You are on page 1of 1

Bakit nga pala?

04-01-18

Bakit nga pala?


Sa unang tingin ko pa lang sa iyong litrato sa facebook ay sadyang napatigil ang aking mundo at tila ang
aking puso ay umiindak sa tuwa at galak sa tuwing ika'y nagrereply sa aking mga mensahe.
Facebook ang naging daan upang ika'y aking napaibig. Tila ba ako'y nakajackpot nang
ako'y iyung sinagot noong ika'y aking nililigawan pa lamang. Hindi ko batid ang saya na
nadarama, lalong lalo 'nung ika'y aking masilayan ng tayo'y unang nagkita sa gilid ng
kalsada. Tila ba'y parang mangmang kung ano ang dapat kong sambitin na mga salita. Hindi ko
taimtim na maintindihan ang aking sarili ng ika'y linapitan, dila'y napilipit sa galak ng
marinig ang iyong tinig na 'sing tamis ng ubas na wari'y d mapakali. At agad kung tiningnan
ang iyong napakaamong mukha na tila ba isang saggol na kasisilang pa lamang na wari'y
ko'y walang inda ng kasalanan. Hindi ko batid kung ikaw ba'y hulog ng maykapal at tila
ba'y hindi makatulog sa tuwing ika'y aking iniisip.
Bakit nga pala?
Ako'y nagtataka ng ako'y iyong sinagot na sa aking pakiwari' ay wala namang
kabigha-bighani sa aking pagkatao. Minsan nga ako'y tinutukso ng mga tao sa aking paligid kung
kaya't ako'y nawalan ng kompyansa sa sarili. Subalit, ng ako'y iyung sinagot na tila
walang pag-aatubili at sa yaung dapit ako'y lubhang nagalak. Kung kaya't ako'y
sobrang napakaligaya lalo pa nung ika'y lubusang nakilala. Pakiwari ko'y napakaalintana ang
busilak mong kabutihang loob. Hindi lang sa panlabas na kaanyoan ka maganda, ngunit sa iyo ding
kaloob-looban ay gayundin; kung kaya't ako'y husto mong napaibig lalo.
Bakit nga pala?
Kung bakit nga pala ako'y nalinlang sa mapanlinlang na tukso, gayunpaman ay ni minsan hindi ka
nawala sa aking puso't isipan. Naroon man ang tukso, subalit ika'y tunay kung iniirog. Kung
kaya't hinding hindi kita kayang ipagpalit kanino man. Ika'y aking tunay na iniibig
magpahanggang ngayon, bukas at kailanpaman. Sa iyong pagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon,
ito ay aking iingatan kung kaya't ako'y nagbago at naging totoo sa aking sarili. Ito ang aking
pangako na kailanman ay hindi na muling mapapako. Sinisiguro ko ito sa ngalan ng aking prinsipyo,
dangal at pagkatao. Ika'y aking mamahalin magpasa hanggang wakas, MAHAL KO 😘😘😘
#INIIRUGKO😘😘😘
#BENSOYKO😘😘😘
#MOOKO😘😘😘
#MAHALKO😘😘😘

You might also like