You are on page 1of 1

Posisyonal na Papel

Same Sex Marriage


Ipinasa ni: Ric Andrian M. Ibano

Ipapasa kay: Sunny pajo


Isang halimbawa ang same-sex marriage o pagpapakasal ng parehong babae o
parehong lalake na ipinanukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Ayon sa
Speaker ay sinimulan nang balangkasin at umaasang mapagtitibay sa 17th
Congress.
Sa bahagi pa ng pahayag ni Speaker Alvarez, sinabi niya na siya ang tatayong
pangunahing awtor ng panukalang batas na magkakaroon ng mga pagtutol mula
sa iba’t ibang sektor, partikular ang Simbahang Katoliko. Katwiran ni Speaker
Alvarez, kung sa ikaliligaya ng third sex, bakit hindi natin sila suportahan.
Hindi nagkamali si Speaker Alvarez na may kokontra sa same-sex marriage
sapagkat sa Kamara ay hati ang mga kongresista sa panukalang batas. Kabilang
dito sina Quezon City Rep. Vincent ‘Bingbong’ Crisologo, Camarines Sur Rep.
Luis Raymund Villafuerte, at Navotas Rep. Toby Tiangco. May kanya-kanya
silang paliwanag.
Tutol at umalma ang Simbahan sa same-sex marriage na balak na isulong sa
Kongreso. Binigyang-diin na kung puwede sa ibang bansa ang pagpapakasal ng
parehong babae at parehong lalake, hindi nangangahulugang tama ito at
nararapat ipatupad sa Pilipinas.
Tatlong Obispo rin ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa same-sex marriage.
Sa pahayag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, sinabi niya na ang kasal na
itinatag ng Diyos ay binubuo ng isang babae at isang lalake. Iginagalang ni
Bishop Ongtioco ang opinyon ni Speaker Alvarez na nagbabalak na isulong ang
same-sex marriage, ngunit aniya, ang turo pa rin ng Simbahan ang kanyang
pananaigin.

Have a nice day SIR (:

You might also like