You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

IKA-8 BAITANG

Layunin:

Sa pagtatapos ng araling ito, ang 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang maipapamalas ang mga
sumusunod nang may 90% na pagkatuto:

Nasasabi ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa ibat-ibang panahon.

Nakagagawa ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamumuhay ng mga unang
tao.

Nakahahanap ng kagandahan sa pag-alam ng mga pamumuhay noong unang panahon.

Paksang Aralin

Paksa: “Pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig” (AP8HSK-If-6)

Konsepto: Panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao (Panahong Paleolitiko, Panahong Neolitiko, at
Panahon ng Metal)

Integrasyon Sa Iba Pang Asignatura: Antropolohiya

Pagpapahalaga: pakiki-angkop sa kapaligiran, malikhain, mapamaraan

Kagamitan:

-whiteboard marker -maliliit na sanga

-plastic -mga dahon

-bato

Sanggunian:

Book Reference: Cabiles, Ma. Dolores S. and Santiago, Aurora L. (2007). “Kasayasayan ng Daigdig”. JMC
Press, Inc. Lungsod Quezon.

Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Pang-araw-araw na Gawain
(Panalangin) (Pinangunahan ng nakatalagang estudyante sa
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. araw na iyon ang panalangin)

Magandang Umaga klase. Magandang Umaga din po guro.


Maaari na kayong umupo.
(Pagtatala ng liban sa klase)
Sinu- sino ang lumiban sa klase?
Salamat at kumpleto ang lahat. Wala po.
Bago natin simulan ang lahat, pulutin ang
mga kalat na nasa ilalim, tapat, likod at gilid ng
inyong upuan. Huwag ilagay sa bag ng kaklase
kundi itago niyo sa mga bag niyo.
(Nagpulot ng mga kalat at umayos ng upo).
Balik Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa mga
sinaunang tao at ang mga paniniwalang

1
pinagmulan nila. Ilahad mo nga sa klase ang iyong May tatlong paniniwalang pinagmulan ang tao.
natatandaan sa araling iyon. Una, ang paniniwala mula sa mitolohiya tulad ng
(Tumawag ng isang mag-aaral) Alamat ni Malakas at Maganda. Ikalawa naman
ay ang paniniwalang panrelihiyon kung saan si
Adan at Eba ang pinagmulan ng tao. At ang huli
ay ang paniniwala mula sa siyensya na kung saan
ang tao ay nagmula sa unggoy.

Tama ba sya klase? Opo

Magaling. Karagdagan? Ayon sa teoryang Ebolusyon ng Tao ni Charles


(Tumawag muli ng isa pang mag-aaral) Darwin, ang tao daw ay nagmula sa iisang ninuno
na dumami at naging iba’t ibang specie na ang
tanging matibay at malakas ang siyang mag-
eevolve sa pamamagitan ng “natural selection”

Mahusay. Meron pa ba? Meron pa po.


(Tumawag mula sa mga nakataas ang kamay)
Ayon sa mga eksperto, ang tao daw ay nagmula
sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ay ang
specie ng “Austrolapethicus” at specie ng mga
“Homo” kung saan kabilang ang Homo Habilis,
Homo Erectus, at Homo Sapiens.

Ekselente. May nais pa ba kayong idagdag klase? Wala na po.


Mga katanungan o nais linawin sa araling ating
tinalakay? Kung wala na ay tutungo na tayo sa
gawain natin ngayon bago natin pormal na
buksan ang
susunod na aralin.
Pagganyak/Motibasyon
Ngayon, bago natin simulan ang ating talakayan
meron akong inihandang aktibiti na maaari
niyong malaman kung tungkol saan ang ating
aralin ngayong araw na ito. Handa na ba kayo
klase? Opo titser.

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Ngayon


magbilang na tayo ng isa hanggang tatlo at
pagkatapos ay igrupo na ang inyong mga sarili.
Ngayong naka grupo na kayo,
bibigyan ko ang bawat grupo ng (Magbibilang 1,2,3)
isang plastic bag na nag lalaman ng
iba’t ibang bagay na gagamitin nyo
upang makagawa ng isang bahay
sa loob lamang ng 7 minuto.

Hindi pwede. Uulitin ko ang gagamitin nyo Pwede po ba kaming gumamit ng ibang bagay
lamang sa paggawa ng inyong bahay ay yun bukod sa laman ng
lamang nasa plastic na ibibigay ko. Malinaw na ba plastic?
klase?

Nakatapos na ba ang lahat? Mamili ng isang


representative para
ipaliwanag ang iyong nagawang bahay at ilahad
ang mga kagamitang inyong nagamit. Mauna na
ang ang unang grupo.

2
Magaling unang pangkat. Sumunod naman na Opo! (At sinumulan na nilang buuin ang kanilang
groupo. bahay)

Mahusay group 2. Ngayon ang huling pangkat.


Ipakita sa buong Ito po ang aming munting bahay nagtulong
klase ang inyong nagawang bahay. tulong kaming lahat sa paggawa nito, nagplano
po muna kami pagkatapos ay ginawa na namin
hanggang sa huli ay nilagyan naman namin ng
disenyo. Ang ginamit namin ay mga bato, sanga
ng mga halaman at ang mga dahon nito.

Magaling ikatlong pangkat. Ayan, nakita nyo na


mayroong iba’t ibang bahay ang mga nagawa Ito naman yung nagawa naming bahay na mula
gamit ang mga materyales na aking binigay sa sa mga makikinis na bato, clay at ilang matitigas
bawat grupo. Natuwa ako sa mga nagawa nyo, na papel.
nagamit nyo nang maayos ang mga materyales na
ibinigay ko sa inyo. Dahil dyan palakpakan nyo Halos lahat ng materyales ay aming nagamit at
ang inyong mga sarili. napag-isipan din naming maayos kung paano
namin ito gagamitin. Kung titingnan ang mga
nagamit namin ay maliliit na pawid, mga sanga,
tali o pisi, stick, at mga hibla-hibla. Dahil na rin sa
mga materyales na ito ay naging matibay ang
aming bahay.

(Tuwang tuwang pinapalakpakan ang mga sarili)

Paglunsad ng Aralin
Ngayon naman matutunan natin ang isang
bagong aralin. Sa aralin nating ito, matutukoy
natin ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga
unang tao sa iba’t ibang panahon. Opo, kami’y handa na.
Handa na ba kayo sa bagong aralin natin ngayon? (Umupo ng maayos)

Sa ginawang aktibiti, itala niyo nga sa pisara ang


mga ginamit na materyales sa paggawa ninyo ng (Nagtala sa pisara ng mga ginamit nilang
bahay. kagamitan sa paggawa ng bahay)
(Tumawag ng ilang mag-aaral upang magsulat sa -bato
pisara) -sanga ng mga halaman
-dahon
- makikinis na bato
-clay
-ilang matitigas na papel
- maliliit na pawid
-tali o pisi
-stick
Anong mapapansin nyo sa mga nakatalang -mga hibla-hibla
materyales sa pisara?
(Tumawag ng isang mag-aaral)

Tama ba ang kanyang sagot klase? Lahat ng mga nakatala ay madaling makita at
makuha sa ating paligid.
Tama. Lahat ng mga bagay na iyan ay makukuha
natin sa ating paligid. Sa tingin nyo, kung Opo
nabubuhay kayo noong sinaunang panahon,

3
magagamit niyo rin ba ang mga materyales na Opo. Dahil ang mga materyales na iyan ay
iyan? Bakit? mayroon na noong unang panahon.
Paano kung iyan lang ang mga gamit na mayroon
kayo? Walang mga gadgets na mayroon kayo
ngayon. Mabubuhay kaya kayo?
Bakit oo? Bakit hindi?
(Tumawag ng isang mag-aaral)
Salamat. Bakit naman oo? Opo. Hindi po

(Tumawag muli)

Hindi po kami mabubuhay kasi po wala kaming


gadgets na kailangan namin.

Opo, mabubuhay po dahil noong unang panahon


hindi naman po kinakailangan ang mga gadgets
para mabuhay sila halimbawa na lang ang
Salamat sa inyong mga opinyon. pagkuha nila ng pagkain, manghuhuli sila ng
hayop gamit ang sibat upang may makain sila.
Kung nakagawa kayo ng bahay mula sa mga
materyales na binigay lang sa inyo, ganun din ang
mga sinaunang tao. Ginamit nila ang mga
makikita nila sa kanilang paligid na posible nilang
magamit.
Ang pamumuhay ng sinanunag tao ay nahahati sa
tatlong panahon. Magbigay ng isa.
(Tumawag ng mag-aaral)
Magaling. Ano pa?
(Tumawag muli ng isa pang mag-aaral).
Mahusay. At ang huli?
(Tumawag ng isa pang mag-aaral)
Magaling. Panahong Paleolitiko ang unang Panahong Paleolitiko
panahon. Anong mayroon noong panahon ng
Paleolitko?
(Tumawag ng isang estudyante). Panahong Neolitko

Tama ba siya klase? Panahon ng Metal

Magaling. Karagdagan? Noong unang panahon, mga 2.5 milyong taon na


(Tumawag ng isang mag-aaral). ang nakakaraan, dito nagsimula ang PANAHONG
PALEOLITKO. Tinatawag din itong “Panahon ng
Lumang Bato” (Old Stone Age).

Opo

Tama. Anong uri ng kagamitan ang meron sila? Ang panahong paleolitko ay nagmula sa salitang
(Tumawag ng isang mag-aaral) Griyego na “Paleos” na nangangahulugang
matanda o luma, at “lithos” na
Magaling. Meron silang mga magagaspang na nangangahulugang bato. Ito ang
kagamitan. Paano naman sila kumukuha ng pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng
kanilang pagkain? sangkatauhan.
(Tumawag ng mag-aaral)
Magagaspang na bato ang kagamitan ng mga tao
Tama. Sama-sama sila sa paghahanap nila ng sa panahon ito.
kanilang makakain. Nananatili ba sila sa iisang
lugar?
Bakit?
(Tumawag ng isang estudyante) Pulo-pulotong sila sa paghahanap ng mga
pagkaing kinakalap nila mula sa kapaligiran
maging sa paghuli ng mga galang hayop.

4
Magaling. Tinatawag din silang mga nomadiko
dahil sila ay lagalag o hindi sila nananatili sa Hindi po.
kanilang mga lugar. Kanina sinabi niyo na
magagaspang na bato ang gamit ng mga Lagalag sila at pallipat-lipat ng tahanan subalit
sinaunang tao ng panahong ito, tama ba klase? panandaliang nananatili sa mga yungib at
Saan naman kaya nila ito ginagamit? malalaking punong kahoy para makaiwas sa mga
(Tumawag ng isang mag-aaral). mababangis na hayop at ilan pang mga panganib
na nagbabanta.

Tama. Para may magamit sila bilang sandata,


ginamit nila ang magagaspang na bato. Dito din
sa panahong ito natuklasan ng mga sinaunang tao
ang apoy.
Ano naman ang sumunod na panahon? Opo.
(Tumawag ng isang mag-aaral).
Tama. Paano naman kaya namumuhay ang Ginamit nila itong mga sandata para manghuli ng
sinaunang tao sa panahong ito? mga maiilap na hayop sa ilang, panghiwa ng
(Tumawag ng isang estudyante). karne, pamputol ng kahoy, at maging sa pagkuha
ng iba pang halaman.
Magaling. Kung sa panahon ng paleolitiko, ang
mga sinaunang tao ay nangangalap ng pagkain at
nanghuhuli ng hayop, dito naman sa panahon ng
neolitiko natutunan ng mga sinaunang tao ang
pagtatanim at umunlad din ang kanilang mga
kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na
bato. Ano naman kaya ang kanilang mga Ang sumunod po ay ang panahong neolitiko.
itinatanim?
(Tumawag ng isang estudyante) Sa panahong ito, natutunan ng mga sinaunang
Ganun na nga. Ano pa kaya ang mga ginagawa tao ang pagtatanim at ang mga kasangkapan nila
nila noong panahong ito? ay yari na sa mga makikinis na bato.
(Tumawag ng isang estudyante)
Magaling. Hindi lamang pagtatanim, natuto din
sila mag-alaga ng hayop. Hindi lang nila ito
hinuhuli at kakainin bagkus inaalagaan pa.
Ano pa? Ano pa ang nagagawa nila ng panahong
ito?
(Tumawag ng isang estudyante)
Tama. Sa panahong ito ba, nanatili na sila sa
kanilang lugar?
(Tumawag ng isang estudyante).
Nagtatanim sila ng mga butyl, buto ng prutas,
gulay at iba pang halaman.

Tama. Isang halimbawa ng neolitikong Nagawa din nilang magpaamo ng hayop na


pamayanan ay ang “Catal Huyuk” na nagsilbing malaking tulong sa kanilang mga
matatagpuan sa Anatolia Turkey. gawain at pagbubungkal ng lupa.
Ang mga batong gamit nila ay mas makinis,
makintab at higit sa lahat ay may disenyo. Bawat
disenyo ay ayon sa kani-kanilang gamit sa
pangangaso at gawaing bahay.
Ano naman ang huling panahon ng pamumuhay Nakagawa din sila ng palayok mula sa luwad na
ng sinaunang tao? ginagamit nila para lutuan at imbakan ng
(Tumawag ng isang estudyante) pagkain.

Tama. Panahon ng metal. Ito ay nahahati sa tatlo, Opo. Naging pirmihan na rin nila ang kanilang
ano-ano ang mga ito? mga tahanan, nakapagtatag sila ng mga
(Tumawag na isang estudyante) pamayanan at dumating din sila sa puntong
Tama ba sya klase? nagkaroon sila ng pinuno at pamahalaan.
Anong meron sa panahon ng tanso?

5
(Tumawag ng isang estudyante)

Magaling. Ano pa?


(Tumawag ng isang estudyante)

Mahusay. Meron pa ba?


Ano naman ang nangyari noong panahon ng
Bronse? Panahon ng Metal
(Tumawag ng isang estudyante)

Magaling. At sa panahon ng bakal? Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse, at


(Tumawag ng isang estudyante) Panahon ng Bakal

Tama. May idadagdag pa ba? Opo.


(Tumawag na isang estudyante)
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa
tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa
Mahusay klase. Ang panahon ng metal ang huling kagamitang yari sa bato.
yugto ng pamumuhay ng sinaunang tao at Nalinang ng mabuti ang paggawa at pagpapanday
hanggang ngayon makikita natin ito sa ng mga kagamitag yari sa tanso.
kasalukuyang panahon.
Wala na po

Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagawa mula


sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo,
punyal, martilyo, pana, at sibat.

Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang


pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya.

Natutunan nilang magpanday ng bakal at nang


lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba
pang kaharian.

Pagbubuod
Sinong makakapagbuod ng napag-aralan natin sa Napag-aralan natin sa araw na ito na may tatlong
araw na ito? yugto o panahon ang pamumuhay ng mga
(Tumawag ng estudyante) sinaunang tao. Ito ay ang panahong paleolitiko,
neolitiko at metal. Ang panahong paleolitiko o
tinatawag ding lumang bato ay nagmula sa
katagang paleos o matanda at lithos o bato. Ang
mga sinaunang tao sa panahong ito ay mga
nomadiko dahil nangangalap sila ng kanilang
pagkain at naghuhuli sila ng maiilap na hayop.
Ginagamit nila ang mga magagaspang na bato sa
paghuli ng hayop. Ang panahong neolitiko naman
ay tinatawag na panahon ng bagong bato. Dito,
ang mga sinaunang tao ay pumipirmi na sa
kanilang mga tirahan at nag-aalaga na rin sila ng
mga hayop. Makikinis na bato naman ang
ginagamit ng mga sinaunang tao ditto.
Nagkaroon na rin ng pamayanan at pamahalaan
sa panahong ito, halimbawa na lang ang Catal
Huyuk na matatagpuan sa Anatolia Turkey. Ang
huling yugto ay ang panahon ng metal kung saan
ito’y nahahati pa sa tatlong panahon. Ito ay ang
panahon ng tanso, panahon ng bronse, at

6
panahon ng bakal. Ang mga metal na materyales
ay ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang
kagamitan at armas tulad ng epada, punyal,
martilyo, sibat, at iba pa.

(Binahagi ng mag-aaral ang kanyang mga


natutunan)
Mahuhsay na pagbubuod.Sino pa ang nais
magbahagi ng kanyang natutunan?
(Tumawag ng isa pang estudyante)
Pagpapahalaga
Anong kabutihan o kagandahan ang napag- Napag-alaman kong sa bawat pagdaan ng
alaman mo o nakita sa bawat pamumuhay ng panahon, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
mga sinaunang tao? pamumuhay ng mga sinaunang tao lalo na sa
mga kagamitan nila na ginagamit nila sa pagkuha
ng kanilang mga pagkain.

May katanungan pa ba klase tungkol sa ating


aralin? Nais bigyang linaw? Wala na po.

Kung gayon naintindihan niyo na ang ating aralin


sa araw na ito kaya alam kong handa na kayo sa
inihanda kong maiksing pagsusulit. Kumuha ng
isang-kapat na papel at lagyan ng bilang 1-5.

Pagtataya

Sagutin ang mga sumusunod ng may buong husay.

Ano ang tatlong yugto o panahon ng pamumuhay ng mga sinaunang tao?

Sagot: Panahong Paleolitiko, Panahon Neolitiko, at Panahon ng Metal

Anong klaseng kagamitan ang ginagamit ng mga sinaunang tao noong panahon ng Paleolitiko o Lumang
bato?

Sagot: mga magagaspang na bato

Paano mamuhay ang mga sinaunang tao noong panahon ng paleolitiko?

Sagot: Sila ay mga nomadikong tao o naglalagalag upang kumuha ng kanilang pagkain at manghuli ng
mga hayop

Anong pinagkaiba ng pamumuhay ng mga sinaunang tao ng panahon ng paleolitiko sa panahon ng


neolitiko?

Sagot: Noong panahon ng paleolitiko, ang pamumuhay ng mga sinaunag tao ay mangalap ng pagkain
at manghuli ng mga hayop habang noong panahon naman ng neolitiko, ang mga sinaunang tao ay
natutong pumirmi sa kanilang lugar at natuto silang magtanim at mag-alaga ng hayop.

Saan ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal?

Sagot: Ginamit ng mga sinaunang tao ang mga materyales na metal sa paggawa ng iba’t ibang
kagamitan at armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat.

Kasunduan

Takdang aralin:

Sa isang buong papel, gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa pamumuhay ng mga unang tao sa
daigdig ayon sa inyong pagkakaintindi sa nagging aralin natin.

7
Basahin at unawain ang Aralin 3 “Mga yugto sa pag-unlad ng kultura sa panahong Prehistoriko”.

Inihanda ni:

You might also like