You are on page 1of 2

Kenneth Chan

A2

Mapapayaman ko ang wikang Pilipino sa pamamagitan ng


paggamit nito araw-araw, hindi lang sa pamamagitan ng
pagsasalita, nakikinig din ako sa OPM dahil para sa akin mas
makahulugan ang OPM kesa sa mga musika ng Amerikano na
karamihan ay kabastusan at walang saysay. Bilang isang Ilonggo
aaminin ko din na hindi nagging madaling matutunan ang
Tagalog, nasimulan kong matutunang mag Tagalog sa
pamamagitan ng panonood ng teleserye napakalaki ang tulong
nito sa buhay ko dahil ito ang nagging ugat, pero hindi pa sapat
ang panonood lamang ng teleserye kailangang isalita ko din ito
kaya nang mapadpad ako sa Maynila para mag aral ay lalong
gumaling ako.

Bilang isang estudyante pag-aaralan ko ito ng buong puso.


Kahit marunong akong mag Chinese at Ingles mas
pinapahalagan ko ang wikang kinalakihan ko. Hindi ko talagang
maintindihan kung bakit ayaw ng maraming paaralan na
magsalita sila ng Filipino, siguro pag “English speaking” ay mas
sosyal, kaya tutuol ako sa “English speaking policy” ng maraming
paaralan dahil hindi nating mapaunlad at mapayaman ang wikang
Pilipino. Sana sa larangan ng agham ay sana magawan ang
ibang salita ng Pilipino na kahulugan para lubos na maiintindihan
ng mga tao.

Ang wikang Pilipino ay uunlad pa at yayaman. Sa ngayon


ang impresyon ng iba ay “under dog” ito. Tangkilikin natin ito at
walang duda ay uunlad tayo!

You might also like