You are on page 1of 12

Sesyon: 10

1st Quarter
TUKLASIN

May pagkakataon sa buhay ng isang nilalang na masusunod ang


lahat ng gusto, ngunit siya’y nagkakamali. Totoo ang kasabihang
nasa huli ang pagsisisi. Malalaman natin ngayon na ang isang
nilalang ay nagsisisi matapos niyang hindi sinunod ang utos.
MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1.Ano ang paborito mong prutas?


2.Anong mayroon sa prutas na paborito mo?
3.Ang kasoy ba ay isang prutas?
4. Nakatikim na ba kayo ng prutas na kasoy?
GAWAIN 1

Pagpapakita sa larawan ng Kasoy; Sa larawang nakita gagawa ng


pangungusap tungkol sa kasoy.
GAWAIN 2
Sa nabasang alamat ibigay ang mga panghalip na ginamit. Ano-anong mga panghalip
ito?

Ano-anong uri ang mga panghalip sa alamat?


Alam mo ba na…
Ang pagbibigay hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari ay sa
pamamagitan ng masusing pakikinig/pagbabasa sa alamat. Ang
kalalabasan ng kuwento ay kadalasang nababatay sa katangian o
pananaw ng mga pangunahing tauhan.

Ang paggamit ng panghalip sa iba’t-ibang sitwasyon ay malaking


tulong sa pakikipag-usap/pakikipagtalastasan
GAWAIN 3
Pangkatang Gawain

Iguhit ang kinalabasan ng buto sa hindi niya


pagpasok sa loob… Gagawa ng pangungusap
batay sa larawan na ginagamitan ng panghalip
panaklaw at panulad.
PAGLALAPAT
GAWAIN 4 – Pangkatang Gawain

Pangkatang pag-uulat.
PAGLALAPAT

• Pagpangkat-pangkat sa mga mag-aaral sa 4.

• Bawat pangkat ay iguguhit nila ang prutas na kasoy sa ibaba ng


kasoy ay isulat ang panghalip na panaklaw, sa kanang bahagi ng
kasoy isulat ang panghalip panulad, sa kaliwang bahagi isusulat
ang dalawang pangungusap na ginagamitan ng panghalip
panaklaw at panulad.
TANDAAN MO

• Ang panghalip panaklaw ay uri ng panghalip na may sinasaklaw na


kaisahan, bilang, dami o kalahatan. Ito ay maaaring tiyakan o di-
tiyakan. Halimbawa ng tiyakan; isa, bawat isa, kaunti, madla, lahat,
tanan, marami balana atbp. Ang mga di-tiyakan ay mga panghalip
na pananong na kinakabitan ng man na nangangahulugan nang
hindi tiyakan ng pinag-uusapan.

HALIMBAWA:
anuman, sinuman, magkanuman, kailanman, saanman atbp.

Ang panghalip panulad ay ganoon, ganito, ganyan, ganire.


PAGSUBOK NG KAALAMAN
Kilalanin ang panghalip na ginamit sa pangungusap at bilugan ito, isulat sa patlang kung
panaklaw o panulad.

_________ 1. Kaya niyang bayaran magkanuman ang halaga ng lupang iyon.


_________ 2. Anuman ang sasabihin mo ay paniniwalaan ko.
_________ 3. Ganyan din ang lagging tagubilin ni Papa sa amin.
_________ 4. Sasama daw si Ate sa kanyang asawa saanman madestino ito.
_________ 5. Ganoon pala, hindi mo sinabi agad.
_________ 6. Kaninuman ako humarap ay hindi ako natatakot.
_________ 7. Gustong-gusto niya ang lansones, ilanman yata ay makakain niya.
_________ 8. Huwag mong ipamalita ang anumang narinig mo sa usapan.
_________ 9. Kaninuman ay hindi nahihiyang makipag-usap ang batang iyan.
_________ 10. Ganoon din ang laging sinasabi ng kanilang lider sa relihiyon.
GAWAIN 5
Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Punan ang
patlang ng anuman, alinman, sinuman, kaninuman, kailanman,
saanman, magkanuman,ganyan upang mabuo ang pangungusap.

1.Handa siyang makipagtalo____________.


2. Dapat isauli ______hiniram.
3. Hindi siya natatakot _______siya makarating.
4. _________sa dalawang aklat na iyan ay pihong maiibigan mo.
5. Babayaran ko ang damit na iyan_________ ang halaga.
6. Si Herman _________ ay hindi nandaya sa pasulit.
7. Ang ________ may takot sa Diyos ay hindi nandadaya.
8. ________din ang lagging tagubilin ni Inay sa akin.

You might also like