You are on page 1of 8

Sa likod ng malalakas na putukan ang siyang pag-iyak ng dalwang bata, mga batang parehong biktima ng

karahasan pero sa magkaibang paraan. Mga batang biktima ng masalimoot na kapalaran.

Giyera*

Pinakita ang buhay ng dalawang magkaibang bata, isang anak ng muslim at anak ng rebelde

Graduation*

"Sa araw na ito, nais kong si Bb. Nur-ainne Aharaji na nakapagtapos na may pinakamataas na marka
ngayong taon upang ibahagi satin ang kanyang talumpati ng pasasalamat"

Nag lakad siya mula sakanyang upuan patungo sa entabladong pagtatanghalan. Siya ang yumuko at
pasimpleng nag pasalamat sa kanyang guro dahil sa pag tawag sakanyang pangalan.

"Nais ko lang batiin si Gng. Lyka Mae S. Garin, (position) nang isang magandang umaga, ganun sa ating
mga pinakamamahal na guro, mga bisita, mga magulang at mga kapwa kamag-aral. "Nagawa natin!",
Mga paunang salita na gusto kong isigaw sa harap niyong lahat. Marahil may ilan sainyong nagtataka
kung bakit "natin" ang binanggit ko sa halip na "ko", siguro naisip niyo rin na kaya ko sinabi yun dahil
lahat kayo ay mistulang ginawa kong parte ng buhay ko. May tama at mali kayo, oh diba magulo? Pero
para maliwanagan kayo, ihahatid ko sainyo ang buong kwento. Ang pagtatapos kong ito ay di lamang
simbol ng pagtatapos ko sa aking pag-aaral, simbolo it ng katapusan ng pag hihirap. Pag hihirap sa
mapaglarong tadhana na puro sakit at poor ang dinulot sakin at sa buo kong pamilya. Simbolo din ito ng
pagtatapos ng isang magulo at nakanda buhol buhol na parte ng aking buhay, pagtatapos sa parte ng
nakaraan na nais kong matanaw pero ayoko ng balikan. Higit sa lahat ito ang pagtatapos na magiging
tuloy sa bagong simula. Sa laban na ito di ko ramdam ang aking pag iisa, sa bawat pag tayo ko ng matikas
may mga taong di ko inaasahan aalalay sa akin. Ang aking munting pangarap ay nagsimula lamang sa
isang musmos na bata."

Flash back*

May isang batang umiiyak sa sobrang pag hihinagpis. Ang bawat patak ng kanyang luha ay isang
pahiwatig nga masidhing damdamin

"Amna, mag impake ka na at lilipat na tayo sa ibang lugar. Hinding-hindi na tayo magiging ligtas dito."

Dali-daling nag impake ang mag kapatid habnag ang mga kamay nilay nanginginig sa sobrang takot at
ang mga luhay nilay patuloy parin sa pag patak.

Sinubukang mag baka sakali ni (ate's name) na mag hanap ng pera ngunit kahit saan siya mag hanap
wala siyang mahanap. Nag pabuntong hininga na lang siya ta sinabing "diyos ko tulungan mo kami (will
be translated in Islam)"

"Amna halika na, aalis na tayo",


"Pero ate anong sasakyan natin? Pamasahe? Meron ba tayo nun? San tayo pupunta? Wala naman
tayong pamilyang iba ah”, pagtatakang sagot ni Amna

"Wag nang maraming tanong Amna, ang mahalaga kailangan na nating makaalis dito sa madaling
panahon.", sagot ni Nur-ainne

*Dali-dali niyang hinila ang kanyang kapatid at patuloy silang naglakad. Mula sa ilang hakbang, umabot
sila ng ilang kilometro hanggang nagabihan na sila. Nilalabanan nila ang init ng araw at pagod.*

"Ate pagod na ako. Pwede ba bukas na lang ulit tayo magpatuloy. Nakakalayo na rin naman tayo,
sigurado akong mas ligtas tayo dito.", pakiusap ng pagod nang nakakabatang kapatid

"Sabagay gumagabi na rin mas delikado kung mag papatuloy tayo. Malatag na lang tayo ng karton sa
may gilid at magpahinga.", sagot ng nakakatanda

*Nagpalipas ng gabi ang mag kapatid sa gilid ng kalsada, dama nila ang lamig, ingay at dumi ng paligid.*

- *Maagang nagising si Amna at dama niya ang pagkulo ng kalamnan, nag gugutom na siya ngunit wala
silang pera at pambili ng pagkain.*

"Ate, ateee gumising ka diyan. Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain.", halinghing na sabi ni Amna

*Bumangon ang kaniyang ate at hinarap siya.*

"Amna wala tayong perang pambili ng pagkain, kaya nga naglakad lang tayo diba? Tiisin mo na lang
muna yan at mag hahanap si ate ng pagkain.", paliwanag ni Nur-ainne sa kapatid

*Tumango na lang si Amna at tuluyan ng umalis ang kanyang ate. Nag hanap ito ng pagakain sa
basurahan, dahil ito na lamang ang alam niyang paraan. Habang ginagawa niya ito ay tumutulo ang
kaniyang luha. Tumingala siya sa itaas.*

"Bat mo to ginawa samin? Bat mo to pinaranas samin, ang bata pa namin para magkaganito.", tanong ni
Amna
*Nag lakad na siya pabalik sa kapatid niya dala dala ang isang pirasong tinapay na kanilang pag
sasaluhan.*

*Tuwang tuwa si Amna ng matanaw ang kaniyang ate.*

"Yeheeeeyyy ate may pagkain na tayo, salamat", pasasalamat ni Amna sa ate

"Ubusin mo na yan at magsisimula na ulit tayong mag lakad", pagmamadaling sabi ni Nur-ainne

*Sa oras na natapos ni Amna ang kaniyang pag kain, agad nilang niligpit ang karton na kanilang hinigaan
at binitbit ito kasama ang kanilang nga gamit.*

*Nag patuloy silang mag lakad nang malakad, nasalubong sila ang init, ulan at kung ano ano pa man sa
kalsada.

-speech-

Mula sa patapong basura, naiahon ako ng mga taong muntik na rin ibasura. Bago ko nakita ang aninag
ng nakakasilaw na liwanag, pinagdaanan ko ang dilim. Nalugmok ako bago bumangon.

-flash back-

*Sa kalagitnaan ng paglalakad ng dalawang magkapatid, may nasaksihan silang di inaasahang


pangyayari. May isang babaeng hinoholdap ng mga matitikas na tindig na mga lalaki. Isa Isa nilang
tinakot ang babae upang ibigay ang kaniyang mga pera ngunit nag pupumilit ito. Nakisali na si Nur-ainne
sa kaguluhan at sinubukang ipagtanggol ang ginang.*

"Hoy tigilan niyo yan! Sa halip na ganto ang gawin niyo, mag hanap kayo ng marangal na trabaho. Gusto
niyo bang galing sa maduduming paraan ang ipapakain niyo sa pamilya niyo?", matapang na sinabi ni
Nur-ainne

"Ano ba sa tingin mong kaya mong gawin ha? Tandaan mo Bata ka lang. Di mo kami kaya, nag
mamagaling ka pa eh kayong mga muslim naman ang pasimuno ng gulo lagi eh.", hambog na katwiran
ng holdaper
"Oo, Muslim ako pero di yun naging rason para di ako gumawa ng tama. Walang relihiyon ang
makakapagdikta kung anong dapat nating gawin. Mabuti pa ako kahit ganito alam ang tama at mali, di
katulad niyong mga hangal!", buong loob na sabi ni Nur-ainne

Babanatan na sana ng sampal ng lalaki ang Bata. Ngunit may mga pulis na dumating at hinuli sila.
Marahan na tinignan ng Bata ang mga pulis bago sila maka alis at lingid sa kaalaman niya na isang
mayaman at kilalang tao ang tinulungan niya.

"Iha salamat nga pala sa pagtulong mo sakin. Marahil di ako maliligtas kung wala ka”, pasasalamat ng
biktima

"Walang anuman po. Ganun naman po ang tama diba?", pagpapakumbabang sagot ni Nur-ainne

"Tsaka nga pala, matanong ko lang kapatid mo ba yun? Bat ganyan kayo ka dungis at saan ba kayo
pupunta?", pagtatakang tanong ng ale

"Opo, kapatid ko po yun. Di po talaga namin alam kung saan kami pupunta. Ulilang lubos na po kasi
kami. Ilang araw na po kaming nag palaboy laboy sa daanan dahil wala na po kaming ibang
pupuntahan.", sagot ni Nur-ainne

"Kung di mo mamasamain, maari ko bang tangungin kung anong nangyari sa magulang mo?" "Ganto po
ang nang yari."

-flash back-

Isang maaliwalas na araw ang bumungad sa buong pamilya. Nag handa na ng agahan ang ilaw ng
tahanan at tinawag ang kangyang mga anak.

"Amna, Nur-ainne , hali na kayo kakain na",

"Wooow nay, Ang sarap Naman po niyan"

"Syempre inihanda ko yan para sainyo. Nga pala pagkatapos niyong kumain magsiligo na kayo at
pupunta tayo sa bayan, mamimili tayo ng mga gamit"

"Sige po nanay"
Nakapaghanda na at nag ayos na ang buong pamilya, sumakay sila at nakarating na sa bayan.

“Andito na tayo mga anak"

Pawang mga ngiti ang tungon ng mga anak sakanilang ama. Papunta pa lamang sila sakanilang pag
bibilhan ngunit nakarinig sila ng malalakas na putok ng baril. Napuno ng sigawan ang mga paligid pati na
rin ng mga nagbabagsakang mga bangkay. Kanya kanyang nagtatakbuhan ang mga tao ang pilit na isalba
ang kanilang buhay. Nilapitan sila ng mga armadong lalaki at tinutukan ng baril ang kanilang magulang.

"Kami na lang, wag na ang aming mga anak. Wag niyo na silang idamay."

*Pag mamakaawa ng kanilang ama habang umiiyak sa takot ang kanilang mga anak.

"Maawa po kayo samin, wag niyo po kaming sasak—" Pahabol sa nasabi ng ina ngunit di pa man neto
natapos ang kanyang sasabihin ay binaril na silang dalwa ng kanyang asawa sa harap ng kanilang anak.
Walang ibang nagawa ang mga bata kundi umiyak at sumigaw dahil sakanilang natunghayan. "Wag nga
kayong umiyak! Gusto niyo kayo isunod ko sa mga magulang niyo? Kung ayaw niyo mangyari yun
tumakbo na kayo sa bilang na sampu. Isa, dalawa!" Dali daling tumakbo ang mag kapatid ngunit
natalisod si Amna. "Aniiiim!" Sigaw ng armadong lalaki. "Amna dalian mo, kailangan na nating mag tago"
"Ate mahapdi" "Waloooo! Wag niyo kong ginagalit" "Amna Dali naaaa!" At tumakbo sila kahit
nahihirapan na si Amna. Patuloy silang nag tago at umuwi ng maggagabi na. Akala nila tapos na ang
lahat ngunit araw -araw silang ginagambala ng mga aramdong lalaki sa kanilang bahay Kaya napag
desisyunan nila na umalis na lang. -present- "Wala bang ibang mag aalaga sainyo?" Tanong ulit ng
ginang. "Wala na po." "Gusto niyo ba na ampunin ko na lang kayo?" "Sige po, gustong gusto po namin"
Inuwi na sila ng mayamang ginang. Pinaliguan at binihisan.
Speech-

Sobrang hirap ng napagdaanan ko pero lahat ng naikwento ko ay hindi siyang kwento ng buhay ko, oo
tama ang narinig niyo. Di yun kwento ko pero kwento yun ng taong tumulong sakin maabot lahat ng ito.
Ang taong tumulong sakin sa kabila ng paglalapastangan sakanila ng aking ama. Opo, rebelde po ang
aking ama, sila ang mga armadong lalaking pumatay sa mga magulang nila ate Amna at ate Nur-ainne
pero gayun pa man nakuha parin nila akong tratuhing parang tao."

-flash back-

Nag sumikap sa pag tatrabaho si ate Nur-ainne ngunit sumagi sa isip niya na hanapin at bigyan ng
hustisya ang brutal na pagkamatay ng kaniyang mga magulang. Nag simula siya sa pagtatanong ng mga
detalye tungkol dito hanggang dumating siya sa puntong nahanap niya na ang pamilya nito at nakita niya
kung gaano sila kahirap. Sa halip na magalit siya, ay mas naawa siya sa sitwasyon na kanyang nakita.
Kinausap niya ang batang anak ng rebelde.

Tanong ni Nur-ainne sa isang bata,"Bata maaari ka bang matanong? Ama mo ba to?" (Sabay pakita sa
litrao ng isang lalaki)

"Opo bakit po? Kung hinahanap niyo po siya Wala na po siya dito. Matagal niya na po kaming di
inuuwian pero mas mabuti na po yon kasi kung uuwi po siya sasaktan niya lang po kami.", nakaka-awang
sagot ng bata

"Ganun ba? Ilang taon ka na ba?", tanong ulit ni Nur-ainne sa bata


"8 years old po", sagot ng bata

"Nag aaral ka ba?", malalim na tanong ni Nur-ainne tungkol sa anak ng lalaking nasa litrato

"Di po, gustihin ko man po pero pagkain nga wala po kaming pambili, pampaaral pa po kaya?",
nakakatindig ng pusong sagot ng bata

"Gusto mo bang tulungan Kita? Katulad mo rin ako dati, walang wala pero may tumulong lang din sa
akin kaya ngayon nais ko ding tulungan ka.", panghikayat na tanong ni Nur-ainne

"Ikinagagalak ko po iyan ateng pulis”, magalak na sagot ng bata

Speech-

Simula noon, natawid ko ang baluktot kong buhay. Kaya para sayo ateng pulis, salamat at di ako
trinatong iba. Salamat at nakita mo ako bilang tao kahit di maka tao ang ginawa sayo ng aking ama.
Salamat kasi dahil sayo andito ako humihinga at nabubuhay. Di ko man mababayaran ang kinuhang
buhay sainyo ng aking ama, sisikapin ko parin pong ibalik ang kabutihang ibinigay niyo sakin. Wala kasing
halaga ng pera ang pasasalamat na ibibigay ko dahil buong puso ko ang kailangan kong ialay. Ngayong
araw gusto kong ipag sigawan sa lahat na proud po ako sayo dahil natupad mo na ang iyong pangarap at
yun ay patunayan na di lahat ng muslim ay masasama, na kayo ay biktima lang rin mga taong
mapanghusga. Ang araw na ito ay pagdiriwang ng mga iba’t ibang pangarap na natupad. Muli, maraming
salamat po at magandang umaga"

*Tumakbo siya kila Amna at sinabit sa leeg nila ang mga medalyang nakuha niya at sabay silang nag
yakapan at sabay-sabay na sumigaw ng "Para sa mga taong hinusgahan pero mga totong biktima"
"Bukas na bukas, ipapaenroll ko kayo sa paralaan. Ayos ba yun?" "Ayos na ayos po" Dumating ang
kinabukasan at pumunta sila sa paaralan para mag pa enroll. Bumili na rin sila ng mga gamit nila para
handa na silang pumasok. Ayos naman lahat kaso dumating ang panahon na umuwi si Amna na
uumiyak. "Ateeeee!" "Oh bakit?" "Totoo ba yung sinasabi nila? Na salot daw tayo? Na mamamatay tao
daw tayo? Na pasimuno tayo ng mga gulo ate?" "Amna wag mo silang paniwalaan, hayaan mo lang sila.
Dapat maipakita natin sakanila na di tayo ganun. Ipangako mo sakin na kahit anong mangyari, di mo sila
papatulan okay?" "Opo ate pangako po mag tatapos po ako at ipapakita kong kaya ko at di ako
masamang tao" Nagpatuloy sila sa pag aaral, mga batang lagi sila sinasaktan, binubully, sinusulatan ang
mga upuan nila ng mga masasakit na salita ngunit ni minsan ay di nila it pinatulan. Iniiyak na lang nila at
patagong nasasaktan. Ilang taon na ang lumipas, nakapagtapos si (ate's name) sa kolehiyo bilang magna
cum laude, laking tuwa ng ginang na nagpaaral sakanila na makita siyang naaabot na ang kaniyang
pangarap. Nag handa sila ng salo salo sa bahay nila at pinatawag ang mga piling kaibigan niya. Napuno
ang bahay ng kasiyahan at mag isang kaibigan siya na tinanong kung anong gagawin at kukunin niyang
trabaho. "Gusto ko mag pulis, bata pa lang ako yung na ang pangarap ko. Balak kong maging rason sa
kaligtasan ng ibang tao" Tugon niya sakanila. Lumipas ang isang buwang at nag apply siya nga trabaho sa
PNP at sumailalim sa matinding training. Napagtagumpayan niya ito lahat.

You might also like