You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas)

Lungsod ng Lucena) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, JONATHAN S. GUEMO, 42 taong gulang, may asawa at kasalukuyang nakatira


sa 820 L16 Saudi Arabia St., Intertown Homes, Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon,
matapos manumpa nang naayon sa batas ay malaya at kusang loob na nagsasalaysay
ng mga sumusunod:

1. Noong araw ng 17 ng Mayo, 2019, mga bandang alas singko y media habang ako ay
namamahinga dahil ako ay galling sa aking trabaho ay biglang sumigaw ang aking asawa
na binubugbog ang matandang bato/ Rodelio kaya agad akong lumabas sa aming bahay
kaya aking nakita at nasaksihan ang kaguluhan sa bahay ng BATOCABE;

2. Aking Nakita na duguan si Rodelio at hawak hawak ng isang lalaki ang itak. Ang asawa
ni Rodelio na si Bernardita ay duguan din dahil sa bato galling sa kabilang panig;

3. Hindi maawat sa pagbabato ng bato ang kabilang panig na mga lalaki. Sila ay lima;

4. Sa mga aking nasaksihan ay aking napagdesisyonan na tumawag ng pulis. Hindi ko


na alam ang ibang nangyari habang nasa station ako ng police. Agad na dumating ang
mga pulis sa kaguluhan at tanging tricycle na lamang ang naiwan at pinadala sa
munisipyo ;

5. Malaya at kusang loob kong ibinibigay ang salaysay na ito na walang sino man ang
namilit o nanakot upang patotohanan ang lahat ng naka saad sa itaas at para sa ano
pamang kadahilanang naaayon sa batas.

JONATHAN S. GUEMO
Nagsalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAPAN KO ngayong ika- 15 ng Hulyo, 2019 dito sa


Lungsod ng Lucena.

ITO AY PAGPAPATUNAY na personal kong sinuri ang nagsasalaysay at ako ay naniniwala


na kusang loob niyang ginawa at naiintindihan ang kanyang sinumpaang salaysay.

Dok. Blg. ______:


Pah. Blg. ______:
Aklat Blg. ______:
Serye ng taong 2019:

You might also like