You are on page 1of 6

Caraga Administrative Region

Division of Surigao Del Norte


MAINIT NATIONAL HIGH SCHOOL
Mainit, Surigao Del Norte

Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

Name: Gemma F. Salem Grade: 10 - Integrity


Learning Area: Filipino Time: 7:30 – 8:30
Date: February 12, 2019 Quarter: 2nd

I. Layunin

Pagkatapos ng isang oras, 80% ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay


inaasahang matamo ang mga sumusunod nang may 75% katiyakan.

1. Nailalarawan ang kalagayan/sitwasyon ng mga tauhan.


2. Nailalarawan ang anyo at kalagayan ng Bapor Tabo.
3. Naipahahayag ang saloobin hinggil sa mga pangyayari at usapin sa kabanata.
4. Naihahambing ang mga tauhan sa kabanata sa mga tao sa kasalukuyang panahon.

II. Paksang-Aralin
Paksa : El Filibusterismo, Kabanata 1, Ang Kubyerta
Referens :
Mga Kagamitan : Mga larawan

III. Pamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Maikling pagdarasal na pangungunahan ng


Guro.

Sa ngalan ng Ama…Amen. Amen.


Pagbati at pangungumusta sa mga
mag-aaral.

Magandang umaga klas.

A. Paghahanda o Pagganyak

Paparating na ang summer hinbi ba klas?


Isa sa mga pangarap natin ay ang makapunta
sa lugar gaya ng Boracay, Palawan o di kaya
ang kinikilala ngayong Boracay of the South.
na Cmasur o Camarines Sur.

Kung halimbawa klas na kayo’y mabigyan Boracay po at nais ko


ng pagkakataong makapunta sa isa sa mga lugar pong sumakay ng
na ito, alin at paano niyo gustong gugulin eroplano at maranasan
ang pagkakataong ito, pakilarawan nga ito kahit minsan lang
Kevin kung anong gusto mong mangyari sa aking buhay.
sa bakasyong ito mula sa pagbiyahe hindi po ako matutu-
hanggang sa matapos ang ninanais mong log at dadamhin ko
bakasyon. Ang bawat segundong
naroroon ako sa
lugar na iyon.
Wow! Nakakapagod yata ang
gusto mong gawin.
Magtatanong pa ang guro sa
iba pang mag-aaral.

B. Pagpapakilala

Saan man at paano man natin


gustong gugulin ang ating bakasyon,
pare-pareho lang ang ating hangarin,
ang masiyaha, makakilala ng mga
bagong kaibigan at malibang kahit paano.

Ngunit masiyahan at malibang kaya kayo


kung sa pagbiyahe niyo ay gaya ng Bapor
Tabo ang iyong masakyan at gaya ng mga
pasahero nito ang inyong makasakay.

Tingnan natin, talakayin at alamin


natin klas kung ano ang aking
binabanggit na Bapor Tabo.

Ito ang unang kabanata ng El Fili


na isinulat n gating pambansang
bayaning si Jose P. Rizal.

C. Pagtalakay
Ipababasa muli ng guro ang kabanatang babasahin muli nang
ipinabasa niya bilang takdang aralin. Pahaphaw ng mga
mag-aaral ang
kabanata.
Ano ang Bapor Tabo? Ilarawan ang
anyo at kalagayan nito.

Christine… isa po siyang kaisa-


isang Daong ng
Pamahalaan.
Kapintas-pintas po ito
sapagkat luma na’t
sadyang napakarumi.
Lubha pa itong
mabagal at tila
pinipilit lang na
magmukhang malinis
at maganda gamit ang
pintura na di rin
naman maayos at
maganda ang
pagkakagawa.
Magaling Christine, tama ka.

Joan, Sinu-sino ang mga lulan o may mga prayle po


sakay ng Bapor Tabo? batay sa lahi ? at opisyal ng
Batay sa kalagayan sa lipunan? Pamahalaan at iba
pang mga lahi na
mayayaman.
Sila po ang nasa
kubyerta sapagkat sila
ang mga mas sinasabi
sa lipunan o sa
madaling salita, mga
mayayaman at
makapangyarihan.
Tama! Magaling Joan.

Ano ang kalagayan ng mga pasaherong Opo, dahil nga po sa


ito na nasa kubyerta? Nasisiyahan ba sila’y nasa kubyerta,
sila’t komportable sa kanilang pag- sila ang kumbaga
lalakbay, cherina ? espesyal na pasahero.
Tiwasay po at
nasisiyahan sila sa
kanilang paglalakbay
Oo, tama Cherina.

Batay sa pagkakaunawa ninyo, Sapagkat panahon po


Bakit kaya sila nasa iisang pag- noon ng Disyembre at
Lalakbay, Kristel? Ito’y panahon rin po
ng pagliliwaliw,
pagbabakasyon,
pagdadalawan,
pagnenegosyo at iba
pang kadahilanan.

Tama, at isa sa mga may mabi- siya po ang babaeng


gat na dahilan ng paglalakbay ay si nakapangasawa ng
Donya Victorina. Sino si Donya isang kastila na sa ka-
Victorina at ano ang dahilan ng samaang palad ay nag
Kanyang paglalakbay? tatago sa kanya
sapagkat ito’y takot sa
kanya. At kanya
naman itong
hinahanap kaya siya
naglalakbay.
Tama, at siya lamang ang bukod
tanging nagpapakita ng pagkayamot
dahil sa kabagalan ng kanilang pag-
lalakbay.
At habang pinag-uusapan ng karami-
han at hinahanapan ng kalutasan ang
kabagalan ng Bapor Tabo, ilan sa kaila’y
hindi tanggap na ang hugis ng bapor,
labis na lulang kargamento’t pasahero
kalumaan ng makina at maging ng kapitan
ang mabigat na sanhi ng kabagalan.
Pinagtuunan nila ng pansin ang daanang
mababaw at liku-liko.

Sa gitna ng usapang ito, sino itong Si Simoun po.


lalaking biglang nangibabaw ang tinig na
sumabat sa usapan, Joseph?
Sino si Simoun? Pakilarawan nga Kevin. Si Simoun po ay ang
mayamang mag-
aalahas na
pinanganganinuhan
ng lahat na nakaaalam
na ito ang sanggunian,
anino at
kapangyarihan sa
likod ng
heneral.Mahirap
tukuyin kung sino at
anong lahi siya
sapagkat siya’y may
kapayatan, matangkad
at alanganin ang
kulay ng balat,
nakasuot Ingles at
sebastipol ng timsim.
Napagkakamalan
siyang Mulato. Parati
rin niyang suot ang
makapal at may
kalaparang salaming
bughaw na halos
tumakip sa buo
niyang mukha.
Tama. Sa pangingibabaw ni Simoun
sa usapan, ano ang nakagugulat nitong gagawa raw po ng
sinabi o naging suhestiyon ukol sa daanang isang kanal na matu-
mababaw at liku-liko ? wid, malalim at
maluwang mula
lungsod patungong
lalawigan.

At sa sinabi niyang ito, sino ang bukod Si Don Custodio po.


tanging nakapagbukas ng bibig at
sumalungat sa kanya?

At ano ang kanyang sinabi? Malaking salapi raw


po ang kakailanganin
at marahil mapipilitan
pa raw pong sumira
ng kabayanan.

Magaling! At sa mga nasabing ito kung gayon po raw


ni Don Custodio, ano ang naging ang kailangan gawin,
pagtugon ni Simoun? edi gawin raw po.
at hindi raw po nila
kailangan
prublemahin ang mga
gagawa nito sapagkat
pagtatrabahuhin daw
po ang mga bilanggo
at bihag at maging
ang mga kababaihan
at kabataan.

At sa tingin ninyo, ang mga sinasabi Hindi po, marahil ay


bang ito ni Simoun ay kanyang pinadadaplisan o
tototohanin? Pinariringgan lamang
niya ang mga prayle’t
mga abusadong
opisyal ng
pamahalaan.

Bakit kaya niya ito ginagawa? Kasi po ito po ang


Bakit pinadadaplisan niya ang totoong nangyayari,
mga ito? nais po niyang ilabas
sa usapan na sadya
naman talagang
malulupit ang mga ito
sa mga Indio o mga
Pilipino.
Inaakala o iniisip nilang nais
talagang magalit ni Simoun
ang mga tao.

Kung kayo ang tatanungin, sa inyong Marahil ganoon nga


palagay, ano ba alaga ang nais mangyari po, nais po niyang
ni Simoun? Mahirapan at
magdusa ang mga tao
nang sa ganoon po ay
magalit sila’t lumaban
na sa mali at baluktot
na pamamalakad.
Tama ! Magaling !

Sa kasalukuyang panahon, may mga tao Mayroon pa po


pa bang katulad ni Simoun at ng mga Prayle ? Ma’am, marami pa
Anu-ano ang mga pagkakaiba at pag- pong taong nagmama-
kakatulad nila ? gandang loob alang-
alang sa kapwa at sa
kanyang bayan. At
mayroon pa rin pong
katulad ng mga
prayleng abusado’t
gahaman sa
kapangyarihan at
kayamanan.
Ang pagkakaiba po ni
Simoun upang
maipagtanggol po ang
kanyang kapwa’t
bayan, umaayon po
siya sa nais ng mga
sakim at gahaman
upang makakilos siya
nang di nalalaman at
nang di siya
mapipigilan o pag-
iinitan. Hindi po
katulad ngayon na
kahit di mo gawin
iyon, maaari mong
gawin at sabihin ang
iyong nais.
Magaling!

D. Pagtataya

Sa kabuuan, kung kayo ang naroon sa gagayahin ko rin po


ganoon ding sitwasyon at pamamalakad, si Simoun na lalaban
Ano kaya ang magagawa o maitutu- nang di nila nalala-
long ninyo alang-alang sa inyong man. Hindi rin po ako
Kapwa at sa bayan? Papayag na ang mga
mayayaman at
matataas na tao
lamang ang may
karapatang.
Ipaglalaban ko po ang
karapatan ko at ng
aking kapwa.
Very good! Napakagaling na
sagot.

IV. Ebalwasyon

I. Ipaliwanag at sagutin nang buong puso ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Ihambing ang kasalukuyang sitwasyon ng bayan noon sa sitwasyon ng bayan


ngayon.

2. Ihambing ang pagkakaiba ng Bapor Tabo sa mga sasakyang pandagat ngayon.


Maituturing bang isa ang mga ito sa mga sumasalamin sa kalagayan ng isang
bansa?

3. Ipaliwanag ang pagiging hindi patas o pantay na tingin sa mga mahihirap at


mayayaman.

V. Takdang-Aralin
Basahin ang Kabanata II

Tala:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pagninilay:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:

GEMMA F. SALEM ROSA C. TARIFE


Subject Teacher Master Teacher I

You might also like