Professional Documents
Culture Documents
Pakiusap PDF
Pakiusap PDF
Pangangailangan ko ay huminahon
pero, pero, bakit nalang na gayon
Kaulayaw mo ay wala akong dahon
Tibay ng iyong oo aking hiling
O kaya'y pagtanggi sa aking piling
Upang di magdamdam ng nakapiring
Katotohanan malaman ko din
Di mapakali aking damdamin
Totoo ba mga sulyap o ngiti, hangin
Hangin lang siguro, bakit ganito
Wala akong magawa kundi magtampo
Ipagpatawad kung di mapahayag
Saka di ko rin kailangan ng habag
Kailangan ko'y ikaw, o kaya'y wag
Pagtanggap o isang pusong basag.
Kahirap magpakatanga, alam mo
Magpaalam nalang muna ako
Maghihintay na ako sana'y tumino
Tatanggapin sagot ng iyong puso
Kasi di ko kaya, di talaga,
Nasan na ba ako, ako lang masisira
Kalimutan mo na lahat, dahil hindi ako
Sa ngayon alam ko, siguro, ay di ako.
Gusto ko lang malaman, sagot, hindi, oo.