You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas)

Lungsod ng Lucena) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, JHAZZTINE CHARLES P. DELOS REYES, 18 taong gulang, walang asawa at


kasalukuyang nakatira sa Japan St., Intertown Homes, Barangay Bukal, Pagbilao,
Quezon, matapos manumpa nang naayon sa batas ay malaya at kusang loob na
nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Noong araw ng 17 ng Mayo, 2019, mga bandang alas singko, ako po ay nakatambay
sa mismong court sa aming lugar dahil aming balak na maglaro;

2. Biglang may dumating na tricycle at pumarada sa may bahay ni Tatay Rodelio. Ang
bumababa sa tricycle ay si Mark Joseph at may kasama siyang apat (4 )pang ibang
lalaki. Kanyang pinipilit palabasin si Rudel para makipag ayos dahil sa nakaraang
kaguluhan dati sa basketball;

3. Si Mark Joseph Musarez ay hinaharass si Rudel at habang kanyang kasuap ay


binabangga banga siya. Sila ay nagkasagutan ngunit mahinahon si Rudel sa pakikipag
usap;

4. Matapos iyon ay biglang ay sumugod sa bahay ng mga BATOCABE si Marc Diala na


isa sa mga sakay sa tricycle at inaway ang mga BATOCABE; Sinuntok ni Marc Diala si
Rudel at si Mark Joseph naman ay sinuntok si Tatay Rodelio. Kitang kita sa mukha ni
Marc Diala na may intension syang baliin ang leeg ni Rudel at patayin ito;

5. Aking nakita na inaagaw ng ibang kalalakihan na kasama nila ang itak na hawak ni
Tatay Rodelio. Agad silang inawat ng mga kapitbahay naming dahil halatang nakainom
ang mga nanugod sa kanila;

6. Kita ko na madami ang nakahawak kay Tatay Rodelio, mga tatlo sila at kanilang
pinagtulungan ang matanda ang isa ay hawak ang leeg ng Tatay Rodelio, ung isa ay
sumusuntok at yung isa ay inaagaw ang itak. Kita ko na duguan ang ilong ni Tatay
Rodelio;

7. Malaya at kusang loob kong ibinibigay ang salaysay na ito na walang sino man ang
namilit o nanakot upang patotohanan ang lahat ng naka saad sa itaas at para sa ano
pamang kadahilanang naaayon sa batas.

JHAZZTINE CHARLES P. DELOS REYES


Nagsalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAPAN KO ngayong ika- 15 ng Hulyo, 2019 dito sa


Lungsod ng Lucena.

ITO AY PAGPAPATUNAY na personal kong sinuri ang nagsasalaysay at ako ay naniniwala


na kusang loob niyang ginawa at naiintindihan ang kanyang sinumpaang salaysay.

Dok. Blg. ______:


Pah. Blg. ______:
Aklat Blg. ______:
Serye ng taong 2019:

You might also like