You are on page 1of 2

Sa pamunuan ng Crescencia Enverga Elementary School sa pamumuno ng ating

Minamahal na Punungguro, Gng. Amelia B. Celis, mga guro, Sa ating Baranggay


Captain, Honorable Julito Gonzales at sa kaniyang mga kagawad, mga baranggay
tanod, mga magulang, mga mag, aaral, mga panauhin sa hapong ito, at sa mga
magsisipagtapos, Isang mapagpalang hapon sa ating lahat.

Noong una’y gusto kong tanggihan ang paanyaya ni Mam Ruberiza Derez na maging
inyong panauhing pandangal sa hapong ito. Bakit po? Dahil alam ko po sa sarili ko na
hindi pa ako ganap na matagumpay sa larangang aking pinili. Ngunit may 2 dahilan
po na nagbunsod sa akin upang tanggapin ang napakagandang pribelihiyong ito. Una,
napakahirap tanggihan ang paanyaya ng aking Alma mater, opo isa din ako sa mga
graduates ng paaralang ito na alam kong sya ring dahilan ng pagimbita ninyo sa akin.
Pangalawa, As I look back, to what I am before, noong mga panahong isa pa lamang
akong mag-aaral ng paaralang ito kung saan labis pang kahirapan ang aming
dinaranas, suot ng kupasing damit, pudpod na tsinelas o kaya’y walang sapin sa paa,
kumakalam ang sikmura, walang baon ay heto na ako ngayon at isa ng ganap na guro.
Masasabi ko pala na napakalayo na ng aking narating. Marami na pala akong mga
bagay na worth to be proud of.

Gusto kung ishare sa inyo kung paano ko narating ang aking kinalalagyan sa ngayon.
Bata pa lng po kami, iminulat na kami ng aming mga magulang sa kahalagan ng
edukasyon. Sa kabila ng kahirapan, itinaguyod kami ng aming mga magulang, kung
minsan ay gusto ko ng sumuko dahil sa labis na kahirapan, subalit laging andyan sila
upang hikayatin kami na magtapos, at maraming salamat sa kanila dahil ngayon ay
naabot ko na ang aking pangarap, ang maging isang guro. Kaya’t sa mga magulang na
itinataguyod ang pag aaral ng inyong mga anak, saludo po ako sa inyo. Wag po
tayong suusuko hanggat maabot nila ang kanilang tagumpay.At sa mga kabataan,
lalong lalo na sa mga magsisipagtapos, itatak ninyo sa inyong mga isipan ang
kahalagahan ng edukasyon. Eto ang magsisilbi nyong sandata sa pagharap sa lahat ng
hamon ng buhay, ang susi tungo sa inyong tagumpay.

Ang ating tema ngayong taon sa lahat ng nagtatapos ay “PAGKAKAISA SA


PAGKAKAIBA-IBA: kALIDAD NA EDUKASYON PARA SA LAHAT”

Ano nga ba ang nais ipabatid sa atin ng Temang ito? Alam natin na ang pagiging
isang Pilipino ay hindi ngangahulugan na iisa lang ang ating pinaggalingan. Hindi
lingid sa atin na tayo ay nagmula sa iba’t ibang mga ninuno, May Tagalog, Ilokano,
Bisaya, Bikolano at marami pang iba. Diversity: isang salitang patungkol iba’t ibang
uri. Opo, tayo ay may iba ibang lengguwahe at paniniwala. Ngunit sa kabila nito tayo
ay pinagbuklod ng iisang hangarin; ang pagkakaroon ng Kalidad na Edukasyon… At
yan mismo ang programang ibinibigay sa atin ng gobyerno. Libre at Kalidad na
edukasyon para sa lahat, Magmula sa Elementarya hanggang Kolehiyo. Opo, Libre
ang ang pag-aaral hanggang Kolehiyo.. kaya mga magulang huwag nating palampasin
ang pagkakataong ito. Ang Mapagtapos natin ang ating mga anak na siyang
magigigng susi upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.
Mga magsisipagtapos, ako ay umaasa na ang tema natin sa hapong ito ay mananatili
sa inyong isipan at magbigay ng inspirasyon para makamit n’yo ang inyong naisin sa
kabila ng mga hamon na darating—hindi lamang para sa sarili kundi para sa kapwa, at
higit sa lahat para sa bayan.

Sa kahirapan na nararanasan natin ngayon, malaking tulong ang edukasyon. Mga


minamahal naming mag-aaral na magsisipagtapos ngayon, ito ang ang inyong pag-asa
upang sa susunod na panahon hindi na tayo makakaranas pa ng kahirapan. Dahil sa
karunungan at abilidad na hatid ng Edukasyon kayo ay magkakaroon ng mabuting
kinabukasan. Always remember that Education is dignity, your assurance to have
a progressive life. This is your investment to achieve prosperity.

Pero tandaan ninyo, Dear Graduates, Graduation is not merely the end but only
the beginning of your new journey.. Marami pang pagbabago ang darating sa buhay
ninyo kung inyong ipagpapatuloy ang pagpupursigi sa pag-aaral. Ngayon ang umpisa
ng mas marami pang pagbabago sa buhay ninyo. Kaya nga’t marapat lamang na
huwag kayong tumigil sa pagtanggap ng karunungan dahil maraming kaginhawaan at
mabuting dulot sainyo. Magkaroon kayo ng specific purpose kung ano ba talaga ang
nais ninyong marating in the future, gusto nyo bang maging isang guro? Pulis? O
presidente ng Pilipinas? Lahat ng pangarap natin ay makakaya nating abutin basta’t
tayo ay determinado. Tandaan: Wlang imposible! Basta’t ikaw ay nagpupursige!

There are great things coming, and just as your parents are proud, each one of you
should feel proud of yourself.

So congratulations to all of the graduates, congratulations to the parents, and finally,


congrats to the teachers and everyone else who helped our graduates reach here today.

Bago ko po tapusin ang aking talumpati, nais ko pong mag iwan sa inyo ng isang
kasabihan.

“The success of a person is not only by chance, but a matter of your choice”. Ang
ibig pong sabihin, ang tagumpay ng isang tao ay hindi kusang dumarating, kung hindi,
ito ay pinagdedesisyunan mong gawin at pinagsisikapan upang ito ay makamtan.

Muli, binabati ko ang mga magsisipagtapos. Hangad ko ang inyong tagumpay.


Mabuhay kayong lahat!“

You might also like