You are on page 1of 1

Dr.

Jose Rizal

Si Dr. Jose Rizal bilang isang pambansang bayani na kilalang kilala natin na pambansang bayani
na nag tanggol o pinamulat sa atin na ang bawat isa sa atin ay may kalayaan at nag mulat satin sa
nasyonalismo . Ang magiging bayani ni Dr. Jose Rizal ay nararapat lamang sa kanya dahil taos puso
siyang nag lingkod sa bayan na walang pagaalinlangan . Matalino ang ating pambansang bayani
madami siyang nagawa lalo na ang kanyang mga nobela na walang kapares na hanggang ngayon
ay pinag aaralan natin at sa mga susunod pang mga henerasyon. Likas sa kanya ang pagiging
matalino at pasipag mag aral mabilis siyang matuto sa ibat ibang bagay . Madami siyang nagawa
nakapag aral siya sa magandang kolehiyo at nag kamit siya ng ibat ibang parangal . Nakapag aral
din siya ng medisina at nakapunta siya sa ibat-ibang bansa para mag aral . Maraming mga babae
ang dumaan sa kanyang buhay pero sa huli iisang babae ang nag mahal at nanatili sa kanya kahit
siya ay bilanggo na at malapit ng bitayin. Sa buhay ni Dr. Jose Rizal sa dami ng kanyang nagawa
kaya siya ay kinikilala natin bilang isang huwarang bayani na mapag mahal sa bayan kaya kilala siya
maging sa ibang bansa dahil sa katanyagan ng kanyang mga nagawa . Ang pag laban sa kastila sa
mapayapang paraan ang lubos nating ipinagmamalaki na ginawa ni Rizal gamit lamang ang
kanyang malawak na kaisipan . Marami pa siyang nagawa para sa bayan na lubos nating
hinahangaan bilang pagiging pambansang bayani niya.

Sa pag aaral ng Buhay ni Dr. Jose Rizal namulat tayo sa mga bagay na kanyang ginawa para sa
bansang Pilipinas kung pano siya gumawa ng paraan para mamulat tayo at para malaman kung
ano ang mga kaya nating gawin para din sa ating bayan . Ang mga nagawa ni Rizal ay hindi lamang
pang kanyang sarili kundi para sa Inang bayan o kanyang sinilangan Bayan . Mabuti ang kanyang
mga ginawa dahil hangad niya lang ang kapayapaan at kalayaan . Sa pag aaral ng buhay ni Dr. Jose
Rizal nag simula tayo hanggang siya’y ipanganak at lumaki hanggang mamatay hanggang magiing
bayani. Alam nating di man natin mahigitan ang buhay ni Rizal noon maari pa din nating isabuhay
kung paano ang buhay ni Rizal noon. Kung nais natin isabuhay ang buhay ni rizal noon matuto
tayong mag tiis sa mga kung ano lamang sa ngayon ang ating natanggap. At matuto tayng
mamulat sa mga bagay lalo na sa panahon ngayon.

You might also like