You are on page 1of 33
Repu ny Fp Tanggapan np Parga KOMISYON SA WIKANG PILIPINO PAHAYAG HINGGIL SA PAGTATANGGAL NG TEMPORARY RESTRAINING ORDER (TRO) SA CHED MEMORANDUM ORDER BLG. 20, S. 2013 KAUGNAY NG DESISYON NG KORTE SUPREMA SA G.R. BLG. 216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123, AT 218465 SAPAGKAT, minamahalaga na noon pang panahon ni Rizal ang pagbuo at pagpapatatag ng isang nasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang wikang magbibigkis at magpapahigpit ng pagkakaisa ng mga mamamayan nito: SAPAGKAT, itinakda na noon pa man sa 1935 Konstitusyon na dapat bumuo ng wikang pambansang batay sa isa sa mga wikang katutubo upang maging tulay na wika ng lahat ng Filipino; ‘SAPAGKAT, itinatakda at kinikilala noon pa man sa 1973 at 1987 Konstitusyon ang gampanin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa at wika ng edukasyon ng Filipinas at ayon sa Artikulo XIV Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon, dapat na ‘gamiting wikang panturo ang wikang Filipino at opsiyonal ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo; SAPAGKAT, magkakapamilya ang mga katutubeng wika ng Filipinas, higit na epektibo ang wikang Filipino bilang tulay na wika ng bansa kaysa anumang banyagang wika SAPAGKAT, napakahalaga na patuloy na isulong at palaganapin ang paggamit Pag-aaral, at pagkatuto ng Filipino mulang batayan, lalong mataas na edukasyon hanggang sa patuluyang paggamit, pag-saral, at pagkatuto nito sa iba't ibang larang tungo sa paglinang at sa pagpapaigting ng pambansang kamalayan at identidad: SAPAGKAT, humihirang ang Commission on Higher Education (CHED) ng mga sentro ng pagpapauniad (center of development) at sentro ng kahusayan (center of excellence) sa programang Filipino na lunsaran ng guro sa Filipino, mahalaga na bumalik sa sistema ng edukasyon ang mga natutuhan ng mga guro at maging angkop ang kasanayan nila sa antas na kanilang pinaglilingkuran para sa patuluyang pagpapakadaiubhasa sa pag-aaral sa wika, panitikan, pagsasalin, at malikhaing pagsulat SAPAGKAT, mahalaga ang gampanin ng mga gurong Filipino sa paglinang at pagpapalaganap ng pambansang kamalayan at identidad at isang banta sa kanilang kabuhayan at propesyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino at panitikan sa antas tersiyarya’ SAPAGKAT, kinakallangang magkeroon ng pagpapalakas sa paggamit at katatasan sa wikang Filpino sa pananaliksik at pagsasalin upang mapaunlad ang paggamit nito sa pandalubhasang farang SAPAGKAT, isang realidad pa rin na Ingles ang nananatiling dominanteng wika sa falong mataas na edukasyon at kaunti o hindi nabibigyan ng pagkakataon ang paggamit at paglinang ng Filipino at alinsunod sa mandato ng 1987 Konstitusyon, at pang higit na matutuhan at maisaloob ng mga mag-aeral ang wika at panitikang Filipino sa kanilang buhay at mas maunawaan ang mga serbisyong propesyonal gaya ng batas, medisina na inihahandog sa karaniwang Filipino, SAPAGKAT, sa pandaigdigang pananaw ang Filipino ay isa nang wikang global” at isang mahalagang kasangkapang pangkultura para sa mga gawaing diplomatiko at sangkap sa pagkakatatag ng Philippine Studies sa iba't ibang unibersidad sa mundo, SAPAGKAT, bagaman kinikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWEF) ang diwa at mithiing reporma sa laiong mataas na edukasyon ng CHED Memorandum Order Bla 20, . 2013, minabuti ng KWE na magpalibay ng mga kapasiyahan at hakbanging higit na magtataguyod sa wika at panitikang Filipino” sa pamamagitan ng ‘Cum, Franeis Ear "10,000 techs to eum job” Th Mn «Note res net 00D tencerefolose-peaN6T 2 nano 10 Mayerore 2078 Saints, Anna Lew “Foipno language s ging Gobel” nqurwr re. 18 Lisyembre 2012, Navelieve sa Inq net 087s language -gHeg Haba neeng ¥8 Neyer 2038 (2) Kapasiyahan ng Kalupunan Big. 14-26, s 2014, na naglilinaw sa Tindig ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Big. 20, S. 2013 at may petsang 20 Hunyo 2014 (b) Kapasiyahan ng Kalupunan Big. 14-45, s. 2014, na nagpapatupad ng proyektong Paghahanda ng mga Pangunahing Sanggunian para sa General Education Course sa Tersiyarya na nasa wikang Filipino at may petsang 12 Disyembre 2014 (©) Kapasiyahan ng Kalupunan Big 15-26, s. 2015, na nagpapatibay sa Pambansang Programa sa Intelektuwalisasyon ng Filipino (PIF) at may petsang 1 Disyembre 2015; at (d) Kapasiyahan ng Kalupunan Big. 15-37, s, 2015, na nagpapatibay sa Filipino bilang Wika ng Lalong Mataas na Edukasyon at may petsang 2 Disyembre 2015—na hindi binigyang-pansin ng CHED: SAPAGKAT, ang CHED ay nagpatibay ng mga kaulusan at pahayag na Nagtataguyod sa mga kahilingan ng sambayanan kaugnay ng pagtuturo ng wika at Panitikang Filipino sa lalong mataas na edukasyon' sa pamamagitan ng. (a) Statement of the Commission on Higher Education on Filipino and the Revised General Education Curriculum (CMO No. 20. Series of 2013) at may petsang 27 Nobyembre 2014, (b) CHED Memorandum Order Big, 57, s. 2017 re: Policy on the offering of Filipino subjects in all Higher Education Programs as part of the new General Education Curriculum per CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013 at may petsang 16 Hunyo 2017; () CHED Memorandum para sa mga pangulo at puno ng lahat ng publiko at pribadong higher education institution at sentral at rehiyonal na direktor re Clarification on the offering of Filipino and Panitikan courses in all Higher Education programs at may petsang 11 Hulyo 2017; at (4) CHED Memorandum Order Big. 4, s. 2018 re Policy on the offering of Filipino and Panitikan subjects in all higher education programs as part of the new General Education Curriculum at may petsang 11 Abril 2018.

You might also like