You are on page 1of 16
Sapatero si a Tatay. Kilalang-kilala 2 ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos. “Paano mo ba naiisip ang ganyang mga istilo? Kay gaganda!” “Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas..." “Parang may madyik ang iyong kamay!" Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita. Lumaki ako sa piling ng mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas na kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag Pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa ako ng ekstrang sapatos ni Tatay kapag may mga tira-tirang balat at tela. “Buti ka pa, Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagliitan n'ya," himutok ng isang kaklase. Ss | grew up amidst all the many shoes my father made. My friends and classmates often wished they were in my shoes. They said | was lucky to have a shoemaker for a father. Why, | always had a new pair for every occasion—school opening, Christmas, my birthday, or when | was awarded class honors in school! My Tatay even made me extra pairs of shoes from left-over leather and fabric. "| wish | were you, Karina. You always have new shoes. Me? | get hand-me- downs from my ate. | only wear the shoes that don’t fit her anymore,” complained one of my classmates.

You might also like