You are on page 1of 8

Bago ko simulan ang aking talambuhay na puno ng mga masasayang alaala na tumatak sa aking

isipan at mga pangyayaring humubog sa aking kataohan, nais ko lamang ihayag sa inyo ang iba't
ibang kaisipan na bumabato sa aking isipan.

Lahat ng bagay ay nangyayari dahil may kaakibat na dahilan.


Bago ko ipagpatuloy ang talambuhay na ito ay hayaan nyo muna akong isalaysay kung paano ako
nabuo. Una,parehong lalaki ang anak ng aking mga magulang at palagi itong nag aaway dahil
hindi magkasundo sa maraming bagay. Pumasok sa isipan ng aking ina na paano kaya kung
magkaroon sya ng isang babeng anak na magsisilbing referee sa kanyang dalawang anak upang
hindi na ito mag away. Simula noon parati na syang pumupunta sa isang simbahan sa Sibuln na
San Antonio de Padua upang magdasal at ibigay ang kanyang hiling na magkaroon ng isang
babaeng anak. Di nagtagal, pagkalipas ng dalawang buwan ay dininig ng Poong Maykapal ang
kanyang panalangin at siya ay nabuntis. Pagkalipas ng siyam na buwan ng kaniyang pagbubuntis
ay sa wakas ay naisilang nya ang kaniyang babeng anak.

Ika-15 ng Hunyo taong 2004 nang unang nadinig ng aking ina ang malakas kong pag iyak,
senyales na ako'y kanyang nailuwal na at una kong nasilayan ang liwanag na nanggaling sa itaas,
ang ilaw. Masayang-masaya noon ang aking ina dahil sa wakas nailuwal na niya ang kaniyang
anak. Nang ipinakita sa kanya ng doktor ang kanyang munting sanggol ay nasilayan nito ang
kanyang maganda at mala-anghel na mukha, dumako ang kanyang tingin sa paa nito at
nasilayang kakaiba ito ngunit ipinagsawalang bahala niya ito. Makalipas ang mga oras ay nagtaka
ito kung bakit hindi pa ibinibigay ng mga doktor ang kanyang anak, nagsimula na silang kabahan
kung kaya't pinuntahan nila ang doktor at kinuha nila ako mula rito. Doon nila nalaman na nais
pala akong hingin ng mga doktor at nars upang ampunin dahil para sa kanila ay may dala raw
akong swerte. Labis ang pasasalamat ko sa aking ina at hindi nya ako ibinigay sa kanila at
naglaon ay pinalaki niya ako ng buong pag aaruga kasama ang aking ama at aking mga kapatid.

Nanirahan kaimi ng mapayapa sa lugar ng Piapi Dumaguete City at ngayon ay kalilipat lang
namin sa lugaf ng Bolocboloc Sibulan Negros Oriental. Ako ay ang unica hija at bunsong anak ng
mapagmahal at matiyagang ina na si Angelina Tenio Lastimoso at ng gwapo at masipag na ama
na si Gaudioso Tenoy Lastimoso. Simula nung dumating ako sa pamilya namin ay hindi na
gaanong nag aaway ang aking mga nakakatandang kapatid na sina Gaudioso Jr.at Earl Warren.
Madalas kaming magkasundo sa iba't ibang bagay kahit na malayo ang agwat ng edad ko sa
kanila. Sa kasalukayan ay ako nalang ang kasama ng aking mga magulang sapagkat ang aking
kuya na si Gaudioso Jr. ay nag asawa na at si kuya Earl Warren naman ay may kasintahan na,
ngunit palagi pa rin naman silang bumibisita sa bahay at hindi kailan man nalayo ang loob namin
sa isa't isa.

Ang aking ina ay nagtitinda ng isda habang ang aking ama naman ay isang tubero. Noong ako'y
apat na taong gulang pa ay madalas na sumasama ako sa aking ina sa paglilibot at pagtitinda ng
isda . Nasisiyahan ako sa tuwing nakakatulong ako sa aking mga magulang at sa tuwing nauubos
ang aming paninda dahil kahit sa maliit na bagay ay nakatulong ako sa kanila. Sa tuwing hindi
kami nagtitinda ay madalas nakikipaglaro ako sa aking mga pinsan, Sama sama kaming
pumupunta doon sa dagat na malalit sa amin upang maligo at magtampisaw, sumasampa rin
kamj sa mga riprap at tatalon sa malalalim na parte ng dagat. Minsan naman ay nangunguha
kami ng mga shells at mga lamang dagat kapag dapit hapon na. May mga panahong hinahabol
kami ng aming mga magulang na may dalang pamalo dahil pumunta kami sa dagat nh walang
paalam, dali dali naman kaming tatakbo, tatalon sa mga bato at sisigaw na 'tara uwian na' upang
hindi kamk mahabol ng aming mga magulang. Ang aking kabataan ay punong puno ng mga
masasayang alaala na kailan man ay hinding hindi ko makakalimutan. Pero meron din namang
mga malulungkot na mga alaala, gaya nong madals akong dalhin sa ospital ng aking mga
magulang dahil palagi akong nagakakasakit. Sa awa naman ng Diyos ay nakakaya ko naman ito.
Ang pinakamalungkot na naranasan ko sa aking murag edad ay noong nasawalang bahala ako ng
aking ina dahil inatake sa puso ang aking ama, madalas akong ibilin ng aking ina sa kanyang
kapatid at lahat mg kanyang atensyon ay natutok sa aking ama. Araw araw ay ipinagdarasal ko
noon na sana ay gumaling na aknh aking ama upang makasama pa namin sya nang matagal at
maipakita ko sa kanya ang aking pagmamahal at masilayan niya aking lumaki. Di nagtagal ay
gumaling din ang aking ama at bumalik sa dati ang siya sa aming pamilya.

Noong apat na taong gulang din ako ay nagsimula na akong maga aral, naging vusitor ako sa
isang paaralan at kalaunan ay tinanggap din ako bilang isang grade 1 student kahit na dapat
limang taong gulang ang para sa baitang na iyon. Nakapasok ako ng grade 1 sa mhrang edad
dahil marunong na akong magabasa at magbilang, medyo advance kasi ang isp ko. Naging 1st
honor stydent ako nong grade 1 hanggang grade 2 at consistent honor student hanggang grade
6 sa paaralan ng North City Elementary School. Noong grade 6 ay madalas akong nasasali sa
mga contest gaya ng broadcasting at dahil sa pagsisikap ay nakapagtapos ako ng elementarya ng
mayroong mga medalya.
Pagsapit ng sekondarya ay pinili kog mag aral sa Negros Oriental High School, Sa paaraln an ito
nahubognang husto ang aking utak, naging bukas ito sa mundo ng reayalidad. Hindi katulad
noong nasa primarya pa lamng ako na madali lang i add ang one plus one equals two, ngayon
meron ng mga x at y, di ko nga alam kung magagamit ba namin ito sa totoong buhay. Ngayon ay
ksa na akong grade 10 student at nagpapsalamat ako sa Diyos at nakarating ako sa puntong ito.
Masasabi ko talagang puno ng stress ang high school, dito ko naranasang umuwi ng dis oras ng
gabi dahil sa mga proyekto na kailangang isumeti ang mga deadlines na kailangang habulin.
Ngunit ganun pa man naging masaya ang aking pag aaral dahil nagkaroon ako ng mg kaibigan na
laging nandyan sa tuwing aking kailangan.

Sa high school ko rin naranasang magkaroon ng madaming crush at magkaroon ng kasintahan


ngunit ang masaklap ay naibigay ko ito sa taong di karapat dapat sa pagmamahal ko. Masaya
magkaroon ng kasintahan dahil mayon kang rason upang gumising ng umaga at masiglang
kumain ng agahan, higut sa lahat magkakaroon ka ng rason upang pumasok sa paaralan. Ngunit
walang forever ika nga, walang permante sa mundong ito, ang lahag ng tao ay dadating sa
buhay natin upang bigyan tayo ng leksyon at matuto upang sa susunod ay di na tayo magkamali
pa.

Sa kasalukuyan, mas iigihan ko pa ang aking pag aaral upang makapagtapos pa rin ako bilang
consistent honor student at upang dahan dahan kong makamit ang mga mithiin ko sa buhay at
upamg masuklian ko ang lahat ng mga paghihirap ng mga magulang ko paa sa akin.
Masasabi kong isa akong matahimiking tao, lagi akomg matatagpuan sa apat na sulok ng aking
kwarto. Mahilig akong magbasa ng mga wattpad stories, dahil dito nadadala ako ng aking
imahinasyon sa iba't ibang panig ng mundo at nakakasalamnuha ako ng iba't ibang personalidad
ng mga tao. Nang dhil sa wattpad ay napagkakamalan akong baliw ng aking pamilya dahil
natatawa lamang akong mag isa o di kaya nama'y umiiyak habang nagbabasa, ang galing talaga
ng wattpad. Mahilig din akong manood ng mga korean movies dahil magagaling ang mga aktor
dito. Buong araw pag wala akong pasok ay iyan lamang ang aking ginagawang pampalipas oras.
Lumalabas lamang ako ng aking kwarto kapag nais kong makipag party sa aking mga pinsa sa
larong mobile legends. Paboritong paborito ko ang larong ito lalo na pag natatalo ko ang aking
mga kalaban. Ang mobile legends ang maihahalintulad ko sa ating buhay, kailangan nating
puksain at sugurin ang kalaban upang hindi nila masira ang ating base at sirain ang kanilang
balwarte upang tayo'y magpatuloy sa sunod na hakbang ng ating buhay at marining ang saliang
Vuctory at hindi ang Defeat.

Sa aking paglaki, mas pinipili kong maging tahimik ag obserbahan ang lahat ng nagyayari sa
aking paligud upang mayroon akong matutunan mula rito. Inaamin ko na hindi maganda ang
aking ugali gya ng sabi ng mama ko dahi madalas hindi ko pinapansin ang mga taong pumpunta
sa bahay na kakilala ng mama ko. Ang totoo ay nahihiya lamang ako sa kanila at hindi ko alam
kung sa anong paraan ako makikisalamuha sa kanila. Ang lagi ko lamang kinakausap sa bahay ay
ang aking mga pinsan dahil kilala ko na sila simula pagkabata at nauunawaan nila ako.

Naalala ko pa noon ay madalas kaming maglaro ng pageant sa amin at ang ginagawa naming
premyo ay mga chichirya na nagkahalaga ng piso. Madalas din akming maglaro ng luksong baka,
taguan, habulan at iba pa. Kapag wala akong ginagawa ay nakahiligan ko ng lumuta sa bahay ng
mga pinsan ko dahil iisa lang ang lupa na kinatitirikan ng bahay namin. Kaya naman ay hindi ako
nakakaramdam ng pagka bored sa bahay. Kami ng pamilya ko ay mahilig pumunta at mamasyal
sa iba't ibang lugar. Lalo na kapag summer o di kaya'y may mga birthday celebrations, madaas
ay naliligo kami sa dagat o sa mga swimming pool kasama ang buong pamilya at mga pinsan.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil nandito ako sa pamilyang to, na kahit anumang
pagsubok na dumaging sa aming buhay ay hindi parin kami nagkawatak watak at nanatili pa rin
kaming buo.

Hindi man kami nakatira sa mala lalasyong bahay at wala man kaming gaanong pera, laking
tuwa ko parin dahil sa pamilyang to, lumaki akong puno ng mga kapana panabik na alaala at
mga karanasan na mababon ko hanggang sa aking pagtanda.
Ang aking paligid ay punong puno ng kulay, ngunit ang pinakanahumaling ako sa lahat ay sa itim
na kulay. Gustong vusto ko ang kulay na ito dahil simple lamang ito ang malinis khng tingnan. Sa
kulay na ito ay nakakaramdam ako ng pagiging komportable. Mahilig akong mapag isa sa dilim
dahil nailalabas ko ang aking mga saloobin na hindi nakikita ng nakararami. Ako ay isang
misteryoso sa harap ng ibang tao, madaming matangian na dapat tuklasin, nasa iyo nalang kung
akoy iyong kikilalanin. Kapag akoy nag uisa sa dilim ay nakikinig ako ng mga musika na
nagpapagaan sa aking kalooban. Ang pinakapaborito kung kanta ay yung Stuck by Dareen
Espanto. Isa itong englis na kanta tungkol sa pakiramdam ng isang tao na hindi pa nawala o
hindi pa naka move on. Masasabi kong maihahlintulad ko ang aking nararamdaman sa kantang
ito dahil may mga nadarama pa akong hindi ko pa nabibitawan. Pero noon yon, ngayon naka
move on na ako at masya ako sa buhay ko. Sadyang maganda din kasi ang melody ng kantang ito
kaya binabalik balikan ko pa din.

Pagdating sa artista ay namamangha ako kay Liza Soberano kasi ang ganda nya, parang ako lang.
Nagustuhan ko rin yong personalidad nya na sobrang down to earth, yong kahit ang dami na
niyang mga nakamit na mga pangarap at sikat na sikat na sya, nanatili pa rin siya sa lupa at hindi
tumaas yong pagiging magarbo niya. Higit sa lahat magaling din siya na aktres at nagagampanan
niya yong mga role na ibinibigay sa kanya sa iba't ibang mga palabas.
Kapag nasa labas, mahilig akong maglaro ng badminton, umakyat sa puno ng bayabas at
magbisekleta. Ang gulong ng bisekleta naman ay maihahalintulad ko sa buhay, minsan nasa
ibaba ka at minsan nasa taas. Kailangan lang talaga nating maging matatag upang harapin at
puksain ang lahat ng hamon na dumating sa ating buhay. Kapag nagbibisekleta rin ako ay
nakakaramdam ako ng kalayaan at parang panandaliang nawawala ang aking problema lalo na
pag maganda ang simoy ng hangin.

Mahilig din ako sa iba't ibang tanawin, gaya ng paglubog at pagsikat ng araw. Sobrang
nakakgaan talaga sa pakiramdam pag nasisilayan ko ang tanawin na ito. Napagtatanto ko rin na
lahat ng bagay ay may katapusan ngunit dapat gayong magpatuloy dahil may panibagong araw
pa na daratimg, panibangong araw upng baguhin ang mga maling bagay na nagawa at higit sa
lahat, panibagong araw upang unti unting tuparin ang lahat ng ating mithiin sa buhay. Pero yong
pinaka ayaw kong view ay yong makita ka na masaya at may kasamang iba habang tayo pa. Ang
lungkot lang kasi ng pakiramdam na ito paramg unti unting dinudurog ang puso ko. Buti nalang
noon pa yon at sinabi ko nga na naka move on na ako.

Sa totoo lang ang pinakamalungkot na view na nakita ko ay yong umiyak yong mama ko. Iyak
nya lang para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kaya di talaga ako gagawa ng kahit na
anong ikaiiyak niya dahil sobrang sikip iyon sa dibdib.
Madalas, tuwing makakakilala ako ng bagong panauhin, tinatanong nila kung sino ako...

You might also like