You are on page 1of 34

ANG PANITIKAN SA

PANAHON NG
ESPANYOL
Kaligirang Pangkasaysayan
Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at
paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa ang sanhi
ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng
damdaming makabayan sa mga Pilipino.
Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at
panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang
makarelihiyon ay napalitan ng damdaming
mapanghimagsik. Ang naging paksa ng panitikan
sa panahong ito ay pawang pagtuligsa sa
pamahalaan at simbahan, at pag udyok sa mga
Pilipino na magising at magkaisa upang matamo
ang minimithing kalayaan.
ANG PANITIKAN SA PANAHONG ITO AY…..
Karaniwang pasulat
Tumatalakay sa paksang panrelihiyon
Salamin ng kulturang Kanluranin
(Western)
Karaniwang nakasulat sa wikang
Espanyol
URI NG PANITIKAN
PASYON- inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa
buhay, sakit at pagdurusa ni Kristo.
KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang
dulang kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim
noong unang panahon.
DALIT- ang pag aalay ng bulaklak kasabay
nang pag-aawit bilang handog sa Birheng Maria.
DUNG-AW – binibigkas ng paawit ng isang
naulila sa piling ng mga kamag-anak.
TIBAG- isang pagtatanghal na ginaganap
tuwing Mayo.
 KARAGATAN- isang larong may paligsahan sa
tula ukol sa singsing ng isang dalagang
nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong
binata ang makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag- ibig ng dalaga.
 DUPLO- larong paligsahan sa pagbigkas ng
tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
SENAKULO- isang dulang nagsasalaysay ng
buhay at kamatayan ng poong Hesukristo.
KARILYO- pagpapagalaw ng mga anino ng mga
pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang
kumot na puti na may ilaw.
SARSUWELA- isang komedya o melodramang
may kasamng awit at tugtog. Ito ay may tatlong
yugto ay nauukol sa mga msisidhing damdamin
tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam atbp.
KORIDO- galing sa salitang “corrido” na ang ibig
sabihin ay kasalukuyang pangayari. Ito ay tulang
pasalaysay na may sukat na walong pantig at
pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at
kababalaghan.
AWIT- tulang pasalysay ay at may mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.
SAYNETE-ito ay isang dula na naglalahad ng
kaugalian ng isang lahi o katutubo.
KANTAHING BAYAN- ito ay
nagpapakilala ng iba’t-ibang pamumuhay
at pag-uugali ng mga tao at ng mga
kaisipan at damdamin ng bayan.
Halimbawa:
Leron- leron sinta Dandansoy
Pamulinawen Sarong
banggi
SINING: ANG KARAGATAN
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing
ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha
ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang ‘’sumisid’’ sa
dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang
nawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang
mesang may sari-saring pagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula
ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang
binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa
matatapatan ng tabong may tandang puti.
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata
bago tuluyang sagutin ang talinghaga.
• ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan
itong ginaganap sa namatayan o may lamay at
may matandang tutula ukol sa paksa ng laro.
Mayroon tabong papaikutin, at kung saan
matatapat ang hawakan ng tabo ay syang
sasagot sa tanong ng isang dalaga na may
matalinhagang bugtong at matalinhagang
sasagot ang binata. Ito ay nagmula sa isang
alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng
singsing habang siya'y naglalakbay sa
karagatan . Kung sino man ang makakita ng
singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.
SINING: ANG DUPLO
• Ito ay isang laro patungkol sa patay.
• Ang paraan ng pananalita ng manlalaro ay patula,
ngunit di kailangang may sukat at tugma.
• Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng
hari sa pagpalo ng sinumang nahatulang
parusahan.
• Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng
mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay.
• Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o
parangal sa isang namatay.
Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa
mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa
pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng
mga puns, biro at palaisipan sa bernakular.Kinalaunan,
ang duplo ay naging isang madulaing debate sa
pamamagitan ng berso.Ang nakasanayang gawi ay ang
ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang
krimen, at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang
kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas
masigla gamit ang mga kotasyon mula sa
mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang
isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa
palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang
pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na
magsabi ng isang dalit para sa namatay.
PAKSA
• Walang iisang paksa sa duplo. Maaaring
magpaulit-ulit ang sitwasyong lunsaran ng mga
pagtatalo subalit hindi tiyak ang hahantungan nito.
Gayunpaman, sa isang pag-aaral na ginawa sa
duplong nilalaro sa Nueva Ecija, may mga naitala
na kategorya ng paksa sa duplo.
• Alo-divino -may kaugnayan sa Diyos at sa mga
banal na bagay
• Historia-vino -kasaysayan ng Diyos at ng mga
santo o anghel
• Alo-humano/alo-mano -may kaugnayan sa mga
propeta, mitolohiya, bayani o ng relasyon ng tao
sa Diyos
• Historia-mano -kasaysayan ng mga tao o ng
bansa
• Ley/Lai -tumatalakay sa mga batas tulad ng
Kodigo Penal at Kodigo Sibil
• Talinghaga -nahahawig sa bugtungan
• Binayabas -iba pang paksang hindi nasasakop ng
mga naihanap nang paksa; karaniwang ginagamit
ng mga bago pa lamang na duplero.
• Hindi limitado ang mga duplero sa iisang uri
paksa. Gayunman, ipinahihiwatig ng termino
nilang tinigpas na may herarkiya ng paksa sa
duplo at nasa tuktok nito ang mga paksang
relihiyoso.
MGA KARAKTER
• HARI
nagpapasimula ng laro, nagpapanatili ng kaayusan
ng palabas.
• BELYAKO
mga lalaking kalahok.
• BELYAKA
mga babaeng kalahok.
• BERDUGO
nagsasagawa ng parusa sa pamamagitan ng
pamamalo sa kamay.
• DUKE
nagbibintang sa belyaka.
• GATPAYO
nagpapayo ng maaaring parusa.
• PISKAL
naghahatid ng parusa.
• NANANAWAGAN
naghahanap ng nawawalang gamit o bagay na pag-
aari ng hari.
EUPEMISTIKONG
PAGPAPAHAYAG
• Ang eupemismo o badyang pangpalubagloob ay
ang pagpapalit ng salitang mas magandang
pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim,
bulgar, o bastos na tuwirang nakapananakit ng
damdamin o hindi maganda sa pandinig.
Halimbawa nito ang paggamit ng "sumakabilang-
buhay" sa halip na ang pabalbal
na natigok, natepok, o natodas. Isang panggitnang
o mahalagang aspeto ng pampublikong paggamit
ng katumpakang pampolitika ang pagsasaad ng
mga eupemismo.
EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG
• 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
a. Paksa ng usapan
b. Taong sangkot sa usapan
c. Lugar
• 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga
pahayag na nagpapahiwatig lamang.
• 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang
tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang
lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o
pahayag na kilala sa tawag o eupemismo. Ang
paggamit ng magagandang pahayag ay
naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.

Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:


1. patay 1.sumakabilang buhay
2. nadudumi 2. tawag ng kalikasan
3. iniwan ng asawa 3. sumakabilang bahay
4. katulong 4. kasambahay
TULA
TRADISYUNAL NA TULA
• Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag ng
kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma bawat
taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng
pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining
bukod sa pagiging madamdamin.
• Binubuo ito ng saknong at taludtod. Karaniwan
itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-
animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga
at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat.
Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
• May aliw-iw at indayag kung bigkasin ang tulang
Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong
tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng
taludturan
• Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at
estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.
MGA ELEMENTO NG TULA
• Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng
bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
• Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa
loob ng isang tula na may dalawa o maraming
linya o taludtod.
 2 linya-couplet 6 linya- sestet
 3 linya – tercet 7 linya- septet
 4 linya- quatrain 8 linya- octave
 5 linya- quintet
• Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng
maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan.
• Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may
kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.
• Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula
kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkasing-tunog.
 Mahirap sumaya
 Ang taong may sala
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala

Pagpupuring lubos ang palaging hangad


Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumanta’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat
Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,


Dugo, yaman, dunong katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot
Bakit? Alin ito na sakdal laki ,
Na hinahandugan ng buong pagkasi,
Na sa lalong mahal nakapangyayari

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan:


Siya’y ina’t tangi sa knamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan .

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan ,


Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal,
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan

Pati ng magdusa’t sampung kamatayan


Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh,himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay

Kung ang bayang ito’y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik
Ang anak,asawa, magulang,kapatid;
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


Ng kaho’y ng buhay na nilanta’t sukat,
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig


At hanggang may dugo’y ubusin itigis;
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit!
• Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay
isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio
noong 1896 bago pumutok ang
rebolusyong 1896 na kanyang ginamit
para himukin ang mga Pilipinong
maging makabayan. Si Bonifacio ay mas
magaling na madirigma kaysa sa isang
manunulat ngunit pinatunayan niya na
kaya niyang gumawa ng isang tula para sa
kanyang minamahal na bayan.
MGA PANDIWANG
NAGPAPAHAYAG NG
EMOSYON O DAMDAMIN
Mga Pandiwang nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Ang paggamit ng padamdam na pangungusap na may
natatanging gamit. Sa pagsulat ng ganitong uri ng
pangungusap, ginagamit ang bantas na pandamdam (!)
bilang hudyat ng matinding damdamin.
Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may
aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang
pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw. May mga pandiwa
rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng:
 Pagiging masaya at malungkot
 Galit at puot ng damdamin
 Kaba at pag aalala
Mga Halimbawa:
Paghanga: Wow! Naks, ha! Ang galing!
Pagkagulat: Ay! Ngiii! Naku!
Takot: Inay! Naku po! Ayyy!
Tuwa: Yahooo! Yehey! Yipeee!
• Nalulungkot ako kapag naaalala ko ang kaibigan
kong pumunta sa Canada.
• Kinakabahan ako sa darating na pagsusulit.
• Nagtatalon sa tuwa si Yuna nang makita ang
kanyang idolo.
• Wow, ang ganda ng damit mo!
• Naku po, nabasag ko yung plato!
-LAZ

You might also like