Hindi kaya...

"Bakit Cael? Kilala mo ba si Daniel? May nalalaman ka ba tungkol sa kanya?" halos


pabulong niyang tanong. Napatigil siya bigla sa pag iyak.

Gumalaw galaw ang adams apple nito at biglang nag iwas nang tingin sa kanya. Tila
ba tinatantya nito kung magsasalita ba ito o ititikom ang bibig.

Tumayo siya at hinawakan ito sa magkabilang balikat. She badly needs an answer!

"Cael... please kung may nalalaman ka please tell me I need to know....I need to
know everything about my Father" pakiusap niya.

Matagal na nakayuko si Cael na hindi makatingin sa kanya. Tila ito mismo'y hindi
makapaniwala. Panay ang pag iling.

"Nangako akong pananatiliing sikreto ang tungkol sa bahay na ito subalit tingin
ko'y ito na ang tamang panahon para malaman mo ang lahat tungkol sa iyong totoong
pagkatao Alexine.."

Lalong napahigpit ang kapit niya dito. "Ang ano Cael? Please sabihin mo sakin..."

Dahan-dahang nag angat ito nang tingin sa kanya. Humugot ito nang malalim na
hininga at pinakatitigan siya nang itim at malalim nitong mga mata.

"Nang sinabi ko sayong ang tungkulin ko bilang anghel ay ang bantayan ang mga
mortal, totoo iyon. Dalawang dekada na ang nakalilipas nang mamatay ang huling
taong nasa pangangalaga ko. Nang mismong araw na iyon ay ipinanganak ka..."

Nahigit niya ang hininga. Hinanda ang sarili sa mga posibleng kabigla biglang
rebeslasyon na naman na kanyang maririnig. Ipinagpatuloy nito ang sinasabi habang
naglakad lakad at tumingin sa malayo sa tapat nang balcony.

"Ipinadala ako ng pinuno nang aming lupon nang mga 'tagabantay' na si Gabriel sa
ospital nang araw na iyon. Nasaksihan mismo nang dalawa kong mga mata ang iyong
pagsilang. Sinabi sa akin ni Gabriel na ikaw ang panibagong kong babantayan."

"Isang espesyal na misyon ang pagbabantay sa iyo Alexine. Hindi ka katulad nang mga
ordinaryong mga tao na binabantayan lamang namin. Dahil higit ka pa doon. Kaya
naman sa akin ka ipinagkitawala upang pangalagaan at protektahan.."

Gumawi ang tingin nito sa diary nang kanyang mommy. Tapos ay sa kanya.
"Nagmamadali siya noon, panay ang pag iyak at nag iimpake nang mga gamit. Tahimik
kang natutulog sa iyong kama. Nilapitan ka niya at mahigpit kang niyakap. At sa
kauna-unahang pagkakataon ay kinausap niya ako. Sinabi niya sa akin na nakikita
niya ako, hindi niya sinabi ang dahilan kung paano niya iyon nagagawa. Hinabilin ka
niya sa akin. Bantayan at protektahan ka sa abot nang aking makakaya. Ipininangako
ko sa kanyang ibubuhos ko ang buong buhay ko maprotektahan ka lamang. Pagkatapos
nang araw na iyon, ay namatay siya kasama ang asawa nito... "

Patuloy lang sa pag iyak si Alexine. Nanghihina na ang mga tuhod niya. Halos
malaglag siya sa pagkakaupo buti na lamang at naalalayan siya ni Night. Nakatulong
ang mainit nitong mga bisig na nakapulupot sa kanya.

"She sacrificed a lot for me, even her own life. How about my father? anung alam mo
tungkol sa kanya?" tanong niya.

Humarap sa kanya si Cael.

"Sa aming paraiso, may kanya-kanyang lupon na kinabibilangan ang bawat anghel na
katulad ko. Bawat anghel ay may lupon at bawat lupon ay may tungkulin. Nahahati
kami sa pitong lupon. Na pinamumunuan nang pitong Arkanghel." napagawi ang tingin
nito kay Night na naramdaman niyang nanigas tapos ay bumalik sa kanya.

"Arkanghel?"

"Oo, ang mga Arkanghel ang unang pitong anghel na nilikha nang Ama, sila ang pitong
pinaka makapangyarihan sa lahat. Bawat isa sa kanila'y may taglay na kakaibang
lakas at kapangyarihan. Ang pinuno naming si Gabriel ang siyang namamahala sa lupon
nang mga 'Tagabantay' doon ako nabibilang. Ang iba pang lupon ay pinamamahalaan ni
Uriel, ang 'Tagatala' ang tungkulin nila'y itala ang mga kaganapan sa bawat buhay
nang tao sa aklat nang buhay, ang isa pa'y si Michael, ang 'Tagapagtangol' sila ang
mandirigma nang kalangitan na nakaatas makipaglaban sa oras nang gera laban sa mga
demonyo..." gumawi ang tingin nito kay Night.

Ngumisi lang nang mayabang ang huli. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa.
Kung ganoon ay may nagaganap pala talagang labanan sa mga anghel at demonyo.

Muling nagpatuloy si Cael. "Ang isa pang Arkanghel ay si Zachael ang 'Tagalingkod'
tungkulin nilang bulungan ang mga tao at gabayan na gumawa nang tama at mabuti,
maari silang tawagin bilang 'kunsensya' na ayon sa inyong mga tao. Ang sumunod ay
si Raphael ang anghel nang pag ibig. Ang 'Tagaugnay' nasa kanila ang tungkuling
pagtagpuin ang bawat tao at iugnay ang kanilang mga tadhana upang mag ibigan"

Namangha siya. So soulmates are real, and they are guided by an angel. Napaisip
tuloy siya, sinu kaya ang soulmate niya? Naramdaman niyang dumantay si Night sa
likuran niya. "Sadly cupcake I already killed your cupid, so he can't link you to
your supposed to be soulmate..."
Kinilabutan siya dito. Agad siyang napaharap sa kanya. Totoo ba iyon? Sa inis
niya'y tumawa ito nang mahina. "Just kidding!"

Inis na napairap siya at muling tinuon ang atensyon kay Cael na patuloy sa pagkwe-
kwento tungkol sa mga Arkanghel. "But if I knew about someone's been linking to
your soul I won't promise you not to kill him..."

Sa kabila nang pagbabanta nito'y hindi niya naiwasang kiligin. Sa isip isip niya,
hindi na nito iyon dapat gawin pa. Dahil kung sinu man ang lalaking nakatadhana
para sa kanya ay hindi na ata niya magagawang magustuhan pa. Dahil nang mga
sandaling iyon wala siyang ibang gustong maging 'soulmate' kundi ito lamang.

Kahit alam niyang imposible at tututol ang langit at lupa sa hiling niya.

"Ang pang anim ay si Lucifer.. "

Napatuwid nang tayo si Night nang bangitin ang pangalan. Siya nama'y napatuon muli
kay Cael. May kakaiba sa tingin nito kay Night at hindi niya alam kung bakit ganoon
ang pagtitigan nang dalawa. Boys secret code?

Dahil sa biglang katahimikan ay nagsalita na siya. "Lucifer? Hindi ba't siya yung
angel na tumalikod kay God?"

Naputol yung pagtitinginan ng dalawang lalaki. Narinig niyang tumikhim si Night at


si Cael naman ay tumungo sa kanya. "Si Lucifer ang siyang pinaka makapangyarihan
sa lahat nang Arkanghel, siyang pinaka maliwanag at hinahangaan nang lahat. Ang
'Tagapangalaga' tungkulin niyang pangalagaan ang lahat nang likha nang ama sa
mundo, ang kalikasan, mga hayop, hangin, tubig, araw, buwan, kalawakan lahat sa
mundo kasama ang mga tao. Sa kasamaang palad ay nagkaroon nang malaking ingit si
Lucifer sa kapangyarihan nang Ama. Ninais niyang maging mas higit sa kanya. Doon
nagsimula ang ugat nang kanyang kasakiman. Lingid sa kaalaman nang Ama nagsisimula
na nang lasunin ni Lucifer ang kaisipan nang ibang anghel hanggang sa lakas loob
niyang kinalaban ang Ama at hiniling na magkaroon nang pagpipili. Pinapili niya ang
mga anghel kung sinung mas nais nilang mamuno sa Langit"

"Nagkaroon nang pagpipili. Marami ang pumili sa kanyang pangalan at sumanib sa


kanyang pwersa. Nagkaroon nang matinding gyera ang dalawang panig. Pinagtangol nang
mga anghel ang Ama sa masamang balak nu Lucifer na pabagsakin ito. Pinalabas niya
ang isang nakakatakot na halimaw, isang dragon. Si Satan. Sa kabila nang kanilang
lakas hindi nagtagumpay si Lucifer at ang mga taksil na anghel. Nagalit nang lubos
ang Ama sa ginawang kapangahasan ni Lucifer kaya't ibinuka niya ang Langit.
Pinatapon niya si Lucifer at ang mga anghel na sumamang mag aklas dito. Kasama na
rin ang isinumpang dragon na si Satan. Sa pagpagbasak nila mula sa langit pababa sa
lupa, nilamon silang lahat nang apoy. Nasunog ang kanilang mga balat at naging
makasalanan"

"The Fall..." nabulong niya sa sarili. Nabasa niya ang tungkol doon sa bible. "So
you mean Demons are once an Angel, fallen angel?"
"Basically, their stupid God tore off the fallen angels wings and vanish their
light. So we lived in the deepest part of the world and enjoy the darkness... " si
Night at sumagot sa kanyang katanungan.

"Kung ganoon anung kaugnayan nito sa aking Ama? Bakit kinukwento mo ang tungkol sa
mga Arkanghel?" aniya bahagyang naiinip. Hindi pa rin kasi nito sinasagot ang
tanong niya.

Humugot nang malalim na hininga si Cael bago muling nagsalita. Hindi nito
binibitawan ang mga titig sa kanya.

"Dahil si Daniel, ang iyong ama. Ay ang pang pitong Arkanghel... ang namumuno sa
mga Gregory. O mas kilala bilang 'Taga-oras' sila ang mga anghel na may hawak nang
oras at panahon. Tungkulin nilang ibalanse ang mundo sa pamamagitan nang pagkontrol
sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap"

Doon biglang nanikip ang dibdib niya. Napaawang nang malaki ang bibig niya. Hindi
magawang ma iprocess nang utak niya ang mga sinabi nito.

Did she just heard him right?

"What?" halos nabibilaukang lumabas ang salita mula sa kanya, napailing iling siya.
Para siyang nanlamig at nanigas sa kinauupuan.

"You mean my f-fathers an..." hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin. Nanginginig
ang mga kalamnan niya. Nahihirapan siyang huminga.

Matagal bago niya nabuo ang sinasabi.

"... an angel?"

Nang tumungo ito'y agad siyang nakaramdam nang matinding panghihilo. Namanhid ang
buo niyang katawan at nanikip ang dibdib. Naubusan siya nang hangin at mabilis na
nandilim ang kanyang buong paningin.

Naramdaman niyang may bisig na sumalo sa kanya. Naaninag niya ang nag aalalang
mukha ni Night na tinatawag ang pangalan niya.

Iyon ang huli niyang nasilayan bago siya tuluyang nilamon nang dilim.

=================

DEATH NOTE
Hi again guys! I hope your still there! Thanks for supporting this story now we
have reached the Volume 4! Yay! (clap clap clap)

Oh no! Isa-isa nang nare-reveal ang mga sikreto at marami pang susunod! So far
nasagot na ba ang ibang katanungan? Haha.

Again here's my three questions. Lets make it a lil bit challenging hmmm...

Question # 1 : Who do you think is the enemy? How is she related to Night?

Question # 2: Where is Madame Leona? What's her role for this story?

Question # 3: On the next volume try to guess what will be the "exciting" part to
happen with our star crossed lovers Night and Lexine. HAHA clue?? Hmmmmm secret!
(Evil laugh-Banshee tone)

PS: Try searching "Banshee" to google for detailed pictures! I'm starting to love
Banshee's I want to have one too LOL!

By the way, I changed the cover. This is orginally a Jadine fanfiction but I
decided to change it to a non fanfiction story. Well, you guys can still imagine
them while reading this story. I just wanted you guys to explore your own
imagination so I deleted my casting for this.. :)

Who celebrity do you think fits Night, Lexine, Cael and Ansell? Let me know :)

Thanks again! See you on the next volume!!! To be uploaded next month ;-P

Follow me on instagram/twitter : @bebyjhelaii

Xoxo StoryofaGirlinLove xoXo

=================

Volume 5

"Even if our love is forbidden, I want to protect you.."

Volume 5 (Chapters 35-42)

Chapter Thirty Five : Can never be


Chapter Thirty Six : Another Place

Chapter Thirty Seven : I don't care

Chapter Thirty Eight : Last Kiss

Chapter Thirty Nine : Answers

Chapter Fourty : True Face

Chapter Fourty One : Power Within

Chapter Fourty Two : Nothing to loose

=================

V.5: Chapter Thirty Five

Chapter Thirty Five: Can never be

TUMILAPON na parang basahan ang lantang gulay na katawan ni Grorag. Dire-diretso


itong tumama sa batong pader na ikinawasak pa niyon. Nanakit ang buo niyang
katawan.

Agad niyang narinig ang mga papalapit na yabag. Nag e-echo sa buong lugar ang tunog
nang takong nito. Lumuhod sa harapan niya ang babae. Mahigpit na sinakal ang
kanyang leeg gamit ang isang kamay at walang kahirap hirap na inangat siya sa ere.

"Anung sinabi mo? Hinayaan mong makatakas si Winona? Isa kang inutil!" mabangis na
lumisik ang mga mata nitong mala pusa. Gigil na diniin nang matutulis na kuko ang
leeg ni Grorag. Agad tumulo ang itim na likod nang dugo niya.

"P-patawad kamahalan...subalit nakasisigurado akong napuruhan siya nang husto.


Maraming dugo ang nawala sa kanya, siguradong hindi magtatagal ang buhay niya..."
hirap na sumagot siya.

Pero hindi nakuntento ang babae sa hatid niyang balita. Gigil na lalo nitong
diniinan ang mga kuko sa balat niyang tuyot na tuyot.
"Ang gusto ko ay paslangin mo siya! Gusto kong makita ang bangkay niya!"

"N-ngunit kamahalan..."

"Wala kang silbi! Isang mahinang mangkukulam lang hindi mo pa nagawang paslangin?"

Galit na hinagis nito muli ang katawan nang Lethium Demon. Muli iyong lumipad at sa
isang chandelier sa kisame ito tumama. Kasabay niya itong bumagsak sa sahig.

Takot na takot si Grorag. Kitang kita niya sa mata nang kanilang kamahalan na hindi
na nito patatagalin pa ang buhay niya. Walang sinuman itong pinapatawad.

"K-kamahalan ma-awa ka... b-bigyan mo pa ako nang isa pang pagkakataon... h-hanapin
ko ang mangkukulam at dadalhin ko sa iyo ang ulo niya.. " pagsusumamo nito.

Lumuhod ito sa kanyang harapan. Sa kabila nang napaka ganda nitong mukha nagtatago
ang isang nakakatakot na halimaw.

"At bakit ako magtitiwala muli sa iyo?"

Napalunok siya. Desperado na siya para mabuhay. "N-nakaharap ko po ang prinsipe..."

Nagulat ito sa kanyang binalita. Mabilis na hinablot nito ang suot niya at dinikit
ang mukha sa kanya.

"Anung sinabi mo?"

"Si... si Prinsipe Night... nakaharap ko po siya. Pumunta ang mortal na si Lexine


sa bahay nang mangkukulam ilang oras pagkatapos namin itong nilusob. Tinangka
naming kunin siya at dalhin sa iyo subalit dumating ang isang anghel at humarang sa
aming plano. Pinaslang nito ang tatlong ravenium na aming dala at pinaslang ni
Prinsipe Night ang isa pa, nakalaban niya rin si Cruxia... ngunit pinaslang ito
nang mortal.."

Nakuha nito nang husto ang atensyon nang kanilang kamahalan. Binitawan siya nito at
natulalang tumayo.

"Pinaslang ng mortal na babaeng iyon si Cruxia? Paano iyong nangyari?" hindi


makapaniwala ito.

"M-may hawak siyang isang mahiwagang kwintas. Nauutusan niya ito at iyon ang
ginamit niya upang kitilin ang buhay ni Cruxia..."
Malalim na nag isip sa kawalan ang kanilang kamahalan. Hindi ito makapaniwalang may
kakahayan na si Alexine upang protektahan ang kanyang sarili. Masyado niya itong
minaliit.

"Isang anghel na naman ang sumisira nang aking mga plano. Dapat na talagang mawala
sa landas ko ang anghel na iyan. At ang magaling na si Night...kailangan ko silang
burahin sa mundong ito.."

Tumingin sa kawalan ang mala pusa nitong mga mata. Hinanda ang mga masasamang plano
sa kanyang isipan. Iniwan nito si Grorag at naglakad patungo sa kanyang trono.

"Nasa akin pa rin ang huling alas...ngayong nasa ilalim nang aking sumpa ang abuelo
nang mortal, siguradong hindi magtatagal at ito mismo ang lalapit sa akin. Dalawang
gabi na lamang bago magkabilugan nang buwan..."

Hinarap nito muli si Grorag. Nanginginig na tumayo ang lumapit ito sa kanya.

"Siguraduhin mong hindi makakalapit si Winona sa mortal kahit anung mangyari.


Sigurado akong lalapitan niya si Alexine kaya't bantayan mong mabuti ang mortal na
iyon. At sa oras na magpakita ang mangkukulam sa dalaga huwag ka nang magdalawang
isip na paslangin siya..." habilin nito.

"Masusunod kamahalan..." lumuhod siya sa harapan nang babae.

"Ako nang bahala sa anghel at sa pakielamero kong prinsipe..."

TAHIMIK na pinagmamasdan nang dalawang lalaki ang mahimbing na pagtulog ni Lexine


sa kama nito. Tatlong oras na itong natutulog mula nang mawalan nang malay.

"Ngayong nasiwalat na ang totoong hiwaga sa pagkatao ni Alexine, nararapat mo na


siyang layuan..."matatag na sabi ni Cael.

Mula sa maamong mukha ni Lexine ay unti-unting humarap si Night dito. Tinaas niya
ang kilay at nginisian ang anghel.

"Are you nuts? Why would I listen to a stupid bird like you.."

Humalukipkip ito sa kanya at halatang walang balak magpatalo. Matagal na siyang


naabalibadbaran sa tagabantay na anghel ni Lexine. Ngayon niya tuloy pinagsisihan
na hindi niya pa ito tuluyang pinatay nung una nilang paghaharap pitong taon na ang
nakalilipas.

"Talaga bang ganyan katigas ang ulo mo Night? Anak si Lexine nang Arkanghel na si
Daniel. Isa siyang Nephilim. Kalahati nang pagkatao niya ay anghel! Hindi siya
basta ordinaryong nilalang lang na pwede mong paglaruan sa mga kamay mo! At lalo
lamang siyang napapahamak dahil sa paglapit mo sa kanya!" giit nito.

Kumuyom ang palad niya. Tumayo siya at nakipagdibdiban dito.

"Who do you think you are? Wala akong pakielam kahit sinu pang posyo pilato ang
totoong ama ni Lexine! She's mine and I will fight for her even if it means I need
to kill each and every fucking birds like you! Akin siya! Naiitindihan mo! Akin
lang siya! " gigil na utas niya lalo sa huling mga salita. Pinaniningkitan niya ito
ng mga mata.

Naninigas ang mga panga nito. Hindi binibitawan ang titig siya kanya. Lalo itong
lumapit at nanlilisik ang mga mata sa galit.

"Anung sa tingin mo ang dahilan kung bakit nalaman nang mga kalaban na buhay pa
pala si Alexine?"

Nabigla si Night sa tanong nito. Hindi niya iyon inaasahan. Pansamantalang nawala
ang pader na pinanghaharang niya dito.

"A-anung sinasabi mo?"

Lalong nanlisik ang mga mata nito sa kanya. "Nang binuhay mo si Alexine, nagulo ang
listahan nang aklat nang buhay. Nakatakda nang mamatay si Alexine nang gabing iyon
pero binuhay mo siya at sinira mo ang nakatakda. Nakarating agad sa mundo nang mga
kaluluwa ang ginawa mong paglabag sa batas at sigurado akong mabilis din na kumalat
ang balita hanggang sa ilalim nang mundo kung saan ka nangaling. Masyado ka nang
maraming batas na nilabag Night. Ikaw ang bumuo nang kaguluhang ito. Dahil sa
kasakiman mo kaya nasa bingid ngayon nang kamatayan si Lexine at walang sawang
tinutugis nang mga kauri mong demonyo."

"Ikaw ang dahilan kung bakit nalaman nilang buhay pa si Alexine. Ikaw ang dahilan
kung bakit siya napapahamak ngayon!"

Natigilan siya sa mga sinabi nito. Bigla ang bato nang realisasyon sa kanya.

Hindi iyon ang unang beses na ginawa niyang muling bumuhay nang tao. Nagawa na niya
iyon ilang daang taon na rin ang nakalilipas. May mga batas na ipinapatupad. Kagaya
nang batas nang aklat nang buhay sa langit. At mga batas na ipinapatupad sa mundo
nang mga kaluluwa.
Pero walang pakielam ang mga kagaya niyang demonyo sa mga batas na iyon. At dahil
prinsipe siya nang kadiliman ay wala siyang pakielam. Gagawin niya kahit na anung
gusto niya. Kukunin niya ang kahit na anung magustuhan niya.

At dahil sa hiwagang nababalot sa kaluluwa ni Lexine nang masilayan niya iyon


pitong taon na ang nakalilipas. Hindi siya nagdalawang isip na buhayin ito at
antayin ang pitong taon upang makita at madiskubre ang hiwaga nito

Ngunit higit pa doon ang kanyang natuklasan. Dahil hindi lamang hiwaga sa kaluluwa
at pagkatao nito ang naging dahilan nang matinding pag aasam niya para sa dalaga.

Sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon tumibok nang kakaiba ang kanyang puso. At


tumitibok iyon ngayon para kay Alexine. Pero dahil sa ginawa niyang pagbuhay dito,
kumalat ang balita at natuklasan nang mga kalaban na buhay pa pala ito. Ngayo'y
hindi sila titigil hanggat hindi ito nakukuha.

"Then I will protect her! As long as I'm standing in this fucking damn world I
will never let them hurt her..."

Napailing iling si Cael sa kanya. Natawa pa ito nang mahina. "Nababaliw ka na kung
iniisip mong pagkatapos nang labanang ito makukuha mo pa rin si Alexine...."

Gigil niyang hinablot ang kwelyo nito. Hindi na niya napigilan ang damdamin. The
loud angel is really getting on his nerves.

"At sinu ka sa akala mo? Baka nakakalimutan mo kung sinong kaharap mo? I'm the
goddamn prince of the underworld and I am powerful enough to get what I want.
Lexine is under my power and protection and she loves me!..." he snarls like a
beast.

Hinablot nito ang kamay niyang nasa kwelyo nito at hinagis iyon. Tinulak siya nito.

"Talaga bang ganyan ka kasakim? Sinu ba sa tingin mo ang mahihirapan sa


pagkamakasarili mo? Hindi mo siya makukuha dahil isa siyang anghel naiintindihan mo
ba? Hindi ka niya pwedeng mahalin! Anak siya nang isa sa pinaka makapangyarihang
anghel at ikaw...." dinuro duro siya nito.

Kumiskis ang mga ngipin ni Night sa galit.

"Ikaw.... Anak ka nang isang isinumpa! Kailanman hindi kayo maaaring magsama dahil
tututol ang langit at impyerno sa inyong dalawa!"

Hindi na napigilan pa ni Night ang nag uumapaw na galit. Sumigaw siya at nangigigil
na sinugod si Cael. Agad itong natumba at pinaibabawan niya. Pinaulanan niya nang
suntok ang huli.
"Shut your filthy mouth you son of a bitch!" gigil na sinuntok niya ito nang paulit
ulit.

Pagkatapos nang ilang sunod sunod na suntok ay nasanga nito ang isa niyang kamao at
buong lakas na sumapak pabalik. Natamaan siya sa ilong. Sinamantala iyon ni Cael at
inikot ang katawan. Ngayon ay si Night na ang nasa ilalim.

"Hanggang nabubuhay ako sa mundong ito hindi ko hahayaang mapunta si Lexine sa mga
kamay nang mga masasamang katulad mo. Lalo na sayo!" sunud sunud na sumuntok ito.

Kambal na sapak ang natikman niya. Sumigaw siya at pinalusot ang kamay sa gitna.
Agad niyang tinulak ang mukha nito. Si Cael naman ay gumanti rin at sinakal siya.

"Then I will fucking kill you..." gigil na utas ni Night.

"Handa akong mamatay maprotektahan lamang si Alexine..."

Nanlisik sa galit ang mga mata niya. Hindi siya tanga, alam niyang higit pa sa
tungkulin nito ang ginagampanan nang anghel kaya't ganoon na lamang ito kung
makielam. Lalaki rin siya at alam niyang may espesyal itong pagtingin sa babae.

"Enjoy your last minute now stupid bird, now say hi to your death..." pinaliwanag
niya ang kanang pulsuhan at tinawag si Gula. Mabilis na lumitaw ang kanyang espada
at agad itong inangat patutok sa likuran nang anghel.

Nangilabot si Cael sa bilis nang pangyayari. Huli na ang lahat para makaiwas pa
siya sa patalim na papalapit sa kanya.

"Huwag!"

Nahinto si Night sa biglang pagsigaw. Sabay na napapihit ang ulo nang dalawang
lalaki sa likuran nila. Nandoon si Alexine na nakatayo at gising na. Nanlalaki ang
mga mata nito.

Ilang sandali silang natulala at nagmamadaling lumapit si Lexine sa kanila at


mabilis na hinatak si Cael paalis sa ibabaw niya. Agad nitong tinago sa likuran ang
lalaki.

"Night anu ba! Hindi lang si Cael ang papatayin mo pati si Ansell!" galit na sigaw
nito sa kanya.

Naiinis na tumayo siya sa pagkakahiga. Muli niyang tinago ang espada. Hindi niya
matangap na talagang pinagtatangol nito ang anghel na iyon at ang kaibigan nitong
takaw disgrasya. Naiinsulto siya.
Pero higit pa sa insulto ang naramdaman niya habang paulit ulit na nag re-rewind sa
utak niya ang mga sinabi ni Cael. Malungkot na napatingin siya kay Lexine.
Napaawang ang bibig nito sa kanya. Naguguluhan ang mga mata.

Why? Why is it that he can have everything he wants in this world, but why does the
only woman he wants is forbidden?

The only happiness he has. The only woman he badly wants to prison in his arms
forever. Why does the world and fate is so unfair to him?

Hindi niya matagalan na makipagtitigan sa mata nitong punong puno nang emosyon. Sa
mga matang palaging laman nang panaginip niya. Sa mga matang nakakapag paramdam sa
kanya nang mga bagay na kailanma'y hindi niya naramdaman sa tagal niyang nabubuhay
sa mundong ito.

Pakiramdam niya'y pag nagtagal pa siya'y baka hindi niya mapigilan ang sarili at
sumabog na lang siyang bigla. Inalis niya ang tingin dito at mabilis na naglaho.
Narinig niya pang tinawag nito ang pangalan niya ngunit hindi na siya lumingon pa
at mabilis na nilisan ang kwarto nito.

She's an angel and he's a fallen and cursed one. A demon, a beast. And their love
can never be.

=================

V.5: Chapter Thirty six

Chapter Thirty Six: Another Place

TULALA lamang sa buong byahe si Lexine hanggang sa marating niya ang building nang
kanilang ballet studio. Kung hindi pa siya tinawag ni Rico ay hindi niya pa
narealize na huminto na pala sila.

"Ok ka lang ba maam? Kanina pa po kasi kayo tulala sa byahe, kung iniisip niyo po
ang tungkol kay Sir Alejandro, huwag po kayong mag alalaa. Gagaling din si sir."
concern na sabi ni Rico. Nakatingin lang ito sa kanya sa rear mirror.

Napangiti siya sa kanyang driver. "Thanks Ric, sige. Mauna na ako. Fetch me up
after an hour.."

"Yes maam!"
Agad na siyang bumaba bitbit ang kanyang shoulder bag na naglalaman nang kanyang
uniforms at ballet shoes. Napabuntong hininga siya at tuluyang nang pumasok sa
loob. Naka absent na siya nang practice nila last weekend. Nag aalala sa kanya si
Kristine. Madalas kasi itong tumawag at magtext sa kanya pero hindi niya ito
sinasagot.

Kaninang umaga ay nangamusta ulit ito.

I heard about wat happned to ur lolo. I'm sorry Lexi but the competition is already
in 2 days...r u still in?

Hindi niya alam kung bakit sa kabila nang dami nang problema niya'y pinilit pa rin
niyang makasali. Nireplyan niya ito na tutuloy pa rin siya sa competition night 2
days from now kahit na huli na siya sa practice.

Kaya ngayon ay kailangan niyang mag practice mag isa para makahabol. Kahit na
weekdays, at may pasok siya ay napilitan na lang siyang mag absent sa class para
makapag ensayo.

Besides, she badly needs to dance. So she can forget for a while all the things
that pained her.

Madilim ang buong studio pagpasok niya. Siya pa ang nagbukas niyon at nilinis niya
rin ang sahig gamit ang floor map. Pagkatapos magliis ay nagpalit siya agad nang
ballet shoes at sinuot na niya ang white tube satin dress na costume nila para sa
competition. Naisipan na rin niya kasing mag dress rehearsal nang sa ganoon ay
masanay na siya sa suot.

Hanggang tuhod ang haba niyon. Mas maiksi ang sa harapan at mas mahaba ang sa
likod. May padding ang tube niya kaya hindi na kailangan mag bra, see through naman
ang bandang bewang at flowing ang buong palda. Sinadya niya rin ilugay ang loose
curls na buhok. Humarap siya sa salamin at pumuwesto sa gitna. Tumugtog ang isa sa
mga piece song nila.

Isang iyong lovesong. "Thinking out Loud" by Ed Sheeran.

Supposed to be ay may kapartner siya para sa part na iyon. Dalawa lamang ang
kaklase nilang lalaki. Si Casper ang ka partner niya pero dahil may exam ito sa
school kaya hindi makakasama sa self practice niya ngayon. Ilang beses na rin naman
nilang na ensayo ang steps nila at mabilis lang naman iyon. Mas marami pa ang solo
part niya at wala naman itong gagawin kundi buhatin siya at i- lifting.

Tumugtog na ang kanta. Sinimulan na niyang igalaw ang nakatingkayad na mga paa at
mga pumipilintik na kamay. Habang nagpapaikot ikot siya sa studio'y bumalik sa
isipan niya ang mga pinag usapan nila ni Cael pagkatapos silang iwan ni Night sa
kwarto niya kagabi.
"Kung totoong arkanghel ang totoo kong ama ibig sabihin ay may dugo akong anghel?"
tanong niya.

Tumungo tungo ito. "Mortal ang iyon inang si Leona at anghel ang iyong ama. Isa
kang 'nephilim' o yung mga nilalang na kalahating tao at kalahating angel. Subalit
dahil lumaki kang normal sa mundo nang mga tao at dahil may dugong tao ka kaya
marahil wala kang mga pakpak at maaring natutulog pa ang taglay mong kapangyarihan.
Matagal na panahon na simula nang nabuhay ang mga Nephilim na katulad mo. Nang
nagsimulang umusbong ang mga tao sa mundo, umibig ang mga kauri kong anghel sa mga
nilalang na katulad ninyo. Nagkisalamuha sila sa mga mortal at nakipag isa. Naging
dahilan iyon para magbunga nang maraming Nephilim. Hindi naging maganda ang resulta
niyon, maraming mga babaeng nagdalang tao ang namatay sapagkat hindi kinaya ang
taglay na liwanag at kapangyarihan nang mga anghel na nasa sinapupunan nila. May
iilang nakayanan at nakapagpanganak nang Nephilim. Yung mga nabuhay ay nagtaglay
nang kakaibang kapangyarihan na hindi ordinaryo sa mga nilalang. Dahil doon nagalit
ang Ama. Pinarusahan niya ang mga anghel na sumuway sa batas nang langit at
ipinatapon sa lupa."

Hindi niya inaasahan ang mga natuklasan. Masyado pala talagang maraming
kababalaghan sa mundong ito na hindi alam nang nakararami. “A-anung nangyari doon
sa mga nabuhay na Nephilim? Nasaan na sila ngayon?”

Bumutong hininga ito nang malalim bago sumagot.

“Hindi katulad naming mga anghel na immortal at nabubuhay nang matagal na panahon.
Ang mga Nephilim ay katulad lamang nang mga tao na may hanganan ang buhay. Maari
siguro silang mabuhay nang hanggang isang daang taon o mahigit pero hindi sila
aabot nang libong taon. Yung iba ay inabot nang kamatayan, yung iba naman ay
nagtago sa mga tao dahil sa mga kapangyarihan nilang hindi nila makontrol. Iba-iba
ang taglay na kapangyarihan nang Nephilim depende sa pinagmulan na pangkat nang
anghel. Marami sa kanila ang pinilit na mamuhay nang normal at namatay na normal.
Sa paglipas nang maraming taon ay unti-unti na silang namatay hanggang sa naubos na
sila..”

Tumingin ito nang taimtim sa kanyang mga mata. Sa mga pagkakataong iyon, alam at
aware na siya sa totoong nararamdaman nito. Maituturing din kayang bawal ang pag
ibig ni Cael sa kanya kung gayong may dugong anghel naman siya? Pero hindi na niya
tinanong ang bagayna iyon dito ngayon alam naman niya sa sariling walang silbi iyon
dahil isang lalaki lang ang kayang mahalin nang puso niya ngayon.

“At ang aking amang si Daniel? Anung nangyari sa kanya?”

“Espesyal si Daniel. Malaki ang papel niya sa aming mga anghel. Mahalaga ang bawat
Arkanghel. Pangalawa silang mahalaga sa mundong ito para manatiling balanse ang
lahat. Hindi sila maaring mamatay. Nasa buhay nang mga Arkanghel ang buhay nang
lahat nang anghel na nasa pangkat nila. Kapag namatay ang Arkanghel na namumuno,
mawawala din ang buong lupon na nasa pangangalaga nito.”

Napaawang ang bibig niya sa nalaman. Ngayon ay unti-unti na niyang nauunawaan kahit
papaano ang lahat. “Dahil Arkanghel ang aking ama kaya’t hindi siya pinarusahan
nang Ama? Pero pinaghiwalay sila nang aking mommy tama ba? Iyon ang naging
kaparusahan niya? Ang hindi makapiling ang babaeng iniibig at ang kanilang
anak...ako?”

Tumungo tungo si Cael. Pakiramdam niya’y bumibigat muli ang dibdib niya. Bakit ba
naging ganito ka komplikado ang lahat sa buhay niya? Normal naman siyang lumaki.
Ang dating buhay na inaakala niyang halos perpekto na ay marami palang tinatagong
sikreto at kababalaghan.

“Pinapili si Leona noon, at ikaw ang pinili niya. Pinilit niyang mamuhay nang
normal kapiling ka. Dahil namatay na noon ang mga naunang Nephilim. Ikaw na lamang
ang nag iisa at namumukod tanging Nephilim na nabubuhay ngayon. At hindi ka lang
ordinaryong Nephilim Alexine, espesyal ka dahil nanalantay sa dugo mo ang dugo nang
isang Arkanghel..”

Dahil sa sinabi ni Cael ay mas lalo lamang bumigat ang dibdib niya. Gustuhin man
niyang matuwa dahil espesyal siya hindi niya magawa dahil wala siyang ibang
nararamdaman ngayon kundi matinding pangangamba sa lahat nang mga nangyayari sa
kanya ngayon. Na kapalit nang pagiging kakaiba niya sa lahat ay ang panganib na
nakasunod sa kanya at sa mga taong mahal niya.

"Maaring dahilan ang pagiging isa mong Gregory, isa ang lupon nang iyong ama sa may
mahahalagang tungkulin sa mundo. Ang pangangalaga sa oras at panahon. May hinala
akong balak kang gamitin nang mga kalaban dahil na rin sa espesyal mong pagkatao.
Hindi ko pa masiguro kung bakit may kakayahan ang iyong inang makakita nang anghel,
siguradong may papel ito kung bakit ka espesyal..."

Napapikit siya habang sumasayaw sa agos nang napaka romantikong musika. Namumuo ang
mga luha niya sa mata. Buong buhay niya akala niya'y normal siya. Pero isang iglap
nagulo na lang ito bigla. Namatay siya at muling binuhay, ngayon ay hinahabol siya
nang mga kalaban at nais siyang gamitin sa masamang plano. Hindi niya pa alam kung
anu pang mga misteryo at hiwaga ang mayroon sa pagkatao niya at sa kanyang inang si
Leona.

Nawawala ang taong maaring makapag bigay sa kanya nang sagot, si Madame Winona at
ngayon nama'y nasa peligro ang buhay nang kanyang lolo Alejandro at wala man lang
siyang magawa upang iligtas ito.

Sa dami nang problema niya. Sana'y maglaho na lamang siya sa mundong ito. Gusto
niyang takasan ang lahat nang ito. Kahit pansamantala lang.

At sa pagsasayaw niya ito makukuha. Sa pagsasayaw niya maidadala siya sa ibang


mundo at pansamantalang mawawala.

Nasa kalagitnaan siya nang pagsasayaw sa chorus nang makaramdam siya nang malamig
na simoy nang hangin. Patuloy pa rin kasi siyang nakapikit dahil sa oras na dumilat
siya hindi niya na mapipigilan ang mga luha.

Pinili niyang ipikit ang mga mata. Umikot ikot siya at tumalon talon. Sa huling
talon niya'y nagulat siya nang may sumalo sa bewang niya at inangat siya sa ere.
Agad siyang napadilat nang mga mata.

Mataas siyang nakaangat at sa ibaba niya nandoon ang lalaking nagpapa talon nang
puso niya.

"Night...." naurong bigla ang mga nagbabadya niyang luha at napalitan nang saya.

Ngumiti ito. Na conscious siya bigla sa mga kamay nitong nasa kanyang bewang. See
through ang tela doon kaya ramdam na ramdam niya ang init nang palad nito. Hindi
sila nagbibitawan nang mga tingin. Dahan-dahan siya nitong binababa habang
pinapadausdos ang katawan niya dito. Napatingkayad siya nang magpantay ang kanilang
mga mukha

Matangkad ito kaya't mataas ang tingkayad niya para makapantay sa lalaki.

"... what are you...doing here?" nagsimulang bumigat ang paghinga niya.

Her body is screaming for him. And now that they are very close again, she can't
stop the wildness that is starting inside her.

"I'm here to watch you dance..." bulong nang paos nitong boses.

Nakagat niya ang labi. Damn it! Why does he have to be so sexy with that groggy
voice?

"B-but..."

Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil umiling iling ito. "No buts cupcake.. I want
you to dance in front of me. Dance with me..." nang aakit nitong sabi.

Napalunok siya. Ibig sabihin ba'y gagawin nito ang mga lifting parts nang sayaw
nila? Hindi niya alam kung marunong ba itong mag sayaw pero wala na siyang
pakielam. Parang hinihipnotismo kasi siya nang mga titig nito kaya hindi siya maka
hindi. Huminga siya nang malalim at humiwalay dito. Ginawa niya ang mga susunod na
step. Kung saan after chorus ay halos puro solo piece na niya. Bend dito, talon
doon. Panay ang paghumpas nang mga braso at binti niya.

May parte kung saan mapang akit siyang lalapit sa kapartner at paiikutan ito.
Pumuwesto siya sa likuran ni Night at hinaplos ang dibdib nito. Pababa hanggang sa
matigas nitong tiyan. Narinig niya ang mabilis na pag bigat nang hininga nito.

Napangisi siya nang lihim. You want this.

Dinikit niya ang dibdib sa likuran nito at muling hinagod ang dibdib nito at ang
tyan gamit ang isa pang kamay. Inangat niya ang isang binti at pinulupot sa bewang
nito saka naglambitin sa leeg nito at mabilis na umikot papunta sa harapan.

Ngayon ay nakaharap na siya dito at nakalambitin ang mga kamay sa leeg nito.
Nakapulupot ang mga binti niya sa bewang. Napalunok ito nang malaki. yung mga
tingin nito sa kanya nanginginig ang mga kalamnan niya. Sensual na yinakap niya ang
ulo nito. Kasama pa rin iyon sa step. Ginulo gulo niya ang buhok at batok nito.
Ramdam niya ang init nang hininga nito sa dibdib niya.

Oh no! her bodies heating up.

Humagod ang mga kamay nito sa likuran niya. Halos mapaliyad siya sa kiliti.
Dumating sa part na kailangan na niya itong bitawan at tumihaya siya hanggang sa
bumaliktad siya. Hinawakan nang mga kamay niya ang sahig at dahan-dahang nag back
flip para makatayo.

Graceful ang pose niya. Nakita niyang pang napangisi nang malaki si Night. Pungay
na pungay ang mga mata nitong nakatitig sa kabuuan niya.

Humakbang ito papalapit. Agad siyang hinapit sa bewang. Nawala tuloy siya sa sarili
at hindi niya nagawa ang dapat na steps.

"I want you this close..." bulong nito.

Nilapit nito nang husto ang ilong at nilaro laro ang ilong niya gamit iyon. Tuluyan
na siyang nawala sa sarili. Amoy na amoy niya ang bango nang hininga nito at
nahihilo na naman siya sa sarap.

"I don't need a space...we don't need that. Right... my cupcake?"

Napatungo tungo siya. "Right.." aniya.

Ngumisi ito. "Good, now kiss me..."

Tama na ang mga ka artehan. Tapos na ang mga iyon. Masunuring dinampi niya ang mga
labi dito. Para siyang biglang nilipad sa hangin.

Lumalim nang lumalim ang halikan nila. Nagpagapang gapang ang mga haplos nito sa
katawan niya. Sa bewang pababa sa kanyang puwetan at hita. Pinisil nito iyon kaya't
napasinghap siya. Agad nitong pinasok ang loob nang bibig niya. Nanghina ang mga
tuhod niya nang hinigop nito ang hangin sa bibig niya at ekspertong pinaglakbay ang
mga dila sa kanya.

Inangat siya nito. Ngayo'y mas tumaas siya dito. Nakayuko na siya at nakatingala
ito sa kanya. Hindi naputol ang paghahalikan nila. Naramdaman niyang naglalakad ito
hanggang sa napasandal ang likuran niya sa malamig na salamin sa studio.
Inangat ni Night ang mga binti niya. Pinulupot niya ang mga hita sa katawan nito.
Hinawakan ni Night ang puwetan niya suporta para hindi siya mahulog. Pinagsawa nito
ang sarili sa paghalik sa bawat parte nang kanyang katawan. Her body starts to
tremble in so much pleasure.

Parang magaan na papel na buhat buhat lang siya nito at nakasandal ang likuran sa
salamin. Hinawi nito nang palda niya. Bumilis ang paghinga niya nang mula sa pusod
niya'y bumaba ang isang kamay nito sa gitna nang panty niya. "Your so wet here
cupcake....."

Fuck! Nakailang mura na siya sa isipan. Nanghihina na talaga nag mga tuhod niya.
Napapaluwag ang pagkakakapit nang mga hita niya dito.

Tila naramdaman naman ni Night iyon kaya't iniba nito ang posisyon. Inangat nito
ang isang kamay at binuka ang mga palad. Nagulat siya nang biglang gumalaw ang
isang upuan sa gilid at mabilis na nag slide palapit sa kanila. Inupo siya nito
agad sa upuan.

Nanlaki ang mga mata niya sa trick na iyon.

"I'm not yet done.." sabik na hinalikan siya nito muli. Lumuhod ito na hindi
binibitawan ang bibig niya. Sinimulan nitong tangalin ang suot niyang stockings.
Pinutol nito ang halik at hinalikan ang parte ng hita niyang natatangalan nito nang
stocking. Sinandal nito ang isang binti niya sa balikat at hinalikan iyon,
pagkatapos tuluyang matangal ang stocking niya. Muling umangat ang halik nito
pataas sa loob ng hita niya. Halos hindi na siya makahinga sa pinaparamdam nitong
walang katapusang kiliti.

Pumuwesto ito sa pagitan nang mga hita niya at dahan-dahang tinangal ang panty
niya. Gusto niya itong pigilan dahil hiyang hiya siya pero ayaw gumalaw nang mga
kamay niya at napakapit lang nang mahigpit sa magkabilang gilid nang upuan.

After that, he seductively licks his one finger. She groans in pleasure when he
inserted the same finger on her inside. She bit her lip to keep still but the
tickling sensation is climbing up to her brain.

Kakaibang sarap ang naramdaman niya doon. lalo na't nilalabas pasok nito ang daliri
sa kanya. Napaliyad siya nang dinagdagan pa nito nang isa pa. Patuloy ito sa
paglabas pasok sa kanya. Ilang sandali at tinangal nito iyon. He put the two
fingers in his mouth and hungrily taste her wetness. Napamura siya mentally.

It was so erotic yet he done it so sexily!

"You taste so good cupcake..." ngisi nito.

Pulang pula na ang mukha niya. Sa magkahalong hiya at pag iinit. Hindi pa ito
nakuntento dahil binaba nito ang mukha at sinimulang laruin nang sarili nitong dila
ang pinaka private part niya. Nasabunutan niya ito. Napaliyad siya sa sobrang
sarap. Buti na lamang at may sandalan ang upuan kaya'y nasususportahan pa siya.
Kung hindi'y kanina pa siya nahulog sa kinauupuan.

Nang higupin nito ang clit niya'y narating niya bigla yung kakaibang pagsabog sa
loob niya. Nakukuryente na nakikiliti na halo halong pakiramdam.

Halos nakalimutan niya kung nasaan siya pati ang pangalan niya pagkatapos nang
kakaibang sandaling iyon.

And her devil took her to another place.

=================

V.5: Chapter Thirty Seven

Chapter Thirty Seven: I dont care

"I EXPECT na hindi ka na galit sakin..." bulong ni Night sa tenga niya.

Matapos ang nakakahimatay na sandaling pinagsaluhan nila kanina'y pumuwesto sila sa


harapan nang studio. Nakaupo sila pareho sa sahig. Nakasandal si Night sa salamin
at sa loob nang mga binti nito siya nakaupo at nakasandal sa dibdib nito.

Nilalaro laro nito ang mga daliri ni Lexine. Nakayakap ito sa kanya patalikod.
Hindi niya maitago ang kilig.

"No..." sagot niya maya-maya.

"No? As in you’re not angry anymore? Good coz-"

Agad naman niyang pinutol ito sa pagsasalita. "No, hindi ko pa rin yun
nakakalimutan"

Ang pinag uusapan nila'y tungkol sa ginawang paghalik nang Lethium Demon na si
Cruxia kay Night sa labanan sa gubat. Kapag naalala niya kasi iyon ay naiinis pa
rin siya kahit pinatay na niya ang malanding demon na iyon.
"Hey... I told you she was the one who kissed me..." todo explain pa rin ito.

Lihim siyang napangisi. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga siya galit dito,
matapos nang ginawa nila'y makakaramdam pa ba siya ni kahit katiting na inis?
Pinawi na nang mga halik nito iyon.

Gusto niya lang na mag inarte at suyuin siya nito. She just can't stop to feel na
they were like a normal couple na may small fights. And she also like the feeling
of Night’s body pressed tightly on her back while he’s hugging her from behind.

It was sweet right?

"Nagustuhan mo naman..."

Bumuntong hininga ito. "Of course not... hey stop being a jealous cupcake okay?"

"I'm not jealous!" depensa niya.

He chuckled. "Really? Then why are your ears so red? Stop lying..."

Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa bewang niya at sinandal ang baba sa kanyang
balikat.

"Can we just stay like this for the rest of our lives?"

Nabigla siya dito. Parang hindi si Night ang kasama niya. Not so sound like him.
But her heart almost melted by those words.

Minsan naiisip ni Lexine na parang tao lang din si Night. Na minsan, sa kabila nang
misteryo nito at panganib na dala. At sa kayabangan at pagka aroganteng palagi
nitong pinapakita sa lahat. Nagtatago ang isang malungkot na lalaki.

At madalas na iniisip niya kung kahit papaano'y napapasaya niya ang malungkot
nitong puso.

"Night..." tawag niya.

"Hmmm... "

"What's going to happen now? Can we still save lolo? Can I still run away and hide
from the bad guys? Can we find Madame Winona?" napabuntong hininga siya.

"I'm very very tired with all of this. Pagod na akong magtago at makipaghabulan sa
mga gustong kumuha sakin... gusto ko lang naman nang tahimik na buhay kasama ang
pamilya at mga kaibigan ko...." dahan-dahan siyang humarap dito. Nabasa niya ang
kakaibang emosyon nito sa mga mata.

Naluluha na siya. Hinaplos niya ang mukha nito at pinakatitigan itong mabuti. "Na
kasama ka...." bulong niya.

Mas lalong naging kakaiba ang mga tingin nito. Gusto niyang isiping tingin iyon
nang pagmamahal. Na lahat nang halik at haplos nito sa kanya'y may nararamdaman ito
para sa kanya. Na sana kaya siya gusto nito dahil mahal din siya nito at hindi lang
dahil sa pagnanasa o sa pagiging espesyal niya.

Everything around her is all a lie, she just hope that this time, kahit ito lang.
Maging totoo man lang.

"Gusto mo lang ba ako dahil sa espesyal kong kaluluwa? Kaya mo lang ba ginagawa ang
lahat nang ito dahil katulad nila, may masama ka ring balak sakin? Kalaban ka rin
ba Night?" sunud sunud na ang pagpatak nang mga luha niya. Ramdam na ramdam niya
yung kirot at sakit at pagod sa lahat nang ito.

"Gagamitin mo lang din ba ako? Please answer me.... Dahil kung pati ikaw, kung pati
ikaw..." nanghihina na ang boses niya. Napayuko siya. Nag uumapaw na ang mga luha
niya. "...kung pati ikaw isang kasinungalingan lang din. Mabuti pang bawiin mo na
ngayon din ang kaluluwa ko at dalhin ako kung saan ako nararapat, para matapos na
ang lahat nang ito"

Lexine was so desperate and emotional at the moment. Na kung anu-anu nang nasasabi
nito na kahit malinaw na ayaw niya pang mamatay ay pinanghihinaan na lang siya nang
loob at napapagod nang lumaban.

"What's the use of living in this world full of lies, full of danger and death?"
bulong niya.

Inangat ni Night ang baba niya at pinakatitigan siya. Sa unang pagkakataon nagbuka
ito nang pagkatao at nag tangal nang pader na lagi nitong hinaharang sa lahat.

"I'll be honest, the first time I saw your soul the night you were about to die...
I was mesmerized by its beauty and glow. I want you to be mine coz I know there's
something special about you that I can use for more powers...but that was before..
I told you cupcake I'm not good at words.. I can't explain in details the exact
feeling I have for you but there is one thing I know for sure.."

Tumitig nang buong emosyon ang brown nitong mga mata sa kanya. Sobrang lapit nang
mga mukha nila halos wala nang distansya. Pigil hininga niyang inantay ang
sasabihin nito.

"I will never let you go... never. Not because of your power or that special thing
about you. It’s because in this life of mine full of darkness, sin and evil..."
He looked intently at her. His eyes focus only to hers. Kinuha nito ang kamay niya
at nilapat iyon sa matigas nitong didib.

".....you are the only light I have, you are the only one that makes me
happy...that made me realize that beyond this cruel world, at the back of the
darkness and nothingness... the world is still beautiful because of you... "

Napahagulgol na niyakap niya ito. Sapat na ang mga sinabi nito para mapanatag siya.
Para malaman niyang may rason pa para lumaban hanggat nasa tabi niya si Night.

Kahit imposible, kahit langit at lupa pa man sila. Kahit walang kasiguraduhan ang
kinabukasan kapiling ito. Handa siyang ipaglaban ang lahat para mabuhay. Para
makapiling ito habang buhay.

Para sa pagmamahal niya dito.

MAGKAHAWAK kamay na lumabas sila ni Night nang studio pagsapit nang dilim. Kanina
pa rin kasi nag aantay sa kanya si Rico pero dahil ayaw siyang bitawan ni Night
mula kanina kaya't napatagal sila sa loob.

Natanaw na ni Lexine ang sasakyan nila sa tapat nang building. Humarap muna siya
kay Night na malagkit ang tingin sa kanya.

"Hey, I really need to go. Iche-check ko pa si Lolo.." aniya.

Nasa mukha nito na ayaw pa siyang paalisin. Nag pout pa ito na parang bata. Natawa
siya sa pagpapacute nito.

"Can I bring you to my home tonight?" pilyong ngumiti ito.

Namula siya. Kung anu-anu agad ang pumasok sa isip niya.

"Night!" pinandilatan niya ito nang mata.

He chuckled and then kissed the side of her head. Napangiti siya sa kilig. "Just
kidding..."

Yinakap niya ito at hinalikan sa pisngi. "Sige na...Bye"


Nagtitigan pa sila. Parehong nangungusap ang mga mata. Hinding hindi na ata talaga
siyang mag sasawang tignan ang mga matang iyon.

Paalis na sana siya nang hinigit ni Night ang kamay niyang ayaw pa rin nitong
bitawan. Nagtaas siya dito nang kilay. Parang batang ngumuso ito at tinuro ang
nguso.

Napaikot ang mga mata niya sa kapilyuhan nito. Pero lumapit pa rin siya dito.
Hinigit nito ang bewang niya at hinaplos ang batok niya. Para na naman siyang
mawawala sa sarili.

"I don't like your goodbye kiss... I want more." bulong nito sa tapat ng bibig
niya.

"Arte...." natatawa niyang sabi saka ito hinalikan.

The kiss was quick but really intimate.

Totoong nagpaalam na talaga siya dito dahil kailangan na niyang umuwi. Kumaway pa
siya dito at pumasok na nang kotse. Pagkapasok niya'y nagulat siya nang may humawak
sa braso niya. Muntik na siyang mapasigaw.

"Ansell?" nakahinga siya nang maayos. Napahawak pa siya sa dibdib sa sobrang gulat.

Tinanaw niya ang kinatatayuan ni Night. Nawala na ito agad. Marahil nang teleport
na kung saan.

"What are you doing here?"

Madilim at expresionless ang mukha nito. Sa gulat niya'y humigpit ang pagkakakapit
nito sa braso niya.

"What is that Lexine?" gigil na tanong nito.

Natigilan siya dito. Nakita marahil nito ang ginawa nilang halikan ni Night. Na
guilty siya. Ang dami dami na niyang sinisikreto sa bestfriend niya at
naiintindihan niya kung ganito ito magalit ngayon.

Pero wala siyang choice.

"Answer me... sinu ba talaga yung lalaking yun? Why is he keep following you and
why is he..." natigilan ito at bahagyang napatingin kay Rico na tahimik lang sa
drivers seat.
Tumikhim siya at binalingan ang driver niya. "Rico, can we have a minute please..."

Lumingon ito at agad namang sumunod. "Yes maam" bumaba agad ito nang kotse.

Nang mapag isa na sila'y agad siyang muling kinumpronta nito.

"Lexine sinu ba talaga siya? Bakit kakaiba yung lakas at bilis niya? At yung
halimaw na nakita ko sa Pampanga? Anu yun?" sunud sunud na pinaulanan siya nito
nang tanong.

Hindi kaagad siya nakasagot. Napatitig lang siya sa mga mata nitong punong puno
nang tanong. Kahit anung gawin niyang ilayo ito sa kapamahakan mukhang wala na
talaga siyang magagawa dahil marami na itong masyadong nakita.

"Ansell... everything, it’s really.... It’s really hard to explain..."

Lalong kumunot ang noo nito. "I don't care I'll try to understand it okay"

Pero nagdadalawang isip pa rin siya. Natatakot siyang sa oras na malaman nito ang
lahat siguradong tuluyan na itong ma iinvolve sa gulo nang buhay niya. Knowing his
bestfriend and how he cares about her. Siguradong hindi ito tatahimik na lang basta
at tutunganga.

Napabuntong hininga ito at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Look, if you


think na baka hindi ko paniwalaan ang mga sasabihin mo you’re wrong.... There's
something weird happening with me. I feel it and I know na may alam ka dito..."

Nanlaki ang mga mata niya. Kung ganoon ay aware ba ito tungkol kay Cael?

"A-ansell... I... "

"There is someone messing in my head since the night of Xyrille's party. After all
those whispers mabla-black out na lang ako bigla at magigising na nasa kwarto ko na
at walang maalala. At nung nasa Pampanga tayo while I'm trying to follow you when
that monster caught you, kinausap na naman niya ako. Ang sabi niya kailangang ko
daw makipagtulungan sa kanya para iligtas ka..."

Nabigla siya sa mga sinabi nito. Ang buong akala niya kasi walang kamalay malay si
Ansell sa ginagawang pagsanib ni Cael sa katawan nito. Kung ganoon ay kinakausap
rin pala ito ng anghel niyang tagabantay.

Napapikit siya. She already have no choice. Karapatan din naman ni Ansell na
malaman ang totoo dahil katawan niya ang involve dito. Besides he's her bestfriend.
Dapat niya itong pagkatiwalaan.
"Yung lalaking sumasapi sa katawan mo, he's name is Cael. Isa siyang angel"

Nanlaki nang husto ang mga mata ni Ansell. Hindi makapaniwala.

"A-angel?"

Tumungo tungo siya. "He's my guardian angel. And the reason why he's possessing
your body is to protect me from the enemies that keeps on haunting me these past
few weeks..."

Napanganga ito sa kanya. Lalong kumunot ang mga noo. Saglit lang itong natulala na
tila pinipilit i-sync in sa isipan nito ang mga sinabi niya.

"At si Night?" maya-maya'y tanong nito.

Napabuntong hininga si Lexine. There's no use of lying anymore.

"He's a demon prince..." lalong nanlaki yung mga mata ni Ansell sa kanya. "Seven
years ago nung na-ospital ako. Nakidnap ako nun at nabaril ako. Mamatay na ako
dapat nang araw na yun pero binuhay ako ni Night.... He's a scheduler or like grim
reaper or something... 'Tagasundo' ang tawag sa kanya ni Cael. Sumusundo siya ng
mga namamatay na kaluluwa. And he said that the when he saw my soul the night I was
about to die, he saw something special with it kaya binuhay nya ako. Now I am tie
under his hands..."

Nakagat niya ang labi at hindi makatingin dito nang diretso.

"Wait... you said na he's a demon? Then bakit nakikipaglapit ka pa rin sa kanya?
Baka isa lang din siya sa mga kalaban na gusto kang saktan. You need to get away
from him Lexi!"

Napailing iling siya.

"No I can't do that.... I can't get away from him..."

Lalo itong napasibangot. "Why? Is it because he is holding your soul?"

Sunud sunud ulit ang pag iling niya. Tinitigan niya si Ansell sa mga mata.

Napagbalik tanaw niya yung lahat nang pinagdaan niya sa kamay ni Night simula nang
niligtas siya nito at maging yung mga pananakot nito sa kanya noon. Naalala niya pa
kung paano niya ito kasuklaman at the same time kung paano nito iparamdam sa kanya
yung mga kakaibang bagay sa sarili niya. How he easily played with her feelings.
Pero sa kabila nang lahat nang masasamang bagay na nagawa nito at the end,
kailanma'y hindi siya nito sinaktan o hinayaang masaktan sa kamay nang mga kalaban.
Na sa kabila nang mga pananakot at paglalaro nito sa kanya noon, palagi pa rin siya
nitong inililigtas sa kapamahakan.

Siguro nga isang masamang nilalang ang lalaking iniibig niya. Siguro nga he's
dangerous, selfish and possesive with her. But after all that negative traits he
have and after all the circumstances and complication with her life with him.

Ito lang ang tanging lalaking nakapagpasaya sa kanya. Ito lang ang nakapagparamdam
sa kanya nang bolta-boltaheng kuryente sa katawan na nanalantay sa mga ugat niya.
He's a man may be born with a dark heart, but she knew to herself that despite the
darkness inside him. He has a good heart that loves her truly.And he's the only one
her heart wants to love forever.

"It’s because I love him...." sa wakas ay sagot niya dito.

Parang nabuhusan nang malamig na tubig ang naging reaksyon ni Ansell. Nanigas ito
sa kinauupuan at napabitaw sa balikat niya. Saglit itong natulala.

"What?... are you out of your mind Lexi?" panay ang iling nito sa kanya "Do you
hear yourself? He's dangerous!"

"I dont care!" sigaw niya.

"Kahit saan naman ako magtago hinahabol pa rin ako nang kapamahakan e. So I dont
care anymore kahit anung pahamak pa ang kahihinatnan ko sa kanya. I don't give a
fuck with that Ansell it’s because I love him and I want to be with him!"

Sa gulat niya'y galit na sinipa nito ang likuran nang upuan sa unahan. Gigil na
sinabunutan nito ang sarili na tila nagtitimping magwala. Ngayon niya lang nakitang
nagkaganun ang bestfriend niya.

"Fuck Lexi! Just fucking fuck!" sigaw nito.

Kinabahan siya sa inaakto nito. Never itong nagwala sa harapan niya.

"Ansell.... "

Nang lumingon ito sa kanya pagtapos nang ilang sandali'y nadurog ang puso niya. May
sakit at kirot sa mga mata nito na hindi niya inakala.

Hinawakan niya ito sa braso. "Ansell...."


"I dont understand..." anito pailing iling. "I don't understand why it’s have to be
him.... After all, the danger he's given to you? Lexine... wake up! He's not worth
it!"

Inaasahan na niyang tututol ito sa kanila ni Night. Sinu ba naman kasi ang sasang
ayon? Kung langit at lupa nga siguradong tutulan sila, ang mga malalapit na tao pa
kayang nagmamahal sa kanya?

"I'm sorry, but I don't want to wake up from this nightmare as long as Night's
inside it. I just want nothing else but him..." pinal na sabi niya.

Nakita niya yung matinding hinanakit nito. Na hindi makapaniwala sa katangahan


niya. Malaki ang pagtutol nito at may kakaiba pa sa mga mata nito na naguguluhan
siya.

Bakit tila sobra itong nasasaktan?

Hahawakan niya sana ang mukha nito pero mabilis iyong nag iwas at mabilis na bumaba
nang sasakyan at iniwan siyang mag isa. Natulala lang siya sa loob at hinayaang
tumulo ang kanyang mga luha.

=================

V.5 : Chapter Thirty Eight

Chapter Thirty Eight : Last Kiss

"LOLO PLEASE wake up.." tahimik na humihikbi si Alexine sa gilid nang higaan nang
kanyang abuelo. Yakap yakap niya ito at nakapatong ang kanyang ulo sa dibdib nito.

Naririnig niya ang napaka hinang pagtibok nang puso ni Alejandro. After what
happened to the car with Ansell she found herself crying in front of his
grandfather. Kung sana'y maayos ito at walang sakit, ito sana ang nakakausap niya
ngayon sa mga problema niya.

Parang gusto niyang magsisi na hindi niya masyadong nilaan ang oras niya sa kanyang
lolo Alejandro nitong mga nakaraang lingo. Masyado siyang na occupied ni Night at
lumipas ang mga lingo niyang nakikipaghabulan sa kamatayan. Pero hindi niya
naibigay ang ibang oras para sa abuelo. Kung may mangyayaring masama dito
pagsisihan niya iyon ng lubos.
Muli niyang inangat ang mukha at pinakatitigan ang mahimbing nitong pagtulog. Mas
pumutla ang kulay nang lolo niya. Halos wala nang kulay ang labi nito. Nangingitim
na ang kanyang mga kuko sa daliri at ilalim nang mga mata.

Takot na takot si Lexine. Matatapos na naman ang pangalawang gabing wala siyang
nagawa para mailigtas ang lolo niya sa kamatayan.

Ito na ba ang huling mga sandali niya kapiling ang kanyang pinaka mamahal na lolo?

No it can't be! I need to do something!

Pero anung magagawa niya? Hindi kayang pagalingin ng anino ni Night na si Ira ang
kanyang lolo, hindi rin iyon magawa ni Ithurielle, ang anghel sa kwintas niyang
binigay ni Madame Winona. At hanggang ngayon ay nawawala pa rin ang Sorcerer na
kaibigan pala nang kanyang ina.

May natitira pa ba siyang pag asa? Lalo siyang napahagulgol sa naisip. Muli niyang
naalala ang sabi nang Lethium Demon na naglagay nang demon curse kay Alejandro.

"Nais nang aking kamahalan na isuko mo ang iyong sarili sa kanya sa pagdating nang
kabilugan nang buwan sa darating na pangatlong gabi. At kapag hindi mo iyon
ginawa... magpaalam ka na sa pinakamamahal mong lolo..."

Ngunit sunud-sunud ang naging pag iling niya. Siguradong magagalit si Night kapag
ginawa niya iyon. Hindi rin papayag si Cael. Higit sa lahat. Gaano ba siya
nakakasigurong tutuparin nga nang kaaway ang pangako nitong kaligtasan nang lolo
niya? At anung nag aantay sa kanya kapag lumapit siya nang kusa dito?

Napapitlag siya nang maramdaman ang biglang pangingisay ni Alejandro.

"L-lolo....lolo what's happening!" Nagimbal siya nang makitang nag se-seizure ito.
Tumunog din ang beeper nang makina at nakita niyang nagsisimula nang humina ang
line nang hearbeat nito.

Kinabahan siya nang husto.

"Lolo...no...please... no no no...." iyak niya. Pinilit niyang pigilan ang


pangingisay nang katawan nito pero ayaw niyong tumigil. Naiyak na lang siya nang
tuluyan.

Nagilalas siya nang makitang bumubula na ang bibig nito. Napatakip siya sa bibig.
"Oh my God.."

Takot na takot siya. Hindi niya alam ang gagawin. Biglang bumukas ang bintana sa
kwarto. Isang itim na anino ang biglang pumasok sa loob at nagpaikot ikot sa
kisame. Napaatras sa isang sulok si Lexine sa takot.

Umikot ikot ang itim na anino at unti-unting nag form nang isang hugis tao. Mabilis
na lumutang iyon patungo sa direksyon niya.

Halos napigil ni Lexine ang paghinga nang huminto ang anino sa harapan mismo nuiya.
"Magandang gabi aking mahal na Mortal..."

Nanlaki nang husto ang dalawa niyang mata. Kinilabutan siya sa malalim na boses
nang babae na nagmumula doon. Tila nangagaling iyon sa kung saang ikailaliman nang
mundo.

"S-sino ka?"

Nanatili lang iyong lumulutang. Wala siyang makita kundi puro itim.

"Tawagin mo akong Lilith..."

Bigla na lang siyang nakaramdam nang matinding kilabot nang marinig ang pangalan
nito.

"Lilith..."

Tumawa ang boses. Kinilabutan siya lalo. "Ako na nga wala nang iba, ang nag iisang
nilalang na makakapag pagaling sa iyong pinakamamahal na abuelo..."

Nanginig ang buong kalamnan ni Lexine. Kung ganoon...ang kausap niya ngayon ay
walang iba kundi ang...

"Ikaw! Ikaw ang may kagagawan nang lahat nang ito...." nangigil siya sa galit.

Tumawa ito nang nakakaloko. "Ako na nga...sa wakas ay nagkausap na rin tayo anak
ng Arkanghel na si Daniel.. "

Namilipit ang dalawa niyang kamao. Ang marinig ang pangalan nang kanyang tunay na
ama mula sa kaaway ay nakapag tindi lalo nang galit niya dibdib. Lalo na at ang
nilalang na nagtatago sa loob nang boses at aninong ito ang nilalang na kumitil
nang buhay nang kanyang mommy Leona at daddy Andrew.

"Hayop ka! You killed my parents! You’re nothing but an evil..." singhal niya.

"Tama yan aking mortal...ako nga ang pumatay sa iyong mga magulang at hindi ako
magdadalawang isip na isunod ang natitira mong pamilya kung hindi ka susunod sa
gusto ko..."
Nagimbal siya dito. Nag aalalang tinignan niya ang kanyang lolo. Hindi pa rin ito
tumitigil sa pangingisay. Naiyak siya sa halo halong emosyong nararamdaman niya
ngayon.

"Anu bang gusto mo sakin!? Huwag mong idamay ang lolo ko dito, napaka sama mo
talaga!"

"Wala kang sapat na kaalamanan kung gaano ako kalakas at kasama mahal kong
Alexine...at hindi mo magugustuhan ang aking gagawin kung hindi mo isusuko ang
iyong sarili saking mga kamay...mamili ka mortal...ang sarili mo o ang kaligtasan
nang pinakamamahal mong abuelo...."

"Hihintayin ko ang ating pagkikita bukas nang gabi.... Huwag kang magkakamaling
ipaalam ang tungkol dito sa pakilamero mong anghel kung ayaw mong pati siya'y aking
paslangin ...

"Hayop ka! Huwag mo silang idamay dito ako ang gusto mo kaya tigilan mo na sila!"
Sigaw niya.

"....gagawin ko lamang iyon kung isusuko mo ang iyong sarili... hindi na ako
makapag antay na mayakap ka mahal kong mortal..."

Lumutang ito at umikot sa likuran niya. Pumihit siya upang sundan ito. Dire-diretso
itong lumutang sa harap nang bukas na bintana. Sinundan niya ito.

"At higit sa lahat...."

Natigilan siya. Pinakatitigan mabuti ang itim na aninong nakatayo doon.

"Sa oras na muling makielam ang pinakamamahal mong prinsipe hindi ako magdadalawang
isip na paslangin siya .. hindi mo alam kung gaano ako makapangyarihan...kayang
kaya ko siyang alisin sa mundong ito habang buhay...."

Iyon ang huling mga salita nito bago tuluyang lumipad at tuluyang naglaho.

Nanginginig na napaupo siya sa sahig. Natulala lamang siya sa madilim na


kalangitan. Ang lolo niya, si Cael, si Madame Winona at pati si Night.

Lahat sila'y mapapahamak nang dahil sa kanya. Hindi niya kayang makitang isa-isang
papatayin nang kalaban ang mga mahal niya. Pinatay na nito ang kanyang mga
magulang. Hindi na niya kakayanin pang may muli pang mapahamak.

Nang gabing iyon nabuo ang isang desisyon na kahit labag sa kanyang kalooban ay
dapat niyang gawin. Napalingon siya sa kanyang abuelo. Tumigil na ito sa
pangingisay. Naging stable na ulit ang hearbeat line nito sa screen nang machine.
Nakahinga siya nang maluwag.

Lexine already has her last option. She just can't stand here and do nothing. She
can't just hide behind her angel and her devil protectors.

She needs to fight on her own because this is her battle.

HINDI NAKATULOG buong gabi si Alexine kaya naman maitim ang mga mata niya
kinabukasan.

Napatingin siya sa singsing na nasa maliit na glass box na nasa palad niya. Iyon
ang isa sa mga bagay na kasama nang diary ng mommy niya na nakuha niya sa library
ni Madame Winona.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung paano iyon mabubuksan at kung anu
ang misteryo sa likod nang singsing na ito.

Mamayang gabi na ang competition night nila. Iyon na marahil ang huling gabing
makakasayaw siya sa harap nang maraming tao sapagkat pagkatapos nun, ay tuluyan na
niyang isusuko ang sarili sa makapangyarihang demonyong si Lilith.

Labag man at mabigat para sa kanya ang gagawin. Mas nanaisin na niyang isakripisyo
ang sarili para sa ikaliligtas nang mga taong mahal niya.

"I'm sorry mommy...daddy..." kausap niya sa wedding picture ni Leona at Andrew na


nasa ibabaw nang side table niya.

"But I need to do this....I need to save Lolo Alejandro...I need to protect


everyone..."

Buong buhay niya palagi na lang ibang tao ang pumo-protekta sa kanya. Palagi na
lang niya inaasa sa iba ang kaligtasan niya. Naging mahina siyang babae.

Pero tapos na ang yugtong iyon. Kailangan na niyang tumayo sa sariling mga paa at
matutong lumaban. Kailangan niyang magdesisyon mag isa para sa ikabubuti nang mga
taong halos itaya ang mga sariling buhay ma iligtas lang siya.

This time, it will be her who will protect them.


Hinubad niya ang suot na kwintas.

"Ithurielle magpakita ka sakin..."

Lumiwanag iyon at lumutang. Bumukas ang pagitan nang buwan at araw sa palawit.
Lumabas ang puting perlas.

"Aking Prinsesa...."

Tinitigan niya itong mabuti. "I want you to do something for me...."

"Anu ang iyong hiling mahal kong Prinsesa?"

Huminga siya nang malalim bago sumagot. "Please bring me to Night..."

Biglang lumiwanag ang paligid. Nasilaw siya nang husto at napatakip sa mukha gamit
ang dalawang braso. Lumindol ang buong kwarto niya at unti-unting nawasak.
Naramdaman niyang tila hinigop siya nang kakaibang pwersa bago niya natagpuan ang
sarili sa isang pamilyar na lugar.

Wala pa ring pagbabago ang lugar na iyon mula nang huli siyang namalagi doon.

Sa malaking kama sa gitna nang madilim na kwarto natagpuan niya si Night. Gabi sa
Paris, France nang mga sandaling iyon. Dahan-dahan siyang lumapit dito.

Tahimik siyang umupo sa gilid nang kama at pinagmasdan ang mahimbing nitong
pagtulog.

He looks so peaceful while he's asleep. Hindi nababawasan ang natatanging


kagwapuhang taglay nito kahit na tulog.

This guy, this demon who used to scared her. Is the only one she wants to kiss and
embrace for the rest of her life.

Sa kabila nang katotohanang hanggang ngayon ay isa pa rin itong misteryo sa kanya.
Hinding hindi niya makakalimutan lahat nang mga alaalang mayroon siya kapiling ito.
Kahit sandali lamang ang mga iyon. Bawat halik nito, bawat haplos at hininga nito.
Lahat nang iyon siguradong babaunin niya saan man siya magpunta kahit na sa
kabilang dulo pa nang mundo.

"Night....."

Dampi hinaplos nang dulo nang mga daliri niya ang mukha nito. Mula sa kilay, mata,
ilong at mga labi na bahagyang nakauwang at may mahinang paghilik.
Pinababa niya ang mga daliri sa tattoo mark nito sa leeg na black feather. Hanggang
sa colarbone at gitna nang dibdib nito. Maingat niyang hinaplos bawat tattoo marks
nito sa katawan.

She wants to feel his body and skin for the last time. Dahil pagkatapos nang gabing
itong walang kasiguraduhan kung magkikita pa sila muling dalawa. O kung mabubuhay
pa ba siya.

Hot tears start streaming down to her face. Her heart aches so much just by looking
at him like this. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha dito at dampi itong
hinalikan sa mga labi. Mabilis ngunit ninamnam niya iyon. At katulad nang palagi
niyang nararamdaman. Nag uumapaw ang puso niya sa tuwing nagtatagpo ang mga labi
nila.

"I love you so much Night....thank you for everything...." bulong niya.

Iyon ang huli niyang alaala sa lalaki na babaunin niya magpakailanman.

=================

V.5: Chapter Thirty Nine

Chaper Thirty Nine : Answers

KABADONG HUMARAP si Lexine sa harap nang maraming tao. Sa malawak na Meralco


Theater kasalukuyang ginaganap ang National Ballet Competition 2014.

Punong puno nang mga tao ang buong teatro. Sa gilid nang backstage nandoon si
Kristine na bumulong nang "goodluck" sa kanya. Binigyan niya ito nang tipid na
ngiti at muling humarap sa lahat.

Tumapat sa kanya ang spotlight at nagsimulang tumugtog ang song piece. Inangat niya
ang mga kamay at tiningkayad ang mga paa at saka hinayaan ang sariling liparin at
gayakin nang musika.

"Congratulations Lexine! You did really well..." tumili si Kristine bago siya
mahigpit na yinakap.

Masayang sinalubong niya ito. Nagkangitian sila nang bumitaw siya sa yakap nito.
"Thanks Ms. Kristine, I'm actually very nervous up there. I almost fell after the
final spin..."

Sa sobrang kaba niya kanina muntik na siyang matumba nang ginawa niya ang kanyang
final spin. Buti na lang at nabawi niya ang kanyang balanse.

"Its okay...you did really well...it’s perfect" papuri nito.

Nagkatitigan pa silang dalawa. Naisip niya na isa si Kristine sa mga taong


tumutulong sa kanya. At malaki ang utang na loob niya dito. Nais niya sanang
bangitin dito ang tungkol sa nangyari kay Madame Winona ngunit naisip niyang itikom
na lang ang bibig. Ayaw niyang pati ito ay madamay pa.

"Hey...you okay? You look pale....if this is about your Lolo Alejandro you don't
need to push yourself too hard Lexi. Everything will be okay..." hinimas himas nito
ang magkabilang braso niya.

Nagpasalamat siya dito at sa huling pagkakataon ay muli itong yinakap nang


mahigpit. Nagpaalam siya ditong magpupunta lamang nang restroom.

Habang naglalakad siya sa hallway patungong restroom sa likod nang backstage ay


hindi niya maiwasang kabahan. Walang ibang tao doon kundi siya lamang. Patay sindi
pa ang ilaw na dulo niyon kung saan nandoon ang pinto nang comfort room. Napalunok
siya. Pakiramdam niya'y may nakasunod sa kanya at nagmamasid.

Dahan-dahan siyang naglakad. Halos naririnig na niya ang sariling paghinga. Alam
niyang ngayong gabi ang kabilugan nang buwan. At ngayong gabi ang huling palugid ni
Lilith sa kanya. Alam niyang kahit anung oras ay maari itong lumitaw at kahit
nagdesisyon na siyang sasama dito'y hindi pa rin niya naiwasang matakot.

Narating niya ang comfort room at mabilis na pumasok sa loob. Sinara niya iyon at
nilock. Siya lang din ang mag isa sa loob. Kabadong humarap siya sa salamin.

"Relax Lexine....relax..." kausap niya sa sariling repleksyon.

Binuksan niya ang gripo at naghilamos. Biglang lumamig ang temperatura at nagpatay
sindi ang ilaw. Takang napatingin siya sa flourescent light na nagpapatay sindi.

Nakarinig siya nang kaluskos mula sa kanyang likuran. Agad siyang napapihit doon.
Ngunit wala naman siyang nakita kundi ang apat na cubicle.

Nagsitaasan lahat nang balahibo niya sa katawan.

"Sinong nandito? Magpakita ka .." lakas loob niyang sabi.


Pero walang sumagot.

Napatalon siya nang biglang bumukas lahat nang gripo sa lababo at sunud sunud na
nag flush ang mga toilet sa apat na cubicle. Nagbukas sara pa ang mga pinto nang
mga iyon.

Nanginig siya sa takot. "What do you want!"

Isang itim na bulto ang mabilis na tumalon mula sa kung saan. Napatili siya sa
takot at tumakbo. Pero nadulas siya sa basang sahig at mabilis na natumba paupo.

"Aww.."

Pag angat niya nang tingin ay nagulat siya nang makita ang bultong nakatayo sa
harapan niya.

Nakatingin nang diretso sa kanya ang dilaw nitong mga mata. Hindi siya
makapaniwala.

"Ametysth? What are you doing here? Paano ka .."

Unti-unting lumakad ang itim na pusa sa kanya. May kakaiba sa kung paano tumitig sa
kanya ang mga mata nito. Napausog siya palayo hanggang sa napasandal siya sa
malamig na pader sa sulok.

"Huwag kang matakot Alexine....ako ito..."

Natigilan siya nang makitang bumuka ang bibig ni Amethyst na parang sa isang tao.
Lalo na nang marinig niya ang pamilyar na boses na nangagaling mula dito.

She can't believe it was her!

"Ma.....ma...madame Winona?"

Mula sa maliit na itim na pusa'y unti-unti itong lumaki at nag form nang hugis tao.
Nanlaki ang mga mata niya nang tumayo iyon at lumapit sa kanya.

It was really Madame Winona!

"But...but how? you were missing...I thought they already killed you.."

Malungkot na ngumiti ito at hinawakan siya sa dalawang kamay. Inalalayan siya


nitong makatayo. "Nakaligtas ako mula sa pag atake nang mga Lethium Demons..."
Nabunutan siya nang tinik nang makumpirmang ito nga talaga si Madame Winona at
hindi siya nililinlang nang kanyang mga mata.

"Namatay na ang katawang lupa ko pero bago iyon mangyari, sumanib ako kay Amethyst
kaya naman nang pumasok ang mga kalaban sa basement ay wala na silang naabutan ..."

Kung ganoon ay ganoon pala ang nangyari. Kaya pala puro dugo ang loob nang basement
sa bahay nito nang magpunta sila ni Night doon. Masayang yinakap niya ang babae.
She was now relieved to know that the woman was still alive. Marami siyang gustong
itanong dito na alam niyang ito lang ang makakasagot.

"Bakit hindi po kayo nagpakita agad sa akin..."

"Kailangan ko munang magtago sa anyo ni Amethyst...pinababantayan ka ni Lilith at


sa oras na makita nila ako siguradong papatayin nila ako para patahimikin..."

Napailing iling siya. Napakasama talaga nang babaeng iyon!

"Kilala niyo si Lilith?.."

Tumungo tungo ito. "Si Lilith ang makapangyarihang demonyo na nagmula sa ilalim
nang mundo. Lubos na makapangyarihan at mapanganib siya anak. At hindi siya titigil
hanggat hindi ka niya nakukuha para gamitin sa masasamang plano niya.”

Napasinghap siya. Kung ganoon ay hindi nga talaga biro ang kalabang humahabol sa
kanya! Napaka mapanganib nito!

" Tinaya nang mommy mo ang buhay niya para iligtas ka. Ngunit ngayong nalaman ni
Lilith na buhay ka pa ay hindi siya titigil...”

Napahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito. Napailing iling siya. "She put
a cursed to my Lolo, and the only way to save him is for me to surrender to her..."

Nagilalas ito sa sinabi niya. Mariin itong umiling. "Makinig ka anak! Hindi ka
maaring sumuko sa kanya, mas mapapahamak ang lahat kung gagawin mo iyon. Kasama na
ang lolo mo..."

Napailing siya. "But lolo will die soon...hanggang ngayong gabi lang ang palugid na
binigay niya sakin..."

"May ibang paraan pa upang iligtas si Alejandro..."

Napatigil siya sa sinabi nito. "Anu po yun? Please Madame Winona help my lolo..."
nagmakaawa siya.

"Ang magagawa ko lamang ay ang mapatagal pa ang buhay niya..iyon lamang ang kaya
nang aking kapangyarihan. Ang tanging makakapag alis nang sumpa ay ang nagbigay
nito. Si Lilith... pero may isa pang paraan..."

Tumitig sa kanya ang mga mata nito. Kinabahan siya habang inaantay ang sagot nito.

"Ang iyong tunay na Ama...si Daniel. Siya ang makatutulong sa atin para iligtas ang
iyong lolo..."

Doon niya lamang muling naalala ang tungkol sa totoo niyang ama at sa kanyang
pagkatao. Kung ganoon ay marami pala talagang nalalaman si Madame Winona tungkol sa
kanyang mga magulang.

"Paano ko naman siya makakausap o makikita? Paano po ako makakahingi nang tulong sa
kanya?..."

Napatigil siya. Bigla niyang naalala ang isang nilalang na maaring makatulong sa
kanya para makausap ang kanyang ama. "Si Cael...my guardian angel..."

Ngumiti ang matanda sa kanya. "Tama, siya...ang iyong tagabantay..."

Bakit nga ba hindi niya iyong agad naisip. Kung ganoon ay may pag asa pa! May pag
asa pa siyang mailigtas ang kanyang lolo. Ngayong andito na si Madame Winona ay may
tutulong na sa kanya.

"Ipagpaumanhin mo anak kung hindi ko agad sinabi sa iyo ang tungkol sa pagkatao mo.
Nung una kitang makitang sa tapat nang aking pintuan agad kong nakita sa iyo si
Leonna. Kamukhang kamukha mo ang iyong ina..." hinaplos nito ang pisngi niya. Hindi
niya napigilang mapaluha.

"Nang mahawakan ko ang palad mo'y marami akong nakita. At doon ko rin napatunayan
na talagang ikaw nga ang anak nang matalik kong kaibigan...ngunit pinili kong
itikom ang bibig tungkol sa bagay na iyon dahil nais kitang protektahan..."

Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. Napakabuti ni Madame Winona.
Masaya siyang makilala ang natatanging kaibigan nang mommy niya.

"Mahal na mahal ka ni Leonna, higit pa sa pagmamahal niya kay Daniel...."

Nakuha nito nang husto ang atensyon niya. Ito na ang kwento sa likod nang lahat
nang nakaraan nang kanyang mga magulang.

"Madame...please sabihin niyo po sa akin ang tungkol sa kanila...gusto ko pong


malaman..." aniya.

Ilang saglit siya nitong tinitigan bago binitawan ang kanyang mga kamay. Naglakad
lakad ito na tila inaalala ang nakaraan. Humarap ito sa kanya at tipid na ngumiti.

"Mga bata pa lamang kami nang madiskubre na nang iyong ina ang kakaiba niyang
kakayahan. Nakakakita siya nang mga bagay na hindi nakikita nang ordinaryong mga
mata. At isa na doon ang mga anghel..." pagsisimula nito.

Hindi niya mapigilang ma excite sa mga ikwekwento nito. Tahimik siyang nakinig.

"Galing ako sa pamilya nang mga Warlock o mga Sorcerers. Sa kabila nang pagkakaiba
namin nang iyong ina naging malapit kami sa isat isa. Dahil nag iisa siyang anak at
ako naman ang bunso at nag iisang babae sa aming magkakapatid. Itinuring namin ang
isat isa na tila magkadugo. Naging matalik kaming magkaibigan...hanggang isang
araw, tumakbo na lang sakin ang iyong ina at sinabing may napupusuan na siyang
lalaki..nais kong makilala ang tinutukoy niya ngunit tumangi siya. Ayaw niyang
sabihin sakin ang dahilan..."

"Hanggang sa nahuli ko silang lihim na nagtatagpo nang lalaking iyon. At ang


lalaking iyon ay walang iba kundi ang Arkanghel na si Daniel...pinagsabihan ko ang
iyong ina na itigil ang kanyang kahibangan dahil labag sa batas sa kalangitan ang
ginagawa nila ni Daniel. Subalit mahal na mahal nila ang isat isa at walang
makapigil sa kanilang paagmamahalan. Kaya naman nang magbunga ang pagmamahalang
iyon, labis akong nangamba para sa kaligtasan nang iyon ina..."

Pakiramdam ni Lexine ay pansamantalang tumigil ang mundo niya at napunta siya sa


loob nang mga kwento ni Madame Winona. Pabalik sa nakaraan. Sa kanyang pinagmulan.

"Nang malaman nang ibang mga anghel ang tungkol sa iyo at sa bawal na relasyon nang
mga magulang mo'y ipinaghiwalay nila ang dalawa. Hindi nila pinahintulutang
makababa nang lupa si Daniel at pinagbawalan nila ang iyong ina na lumapit sa
kanya. Tinakot nila si Leonna na kapag hindi ito lumayo kay Daniel, kukunin ka
nila"

Tumingin ito sa kanya. Kahit wala pa siya nang mga panahon na iyon pakiramdam
niya'y nararamdaman niya ang pighanti at paghihirap nang mommy niya

"Kaya pinili ni Leonna na lumayo at magbagong buhay. Doon siya ipinakasal ni


Alejandro kay Andrew hanggang sa ipinanganak ka...pinili nang iyong ina ang tahimik
na buhay kasama ang kanyang pamilya. Ngunit hindi maitatago ang totoo mong
pagkatao...paslit ka pa lamang nang unang lumabas ang kakaiba mong kakayahan..."

Lubos na napakunot ang noo ni Alexine. Tama ba iyong narinig niya dito? "Kakayahan?
What do you mean..."

Humugot ito nang malalim na hininga bago muling nagpatuloy. " Isang gabi, muntik na
kayong maaksidente ni Leonna. Malakas ang ulan at madilim. Nagmamaneho ang iyong
ina at kasama ka niya sa kanyang tabi. Isang gegewang gewang na truck ang biglang
lumitaw. Pinilit ni Leonna na iwasan ang truck at dahil madulas ang daan nawalan
siya nang break at umikot ikot ang sasakyan niyo hanggang sa dulo nang bangin."

"Muntik nang mahulog ang sasakyan niyo sa bangin nang bigla mong pinahinto ang
oras...may lumabas na liwanag sa iyong mga kamay. Kinontrol mo ang oras Lexine
dahil doon nagkaroon ang mommy mo nang chance na iligtas kayo at makalabas sa
sasakyan bago iyon mahulog.."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napatingin siya sa sariling mga kamay. Totoo
ba talagang nagawa niya iyon nung bata pa lang siya? Imposible! Wala naman siyang
maalalang ganung pangyayari. At twenty years old na siya ngayon pero never nangyari
ang ganung pagkakataon!

"Pero...I can't remember that scene. At bakit never kong na encounter ang ganoon
habang lumalaki ako?"

"Dahil binigyan kita nang proteksyon. Gamit ang isang makapangyarihang spell,
inalis ko ang alaala mo sa gabing iyon at hinarangan ko ang isipan mo. Dahil doon,
hindi mo na naalala na may ganoon kang kapangyarihan kaya hindi mo na ito nagawa
ulit... dahil binura ko na ang bagay na yun sa alaala mo.."

"Isa pa, ginawa ni Leonna ang lahat para hindi mo na ulit magamit ang kapangyarihan
mo. Binantayan ka niyang mabuti at sinigurong hinding hindi mo na magagamit ang
espesyal mong kakayahan na kumontrol nang oras at panahon. Pero lingid sa
kaalamanan nang iyon ina na may nakakitang Lethium Demon sa nangyari nang gabing
iyon. Matagal nang naging maingay sa lahat ang tungkol sa iyo nang ipinanganak ka.
Pagkatapos nang libo libong taon simula nang maubos ang mga Nephilim na katulad mo,
ngayon na lamang muli may isinilang na isang Nephilim. Nakaragdag pa na isang
Arkanghel ang iyong ama kaya ka naging espesyal. Nakarating kay Lilith ang tungkol
sa espesyal mong kapangyarihan kaya't ninais ka niyang makuha upang magamit sa mga
plano niyang makapaghasik nang kasamaan..."

"Ilang beses niyang tinangkang ipadukot ka..hanggang sa naisipan nang iyong inang
linlangin sila. Sinabi ni Daniel ang masamang tangka ni Lilith sayo, tinulungan ko
si Leonna at gumawa kami nang pekeng katulad mo upang ilito ang kalaban. Iniwan ka
namin sa iyong lolo. Kaya naman nang tangkain kang dukutin nang araw na iyon
nanlaban ang mommy at daddy mo. Nagkaroon nang labanan at sumabog ang sinasakyang
nilang private plane. Na naging dahilan nang kanilang pagkamatay..."

Hindi na napigilan ni Lexine ang bagyong mga luhang panay pag agos sa kanyan mga
mata. Kahit anung pagpigil niya sa mga ito'y hindi ito nagpapaawat.

=================

V.5: Chapter Fourty


Chapter Fourty : True Face

MATAPOS ang lahat nang isiniwalat ni Winona kay Alexine. Narealized nang dalaga
kung gaano kalaki ang sinakripisyo nang kanyang ina maligtas lamang siya at
manatiling buhay.

Pinili nitong kalimutan ang nag iisang pag ibig at sinakripisyo ang sariling buhay
para sa kanya. Napaka tanga niya upang hindi pahalagahan ang buhay niya na
ipinaglaban ni Leonna hanggang kamatayan. Nabuo ang desisyong hindi niya iyon dapat
sayangin at huwag niya dapat hayaang magtagumpay si Lilith sa pag gamit sa kanya.
Tinaya nang mommy niya ang sarili. At hindi niya iyon dapat sayangin sa wala.

"Ang kwintas na ito...nasa loob nito ang isang espesyal na anghel, si Ithurielle
ang guardian angel ni Leonna..." ani Winona habang hinahaplos ang kwintas na
binigay niya kay Lexine.

Namangha si Lexine sa nalaman. "Guardian angel ni mommy si Ithurielle? Kung ganun


paanu siya nakulong dito sa loob?"

Ngumiti sa kanya ang manghuhula. "Sugatan at agaw buhay si Ithurielle pagkatapos


nang labanan sa eroplano nang araw na iyon. Binuhos niya ang buong lakas para
protektahan ang iyong ina. Ngunit hindi pa rin siya nagwagi. Pumunta siya sa akin
na duguan at halos naghihina na, binalita niya sakin ang masamang balita. At
hiniling niyang tulungan ko siya. Hindi daw siya maaring mawala sa mundong
ito..kaya naman para mailigtas siya, ikinulong ko siya sa kwintas na ito. Yun lang
ang tanging paraang para hindi siya mawala..."

"Kaya naman nang makita kita nang araw na iyon sa aking bahay. At dahil nalaman
kong nasa panganib muli ang iyong buhay. Alam kong iyon na ang tamang panahon para
ibigay ko sa iyo si Ithurielle...."

Napayakap siya sa kanyang kwintas. Ang dami-dami pala talagang nagsakripisyo para
sa kanya. Para manatili siyang buhay at mailayo sa kamay ni Lilith. Hindi niya
dapat sayangin lahat ng buhay na nawala para sa kanya.

Naalala niya ang isa pang bagay na iniwan nang mommy niya. Agad niya iyong kinuha
sa bulsa nang jacket niya.

"Uhmm Madame Winona, itong singsing. Anu to?" Pinakita niya ang maliit na glass
box.

Bahagyang lumiwanag ang mukha ng manghuhula at inabot iyon. "Ang singsing na ito'y
regalo sa iyo ni Daniel nang isilang ka..."
Namangha siya sa nalaman. Ngayon ay may kaisa isang bagay siya na kahit papaanoy
nag uugnay sa kanya at kanyang ama.

"Pero...ayaw niyang mabuksan eh..."

"Sorry anak ngunit di ko rin alam kung paano iyan mabubuksan..." malungkot na sabi
nito.

Kung ganoon ay mukhang mananatiling nakasarado sa loob nang glass box ang singsing
niya.

“Alexine..” hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Nababasa niya sa mga mata
nito ang pagkabahala. Na tila may isa pa itong mahalagang bagay na gusto nitong
sabihin. “Mag iingat ka sa mga taong nasa paligid mo..isa sa kanila ang—“

Naputol ang sanang sasabihin nito nang biglang napasinghap si Madame Winona.
Napakunot ang noo niya sa matanda. Tila namutla ito at natulala.

"Madame?" Hinawakan niya ito. "Anu pong nangayari sa inyo?" alala niyang tanong
dito.

"Tumakbo ka na Alexine, kailangan mo nang magmadali. Nandyan na sila at kukunin ka


nila!" Nagigimbal na hinawakan nito ang balikat niya

Natakot siya. Si Lilith! Parating na ito at kukunin na siya.

"Tumakbo ka na..."

"Pero...pero paano po kayo?"

"Kaya ko na ang aking sarili, bilisan mo kailangan mo nang umalis sa lugar na ito.
Magmadali ka..." babala nito na agad siyang tinulak palayo. Ayaw niya pa sanang
iwan ang matanda pero kailangan niyang iligtas ang sarili.

"Dito ka dumaan...naglalakad na sila papunta dito..." hinatak siya nito at may


pinitas itong isang bato sa suot nitong damit. Dinikit nito ang pulang bato sa
pader. Lumiwanag iyon at naging isang tubig na salamin. Nakikita niya pa ang
sariling repleksyon. Isa iyong portal!

"Pumasok ka na dali... dadalhin ka nito sa labas nang building na ito..." pag


aapura nito sa kanya.
"Sabay na po tayong tumakas..." pilit niyang sinasama ang matanda. Hinihigit niya
ito sa braso.

Ngunit panay ang pag iling nito. "Kailangan ko silang pigilan....iligtas mo na ang
sarili mo anak...huwag mo na akong alalahanin pa ang mahalaga ay makatakas ka.."

Naiiyak na yinakap niya si Winona at nagpasalamat dito. "Mag iingat po kayo,


maraming salamat sa lahat..."

"Sige na magmadali ka na...."

Nang marinig nila ang malakas na kalabog nang pintuan ay agad silang nataranta.
Nasa labas na ang mga kalaban!

"Lumabas ka na riyan mortal! Inaantay ka na nang aming Kamahalan!" Sigaw nang


pamilyar na boses sa kanya galing sa labas.

Kilala niya ang boses niyon. Si Grorag!

"Bilis...."

Muling kumalabog ang pintuan at this time ay tuluyang iyong nawasak. Napilitan si
Lexine na bitawan ang mga kamay ni Winona at pumasok sa tubig na portal.

DIRETSONG nakalabas si Lexine sa parking lot sa labas pagkatapos niyang pumasok sa


portal na ginawa ni Madame Winona. Nilingon niya ang likuran at mula sa matigas na
salamin naging tubig ito na agad tumapon sa sahig.

Nagpalinga linga siya sa paligid. Suot suot niya pa ang puting bestida na
pinangsayaw niya kanina at ballet shoes. Tanging maong na jacket ang naging
panlaban niya sa lamig. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon at makahingi
nang tulong. Hinawakan niya ang kanyang kwintas at tinawag si Ithurielle.

"Gusto kong puntahan mo si Night, ipadala mo sa kanya ang mensahe ko...sabihin mo


sa kanyang nandirito si Lilith at balak niya akong kunin...."

"Masusunod aking prinsesa..." nakita niyang naging isang puting ibon ang kanyang
kwintas at lumipad patungo sa langit.

Kinakabahang naglakad takbo ang ginawa niya. Sa dami nang sasakyang nakaparada at
sa labis na pagkataranta hindi na niya alam kung saan banda niya na i-park ang
sariling sasakyan. Isa pa, nasa loob ang bag niya at nandun ang susi nang sasakyan
niya maging cellphone niya. Tanging jacket at singsing nang kanyang ama ang dala
dala niya.

Anu nang gagawin niya?

Nakarinig siya nang matinis na sigaw mula sa kung saan. Kinilabutan siya nang
husto. Palakas nang palakas ang sigaw. Pinilit niyang hanapin kung saan iyon
nangagaling.

Pamilyar ang sigaw sa kanya. Isang Ravenium Demon ang nasa paligid. Naalerto siya
at nagtago sa mga sasakyan na nakapark sa madilim na parte nang parking lot.
Narinig niya pa ang mabibigat na hakbang nang mga paa. Maingat siyang sumilip mula
sa pinagtataguang sasakyan. Natanaw niya ang dalawang ravenium demon na naglalakad
papalapit.

Muli siyang nagtago. Napapikit siya at napasandal sa likurang bumber nang pulang
kotseng pinagtataguan niya. Pinakawalan niya si Ithurielle kaya't wala siyang
magagamit na armas ngayon laban sa mga kaaway.

Kinapa niya ang bulsa nang jacket na suot. Sa kanang bulsa nandoon ang glass box na
naglalaman nang singsing na binigay nang kanyang ama. Sa kabilang bulsa naman ay
may nakapa siyang malambot at mahabang bagay.

Kinuha niya iyon.

Ang balahibo ni Cael!

Hindi na niya maalala kung kailan niya nilagay sa bulsa ang balahibo pero hindi na
iyon mahalaga. Ngayon, ay paano niya kaya magagamit ang balahibo panlaban sa mga
kaaway?

Isang kaluskos ang sunud niyang narinig kasabay nang paglindol nang sasakyan.

"Eskelemis por sheke...."

Nanginginig na inangat niya ang tingin at nagilalas ang dalaga nang makita ang
mabagsik na Ravenium Demon na nakatayo sa hood nang pulang sasakyang pinagtataguan
niya. Tumalon ito at sinungaban siya. Napatili siya at buong lakas na tumakbo
palayo. Ginamit niya lahat nang bilis para makalayo sa mga ito.

Nakakailang hakbang pa lang ang natatakbo niya nang biglang tumalon sa harapan niya
ang isa pa. Bumuka ang bibig nito na may tumutulong mga laway na itim na likido.
Nagimbal siya at napaatras. Pero pagpihit niya sa likuran niya'y naglalakad naman
papalapit ang isa pang ravenium demon na naka encounter niya kanina lang.
Patay! Na korner na siya nang dalawa.

Mahigpit na hinawakan niya sa kamay ang balahibong hawak. Napatingin siya sa dulo
niyon. Matulis ito. Naalala niyang nagiging isang espada ang mga balahibong hawak
ni Cael. Posible kaya niyang maipalabas ang espada mula doon? Ngunit paano?

Wala na siyang oras na makapag isip pa dahil mabilis na sumungab sa kanya ang
dalawang ravenium demon. Parehong naka buka ang mga kamay at bibig.

"Eeeeeeekkkk!"

Ginawa niya ang lahat para makaiwas sa mga ito. Adrenaline rush comes through her.
Inangat niya ang kamay at walang pag aalinlangang tinusok sa mukha ang isang
ravenium demon na sumugod sa kanya. Sa gulat niya'y bumaon ang dulo nang balahibo
nang mukha nito at mabilis na umusok ang gilid nang mata nitong tinusok niya.
Natunaw ang mukha nito at nangingisay na napahiga sa sahig. Panay ang pag iyak
nito.

Sumunod na sumugod ang natitirang isa pa. Galit na galit ito. Hindi kaagad
namalayan ni Alexine ang isa kaya't napaibabawan pa siya nito. Nakipagtagisan nang
lakas ang dalaga sa halimaw.

"Eeeeeeeeek!" Sigaw nito sa kanya.

Buong lakas niyang ginalaw ang kamay na nakahawak sa balahibo at sinaksak ito sa
leeg. Napaso ang ravenium demon at napaatras palayo sa kanya.

Nagmadali siyang tumayo at tumakbo.

Narinig niya ang mabilis na sigaw nang dalawa na sumusunod sa kanya. Pinilit niyang
ihakbang pa ang mga paa kahit pagod na pagod na siya.

Nakorner siya sa isang dead end. Paglingon niya pabalik ay papalapit na ang dalawa
sa kanya. Ang isa'y lusaw ang kalahating mukha at isa naman ay naagnas ang leeg.
Parehong gawa nang balalibo ni Cael.

Pero wala na sa kamay niya ang balahibo at wala rin si Ithurielle sa kanyang leeg.
Napaatras siya dahil wala na siyang kawala. Nanlaki ang mga mata niya nang sabay na
susugurin na siya nang mga ito nang biglang nakarinig siya nang tunog nang gulong
at makina. Mabilis na dumating ang isang itim na SUV at dinumbol ang dalawang
halimaw. Tumapon sila pareho palayo. Bumaba ang bintana sa drivers seat niyon.

"Lexi! Come on hop in!"

Nabuhayan siya nang loob nang makita si Kristine. Narinig niyang bumabangon muli
ang dalawang ravenium kaya hindi na siya nagdalawang isip at tinakbo ang natitirang
hakbang at pumasok sa loob nang sasakyan.

Agad pinaharurot ni Kristine ang sasakyan.

Saka lang nakahinga nang maluwag si Lexine nang matanaw na niya ang kalsada at
tinatahak ang daan palayo sa lugar na iyon.

"Thank you so much Ms. Kristine..." hinihingal niyang tinignan ang katabi.

Seryosong nakatingin sa kalsada ang babae. Ngumisi ito bago tumingin sa kanya.

Nang sandaling iyon. Isang kakaibang kilabot ang nanalantay sa katawan niya. Ang
dating napaka among mukha ni Kristine ay nakitaan niya nang kakaibang angulo na
ngayon niya lamang nakita.

Ngumiti ito sa kanya at mula sa maamong mga mata nag iba iyon nang kulay at naging
isang hugis mata ng pusa.

Nagimbal siya sa takot. "Your very welcome my darling ..."

Tinangka niyang buksan ang pinto nang sasakyan pero naka lock iyon. Pinahahampas
niya ang bintana pero walang nangyari.

Tumawa nang nakakaloko si Kristine. Takot na takot na hinarap niya ito muli.

"Wag ka nang magtangkang tumakas mahal kong Alexine....marami pa tayong dapat na


pag usapan...."

Nag iba ang boses nito at unti-unting naging puti ang itim nitong buhok. Nagbago
ang shape at features nang mukha niya at sa una-unahang pagkakataon nasilayan niya
ang totoong itsura nang kalaban.

"L-lilith .. "

=================

V.5: Chapter Fourty One

Chapter Fourty One : Powers within


MABIBIGAT ang mga matang napadilat si Alexine. Sa isang madilim at malalim na lugar
ang kanyang nasilayan. Iginala niya ang paningin at natagpuan nang mga mata niya
ang isang malaki at malawak na kisame. Sa gilid nang paningin niya'y natatanaw niya
ang mga nagkalat na pigurin nang mga anghel at santo.

Dahan-dahan siyang bumangon at umupo.

Bakit nasa isang abandonadong simbahan siya?

Doon niya lamang napansin na nakahiga pala siya sa isang malaking pabilog na kama.
May pulang bedsheet iyon at napaiikutan siya nang mga kandila na nagsisilbing
liwanag.

Nasaan ako? Nasaan si Lilith?

Nang maalala niya ang mga huling nangyari bago siya nawalan nang malay ay muling
sumiklab ang matinding galit sa dibdib niya.

"Si Ms. Kristine....isa siyang kalaban...siya si Lilith..." hindi makapaniwalang


bulong niya sa sarili.

Ang babaeng buong puso niyang pinagkatiwalaan mula nung pagkabata niya'y isa palang
kalaban na nagtatago sa anyo nang isang maamong mukha.

Isang ahas! Isang halimaw!

"Kamusta ang iyong pagtulog mortal..."

Agad siyang napalingon sa kanyang likuran. Mula sa madilim na parte nang isang
sulok unti-unting lumakad palapit sa kanya si Grorag. Sa kabila nang takot dito ay
pinatatag niya ang sarili.

"Nasaan ako? Saan niyo ako dinala!?" Sigaw niya dito.

Ngumisi nang nakakaloko ang Lethium Demon. Naglakad pa ito hanggang sa makatayo sa
kanyang tapat. "Nandirito ka sa tahanan nang aming kamahalan...."

Napakunot ang kanyang noo. Ang isang napaka sama at makapangyarihang demonyong si
Lilith ay dito nakatira? Sa loob nang abandonadong simbahan?

Mahinang tumawa si Grorag na tila nababasa ang mga katanungan sa kanyang mukha.
"Nagtataka ka ba na sa ganitong lugar kami namamalagi? Napaka mangmang kasi ninyong
mga nilalang para isiping matatakot kami sa mga piraso nang kahoy at bato na inyong
ginawa na katulad ng mga ito..." ibinuka nito ang mga kamay at tinuro ang mga
sculpture na angels at saint sa paligid.

Pumalatak ito at nag iling iling. "Mga mangmang...alam ba ninyong nagagalit ang
inyong Ama kapag sumasamba kayo sa mga piraso nang kahoy na gawa ninyo? Akala
niyo'y nalulugod siya? Mga hibang!"

Nangalaiiti ang kalooban niya sa inis. Lalo na't nakakainis ang tunog nang tawa
nito.

Nang magsawa itong tumawa'y lumapit ito sa kanya at gumapang papalapit. Mabilis na
umusog siya hanggang sa halos mahulog na siya sa gilid nang malaking kama.

"Dont come near me you beast..." gilalas niya.

Nakatitig ang itim na itim nitong mga mata sa kanya na lalong nagpakilabot sa
kanyang katawan. Panay ang pag ngiti nitong nakakatindig balahibo. Sa gulat niya'y
hinablot ni Grorag ang baba niya at pwersado siyang pinatingin dito. Naikiskis niya
ang mga ngipin sa galit. Ang mga uri nito ang pinaka kinasusuklaman niya sa buong
buhay niya ngayon.

"Hindi na ako magtataka kung bakit humaling na humaling sa iyo ang


prinsipe...sadyang napaka ganda nang iyong mukha mortal..." bulong nito. Nakatitig
nang malalim ang itim nitong mga mata.

"Bitawan mo ko..." pigil ang boses niya sa galit.

Ngumisi ito. "Palaban ka pa..." bumaba ang mga tingin nito sa kanyang labi pababa
sa kanyang dibdib at pinagmasdan ang kabuuan niya. "At talaga namang
nakakaakit...."

Kinilabutan siya. Bumalik sa alaala niya nung unang beses na pinasok nang isang
lethium demon ang kwarto nang kanyang lolo. Ang demonyong iyon na muntik na rin
siyang mapagsamantalahan. At ngayon ay isa na namang mapahangas na demonyo ang
nagnanasa sa kanya.

Mga hayop na halimaw talaga ang mga ito.

"Hindi ka naman masasaktan kung magiging masunurin ka lamang sa aking


gusto....maliit na bagay lang naman ang nais ko...." binitiwan nito ang baba niya
at pinagapang ang matulis na kuko nang hintuturo nito sa panga niya pababa sa
kanyang leeg at colarbone.

Halos magsitayuan lahat nang balahibo niya sa katawan sa takot at pandidiri dito.
"Gusto ko lang naman matikman ang kinahuhumalingan nang mahal na prinsipe
Night...hindi naman siguro magagalit ang prinsipe kung titikim ako nang kaunti..."

Nagigilalas si Lexine sa mga sinabi nito. Buong pagnanasa ang mga tingin nito sa
kanya. "Bastos ka...sa oras na malaman ito ni Night hindi ka na magtatagal sa
mundong to..." gigil niyang banta.

Ngunit tinawanan lang siya nito. "Pero wala siya ngayon at hindi ka niya
matutulungan..."

Napasigaw siya nang kinalmot nito ang dibdib niya kaya't napunit ang suot niyang
puting dress. Sinampal siya nito't natumba siya padapa sa kama. Hinablot nito ang
buhok niya't dinaganan siya. Ramdam niya ang nakakadiring hininga nito sa kanyang
tenga.

Inamoy amoy pa siya nito na lalong nagpanginig sa kanya. "Hmmm....nakakahumaling


nga ang iyong amoy mortal...alam mo bang labis na akong naakit ngayon sa iyo?"

"No please dont..." hindi na niya napigilan ang iyak. Naramdaman niya agad yung
mainit na dugong lumabas sa gilid nang bibig niya kung saan siya nito sinampal.

Nakakalokong tumawa ito. "Si Cruxia ang siyang nagpapaligaya sa akin gabi gabi
subalit dahil pinaslang mo siya, ikaw na lamang ang magpapaligaya sa akin."

Inangat nito ang palda niya at lalo siyang idiniin sa kama padapa. Hindi siya
makapanlaban. Nagsisigaw siya. Hinablot nito ang puwetan niya at pinunit ang suot
niyang panty.

"No!!!"

Pinilit nitong ibuka ang mga hita niya. Takot na takot si Lexine paulit ulit na
tinatawag ang pangalan ni Night at Cael upang humingi nang tulong.

"Grorag!!!" Isang malakas na sigaw ang dumagundong sa buong lugar. Mabilis na


lumipad palayo sa kanya ang katawan ni Grorag na umangat sa hangin.

Mula sa malaking nakabukang pintuan sa kabilang dulo nang simbahan ay natanaw niya
ang babaeng naka suot nang eleganteng pulang gown. Mahabang mahaba at puti nitong
buhok na sumasayad na sa sahig. Nakaangat ang isang kamay na siyang kumokontrol sa
lumulutang na katawan ni Grorag.

Nanlilisik ang mala pusa nitong mga mata.

Lilith!
"Anung sa tingin mo ang iyong ginagawa? Lapastangan ka!"

Napahiyaw sa sakit si Grorag. "P-patawarin mo ako kamahalan....inakit niya lamang


ako upang pakawalan siya..."

Sinungaling!

Pero hindi na niya kailangan pang isigaw iyon dahil tila hindi naniniwala si Lilith
sa mga sinasabi nito. Unti-unting isinara nito ang nakabukang palad kaya't
namilipit lalo sa sakit sa Grorag.

"Sapat na ang aking nakita kaya't wag mo akong paikutin....sa akin ang mortal na
ito't walang ibang maaring gumalaw o humawak sa kanya kundi ako lamang
naiintindihan mo ba!"

"O-opo kamahalan...."

Naningkit ang mga mata nito't malakas na hinumpas si Grorag sa pader. Humapas ang
katawan nito sa isang anghel na sculpture na siyang ikiwasak ng huli bago nahulog
sa sahig.

Mula kay Grorag na nanghihinang nakahiga sa sahig ay lumipat ang atensyon ni Lilith
sa kanya "Iyong ipagpaumanhin ang inasal nang aking alipin mahal kong Alexine..."
lumapit ito at tumabi sa kanya.

Niyakap niya ang sarili. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon sa nilalang na
kaharap kundi matinding galit. "How dare you do this to me Kristine....I trusted
you bitch!"

Nagtaas lamang ito nang kilay sa kanya at mahinahong hinaplos ang mukha niya.
Iniwas niya ang sarili dito. Ayaw niyang mahawakan nang madumi nitong kamay. Suklam
na suklam siya sa kaharap.

"Kaibigan at mapagkakatiwalaan mo pa rin ako Alexine..don't you see? We are allies


my darling...if you just be obedient and do everything I want, ibibigay ko sayo ang
lahat nang gusto mo kasama na ang kaligtasan nang iyong lolo Alejandro..."

Tinamaan nito ang puso niya nang bangitin ang kanyang lolo. "Nandito na ako,
pakawalan mo na siya sa sumpa mo!"

Nilaro laro nito ang dulo nang kanyang buhok. Umangat ang dala nitong kamay at
pinakatitigan siya. Kinulong nito ang mukha niya at inilapit ang sariling mukha.

Ibang iba ang totoo nitong anyo sa anyo ni Kristine na inakala niyang kaibigan
niya. Ang mala pusa nitong mga mata. Maputlang balat at mapupulang labi. Hindi
maitatangi ang angkin nitong kagandahan.

"Gagawin ko yan kung susunod ka sa mga gusto ko..." bulong nito.

"Anu bang gusto mo..." pinatatag niya ang sarili at nakipagtitigan sa mga mata
nito.

Maliit na ngumiti si Lilith at sa gulat niya'y yinakap siya at sinandal sa malago


nitong dibdib. Amoy na amoy niya ang kalaban at nandidiri siyang hinahawakan siya
nito pero wala siyang magawa. Masyado itong makapangyarihan para labanan niya.
Hinaplos haplos nito na parang isang bata ang kanyang buhok.

"Ang taglay mong espesyal na kapangyarihan ang magsasakatuparan sa mga plano ko.
Bilang anak ng makapangyarihang arkanghel na si Daniel at nang espesyal na mortal
na si Leonna...ikaw Alexine ang taong tutupad nang aking mga plano...."

Para siyang batang pinaghehele nito. Pero hindi siya makatulog dahil nasusuklam
siya sa nilalang na yumayakap sa kanya. Ang nakaka intimidate nitong boses at
postura. Nagpapatunay kung gaano ito makapangyarihan. Ito ang pumatay sa mommy at
daddy niya, nanakit kay Ithurielle sa lolo niya at sa marami pang inosenteng tao sa
buhay niya.

At nang mga oras na iyon walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang patayin
ito. Ngunit wala siyang kakayahan. At iyon ang hindi niya matangap.

Binitawan siya nito at inalalayan siyang tumayo. Hinawakan nito ang kamay niya at
iginayak siya palabas nang lugar na iyon na tila ipinapasyal siya.

"Ikaw ang bunga nang isang bawal na pagmamahalan ngunit ang bungang iyon ang
nagtataglay nang espesyal na kakayahan..."

Huminto sila sa isa pang malaking pintuan. Kinabahan siya nang mapagmasdan ang
perpektong kurba nang likuran ni Lilith na nakatayo lamang sa harap nang pinto.

"Ikaw...ang magbabalik sa akin sa nakaraan Alexine....ikaw ang tutupad sa matagal


ko nang mithiin..."

Kinilabutan siya sa sinabi nito.

"A-anu..."

Humarap ito sa kanya at tumitig ang mga mata nitong kasing hugis nang pusa.
Sariling bumukas ang malaking pintuan sa likuran nito. Tumunog iyon nang malakas at
dahan-dahang bumukas.
Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan ang kabuuan nang malaking kwartong iyon.

Napailing iling siya. Ayaw niyang pumasok sa loob niyon. Ngunit nag aantay na ang
kamay ni Lilith sa kanya.

"Halika Alexine....halika...."

Napailing iling siya. "No...."

Tumaas ang sulok nang labi nito at sa isang iglap ay lumipad na lang siya papasok
sa loob at tumilapon sa sahig. Narinig niya pang malakas na bumagsak pasara ang
pintuan.

Nanghihinang bumangon siya. Nagilalas siya nang mapagtantong nasa gitna na agad
siya nang malaking pentagram na nakaukit sa sahig gamit ang itim na likido.
Maraming kandilang nakasindi sa paligid. Higit na nakakatakot ang mga bangkay na
nakasabit sa tapat nang altar. Limang bangkay nang tao. Hindi niya kilala ang mga
iyon pero alam niya agad na walang awa silang pinaslang at isinabit doon.

Takot na takot siya.

"A-anung balak mong gawin?"

Lumakad kanya paikot si Lilith. "Kailangan nang anim na buhay para iaalay, para
maisakatuparan ang ritwal. At ikaw Alexine, ang siyang tutupad sa ritwal na ito.
Ibabalik mo ako sa nakaraan. Sa panahong nais kong balikan..."

Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Nagigilalas siya sa mga nakikita.
Para siyang masusuka anumang sandali.

"Paano ko naman gagawin yun...hindi ko alam....wala akong alam..." naiiyak niyang


sambit.

"May kakayahan kang kontrolin ang oras at panahon. Nasa kalooban mo ang
kapangyarihan iyan, kailangan lamang nating buhayin..." may kinuha itong patalim na
nakapatong sa isang lamesa sa harapan.

Natakot si Lexine nang inangat nito ang patalim at lumapit sa kanya. Hinablot siya
nito at walang ingat na sinugatan ang palad niya. "Ahhh.. " napasinghap siya sa
kirot.

Diniinan nito ang palad niya't pumatak ang agos nang kanyang dugo sa sahig. "Ang
dugo mo ang siyang bubuhay sa ritwal..."

Biglang nagliyab ang pentagram na nakapinta sa sahig. Halos mapahiyaw siya sa


takot. Walang ka emosyon emosyon ang mukha ni Lilith na tila hindi naapektuhan sa
init nang nagliliyab na pabilog na apoy na nakapaligid sa kanila.

"Ang mga alay na buhay ang siyang magiging lakas...."

Kinilabutan siya nang muling sulyapan ang mga nakasabit na bangkay.

"At kapangyarihan mo ang siyang tutupad...." tumitig sa kanya ang mga mata nito.

"Pero....hindi ko talaga alam kung paano...hindi ko alam...." iyak niya.

"Malalaman mo...." sagot nito.

Biglang lumitaw sa gilid ang dalawang lethium demon, may hatak hatak silang bulto.
Hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nang bultong iyon. Nakita niyang isinabit
ang katawan nito kahilera nang limang bangkay. Ito na marahil ang kukumpleto sa
anim na buhay na siyang magiging alay.

Nang nilubayan nang dalawang demon ang bangkay ay doon niya lamang iyon nasilayan
nang maayos. Halos manlambot ang tuhod niya nang makilala kung sino ang huling
alay.

"No....."

Ngumiti si Lilith na tila kuntento na sa pagkakumpleto nang mga alay nito.

Mabilis na bumara ang lalamunan niya at hindi siya makahinga. "Kristine!"

Kung ganoon ay hindi talaga iisa si Lilith at Kristine. Ginagamit lamang pala ni
Lilith ang katawan nito para saniban at ngayon ay ginagamit muli bilang alay.

"Napaka sama mo....napaka sama mo..." hagulgol niya.

Punong puno nang dugo ang katawan ni Kristine. Giniliitan ito sa leeg na siyang
naging sanhi nang pagkamatay nito. Ang akala niyang taksil na kaibigan ay siyang
totoo pala. Ngunit huli na ang lahat upang makahingi pa siya nang tawad dito. Huli
na ang lahat para mapasalamatan ito sa lahat nang mga naitulong nito sa kanya noon.

Wala na si Kristine...

Galit at poot ang nararamdaman niya. Pagkamuhi kay Lilith, at sa kanyang sarili
dahil wala man lang siyang nagawa para mailigtas ito. At dahil sa kanya kaya lahat
nang tao sa paligid niya'y napapahamak.
"Please....tama na...ayoko na....I don't want this anymore..." nanghihinang napaupo
siya sa sahig. Isang buhay ang nawala nang dahil sa kanya.

Lumuhod sa tabi niya si Lilith. "Kumikirot ba ang iyong dibdib? Ilabas mo ang iyong
galit Alexine....ilabas mo..." panunudyo nito.

Naikuyom niya ang mga palad. Mabilis na bumalik sa alaala niya ang mga masasayang
ngiti at alaala nila ni Kristine sa kanya. Isa itong mabuting kaibigan at
napakahalaga nito sa kanya. Pero isang iglap ay nawala na ito at kinuha nang
kasamaan. Mabilis na nagliliyab ang kalooban niya sa galit. Masamang tinitigan niya
si Lilith na naaliw sa mga nasasaksihan.

Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang paslangin at tapusin ito. Upang
maipaghiganti niya ang kanyang mga magulang, ang kanyang lolo at si Kristine.

Sumabog ang kakaibang pwersa mula sa loob niya. "Aaaahhhhh....."

Napahawak siya sa sariling ulo. Yumanig ang paligid at tila nawawala siya sa
sarili. Panay ang pagitili niya sa kirot na gumapang sa buo niyang katawan.

"Tama yan Alexine...ilabas mo....magalit ka....magalit ka...."

Naririnig niya ang tawa ni Lilith sa paligid pero wala na siyang makita. Nagdidilim
na ang buo niyang paningin at binabalot siya nang matinding sakit. Para siyang nasa
gitna nang kawalan.

"Aaaahhhhh......"

Sumabog ang paligid at binalot sila nang nakasisilaw na liwanag.

=================

V.5: Chapter Fourty Two

Chapter Fourty Two: Nothing to loose.


HUMAHANGOS nang takbo si Night papasok sa loob nang auditorium. Agad siyang
kinabahan lalo na nung marinig niya ang hinatid na balita sa kanya nang kwintas na
si Ithurielle na nag anyong puting ibon.

Ayon dito'y nasa panganib ang buhay ni Alexine at paparating si Lilith upang kunin
ito.

Nakatulog lamang siya'y nawala na ito sa paningin niya. Gusto niyang sisihin ngayon
ang sarili sapagkat naging pabaya siya. Nang makarating nang auditorium ay papaalis
na ang mga tao senyales na natapos na ang competition. Masyado maraming taong sabay
sabay na lumalabas kaya't nahirapan siyang tanawin kung nasaan si Lexine.

Nakita niya ang pamilyar na bulto nang isang babae sa gilid nang stage. Kung hindi
siya nagkakamali'y iyon ang ballet instructor ni Lexine.

Nasilayan niya pang nakatingin ito sa gawi niya bago pumasok nang back stage. Agad
niya itong sinundan. Nadala siya nang mga paa sa isang tambakan nang mga props sa
likurang parte nang back stage.

"Hey you...stop" sigaw niya nang muling matanaw si Kristine.

Huminto naman ito ngunit hindi lumilingon sa kanya. "Where's Lexine? You are her
instructor right? Where is she?"

Pero hindi agad ito sumagot. Naiinis na siya at maiksi ang pasensya niya.

Napairap na lamang siya sa ere dahil mukhang pipi pa ang babae. "Nevermind..."
nagsimula na siyang humakbang palayo.

"Wait...."

Nahinto siya nang tinawag siya nito. Paglingon niya'y naglalakad na ito papunta sa
kanya. Nakatitig sa kanya ang maamo nitong mukha. Dahan-dahan itong lumapit
hanggang sa magdikit ang mga katawan nila.

Naweirduhan siya sa inaakto nito. Mapang akit na tumingin ito sa kanya. Hinaplos pa
ang kanyang dibdib. "Sasabihin ko kung nasaan si Alexine but only in one
condition..."

Nang aakit ang mga mata nito. Mentally ay napairap siya. Napangisi na lamang siya
sa inaaasal nang babae.

Damn, girls really can't resist my charm..what a headache...

"And what is that?" Tinaas niya ang kilay.


He was really not in the mood to flirt with this bitch, but he really needs to find
Lexine. He has no choice but to play her games.

"Kiss me...." bulong nito.

Gusto niyang matawa pero pinigilan na lang niya ang sarili. "Geez you girls only
want nothing but my innocent body..."

Dinikit pa nito nang husto ang malago nitong dibdib sa kanya. "Come on, just one
kiss...don't worry I won't tell Lexine..."

Alam niyang kapag nalaman ni Lexine ito siguradong world war 3 ang sasalubong sa
kanya. But damn it! He was out of time. Napabuntong hininga siya. The girl is
really a nuisance. Damn his parents for giving him their mother fucking gorgeous
gene.

Ngumisi si Kristine at inilapit ang sarili sa kanya. Tumingkayad ito upang halikan
siya. Nang pulgada na lang ang distansya nila'y agad siyang napakunot noo nang
maamoy ito.

Fuck it! He was tricked

"You bitch!" Inilayo niya ang sarili subalit huli na ang lahat dahil nakaramdam na
lamang siya bigla nang tuklaw sa kanyang batok na agad nagpahilo sa kanyang
paningin.

Bago siya mawalan nang malay ay nasilayan niya pang ngumisi ang babae habang bitbit
sa isang kamay ang itim na maliit na ahas na siyang tumuklaw sa kanya.

"Sleep tight my dearest son...."

"INIKOT KO na ang buong paligid subalit hindi ko siya nakita..." narinig niya ang
pamilyar na tinig nang lalaki.

"Diyos ko, nasaan na kaya si Alexine hindi kaya't nakuha na siya ni Lilith? Anung
gagawin natin?" Isang tinig nang babae ang tila umiiyak.

Unti-unting iminulat ni Night ang mga mata. Nakagawa siya nang ingay kaya't sabay
na lumingon sa gawi niya ang dalawa. Ang isang babaeng may suot na makukulay na
burloloy at tela sa katawan ang unang lumapit sa kanya.

"Buti naman at nagising ka na...sinung may gawa nito sayo?" Agarang tanong nito
habang inaalalayan siyang makatayo.

Mabigat ang ulo niya dahil sa pampatulog na binigay sa kanya ni Lilith. Nang
maalala niya ang babae'y sumiklab ang matinding galit niya.

"Lexine? Where is she...that bitch is going to get her..."

Tumayo siya pero muling natumba dahil sa epekto pa rin nang itinuklaw sa kanya nang
itim na ahas ni Lilith.

"Nalason ka...hayaan mong tangalin ko muna ang lason sa iyong katawan..." magaan na
hinawakan ng babae ang batok niya na siyang may marka nang tuklaw.

Pinagmasdan niya ang paligid. Nandoon pa rin siya sa backstage. Sa kanan niya'y
nakatayo si Cael na nakasanib sa katawan ng mortal na si Ansell dahil na rin sa
suot nitong jacket at riped jeans na kadalasang porma nang lalaking mortal.

"You’re her guardian angel...bakit hindi mo siya pinrotektahan!" Inis niyang utas
dito.

Lumukot ang mukha nito at nag iwas nang tingin. "Nahuli ako nang dating..."

Napa smirk siya dito. Gusto niyang sapakin ang useless na anghel pero pasalamat
ito't nanghihina pa siya dahil sa lason.

"Buti na lamang at hindi gaanong malakas ang lason na nakuha mo....kaya't magagawa
ko pa itong matangal..." maya maya'y nagsalita ang babae sa tabi niya.

Doon niya lamang ito napagtuunan nang pansin. May makukulay itong burloloy. Gypsy
ang style nang kasuotan at singkit ang mga mata. Kulot ang itim at mahabang buhok.

Pamilyar ito sa kanya. Ito ang babaeng kasama ni Leonna at nang batang si Alexine
sa picture.

"You’re that witch..." aniya.

Ngumiti ito nang tipid sa kanya na abala pa rin sa paghawak sa batok niya. Malamig
ang mga kamay nito at nakapag hahatid iyon nang kaginhawaan sa mabigat niyang
pakiramdam.

"Ako nga, ang pangalan ko'y Winona..." maamong ngumiti ito. Maya-maya pa'y natapos
na ito sa ginagawa at tumayo.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili. Hinaplos niya ang batok. Wala na ang
pamamaga niyon. "Yeah.."

Nagkatitigan pa silang tatlo pagkatapos. Mahabang katahimikan ang namagitan bago


nagsalita si Cael.

"Sinugod si Madame Winona ni Grorag bago sila nagkahiwalay ni Alexine. Hinarang


niya ang mga kalaban upang makatakas si Lexine ngunit sa kasamaang palad ay
nawawala siya ngayon..."

Umusok ang ilong niya sa galit. "I know where they bring her...I met the bitch just
a while ago..."

Lumapit sa kanya ang nag aalalang si Winona. "Kailangan niyong mailigtas sa lalong
madaling panahon si Lexine mula sa kamay ni Lilith... gagamitin niya ang kawawang
bata para sa masasama niyang plano..."

Alam niya iyon at hinding hindi siya makakapayag. "I wont let her...I'll kill her
with my own hands..." gigil na tumingin siya sa kawalan.

"Kailangan natin nang karagdagang pwersa bago tayo sumugod doon Night.
Makapangyarihan si Lilith at marami sila...hindi natin sila kakayanin kung tayong
dalawa lamang ang susugod doon..." suwestiyon ni Cael.

Walang ganang bumaling siya dito. "I don't care how many are them. I can kill them
all"

"Alam kong sasabihin mo na iyan. Ngunit hayaan mo akong gawin ang gusto ko...at
hindi kita papakielaman kung nais mong magpakamatay sa mga kamay nang mga kalahi
mo..."

Mayabang na ngumisi lang siya dito.

"Babalik ako sa mansyon nang mga Vondeviejo upang tulungan si Alejandro, hindi ko
alam kung hanggang saan ang aking magagawa ngunit ipinangako ko kay Alexine na
gagawin ko ang lahat para mailigtas ang kanyang lolo...kaya't kailangan niyo siyang
maibalik nang ligtas sapagkat aantayin siya nang ni Alejandro." Habilin nito.

“Cael,nais kong iparating mo sa Arkanghel na si Daniel ang tungkol sa kalagayan ni


Alejandro, kailangan ko siya para tuluyang matangal ang lason sa katawan nito”
Agad namang sumang ayon ang anghel sa manghuhula. Nagkatinginan pa sila ni Cael
bago naisipan ni Night na ihakbang ang mga paa. "I won't wait for you and your bird
friends.. I'll go there on my own.."

Nilakad niya ang mga paa at hinanda ang portal na magdadala sa kanya sa lunga nang
mga kaaway. Mula sa itim na maliit na usok na nangaling sa kanyang palad ay lumaki
iyon at naging isang portal. Lumalabas ang asul na kuryente mula sa loob.

"Sandali Night..."

Nahinto siya at napalingon sa likuran. Seryosong nakatingin sa kanya si Cael. Sa


unang pagkakataon ay tila nagkasundo ang dalawang lalaki.

"Pakiusap, iligtas mo si Alexine..."

Tumaas lamang ang isang sulok nang kanyang labi. "I am and when I did... You will
stay away from her..."

Hindi na niya inantay pa ang sagot nito at tuluyang nang pumasok sa loob nang
portal.

Sa oras na makaharap niya ang makapangyarihang demonyong si Lilith. Sisiguraduhin


niyang hinding hindi niya ito patatawarin sa kapangahasang ginawa nito sa kanyang
Lexine. Hinding hindi siya magdadalawang isip na kalabanin ito.

Wala siyang pakielam basta't mailigtas niya lamang si Alexine. Babangain niya ang
kahit na sino.

He will kill all of them with his bare hands. And he will leave nothing but demon
ashes.

=================

Death Note

Waaaah! Sorry guys its been a month before I finally finished the volume 5! Been
busy lately, tons of works for the last quarter of the year! Anyways..thanks for
reading & still supporting this story I hope u guys would still hold on until the
end.. well the book is near to its end. The last volume maybe the volume 6 ..
awwww 50 chaps na maybe ang maximum na kaya kong gawin but we'll see if I can make
it more than that... depende sa flow nang pagsusulat ko hahahaha.. I can't write
too many chapters for a book... baka mabored mg readers ko lol :))
Medyo pressured ako kung paano ko siya tatapusin..hahaha...

Here's my 3 questions again :

Question # 1 : kamusta naman ang hot scene ng LexNight? Naks! May tandem name na
pauso haha lol

Question # 2: Lilith is already out...what do u think is her plan? Bakit may gusto
siyang balikan sa nakaraan?

Question # 3: Mamimiss niyo ba ang LexNight? Me too.... :((

Yaiks! Until here na lang. Kita kits sa next and final volume of A kiss of
Death! :) huwag kayong bibitiw sa nalalapit na pagtatapos....

xx StoryofaGirlinLove xx

=================

Volume 6

Final Volume

"Till death do us part"

Chapter Fourty Three : Memories of the Past

Chapter Fourty Four : Selfish Love

Chapter Fourty Five : Lilith's Happiness

Chapter Fourty Six : Meteor Rain

Chapter Fourty Seven : War

Chapter Fourty Eight : The Death

Chapter Fourty Nine : Final Goodbye

Chapter Fifty : Greatest Sin


Epilogue

=================

V.6 Chapter Fourty Three

Chapter Fourty Three : Memories of the Past

"MAMA....mama...."

Mula sa maliit na tinig at tunog ng tawa nang isang batang lalaki, unti-unting
natagpuan ni Alexine ang sariling namumulat sa tila isang mahabang pagkakatulog.

Dahan dahan siyang bumangon at natagpuan ang sariling nakaupo sa gitna nang isang
malawak na damuhan at napalilibutan sila nang malalaking puno. Hindi siya pamilyar
sa lugar na iyon at kailanma'y hindi niya pa ito napuntahan.

Ilang metro mula sa kinauupuan ay natagpuan niya ang isang kubo. Tila nag iisang
bahay lamang iyon. May malaking puno sa tabi niyon at maliit na bakod kung saan may
dalawang kabayong kumakain nang damo.

Napakunot ang noo niya. Bakit parang nakita na niya ang lugar na iyon? Ang maliit
na bahay, ang puno. Lumakad siya at dinala siya nang mga paa sa likuran nang puno
kung saan naririnig niya ang tila masasayang hagikgikan.

"Inang...tama na po. Nakikiliti ako"

"Ayoko nga, ito pa! At ito pa..."

Natagpuan niya ang isang batang lalaki na halos nakahandusay na sa sahig habang
masayang kinikiliti nang isang babae.

May kakaiba sa kasuotan nila. Kasuotan nung unang panahon.

"Inang ..ayoko na..hahaha kailan ba kasi uuwi si Amang?"

Nahinto ang babae sa ginagawa at mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
Humarap sa kanya ang bata at nasa mukha nito ang malaking pag aasam.

Hindi makatingin nang diretso ang babae sa anak. "M-malapit na Alexis..malapit na


siyang umuwi huwag kang mag alala.."

Pero sa kabila nang mga ngiti nito naramdaman ni Alexine na may tinatago ito sa
anak.

"Sabik na akong makita si Amang! Ipapakita ko sa kanya ang galing ko sa


pangangabayo" excited na sabi nito.

Hinaplos nang babae ang buhok nang kanyang anak at yinakap ito nang mahigpit.
"Siguradong magagalak ang iyong Amang kapag nakita niya kung gaano ka kagaling..."

Balak niya sanang lapitan ang dalawa upang magtanong kung saang lugar siya nang
bigla siyang hinatak nang tila isang kakaibang pwersa. Umikot ang paligid at
nakaramdam siya nang matinding pagkahilo.

Segundo lang ang lumipas at natagpuan na naman niya ang sarili sa isang panibagong
lugar. Hingal na hingal siya. Hindi niya alam kung anung nangyayari.

Nang ginala niya ang paningin, tila nasa loob siya nang isang bahay. Subalit lahat
nang bagay sa loob nang bahay na iyon ay gawa sa kahoy. Katulad nang mga bahay
noong unang panahon.

"Andrea, niloloko mo lamang ang sarili mong anak. Huwag mo siyang paasahin tungkol
sa kanyang Ama. Alam nating pareho kung hindi makabubuti kay Alexis ang Ama niya"

Natagpuan niya sa kusina nang bahay ang dalawang babaeng tila may pinagtatalunan.
Nang mapagmasdan ang dalawa’y nakumpirma niyang hindi nalalayo sa edad niya ang
mga ito.

Una niyang nakita ang babae kanina sa puno na sa tingin niya'y si Andrea. Isang
babae pa ang natagpuan niyang nakatalikod at nakaharap sa kalan na sa tingin niya'y
kasing edad lamang din ni Andrea.

Parehong brown at kulot ang mahaba nilang buhok. Nakalugay lamang kay Andrea at
nakapusod naman ang buhok nang isa.

"Annie alam mong mahirap para saking sabihin kay Alexis ang totoo tungkol sa
pagkatao nang kanyang ama. Ayokong masaktan ang anak ko...hindi ko iyon
makakaya..." maluha luhang sabi ni Andrea.

Napatigil ang kausap niya sa ginagawa nito. Bumagsak ang kanyang balikat at unti-
unting humarap kay Andrea.

Napasinghap si Lexine. Kahit iba ang kulay nang buhok at mga mata nito. Alam niya
at nararamdaman niya kung sino ang babaeng ito. Parang nagbara ang lalamunan niya
at nanikip ang dibdib.
"Ate...pakiusap intindihin mo naman ako.." pagsusumamo ni Andrea sa kapatid.

Ate? Kung ganoon ay magkapatid sila?

Lumakad papalapit si Annie at yinakap ang nagsisimula nang umiyak na si Andrea.


"Kayo lang naman ni Alexis ang iniisip ko...lalo na ang iyong anak. Natatakot ako
sa maaring mangyari sa kanya pagdating nang panahon..."

Kumalas si Andrea sa yakap nito. "Anung ibig mong sabihin?"

Bumuntong hininga si Annie at hinawakan sa magkabilang balikat ang kapatid.


"Andrea...alam nating parehong hindi normal si Alexis...lalo na ang kanyang Ama.
Hindi ka ba natatakot na maaring..maaring...baka katulad siya nang kanyang Ama?"

Gilalas ang reaksyon ni Andrea. Napuno nang galit ang kanyang mukha. "Hindi! Hindi
totoo yan ate! Anak ko si Alexis ako ang nagdala sa kanya sa mundong ito at alam
ko..nararamdaman kong tao siya. At mabuti siya..."

Kinakalma ni Annie ang kapatid. "Makinig ka saking mabuti Andrea, hindi mo ba


naisip kung bakit may namagitan sa inyong dalawa? Kung bakit siya nagpangap na
isang ordinaryong tao at nakisalamuha sa atin na tila isang normal? Hindi mo ba
naisip kung anung totoong pakay niya sayo?"

Nanginginig ang mga bibig ni Andrea. Walang tigil ang pag agos nang luha sa kanyang
mga mata.

"Nais niya nang isang anak Andrea! At si Alexis iyon. Kukunin niya si Alexis at
gagamitin niya ito sa kanyang kasamaan!"

"Hindi! Hindi ako papayag! Kung kinakailangang itaya ko ang sarili kong buhay wag
lamang niyang makuha si Alexis gagawin ko ate. Gagawin ko ang lahat para
protektahan ang anak ko!"

Masyadong maraming bagay ang nangyayari at hindi alam ni Alexine kung anung
gagawin. Malinaw na hindi siya nakikita nang dalawa at malinaw na lahat nang
nakikita niya'y nangyari na sa nakaraan.

Pinagmasdan niya mabuti si Annie.

Alam na niya kung kaninong alaalala ang kanyang binabalikan. At nais niyang malaman
ang buong katotohanan kung anung nangyari dito. Kung bakit ito humantong sa kung
sino ito sa kasalukuyang panahon.

Muling gumalaw ang kapaligiran. Lumipat na naman sa panibagong lugar si Lexine at


natagpuan niya ang sarili sa madilim na parte nang kwarto. Gabi na at natatanaw
niya sa bintana ang bilog na buwan sa kalangitan. Sa gitna nang madilim na kwarto
mahimbing na natutulog ang batang lalaki na si Alexis.

Dahan dahan siyang lumapit dito at pinagmasdan ito. Tila pamilyar na pamilyar sa
kanya ang bata. Mas lumapit siya at lumuhod sa gilid nang kama.

Nasagi niya sa gilid nang side table ang isang larawan. Buti na lamang at hindi
iyon nalaglag.

Nanlaki ang mga mata niya nang marealize kung anong klaseng larawan iyon.

Kinuha niya ito at pinagmasdan mabuti. Isa itong painting. At nakasisigurado siya
kung saan niya unang nakita ang painting na iyon.

Sa kwarto ni Night.

Unti-unti nang naging maliwanag ang lahat. Si Night ang batang si Alexis. Si Andrea
ang kanyang ina at kapatid nito si Annie na siyang tiya ng bata.

Isang malakas na ingay ang nagpatigil sa malalim niyang pag iisip. Isang sigawan
ang nangyayari sa labas nang kwarto. Hanggang sa sunud sunud na yabag ang sunud
niyang narinig at malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Huwag maawa ka! Huwag mong idamay ang anak ko dito.."

Isang napaka matipunong lalaki ang nakita niyang nakatayo sa pintuan. Blonde ang
kanyang buhok. Matangkad at matikas ang tindig. Hindi maitatangi ang angkin niyang
kagwapuhan at pakiramdam niya'y bumalik siya sa kasalukuyan dahil hindi maitatangi
ang malaking pagkakahawig nang lalaking ito kay Night. Pakiramdam niya'y nasa
harapan niya ngayon si Night na may ibang kulay nang buhok at mas matigas na
detalye nang mukha.

Kung ganoon ay ito ang Ama ni Night?

"Amang?"

Nagising si Alexis.

"Anak huwag kang lalapit sa kanya..." nagsusumamong sigaw ni Andrea na tila walang
magawa sa likuran nang lalaki.

"Amang?" Sabik na ulit nang batang Alexis.


Ngumiti ang lalaki at binuka ang kanyang mga braso. "Alexis, anak ako nga ito.
Halika sumama ka na sa akin.."

Kahit nakangiti ito'y kinikilabutan si Alexine.

"Alexis wag kang makikinig sa kanya .."

Pero tila hindi naririnig ni Alexis ang ina at parang nahihipnotismo itong lumakad
papalapit sa kanyang ama. Nang yumakap ang bata sa kanya'y tumayo ito at binuhat
ang bata at dire-diretsong lumabas nang kwarto. Galit na sumunod si Andrea habang
sinusubukang pigilin ang dalawa.

"Bitawan mo ang anak ko, hayop ka! Ibalik mo sakin ang anak ko!"

"Inang? Amang? " Nagsimula nang umiyak si Alexis nang marealize niya kung anung
nangyayari.

Agad sumunod si Lexine at lumabas nang kwarto. Pinagbabayo ni Andrea ang mga braso
at likuran nang lalaki subalit hindi ito natinag at hindi pinakawalan ang bata.

"Bitawan mo siya!"

Isang malakas na sampal ang binigay nang lalaki sa kanya. Nasubsob sa sahig ang
kawawang babae.

"Hindi na kita kailangan. Kukunin ko na ang aking anak at wala ka nang magagawa"
malamig na sabi nang lalaki.

Dire-diretso itong lumakad palayo bitbit ang umiiyak na si Alexis. "Inang! Inang!."

"Alexis!" Agad bumangon si Andrea at humabol sa dalawa.

"Andrea huwag mapapahamak ka lang!" Biglang lumapit si Annie at sinubukang pigilan


ang kapatid.

"Hindi ate, babawiin ko ang anak ko!" Buong tapang na bumitiw si Andrea sa kapatid
at dire-diretsong humabol sa mag ama. Tinawag muli ni Annie ang kapatid ngunit
hindi na ito nagpaawat pa.

Pumasok muli nang bahay si Annie at inusog ang isang cabinet sa loob nang kwarto.
Isang lihim na taguan ang nandoon. Binuksan niya iyon at may kinuhang isang
patalim. Kakaiba ang hawakan nito't gawa iyon sa ginto at mga dyamante.

Humahangos na tumakbo si Annie palabas nang pintuan upang sagipin ang kapatid.
Ngunit nahuli na siya nang dating. Dahil natagpuan niya si Andrea na lumulutang sa
ere at namimilipit sa kirot habang nakaangat ang kamay nang lalaki. Si Alexis naman
ay umiiyak sa isang tabi.

"Hindi! Andrea!" Buong lakas na sumugod si Annie at hinanda ang kanyang patalim.

Binitawan ng lalaki si Andrea na bumagsak sa sahig at mabilis na sinanga ang mga


braso ni Annie. Ilang pulgada na lamang ang layo nang patalim sa kanyang dibdib.

Tumaas ang sulok nang labi nito. "Sa tingin mo ba'y mapapatay mo ako nang ganon
ganon na lang gamit ang patalim na iyan?"

Galit na tumitig si Annie sa kanya. "May basbas nang kaluwalhatian ang patalim na
ito. At sinisigurado kong kaya nitong gawing abo ang isang demonyong katulad mo!
Papatayin kita!"

Buong lakas na diniin ni Annie ang patalim sa kanyang dibdib ngunit tumaas ang
kamay nito't hinablot siya sa kanyang leeg. Nabitawan niya ang patalim.

"Pinapahanga mo ako sa angkin mong katapangan...sa tingin ko'y maari kitang


mapakinabangan" gumuhit ang nakakakilabot na ngiti nito.

"Aaahhhhh! Bitawan mo siya!"

Sa isang iglap ay nakarating si Andrea sa kanila. Dinampot nito ang nahulog na


patalim at sinaksak sa likuran ang demonyo. Napahiyaw ito sa sakit. Nabitawan nito
sa Annie na halos habulin ang kanyang hininga.

Galit na humarap ang demonyo kay Andrea. Nagliliyab ang mga mata nito. Sumilay ang
labis na takot sa mga mata nang babae nang sandaling iyon.

"Alam mo ba, na totoong nagugustuhan kita nang makipaglapit ako sa iyo Andrea?"
Dahan dahan itong lumapit. Napaatras naman sa takot ang huli.

"Ikaw ang siyang pinaka magandang babae sa lugar na ito at ikaw ang kauna unahang
nilalang na nakapagpahanga sa aking mga mata..at alam ko nung una pa lang kitang
nakita. Na ikaw ang magbibigay sa akin nang supling na matagal ko nang
minimithi..."

"M-masama ka Lucas! Lahat nang pagmamahal na binigay ko sayo. Pinagsisihan ko ang


lahat nang iyon! At mamatay muna ako bago mo makuha ang anak ko!"

Ngumiti si Lucas at nang sandaling iyon. Nasa mga mata nito ang matinding kasamaan
na walang kahit sinong makakahigit.
"Kung ganoon, pagbibigyan kita sa iyong nais mahal ko..."

Nanlaki ang mga mata ni Andrea nang biglang pinasok ni Lucas ang kamay sa kanyang
dibdib. Para itong patalim na bumaon sa kanyang mga balat.

Gilalas na gilalas si Annie sa sinapit nang kapatid. Pero wala na siyang magagawa
pa upang iligtas ito. Agad siyang tumakbo upang kunin ang umiiyak na si Alexis.

Tumingin sa gawi nila si Andrea. Nakikiusap ang kanyang mga mata. Lumalabas sa
kanyang bibig ang agos nang dugo. Alam niya nang sandaling iyon na kailangan na
niyang kumilos. Binitbit niya si Alexis at mabilis na tumakbo patungo sa kakahuyan.

Hindi makapaniwala si Lexine sa lahat nang nakita at nasaksihan niya. Hindi siya
makapaniwalang naranasan lahat ni Night ang kadumal dumal na pagpatay nang sarili
niyang ama sa kanyang ina.

Nakita niya ang sariling umiiyak at naninigas sa kinatatayuan. Sumiklab ang


matinding galit niya para kay Lucas. Napaka sama nito para patayin ang babaeng
nagmamahal sa kanya.

Mabilis na muling tumalon ang eksena at napunta muli si Lexine sa panibago na


namang pangyayari.

Nasa gitna na siya nang kagubatan. Natagpuan nang mga mata niya si Alexis na walang
humpay ang pag iyak. Sa tabi niya nakahandusay ang halos wala nang buhay na katawan
ni Annie.

"Tiya...tiya...."

Awang awa si Lexine sa bata. Lahat nang ito'y hindi nito deserve na makita sa mura
nitong kaisipan. At ngayo'y naiintindihan na niya lahat nang pinagdadaanan at
pinaghuhugutang galit ni Night sa mundo at kung paano siya nilamon nang hinagpis at
galit.

Lumapit sa kanya si Lucas. Duguan ang kamay nito. "Halika na Alexis, sumama ka na
sa akin.."

Galit na tumingala sa kanya ang bata. "Ayoko! Masama ka! Hindi ikaw ang Amang ko!
Pinatay mo si Tiya at Inang! Ayoko sayo!"

Kampante lamang si Lucas habang umupo sa gilid ng katawan ni Annie. "Mahal mo ba


ang iyong tiya Annie? Kapag sumama ka sa akin ay ililigtas ko siya. At kapag hindi
naman ay papaslangin ko siya mismo sa iyong harapan. Mamili ka Alexis.”

Natahimik sa pag iyak ang bata. Napatingin ito sa nag aagaw buhay niyang tiya at
naisip nitong ito na lamang ang mayroon siya. Kaya naman kahit labag sa kanyang
kalooban ay sumama siya kay Lucas kasama ang kanyang tiya Annie.

Mabilis at sunud sunud na nag play lahat nang mga sumunod na eksena sa harapan ni
Lexine. Natagpuan niya ang sariling napapaliligiran nang ibat ibang kaganapan. Mula
sa muling pagbubuhay ni Lucas kay Annie subalit hindi na ito naging tulad nang
dati. Ginawang demonyo ni Lucas si Annie at ginawang kanyang asawa.

Lumaki si Alexis na may poot sa kanyang ama. Ang inaasahan niyang kakampi na si
Tiya Annie ay nagbago na. Naging masama na ito at wala na ang dating mapagmahal na
kapatid nang kanyang ina. Tuluyan itong nilamon nang kasaaman ni Lucas.

Sa mga alaala ni Annie ay lumabas na minahal nito nang lubos si Lucas. Subalit
walang ibang nais si Lucas kundi ang kanyang katawan. Upang pagsawaan gabi gabi at
gamitin siyang tila gamit na pwede na lang nitong itapon sa oras na magsawa na.

Isang eksena ang nakapukaw nang atensyon niya.

"Wala kang silbi Annie, hanggang ngayo'y hindi mo pa rin ako mabigyan nang anak?
Wala kang silbi!" Galit na sigaw ni Lucas sa asawa.

"Patawarin mo ako Lucas...gusto naman kitang mabigyan nang anak


subalit..subalit..."

"Wala kang kakayahan dahil kailanma'y hindi ka na magkakaanak..." malamig na sabi


ni Lucas.

"P-paano iyon nangyari? Imposible iyon Lucas magdadalang tao pa ako. Kaya kitang
mabigyan nang anak bigyan mo lang ako nang sapat na panahon.."

Sa kabila nang pagkakakuha ni Lucas sa kanyang anak na si Alexis. Hindi pa rin siya
nakuntento. Masyadong matigas ang ulo ni Alexis na madalas ay hindi niya makontrol.
Kaya naman nais niya nang panibagong anak na siya mismo ang magpapalaki nang sa
ganoon ay mapasunod niya ito.

Ngunit hindi iyon maibigay sa kanya ni Annie. Maraming beses na silang nagsiping
ngunit tila hindi na talaga ito magkakaanak pa.

"Mas mabuti pa sigurong ikaw na lang ang pinaslang ko at hindi si Andrea...higit na


mas maganda naman siya sa iyo at mas higit na napapaligaya niya ako sa kama..."

Dahil doon ay nagsimula ang matinding poot ni Annie. Alam niya sa sarili na si
Andrea naman talaga ang totoong mahal ni Lucas. May iilang beses pa nga na pangalan
nito ang ibinibigkas nito sa tuwing nagsisiping sila.

At kahit patay na ito'y hindi niya pa rin ito magawang higitan sa puso ni Lucas.
Isang eksena muli ang pinakita sa harapan ni Alexine kung saan may kausap na isang
matandang warlock si Annie. Humingi siya nang tulong dito upang magkaanak dahil
alam niyang iyon lamang ang paraan para tuluyan siyang mahalin nang asawa.

"Iyong ipagpaumanhin kamahalan. Subalit tanging mortal na katawan lamang ang


maaring makapagdala nang isang bata sa kanyang sinapupunan. At dahil matagal ka
nang nakaalis sa mortal mong katawan. Kailanma'y hindi ka na magkakaroon nang anak"

Nagwala sa galit si Lilith. Ang kaisa isang pagkakataon niya'y tuluyan nang nilamon
nang kawalan.

Ngunit sinumpa nito sa kadiliman na gagawin niya ang lahat para mapasakanya ang
pagmamahal ni Lucas.

=================

V.6 Chapter Fourty Four

Chapter Fourty Four : Selfish Love

Tila isang library nang mga nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ang nakapalibot kay
Lexine. Ibat ibang panahon at pangyayari na lumulutang sa maliit na bilog na
kristal. Napalilibutan siya nang makikinang na kristal na naglalaman nang ibat
ibang pangyayari na maari niyang makita at mismong maranasan.

Ganito pala ang pakiramdam nang pagiging isang Gregory. Ngunit lahat nga ba nang
Gregory ay may kakayahan nang katulad nang sa kanya?

Hindi niya alam na may ganito palang napaka espesyal na kakayahan ang nagtatago sa
kanyang pagkatao. Lumaki siyang normal kapiling ang kanyang lolo ngunit hindi pala
ganoon kadali ang buhay.

Dahil mula nang gabing muntik na siyang mamatay at nang gabing natikman niya ang
makirot at masarap na halik ni Night. Iyon ang simula nang matinding pagbabago sa
kanyang buhay.

Night

Tila nararamdaman nang kapangyarihan niya kung sinong laman nang kanyang isip.
Mabilis na lumutang at pumaikot sa kanya ang mga kristal. Tila ina-arrange nila ang
sarili. Parang ipo-ipo sa bilis ang ikot nang mga ito sa kanya hanggang sa huminto
silang lahat at tila naging ordiaryong kristal na nakalutang lang sa hangin.

Sa harapan niya lumulutang ang ilang piraso nang kristal na natitirang buhay. At
nang pagmasdan niya lahat nang iyon. Ay nalaman niyang lahat nang kristal ay ang
lahat nang pangayayari sa buhay ni Night.

Pakiramdam niya'y mali ang matukso na tignan ang naging buhay nito. Mga bagay na si
Night lamang dapat ang nakaalam subalit matinding pag aasam ang namamayani sa
kanya.

She wants to know him better. To learn more of his past and all the things he had
been to. She wants to embrace all his memories so he could finally unfold all the
mysteries and secrets of the man she love.

The crystals were like the apple of sin the snake used to tempt Eve.

And now, Lexine find herself in the position of Eve. Craving for that one sinful
Apple.

Konti lang naman... Sa isip isip niya.

Isang kristal ang nakapukaw nang kanyang atensyon. Masyado kasi iyong malinawag.
Hinawakan niya ang kristal at sumabog ito sa nakasisilaw na liwanag.

Natagpuan niya ang sarili na nasa loob na nang nakaraan na iyon.

Si Night.

Nakita niya si Night na abala sa "trabaho" nito bilang taga sundo. Iba't ibang
kaluluwa ang kanyang sinusundo at dinadala sa portal patungo sa mundo na nag aabang
sa mga yumaong kaluluwa.

Tila paulit ulit na routine ang kanyang ginagawa. At natural ang kanyang pagka
pilyo dahil may mga pagkakataon na hilig niyang maglaro. Gaya na lang na paglaruan
ang mga mortal.

Sa isang libing nang dalagitang namatay sa isang gang rape. Na nahatid na ni Night
sa kabilang mundo. Sa isang sulok nanonood si Night habang umiiyak na walang humpay
ang mga kamag anak.

Nakalumbaba siya at nakadikwatro habang nakaupo sa isang lamesa at nakikipag sugal.

"Kawawa naman yung bata, malapit na sana grumaduate nang kolehiyo" sabi nung
matandang lalaki na kalaro niya nang poker.
"Oo nga, napaka buti pa namang bata niyang si Karla. Matulungin at magalang..
nakakapanghinayang ang buhay niya..." dugtong pa ng isa pang mid aged na lalaki.

"Baka naman boyfriend niya yung isa sa mga nang-rape sa kanya.. " maya-maya'y sabi
niya .

Napatingin lahat sa kanya ang mg tao sa lamesa.

"Paano mo nasabi iho? E wala naman pinapakilalang boyfriend yan si Karla" sagot
nung matandang babae.

Nagkibit balikat siya. "Hmm, just a guess.."

Hindi sumang ayon ang mga matatanda sa kanya. Ilang beses pa siyang natalo sa laro
hanggang sa maubos na ang chips niya.

"Haay .. you old hags are cheaters!" Reklamo nito.

Tinawanan lamang siya nung matandang lalaki na nanalo. "Better luck next time na
lang iho.."

Nagawi ang tingin niya sa harapan. Walang humpay pa rin sa pag iyak ang mga ito. At
dahil wala na siyang ibang magawa at bored na siya. Naisipan niyang gumawa nang
kalokohan.

Naglakad siya palapit sa kabaong. Pasimpleng hinaplos niya ang kahon nito at
mahinang nag chant nang isang spell.

Agad din siyang lumakad palabas nang kwartong iyon. Hindi pa siya tuluyang
nakakalabas nang marinig niya ang matinding sigawan nang mga tao.

Paglingon niya'y nagkakagulo sila. Dahil bumangon ang bangkay at dumilat.

"Zombie!!!"

Nagkagulo ang lahat at nagsitakbuhan.

Agad lumapit si Lexine at sumunod kay Night. Naglalakad na ito patungong hallway.

"Ikaw, bakit mo ginawa yun! Ang sama mo talaga! Hindi ka ba naawa dun sa mga
namatayan?"
Pero syempre. Hindi naman siya nito naririnig. Diretso lang itong lumakad sa
hallway. Nadadaanan nila ang ibat ibang kwarto kung saan bawat kwarto'y may mga
nakaburol at mga pamilyang naghihinagpis.

Bumababa sila nang hagdan. Sinusundan niya lang ito. Nakikita niya pa kung paano
malagkit na titigan nang mga babae si Night. Sobrang gwapo naman kasi nito kahit na
kakaiba ang aura nito.

May mga teenager pang naghahagikgikan nang dumaan si Night.

"Hoy! Ang babata niyo pa aral muna.." saway niya sa mga ito kahit hindi rin naman
siya naririnig.

Napairap na lang siya. Biglang nauntog yung ulo niya sa likuran ni Night. Huminto
pala ito sa paglalakad. Nasapo niya ang noo. Tiningala niya ito at nakita niyang
may tinitignan ito sa katapat nilang kwarto.

Nang sundan niya ang tingin nito'y para siyang nanigas. Ang eksenang ito. Alam niya
kung kailan ito nangyari.

Dalawang kabaong ang nasa loob nang kwarto. Marami raming bisita ang nakaupo sa
upuan at nakikiramay . Sa unahan natagpuan niya ang kanyang lolo Alejandro.
Tinatangap nito bawat condolence at yakap nang mga bisita.

Ito ang burol nang kanyang mga magulang.

Parang biglang bumalik lahat nang kirot sa dibdib niya habang dahan dahan siyang
pumapasok sa loob. Tinignan niya ang dalawang mahimbing na tulog nang kanyang mommy
Leona at daddy Andrew.

Mabilis na tumulo ang mga luha niya.

Her mother, her father. They dont deserve to be like this. Kung may magagawa lamang
sana siya noon. Pinrotektahan niya ang mga ito.

Pero huli na ang lahat. Andito na lang siya upang tanawin at balikan ang mga
nangyari.

Sa katapat na upuan nang kabaong nakita niya ang batang sarili. Apat na taong
gulang pa lamang siya noon. Yun yung mga panahon hindi niya pa masyadong
naiintindihan lahat nang nagyayari sa paligid niya.

Mamumugto ang kanyang mga mata. Namumula ang pisngi na tila kagagaling lang sa
kakaiyak.
Maya-maya'y tumingin ang batang Lexine sa kanyang lolo na abala pa rin sa mga
bisita. Tumayo ito at lumabas nang kwarto.

Sinundan niya ito.

Lumabas nang kwarto ang batang Lexine at nahinto rin sa paglalakad nang makita niya
si Night na nakatayo sa gilid sa labas nang pinto.

Napahinto rin si Lexine at pinagmasdan ang dalawa.

Kung ganoon ay nakita na pala niya noon si Night nung bata pa lang siya? Hindi na
niya maalala ang pangyayaring iyon sa buhay niya.

"Hey there little angel.." ngumiti si Night at umupo para pumantay sa batang
Lexine.

Kitang kita ni Lexine kung gaano hangaan nang batang mga mata niya si Night.

How ironic, nung bata pa lang siya'y nagka crush na pala agad siya sa demonyong
ito.

"Hi..." bati nang maliit niyang boses.

"Why are you crying?" Tanong nito.

Muling namula ang ilong ni Lexine at sumingot singot. "Mommy and daddy, they are
sleeping and they wont wake up.." she said in between sobs.

"Hush...its okay angel..its okay. Look I actually met your parents before.."

Nakuha nito ang buong atensyon niya.

"Really? Your mommies friend?"

Napatingin sa kisame si Night. "Hmm not really but were good buddies. Anyway, your
mommy and daddy told me that they really love you and they want you to be a strong
little girl. Mommy said dont cry and take care of your grandfather.."

Lumingon sila pare-pareho sa gawi ni Alejandro.

Bakit nga ba hindi sumagi sa isip niya. Maaring si Night din mismo ang naghatid sa
kaluluwa nang parents niya. Well, ito lang naman ang nag iisang death scheduler na
kilala niya.

She always wonder how he manage to take care all these dying souls at the same time
if a lot of people dies everyday.

"Yup. So smile now little angel...you must be a strong and good girl. Here I have a
gift for you.." may kinuha ito sa loob nang leather jacket niya.

She was amazed to see a box of small cupcake.

"Wow!" Sabi nang batang Lexine.

"I'll give this to you but promise me you will not cry again"

Tumingin sa kanya ang mabibilog nitong mga mata. Pinunasan nito ang natuyong luha
at namumulang ilong gamit ang sleeve nang sweater nya. Tapos ay ngumiti ito.

"Yes, I promise I'll be a strong girl from now on .." she said with a big smile.

Night whole heartedly smile back at her little face at gave the box of cupcake. He
leaned closer and kiss her in the forehead.

Woah...so thats where all the forehead kissing started.

She saw her little self blush. How cute.

"See you soon my little cupcake.."

Naglakad palayo si Night. Humabol nang sigaw ang batang Lexine.

"Hey wait..." tumakbo ito palapit sa kanya.

Tumingala ito at namumula ang buong mukha. Huminto naman si Night para tignan ito.

"I....I...."

Naghintay si Night sasabihin nito.

She was really blushing hard. "I ...l-like you.."

Napanganga siya. Did her little self really said that?


Napangisi lang si Night and chuckled sexily. Oh boy she really miss those laughs.

Lumuhod si Night sa kanya. "You know what, you somehow reminds me of someone. She
have same twinkling brown eyes like yours... and she's really beautiful..."

"Whats her name?"

He stopped for a moment before smiling back at her. "Andrea..."

Awww.

"So if this Andrea is beautiful and you said you remind her from me, does it mean
I'm beautiful too?" She asked in anticipation.

"Yes my little cupcake is so beautiful...I maybe can wait a few years and watch you
grow up. And then, I can think again about your confession..."

Her little self grinned widely.

That day. Is when her little self dreamed to be the woman of this gorgeous man who
gave her a cupcake.

Nakangiting pinagmamasdan niya lamang ang sarili at si Night. The feeling is


actually overwhelming. Noon pa man, tila alam na nang munting puso niya na ang
lalaking ito ang mamahalin niya.

Mabilis na naputol ang pagbabalik tanaw niya nang may kamay na matutulis na kuko
ang tumakip sa bibig niya at hinablot siya.

Pagharap niya'y nasa isang madilim na kwarto na siya kaharap si Lilith.

"Do you enjoy your trip?"

Saka lamang nag sync in sa kanya ang lahat pabalik. Wala na ngayon ang masasayang
alaala kundi kailangan na niyang harapin ang realidad.

Nandito siya ngayon para gawin ang isang bagay na gustong ipagawa sa kanya ni
Lilith.

"Annie ..." maingat na bangit niya sa totoo nitong pangalan.


Tila hindi naman ito nagulat sa kanya. "So I guess na nakita mo na lahat nang nais
mong makita...nakakatuwa ba? Na kaharap mo ngayon ang pinakamamahal na tiya nang
iyong nobyo?"

Pero alam niyang hindi na ito ang dating Annie na kilala ni Night. Isa na itong
demonyo at binalot na nang kasamaan ang puso nito.

"Anu ba talagang gusto mong gawin ko!"

Lumakad ito at pinadaan ang matutulis na kuko sa kanyang leeg pababa sa kanyang
dibdib. Umikot ito sa kanya habang tinitignan siya nang taimtim.

Pumuwesto ito sa likuran niya at sinakal siya. Nilapit nito ang bibig sa kanyang
tenga.

"Gusto kong ibalik mo ako sa nakaraan, kung saan unang nakilala ni Andrea si
Lucas...gusto kong ibalik mo ako sa panahon iyon. Nais kong pigilan ang pagkakaroon
nila nang ugnayan. Ako ang siyang magugustuhan ni Lucas at hindi Andrea...ako ang
una niyang mamahalin at hindi si Andrea"

Nagilalas siya sa sinabi nito. Kapag ginawa nito iyon maaring mawala si Night at
hindi na maipanganak pa.

"At bakit naman sa tingin mo'y tutulungan kita?. Alam ko kung anung gusto mong
mangyari. Gusto mong ikaw ang mahalin ni Lucas at ikaw ang mabuntis niya. Dahil
nung naging demonyo ka nawalan ka na nang kakayahan na mag ka anak kaya gagamitin
mo ang katawan mong mortal para bumuo kayo ni Lucas nang panibagong demonyong
magagamit niyo sa masasama niyong plano...at dadalin mo ang bata sa kasalukuyan
para magamit niyo sa kasamaan..."

Mas humigpit ang pagkakakapit nito sa kanyang leeg. Tumawa ito nang nakakaloko.

"Magaling mortal...ayaw mo ba nun? Maililigtas ko pa si Andrea..."

Pinagkiskis niya ang mga ngipin sa galit. "Ayoko. Hindi kita hahayaang magtagumpay
sa mga plano mo..sakim ka. Dahil kung talagang gusto mong iligtas ang kapatid mo
sana hiniling mo sakin na ibalik ka sa panahong pinatay siya ni Lucas para iligtas
si Andrea!"

Muli itong tumawa nang nakakaloko. Na tila nahihibang.

Hindi siya tanga. Sa mga nakita niya naiintindihan na niya ang lahat. Tuluyan nang
nilamon ng kasamaan si Lilith at alam niyang walang magandang maidudulot ang
pagtulong niya dito na gawin ang gusto nitong mangyari.

"Matigas ang ulo mo... sige tignan natin kung hanggang saan ang tigas nang ulo mo
kapag ginalaw ko ang lolo mo..." may nilabas itong usok mula sa mga kamay at imahe
nang kanyang lolo Alejandro ang lumabas.

Namumutla ito at halos nag aagaw buhay. Sa tabi nito sinusubukan itong pagalingin
ni Madame Winona.

"Please huwag! Huwag mong sasaktan ang lolo ko..." pagmamakaawa niya.

"Alam mo ang sagot para diyan Alexine...."

Muli ay natagpuan ni Lexine ang sarili sa sitwasyong alam niyang wala siyang
mapagpipilian.

Alang alang sa buhay nang kanyang lolo Alejandro. Dibale nang buhay niya ang
malagay sa kapamahakan wag lamang ang mga mahal niya sa buhay.

Napapikit siya. Hindi na niya alam ang gagawin at sa nakikitang nahihirapan ang
lolo niya, nilalamon siya nang matinding takot.

"Oo...gagawin ko na ang gusto mo.."

Ngumiti si Lilith at binitawan ang leeg niya.

=================

V.6 Chapter Fourty Five

Chapter Fourty Five : Lilith's Happiness

Tahimik na lumanding ang mga paa ni Night sa sementadong sahig. Sa balcony siya
dumaan para hindi siya makita nang mga bantay na ravenium at lethium demons sa
paligid nang abandonadong simbahan.

Sinilip niya ang mga demonyo sa ibaba. Mula dito'y hindi siya matatanaw nang mga
ito. Mabilis siyang pumasok sa pintuan patungo sa hallway.

Dahan-dahan at tahimik siyang naglakad. Masyadong malaki ang lugar na iyon at


maraming kwarto. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin si Lexine.

Pinalabas niya si Ira.

"Go find Lexine and that bitch..."


"Masusunod Master..." mabilis na lumutang sa hangin si Ira at sinimulang hanapin
ang kanyang prinsesa.

Ginala ni Night ang tingin sa paligid. Narinig niya agad ang tunog nang mga hakbang
na papalapit kaya maliksi siyang nagtago sa likod nang malaking kurtina sa bintana.

"Bwisit talaga ang babaeng yon! May araw din siya sakin!" Narinig niya ang isang
pamilyar na boses. Sumilip siya at nakita niya si Grorag.

Sira sira ang damit nito at may kausap itong isa pang lethium demon.

"Ikaw naman kasi Grorag, napaka hilig mo. Alam mo namang hindi natin maaring
galawin ang babaeng bihag nang kamahalan. Siguradong malalagot tayo kapag ginalaw
mo siya .."

Nanigas ang katawan niya. Alam niyang si Lexine ang pinag uusapan nila.

"Hindi mo kasi siya nakita nang malapitan. Hindi mo nahawakan ang malalambot niyang
balat. Napakinis nang mapuputi niyang binti at talaga namang naakit akong marinig
siyang umungol. Siguradong masisiyahan ako nang lubos sa babaeng iyon. Malapit ko
na sana siyang matikman kung hindi lang dumating ang--"

Nahinto sa pagsasalita si Grorag nang biglang lumitaw si Night mula sa kung saan
ang buong galit na sinakal ang kanyang leeg.

Nanginginig sa galit ang buong katawan niya. Maisip niya lang ang mga
kalapastanganang ginawa nito kay Alexine ay sapat nang rason para kitilin niya ang
buhay nito.

"M-mahal na P-prinsipe Night..." nagulantang si Grorag. Bakas sa mukha niya ang


takot.

Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. "I would like to feel proud on how you
describe the beauty of my girl but hearing how you lust for her makes me sick...."

"P-patawad prinsipe...w-wala naman akong ginawa sa kanya h-hindi ko siya hinawakan"


naipit ang boses nito nang lalong higpitan ni Night ang pagkakasakal sa kanya.

"I dont want to hear what you have to say. And geez dude you have a dragon
breath.."

Nanlisik ang mga mata niya't walang patumpik tumpik na binali nito ang leeg nang
demonyo. Walang buhay na bumagsak ito sa sahig.
Nanginginig ang natirang lethium demon pagharap ni Night sa kanya.

"You! Show me where that bitch is.."

Nanginginig sa takot na sumunod ito. "D-dito po prinsipe Night .."

Agad niya itong sinundan hanggang sa dinala siya nito sa tapat nang malaking
pintuan. Nakasara iyon at hindi mabuksan.

Saktong lumitaw si Ira sa kanyang gilid.

"Master...nasa loob si Lexine at ang iyong ina-"

"She's not my mother!" Putol niya agad.

Yumukod si Ira. "Paumanhin master. Nasa loob ang dalawa. Nagaganap ang isang
ritwal, lumiliyab ang isang pentagram at sa loob niyon ay nakahiga ang walang malay
na mortal..sa aking pakiramdam ay nagsimula na ang ritwal na ginawa ni Lilith..."

Lalo siyang nangalaiti sa inis. He need to do something. Pinalabas niya ang


espadang si Gula at mabilis na sinira ang lock niyon. Agad bumukas ang pinto at
dali dali siyang pumasok.

Napahinto siya sa nakita.

Anim na bangkay ang nakasabit sa harapan. May malaking pentagram na napalilibutan


nang apoy. Sa gitna nakahiga si Lexine at sa tabi niya'y nakaupo si Lilith..

"Lexine!" Tumakbo siya papalapit sa kanila subalit may kakaibang pwersang


nakaharang. Naramdaman niya iyon at napaso ang kanyang balat.

"Fuck!"

"Protektado sila hanggat nasa loob sila nang pentagram na iyan master..." sabi nang
lumulutang na si Ira.

"No! We have to do something!"

****

Napaliligiran nang ibat ibang kristal nang mga nakaraan sila Lexine at Lilith. Nasa
isang mundo silang gawa nang ritwal kung saan madilim at puro kawalan.
Hinahanap ni Lexine ang pangyayaring nais balikan ni Lilith. At kahit labag sa
kanyang loob ay wala siyang magawa.

She need to save his lolo Alejandro. But she also need to save the humanity.

Kapag nagtagumpay si Lilith sa gusto nitong gamitin ang mortal nitong katawan upang
makabuo nang panibagong supling. Siguradong magiging katapusan na nang lahat.

Magiging makapangyarihan ang demonyong iyon at ito ang maghahasik nang kasamaan sa
buong mundo.

At ayaw niyang maging parte sa pagtupad nang mga plano na iyon.

Higit sa lahat. Hindi niya sigurado kung paano ito makakaapekto sa kasalukuyan.
Maaring hindi na maipanganak si Night, maaring hindi na sila magkita at
magkakilala.

Ang isiping walang magiging sila sa kasalukuyan ay parang papatay sa kanya.

He can't let that happen.

But what can she do?

In her mind. She knew and she feel na hindi niya dapat pakielaman ang nakaraan.
Makakasira iyon at makakaapekto sa kasalukuyan at maging ang hinaharap.

Kaya't kailangan niyang makaisip nang paraan para mapigilan si Lilith. Even if it
need to risk her own life she will.

For the sake of the people she loves.

Habang hinahanap niya sa mga kristal ang panahon na gustong balikan ni Lilith.
Nagawi ang tingin niya sa ibang kristal nang nakaraan.

Nandoon ang mga pangyayari noon sa kanila ni Night. Nasa loob niyon ang mga
masasayang alaalang pinagsaluhan nila.

Ang panahon na binuhay siya nito sa pamamagitan nang kiss of death. Nang iligtas
siya nito sa grupo nila Cristoff. Nang halikan sya nito sa ballet studio.

Natanaw niya rin bawat ngiti nito sa kanya. Sa paghaplos nito sa kanyang mga balat
na nagpapabilis nang tibok nang puso niya. Parang tv ang mga kristal kung saan
pinapakita ang bawat nakaraan.
Isang kristal ang hinintuan nang mga mata niya. Pinapakita doon ang masasayang
sandali nila ni Night habang namamasyal sa Paris.

Kung saan hinalikan siya nito sa harap nang maraming tao. Iyon marahil ang isa sa
mga pagkakataon na hinding hindi niya makakalimutan.

Isa sa pinaka masayang alaalang mayroon sila.

At ang isiping babaguhin niya ngayon ang nakaraan na maaring maging dahilan para
hindi na mangyari ang lahat nang iyon.

Na hindi na niya mararanasan ang mga tingin nito, mga haplos at halik nito sa
kanya. Na baka pagbalik niya sa totoong mundo wala na siyang Night na maabutan.

Hindi niya iyon hahayaang mangyari.

"Naiinip na ako Lexine, hindi mo pa ba nakikita ang kristal na hinahanap ko?"

Napatingin siya kay Lilith. Kanina pa marahil siya nito pinagmamasdan.

"Bakit?"

Kumunot ang noo nito sa tanong niya.

"Bakit kailangan mo pang magsumamo at manglimos nang pagmamahal ni Lucas?


Nakalimutan mo na ba talaga kung paano maging tao? Nakalimutan mo na ba talaga
lahat nang pinagdaan ninyong magkapatid?"

That caught her off guard. For a while she saw longing and sadness in her cat
shaped eyes.

Pero mabilis na napalitan iyon nang madilim na tingin.

"Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi protektahan si Andrea. Kinalimutan ko
maging sarili kong kaligayahan para sa kanya. Unang beses pa lang na makita ko si
Lucas nagustuhan ko na siya pero para sa kaligayahan ni Andrea isinantabi ko
iyon.."

Napatigil si Lexine. Hindi niya iyon inaasahan. Isa iyon sa mga bagay na hindi niya
nakita.

"Nang mabuntis ni Lucas si Andrea nalaman namin ang totoo niyang pagkatao. Isa
siyang demonyo. Nagpangap siyang isa sa amin para magawa niya ang planong niyang
makabuo nang supling..ginamit niya ang kapatid ko.. pinrotektahan ko sila ni
Alexis, lumayo kami para magtago kay Lucas. Binuhos ko buong buhay ko para
protektahan sila! Hanggang sa huling hininga ko sila pa rin ang inisip ko..."

"Hanggang sa muli akong buhayin ni Lucas at gawing katulad niya. Lumabas sa akin
ang kakaibang lakas at pag aasam. At ang pag aasam na maging maligaya...na sa
pagkakataong ito. Kailangang isipin ko rin ang aking sarili at hindi ang kapatid ko
at anak niya...at ang pagmamahal lang ni Lucas ang kaligayahan ko. Pero hindi niya
ako magagawang mahalin hanggat hindi ko siya nabibigyan nang anak"

Pansamantalang nawala ang galit ni Lexine kay Lilith at nakaramdam siya nang
kaunting awa para dito. Naging mabuting kapatid siya kay Andrea subalit nilamon
nang matinding pagmamahal niya kay Lucas ang puso nito para makalimutan na nito
kung paano maging tao.

At dahil hindi na rin talaga ito tao. Pero gustong umasa ni Lexine. Gusto niyang
sumubok na maaring kahit kaunti , kahit maliit na chance lang na baka nasa loob pa
rin ni Lilith ang pagiging si Annie.

Baka hindi pa huli ang lahat.

"Annie..."

Tumalim ang tingin nito nang bangitin niya ang tunay nitong pangalan.

"Annie, kung nandyan ka pa kung naririnig mo ako sana maisip mo na may tao pa ring
magmamahal sayo...at andito lang siya sa mundong ito..nasa tabi mo lang siya all
this years pero pinili mong huwag siyang makita.."

Unti unti siyang lumapit dito. Nakita niya sa mga mata nito ang pagkalito.

"Anung pinagsasabi mo!"

"Annie...ang totoong nagmamahal sayo. Ang totoong kaligayahang hinahanap mo. Abot
kamay mo lang siya. Ang sarili mong kadugo. Si Alexis...nandito lang siya sa tabi
mo. Siya ang pamilya mo siya ang makakapagbigay nang pagmamahal na gusto mo ."

Tumawa si Lilith. Nailing ito. "Walang ibang inisip si Alexis kundi ang sarili
niya!"

"Hindi totoo yan! Alam natin pareho na hindi siya masama. Dahil nabubuhay pa rin sa
puso niya kung paano maging tao....dahil marunong pa rin siyang magmahal!"

At naramdaman niya iyon. Mismo, ang pagmamahal mismo ni Night ipinaramdam nito sa
kanya.
"Tignan mo ito" May kinuha siyang isang kristal. Sa loob niyon ang pangyayari kung
saan sinabi ni Lucas na hindi nito papatayin si Annie kung sasama si Alexis sa
kanya.

Nagdesisyon ang batang Alexis na sumama sa kanyang demonyong ama para lamang
iligtas si Annie.

Nanlaki ang mga mata ni Lilith. Na tila ayaw niyang tangapin ang mga iyon.

"Mahal ka ni Night at sinakripisyo niya ang sarili sa ama niya para iligtas ka!
Hindi mo ba iyon nakikita! Ginawa niya iyon para sayo!"

Galit na umatras si Lilith. Hinampas niya ang kristal at nabasag iyon.

"Hindi! Tumigil ka! Kasinungalingan lahat nang sinasabi mo!"

Mas lalo niyang pinatatag ang sarili. She need to help her back.

"Wag mong hangarin ang pagmamahal nang isang nilalang na alam nating walang
kakayahang magmahal! Masama si Lucas. At ginawa ka niyang katulad niya para sa
kasamaan! Pero si Night...nandyan siya. Noon pa man. Nangangailangan nang
pagmamahal nang ina na sayo niya inaasa noon pero pinili mo siyang kalimutan at
magpasakop sa kasamaan..."

"Hindi pa huli ang lahat Lilith....hindi pa huli ang lahat..."

Sinubukan niya itong lapitan. Nasa mukha nito ang pagkalito. Na tila maraming
alaala ang pumapasok sa kanya. Aalalaa nang pagiging tao niya. Alaala ni Annie.

"Annie....hindi pa huli ang lahat..."

Nilahad niya ang kamay niya. Pinakita niya ditong matutulungan niya ito. Na
mapagkakatiwalaan siya.

Pansamantalang natulala ito sa kamay niyang nakalahad. Dahan dahang lumambot ang
mukha nito at dahan dahang inabot ang kamay niya.

Tumingin sa kanya ang mga mata nito. Mata na puno nang kalungkutan.

Naglapat ang mga kamay nila. Dahan-dahang nag relax ang katawan nito. Akala niya'y
okay na ang lahat nang biglang nagdilim ang paningin nito at bumalik sa mabagsik na
anyo.
"Hindi!"

Hinatak siya nito't mabilis na kinulong sa mga bisig. Sinakal nang braso nito ang
leeg niya habang nasa likuran at tinapatan nang matutulis nitong kuko.

"Wag mo akong linlangin. Kunin mo ang kristal na gusto ko at gawin mo ang


pinapagawa ko!"

Napapikit si Alexine. Mukhang hindi ganoon kadaling matalo si Lilith. Huminga siya
nang malalim at muling nag isip.

"Bilisan mo!" Sigaw nito muli.

Inangat niya ang dalawang kamay at muling pinagalaw ang mga kristal habang
hinahanap ang pakay na nakaraan.

Sinadya niyang patagaling ang ginagawa upang mas makapaghanda sa gagawing pagtakas.

Tila napansin ni Lilith ang ginagawa niya. "Hindi na oras para maglaro! Gawin mo na
ang gusto kong mangyari o magsimula ka nang magpaalam kay Alejandro.."

Nakagat ni Lexine ang ibabang labi. Kailangan na niyang kumilos.

Huminga siya nang malalim at buong lakas na hinumpas ang mga kamay. Pinagalaw niya
ang mga kristal at hinagis patungo kay Lilith.

Tumutok ang mga kristal at sabay sabay na nabasag sa katawan ni Lilith. Nabalot
nang matinding liwanag ang paligid sanhi nang pagkakabasag nang mga kristal.

"Ahhh!"

Sinamantala ni Lexine ang pagkakataon at mabilis na nakawala sa mga kamay ni


Lilith. Agad siyang tumakbo palayo.

Ngunit wala siyang ibang natatakbuhan kundi tila walang katapusang kadiliman. Tila
nasa loob sila nang kawalan.

Narinig niya ang malalakas na hiyaw ni Lilith at alam niyang papalapit na ito sa
kanya. Kailangan niyang makagawa nang paraan para makaalis sa ilusyong ito.

Lexine! Lexine!
Nahinto siya sa pagtakbo nang biglang narinig ang napaka pamilyar na tinig.

"Night? Night nasaan ka?"

Ngunit walang sumagot kundi sariling echo lamang nang boses niya.

Lexine! Lexine wake up! Do you hear me? You need to wake up! Lexine wake up!

Pero hindi niya alam kung paano gumising sa bangungot na likha ni Lilith.

Lalong lumakas ang mga hiyaw at yabag ni Lilith hudyat na malapit na siya.
Nataranta si Lexine at pilit na nagconcentrate.

"Come on Lexi think..think..."

Sa di kalayuan. Biglang lumitaw ang lumulutang na bolang kristal. Mula sa pare-


parehong itsura nang mga ito may natatanginf kristal ang nangingibabaw. Malakas at
makinang ang liwanag na taglay nito.

That give her the clue. That's the answer to this mystery.

Buong lakas siyang tumakbo upang kunin ang kristal nang maramdaman niyang may
humablot sa buhok niya.

Napatili siya. Hawak hawak na siya ni Lilith. Sugat sugat ang buong mukha nito
dahil sa bubog nang mga kristal na pinasabog niya.

"Hindi ka makakatakas!" She growl in anger.

"Let me go you psycho bitch!" And she used all her strength to punch her straight
to the nose.

Lexine can't believe she really did that stunt in a demon!

Muli siyang tumakbo patungo sa mga kristal at bago pa man siya maabot ni Lilith ay
nahawakan na niya ang mahiwagang kristal na siyang magdadala sa kanya pabalik sa
kasalukuyan.

****

Malakas na naghabol nang hangin si Lexine pag gising niya.


Ginala niya ang tingin. Mainit ang kapaligiran. Nagliliyab ang lahat sa paligid
niya kasama na ang anim na bangkay na nasa harapan.

She was now back in the present time.

"Lexine!"

Paglingon niya sa boses ay lubos siyang nagalak nang matagpuan si Night sa likuran
nang mga apoy.

"Night!" Tinakbo niya ito.

"Wait stop!" But it was too late. Dahil mabilis na napaso siya sa tila invisible na
pwersang nakapalibot sa pentagram.

Napasinghap siya sa kirot. Literal na umusok ang braso niya.

Nanlalaki ang mga mata ni Lexine pag angat niya nang tingin kay Night. Her eyes
were shouting for help.

"Listen to me Lexine...just stay away from the fire. I'll do everything to break
this fucking spell..."

Sunud sunud na tumungo siya. Ngayong nandito na si Night unti-unti na siyang


nakahinga nang maluwag. Matapos lahat nang nakita at nalaman niya mula sa nakaraan
nito at ni Lilith. Wala siyang ibang gustong gawin kundi yakapin ito at iparamdam
ditong hindi ito nag iisa.

Na nandirito siya upang mahalin ito nang buong buo.

She was near in her tears. She wants to touch him badly but she cant.

"Hey..don't cry. Don't be scared cupcake I'm here..." lumambot nag mukha nito.

Nakagat niya ang labi para pigilan ang hikbi.

"I badly want to touch you Night..."

Sandaling naghinang ang mga mata nila. Dagdag ang intesidad nang mga tingin nito sa
kanya. Na kahit hindi nito sabihin. Sinisigaw naman nang mga mata nito na katulad
niya'y wala itong ibang gustong gawin kundi ang mahagkan siya.

Ngunit mabilis na naputol ang pagtitinginan nila nang biglang lumipad ang katawan
ni Lexine sa hangin. Isang itim na ahas ang biglang lumitaw sa sa hangin at
pumulupot sa kanyang katawan.

Gilalas na napasigaw si Night.

"Well...well... look who's here..my dearest son its been a long long time since we
last saw each other.."

Nakatayo na si Lilith sa gitna. Gamit ang kapangyarihan niyay bihag niya ngayon si
Lexine.

Nanginig ang buong mukha ni Night sa labis na galit. Humigpit ang pagkakahawak niya
sa kanyang espada.

"You bitch let her go! And don't you dare call me son coz you've never been a
mother to me!"

Tumawa nang nakakaloko si Lilith. Ngunit nasa mata nito ang matinding insulto sa
mga binitiwang salita nang nag iisang pamangkin.

"Sa tuwing nakikita kita'y naalala ko sayo si Lucas. Kamukhang kamukha mo talaga
ang iyong ama..."

Night body froze when he heard the name of his father.

"My dear son, bakit kailangan mo pa akong kalabanin? We are family. We can always
be a happy loving family. Me, you and your dad. At kung magiging masunurin ka lang
na anak kaya kong ibigay sayo ang babaeng gusto mo.." tumingala ito sa gawi ni
Lexine.

Namumutla na si Lexine. Mahigpit ang pagkakapulupot nang itim na ahas sa kanyang


katawan at ang ulo nito'y nakapantay sa kanyang mukha. Nag aabang nang pagkakataong
tuklawin siya.

"Tayo ang magkakampi dito Night. Hindi tayo dapat nag aaway. Hindi ba't nais mo
siyang makasama habang buhay? Maari natin siyang gawing kauri natin at kayong
dalawa'y hindi na mapaghihiwalay pa. Kahit ang mga anghel ay wala nang magagawa
para paghiwalayin kayo.."

Sandaling natahimik si Night. Nagpabalik balik ang tingin niya kay Lexine at
Lilith.

He knew from the start when he discovered that Lexine is a half angel that their
love can never be allowed by the universe.
They are heaven and hell.

And having her in his arms forever means an endless war in the world.

Nang bigyan niya nang kiss of death si Lexine natali na sa kanyang mga kamay ang
kaluluwa nito. He can really have her for himself if he wants. Pero kung
ordinaryong tao lamang sana si Lexine. Subalit hindi siya ordinaryo. May parte ang
kanyang kaluluwa nang hiwaga nang isang anghel.

At ngayong unti unti nang nabuhay sa katawan ni Lexine ang pagiging anghel nito
hindi na siya sigurado kung kaya pa ba nang kiss of death niya na mahawakan at
maangkin ito nang tuluyan.

Alam niyang mismo ang Arkanghel na si Daniel ang una niyang makakalaban.

But hell! He was not afraid. He was never afraid of anybody. Because even if it
means to fight the whole legion of angels just to get her girl then he will fight
and even death can't stop him.

Coz he was the death himself.

"I don't need you or any of your stupid shits Lilith. I will never make her like
you. My girl is pure and she will forever be.."

Buong lakas na inangat niya si Gula at hinumpas. Isang nakasisilaw na liwanag ang
lumabas mula sa kanyan espada.

Tumama ang liwanag sa shield na nakapalibot sa pentagram. Gumapang ang isang asul
na kuryente sa buong bilog hanggang sa unti-unti iyong nag crack at nabasag ang
tila salaming harang.

He made it!

Hindi makapaniwala si Lilith na nasira nito ang harang niya. She smirked in
amusement. She always forget who Night is and how powerful he can be.

"Let her go you bitch!" Tila hangin na lumitaw si Night sa harapan niya. Hinumpas
nito ang espada ngunit mabilis na nakaiwas si Lilith sa atake nito.

Pinahaba ni Lilith ang kanyang matutulis na kuko at patang halimaw na sinalubong


ang mga atake ni Night.

Nagpalitan sila nang liksi at lakas at parang hangin na lamang ang nakikita ni
Lexine sa sobrang bilis nang dalawa.
Unti-unti nang nawawalan nang hininga si Lexine. Pahigpit nang pahigpit ang
pagkapit nang itim na ahas sa kanyang katawan at nararamdaman na niya na konting
sandali na lang at tuluyan nang mababali ang kanyang mga buto.

"N-night..."

=================

V.6 Chapter Fourty Six

Chapter Fourty Six : Meteor Rain

Unti unti nang nanlalabo ang paningin ni Lexine. She hardly cant breathe. There's
barely no air in her body anymore.

Wala siyang ibang naririnig kundi mga ingay sa paligid sanhi nang paglalaban nang
mag tiya.

She need to do something. Hindi niya maaring iasa ng sariling buhay kay Night
ngayong lumalaban din ito para sa sarili nitong buhay.

Then she saw in her side visions a white bird flew inside the room. She tried to
look sideway and found Ithurielle flying in the room.

Nabuhayan siya nang pag asa.

"I-ithurielle..."

Tila hindi na niya kailangan pang sabihin dito ang dapat gawin dahil mabilis na nag
anyong golden eagle si Ithurielle at maliksing sinugod ang itim na ahas.

Sinakmal nito ang ulo nang ahas. Lumuwag ang pagkakapulupot nang ahas kay Lexine
kaya't mabilis na bumagsak siya sa lupa.

Ang aninong si Ira ang sumalo sa kanya.

"Ira..." nanghihina niyang sambit.

Tumitig lang sa kanya ang purple nitong mga mata. Wala siyang makitang mukha sa
loob nang hood nito pero nararamdaman niya ang mga bisig nito.
Natagpuan niyang bumagsak ang itim na ahas at mabilis na naging abo. Lumipad pababa
ang agila at lumiwanag. Nag form ang katawan nito at sa kauna-unahang pagkakataon
nakita ni Lexine ang totoong anyo nang kanyang anghel.

Manghang mangha siya.

Nakasisilaw ang lumiliwanag na malalaking pakpak ni Ithurielle. Umaalon ang golden


nitong mahaban buhok. Nakasuot siya nang body tight na puting tela na siyang
nagtatakip sa makurba niyang katawan. May ma gold na design ang body suit niya na
lalong nagpaganda sa kanya.

Nakamamamgha ito sa ganda.

"Mahal kong prinsesa..." lumuhod si Ithurielle sa kanyang harapan.

Dahan-dahan siyang bumaba mula sa pagkakabuhat ni Ira sa kanya. Hindi siya


makapaniwalang may kaharap siya ngayong anghel.

At ang mismong guardian angel nang kanyang ina!

"Ithurielle?"

Ngumiti sa kanya ang kanyang anghel. "Ako nga aking prinsesa. Sumama ka sa akin.
Kailangan kitang mailayo sa lugar na ito"

Nilahad nito ang mga kamay sa kanya. She hesitated for a seconds. Mabilis na
hinanap nang mga mata niya sila Night ngunit laking gilalas niya nang hindi niya
ito masilayan.

"Si Night! Nasaan sila?"

Isang basag na bintana ang nakita niya. Agad siyang tumakbo patungo doon at
natagpuan nang mga mata niya si Night at Lilith na nagpapagulong gulong sa balcony
sa ibabang baitang.

Napaibabawan ni Lilith si Night at inangat nito ang matutulis na kuko upang


sakmalin ang huli sa dibdib.

"Night no!"

Pero huli na ang lahat. Bumaon ang mga kuko ni Lilith sa dibdib ni Night na
matinding ininda nang huli.
Para siyang mababaliw sa nakita.

"No....no...no no no.."

Wala sa sariling inakyat niya ang bintana upang tumalon patungo kay Night ngunit
mabilis na pinigilan siya sa mga braso ni Ithurielle.

"Aking prinsesa...kailangan na nating umalis. Hindi ka na ligtas dito. Anumang oras


ay darating na ang mga alagad ni Lilith..."

Panay ang hagulgol niya. Kitang kita niya kung paano tila lantang gulay ang katawan
ni Night sa ilalim ni Lilith.

Tumingin sa kawalan ang mga mata nito.

"No please..we need to save him..please save him..."

Subalit mahigpit na hinawakan ni Ithurielle ang kanyang mga braso at pwersado


siyang hinatak palayo sa lugar na iyon.

"Paumanhin aking prinsesa, ipinagutos sa akin nang iyong ama na unahin ang iyong
kaligtasan..."

At sa isang iglap ay lumilipad na sila sa ere palayo sa lugar na iyon.

Mula sa itaas ay natanaw niya kung paano unti-unting nawalan nang buhay si Night sa
mga kamay ni Lilith.

Pakiramdam niya nang mga sandaling iyon ay tuluyan na rin siyang namatay.

*****

Anu nga ba ang pakiramdam nang mamatay? Marahil wala ka naman talagang mararamdaman
kundi magigising ka na lang na patay ka na pala.

Ngunit ang maramdamang unti-unti kang pinapatay nang matinding hinagpis habang
nabubuhay ang siyang pinakamasakit sa lahat.

Sa tuktok nang isang matayog na building sa gitna nang siyudad dinala ni Ithurielle
si Lexine.

Sa kabila nang matinding ginaw na dulot nang kalaliman nang gabi at nang malakas na
ihip na hangin. Walang maramdaman si Lexine kundi pighati at paghihinagpis.

"Paumanhin mahal na prinsesa..."

Ang tanging narinig niya mula sa kanyang anghel.

Hinayaan siya nitong mapag isa. At iyon muna ang kailangan niya. Hindi niya alam
kung gaano katagal na tumulala lang siya sa kawalan habang inubos ang tila walang
katapusang luha.

Wala na si Night at dahil iyon sa kanya.

Matinding galit ang nabuo sa kanyang dibdib. Kailangan niyang ipaghiganti ang buhay
nang lalaking iniibig. At upang mangyari iyon ay kailangan niyang tapusin ang buhay
ni Lilith. Nang sa ganoon ay tuluyan na ring mawala ang kasamaan nito.

Lumipas pa ang maraming oras nang makarinig si Lexine nang sunud sunud na yabag at
mas malakas na hangin.

"Lexi?"

Dahan-dahan siyang pumihit at nakita niya si Ansell. Sa tabi nito nakatayo si Cael.

Nais sana niyang mamangha sa nakikitang angking kagandahan ni Cael sa totoo nitong
anyo. At ang nakakasilaw na ganda nang mga pakpak nito na katulad nang kay
Ithurielle.

Gusto sana niyang mamangha na magkahiwalay si Ansell at Cael ngayon pero wala
siyang lakas.

Para siyang naging pipi at manhid. Wala siyang ibang maramdaman.

Nagkatinginan sila Cael at Ithurielle. Mentally ay nag usap sila. May kakayahan ang
mga anghel na mag usap gamit ang kanilang isipan. Nanlaki ang mga mata ni Cael nang
malaman ang balita.

Dahan-dahang lumapit si Ansell kay Lexine. Punong puno nang pag aalala ang mukha
nito. Awang awa siya sa kaibigan. Sira sira ang damit nito't puro galos sa kanyang
mga katawan.

"Lexi..." agad niya itong yinakap nang mahigpit.

At tulad nang inaasahan. Muling bumuhos ang bagyong luha sa mga mata ni Lexine.
Nalaman niya mula kay Cael na hindi pa tapos ang labanan. Ilang oras mula ngayon ay
bababa mula sa kalangitan ang lupon ng mga mandirigmang anghel.

Masyado nang maraming kaguluhang ginawa si Lilith at kailangan nang kumilos nang
mga anghel upang pigilan ito. Dahil alam nilang hindi ito titigil hanggat hindi
siya nababawi.

Ngayong natuklasan na nang lahat ang tungkol sa totoo niyang katauhan at espesyal
na kakayahan kailangan na siyang protektahan nang mga nasa itaas.

"Ansell...thank you for everything you did for me. But you dont need to be part of
this. Please Ansell umalis ka na..hindi ko makakaya kung pati ikaw mapapahamak
pa.."

Nasa mukha nito ang matinding pagtutol.

"No Lexi! I wont let you die with those...those monsters out there! I'm here. Cael
can use my body! I can help him fight!"

Ngunit matindi ang pagtutol ni Lexine. Hindi siya papayag na malagay sa panganib
ang buhay nito. Nawala na sa kanya si Kristine at Night. Nasa panganib pa ang buhay
nang kanyang lolo Alejandro at hindi na niya hahayaan pang pati si Ansell ay mawala
sa kanya.

"Ansell...maraming salamat sa lahat nang naging tulong mo. Sa pagpapahiram sa akin


nang iyong katawan. Ngunit masyado nang delikado ang labanang ito para sayo. Maari
akong makipaglaban sa tunay kong anyo at hindi ko na kakailanganin pa ang iyong
katawan.."

Nais pa sanang tumutol at magpumilit ni Ansell pero mabilis itong nakatulog nang
bugahan ito nang magical powder ni Ithurielle.

Isa iyong pampatulog.

"Ako nang bahala sa kanya...ihatid mo na ang prinsesa sa mas ligtas na lugar


Cael..ilang sandali na lamang at bababa na ang mga kapatid natin para sa labanan.."

Tumungo si Cael dito at lumapit kay Alexine. Ito ang unang pagkakataong mahahawakan
niya ito sa totoo niyang anyo.

"Sandali...paano niyo pala ako nahahawakan? Akala ko ba kailangan niyo nang katawan
nang tao para makasalamuha nang mga mortal?" Agad tanong ni Lexine nang buhatin
siya ni Cael. Awtomatikong napakapit ang mga braso niya sa leeg nito.

Ngumiti sa kanya si Cael. "Para sa mga mortal Alexine, pero sa iyo. May katauhan
kang anghel at ngayon nabuhay na sa loob mo ang kapangyarihang taglay mo..maari ka
na naming mahawakan kahit hindi kami sumanib sa katawan nang tao..."

"At si Ansell?" Tinignan niya ang bestfriend na mahimbing ang tulong sa sahig.

"Espesyal si Ansell dahil naging instrumento ko siya. Kaya't pansamantala siyang


may kakayahan na mahawakan at makita kami. Ngunit pansamantala lamang iyon,
paglipas nang ilang araw ay mawawala na sa kanya ang mga iyon at babalik na siya
bilang normal na tao... at sa tingin ko'y hindi ko na siya kailangan saniban pa
pagkatapos nang digmaang ito."

Tumitig sa kanya ang itim at malalim nitong mga mata. "Alexine, hindi ko masisiguro
kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos nang labanang ito pero isa lamang ang
sisiguraduhin ko. Handa akong protektahan ka hanggang sa huli kong hininga..."

Tipid na ngumiti si Lexine sa kanyang anghel. Marami nang nagsakripisyo nang buhay
para sa kanya at para sa kabutihan. Kailangan na niyang tapusin ang labanang ito
para sa ikatatahimik nang lahat.

Naputol ang pag titinginan nila nang biglang may maliliwanag na tila meteorites ang
bumabagsak mula sa kalangitan. Tila nagkaroon nang meteor rain.

Manghang napatulala si Lexine sa kalangitan.

"A-anu yun?"

"Nandito na sila..." sagot ni Cael.

=================

V.6 Chapter Fourty Seven

Chapter Fourty Seven : War

Ang labanan at gyera sa pagitan nang mga anghel nang langit at demonyo nang
kadiliman ay nangyayari sa pagitan nang daang taon.

Matapos ang isang daang taon mula nang world war 2. Na siyang huling beses na
nagkaroon nang labanan sa pagitan nang mga angels at demons. Ngayon ay muling
magsisimula ang isa na namang labanan na maaring magbago sa mundo.

"Handa ka na ba Alexine?" Tanong sa kanya ni Cael. Kasalukuyan silang nasa


himapapawid. Lumilipad papunta sa magiging battle field nang gerang ito.
Buhat buhat siya ni Cael at buti na lamang at mainit ang katawan nito para maging
proteksyon niya sa matinding lamig nang hangin.

"Handang handa na.." sa isip niyay binubuo na niya ang lakas nang loob para
kalabanin si Lilith.

Nais niyang siya mismo ang pumaslang dito.

"Alexine, hindi mo naman kailangang gawin pa ito. Maari kitang dalin na lamang sa
mas ligtas na lugar at hindi mo na kailangan ilagay ang sarili sa kapamahakan.."

Kanina pa nito sinasabing huwag na siyang sumama sa labanan pero buo na ang
desisyon niya. Sa lahat nang nangyari sa kanya ngayong gabi hindi na ata niya
kilala ang takot.

"Cael... ayoko nang magtago. Sawa na akong iasa ang kaligtasan ko sa iba. At ako
ang gusto ni Lilith. Ako ang punot dulo nang lahat nang ito at ako mismo ang
tatapos nang labanang ito.." matatag niyang sagot.

Wala nang nagawa si Cael para pigilan pa siya. Sa paglipad nila'y nakakasabay nila
ang iba pang anghel.

Halos mapalibutan sila Alexine nang tila malalaking ibon na lumilipad sa


himapapawid. Bawat pakpak nila'y kumukinang sa ilalim nang liwanang nang buwan.

Totoong nakakamamangha ang ganda nang mga anghel. Hindi makapaniwala si Lexine na
kalahati nang pagkatao niya'y katulad nang mga magagandang nilalang na ito.

Katulad nang kay Ithurielle ang kasuotan nila'y tight white body suit na may
gintong mga disenyo.

Pero bawat isa sa kanila'y hindi nagpapakita nang kahit anung takot. Mapababae man
o lalaki. Buong tapang ang kanilang mga mukha at handang handa sa labanan.

Natagpuan niyang bumababa silang lahat sa malawak na abandonadong lupain na malayo


sa siyudad at sa mga tao.

Isa iyong dating hospital na nasunog at hindi na muli naipaayos pa.

Lumapat ang paa niya sa lupa pagkababa niya mula sa pagkakapangko ni Cael.
Nakapaligid ang hindi mabilang na mga anghel sa kanila.

Sa kabilang panig nang abandonadong lupain sabay sabay na naglalakad papalapit ang
mas maraming pulong nang mga demonyo. Halo-halo. Mga lethium demons na sakay nang
mga ravenium demons. Marami rin lumilipad na ravenium demon sa himapapawid at bawat
isa'y may sakay na Lethium Demons.

Sa pinaka gitna noon nandoon ang kanina pa hinahanap nang kanyang mga mata.

"Lilith.."

Wala sa bakas nang mukha nito ang damage nang pakikipaglaban niya kay Night. Ni
wala itong galos o kahit na anong sugat. Nagsusumigaw ang angkin nitong kagandahan.
At mas lalong sumiklab ang matinding galit sa kanyang dibdib.

Muling nag flash sa kanyang isipan kung paano nito kinitil ang buhay nang lalaking
pinakamamahal niya. Mabilis na nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Hinding hindi niya hahayaang matapos ang gabing ito na hindi niya ito mapapatay.

Naputol ang pagtitinginan nila ni Lilith nang umihip ang malakas na hangin. Biglang
kumidlat ang langit.

At tila lumindol ang paligid.

Napahawak siya kay Cael para hindi mawala ang balanse. "A-anung nangyayari?"

Pero bago pa man sumagot si Cael ay tumama ang kidlat mismo sa harapan nila.

Nakasisilaw na liwanag ang nabuo at nanatili nang ilang sandali ang kidlat. Nang
mawala ito'y unti-unti ring nawala ang makapal na usok na gawa nang pagsabog.

Pakiramdam ni Lexine umaawit ang mga anghel sa langit kasabay nang pag angat nang
mga balahibo niya sa katawan. Mabilis na dinumbol nang kaba ang dibdib niya lalo na
nang tuluyang nawala ang usok at lumitaw ang bulto nang isa na namang anghel.

Sabay-sabay na nagsiluhuran ang lahat nang anghel na nandoon kasama si Cael siya
lang ang natirang natulala at nakatayo.

Napipi siya. Nanigas. Lalo na nang magtama ang mga mata nila. Golden ang mga mata
nito. Brown ang medyo kulot at mahabang buhok. Higit na mas malaki nang tatlong
beses ang kanyang gintong pakpak at napakalaki niya.

Marahil ay nasa seven feet ang tangkad niya.

At sa hindi maipaliwanag na hiwaga. Ang perpektong mukha nito ang at mga tingin
nito sa kanya ang siyang nagsusumigaw sa kanya kung sino ang mahiwagang nilalang na
kaharap.
"Alexine...aking anak.." pati boses nito'y parang mahiwagang musika sa kanyang
panginig.

Wow. She was speechless.

"I-ikaw si D-daniel?" Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ngayon ang isang
arkanghel.

Isang napaka makapangyarihang arkanghel na ginagalang nang lahat. Ang kanyang tunay
na ama. Ang pinuno nang lupon nang mga Gregory.

At ang dugong nanalantay dito ay iisang dugong nanalantay sa kanya.

Ngumiti ito at dahan-dahang lumapit sa kanya. Parang bigla ay gusto niyang tumakbo
sa takot. Nakakatakot ang sobrang kagandahan nito na pakiramdam niya mamatay siya
kahit madikit lang dito.

Pero alam niyang napra-praning lang siya.

"Kamukhang kamukha mo si Leona...ang nag iisang babaeng minahal ko, ang iyong ina"

Ang marinig ang mga salitang iyon sa bibig ni Daniel ang nagdala sa kanya sa
mabilis na pagluluha.

Those words. Were so heaven in her ears.

At kahit hindi niya alam ang lahat nang namagitan sa kanyang Ama at sa kanyang ina.
Hindi na iyon mahalaga. Ang importante'y sa wakas. Nakaharap na niya ito.

Marami siyang gustong itanong dito. Kagaya nang kung gaano nito kamahal ang kanyang
mommy. Kung bakit hinayaan nitong mamatay ang kanyang ina at kung bakit ngayon lang
ito nagpakita sa kanya.

Pero parang natapon sa kawalan ang boses niya't hindi niya magawang makapagsalita.

Dumagundong ang sunud sunud na palakpak na nagputol nang matagal nilang


pagtitinginan.

Napalingon silang lahat kay Lilith. Huminto na pala ito. Halos isang kilometro rin
ang pagitan nila.

"Awww... isang makapagdamdaming pagtatagpo nang ama at anak...parang gusto kong


umiyak.." sarkastikong saad nito.
Napakuyom ang palad ni Lexine. Humarap si Daniel dito at buong tatag na nagsalita.

"Lilith..."

"Ako na nga at wala nang iba..."

Dahil nakatalikod sa kanya si Daniel. Hindi makita ni Lexine ang reaksyon nito.
Pero nararamdaman niya ang galit nito dahil kaharap nila ngayong ang pumaslang sa
kanyang ina. Kay Leonna.

"Tuluyan mo nang tinalikuran ang iyong pagiging mortal. Kaya't ang katulad mo'y
kailanma'y hindi na tatangapin sa kalangitan..."

Tumawa nang nakakaloko si Lilith. Na tila isang nakakatawang joke ang narinig niya.

"Huwag kang mag alala. Wala rin naman akong balak na umakyat sa pinagmamalaki
niyong paraiso...mas nanaisin ko nang mamalagi dito sa mundo dahil hindi magtatagal
at tuluyan na itong mapapasaakin..."

"Yan ang kailanma'y hinding hindi mangyayari Lilith. Hindi niyo kakayanin ang
kapangyarihan nang Ama. Sa kanya ang mundong ito at Siya lamang ang may karapatan
na sakupin ang sangkatauhan...dahil Siya lamang ang nag iisang Hari ..."

Ngumisi lamang si Lilith at pinalintik ang mahababang kuko at pinagmasdang mabuti.


Na tila tamad na tamad itong pakingan kung anumang sinasabi ni Daniel.

Umakto pa itong nahihikab pagkatapos.

"Inaantok ako sa mga kwento mo. Habangbuhay na lamang kayong magiging mga mangmang
na sunud sunuran sa Hari niyong hindi naman nagpapakita.."

Dumilim nang husto ang mukha ni Daniel. "Huwag na huwag mong malapastangan ang
Ama!"

Lilith mockingly smirked.

"Then make my mouth shot Mr. Archangel.."

Iyon na ang naging hudyat. Tinaas ni Daniel ang hawak na espada. Buong lakas na
sumigaw ang daan daang anghel at sabay sabay na sumugod para sa labanan nang
kabutihan at kapayapaan.
Hinumpas ni Lilith ang kanyang kamay na naging hudyat para kumilos na rin ang
kanyang buong sandatahan at sabay sabay na sumugod pasalubong sa kanila.

Nakataas lahat nang kanilang espada, spheres at ibat ibang mga armas.

"Lexine, halika huwag kang aalis sa tabi ko..." mahigpit na hinawakan ni Cael ang
kanyang kamay.

Tumungo siya dito at sabay silang sumugod. Inabutan siya nito nang espada.

"Diretso sa kanilang puso. Para mamatay sila.." habilin nito.

Tumungo siya at hinanda ang sarili para sa labanan.

Mabilis na nagsalubong ang dalawang panig. The whole place is like a big war from
old centuries. Nagkikiskisan ang mga espada. Dumadalak ang mga dugo at nagiging abo
ang lahat nang demonyong namamatay.

Sunud sunud na lethium at ravenium demon ang nakasalubong nila. Pero halos hindi
man lang niya nagamit ang espadang binigay ni Cael dahil ito rin ang kumikitil sa
kanilang lahat.

Isabay pa na sa itaas nila'y lumilipad at nakabantay rin si Ithurielle para


protektahan siya.

Natuloy ang labanan. Tinalong nang isang ravenium demon si Ithurielle at bumagsak
ito sa lupa. Si Cael naman ay pinagtulungan nang dalawang lethium demon.

May isang ravenium na mabagsik na sumugod sa kanya.

"Alexine!" Sigaw ni Cael.

Mabilis na inangat niya ang espada na siyang tumama diretso sa dibdib nang
ravenium. Mabilis na nagliyab ito't naging abo.

Nagala ang paningin ni Lexine sa paligid. Walang tigil ang labanan. May iilang mga
anghel na rin ang sugatan.

Hindi kalayuan natanaw niyang walang awang dinakmal nang isang lethium demon ang
dibdib nang anghel. Napatakip siya nang bibig nang makitang mabilis na naging bato
ang buong katawan nang anghel hudyat na patay na ito.

Buong lakas na sinipa nang lethium ang batong katawan na siyang nasira.
Kung ganoon ay ganoon pala ang nangyayari sa isang anghel kapag namatay sila?

Naisip tuloy niya na hindi kaya ang mga pigurin bato sa simbahan at ilang parke ay
totoong anghel na namatay at naging bato?

Pero mabilis rin na naputol ang pag iisip niya nang matanaw niya si Lilith na
kampantang nakatayo sa gitna nang labanan na tila inaantay siya.

Ngumiti ito sa kanya't naglakad palayo sa labanang iyon. Nawala agad ito sa
paningin niya. Hinanap ito nang kanyang mga mata at natagpuan nasa malayo na ito.

Hindi siya nagdalawang isip at agad itong sinundan. Narinig niyang tinawag ni
Ithurielle ang pangalan niya pero mabilis na siyang nawala sa dagat nang mga angel
at demonyo.

Sinundan niya si Lilith hanggang sa umakyat ito sa loob nang abandonadong hospital.
Napaka tuso talaga nito. Sinadya nitong ilayo silang dalawa sa lahat.

Pero hindi niya ito uurungan.

"Lilith!!" Sigaw niya. Nag echo ang boses niya sa buong building.

Tanging tawa lang nito ang narinig niya.

Muli itong lumitaw na nasa tuktok nang hagdan paakyat sa mas mataas na palapag bago
parang hangin na nawala.

Agad siyang umakyat at sumunod dito hanggang sa marating niya ang mataas na palapag
nang building na iyon.

Tahimik ang paligid. Natatanaw niya mula sa sira sirang dingding nang building ang
labas kung saan patuloy na nagaganap ang isang labanan.

Hinanda niya ang kanyang espada. Mahigpit na hinawakan at tinutok habang dahan-
dahang umiikot at hinahanap si Lilith.

"Napaka tapang mo upang harapin akong nag iisa..." rinig niya ang boses nito kung
saan.

"Hindi ako natatakot sayo!"

Muli nyang narinig ang nakakaloko nitong tawa.


"Ganyang ganyan din ang sinabi sa akin ni Leonna bago ko siya paslangin!"

Sumiklab ang matinding galit sa dibdib niya.

"Magpakita ka saking halimaw ka! Lumabas ka harapin mo ako!"

Isang iglap ay lumilitaw ito sa likuran nang mga poste. At isang iglap ay mawawala.

Paulit ulit nitong lumilitaw at nawawala na parang hangin habang hindi tumitigil sa
pagtawa. Alam niyang pinaglalaruan siya nito't nauubos na ang pasensya niya.

Bigla ay naramdaman niya ang lamig sa kanyang likuran at maliksing pumihit siya
paharap at winasiwas kanyang espada pero hangin lang ang kanyang tinamaan.

"Sa tingin mo ba'y magagawa mo akong talunin?" Tila bumulong ito sa tenga niya.

Humarap siya sa likuran pero mabilis itong nawala.

"Sabi ko naman kasi sa iyo...sumunod ka lang sa mga gusto ko hindi na sana umabot
sa ganito ang lahat.."

Nauubos na ang pasensya niya sa mga laro nito.

"Hindi ako papayag na magtagumpay ka sa mga kasamaan mo! Mas gugustuhin ko pang
mamatay kesa tulungan ka!"

Muli itong tumawa. This time. Parang bumilis ang senses niya't naramdaman niya ang
presensya nito. Maliksing hinumpas niya ang espada bandang kanan at doon nahuli
nang mga kamay ni Lilith ang patalim.

Hindi iniinda ang sugat at dugo sa kanyang palad sanhi nang patalim.

Tumaas ang kilay nito. "Ganyan-ganyan din ang sinabi sa akin ng iyong ina...tsk
tsk..parehong pareho talaga kayo! Pareho kayong mga basura!"

Nanlikisik ang mga nito't mata't buong lakas na hinagis ang espada niya sa malayo.

Napaatras si Lexine. Wala na siyang armas.

Biglang hinablot nito ang panga niya. Bumaon ang kuko nito sa magkabila niyang
pisngi. Inangat nito ang mukha niya at nilapit sa kanya.
"Nauubos na ang pasensya ko sayo! Ayaw mo sa maayos na usapan? Pwes..dadaanin kita
sa pahirapan!" Nanlaki ang mga mala pusa nitong mga mata.

Binuka nito ang bibig at naglabas nang itim na usok. Gumapang ang usok papasok sa
kanyang ilong.

Mabilis na nanginig ang kanyang katawan. Sumikip ang kanyang dibdib at gumapang ang
nakakakilabot na kirot. Na tila bawat kalamnam niya'y tinutusok nang karayom.

Napaupo siya't napahawak sa kanyang leeg. Hindi siya makahinga. Unti-unting


nanlalabo ang kanyang paningin.

Naging pula ang lahat sa kanyang paligid. Umiiyak nang dugo ang bawat pader at
poste. Mabilis ang lahat. Hanggang sa unti-unting gumapang ang dugo sa kanyang
katawan hanggang sa malunod siya.

=================

V.6 Chapter Fourty Eight

Chapter Fourty Eight : The Death

Mula sa dagat nang dugo'y hinatak si Lexine para makaahon. Habol habol niya ang
hininga nang makaahon siya sa masamang ilusyong binigay ni Lilith.

"Goodness I thought I already lost you again.."

Hindi makapaniwala si Lexine sa nakikita. Kung gawa pa rin nang ilusyon ni Lilith
parang ayaw na niyang magising.

Nanginginig ang kamay niya't hinaplos ang pisngi nito. "N-night?"

Hinabol nang labi ni Night ang loob nang palad niya't pinaghahalikan iyon. At nang
hindi makuntento'y siniil naman nito ang kanyang labi.

At nang sandaling iyon napatunayan ni Lexine na hindi ito isang ilusyon lang kundi
totoong nasa harapan niya ito at muli niyang nahahalikan.

Agresibong hinapit niya ang batok nito't mas lalong diniin ang sarili sa mga halik
nito. Kanina'y hinang hina na siya subalit tila nagbigay nang kakaibang lakas ang
mga labi nito sa kanya.
Narinig niya itong umungol at agad bumitiw sa kanilang halik.

Tututol sana siya dahil gusto niya pa itong halikan pero nang makita niyang
nalulukot ang mukha nito'y naalerto siya.

Saka niya lang napagmasdan ang itsura nito. Sugatan ito't maraming galos. Puno rin
nang dugo ang kanyang damit lalo na ang kanyang dibdib kung saan niya nakitang
lumubog ang matutulis na kuko ni Lilith.

"Oh my God Night sugatan ka!"

"I-im okay. I can still handle it..that bitch gave me a deep wounds and her nails
have poison. It will be quite too long before I get healed myself.."

Labis na pag aalala ang naramdaman niya. At speaking of the bitch. Agad hinanap
nang mga mata niya si Lilith.

As if reading the question to her face, agad nagsalita si Night.

"She's badly wounded. She ran away.."

Kaya pala sugatan ito marahil sa pakikilaglaban muli kay Lilith. Hindi na niya
nalaman o nakita ang mga nangyayari sa paligid dahil sa ilusyong binigay ni Lilith
sa kanya.

Inalalayan niya itong makaupo nang maayos. Sinandal niya ito sa pader. Ayaw tumigil
nang pagdudugo nang kanyang mga sugat at natatakot siyang baka tuluyang maubusan
nang dugo si Night.

"Dito ka lang, hihingi ako nang tulong.."

Agad siya nitong pinigilan sa braso.

"No stay here. Its too dangerous. Lilith is still out there.."

"Pero hindi kita pwedeng hayaang mamatay dito! We need to ask for help!"

Pero ayaw pa rin siya nitong bitawan.

"I can heal... "


Pero sa estado nito at sa bagal nang pag galing nang mga sugat nito duda siyang
aabot pa itong buhay bago tuluyang magsara ang kanyang mga sugat.

"Please Night, halos mabaliw na ako kanina nung akala ko patay ka na. Halos
magpakamatay na nga rin ako e. Kaya hindi ako papayag na walang gawin at tumunganga
lang dito!"

Nakipagtitigan siya dito. At alam niyang nakikita nitong hindi siya magpapatalo.

Bumuntong hininga ito at wala nang nagawa kundi bitawan ang braso niya.

"Just please make sure to come back safe..."

Napangiti siya. Binigyan niya ito nang mabilis na halik sa labi at saka mabilis na
umalis para makahingi nang tulong.

She need to find someone who can heal her dying boyfriend. Pero dahil sa hindi pa
rin natatapos na gera'y mukhang mahihirapan siya.

Kailangan niyang hanapin si Ithurielle dahil ito lang ang makakatulong sa kanya.
Pero hindi niya ito makita sa dami nang mga naglalaban.

"Alexine!"

Napagawi ang tingin niya kay Daniel.

Tinaas niya ang mga kamay para sumenyas na kailangan niya nang tulong nang biglang
may maliksi at malaking bultong biglang lumitaw sa kung saan.

Paglingon niya'y huli na ang lahat para makaiwas pa. Tumalon na sa kanya ang
malaking itim na anaconda at dinakmal siya naramdaman niya ang matalim na ngipin
nito sa kanyang tiyan.

"Alexine!!!" Mula sa malayo'y nagmadaling makalipad si Daniel.

Si Cael din ay napahinto sa pakikipaglaban at nagilalas sa nakita.

Mabilis na gumapang ang anaconda sa pader paakyat sa pinakatuktok nang abandonadong


building.

Habang sa bibig nito'y kagat kagat ang katawan ni Lexine. Nagpupumiglas siya't pero
wala siyang magawa para makawala. At nang magtama ang mga mata nila nang itim na
anaconda alam niya kung anung tunay na pagkatao nito.
Walang iba kundi si Lilith.

"Harangin niyo sila!!"

Hindi niya alam kung paano ito nakasigaw pero maliksing kumilos ang mga demonyo at
hinarang sila Daniel at Cael sa paglapit sa kanila. Napilitang makipaglaban ang
dalawa.

Malapit na sila sa tuktok nang madaanan nila ang butas na pader sa palapag kung
saan niya iniwan si Night. At nang magtama ang mga mata nila ni Lexine, nakita niya
sa mga mata nito ang labis na takot.

"Night!" Sigaw niya pilit na inaabot ang mga kamay.

"Lexine!!!" At kahi nanghihina'y pinilit nitong tumayo para sagipin siya.

Dinala si Lexine si Lilith hanggang sa rooftop nang abandonadong building.


Binitawan siya nito't gumulong ang tila lantang gulay niyang katawan sa malamig na
semento.

Nag anyong babae muli si Lilith. Nawala na ang postura nito dahil sa dami nang
sugat na natamo nito sa katawan na alam niyang si Night ang may gawa.

Tinapakan ni Lilith ang tiyan niya kaya't napahiyaw siya sa hapdi.

"Aahhhhh..."

Tumawa ito na tila sayang saya sa pag iyak niya. "Kung hindi lang din naman kita
mapakikinabangan mas mabuti pang mawala ka na sa mundong ito!"

Sa gulat niya'y tinadyakan siya nito nang tinadyakan hanggang sa nagpagulong gulong
ang katawan niya sa dulo nang sirang concrete. Kaya naman nahulog siya pero mabilis
na napakapit ang dalawa niyang kamay sa dulo niyon.

Tumawa si Lilith at buong disgusto siyang tinignan. "Its time to say hi to your
death now darling.." inipit ng sapatos nito ng isang kamay nya't napabitaw siya.

Isang kamay na lang niya ang nakakapit. Inipit nito ang natitira pero tiniis niya
ang huli at pilit na kumapit.

Pero halos madurog na ang mga buto niya sa daliri at konti na lang ay mapapabitaw
na siya.
"Alexine!!! Huwag!" Narinig niya ang pamilyar na tinig ni Night. Ang huli niyang
nakita ay ang paglaki nang mga mata ni Lilith at ang pagtusok nang isang matalim na
bagay sa kanyang dibdib.

"Isasama kita sa kamatayan!" Lilith growl like a beast. Tumalon ito't sa gulat
niya'y hinablot siya.

Napasigaw siya nang maramdamang bumabagsak nang mabilis ang kanyang katawan sa tila
walang katapusang bangin.

****

"Alexine!!!"

Narinig niya ang isang sigaw.

Patihaya ang kanyang pagbagsak. Naikaway kaway niya ang mga kamay ngunit wala
siyang mapagkapitan kundi hangin lamang.

Natanaw niyang mabilis na tumalon si Night at pinilit siyang sagipin.

Panay ang pagsigaw nito sa kanyang pangalan. Pababa siya nang pababa sa tila walang
katapusang bangin. Pinipilit siya nitong abutin. Inangat niya ang mga kamay upang
mahawakan ito pero hanggang huling sandali niya'y sinasabi pa rin ata nang tadhana
na hindi sila maari.

Na bawal ang kanilang pag iibigan at kailanma'y hindi sila magiging isa.

Kahit anung pilit niya'y hindi niya ito maabot. Unti-unting bumilis ang kanyang
pagbagsak.

"Hold my hand!" sigaw nito.

Pero wala siyang magawa. At hanggang sa huli'y sinigurado ni Lilith na hindi siya
pakakawalan at idadamay sa kamatayan.

"Mamatay tayong dalawa!" At tumawa ito na tila nababaliw.

Ito na marahil ang totoo niyang katapusan. Kung tutuusin ay matagal na siyang wala
sa mundong ito. Kung hindi lamang dahil sa Kiss of Death ay wala na dapat siya
ngayon.

Bawat utang ay may kabayaran. At ito na iyon.


Basang basa niya ang matinding takot sa mga mata ni Night. Na sa kabila niyon hindi
nawawala ang perpekto nitong kagwapuhan. Hanggang sa huling sandali'y mukha nito
ang kanyang masisilayan. Mukha nang lalaking iibigin niya hanggang sa kabilang
buhay na nag aantay sa kanya.

Napangiti siya. Nakikita na niya ang butil nang mga luha niya na umaangat sa
hangin. Tangap na niya ang kanyang katapusan. At masaya na siya na sa huling
pagkakataon ay masilayan ito.

Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Mas bumagal ang oras. Makapigil
hininga.

"No!!!"

Subalit huli na ang lahat. Naramdaman niyang bumagsak siya sa matigas na bagay.
Unang tumama ang kanyang ulo. Narinig niya ang pagwasak nang kanyang sariling mga
buto.

Nakababa ang binata ilang segundo pagkatapos. Bigong bigo ang mukha nito. Pinipilit
na itangi ang nakikita. Nanginginig na lumuhod ito. Mabilis na nabasag ang kanyang
boses.

"No... no... please... don't leave me... no this can't be happening..." panay ang
pag iling niya.

Nanlalamig ang mga kamay na binuhat siya nito. Hindi na niya maramdaman ang mga
buto sa likuran at iba pang parte nang katawan. Kahit nahihirapan, ay pinilit
niyang ngumiti. Inangat niya ang isang kamay at hinaplos ang mukha nitong hilam na
sa sariling mga luha.

Umiiyak ito.

Mas dinurog ang puso niya. Mas doble sa sakit na naranasan niya sa kanyang
pagkahulog.

Ito na ang huling sandaling masisilayan niya at mahahawakan ang mahal niya. Gusto
niyang baunin ang alaalang iyon saan man siya pumunta.

"I love you Night..." halos bulong na lang ang kanyang boses.

Humagulgol ito at napapikit. Tumingala ito at nagsisigaw. Nagimbal ang lahat nang
naroon. Pansamantalang nahinto ang nagaganap na labanan. Lahat ay napatingin sa
gawi nila.

Panay ang pagsigaw nito. Sigaw nang pighati ang galit.


Bigong bigong bumaling ito pabalik sa kanya. Niyakap siya nang mahigpit na
mahigpit. Binaon ang mukha sa kanyang leeg.

At sinabi nito ang mga salitang matagal niyang inasam na marinig mula dito.

"I love you so much Alexine.... "

Napangiti siya at maluwag na tinangap ang kanyang kamatayan.

=================

V.6 Chapter Fourty Nine

Chapter Fourty Nine : Final Goodbye

Sa pagkamatay ni Lilith ang siyang senyales nang pagkatalo nang mga demonyo nang
kadiliman. Bumagsak ang kanyang katawan sa patong patong na bato.

Mabilis na nagsilaisan ang buong lupon at binaba na ang kanilang bandera.

Pero wala ni isang anghel ang nagawang magdiwang sa pagkapanalo para sa labanang
iyon. Dahil isang napaka espesyal na buhay ang nawala.

Dahan-dahang lumapit ang Arkanghel na si Daniel. Ang matagpuan ang walang buhay na
katawan nang kanyang anak.

Isang malaking sampal sa kanya nang kapalaran. Muling bumalik sa kanya ang kirot at
pighating naramdaman nang mamatay si Leonna sa kanya ring mga bisig.

At wala siyang nagawa para maprotektahan ang kanilang anak.

Unti-unting napaluhod si Daniel at tahimik na naghinagpis.

Si Ithurielle ay walang tigil sa pag iyak. Samantalang si Cael naman ay tila hindi
alam kung anung unang gagawin. Ang umiyak o ang sumigaw sa galit.

Pero natagpuan na lang niya ang sariling lumalapit kay Night. Nakaupo lang ito at
yakap yakap ang walang buhay na katawan ni Lexine.

Sinubukan niya itong hawakan subalit pinigilan siya ni Ithurielle at umiling iling.
Naisipan niyang mas nararapat na pabayaan na lamang muna ito.
Ilang ulit nang ginawa ni Night ang ritwal nang kiss of death pero hindi na ito
muling gumana pa. Tanging malalamig na labi na lamang ni Lexine ang nararamdaman
niya.

Alam niya sa sariling hindi maaring ulitin ang kiss of death dahil isang beses
lamang iyon magagamit sa kaluluwa. Nakita niyang naputol na ang tila invisible na
taling nakaugnauy sa kaluluwa ni Lexine at sa kanyang mga kamay.

Maging ang sumpa'y naputol na. Pero hindi niya magawang tangapin. Hindi niya kayang
harapin ang katotohanang tuluyan nang nawala ang nag iisang babaeng nagparamdam sa
kanya nang pagmamahal at kaligayahan.

He again felt like he was inside the abyss.

And that very moment he badly wish that he could die too. Because no more reason to
live forever without the only person who gave him the reason to be alive.

Isang tila bagyo ang nabuo sa kung saan. Mula sa hangin nabuo ang isang itim na
usok. Lumaki iyon nang lumaki at naging portal at lumabas doon ang isang nilalang
na nagtatago sa puting cloaked.

Lumabas nang portal ang estranghero. Napagawi ang lahat nang tingin sa kanya.

"Arkanghel na Daniel.." lumuhod ito't nagbigay galang sa Arkanghel.

"Abitto.."

Nang marinig ang pangalang iyon ay mabilis na nanigas ang katawan ni Night. He knew
that name and it was centuries ago the last time they saw each other.

At alam niya ang dahilan kung bakit nandito ito ngayon.

"Nandirito ako upang sunduin ang kanyang kaluluwa...personal akong umakyat nang
lupa para masigurong hindi na muli magugulo pa ang aklat. Ang pangalan niya'y
matagal nang dapat naitala sa mundo nang mga kaluluwa..."

Hindi bumubuka ang bibig ni Abitto ngunit naririnig nilang lahat ang napakalalim
nitong boses. Puti ang kanyang mga mata at kulay abo ang balat.

"Night..."

Nanlisik ang mga matang tumingin siya dito. "No! You can't take her away from me!"
Walang ekpresyon ang mukha ni Abitto. Isa siya sa mga tagabantay sa mundo nang mga
kaluluwa at tungkulin niyang siguraduhing makakarating ang lahat nang kaluluwa sa
kanilang mundo.

"Matagal na naming hinahanap ang kanyang kaluluwa. At nang gabing hindi nakarating
sa oras ang kanyang kaluluwa, agad kong naramdamang may kinalaman ka dito. Nawala
ang pangalan niya sa listahan. Ngunit ngayo'y muli na itong nagbalik. Naputol na
ang sumpang nakakabit sa kanyang kaluluwa sa iyong mga kamay kaya't panahon na
upang bawiin namin siya.."

Now that the Kiss of Death is already broken. Wala nang magagawa pa si Night para
tumutol. Nagtigas ang kanyang mga panga. Hindi siya makakapayag. He can't let them
touch Lexine.

Mabilis niyang pinailaw ang kanyang tattoo at pinalabas si Gula.

Agad niyang tinutok ang patalim nang espada kay Abitto. Sabay-sabay namang naalerto
ang mga anghel sa paligid at tinutok nang lahat nang nandoon ang kani-kanilang
sandata kay Night maliban kay Cael, Ithurielle at Daniel.

"Night...makinig ka hindi mo ito pwedeng gawin. Ito na ang nakatakda hindi mo


pwedeng labanan ang nakatakda!" Maingat na sabi ni Cael.

Pero kahit nasa bingid nang kamatayan ang buhay niya ngayon ay wala siyang
pakielam. Masama ang tingin niya sa bawat isa. Mas hinigpitan niya ang hawak sa
espada habang sa kabilang braso niya ikinapit ang katawan ni Lexine.

"No! You need to kill me first if you badly want to get her!"

Tahimik na nagmamasid lamang si Abitto. Walang pinapakitang kahit anung reaksyon


ang kanyang mukha.

Dahan-dahang lumalapit si Daniel sa binata pero mabilis na tinutok namam ni Night


ang espada sa kanya.

"Night!" Babala ni Cael kasabay ang paglapit nang mga anghel para sumugod.

Pero mabilis na inangat ni Daniel ang mga kamay hudyat na wag silang kikilos.

Muli ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit.

"Alam ko ang iyong pinagdadaanan ngayon maniwala ka, nangaling na ako dyan.."

May kung anu sa mga mata ni Daniel ang nakapagpakilabot kay Night. Because he knew
he was telling the truth.

"Pero hindi natin kayang labanan ang mga bagay na nakatakda na. Pinaka mas
makakabuti sa kanyang makarating sa mundong iyon. Kung saan siya dapat na
nabibilang. Kung saan mas magiging payapa ang kanyang kaluluwa...kung saan nandoon
ang kanyang ina...at ang iyong ina.."

Tumagos ang mga huling salita sa kanyang dibdib.

When his mother died when he was still a child. He thought that all his worlds
crashed down. And when his Auntie Annie turned into a beast he never felt more
lonelier.

Namuhay siyang galit sa lahat nang nasa paligid niya at ang ang trabaho niya bilang
tagasundo ang naglibang sa kanya sa paglipas nang daang daang taon.

But when he met Lexine. All those lonely years turned into a big world of colors
and joy. For the first time in a thousand years that he waited for his happiness.
Lexine proved to him that after all the sins he commited in this world he still
deserve to be love. And to learn how to love.

Lexine was the only right thing in all his countless wrong doings.

But now that she's gone. He dont know how to live again.

"Night...kailangan mo na siyang pakawalan.."

Tumingin siya muli sa arkanghel na si Daniel. Alam niyang tama ito. Pero hindi
ganoon kadali.

He even dont know if he was capable of letting her go.

And they all know the truth that he can't. He will never let her go!

"No!" He growl and summoned his biggest beast.

Binaon niya sa lupa ang espada at naglabas iyon nang napakalakas na pwersa.
Lumindol ang lupa at nilipad nang napaka malakas na pwersa palayo ang mga anghel.

"Night itigil mo na ito!" Sigaw ni Cael. Pilit na kumakapit sa lupa para hindi siya
tangayin nang hangin.

Pero wala siyang naririnig. He was now blinded and deaf by his emotions.
Sa isang tabi'y nanatiling nakatayo si Abitto. Na tila isang napakatibay na rebulto
na hindi naapektuhan nang malakas na pwersang nangagaling sa espada ni Night.

"Paumanhin Tagasundo, pero kailangan ko itong gawin.." binaba nito ang suot na
hood.

His bald head was covered of tattoos. They started to glow into a white light.

His white eyes glows to. And his mouth starts to chant powerful spell.

"Samala kah ta malla.." sabay nitonf hinumpas ang mga kamay.

Mabilis na lumutang ang katawan ni Lexine. Nakawala ito sa mga bisig ni Night.
Nataranta siya.

"No! Lexine!" He tried to snatch her pero mabilis na lumutang ang katawan nito sa
mga kamay ni Abitto.

Susugod sana siya nang mabilis na hinumpas ni Abitto ang mga kamay at umangat ang
lupa. Sunud sunud na patusok na bato ang lumitaw at kinulong siya sa loob.

Night growl in frustrations. "Fuck you mother fucker I'm going to fucking kill you!
Give her back!"

Pero kahit anung sapak ang gawin niya'y hindi niya masira ang kulungan. He curse
endlessly.

Nilapat ni Abitto ang kamay sa dibdib ni Lexine. Lumiwanag iyon at unti-unting


kumalas sa katawan nito ang kanyang kaluluwa.

"L-lexine.." he cried in pain.

Hinawakan ni Abitto ang mga kamay nang kaluluwa ni Lexine at ginayak ito papasok
patungong portal.

No no no no...

"Lexine dont come with him! Lexine please don't leave me!"

Tila doon lang nagising si Lexine sa tila mahabang panaginip. Naputol ang tingin
niya sa mga mata ni Abitto at napalingon sa kanyang likuran. Laking gilalas niya
nang makita ang itsura ni Night.
He was inside a stone cage and extending his arm for her.

Anu nangyayari?

She don't know what's happening but when she saw her body lying lifeless in the
cold ground. She was snapped back to reality and the truth punch her right into the
face.

She was now dead.

Tears starts flowing fast from her eyes.

"Night...Night..Night!"

She tried to run back to him pero mabilis na kinulong ni Abitto ang mga kamay sa
kanyang bewang.

"Fuck! don't touch her!" Gigil na sigaw ni Night.

Lexine was crying in pain pero wala siyang magawa. She badly wants to run back to
his arm. Pero masyadong malakas ang lahat nang bagay na nasa paligid nila.

"Kailangan mo nang sumama sa akin..." kinilabutan siya sa boses nito.

"No! Hindi ako sasama sayo!" Pinilit niyang magpumiglas pero malakas ito.

"Lexine! Lexine!"

"Night!"

Tila dahan-dahang bumagal ang paligid. Lexine stretched out her hands and Night did
the same but the world is too cruel to let them touch one last time.

Nanginig sa pinakamatinding takot ang mga mata ni Night habang unti-unting


nakikitang inilalayo sa kanya ang babaeng mahal.

He keeps on shouting her name. He keeps on trying to break the cage but he was now
too weak, to tired to fight.

And slowly Abitto entered the portal with Lexine soul in his hands and the last
thing Night saw was Lexine's crying face and her lips saying...
Please save me...

=================

V.6 Chapter Fifty

Chapter Fifty : Greatest Sin

Patuloy sa pagpatak ang malakas na ulan. Kasabay nang iyak nang kalangitan ang
pagdadalamhati nang lahat sa sementeryo nang hapong iyon.

Mula sa malayo'y natatanaw ni Night ang walang humpay na pag iyak ni Alejandro sa
habang binababa sa puntod ang puting kabaong naglalaman nang malamig na bangkay
nang kanyang pinakamamahal na apo.

Nasa tabi nito si Ansell na wala ring tigil sa paghihinagpis. Nandoon ang iba pang
mga kaibigan at kaklase ni Lexine na sila Belle, Xyrille, Fern at iba pa.

At si Madame Winona na tahimik na umiiyak.

All of them are wearing white covered with white umbrellas.

But he was the only one wearing nothing but his black hood. Hiding in the dark.
Letting the rain soaked him.

Few hours have passed. One by one the family and friends left the cemetery.

Nakatayo ngayon si Night sa harap nang puting lapida. Nakaukit doon ang pangalan
nang nag iisang babaeng nakaukit sa buong puso't pagkatao niya.

Rest in peace

Alexine Vondeviejo Alonzano

September 14,1994-December 2,2014

He kneeled down and put a piece of white tulips on top of her grave.

He never thought that this time would come. Ni minsan hindi nasagi sa isipan niyang
haharap siya sa puntod nang babaeng mahal.
"Gusto mo siyang ibalik?"

Nag angat siya nang tingin sa maliit na boses na iyon. Natagpuan niyang nakatayo sa
harapan ang isang batang lalaki. His cheeks were red and chubby. His wearing a big
eyesglasses, dark tux. Maong shorts and red rubber shoes. His eating a red apple.

Of course. He was not dumb. He knew so well who's this monster hiding inside a body
of a 3 feet tall kid.

"Nice look..." he smirked sarcastically.

The kid wickedly smiled at him showing his white set of teeth. Kinagat niya ang
mansanas at inabot iyon sa kanya.

"Isang kagat lang...at makukuha mo na siyang muli"

Tinignan niya sa maliit nitong kamay ang mansanas. Nandoon ang maliit nitong kagat.
Mabilis na nangitim ang kinagatan niya at umuusok iyon.

The apple of sin.

Just like the Apple he used to tempt Eve in the garden of Eden.

"Anung kapalit?"

The kid smiled widely. Of course. Alam niyang walang libre sa mundong ito. Lahat
nang bagay ay may nakapatong na presyo.

"Sa ngayon gusto ko munang panatiliing sikreto. Para naman maging kaabang abang ang
larong ito..unti-unti malalaman mo din. Bawat kagat ay may kahilingan. At bawat
kahilingan ay may kapalit..." makahulugang ngumiti ito sa kanya.

Behind those innocent face. Hiding a burning dragon. Burning evil. And this evil is
now ready to swallowed him.

Life is a gamble. And this is the play Satan will never get tired of.

Dahan-dahang inabot ni Night ang mansanas. Wala na siyang ibang pinanghahawakan pa.
He was willing to risk everything. He set no limits. If he needs to burn in hell
just to be with her then be it...

He was willing to jump in the ocean of fire.


He bite the apple and the sweet burning taste of it linger in his tounge.

Lumakas nang lumakas ang pagtawa ni Satan. Habang unti-unti siyang nakaramdam nang
pagkahilo. The sin of the apple crawled up to his whole body. He felt the sharp
pain and intoxicating feeling of death and power.

A very evil power.

He only dream once in his lifetime. And that dream is to be happy with Lexine in
another world. With nothing but their eternal love and happiness. But maybe God
really forbid that happiness for him.

Because he is evil. He is too sinfull. And God forbid him to be happy.

This was the payment from all his evil doings. But he does not care. He will never
care even if God put a cursed in him forever.

There will be no boundaries. No rules, No God for him.

Because he will ready to fight the whole universe to get her back!

He will get her back.

=================

Epilogue

Sa isang madilim na disyerto dumadaan ang isang karwaheng hila hila nang itim na
kabayo. Nakaupo si Abitto sa unahan at hawak ang lubid na ipinanghahampas sa likod
nang kawawang hayop.

Sa loob nang masikip at kinakalawang na karwahe tahimik at tulalang nakaupo si


Alexine. Hindi na niya alam kung gaano na katagal ang naging byahe nila. At wala na
siyang interes na alamin pa.

She still can't accept the fact that now she's dead. And this Abitto guy will now
take her to the world of the dead.

She's scared, worried and sickly tired. Lalo na ngayong wala sa tabi niya si Night,
mas lalong siyang nilalamon nang matinding takot.

Night.
Nang maalala ang pangalan nito'y kumikirot na naman ang dibdib niya. At ang
katotohanang nasa magkabilang panig na sila nang mundo at hinding hindi na sila
kailanman magkikita at magkakasama.

Para siyang paulit ulit na pinapatay.

Naramdaman niyang huminto ang karwahe. Umuga iyon at bumukas ang pintuan. Nasa
labas si Abitto at naglahad nang kamay.

"Nandito na tayo"

Hindi niya mapigilang kilabutan sa nilalang na kaharap. Hindi naman bumubuka ang
mapuputla nitong labi pero malinaw sa kanya ang malaki nitong boses.

He was like speaking in her mind.

Napalunok siya. She have no choice after all. Inabot niya ang napaka lamig nitong
kamay. Inalalayan siya nitong makababa.

Nang tumapak ang nakapaak niyang paa sa buhangin agad siyang kinilabutan sa lamig
nang paligid. Ginala niya ang paningin. Madilim, nasa gitna sila nang walang tila
walang hanggang disyerto.

"N-nasaan tayo?"

Pero walang reaksyon na tumingin lang sa kanya ang puti nitong mga mata. Lumakad
ito nang ilang hakbang at naglabas nang patalim.

Agad siyang napaatras sa takot.

Nakita niyang sinugatan nito ang sariling kamay at pumatak ang dugo nito sa tuyot
na buhangin. Nagsimula itong mag salita nang isang spell.

"Yalamahk khalu yowa tarahko mey kwahk.."

Bigla bigla ay malakas na yumanig ang paligid. Agad napakapit si Lexine sa karwahe.

Nanlaki ang mga mata niya nang unti-unting nilamon nang lupa ang mga buhangin. Tila
may palaking palaking butas doon ang humihigop sa buhangin. Hindi nagtagal at mula
sa butas ay umangat ang isang bungo.

Napatakip siya nang bibig. Ang isang bungo ay nadagdagan pa nang isa at nang isa pa
hanggang sa hindi na niya mabilang kung ilang bungo ang magkakadikit. Tila isang
malaking parisukat ang dikit dikit na bungo.

Hanggang sa tuluyan itong umangat sa lupa at isang sampung talampakang pyramid na


gawa sa bungo ang nasa kanyang harapan.

Sa gitna nang pyramid ang isang pintuan na gawa sa bato. Maraming nakaukit na mga
ancient words na hindi niya maintindihan.

Lumapit si Abitto sa pintuan. Nilapat niya ang kamay sa gitna niyon at unti-unting
umatras ang bato at nahati sa gitna.

Lumingon ito sa kanya.

Napalunok si Lexine. Kinakabahan. Ang isiping papasukin niya ang nakakakilabot na


pintuang iyon ay lalong nagpadagdag nang takot niya.

"Halika na.."

Huminga siya nang malalim at nilakasan ang loob. Wala naman siyang ibang
matatakbuhan sa disyertong ito. Kaya napagpasyahan niyang lumakad papalapit sa
pintuan.

Pumasok sila ni Abitto sa loob. Madilim ang paligid. Biglang sumara ang pintuan at
napasigaw siya sa takot nang wala siyang makita kundi puro itim.

Hindi rin nagtagal ang kaba niya nang sunud sunud na lumabas ang mga apoy sa
paligid. Maraming torch ang nakadikit sa pader nang isang mahaba at diretsong
hallway.

Habang naglalakad sila'y namamatay ang torch na nadadaanan nila. At wala siyang
makita sa likuran kundi dilim.

Matagal pa silang naglakad hanggang sa nakarating sila sa dulo kung saan may hagdan
pababa.

Pababa.

Saang lupalop ba nang kailaliman nang mundo ang pupuntahan nila?

Kumuha nang isang torch na nakasabit sa gilid si Abitto at bumaba nang hagdan. Wala
siyang nagawa kundi sumunod. Paikot ang hagdan at habang pababa sila nang pababa
palamig naman nang palamig ang temperatura nang paligid.

Wala pa naman siyang ibang suot kundi ang puti at sira-sirang dress na costume pa
nila sa ballet performance at maong na jacket.

Ang dungis dungis pa niya.

Nang marating nila ang dulo nang hagdan ay isang pintuan na naman ang naghihintay
sa kanila. Kumatok si Abitto gamit ang bakal na nakasabit sa pinto. Isang maliit na
butas sa itaas ang bumukas at dalawang mata ang lumitaw doon.

"Ipinadala ako ni Volturi" narinig niyang sabi ni Abitto.

Sumara ang maliit na butas at bumukas ang pintuan. Pumasok sila sa loob. Isang
matandang malnourished na lalaki ang nakita niyang nagbukas sa kanila.

Nakasuot din ito nang puting cloaked na katulad kay Abitto.

Kinilabutan siya sa mga titig nang naninilaw nitong mga mata.

Nagpatuloy pa sila sa paglalakad sa mahabang hallway. May naririnig siyang tila mga
boses na nag iiyakan. Habang papalapit sila'y palakas nang palakas ang mga boses.
Hanggang sa madaanan nila ang isang bridge. May maliliit na parisukat na butas ang
bride na nagsisilbing bintana. Nagulat si Lexine nang makita niya sa ibaba nila ang
isang malaking bulwagan. Tila hindi mahulugan nang karayom ang dami nang tao sa
baba. O hindi niya masiguro kung tao ba sila.

Lahat sila'y nakasuot nang puting cloaked at parang mga kulto na sabay sabay na nag
iiyak nang tila dasal na hindi naman niya maintindihan.

Nagsitaasan ang mga balahibo niya. Sa gitna nandoon ang isang bato na hindi niya
masyadong makita. Pinalilibutan ito nang mga taong naka white cloaked at tingin
niya tila ang batong iyon ang kanilang sinasamba.

Nakarating sila sa kabilang dulo nang bridge. May malawak na hallway sila ulit na
dinaanan. Maraming pintuan ang hallway. Hanggang sa huminto sila sa isang pinto.

Tumingin sa kanya si Abitto. "Pumasok ka na"

Bigla siyang nagdalawang isip. Hindi maganda ang kutob niya sa pintuang iyon. Pero
anu bang magagawa niya?

Matapos makipagtalo sa sarili sa huli'y pumasok pa rin siya. Hinawakan niya ang
malamig na doorknob nang pintuan.

Pumasok siya sa loob. Namangha pa siya sa nakita sa loob. May malaking pabilog na
puting kama sa gitna. Kumpleto ang loob nang kwarto. May dresser, may vanity
mirror. May sofa.
Tila kwarto nang prinsesa..

Pero mabilis din na naputol ang pagkamangha niya nang sumara ang pinto.

Napalingon siya sa likuran at laking gulat nang makita niya si Abitto na nasa
likuran nang metal na kulungan.

Saan nangaling iyon? Wala naman yun kanina.

Nang igala niya ang paningin ay biglang nawala ang kaninang magandang kwarto.
Napalitan ang paligid nang maliit at masikip na kulungan. Bato ang lahat at isang
maliit na kama na walang kutson lang ang nandoon.

Nalinlang siya!

Agad siyang lumapit kay Abitto pero dahil sa harang na metal at hindi niya man lang
ito mahawakan.

"Nasaan ako? Bakit mo ko kinulong dito anung ginawa kong kasalanan! Bakit mo to
ginagawa!" Umakyat ang matinding galit sa dibdib niya.

"Mananatili ka dito hanggat hindi pa napagdedesisyunan nang Koron ang dapat gawin
sa iyo..."

Naguguluhan siya. "Koron? Anung Koron? At anung desisyon?"

Tumitig sa kanya ang puti nitong mga mata at nang sandaling iyon sinampal siya nang
katotohanan.

Wala siya sa mundo nang mga kaluluwa. O wala siya sa lugar na dapat ay kalagyan
niya.

Kaya pala wala siyang ibang nakikitang katulad niyang kaluluwa. Dahil sa iba siya
nito dinala at hindi niya alam kung anung klaseng lugar itong pinagdalhan sa kanya.

Ang alam niya lang ay hindi siya ligtas dito.

Dahan-dahang humakbang paalis si Abitto.

"Sandali! Wag mo akong iwan dito! Bumalik ka! Ayoko dito pakawalan niyo ako!"
Sinubukan niyang gibain ang metal na na harang pero matibay iyon.
"Pakawalan niyo ako!!!"

Nag echo sa kawalan ang kanyang boses. Bigla ay naging madilim na kulungan ang
kaninang hallway na pinasukan nila. May iilang mga di pamilyar na mukha ang nakita
niya sa paligid. Kapwa nga nakakulong na katulad niya.

Mabilis na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Unti-unti siyang nanghina at
napaupo sahig.

Naninikip ang kanyang dibdib at naisandal ang ulo sa metal.

That moment Lexine felt the real abyss of her death. The afterlife seems not to be
what she think it is. At ngayo'y bihag siya nang mga mapanganib na kalaban at hindi
niya alam kung anung balak nang mga ito sa kanya.

Now that nobody will help her.

How can Lexine survive this eternal death of pain and torture?

~• End of book 1 •~

=================

Death Note

I know... I know please don't kill me! Haha

Actually, I already wrote a different ending for this one. As in the end na talaga
but then I feel something is not right w/ the ending...

Because its not supposed to end yet!

I'm not really sure if u guys would actually want a book 2 or you guys would still
read the book 2 pero masaya na ako sa mga kaunting readers ko na palaging
ngcocomment and appreciate this story. Some personally message me pa on how the
loved this book and u know guys who u are. And to the deepest part of my soul I'm
really touched and thankful.

So far Kiss of Death is my most treasured story. Hindi man kasing dami nang reads
nang other story na natapos ko. I really invested a lot for this book and I believe
I belong in writing this kind of genre...

Sa mga nandito pa rin until the end thank u so much! Sana hanggang sa book 2 magkta
kita pa rin tayo.

Hindi pa kasi ako ready i let go si Night and Lexine. I know you guys are also not
yet ready.

If u find some plot hole or unsolved questions on this book its okay. Sa book 2
malalaman :) as u can see Lexine still need to find out the truth behind her
mothers ability to see angels, Ansell still didn't confess with his feelings for
Lexi, Night...marami pa rin siyang secrets na hindi pa na re-reveal.

And Lucas? Oh guys I know your rooting to know who really Lucas is. I guess its
quite obvious who is talaga! :)

Many more revelations to go! Above all wala pang major love scene ang dalawa.
Sarreh naman nabitin ko ba kayo? Haha!

It was really my dream to write a book like this. U know, I'm a big fan of
supernatural fiction books and I always dream to write one. Sana mas marami pang
Pinoy writers na maglakas loob na magsulat nang ganito. I believe and still hoping
someday, na we can have our own Twilight Saga, Hunger Games, Divergent, Vampire
Diaries, etc in our own cinema!

Cheers guys! Pls keep supporting Filipino writers! Hanggang sa susunod! Pls support
my other stories.

While waiting for the book 2 pls read Strawberry Bite. The 1st book for my Warning:
Sexy Monster series. Unlike KOD medyo comedy yun....

Thanks again! Happy New Year hooray for 2015!

PS : I'l be posting the sneak peak of the book 2, wala pang title still thinking
for the perfect title haha! Stay tuned :)

To the moon, the stars and the galaxies, StoryofaGirlinLove ❤

PSS : I need a strong motivation para isulat agad ang book 2....hmmmm I wonder kung
anung makakapag motivate sa akin... :)

=================

Appendix (AKOD Dictionary)

Tagasundo - ang makapangyarihang prinsipe nang dilim na nagsusundo nang mga namatay
na kaluluwa nang mga mortal at maghahatid hanggang sa pintuan nang mundo nang mga
kaluluwa.
Character : Night

Tagabantay - mas kilala bilang guardian angel. Isa sa pitong pangkat nang mga
anghel sa kalangitan na pinamumunuan nang arkanghel na si Gabrielle. Ang tungkulin
nila ay bantayan at gabayan ang mga nilalang sa ibabaw nang mundo.

Characters : Cael, Ithurielle, Gabriel, Daniel

Angels/Anghel - mga nilalang na gawa sa nakasisilaw na liwanag. May pakpak na


parang sa ibon at nakasuot nang white body suit with glittet gold designs. Nakatira
sa paraiso sa kalangitan at nahahati sa pitong pangkat na pinamumunuan nang pitong
anghel.

Demons/Demonyo- mga dating anghel sa langit na pinatapon sa lupa. Also known as the
fallen angels. Mga umanib kay Lucifer at pinili ang kadiliman. Pinutulan sila nang
pakpak at liwanag kaya't namuhay sila sa dilim at kasamaan.

Characters : Lilith, Lucas, Night

Ravenium Demons - the lowest type of demons. Mabalahibo, nanlilisik ang mga mata,
tumutulo ang itim na likido na kanilang laway, kawangis nang mabangis na hayop,
minsan ay may pakpak na parang sa paniki, minsan ay wala. May kakayahan silang
sumanib sa katawan nang mga tao (exorcism).

Lethium Demons - mataas na uri nang demons. Kawangis nang mga tao subalit mapuputla
at tuyo't ang kanilang mga balat. Itim ang kanilang mga mata. Nakakapagsalita sila
nang lengwahe nang mga mortal. Lubos na makakapangyarihan.

Characters : Grorag, Cruxia

Warlocks/witch - mga mortal na espesyal na kakayahan at kaalalan sa mahika.


Nakakapagbasa nang hinaharap at nakaraan gamit ang baraha at bolang kristal.

Character : Madame Winona

Nephilim - anak nang isang anghel at mortal. Karaniwang nagtataglay nang espesyal
na kapangyarihan subalit hindi immortal.

Character : Lexine

Mundo nang mga kaluluwa - lugar na kahihinatnan nang mga namatay at pumanaw na
kaluluwa.
Pentagram - guhit o kakaibang simbolo. Karaniwang pabilog. Ginagamit nang mga
demonyo para makagawa nang isang ritwal.

Portal - karaniwang gawa sa umiikot na maitim na usok. May lumalabas na asul na


kuryente sa gitna. At tila may bagyo sa loob. Dadalhin ka sa isang lugar sa mabilis
na oras.

Banshees - an angry soul. Usually female. Skinny as skeleton, glowing eyes, sharp
nails, long hair, dry skin. Ang mga kaluluwang pinaka may malaking galit sa dibdib
na nagiging halimaw.

Mortal - simpleng nilalang na naninirahan sa mundo. Walang kapangyarihan at walang


kaalaman sa kahit anung hiwaga at kababalaghan.

Characters : Don Alejandro Vondeviejo, Ansell, Belle, Mang Ben, Rico, Ms. Kristine.

Gregory - tawag sa pangkat nang mga anghel na pinamumunuan ng arkanghel na si


Daniel. Mas kilala bilang mga tagapangalaga nang oras at panahon. Tungkulin nilang
bantayan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. May kakayahan din silang kontrolin
ang oras.

Paraiso/Hardin nang Eden - mahiwagang lugar na tinitirahan nang mga anghel.

Puno nang Karunungan - mahiwagang puno na may gintong mga dahon. Nagsisilbing
portal/pintuan patungo sa mundo nang mga tao. Nakatayo sa gitna nang hardin nang
Eden.

=================

Night Tattoos & AKOD playlist

Hey guys! I made a quick sketch of Night tattoos based on my imagination. I draw
Gula, Ira and Luxuria.. I have a hard time drawing a raven's feather kaya nag grab
na lang ako ng pics... haha

As you can see. Pictures on the right side are Night's tattoo marks. Ung katapat
nila sa left side ang totoo nilang anyo everytime Night summoned them. My
inspiration in Night tattoos is Flame of Recca I'm sure you know that anime. And
also the runes of shadowhunters from the book of Mortal Instruments :)

The Tattoos :

1st pic - Gula (The sword) sa kanang kamay sa pulsuhan.

*madalas natin mabasa ang pag aappear ni Gula since 2nd chapter nang book pa lang
lumabas na siya :)

2nd pic - Ira (The shadowed Black Cloaked) sa left arms bandang biceps.

* Of course the ever loyal purple eyed shadow hiding in a black cloaked Ira!
"Master Night..." ganyan ko talaga naiimagine si Ira. I hope you guys imagined him
like that too! Wait! Unidentified po ang kasarian ni Ira haha di ko sasabihin kung
guy siya or girl! Hehe

3rd pic - Luxuria (The Twin Banshees) inside the right arm

* banshees!! Waaah! Nag appear sila nung nagkaharap ulit sila Night and Cael before
dinala ni Night si Lexine sa mansion niya sa France! Banshees were known as angry
spirits...

4th pic - Superbia (The Raven) Neck down to collarbone

*nag appear sila nung dinukot si Lexine nang isang lumilipad na ravenium after nila
madiscover na nawawala si Madame Winona. I always imagine them as a big grouo of
flying ravens or crows. If you had watched the movie Dracula untold may scene doon
na tila may bagyo nang mga paniki! Medyo ganoon ang imaginations ko sa pag aapear
ni Superbia :)

PSS : As you can see, four pa lang sa tattoo marks ni Night ang lumabas sa story.
He actually have seven tattoos so may three pa na lalabas sa book 2! (A touch of
Death)

Btw! Naka post na po ang Book 2 at ang prologue! Check it on my work list! Baka
hindi niyo pa nababasa :)

I decided to continue my per volume updates! Haha! Yaaan ang saya nang iba! Sana
kahit per volume ang pag uupdate ko sa book 2 every chapter mag vote and comment pa
rin kayo maasahan ko ba yun?

Volume 1 of A Touch of Death to be posted soon! Di ko maipa-promise na this month


baka next month pero try ko talaga matapos! I'm planning to give eight chapters for
the first volume! :)

What do you think of Night tattoos?

Also.. here are my chosen songs/playlist/ost for this book!

1) Animals - Maroon 5

2) Chandelier - Sia
3) Thinking out Loud - Ed Sheeran

4) Me and You - Nadine Lustre

5) I see Fire - Ed Sheeran

Anung naiisip niyong music na bagay sa A touch of Death? Yung medyo ugnay sa dark
romantic genre nang book ha! At bagay sa Lexine!! :) ayoko nang bring me to life
saka my immortal utang na loob! Hahaha

Eskelemis por sheke ~ StoryofaGirlinLove

Follow me on instagram : @anj.herrera

=================

Another Deadly note

I'm thinking kung anung magandang itawag sa mga readers ko in this trilogy...

Death Angels?

Knights?

Dead Readers?

Demonatics? (Lol kulto lang?)

E kung Death Fuckerzzzz kaya? Haha jeewk!

Hala wala akong maisip. Suggest kayo! Anyway, book 2 is still on the process! Wala
pang exact date kung kelan ko ipupublish! I hope u guys are still waiting... :) for
the mean time, I'm going to edit some of the chapters for this book! For some
grammar errors and para mas mapaganda pa ang quality. Baka may baguhin din ako sa
ibang scenes, well konting changes lang naman as in minimal! Parang gusto ko ding
dagdagan ang mga tagalog dialogues ni Night at bawasan ang mga english nya!! Haha!
(I hope pag may time kayo nag re-read back din kayo!) Anyway, I'm really investing
a lot for this trilogy! Gusto ko siyang makilala sa wattpad w/c luckily nasa whats
hot na siya sa Paranomal category in the past few weeks! Yehey! Thanks for the
votes and continues support from my readers!

Wala pa din akong maisip na title sa book 2! Huhuhu...


PS : Pa help naman ako sa pag gawa nang new cover! Baka merong may talent dyan sa
photoshop or editing... pleaaaase!

PSS: Excited na ba kayo sa book 2?

Happy 28k reads!!! More to go!! Pag umabot na to nang kahit 50k reads ipopost ko na
ang book 2!! Jooooke lang! Di naman ako demanding... talagang dko pa lang
nasisimulan ang pagsusulat sa book 2 hahaha!

PSSS : Last na! Haha ipopost ko dito ang prologue nang book 2! Sooooon!

Eskelemis por sheke! ~ StoryofaGirlinLove (Jelay♡)

=================

AKOD Book Review?

Gusto ko lang makabasa nang book review from my readers about the first book of
Death Trilogy.

If its not too much to ask. I'll lend you guys this page for a short or long book
review niyo sa KOD. Dont worry I accept good and negative reviews wag lang sana
yung tipong "kupal" (sorry for the word) na may masabi lang.

Well I know naman na wala akong "kupal" na readers. Wala naman akong haters diba?
Haha (advantage of being a not so much known author in wattpad) lol

I hope you guys find time to write kahit a short review of the book 1. :) you can
post on your works dedicate niyo na lang sakin or much better if dito na lang sa
comment box its up to you!

Whats a book review? Para sa mga di nakakaalam.

Its a constructive criticism based on your own observation about the book. You may
criticize the book plot,the author's skill in writing, the characters, plot holes,
dialogues used etc...

Lastly... Yung book 2?? (A touch of Death) nasa utak ko na siya hanggang ending pti
nga book 3 nasa utak ko na rin haha! I'm just having a little hard time writing it
due to this thing called "writers mood"... you know, yung parang naglayas yung
katauhan ko na manunulat at naglakbay sa mundo nang mga kaluluwa, na enjoy niya ata
yung trip niya dun kaya di pa umuuwi sa katawang lupa ko. LOL
I also asked my katauhang manunulat to say hi to Lexine but apparently, I dont know
if she can see her doon since nasa tagong lugar nang mga kulto ni Abitto tinatago
si Lexine... hehehe...

Anyway...Busy lang talaga lately, maybe I'll find time for a vacation go to a nice
place and hopefully masimulan isulat ang book 2 :) I hope u guys are still
waiting..

O siya siya! Belated Happy Valentines nga pala mga labs! :) kayo na! Kayo na ang
may ka date! #diakobitter

PSS : If ur also a fan of vampire novels meron akong paboritong tagalog gothic
romance from Precious Hearts Romance... ang title niya ay My Midnight by Camilla.

Grabe ang kilig at ganda nang story na iyon! Superb! So far one of my favorite
supernatural novel book... I highly recommend that! Di ko lang alam if available
pa siya sa PHR store/national bookstore since 2 years ago na ata nung binili ko
yun.

Eskelemis por sheke ~ StoryofaGirlinLove

=================

A Touch of Death

Teneeeen! Book 2 of Death Trilogy..

A touch of Death now posted!!!

asdfghjkl!! Check it on my work list! And don't forget to add it to ur library para
updated kayo palagi!

In the book 2 I'm thinking if per volume ulit ang magiging pag update ko or baka
per chapter na lang? Anu ba mas gusto niyo? Hahaha! Pag per chapter kasi for sure
every chapter may vote and comment. Pag per volume madalas yung last part na lang
ang vino-vote ;(

Anyway.. hindi naman ako demanding. Kayo na lang bahala kung mag vote kayo or
comment.

I'm very excited to write the book 2! I already finished the draft plot! Draft pa
lang...haha i-bu-build ko pa per chapter....

Change topic muna, sinu nakapanuod na nang Halik sa Hangin? Ay grabe! I recommend
that movie, medyo dark but romantic! And yung scenes ni Gerald Anderson (Gio) na
may suot na hood tapos nagpapakita siya kay Julia Montes (Mia) during a halloween
party! Jeskeleeerd! Medyo ganun ang imaginations ko sa tuwing naka hood si Night!
Bwahaha! Pwede ko rin palang maging Night si Gerald Anderson...pero James Reid pa
rin ako! Bwahaha!

Aaaand hongondo ni Julia Montes! Seriously! May hot scene sila ni Gerald (spoiler
sarreeeh) ang intense! I'm really happy na finally nakapag release ang Star Cinema
nang ganoong genre nang movie. Tho di ko msasabing perfect pero lumalaban maging
holywood film saka the story plot is actually very good...its suspense, romantic
and touching in the end! Its a good movie promise!

Kung maging movie sguro ang A Kiss of Death ang daming mababaliw kay Night!
Hahahaha

Magiging Talk of the town din parang Halik sa Hangin! Hahahaha... kung maging movie
to anung mgiging title? HALIK NANG KAMATAYAN?? bwahahaha! Jeeewk!

O siya..bye guys! Tama na to! Haha

Malapit na malapit na! A touch of Death

"Even the death himself can never stop us"

Sinu nang excited????

Eskelemis por sheke ~ StoryofaGirlinLove

You might also like